Pangangalagang Pangkalusugan

Pangangalagang Pangkalusugan
Pagtatanggi: Ang mga materyales na ito ay nakabatay sa batas sa panahon na isinulat namin ang mga ito. Pinipilit naming i-update ang aming mga materyales; gayon pa man, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong makasiguro na hindi nagbago ang batas, kontakin kami o iba pang legal na mapagkukunan.
Mga Serbisyong Hinggil sa Ngipin sa pamamagitan ng Medi-Cal
Nagbibigay ang Medi-Cal ng mga serbisyo hinggil sa ngipin para sa mga may sapat na gulang at mga bata. Ang komprehensibong mga serbisyo hinggil sa ngipin ay mga sapilitang benepisyo para sa mga benepisyaryo ng Medi-Cal na mababa sa edad 21. Para sa mga may sapat na gulang na 21 at higit pa, may opsyon ang California ng pagbibigay ng saklaw ng Medi-Cal para sa mga serbisyo hinggil sa ngipin.
1 California’s Protection & Advocacy System Pag-access sa ABA Therapy
Ang Applied Behavioural Analysis ay isang therapy na nakabatay sa ebidensya. Pinipigilan o binabawasan ng ABA therapy ang masamang epekto ng pag-uugali na makagambala sa pag-aaral at pakikipag-ugnay sa lipunan.
Mahalagang mga Pagbabagong Darating sa Medi-Cal sa Disyembre 2020 para sa Maraming Edad 65 o Mas Matanda at mga Taong May mga Kapansanan
Tinutukoy ng publikasyong ito ang mga pagbabago at update na kailangang malaman ng mga tagapagtaguyod tungkol sa matanda, bulag, at may kapansanan na FPL Medi-Cal Exapansion simula Disyembre ng 2020.
In-Home Supportive Services: Mga aktibidad ng Laban-sa-Pandaraya
Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito ang mga aksyon na maaaring gawin ng kawani ng In-Home Supportive Services (IHSS) ng county para maiwasan ang pandaraya at matiyak na tanging mga karapat-dapat na tumatanggap ng IHSS ang makatatanggap ng mga serbisyo at tanging mga serbisyo kung saan sila nararapat.
Napapanahong Pag-access sa Medikal na Pangangalaga
Sinasabi ng batas ng California na ang mga plan ng pinapangasiwaang pangangalaga ay dapat siguraduhin na makatatanggap ka ng access sa healthcare sa isang napapanahong paraan.
Ang Programa sa Paglilipat sa Komunidad ng California (CCT, California Community Transitions): Ang Paraan ng Pagbalik ng Isang Residente sa Tahanan ng Pangangalaga sa Komunidad
Huminto ang pondo ng pederal para sa programa ng CCT. Maaaring may pondo sa hinaharap. Kung mayroong pagpopondo, maaaring simulan muli ng California ang programa. Suriin ang aming website sa hinaharap upang malaman kung nangyari ito.
Ang Iyong mga Karapatan sa mga Mapagpipiliang Pagpapayo at Discharge Planning sa ilalim ng MDS 3.0 Section Q
Lahat ng nursing facility na tumatanggap ng pagpopondo ng Medicare o Medicaid ay dapat mangasiwa ng pagtatasa ng Minimum Data Set (MDS) sa lahat ng residente ng nursing facility (NF). Ginagamit ang MDS para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kakayahang pagganap ng residente, kilalanin ang mga problemang pangkalusugan at para tumulong sa pagpapaunlad ng mga care plan ng indibidwal, kabilang ang discharge planning.
Programang Children’s Services Whole-Child Model ng California
Tinatalakay ng publikasyon na ito ang programang Whole-Child Model. Tandaan: ang publikasyon na ito ay para sa mga karapat-dapat na bata at kabataan ng CCS na mayroong ganap na nasasaklawan ng Medi-Cal sa pamamagitan ng plan na pinapangasiwaang pangangalaga ng Medi-Cal at ng county na lumalahok sa Whole-Child Model.
Mga ekstrang Serbisyo para sa mga Bata at Kabataan sa Ilalim ng Programang EPSDT ng Medi-Cal
Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa EPSDT. Ang EPSDT ay nangangahulugang Maagang at Pana-panahong Pagsusuri, Diagnosis, at Paggamot. Ito ay isang benepisyo ng Medi-Cal. Ang Medi-Cal ay nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga taong may mababang kita at limitadong kakayahang magbayad para sa pangangalagang pangkalusugan. Kung ikaw ay wala pang 21 taong gulang at may buong saklaw na Medi-Cal, makakakuha ka ng EPSDT. Nagbibigay ito sa iyo ng ilang benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan. Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga benepisyong iyon. Sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin kung hindi ka masaya sa isang desisyon ng Medi-Cal.
FACT SHEET: Ang mga Pagkaltas sa Medicaid/Medi-Cal ay Mapipinsala ang mga Paaralan at Espesyal na Edukasyon
Paanong Mapipinsala ng mga Pagkaltas sa Medi-Cal/Medicaid ang Espesyal na Edukasyon?
Ngayon, ang mga paaralan sa California ay gumagamit nang $180 milyon sa Medi-Cal/Medicaid para magbayad para sa mga serbisyo sa mga estudyante, lalo na sa mga estudyanteng may mga kapansanan. Higit sa $90 milyon ng perang ito ay nanggagaling sa pederal na gobyerno. Ang mga mungkahi kamakailan lang sa Kongreso ay makapagkakaltas o makapaglilimita sa mga pondo ng Medicaid ng pederal.
Impormasyon ng Consumer para sa mga Reklamo tungkol sa mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan, Pasilidad, at mga Programa
Maaaring makatulong sa iyo ang publikasyon na ito kung kailangan mo ng impormasyon o may reklamo hinggil sa mga provider ng pangangalagang pangkalusugan, mga programa, pasilidad, o mga serbisyo na iyong natanggap. Aming inilista ang mga ahensya ng gobyerno na may partikular na responsibilidad sa unang pag-aksyon sa mga reklamo. Nagsama rin kami ng listahan nang ilan sa mga organisasyon ng pagtataguyod at mga pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan na maaari ding makatulong.
Medi-Cal: Saan Maghahanap ng Mga Batas, Mga Regulasyon, at Ibang Libreng Impormasyon sa Internet
Ang Medi-Cal ay isang estado at programang pederal na nagsisiguro ng coverage sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming mga taong mababa ang kita. Ang nangungunang ahensiya ng estado para sa Medi-Cal sa California ay ang Department of Health Care Services. [i-click dito para sa website ng DHCS]. May iba pang mga ahensya ng estado na may papel sa Medi-Cal, kabilang ang Department of Managed Health Care, ang Department of Mental Health, ang Department of Developmental Services, at iba pa.
Mga Karapatan sa Paglabas mula sa Ospital para sa mga Tumatanggap ng Medi-Cal at Medicare
Ipinapaliwanag ng Paglalathalang ito ang iyong mga karapatan bilang tumatanggap ng Medi-Cal o Medicare kapag pinapalabas tungo sa bahay o sa iba pang pasilidad.
Mga kabayarang Lump Sum at Pagkanararapat sa Medi-Cal
Inilalarawan ng publikasyon na ito kung paanong nakaaapekto ang mga kabayarang lump sum sa pagkanararapat para sa ilang programa ng Medi-Cal para sa mga senior at mga taong may mga kapansanan. Ipinaliliwanag nito kung anong mangyayari sa iyong Medi-Cal kapag nakatanggap ka ng minsanang kabayaran na lump sum, at kung kailan at kung ang hindi nagastang kabayaran na lump sum ay mabibilang na isang mapagkukunan sa susunod na buwan.
FACT SHEET: Ano ang Medicaid/Medi-Cal?
Ang programang Medicaid ng pederal ay nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga taong mababa ang kita, kabilang ang mga senior, mga taong may kapansanan, at mga bata. Pinopondohan ang Medicaid sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga dolyares ng estado at pederal.
Paano Kang Matutulungan ng AIDS Medi-Cal Waiver na Makuha ang Pangangalaga na Kailangan Mo sa Bahay
Ang publikasyong ito ay nagsasabi sa iyo tungkol sa HIV/AIDS Medi-Cal Waiver Program. Ang programa ay may mga serbisyo sa pamamahala ng kaso. Mayroon itong direktang mga serbisyo sa pangangalaga para sa mga taong may HIV/AIDS. Ang mga serbisyong ito ay sa halip na manirahan sa isang nursing home o ospital. Magagamit mo ito para tulungan kang manatili sa bahay. Magagamit mo ito para tulungan kang umuwi mula sa isang pasilidad. Ang publikasyon ay nagsasabi sa iyo kung sino ang karapat-dapat. Sinasabi nito sa iyo ang tungkol sa mga serbisyong makukuha mo.
The Multipurpose Senior Services Program May be the Answer to Staying at Home Rather than Going to a Nursing Home
Ang Multipurpose Senior Services Program ay nagbibigay sa iyo ng mga serbisyo at suporta upang manatili sa bahay hangga't maaari. Ang layunin ay pigilan ka sa pagpunta sa isang nursing home. Ito ay isang Medi-Cal home at community based waiver. Nagbibigay ito sa iyo ng karagdagang tulong para manatili ka sa sarili mong tahanan. Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa programa. Sinasabi nito sa iyo kung paano makukuha ang mga serbisyo. Sinasabi nito sa iyo ang tungkol sa mga serbisyong makukuha mo. Kung sasabihin sa iyo ng Medi-Cal na hindi mo makukuha ang mga serbisyo, sasabihin sa iyo ng pub kung ano ang gagawin.
Ano ang Adult Expansion / MAGI Medi-Cal?
Ang Affordable Care Act (ACA) (kilala rin bilang Obamacare) ay dinagdagan ang bilang ng mga tao na makakakuha ng Medicaid (Medi-Cal in California). “Adult Expansion Medi-Cal” o Medi-Cal para sa “childless adults” ay bahagi ng tinatawag na ngayong “MAGI” Medi-Cal sa ilalim ng ACA. Ang “MAGI” Medi-Cal ay nangangahulugan ng anumang programa ng Medi-Cal na gumagamit ng MAGI (modified adjusted gross income) para pagpasyahan ang pagkanararapat hinggil sa pananalapi para sa Medi-Cal.