Departamento ng Rehabilitasyon (DOR)
Pagtatanggi: Ang mga materyales na ito ay nakabatay sa batas sa panahon na isinulat namin ang mga ito. Pinipilit naming i-update ang aming mga materyales; gayon pa man, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong makasiguro na hindi nagbago ang batas, kontakin kami o iba pang legal na mapagkukunan.
15 Tip para sa Sariling-Pagtataguyod
Maaari mong kailanganin ng mga serbbisyo at suporta para maabot ang iyong mga layunin. Nangangahulugan ito na maaaring makikipag-ugnayan ka sa mga ahensya at sistema na naghahandog ng mga serbisyo sa mga taong may mga kapansanan. Maaari rin itong mangahulugan ng pagdalo sa mga pulong at pagtataguyod sa iyong sarili. Ang sariling-pagtataguyod ay maaaring mag-umipisa sa anumang edad.
15 Tip para sa Magulang at mga Tagapagtaguyod ng Miyembro ng Pamilya
Ang iyong layunin ay ang pinakamabuting maihanda ang iyong anak o miyembro ng pamilya para sa karampatang gulang at para matiyak na nasa kanila ang mga serbisyo at suporta para maabot ang kanilang mga layunin.
Pagtanggap ng mga Suportang Pangkomunikasyon sa pamamagitan ng Department of Rehabilitation (DOR) (Kagawaran ng Rehabilitasyon) ng California
Ang “communication supports” (mga suportang pangkomunikasyon) ay mga aparato o serbisyo na makatutulong sa isang taong may kapansanan para makipag-ugnayan. Bilang halimbawa, Augmentative and Alternative Communication (AAC) (Komunikasyong Pangkaragdagan at Mapagpipilian), Assistive Technology (AT) (Teknolohiyang Pantulong) o “Special Adaptive Equipment (Espesyal na Kagamitang Pagbabagay),” ay mga aparato na makatutulong sa tao para makipag-ugnayan.
CAP - Paano makakatulong a iyo ang Programa sa Pagtulong sa Kliyente Makakatulong Sa Iyo ang CAP
Ang mga Karapatan ng Mga Taong May Kapansanan sa California ay nagbibigay ng mga serbisyong CAP sa buong estado. Nagbibigay ng impormasyon, payo at adbokasiya ang CAP upang matulungan ang mga tao na walang kakayahang makakuha ng mga serbisyo sa pagtatrabaho mula sa DOR, tulad ng pagsasanay, edukasyon at sa trabaho. Tumutulong ang CAP na protektahan ang mga karapatan ng mga tao na nakakatanggap o nangangailangan ng mga serbisyo mula sa DOR, Sentro ng Indipinyenteng Pamumuhay, o iba pang mga ka-partner na Pinopondohan ng Rehabilitation Act.
Papel ng Katotohanan sa mga Opsyon & Proseso sa Pag-apela ng Kagawaran ng Rehabilitasyon ng California
1. Ano ang maaari kong gawin kung may mga problema ako sa aking tagapayo sa (DOR, Department of Rehabilitation)?
Ang iyong unang hakbang ay dapat subukang lutasin ang isyu kasama ng iyong tagapayo sa DOR. Kung hindi mo malutas ang isyu kasama ng iyong tagapayo, humiling ng pagpupulong kasama ng superbisor ng tagapayo. Ang Superbisor ng Rehabilitasyon ay maaaring makatulong na lutasin ang anumang mga problema. Kung hindi ka masaya sa mga aksyon ng DOR, mayroon kang karapatan na umapela.
May Kaalamang Pagpipilian: Papel ng Katotohanan sa Kritikal na Bahagi ng Proseso sa Bokasyunal na Rehabilitasyon
1. Ano ang “may kaalamang pagpipilian” at bakit ito mahalaga?
Inaatas ng pederal na batas na lahat ng mga programa, proyekto at aktibidad na pinondohan sa ilalim ng Batas sa Rehabilitasyon, kabilang ang mga programa sa bokasyunal na rehabilitasyon ng estado, na “isagawa sa paraang alinsunod sa prinsipyo ng paggalang para sa dignidad ng indibidwal, personal na responsibilidad, pagpapasya sa sarili, at paghangad ng makabuluhang mga karera, batay sa may kaalamang pagpipilian, ng mga indibidwal na may mga kapansanan.” Titulo 29 ng Kodigo ng Estados Unidos (29 [USC, United States Code]) §701(c)(1). Isinasaad ng Kongreso na dapat kabilang sa layunin ng mga serbisyong ito ang “pagbigay sa mga indibidwal na may kapansanan ng mga kagamitang kinakailangan upang… gumawa ng may kaalamang mga pagpipilian at pasya; at makamit ang pagkakapantay-pantay ng pagkakataon, ganap na pagsali at pagsama sa lipunan, trabaho, independyenteng pamumuhay, at ekonomiya at panlipunan na kasarinlan, para sa naturang mga indibidwal.” 29 USC § 701(a)(6).
Mga serbisyo ng Pagbabago para sa mga Estudyante
Ang paglalathala na ito ay tungkol sa kung paano dapat tulungan ng iba't ibang ahensya ang mga kabataan na may mga kapansanan habang sila ay patungo sa buhay ng may sapat na gulang. Ang prosesong ito ay tinatawag na PAGBABAGO. Ang mga ahensyang ito at mga distrito ng paaralan at ng Department of Rehabilitation. Ang ilang kabataan ay mga kliyente rin ng isang sentrong pangrehiyon. Kailangan din tumulong ang mga sentrong pangrehiyon sa pagbabago.