Medi-Cal

Medi-Cal
Pagtatanggi: Ang mga materyales na ito ay nakabatay sa batas sa panahon na isinulat namin ang mga ito. Pinipilit naming i-update ang aming mga materyales; gayon pa man, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong makasiguro na hindi nagbago ang batas, kontakin kami o iba pang legal na mapagkukunan.
Disabled Adult Child (DAC) Mga Benepisyo ng Programa ng Medi-Cal
Ano ang Programang Medi-Cal na Disabled Adult Child (DAC)? Karapat-dapat ba ako para sa DAC Medi-Cal Program? Hanapin ang mga sagot sa mga katanungang ito ng DAC at higit pa sa publikasyon na ito.
Mahalagang mga Pagbabagong Darating sa Medi-Cal sa Disyembre 2020 para sa Maraming Edad 65 o Mas Matanda at mga Taong May mga Kapansanan
Tinutukoy ng publikasyong ito ang mga pagbabago at update na kailangang malaman ng mga tagapagtaguyod tungkol sa matanda, bulag, at may kapansanan na FPL Medi-Cal Exapansion simula Disyembre ng 2020.
Ano’ng Kailangang Malaman ng mga Tagapagtaguyod Tungkol sa Pagpapalaki ng Aged, Blind & Disabled (Matanda, Bulag at May Kapansanan) ng FPL Medi-Cal Simula sa Disyembre 1, 2020
This resource was produced by the Western Center on Law & Poverty.
Mga Karapatan sa Paglabas mula sa Ospital para sa mga Tumatanggap ng Medi-Cal at Medicare
Ipinapaliwanag ng Paglalathalang ito ang iyong mga karapatan bilang tumatanggap ng Medi-Cal o Medicare kapag pinapalabas tungo sa bahay o sa iba pang pasilidad.
Pagtanggap ng Communication Supports (Mga suportang Pangkomunikasyon) sa pamamagitan ng Medi-Cal
Alam mo ba na kung makatatanggap ka ng Medi-Cal at ginagawang mahirap sa iyo ng iyong kapansanan para makipag-ugnayan ka, maaaring magbayad ang Medi-Cal para sa communication supports na kailangan mo?
Medi-Cal: Saan Maghahanap ng Mga Batas, Mga Regulasyon, at Ibang Libreng Impormasyon sa Internet
Ang Medi-Cal ay isang estado at programang pederal na nagsisiguro ng coverage sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming mga taong mababa ang kita. Ang nangungunang ahensiya ng estado para sa Medi-Cal sa California ay ang Department of Health Care Services. [i-click dito para sa website ng DHCS]. May iba pang mga ahensya ng estado na may papel sa Medi-Cal, kabilang ang Department of Managed Health Care, ang Department of Mental Health, ang Department of Developmental Services, at iba pa.
Mga kabayarang Lump Sum at Pagkanararapat sa Medi-Cal
Inilalarawan ng publikasyon na ito kung paanong nakaaapekto ang mga kabayarang lump sum sa pagkanararapat para sa ilang programa ng Medi-Cal para sa mga senior at mga taong may mga kapansanan. Ipinaliliwanag nito kung anong mangyayari sa iyong Medi-Cal kapag nakatanggap ka ng minsanang kabayaran na lump sum, at kung kailan at kung ang hindi nagastang kabayaran na lump sum ay mabibilang na isang mapagkukunan sa susunod na buwan.
Paano Kang Matutulungan ng AIDS Medi-Cal Waiver na Makuha ang Pangangalaga na Kailangan Mo sa Bahay
Ang publikasyong ito ay nagsasabi sa iyo tungkol sa HIV/AIDS Medi-Cal Waiver Program. Ang programa ay may mga serbisyo sa pamamahala ng kaso. Mayroon itong direktang mga serbisyo sa pangangalaga para sa mga taong may HIV/AIDS. Ang mga serbisyong ito ay sa halip na manirahan sa isang nursing home o ospital. Magagamit mo ito para tulungan kang manatili sa bahay. Magagamit mo ito para tulungan kang umuwi mula sa isang pasilidad. Ang publikasyon ay nagsasabi sa iyo kung sino ang karapat-dapat. Sinasabi nito sa iyo ang tungkol sa mga serbisyong makukuha mo.
Ano ang Adult Expansion / MAGI Medi-Cal?
Ang Affordable Care Act (ACA) (kilala rin bilang Obamacare) ay dinagdagan ang bilang ng mga tao na makakakuha ng Medicaid (Medi-Cal in California). “Adult Expansion Medi-Cal” o Medi-Cal para sa “childless adults” ay bahagi ng tinatawag na ngayong “MAGI” Medi-Cal sa ilalim ng ACA. Ang “MAGI” Medi-Cal ay nangangahulugan ng anumang programa ng Medi-Cal na gumagamit ng MAGI (modified adjusted gross income) para pagpasyahan ang pagkanararapat hinggil sa pananalapi para sa Medi-Cal.
FACT SHEET: Ano ang Medicaid/Medi-Cal?
Ang programang Medicaid ng pederal ay nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga taong mababa ang kita, kabilang ang mga senior, mga taong may kapansanan, at mga bata. Pinopondohan ang Medicaid sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga dolyares ng estado at pederal.
Pinapangasiwaang Pangangalaga (Managed Care) ng Medi-Cal: Mga apela at Hinaing
Ano ang maaari kong gawin kung hindi ko gusto ang isang bagay na ginawa ng aking plan na pinapangasiwaang pangangalaga ng Medi-Cal?
Ang California mula noong Hulyo 1, 2017, ay sinusunod ang bagong mga regulasyon ng pederal tungkol sa kung paano mong iaapela ang isang desisyon o hindi pagkakaunawaan tungkol sa mga benepisyo, at tungkol sa kung paano mo idulog ang ibang bagay sa atensyon ng plan na pinapangsiwaang pangangalaga sa pamamagitan ng hinaing.
Pinangangasiwaang Pangangalaga ng Medi-Cal: “Pagpapatuloy ng Pangangalaga”
Sinasabi sa iyo ng publikasyong ito ang tungkol sa Medi-Cal "pagpapatuloy ng pangangalaga." Kung kailangan mong magpatala sa isang plano sa pinamamahalaang pangangalaga ng Medi-Cal, maaari mong makita ang iyong regular na tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ng Medi-Cal. Ito ang ibig sabihin ng "pagpapatuloy ng pangangalaga". Sinasabi sa iyo ng publikasyon kung ano ang gagawin kung hindi mo ito makuha.
Managed Care ng Medi-Cal: Mga serbisyong Out-of-network (Wala-sa-Network)
Ang Medi-Cal managed care organizations (MCO) ay may mga network ng mga provider, kabilang ang mga doktor, parmasya, klinika, lab, at mga ospital (“mga provider ng plan”). Kadalasan, kailangang gamitin ng mga miyembro ang mga provider ng plan kapag kukuha ng medikal na pangangalaga upang masaklawan ng MCO ang mga serbisyo. May mga pagkakataon na makakakuha ka ng mga medikal na serbisyo mula sa mga provider na hindi mga provider ng plan. Ang mga ito ay tinatawag na mga “out-of-network” na provider. Ang mga serbisyo na kanilang ibinibigay ay mga serbisyong “out-of-network”.
Mga Plano ng Pinangangasiwaang Pangangalaga at mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip ng Medi-Cal
Ang ilang mga serbisyo sa kalusugan ng isip ay makukuha sa pamamagitan ng bayad-para-sa-serbisyo na mga tagapagbigay ng Medi-Cal o sa mga plano ng pinangangasiwaang pangangalaga ng Medi-Cal, habang ang iba ay makukuha lamang sa pamamagitan ng Mga Plano sa Kalusugan ng Isip ng county sa ilalim ng Pagpapaubaya ng mga Espesyal na Serbisyo sa Kalusugan ng Isip. Kabilang sa mga halimbawa ng mga espesyal na serbisyo sa kalusugan ng isip ang arawang masinsinang paggamot, arawang pangangalagang rehabilitasyon at paggamot ng mga nasa wastong gulang sa bahay. Para sa karagdagang impormasyon sa mga espesyal na serbisyo sa kalusugan ng isip, tingnan ang “Pagkuha ng mga Espesyal na Serbisyong Outpatient sa Kalusugan sa Isip” na Paglalathala 508401.
Mga Pamantayan sa Oras at Layo para sa mga Tagapagbigay ng Pinangangasiwaang Pangangalaga sa Medi-Cal
Ang mga plano sa pinamamahalaang pangangalaga ng Medi-Cal ay kailangang magkaroon ng mga provider sa loob ng isang tiyak na oras at distansya mula sa tahanan ng mga pasyente o mga pamantayan ng "oras at distansya". Ang pinamamahalaang pangangalaga ay isang paraan upang magkaloob at magbayad para sa pangangalagang pangkalusugan. Natatanggap mo ang karamihan sa iyong pangangalagang pangkalusugan mula sa isang plano ng pinamamahalaang pangangalaga. Ang plano ng pinamamahalaang pangangalaga ay isang organisadong network ng mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nakatuon sa pangunahin at pang-iwas na pangangalaga. Ang mga ospital, manggagamot at iba pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay mga miyembro ng network. Sinasabi sa iyo ng publikasyong ito ang tungkol sa mga pamantayan ng "oras at distansya" para sa mga provider. Sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin kung ang iyong plano ay hindi sumusunod sa mga pamantayan ng "oras at distansya" nito.
Napapanahong Pag-access sa Medikal na Pangangalaga
Sinasabi ng batas ng California na ang mga plan ng pinapangasiwaang pangangalaga ay dapat siguraduhin na makatatanggap ka ng access sa healthcare sa isang napapanahong paraan.