Pagganti ng Nagpapaupa sa Iyo: Alamin ang Iyong mga Karapatan sa Pabahay

Pagganti ng Nagpapaupa sa Iyo: Alamin ang Iyong mga Karapatan sa Pabahay
Ang "pagganti ng panginoong maylupa" ay isang aksyong ginawa ng isang may-ari (o kanilang mga tauhan/empleyado, o mga tagapamahala ng ari-arian) na nilalayong parusahan ang isang nangungupahan dahil sa paninindigan para sa kanilang mga karapatan sa nangungupahan.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ano ang Pagganti ng Nagpapaupa?
“Ang pagganti ng nagpapaupa” ay isang aksyon na ginagawa ng isang nagpapaupa (o ng kanilang mga tauhan/empleyado, o mga tagapamahala ng ari-arian) na nilalayong parusahan ang isang nangungupahan para sa paninindigan sa kanilang mga karapatan bilang nangungupahan.
Ang pagganti ng nagpapaupa ay maaaring kinabibilangan ng mga aksyon na tulad ng:
- Pagpapaalis
- Pagbabago ng mga kandado
- Pagtataas ng renta
- Pagbabanta o panggugulo
- Pagsasara ng mga utilidad
- Pagkakait o pagbawas ng mga serbisyo
Pag-alam at Paggamit ng iyong mga Karapatan sa Pabahay
Maraming tao na nababahalang iulat ang mga isyu o gumawa ng mga kahilingan sa nagpapaupa sa kanila dahil natatakot silang gantihan. Gayunman, kung nag-ulat ka ng isang isyu, o nagsampa ng reklamo, ang batas ng California ay makakapagprotekta sa iyo laban sa pagganti.
Ikaw ay may karapatang:
- Humingi ng makatwirang kaluwagan/makatwirang modipikasyon.
- Humiling ng mga pagkukumpuning kailangan mo.
- Magreklamo tungkol sa kondisyon ng iyong yunit na inuupahan sa isang ahensiya ng pamahalaan.
- Ipasiyasat sa isang ahensiya ng pamahalaan ang yunit para sa hindi ligtas at/o hindi malusog na mga kondisyon.
- Magharap ng isang reklamong pampangasiwaan sa mga ahensiya ng pamahalaan.
- Magharap ng isang habla, nang sarili mo o may tulong ng isang pribadong abugado, batay sa kondisyon ng unit na inuupahan o ibang mga isyu sa yunit na iuupahan.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang CA Civil Code § 1942.5, https://leginfo.legislature.ca.gov/faces/codes_displaySection.xhtml?lawCode=CIV§ionNum=1942.5.
Paano ang Pagprotekta sa Iyong Sarili Laban sa Pagganti ng Nagpapaupa
Mga pinakamahusay na gawain:
- Gawin ang iyong paghiling o iulat ang iyong isyu sa nagpapaupa nang nakasulat—mas mabuti sa pamamagitan ng liham o e-mail – na nagtataglay ng iyong pangalan at ng petsa. Ang tekstong mensahe o online portal ng nagpapaupa ay magiging mabisa rin kung magkakaroon ka ng kopya.
- Magpanatili ng kopya ng paghiling na ipinadala sa nagpapaupa sa isang ligtas na lugar, bilang karagdagan sa anumang mga pagtugon mula sa nagpapaupa.
- Bayaran ang iyong renta sa tamang oras at huwag maging atrasado sa renta. Ang hindi pagbabayad ng iyong renta ay mapanganib, at dapat mong tiyakin na lubos mong naiintindihan ang iyong mga karapatan at ang panganib na mapaalis kung hindi babayaran ang renta. Kung ikaw ay may dahilang may kaugnayan sa kapansanan kung bakit hindi mabayaran ang iyong renta, isaalang-alang ang paghiling ng makatwirang akomodasyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga makatawirang akomodasyon, tingnan ang https://www.disabilityrightsca.org/publications/housing-discrimination-based-on-disability-your-rights-and-options.
Maaari mong ihabla ang nagpapaupa dahil sa pagganti o depensahan ang iyong sarili laban sa pagpapaalis, lalo na kung ang nagpapaupa ay gumawa ng isang bagay na anyong nilalayong parusahan ka sa loob ng 180 araw (anim na buwan) pagkatapos mong gumawa ng paghiling o reklamo. Kung ang isang nagpapaupa ay gumawa ng isang bagay sa loob ng 180 araw, sa isang habla maaaring unang ipalagay ng korte na ang nagpapaupa ay gumaganti at kailangang patunayan ng nagpapaupa na hindi sila gumaganti at sila ay may isang nakahiwalay, legal na dahilan sa kanilang ginawa.
Kung nadarama mo na ginantihan ka ng nagpapaupa, o kung ang pangamba ng pagganti ng nagpapaupa ay pumipigil sa iyo na iulat ang isyu sa nagpapaupa, mangyaring kontakin ang aming linya ng pagkuha ng impormasyon sa 1-800-776-5746 para sa pagtasa at payo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paghingi ng tulong mula sa DRC, tingnan ang https://www.disabilityrightsca.org/get-help.