Mga mapagkukunan para sa mga Bata

Mga mapagkukunan para sa mga Bata
Pagtatanggi: Ang mga materyales na ito ay nakabatay sa batas sa panahon na isinulat namin ang mga ito. Pinipilit naming i-update ang aming mga materyales; gayon pa man, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong makasiguro na hindi nagbago ang batas, kontakin kami o iba pang legal na mapagkukunan.
Disabled Adult Child (DAC) Mga Benepisyo ng Programa ng Medi-Cal
Ano ang Programang Medi-Cal na Disabled Adult Child (DAC)? Karapat-dapat ba ako para sa DAC Medi-Cal Program? Hanapin ang mga sagot sa mga katanungang ito ng DAC at higit pa sa publikasyon na ito.
Diskriminasyon sa Kapansanan sa mga Pampubliko at Pribadong Paaralan
Ang mga estudyante at aplikante ng paaralan na may mga kapansanan ay protektado laban diskriminasyong batay sa kapansanan, at may karapatan sa mga makatwirang kaluwagan, sa ilalim ng batas ng pederal at estado.
Pagtanggap ng Communication Supports (mga Suportang Pangkomunikasyon) sa pamamagitan ng Paaralan ng Iyong Anak
Ang “communication supports” ay mga aparato o serbisyo na makatutulong sa isang taong may kapansanan para makipag-ugnayan. Ang communication supports ay paminsan-minsang tinatawag na Augmentative and Alternative Communication (AAC) (Komunikasyong Pangkaragdagan at Mapagpipilian), o Special Adaptive Equipment (Espesyal na Kagamitang Pagbabagay).
Mga ekstrang Serbisyo para sa mga Bata at Kabataan sa Ilalim ng Programang EPSDT ng Medi-Cal
Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa EPSDT. Ang EPSDT ay nangangahulugang Maagang at Pana-panahong Pagsusuri, Diagnosis, at Paggamot. Ito ay isang benepisyo ng Medi-Cal. Ang Medi-Cal ay nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga taong may mababang kita at limitadong kakayahang magbayad para sa pangangalagang pangkalusugan. Kung ikaw ay wala pang 21 taong gulang at may buong saklaw na Medi-Cal, makakakuha ka ng EPSDT. Nagbibigay ito sa iyo ng ilang benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan. Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga benepisyong iyon. Sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin kung hindi ka masaya sa isang desisyon ng Medi-Cal.
Programang Children’s Services Whole-Child Model ng California
Tinatalakay ng publikasyon na ito ang programang Whole-Child Model. Tandaan: ang publikasyon na ito ay para sa mga karapat-dapat na bata at kabataan ng CCS na mayroong ganap na nasasaklawan ng Medi-Cal sa pamamagitan ng plan na pinapangasiwaang pangangalaga ng Medi-Cal at ng county na lumalahok sa Whole-Child Model.
FACT SHEET: Ang mga Pagkaltas sa Medicaid/Medi-Cal ay Mapipinsala ang mga Paaralan at Espesyal na Edukasyon
Paanong Mapipinsala ng mga Pagkaltas sa Medi-Cal/Medicaid ang Espesyal na Edukasyon?
Ngayon, ang mga paaralan sa California ay gumagamit nang $180 milyon sa Medi-Cal/Medicaid para magbayad para sa mga serbisyo sa mga estudyante, lalo na sa mga estudyanteng may mga kapansanan. Higit sa $90 milyon ng perang ito ay nanggagaling sa pederal na gobyerno. Ang mga mungkahi kamakailan lang sa Kongreso ay makapagkakaltas o makapaglilimita sa mga pondo ng Medicaid ng pederal.