Pabahay: Madalas na mga Katanungan

Pabahay: Madalas na mga Katanungan
Ang DRC ay tumatanggap ng malawak na hanay ng iba't ibang uri ng mga tanong sa pabahay. Nasuri namin ang ilan sa mga tanong na pinakamadalas naming natatanggap at pinagsama-sama ang aming mga sagot sa publikasyong ito. Sinasaklaw ng publikasyong ito ang mga isyu gaya ng pagpapaalis, tulong sa pag-upa, makatwirang akomodasyon, kondisyon ng pabahay, at higit pa.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Talaan ng Nilalaman
- Mga Pagpapaalis
- Tulong sa Upa
- Abot-kayang Pabahay, Seksyon 8
- Makatuwirang Kaluwagan at Makatuwirang Pagbabago
- Mga Katulong na Hayop: Mga Hayop sa Emosyunal na Suporta at sa Serbisyo
- Mga Tagapag-alaga (Nakatirang mga Katulong)
- Diskriminasyon sa Pabahay
- Pakikipag-usap sa Awtoridad sa Pabahay at Ibang mga Tagapagbigay ng Pabahay
- Pansamantalang Relokasyon para sa mga Pagkukumpuni
- Pagpigil ng Upang Relokasyon para sa mga Pagkukumpuni
Mga Pagpapaalis
Sinusubukan ng aking landlord na paalisin ako – ano ang dapat kong gawin?
A. Nakatanggap ka ba ng nakasulat na abiso sa pagpapaalis?
- Hindi: Ang mga landlord ay dapat bigyan ang mga umuupa ng nakasulat ng abiso upang simulan ang legal na proseso ng pagpapaalis at dumaan sa mga korte (maliban sa napakalimitadong mga eksepsyon) upang paalisin ka. Hindi maaaring basta-bastang sasabihin sa iyo ng iyong landlord na umalis ka. Ang mga text message o maikling mga email ay malamang na hindi sapat upang ituring na legal na nakasulat na abiso. Hindi rin maaaring basta-bastang baguhin ng iyong landlord ang mga kandado, patayin ang kuryente, tumangging magkumpuni, o gawin ang ibang mga bagay na sinadya upang umalis ka. Ito ay ilegal at tinatawag na “sariling-sikap” na pagpapaalis.
- Oo: Basahing maigi ang abiso at bigyang pansin ang mga petsa. Lubos naming inirerekomenda na humingi ka ng legal na payo sa lalong madaling panahon. Mayroong iba-ibang uri ng mga abiso depende sa dahilan kung bakit ka pinapaalis ng iyong landlord at kung anong uri ng pabahay kung saan ka nakatira. Ang mga abiso sa pagpapaalis ay karaniwang 3, 10, 30, 60 o 90 araw ngunit ang pinakakaraniwang abiso ay 3 araw lamang (hindi kasama ang mga sabado’t linggo at piyesta opisyal) simula sa araw pagkatapos mo matanggap ang abiso.
- Ang abiso sa pagpapaalis ay maaaring magbigay sa iyo ng pagkakataon upang “lutasin o tapusin” bago ang katapusan ng panahon ng abiso. Nangangahulugan ito na mayroon kang panahon upang ayusin ang problema (“lutasin”) o umalis (“tapusin”) bago ang takdang arawa sa abiso. Kung aayusin mo ang problema sa loob ng takdang araw, dapat hindi ipatuloy ng iyong landlord ang pagpapaalis. Sa pangkalahatan, makatutulong na magpadala ng patunay sa iyong landlord na naayos mo ang isyu bago ang takdang araw. Kabilang sa ilang mga halimbawa ang pagbabayad ng utang na upa, paghihinto ng pag-uugali na lumalabag sa iyong upa, o iba pa. Dapat sabihin sa iyo ng abiso kung ano ang gusto ng iyong landlord na gawin mo. Kung hindi mo lubos na maayos ang problema hanggang pagkatapos ng takdang araw sa abiso, maaari pa ring ipatuloy ng iyong landlord ang pagpapaalis sa pamamagitan ng paghain ng kaso sa korte.
- Kung hindi ka nabibigyan ng pagkakataong ayusin ang problema (“lutasin”) ng abiso, o kung hindi ka sumasang-ayon sa abiso (halimbawa, hindi mo ginawa ang sinasabi ng abiso na ginawa mo), mayroon kang dalawang opsyon:
- Maaari kang tumugon sa abiso sa pamamagitan ng sulat bago ang katapusan ng panahon ng abiso at ipaliwanag kung bakit hindi ka sumasang-ayon sa abiso. Halimbawa, kung sinasabi ng abiso na may utang ka na upa na higit sa totoong utang mo, maaari kang sumagot sa pamamagitan ng sulat upang sabihin sa landlord na sila ay humihingi ng higit sa upa na utang mo.
- Maaaring wala kang gawin at hintayin upang tingnan kung ipagpapatuloy ng iyong landlord ang susunod na hakbang at maghahain ng kaso ng pagpapaalis sa korte. Ito ay tinatawag na “hindi legal na pag-antala” na kaso. Maaaring legal na maghain ang iyong landlord ng hindi legal na pag-antala sa korte sa sandaling lumipas ang takdang araw sa abiso. Napakamapanganib na walang gagawin sa nakasulat na abiso ng pagpapaalis-- mahigpit naming inirerekomenda na humingi ka ng legal na payo bago gawin ang opsyong ito.
- Kaugnay na mga Mapagkukunan
- Wastong mga Paraan upang Tumanggap ng Abiso
- Alamin ang Higit pa Tungkol sa Uri ng Abiso na Mayroon Ka
- Ang Iyong mga Opsyon Pagkatapos Makatanggap ng Abiso
- Magpasya kung Ikaw ay Saklaw ng Batas sa Proteksyon sa Umuupa
- Paunawa ng Impormasyon ng Pangunahing Abogado ng CA sa mga Tagapagpatupad ng Batas – Pagprotekta ng mga Umuupa Laban sa Hindi Legal na mga Pagkandado at Ibang “Sariling-Sikap na Pagpapaalis”
B. Nakatanggap ka ba ng mga papeles ng korte (Mga Patawag para sa Hindi Legal na Pag-antala at Reklamo)?
C. Nakatanggap ako ng mga papeles sa korte para sa pagpapaalis. Paano ako hihingi ng tulong sa pagkumpleto ng mga papeles o paghain ng aking tugon?
D. Naaapektuhan ng aking kapansanan ang aking kakayahan upang ganap na lumahok sa aking kaso sa pagpapaalis. Paano ako hihiling ng makatuwirang kaluwagan mula sa korte?
E. Protektado pa rin ba ako mula sa pagpapaalis sa California dahil sa COVID-19?
F. Kaugnay na mga Mapagkukunan:
Tulong sa Upa
A. Maaari ba akong humingi ng tulong sa pagbabayad ng upa?
Abot-kayang Pabahay, Seksyon 8
Kailangan ko ng abot-kayang pabahay/Kailangan ko ang Seksyon 8.
A. Ano ang “abot-kayang pabahay”?
B. Mayroon ba akong karapatan sa abot-kayang pabahay/Seksyon 8?
C. Kung mawalan ako ng aking pabahay/paaalisin, maaari ba akong makakuha ng abot-kayang pabahay?
D. Saan ako dapat magsimula ng aking paghahanap kung kailangan ko ng pabahay?
E. Kaugnay na mga Mapagkukunan:
Makatuwirang Kaluwagan at Makatuwirang Pagbabago
Mayroon akong mga isyu sa access dahil sa kapansanan na may kaugnayan sa pabahay. Ano ang dapat kong gawin?
A. Humiling ng Makatuwirang Kaluwagan
B. Humiling ng Makatuwirang Pagbabago
4. Paano kung hindi ko kayang bayaran ang mga makatuwirang pagbabago na kailangan ko?
Mga Katulong na Hayop: Mga Hayop sa Emosyunal na Suporta at sa Serbisyo
A. Ano ang isang Hayop na Pantulong?
B. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga hayop sa emosyunal na suporta at mga hayop sa serbisyo?
C. Ano ang isang hayop sa emosyunal na suporta?
D. Paano maaapektuhan ang pagkakaroon ng Hayop na Pantulong sa aking pabahay?
E. Kaugnay na mga Mapagkukunan:
Mga Tagapag-alaga (Nakatirang mga Katulong)
Kailangan ko ng isang tao tumira kasama ko upang tumulong na alagaan ako dahil sa aking mga kapansanan. Ano ang aking mga karapatan?
A. Nakatirang Tagapag-alaga sa Pribadong Pabahay
B. Ang Nakatirang Tagapag-alaga (tinatawag na “Nakatirang Katulong”) sa Pabahay na May Pederal na Subsidiya (Halimbawa, Pampublikong Pabahaya at Seksyon 8)
C. Kaugnay na mga Mapagkukunan:
Diskriminasyon sa Pabahay
Ako ay maaaring nakaranas ng diskriminasyon batay sa kapansanan kaugnay sa aking pabahay. Ano ang maaari kong gawin?
A. Ano ang diskriminasyon?
B. Ano ang maaari kong gawin kung dinidiskrimina ako ng tagapagbigay ng pabahay?
C. Kaugnay na mga Mapagkukunan:
Pakikipag-usap sa Awtoridad sa Pabahay at Ibang mga Tagapagbigay ng Pabahay
A. Ano ang isang Awtoridad sa Pabahay?
B. Bakit mahalaga na makipag-ugnayan sa Awtoridad sa Pabahay?
C. Paano ako dapat makipag-usap sa aking Awtoridad sa Pabahay at/o sa aking landlord?
D. Paano kung ang Awtoridad sa Pabahay o ang aking landlord ay gaganti sa akin (paparusahan ako sa pamamagitan ng pagsubok na paalisin ako, pagpapataas ng aking upa, pagpatay ng aking mga palingkurang-bayan, pagbabanta o pagliligalig sa akin) dahil sa paghiling ko ng isang bagay?
E. Kaugnay na mga Mapagkukunan:
Pansamantalang Relokasyon para sa mga Pagkukumpuni
Sinabi sa akin ng aking landlord na kailangan ng mga pagkumpuni sa aking yunit at kailangan kong lumipat habang ginagawa ang mga pagkumpuni.
A. Paano ko maaaring protektahan ang aking sarili para maaari akong bumalik sa aking yunit?
B. Maaari ba akong paalisin ng aking landlord dahil kailangan nilang gumawa ng mga pagkumpuni?
C. May karapatan ba ako sa tulong sa pansamantalang relokasyon?
D. Paano kung hindi ako babayaran ng aking landlord ng legal na inaatas na tulong sa relokasyon?
E. Kaugnay na mga Mapagkukunan:
Pagpigil ng Upang Relokasyon para sa mga Pagkukumpuni
A. Ano ang pagbimbin ng upa?
B. Kailan maaaring ibimbin ng umuupa ang upa?
C. Dapat ko bang ibimbin ang aking upa?
D. Kaugnay na mga Mapagkukunan:
- Kung ikaw ay sinilbihan (binigyan) ng mga papeles ng korte para sa pagpapaalis (“mga patawag para sa hindi legal na pag-antala at reklamo”), basahing maigi ang mga papeles at bigyang pansin ang mga petsa/takdang araw. Kakailanganin mong maghain kaagad ng tugon sa korte. Mayroon kang 5 araw ng korte (may pasok) mula sa araw na natanggap mo ang mga papeles ng korte upang maghain ng tugon.
- Ang tugon na iyong ihahain sa korte ay karaniwang isang “sagot”. Pagkakataon mo ito upang makipagtalo laban sa pagpapaalis at maikling sabihin ang iyong panig ng kwento bago magpatuloy ang kaso sa korte. Napakahalaga na maghain ng tugon sa loob ng 5 araw ng korte na takdang panahon, kahit pa hindi ka makahanap ng legal na tulong bago iyon upang tulungan ka rito.
- Kung hindi ka napapanahong maghain ng tugon, maaaring hilingin ng iyong landlord ang korte para sa pasya sa pagpalya sa ika-6 na araw ng korte. Ang pasya sa pagpalya ay nangangahulugan na awtomatikong nanalo ang iyong landlord sa kaso nang hindi mo nasabi ang iyong panig ng kwento sa hukom. Ang pasya sa pagpalya ay nangangahulugan na ang tagapagpatupad ng batas ay maaaring pumunta, bigyan ka ng abiso tungkol sa iyong huling araw, at paaalisin ka sa propyedad sa huling araw kahit pa hindi ka tapos sa pag-eempake at wala kang mapupuntahan. Ang pasya sa pagpapaalis dahil sa pagpalya ay maaari ring lumitaw sa iyong ulat ng kredito o sa ibang mga ulat ng umuupa kung mag-apply ka para sa bagong pabahay sa hinaharap. Maaaring mayroon ka pang ilang mga opsyon para sa karagdagang panahon upang hamunin ang pagpapaalis o karagdagang panahon upang umalis, ngunit hindi ito ganoon karaming panahon, at hindi ito garantisado. Inirerekomenda namin ang paghiling ng legal na payo sa lalong madaling panahon kung mayroon kang pasya sa pagpalya na nakahain laban sa iyo.
- Kung kailangan mo ng tulong, maaari kang makipag-ugnayan sa sentro ng sariling pagtulong ng korte (https://selfhelp.courts.ca.gov/self-help/find-self-help) upang makakuha ng mga form. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong lokal na tagpagbigay ng mga legal na serbisyo (https://www.lawhelpca.org/find-legal-help?subtopic=evictions&topic=housing) para sa payo at upang tingnan kung maaari ka nilang ikatawan.
- Kung hindi ka makahanap ng sinuman upang tumulong sa iyo sa papeles, maaari mong gamitin ang online na mapagkukunan na ito na ginawa ng mga tagapagtaguyod ng pabahay upang tulungan kang kumpletuhin ang papeles at gabayan ka sa iyong mga susunod na hakbang pagkatapos mong makumpleto ang papeles: Kagamitan sa Kapangyarihan ng Umuupa, https://tenantpowertoolkit.org.
- Kung ikaw ay isang tao o sambahayan na may mababang kita, maaari kang humiling ng pagpapaubaya ng singil para hindi mo kailangang magbayad ng mga singil sa paghain sa korte.
- Maaari kang humiling ng makatuwirang kaluwagan mula sa korte anumang oras sa panahon ng kaso sa hindi legal na pag-antala (o anumang legal na kaso para magkaroon ka ng pantay na access sa proseso ng korte. Gayunpaman, hindi mahihinto ng proseso sa makatuwirang kaluwagan sa korte ang pagpapaalis.
- Ang iyong kahilingan para sa pagbabago sa mga panuntunan o pamamaraan sa korte ay dapat may kaugnayan sa iyong kapansanan. Ang ilang mga halimbawa ng karaniwang mga kahilingan sa kaluwagan sa korte ay kasama ang:
- Karagdagang panahon upang gawin ang isang bagay
- Karagdagang panahon upang maghanda para sa pagdinig
- Isang gamit na pantulong kung ikaw ay bingi o mahina ang pandinig o may kahinaan sa paningin
- Isang malayong pagpapakita kung ikaw ay nasa mataas na panganib ng COVID-19 o mayroong kahinaan sa pagkilos na magpapahirap sa iyo na bumiyahe sa korte.
- Kung hihilingin ng korte ang karagdagang impormasyong tungkol sa iyong kapansanan o sa iyong kahilingan para sa kaluwagan sa harap ng ibang mga partido o ibang tao sa korte, maaari kang humiling na pag-usapan ito nang pribado.
- Karamihan sa mga korte ay mayroong mga form sa kahilingan at isang taong nangangasiwa sa pagrepaso ng mga kahilingang ito na tinatawag na Tagapag-ayos ng ADA. Ang form sa korte ng CA ay nandito: https://selfhelp.courts.ca.gov/jcc-form/MC-410. Ang pahina ng impormasyong para sa form na MC-410 ay nandito: https://www.courts.ca.gov/documents/mc410info.pdf. Ang impormasyong ibinahagi sa korte sa form na ito ay kumpidensyal at hindi ibabahagi sa iyong landlord maliban kung hinihiling mo ang pagbabago sa isang petsa sa korte.
- Ang mga proteksyon sa COVID-19 ng California para sa mga umuupa ay pangunahing sumasaklaw sa mga sitwasyon kung saan ang mga umuupa ay hindi makabayad ng upa. Ang panahon para sa mga proteksyong ito ay nagwakas. Gayunpaman, dahil ang iba-ibang mga lugar ay maaaring nagkaroon ng lokal na mga proteksyon na nagwakas sa iba-ibang panahon, maaapektuhan nito kung paano ang iyong landlord ay maaaring magdemanda ng upa mula sa iyo para sa partikular na mga panahon. Kung sinusubukan ng iyong landlord na paalisin ka para sa mas lumang upa, basahing maigi ang abiso kung aling mga buwan ang upa na nakalista sa abiso at humiling ng legal na payo.
- Paglalathala ng DRC: Sariling Pagtulong na Gabay para sa mga Umuupa na Humaharap sa Pagpapaalis
- Paglalathala ng DRC: Paano Tumugon sa Isang Kaso sa Pagpapaalis
- Sariling Pagtulong na Gabay ng Korte ng CA sa mga Papeles ng Korte sa Hindi Legal na Pag-antala
- Pahina ng Korte ng CA tungkol sa mga Kaluwagan dahil sa Kapansanan sa Korte
- Paghahanap ng Legal na Tulong
- Sentro ng Sariling Pagtulong ng Korte: https://selfhelp.courts.ca.gov/self-help/find-self-help
- Legal na mga Serbisyo: https://www.lawhelpca.org/find-legal-help?subtopic=evictions&topic=housing
- Serbisyong Pagsangguni ng Bar ng Estado: www.calbar.ca.gov o tumawag sa 1-866-442-2529/li>
- Para sa atrasong upa o utang sa upa
- Kung nakatanggap ka ng abiso sa pagpapaalis para sa upa mula sa nakaraang mga buwan, maaaring makakuha ka ng tulong mula sa lokal na mga organisasyon sa tulong sa upa.
- Mayroong mga organisasyon sa buong estado na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga umuupa depende sa sitwasyon. Makipag-ugnayan sa 211 para sa mga mapagkukunan sa tulong sa upa sa iyong lugar.https://www.211.org o tumawag sa 211.
- Tandaan na ang programa sa tulong sa upa sa buong estado (ERAP, rental assistance program) ng California upang tulungan ang utang sa upa dahil sa COVID-19 ay huminto sa pagtanggapl ng mga aplikasyon noong Marso 31, 2022.
- Para sa kasalukuyang/nagpapatuloy na tulong sa upa (subsidiya)
- Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabayad ng iyong buwanang upa, maaaring mayroong limitadong mga mapagkukunang magagamit upang tulungan kang manatili sa iyong bahay. Maaari kang makipag-ugnayan sa 211 sa pamamagitan ng pagtawag o pagpunta online sa https://www.211.org upang maghanap ng lokal na organisasyon.
- Tingnan ang susunod na seksyon tungkol sa Abot-Kayang Pabahay para sa karagdagang impormasyong sa mga opsyon para sa pangmatagalang pinansyal na tulong sa pabahay.
- Mayroong maraming uri ng abot-kayang pabahay. Gumagana sila sa iba-ibang mga paraan at pinangangasiwaan ng iba-ibang mga entidad. Depende sa lokasyon at pagkakaroon, maaaring kailangan mong mag-apply para sa mga listahan ng paghihintay para sa iba-ibang mga programa upang ma-access ang mga progama sa pabahay na ito. Narito ang ilang mga halimbawa ng karaniwang mga programa sa abot-kayang pabahay:
- Seksyon 8: Ang “Seksyon 8” ay sa pangkalahatan tumutukoy sa maraming uri ng mga programa sa pabahay na may subsidiya ng HUD para sa mga taong may mababang kita. Tinatawag ng maraming tao ang programang “Voucher sa Pagpipili ng Pabahay” (“HCV, Housing Choice Voucher”) na “Seksyon 8”, ngunit isa lamang ito sa mga programa.
- Pinahihintulutan ng programang HCV ang mga umuupa na umupa sa pabahay sa antas ng merkado at magbayad ng nakatakdang porsyento (humigit-kumulang 30%) ng kanilang kita sa upa habang binabayaran ng pamahalaan ang natitira. Ang mga taong nasa Programang HCV ay maaaring lumipat kasama ng kanilang tulong sa pabahay sa ibang mga lungsod at estado.
- Mayroon ding “Seksyon 8 na Batay sa Proyekto” kung saan ang mga yunit ay may subsidiya, ngunit hindi maaaring panatilihin ng umuupa ang tulong kung sila ay lilipat. Gayunpaman, maaari silang lumipat sa isa pang yunit na may subsidiya.
- Pampublikong Pabahay: Ito ay isang programa sa pabahay na may subsidiya sa pederal para sa mga taong may mababang kita. Ang upa ay batay sa kita ng pamilya (humigit-kumulang 30%). Sa pangkalahatan, ang mga umuupa sa pampublikong pabahay ay maaari lamang lumipat sa ibang mga yunit ng pampublikong pabahay maliban kung mayroong eksepsyon.
- Kredito sa Buwis para sa Pabahay sa Mababang Kita (LIHTC, Low-Income Housing Tax Credit): Ito ay isang uri ng abot-kayang pabahay para sa mga taong may mababang kita na may limitasyon sa pinakamataas na upa. Ang kabuuang halaga ng kita sa LIHTC na pabahay ay hindi batay sa kita ng umuupa. Ang mga umuupa sa Seksyon 8 na mga HCV ay maaaring umupa ng isang yunit na LIHTC.
- Seksyon 8: Ang “Seksyon 8” ay sa pangkalahatan tumutukoy sa maraming uri ng mga programa sa pabahay na may subsidiya ng HUD para sa mga taong may mababang kita. Tinatawag ng maraming tao ang programang “Voucher sa Pagpipili ng Pabahay” (“HCV, Housing Choice Voucher”) na “Seksyon 8”, ngunit isa lamang ito sa mga programa.
- Wala, walang karapatan sa pabahay, sa abot-kayang pabahay, o sa Seksyon 8.
- Ang pangangailangan para sa abot-kayang pabahay ay napakataas. Maraming mga listahan ng paghihintay ay kasalukuyang sarado sa mga aplikasyon at pana-panahong binubuksan lamang ang kanilang mga listahan ng paghihintay sa bagong mga aplikasyon sa maikling panahon. Kung kailangan mo ng abot-kayang pabahay, dapat kang mag-apply para sa partikular na programa at karamihan sa mga aplikasyon ay sa isang listahan ng paghihintay. Maraming mga listahan ng paghihintay ay mahaba, at minsan naghihintay ang mga tao nang hanggang 10+ taon upang makakuha ng abot-kayang pabahay depende sa programa.
- Hindi. Abot-kayang pabahay ay malamang na hindi o mabilis na kalutasan kung ikaw ay mawalan ng iyong pabahay/paaalisin. Ang ilang mga lungsod at county ay may mga programa upang unahin ang mga umuupa na tumatanggap ng partikular na mga uri ng mga abiso ng pagpapaalis kung saan ang pagpapaalis ay hindi dahil sa isang bagay na ginawa ng umuupa (“walang kasalanan”, tulad ng lumipat ang may-ari o pagpapaalis sa Batas na Ellis). Ang mga programang ito ay nag-iiba sa buong estado at may mga listahan ng paghihintay. Walang garantiya kung makakukuha ka ng abot-kayang pabahay kahit pa ikaw ay pinaalis at kaagad na kailangan ng kapalit na pabahay.
- Kung matalo ka sa isang kaso sa pagpapaalis (ibig sabihin ay mayroon kang pampublikong pasya sa pagpapaalis sa iyong talaan), maaaring makaaapekto rin ito sa iyong kakayanang makakuha ng pabahay, kabilang sa ilang mga uri ng abot-kayang pabahay, sa hinaharap.
- Ang mga taong may mababang kita/taong walang pabahay/taong nasa panganib na mawalan ng pabahay ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang lokal na inayos na sistema bilang simula.
- Pangunahing mga Pakikipag-ugnayan sa mga Pagpapatuloy na Pangangalaga (Hilagang California): https://www.hud.gov/states/california/homeless/continuumcare/ncalcoc
- Pangunahing mga Pakikipag-ugnayan sa mga Pagpapatuloy na Pangangalaga (Timog California): https://www.hud.gov/states/california/homeless/continuumcare/scalcoc
- Organisasyon sa Pagtataguyod ng Abot-kayang Pabahay sa San Diego (San Diego Affordable Housing Advocacy Organization)
- Paghahanap ng Abot-Kayang Pabahay sa Pabahay at Kaunlaran ng Lungsod (HUD, Housing and Urban Development)
- Gabay sa Tagapagtaguyod ng Pambansang Koalisyon sa Pabahay para sa Mababang Kita
- Mapagkukunan sa Proyekto sa Batas sa Pambansang Pabahay LIHTC
- Artikulo ng Shelterforce tungkol sa LIHTC
- Ang makatuwirang kaluwagan ay isang pagbabago o eksepsyon sa mga panuntunan o pamamaraan na nagbibigay sa isang taong may kapansanan ng pantay na pagkakataon upang ganap na magamit ang lahat ng mga tampok at benepisyo ng kanilang bahay.
- Ang mga halimbawa ng makatuwirang mga kaluwagan ay kasama ang:
- Karagdagang panahon upang ayusin (“lutasin”) ang paglabag sa upa sa kanilang yunit
- Pagbabayad ng upa sa ibang paraan, tulad ng sa pamamagitan ng koreo kaysa sa personal
- Pagkakaroon ng hayop sa emosyunal na suporta sa isang gusali na may patakaran sa walang alagang hayop.
- Kailangan ko bang magbayad para sa isang makatuwirang kaluwagan?
- Hindi ka maaaring singilin ng iyong landlord ng mga singil o magtalaga ng espesyal na mga kondisyon sa isang makatuwirang kaluwagan.
- Ang makatuwirang pagbabago ay isang pagbabago sa pisikal o istraktura ng isang yunit o propyedad para sa isang taong may kapansanan para ganap nilang magamit ang kanilang bahay. Maaaring ito ay sa loob ng iyong yunit o sa pangkaraniwan/pampublikong mga lugar ng propyedad.
- Ang mga halimbawa ng makatuwirang mga pagbabago ay kasama ang paglalagay ng rampa, o paglalagay ng mga hawakan banyo
- Kailangan ko bang magbayad para sa isang makatuwirang pagbabago?
- Ang mahalagang pagkakaiba para sa makatuwirang mga pagbabago ay karaniwang reponsable ang taong may kapansanan sa pagbabayad ng pagbabago.
- Kung ikaw ay nakatira sa isang pribadong pabahay (kabilang ang pag-uupa mula sa isang pribadong landlord na may voucher sa Seksyon 8), dapat mong bayaran ang pagbabago. Maaaring kailangan mo ring bayaran ang pagbabalik ng mga bagay sa yunit sa dati kung ikaw ay aalis.
- Ang iyong tagapagbigay ng pabahay ay maaaring kailangang bayaran ang pagbabago kung nakatira ka sa isang pabahay na direktang tumatanggap ng pagpopondo mula sa pederal na pamahalaan. Naaangkop ang panuntunang ito sa mga pabahay na saklaw ng Seksyon 504 ng Batas sa Rehabilitasyon ng 1973, na karaniwang tinatawag na “Seksyon 504”.
- Ang mga tagapagbigay ng pabahay ay HINDI kailangang magbayad para sa pagbabago kung ito ay magsasanhi sa “labis na pinansyal na pasanin” o katumbas ng “pangunahing pagbabago ng programa”.
- Halimbawa, humihiling ka ng isang bagay na napakamahal o hindi kayang bayaran ng isang tagapagbigay (tulad ng isang elevator), maaari nilang legal na itanggi ang iyong kahilingan. Gayundin, kung humihiling ka ng isang bagay sa labas ng programa ng tagapagbigay ng pabahay (tulad ng paglalagay ng swimming pool para sa pisikal na terapiya), maaari nilang legal na itanggi ang iyong kahilingan.
- Tandaan na ang bawat sitwasyon ay magkaiba, at ang iyong tagapagbigay ng pabahay ay dapat kausapin ka tungkol sa ibang mga opsyon na maaaring tumugon sa iyong mga pangangailangan kung hindi nila maaaring ipagkaloob ang iyong orihinal na kahilingan. Ang pag-abot sa isang kasunduan tungkol sa mga pagbabago ay maaaring mangailangan ng maraming beses na talakayan, pagkamalikhain, at kompromiso.
- Mga Opsyon sa Pagbabayad
- Maaari mo munang tanungin ang iyong tagapagbigay ng pabahay kung babayaran nila ang pagbabago para maaari kang magkaroon ng pantay na pagkakataon na gamitin at matamasa ang iyong bahay. Kahit pa hindi sila legal na kinakailangang magbayad para sa pagbabago, maaaring handa silang gawin ito.
- Kung hindi mo kayang bayaran ang kabuuang gastos at hindi ka makapaghintay na makaipon ng pera dahil kailangan mo ang pagbabago sa lalong madaling panahon, ang isang opsyon ay humiling ng makatuwirang kaluwagan upang bayaran muna ng tagapagbigay ng pabahay at pahintulutan kang bayaran ang tagapagbigay ng pabahay para sa pagbabago sa paglipas ng panahon. Isumite ito kasama ng iyong kahilingan sa makatuwirang pagbabago.
- Iba pang mga alternatibo para sa pagbabayad ng mga pagbabago
- Mag-apply para sa pabahay na tumatanggap ng direktang pederal na pagpopondo. Gayunpaman, tingnan ang itaas (Abot-Kayang Pabahay, Seksyon 8) para sa impormasyong tungkol sa kung bakit hindi malamang na ito ang magiging mabilis na opsyon dahil sa limitadong pagkakaroon ng mga programa sa abot-kayang pabahay.
- Humanap ng mga yunit na mayroon nang mga tampok sa accessibility na iyong kailangan o walang mga hadlang na mangangailangan ng makatuwirang pagbabago. Kung mayroong mga yunit na accessible sa iyong propyedad, maaari kang humiling ng makatuwirang kaluwagan upang lumipat sa yunit na accessible.
- Kung makahahanap at makauupa ng yunit na accessible sa ibang lugar, isaalang-alang na humiling na wakasan ang iyong upa nang walang multa (kung naaangkop) bilang isang makatuwirang kaluwagan at saka lumipat.
- Paano ako humiling ng makatuwirang kaluwagan o makatuwirang pagbabago?
- Maaari kang humiling nang pasalita, sa pamamagitan ng sulat, o sa pamamaitan ng kinatawan. Hindi mo kailangang gumamit ng mga terminong “makatuwirang kaluwagan” o “makatuwirang pagbabago” sa iyong kahilingan, ngunit magandang ideya na subukang gamitin ang mga terminong ito upang gawing malinaw na humihiling ka para sa isang bagay na may kaugnayan sa iyong kapansanan. Inirerekomenda namin na gumawa ka ng iyong kahilingan sa pamamagitan ng sulat para mayroon kang patunay ng iyong kahilingan.
- Ang iyong kahilingan ay dapat may kaugnayan sa iyong kapansanan. Maaaring kailangan mo ring magbigay ng ikatlong partido na pagpapatunay ng iyong kapansanan at kung paano ito nauugnay sa iyong kahilingan.
- Maaari kang humiling ng makatuwirang kaluwagan o makatuwirang pagbabago anumang oras.
- Kaugnay na mga Mapagkukunan:
- Paglalathala ng DRC: Diskriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan – Iyong mga Karapatan at Opsyon, kabilang ang halimbawang mga sulat
- Paglalathala at Video ng DRC- ating Karapatan sa mga Makatuwirang Kaluwagan sa Pabahay
- Paglalathala ng DRC: Mga Kahilingan sa mga Makatuwirang Kaluwagan at Pagbabago sa Pabahay Pagpapatunay, kabilang ang halimbawang mga sulat
- Impormasyon tungkol sa RA at RM sa HUD-FHEO-
- Magkasamang Payahag ng HUD & DOJ- Mga Makatuwirang Pagbabago sa ilalim ng Batas sa Patas na Pabahay
- Madalas na mga Tanong sa HUD tungkol sa Seksyon 504:
- Ang hayop na pantulong ay “isang hayop na nagtatrabaho, nagbibigay ng tulong, o nagsasagawa ng mga gawain para sa benepisyo ng isang taong may kapansanan, o nagbibigay ng emosyunal na suporta na nagpapagaan sa isa o higit pang tukoy na mga epekto ng kapansanan ng tao. Ang hayop na pantulong ay hindi isang alagang hayop.”
- Ang mga hayop sa serbisyo at mga hayop sa emosyunal na suporta ay parehong mga uri ng “hayop na pantulong.”
- Ang “hayop sa serbisyo” ay isang aso o maliit na kabayo na sinanay upang magsagawa ng trabaho o mga gawain na nagbebenepisyo sa isang taong may kapansanan. Ito ay maaaring isang pisikal, pandama, saykayatriko, intelektwal, o iba pang uri ng kapansanan.
- Kabilang sa mga halimbawa ng mga gawain na maaaring gawin ng mga hayop sa serbisyo ang pagpigil o pag-antala ng pabigla-bigla o mapanirang pag-uugali, pagbibigay ng tulong sa pagbalanse, pag-aabot ng mga gamot sa iyo, at pag-aalis sa iyo sa mapanganib na sitwasyon kapag ikaw ay naguguluhan.
- Kailangan ko bang tukuyin ang aking aso bilang isang hayop sa serbisyo?
- Hindi. Hindi mo kailangang pasuotin ang iyong hayop sa serbisyo ng espesyal na tanda o tsaleko maliban kung sila ay nasa pagsasanay.
- Maaari ko bang dalhin ang aking hayop sa serbisyo sa pampublikong mga lugar?
- Oo. May karapatan kang dalhin ang iyong hayop na tagapaglingkod sa mga pampublikong lugar. Ngunit hindi mo maaaring dalhin ang iyong hayop sa serbisyo sa isang pampublikong lugar kung ang hayop sa serbisyo ay:
- Nagbabanta ng direktang panganib sa iba
- Wala sa iyong control (tulad ng nasa isang tali o harness), o
- Kung ang presensya ng hayop sa serbisyo ay pangunahing nagbabago sa likas ng mga paninda, serbisyo, o programang ibinibigay ng negosyo o entidad ng pamahalaan.
- Oo. May karapatan kang dalhin ang iyong hayop na tagapaglingkod sa mga pampublikong lugar. Ngunit hindi mo maaaring dalhin ang iyong hayop sa serbisyo sa isang pampublikong lugar kung ang hayop sa serbisyo ay:
- Ang “hayop sa emosyunal na suporta” ay isang hayop na nagpapadali sa mga epekto ng kapansanan ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaginhawaan o suporta.
- Maaari ko bang dalhin ang aking hayop sa emosyunal na suporta sa pampublikong lugar?
- Walang legal na mga proteksyon para dalhin ang mga hayop sa emosyunal na suporta sa pampublikong mga lugar. Hindi mo maaaring dalhin ang hayop sa emosyunal na suporta sa pampublikong espasyo na hindi nagpapahintulot ng mga alagang hayop o ibang mga hayop. Maaari mong dalhin ang iyong hayop sa emosyunal na suporta sa pampublikong espasyo na nagpapahintulot ng mga alagang hayop o ibang mga hayop.
- May karapatan ka na dalhin ang iyong hayop sa serbisyo sa pabahay (kabilang ang mga tirahan ng walang tirahan). Ang hayop sa serbisyo ay hindi maaaring magbanta ng direktang panganib sa iba, dapat nasa iyong control, at hindi maaaring pangunahing magbabago ng likas ng pabahay.
- Wala kang karapatan na dalhin ang iyong hayop sa emosyunal na suporta sa pabahay (kabilang ang mga tirahan ng walang tirahan) maliban kung naaprubahan ang hayop sa emosyunal na suporta bilang isang makatuwirang kaluwagan. Maaari kang humiling ng makatuwirang kaluwagan na dalhin o panatilihin ang iyong hayop sa emosyunal na suporta kung ito ay kinakailangan para sa iyong kapansanan.
- Paglalathala ng DRC: Mga Hayop na Pantulong sa Pabahay: Mga Hayop sa Serbisyo at mga Hayop sa Emosyunal na Suporta, kabilang ang halimbawang sulat
- ADA.gov Madalas na mga Tanong tungkol sa mga Hayop sa Serbisyo at ang ADA
- Kagawaran ng Sibil na mga Karapatan ng CA – Mga Hayop sa Emosyunal na Suporta at Batas sa Patas na Pabahay
- Tingnan ang iyong kasunduan sa upa upang tingnan kung may mga tuntunin na naglilimita ng bilang ng mga taong nakatira sa iyong yunit (tinatawag na limitasyon o pamantayan sa naninirahan). Ang mga tuntuning ito ay karaniwang nakatalaga upang maiwasan ang pagsisikap at hindi ligtas na mga kondisyon ng pamumuhay. Kung ikaw at ang iyong nakatirang tagapag-alaga ay hindi maaaring magkasama sa iyong kasalukuyang yunit, maaaring kailangan mong humiling ng eksepsyon sa tuntuning ito o humiling na lumipat sa mas malaking yunit.
- Kung mayroong mga paghihigpit sa iyong upa tungkol sa isang taong titira kasama mo, maaari kang humiling ng nakatirang tagapag-alaga bilang isang makatuwirang kaluwagan para sa iyong kapansanan.
- Tulad ng ibang mga kahilingan sa makatuwirang kaluwagan, maaaring patunayan ng iyong tagapagbigay ng pabahay: (1) ang pagkakaroon ng iyong kapansanan kung ito ay hindi madaling makita, (2) ang pangangailangan para sa kaluwagan kung ito ay hindi madaling makita, at (3) ang tagapag-alaga ay kwalipikado upang magbigay ng mga suportang serbisyo na kailangan mo.
- Ang iyong tagapagbigay ng pabahay ay pinahihintulutan ding gumawa ng pagsusuri sa background kung karaniwan nila itong ginagawa para sa bagong mga umuupa.
- Kung ang iyong napiling nakatirang tagapag-alaga ay hindi pumasa sa pagsusuri ng iyong tagapagbigay ng pabahay, dapat ka pa rin nilang pahintulutan na pumili ng ibang tao na tumira kasama mo ngunit maaari pa rin gumawa ng pagsusuri sa background para sa kanila. Kung nagsusuri ang iyong tagapagbigay ng pabahay para sa ibang mga isyu at magsasanhi ito na hindi ka makakuha ng nakatirang tagapag-alaga, humiling ng legal na payo upang tugunan ang iyong sitwasyon.
- Maaaring hilingin ng iyong tagapagbigay ng pabahay na baguhin ang iyong kasunduan sa upa upang idagdag ang iyong nakatirang tagapag-alaga bilang isang “naninirahan” upang maging malinaw na wala silang mga karapatan o obligasyon sa pangungupahan, ngunit pinahihintulutan na tumira rito upang alagaan ka.
- Katulad ng pribadong pabahay, maaari kang humiling ng nakatirang katulong mula sa iyong tagapagbigay ng pabahay kung kailangan mong may isang taong tumira sa iyo upang tumulong na alagaan ka. Ang mga programa sa pabahay na may subsidiya ay karaniwang mas mahigpit tungkol sa pagkakaroon ng isang tao na tumira kasama mo para sa anumang mga dahilan, at ang mga umuupa ay responsable para sa pagtiyak na sumusunod sila sa mga tuntunin ng programa.
- Karamihan sa mga programa ng pabahay na may subsidiya ay may mga form upang humiling ka ng nakatirang katulong at magbigay ng kanilang impormasyong. Maaari ring suriin sila, at maaaring kailangan mong magbigay ng ikatlong partido na pagpapatunay na kailangan mo ng nakatirang katulong na tumira kasama mo at tulungan ka. Kung mayroon kang voucher sa Seksyon 8 upang umupa mula sa isang pribadong landlord, maaaring kailangan mong magsumite ng kahilingan sa iyong landlord at sa Awtoridad sa Pabahay.
- Ang mga nakatirang katulong sa pabahay na may pederal na subsidiya ay hindi itinuturing na mga miyembro ng sambayahan.
- Ang kanilang kita ay hindi isinaalang-alang sa mga kalkulasyon sa iyong upa.
- Ang nakatirang katulong ay walang karapatan na tumira sa iyong yunit kung ikaw ay lilipat, may mahabang pananatili sa ospital, o mamatay. Ang nakatirang katulong ay hindi maaaring idagdag sa iyong sambahayan sa ibang pagkakataon: Nangangahulugan ito na hindi mo maaaring baguhin ang iyong katayuan mula sa nakatirang katulong sa miyembro ng sambahayan.
- Paglalathala ng DRC: Diskriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan – Iyong mga Karapatan at Opsyon, kabilang ang halimbawang sulat
- Paglalathala ng DRC: Mga Kahilingan sa mga Makatuwirang Kaluwagan at Pagbabago sa Pabahay Pagpapatunay kabilang ang halimbawang mga sulat
- Ang diskriminasyon ay hindi pantay na pagtrato ng isang tagapagbigay ng pabahay batay sa “protektadong uri” ng isang tao. Nangangahulugan ito na hindi legal na tratuhin ang isang tao nang iba batay sa ilang mga katangian, tulad ng pagkakaroon ng kapansanan.
- Hindi lahat ng hindi makatarungan o hindi pantay na pag-uugali ay hindi legal. Pinoprotektahan ng batas ng California at Pederal ang mga tao mula sa diskriminasyon sa kanilang tagapagbigay ng pabahay batay sa kapansanan, lahi, kulay, bansang pinagmulan, relihiyon, kasarian (kabilang ang pagkakakilanlan ng kasarian at seksuwal na oryentasyon), at katayuan ng pamilya.Pinoprotektahan din ng batas ng California ang mga tao mula sa arbitraryong diskriminasyon at diskriminasyon batay sa katayuan sa imigrasyon, pangunahing wika, edad, katayuan sa kasal, pinagkukunan ng kita, at katayuan sa military.
- Pinoprotektahan ka ng mga batas sa diskriminasyon mula sa diskriminasyon ng lahat ng tagapagbigay ng pabahay. Kabilang sa mga tagapagbigay ng pabahay ang mga may-ari ng propyedad, samahan ng mga may-ari ng tahanan, realtor, tagapagpautang sa pabahay, at tagapangasiwa ng propyedad.
- Karamihan sa mga uri ng pabahay ay saklaw rin, kabilang ang pabahay sa indyependenteng pamumuhay, mga tahanan ng paninirahan at pangangalaga, mga tahanan ng indyependenteng pamumuhay, mga tirahan ng walang tirahan, at, sa ilang mga kaso, mga pasilidad ng pag-aalaga.
- You can file an administrative discrimination complaint
- Reklamo sa Kagawaran ng Sibil na mga Karapatan (CA CRD, California Civil Rights Department) sa California
- CA CRD (dating tinatawag na Kagawaran ng Makatarungang Trabaho at Pabahay o DFEH) ay ang ahensiya ng estado na nag-iimbestiga ng mga regklamo ng diskriminasyon na may kaugnayan sa diskriminasyon sa pabahay sa ilalim ng batas ng California.
- Ang unang hakbang ay mangalap ng tumutukoy na impormasyong tungkol sa tagapagbigay ng pabahay, kumpletuhin ang form ng pagtanggap, at ipaliwanag kung ano ang nangyari. Nandito ang online form: https://calcivilrights.ca.gov/complaintprocess/?content=fileComplaint#fileComplaintBody. Maaari po ring i-print ang form at ipadala ito sa o tumawag sa 800-884-1684 (boses), 800-700-2320 (TTY) o Serbisyong Paghatid ng California sa 711.
- Titingnan ng CA CRD ang impormasyon na iyong isinumite at magpapasya kung tatanggapin nila ang iyong kaso upang imbestigahan. Kung tatanggapin nila ang iyong kaso, mag-iimbestiga ang CA CRD para makapagpasya sila kung magsasampa ng kaso laban sa tagapagbigay ng pabahay. Ang imbestigasyon ay nangangahulugan na hihiling sila sa iyo ng karagdagang impormasyong at katibayan tungkol sa kung ano ang nangyari upang tingnan kung sa tingin nila ay lumabag sa batas ang iyong tagapagbigay ng pabahay sa pamamagitan ng pagdiskrimina laban sa iyo.
- Ang impormasyon tungkol sa kung paano ang proseso ng reklamo ay maaaring makita sa website ng CA CRD: https://calcivilrights.ca.gov/wp-content/uploads/sites/32/2022/09/CRD-Non-Employment-Flowchart_ENG.pdf.
- Reklamo sa Kagawaran ng Pabahay at Kaunlaran sa Lungsod (HUD-FHEO, Housing at Urban Development-Fair Housing/Equal Opportunity) ng Estados Unidos
- Ang HUD-FHEO ay ang pederal na ahensiya na nag-iimbestiga ng mga reklamo sa diskriminasyon na may kaugnayan sa diskriminasyon sa pabahay sa ilalim ng mga pederal na batas sa patas na pabahay. Ang HUD-FHEO ay tumatalakay lamang sa pederal na batas at hindi sa batas ng California. Nakikipagtulungan sila sa CA CRD at maaring magsangguni ng mga kaso sa CA CRD.
- Ang unang hakbang ay ang pangangalap ng kumikilalang impormasyon tungkol sa tagapagbigay ng pabahay, at pagkatapos ay ang paghahain ng reklamo sa HUD-FHEO rito: https://www.hud.gov/program_offices/fair_pabahay_equal_opp/online-complaint. Maaari ka ring maghain ng reklamo sa telepono sa (800) 669-9777, o maaari mong i-print ang form ng reklamo at ipadala ito.
- Ang impormasyon sa kung paano ang proseso ng reklmao ay makikita sa website ng HUD-FHEO: https://www.hud.gov/program_offices/fair_housing_equal_opp/complaint-process
- Maaari ba akong maghain ng reklamo sa parehong isyu sa parehong CA CRD at sa HUD-FHEO?
- Hindi. Ang dalawang ahensiya ay nagtutulungan at hindi hiwalay na mag-iimbestiga ng reklamo sa parehong isyu. Ang parehong mga ahensya ay may posibilidad din na magkaroon ng panahon ng paghihintay ng ilang linggo hanggang ilang buwan upang suriin ang iyong form ng pagtanggap/reklamo.
- Maaari kang maghain ng iyong reklamo sa diskriminasyon sa pabahay sa kahit alin sa dalawang ahensiya, bagama’t maaaring isangguni ng HUD-FHEO ang iyong kaso sa CA CRD para sa pagkumpleto ng imbestigasyon.
- Reklamo sa Kagawaran ng Sibil na mga Karapatan (CA CRD, California Civil Rights Department) sa California
- Maaari mong ihabla ang iyong tagapagbigay ng pabahay sa pamamagitan ng pribadong kaso o sa Korte ng Maliliit na Paghahabol.
- Paano ko ihahabla ang aking may-ari ng propyedad? Dapat ba akong maghain muna ng reklamo sa diskriminasyon sa ahensiya ng pamahalaan (CA CRD o HUD-FHEO)?
- Kung ang tagapagbigay ng pabahay ay nagdiskrimina laban sa iyo dahil sa iyong kapansanan, maaari mong silang ihabla sa pederal o pang-estadong korte. Hindi mo kailangang maghain ng reklamo sa ahensiya ng pamahalaan bago magsampa ng kaso.
- Kung ang iyong paghahabol ay para sa $12,500 (ang limitasyon sa Maliliit na Paghahabol sa CA sa 2024) o mas mababa, maaari kang maghabla sa korte ng maliliit na paghahabol. Ang proseso sa maliliit na paghahabol ay mas mura at madalas mas mabilis na umabot sa kalutasan. Ang mga tuntunin ay simple at hindi pormal, at hindi pinahihintulutan ang mga abogado sa korte ng maliliit na paghahabol, kaya kinakatawan ng lahat ang kanilang mga sarili. Maaari kang magsampa ng paghahabol laban sa negosyo (at/o empleyado ng negosyo) para sa paglabag ng pederal na mga batas, gaya ng ADA o Batas ng Patas na Pabahay, o anumang batas sa California na nagpoprotekta sa iyo mula sa diskriminasyon. Kung ikaw ay maghahabla sa hukuman ng mga maliit na paghahabol, maaari ka lamang humingi ng pera. Sa korte ng maliliit na paghahabol, hindi ka maaaring humiling ng isang kautusan ng korte (atas ng hukuman) upang ipagawa ng isang negosyo ang isang bagay o pigilan ang paggawa ng isang bagay.
- Paano ko ihahabla ang aking may-ari ng propyedad? Dapat ba akong maghain muna ng reklamo sa diskriminasyon sa ahensiya ng pamahalaan (CA CRD o HUD-FHEO)?
- Paglalathala ng DRC: Diskriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan – Iyong mga Karapatan at Opsyon, kabilang ang halimbawang sulat
- Kagawaran ng mga Sibil na Karapatan ng CA Papel ng Katotohanan- Diskriminasyon sa Pampublikong Access at mga Sibil na Karapatan
- HUD-FHEO Titulo VIII Pagtanggap ng Reklamo, Imbestigasyon, at Pagkakasundo
- Paglalathala ng DRC: Isang Gabay sa Hukuman ng mga Maliit na Paghahabol: Paano maghabla kung ang isang negosyo o landlord ay nagdiskrimina laban sa iyo dahil sa iyong kapansanan
- Ang Awtoridad sa Pabahay ay isang lokal na ahensiya ng pamahalaan (karaniwang batay sa lungsod o county) na nangangasiwa ng mga programa sa pabahay na may subsidiya. Ang pinakakaraniwang mga programa ay ang mga voucher sa “Seksyon 8” at Pampublikong Pabahay. Depende sa lugar, maaaring mayroong higit sa isang Awtoridad sa Pabahay, at maaaring mayroong ibang mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa ibang mga uri ng mga programa sa pabahay.
- Kung mayroon kang voucher sa Seksyon 8 o ibang tulong sa pabahay na pinangangasiwaan ng Awtoridad sa Pabahay, o iba pang ahensiya ng pamahalaan, mahalaga na tumugon sa mga abiso at tiyakin na nauunawaan mo ang mga tuntunin ng programa. Ang mga programang ito ay may mga kinakailangan sa pag-uulat at mga kinakailangan sa muling pagsesertipika upang patuloy kang tumanggap ng tulong sa pabahay at manatili sa programa. Kung mawalan ka ng tulong sa iyong pabahay, maaaring mawala sa iyo ang iyong pabahay.
- Tiyakin na protektahan ang iyong sarili! Isang karaniwang problema na mayroong ang mga taon ay may inulat sila sa Awtoridad sa Pabahay o nagpadala ng papeles at pagkatapos ay walang talaan ng pag-uusap, o ang papeles ay nawala. Maaari mong protektahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga kopya ng iyong sariling mga talaan para maaari mong patunayan na sumunod ka sa mga tuntunin kung kailangan mong gawin ito sa kalaunan.
- Pakikipag-usap sa pamamagitan ng sulat (sulat, fax, email, text) ang pinakamainam. Kung makikipag-usap ka nang berbal, maaari kang magpadala ng kasunod na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng sulat upang kumpirmahin kung ano ang pinag-usapan ninyo.
- Basahin at itabi ang mga kopya ng lahat ng mga abiso at pakikipag-ugnayan. Kung magpadala ka ng naka-print na form o sulat, magtabi ng mga kopya at patunay ng kailan at paano mo isinumite ang mga ito (halimbawa, kung pinadala mo sa koreo, gumamit ng sertipikadong koreo kung maaari). Kung magsusumite ka ng papeles sa personal, humingi ng resibong may petsa.
- Basahin at tiyakin na nauunawaan mo ang mga dokumento bago pirmahan ang mga ito. Pinakamainam na magtanong kaagad dahil kapag pumirma sa dokumento, mahirap bawiin ito.
- May karapatan ka na makipag-usap sa iyong pangunahing wika at sa epektibong komunikasyon. Humiling ng isang tagapagsalin kung kailangan mo (kahit pa nagsasalita ka ng kaunting Ingles o komportableng gumamit ng Ingles sa ibang sitwasyon). Mayroon ding isinalin o malalaking limbag na mga form. Kung kailangan mo ng mga kaluwagan sa iyong mga komunikasyon sa Awtoridad sa Pabahay at/o iyong landlord, maaari kang humiling nga mga kaluwagan.
- Ayon sa batas, ikaw ay protektado mula sa pagganti at mayroon kang karapatan na:
- Magreklamo tungkol sa mga problema sa paupahang yunit sa landlord o ahensiya ng pamahalaan.
- Humiling ng mga pagkumpuni na kailangan mo.
- Ipasuri ang yunit sa isang ahensiya ng pamahalaan.
- Maghain ng administratibong reklamo.
- Magsampa ng kaso, nang mag-isa o sa pamamagitan ng pagsangguni sa isang pribadong abogado, batay sa mga isyu sa paupahang yunit.
- Ang proteksyon mula sa pagganti ay nangangahulugan na maaari mong ipangatuwiran ang pagganti bilang depensa laban sa pagpapaalis, o maaari mong ihabla ang tagapagbigay ng pabahay para sa pagganti na nakapahamak sa iyo.
- Paglalathala ng DRC: 15 Payo para sa mga Sariling Tagapagtaguyod
- Paglalathala ng DRC: Pagganti ng Iyong Landlord
- Makipag-usap sa pamamagitan ng sulat (sulat, fax, email, text).
- Magtabi ng mga talaan ng lahat ng pakikipag-usap (parehong pisikal at digital).
- Basahin ang anumang mga dokumento nang maigi bago pirmahan ang mga ito. Huwag pumirma ng anuman na sumasang-ayon na isuko ang iyong apartment.
- Kung mayroong kang lokal na kontrol sa upa, maaaring mayroong karagdagang mga proteksyon. Dapat mong tingnan ang lokal na batas sa pamamagitan ng pagtingin kung mayroong lokal na lupon sa upa o unyon ng umuupa.
- Maaari. Dapat mong tingnan kung mayroong mga lokal na batas na naaangkop sa iyong lugar (lungsod at/o county) at mga tuntunin na naaangkop sa iyong pabahay.
- Kung ang Batas sa Proteksyon sa Umuupa ay naaangkop, pinahihintulutan ang mga landlord na paalisin ang mga umuupa kung ang propyedad ay “sisirain o makabuluhan baguhin.” Simula Abril 1, 2024, mayroong partikular na mga tuntunin na dapat sundin ng mga landlord, tulad ng pagkuha ng mga pahintulot sa pagpapatayo, bago maglabas ng abiso sa pagpapaalis para sa “makabuluhang pagbabago.” Kung makakatanggap ka ng abiso sa pagpapaalis para sa uri ng pagpapaalis na ito, humiling ng legal na tulong para sa pagrepaso ng abiso at legal na payo.
- Maaari. Mayroong tulong sa relokasyon sa ilang mga kaso lamang. Maaari mong tingnan ang iyong kasunduan sa upa at tingnan kung mayroong lokal na mga batas na naaangkop sa iyong lugar (lungsod at/o county). Maraming lokal na mga batas sa kontrol sa upa ay kasama rin ang mga tuntunin tungkol sa tulong sa pansamantalang relokasyon para sa mga umuupa. Ang ilang mga programa sa pabahay na may subsidiya ay maryoon ding mga panuntunan para sa tulong sa pansamantalang relokasyon.
- Kung inutusan ng korte ang iyong landlord na gumawa ng mga pagkumpuni, maaari may karapatan ka sa tulong sa pansamantalang relokasyon.
- Maaaring kailangan mong ihabla ang landlord sa korte o maghain ng reklamo sa iyong lokal na lupon sa upa upang ipatupad ang batas at makuha ang iyong tulong sa relokasyon o ibang mga gastos na bayaran.
- Paglalathala ng DRC: 15 Payo para sa mga Sariling Tagapagtaguyod
- Ang pagbimbin ng upa ay kapag huminto ang isang umuupa ng pagbabayad ng upa o pagbabayad ng bahagi ng upa bilang protesta sa kabiguan o pagtanggi ng landlord na ayusin ang malubhang mga isyu sa pagpapanatili, tulad ng kapag ang pampainit o tubig ay hindi gumagana.
- Mayroong partikular na mga tuntunin sa ilalim ng batas kapag ang umuupa ay legal na pinahihintulutan na ibimbin ang upa.
- Sa California, ang pagbimbin ng upa ay isang mapanganib na estratehiya at maaaring ilagay ka sa panganib ng pagpapaalis. Para sa mga humahawak ng mga voucher sa Seksyon 8, ang pagbimbin ng upa ay maaari ring maglagay sa iyo sa panganib ng pagkawala ng iyong voucher. Lubos naming inirerekumenda ang sinumang nagsasaalang-alang na ibimbin ang kanilang upa na kumonsulta muna sa isang abogado o tagapagtaguyod ng pabahay bago ibimbin ang upa.
- Dapat mong abisuhan ang iyong landlord bago simulan ang pagbimbin ng upa na layunin mong ibimbin ang upa para maaari nilang ayusin ang mga problema sa makatuwirang haba ng panahon (karaniwang sa loob ng 30 araw). Narito ang halimbawang sulat: https://www.nolo.com/legal-encyclopedia/sample-letter-landlord-you-intend-withhold-the-rent.html
- Maaari mong bayaran ang mga pagkumpuni gamit ang hanggang isang buwang halaga ng upa.
- Ang mga kundisyon na ginagawang hindi matitirahan ang iyong tahanan ay hindi dapat iyong kasalanan.
- Ang pagbimbin ng upa ay napakamapanganib at may kasamang potensyal na panganib ng pagpapaalis. Kahit pa susundan mo lahat ng mga panuntuna sa pagbimbin ng upa, maaari pa ring subukan ng iyong landlord na paalisin ka dahil sa hindi pagbayad ng upa, at walang garantiya na mananalo ka kung hahantong kayo sa korte. Tandaan na kung matalo ka sa kaso sa pagpapaalis, lalabas ito sa iyong kredito nang pitong taon.
- Bilang alternatibo sa pagbimbin ng upa, may iba pang mga opsyon para sa pagharap sa mga isyu sa pagiging matitirahan tulad ng pagrereklamo sa iyong lokal na ahensyang Tagapatupad ng Kodigo o paghabla sa iyong kasero.
- Pahina ng Impormasyon sa Mga Legal na Karapatan ng mga Umuupa ng mga Tagapagtaguyod ng mga Karapatan sa Pabahay at Ekonomiya
- Gabay sa Mga Umuupa sa California mula sa Kagawaran ng Real Estate (pahina 55-57)