In-Home Supportive Services (IHSS)
Pagtatanggi: Ang mga materyales na ito ay nakabatay sa batas sa panahon na isinulat namin ang mga ito. Pinipilit naming i-update ang aming mga materyales; gayon pa man, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong makasiguro na hindi nagbago ang batas, kontakin kami o iba pang legal na mapagkukunan.
Mga bagong Tuntunin para sa IHSS: Pag-aalis ng Paghahati Ayon sa Dapat Tanggapin (Proration) ng mga Serbisyo ng Mapagtanggol na Pangangasiwa (Protected Supervision Services)
Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito ang pag-aalis ng paghahati ayon sa dapat tanggapin ng mga serbisyo ng mapagtanggol na pangangasiwa ng In-Home Supportive Services (IHSS) bilang isang resulta ng pagtataguyod ng Disability Rights California.
Mag-click sa ibaba para sa isang buong nada-download na bersyon.
Mga Hindi Pagkakasundo, Reklamo at Paghiling ng Bagong Social Worker ng In-Home Supportive Services (IHSS)
Ang IHSS ay pang-estadong programa na nagbibigay ng mga serbisyong pangangalaga sa bahay para tulungan ang mga karapat-dapat na tong may mga kapansanan na manatili sa kanilang sariling mga tahanan.
Maghanda para sa Pagdinig: Mga Pagtatapos ng IHSS o Mga Pagbabawas sa mga Oras
Tutulungan ka ng publikasyon na ito na repasuhin at tutulan ang mga pagbabawas o pagtatapos ng iyong mga oras ng In-Home Supportive Services (IHSS). Naglalaman ang publikasyon na ito nang apat na kasangkapan para tulungan kang makuha ang impormasyong kailangan mo para maghanda sa isang patas na pagdinig:
Mga Kamakailang Pagbabago sa Workweek Exemptions para sa mga Provider ng In-Home Supportive Services (IHSS) at Waiver Personal Care Services (WPCS)
Ang publikasyon na ito ay para sa mga taong tumatanggap ng In-Home Supportive Services (IHSS) at Waiver Personal Care Services (WPCS) at mga taong nagbibigay ng kanilang pangangalaga. Ang publikasyon na ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa kung paano humiling ng exemption sa maximum na bilang ng oras na ang ilang provider ay maaaring makapagtrabaho bawat buwan sa mga programa ng IHSS at WPCS. Sa pamamagitan ng exemption, ang mga provider ay maaaring magtrabaho nang hanggang 360 oras bawat buwan.
Patnubay sa Sariling-Pagtatasa sa IHSS at Makatarungang Pagdinig
Ang patnubay na ito ay upang tulungan kang maghanda para sa pagtatasa sa paunang pagpasok ng manggagawa sa Mga Serbisyong Pansuporta sa Bahay (IHSS, In-Home Support Services) ng county o sa taunang pagrepaso. Makatutulong din sa iyo ang patnubay na ito na kumatawan sa iyong sarili at sa iba sa mga makatarungang pagdinig kapag mayroong pagtatalo tungkol sa bilang ng oras sa Mga Serbisyong Pansuporta sa Bahay na iyong kailangan.
Mga oras ng Paghihintay at Biyahe ng Provider ng IHSS
1. Makatatanggap ba ako ng mga oras ng IHSS para dalhin ako ng aking provider sa mga appointment sa doktor?
In-Home Supportive Services: Mga aktibidad ng Laban-sa-Pandaraya
Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito ang mga aksyon na maaaring gawin ng kawani ng In-Home Supportive Services (IHSS) ng county para maiwasan ang pandaraya at matiyak na tanging mga karapat-dapat na tumatanggap ng IHSS ang makatatanggap ng mga serbisyo at tanging mga serbisyo kung saan sila nararapat.
Mapagtanggol na Pangangasiwa ng In-Home Supportive Services (Mapagtanggol na Pangangasiwa ng Mga serbisyong Mapangsuporta sa Tahanan)
Ang mapagtanggol na pangangasiwa ay isang serbisyo ng IHSS para sa mga tao na, sanhi sa isang kapinsalaan hinggil sa pag-iisip o karamdaman hinggil sa pag-iisp, ay kailangang maobserbahan nang 24 na oras kada araw para protektahan sila sa mga pinsala, panganib o mga aksidente. Ang provider ng IHSS ay maaaring bayaran para mag-obserba at magsubaybay ng may kapansanang bata o may sapat na gulang kapag maaaring manatiling ligtas ang tao sa bahay kung ibinibigay ang 24 na oras na pangangasiwa.
Mga Programa ng Medi-Cal upang Tulungan Kang Manatili sa Sariling Bahay o Umalis sa Tahanan ng Pangangalaga
Mayroong ilang iba’t ibang mga programa sa California na makatutulong sa mga indibiduwal na may mga kapansanan at/o mga nakatatanda na tumatanggap ng Medi-Cal na manatili sa kanilang mga bahay, o tulungan silang umuwi sa bahay mula sa isang pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga (kasama ang mga ospital, tahanan ng pangangalaga, at ibang mga medikal na pasilidad).
Karapatang Humiling ng Pagdinig sa Bahay
Kung humiling ka ng isang Makatarungang Pagdinig ng Estado ng California at hindi ka maaaring dumalo sa pagdinig sa itinalagang lokasyon sa county dahil sa medikal, pisikal, limitasyon sa transportasyon o iba pang kadahilanan, maaari kang humiling ng isang pagdinig sa bahay. "Kung ang naghahabol ay hindi makakadalo sa pagdinig sa lokasyon ng pagdinig para sa mga kadahilanang hindi magandang lagay ng kalusugan, ang pagdinig ay gaganapin sa bahay ng naghahabol o sa ibang lugar na sinang-ayunan ng county at ng naghahabol."
Medi-Cal: Saan Maghahanap ng Mga Batas, Mga Regulasyon, at Ibang Libreng Impormasyon sa Internet
Ang Medi-Cal ay isang estado at programang pederal na nagsisiguro ng coverage sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming mga taong mababa ang kita. Ang nangungunang ahensiya ng estado para sa Medi-Cal sa California ay ang Department of Health Care Services. [i-click dito para sa website ng DHCS]. May iba pang mga ahensya ng estado na may papel sa Medi-Cal, kabilang ang Department of Managed Health Care, ang Department of Mental Health, ang Department of Developmental Services, at iba pa.
Ano ang Dapat Malaman ng mga Tumatanggap ng In-Home Supportive Services ang Tungkol sa Hindi Inanunsyong mga Pagbisita sa Bahay
Ang mga pagbisita sa bahay ay palagi nang bahagi ng proseso ng pagtatasa o muling-pagtatasa para sa mga serbisyo ng IHSS. Ginagawa ng mga social worker ng IHSS ang mga pagbisitang ito sa bahay.
Mga bagong Tuntunin para sa IHSS: Overtime at mga Kaugnay na Bayad
Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito kung paanong naaapektuhan ng mga batas sa overtime ng pederal at estado ang mga provider ng In-Home Supportive Services (IHSS) o ng Waiver Personal Care Services (WPCS) na nagtatrabaho nang higit sa 40 oras kada linggo.