Pagboto

Pagboto
Pagtatanggi: Ang mga materyales na ito ay nakabatay sa batas sa panahon na isinulat namin ang mga ito. Pinipilit naming i-update ang aming mga materyales; gayon pa man, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong makasiguro na hindi nagbago ang batas, kontakin kami o iba pang legal na mapagkukunan.
Ang Iyong Balota sa Nobyembre 2022: Pag-unawa sa Kung Ano ang Nangyayari sa Estados Unidos Halalan sa Senado
Ipinapaliwanag ng paglalathalang ito kung bakit ang mga botante ng California ay hinihiling na bumoto nang dalawang beses sa parehong puwesto sa Senado sa halalan ng taong ito. Inilalarawan sa paglalathalang ito kung paano ang dalawang paligsahan na ito ay makikita sa balota sa pangkalahatang halalan sa buong estado sa Nobyembre 2022 at kung ano ang ibig sabihin ng iyong mga opsyon.
Magplano para sa matagumpay na pagboto!
Narito ang ilang mahahalagang bagay na pag-iisipan bago sa bawat eleksyon para makatulong na matiyak na mayroon kang matagumpay na karanasan sa pagboto. Maaari mong isulat ang sarili mong plano sa pagboto sa susunod na tatlong pahina. Maaari mong piliing ibahagi ang iyong plano sa iba na sinusuportahan ka, ngunit hindi mo kailangang ibahagi ito.
Maaari Kang Bumoto Kahit Na Hindi Mo Malagdaan Ang Iyong Pangalan
Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito ang iba’t ibang paraan na maaaring magampanan ng botante ang kinakailangang lagda. Ginagamit ang beripikasyon ng lagda para beripikahin ang lagda ng botante sa Vote-By-Mail o mga probisyonal na balota. Upang maiwasan ang pagtatanggi, dapat tumugma ang iyong lagda sa rekord ng iyong pagpaparehistro. Ito ay kadalasan ang lagda na mayroon ka sa file sa DMV o sa pahayag na salaysay sa iyong pagpaparehistro sa botante.
Maraming mga Botante na may Kapansanan ang Maaaring Bumoto nang Pribado at Malaya sa papamagitan ng Koreo
Ang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo ay naging mas tanyag sa California. Gayunpaman, ang mga botanteng may ilang mga kapansanan, halimbawa sa kapansanan sa paningin at sa kamay, ay hindi makaboboto nang pribado at malaya gamit ang papel na balota sa Bumoto-sa-pamamagitan-ng-Koreo dahil hindi nila kayang basahin o markahan ito. Simula Enero 1, 2020, ang Magagamit na Bumoto-sa-pamamagitan-ng-Koreo mula sa Malayo (RAVBM, Remote Accessible Vote-by-Mail) ay dapat magagamit sa bawat county sa California.
Paano Ako Boboto Kung Hindi Ako Makaboboto Nang Personal Dahil sa isang Medikal na Emergency?
Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito kung paano ka maaaring bumoto kahit na hindi ka makalalabas sa bahay o isang pasilidad ng pangangalaga ng kalusugan, tulad ng isang ospital o center ng rehabilitasyon, dahil sa isang medikal na emergency. Maaring mag-iba-iba ang mga county sa kung anong mga opsyon ang kanilang inaalok. Kung wala ka ng balotang nai-mail sa iyo, maaaring kailanganin mo ng isang tao para tulungan kang makuha at maibalik ang iyong balota.
Ang Iyong mga Karapatan sa Pagboto Kapag Ikaw ay Nasa Ilalim ng Pag-iingat (Conservatorship)
Ang mga taong may mga conservator ay maaaring bumoto maliban kung sasabihin ng isang hukom na hindi nila kaya. Sinasabi sa iyo ng pub na ito kung paano malalaman kung inalis ng isang hukom ang iyong karapatang bumoto. Sinasabi nito sa iyo kung paano makuha ang karapatang bumoto pabalik. Sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin kung hindi ibibigay ng hukom ang iyong karapatang bumoto pabalik sa iyo.