Pantulong na Teknolohiya

Pantulong na Teknolohiya
Pagtatanggi: Ang mga materyales na ito ay nakabatay sa batas sa panahon na isinulat namin ang mga ito. Pinipilit naming i-update ang aming mga materyales; gayon pa man, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong makasiguro na hindi nagbago ang batas, kontakin kami o iba pang legal na mapagkukunan.
Mga Power Shutoff ng Elektrikong Kagamitan
Kinakailangan ang elektrisidad upang mapagana ang mga aparato na ginagamit sa araw-araw. Ang mga aparatong ito ay mahalaga para sa kalusugan at kaligtasan ng isang tao. Noong 2012, ang California Public Utilities Commission ay nagpasiya na ang California Public Utilities Code Section 451 at 399.2 (a) ay nagbibigay ng awtoridad sa mga elektronikong kagamitan upang patayin ang kuryente upang maprotektahan ang kaligtasan ng publiko.Kinakailangan ang elektrisidad upang mapagana ang mga aparato na ginagamit sa araw-araw. Ang mga aparatong ito ay mahalaga para sa kalusugan at kaligtasan ng isang tao. Noong 2012, ang California Public Utilities Commission ay nagpasiya na ang California Public Utilities Code Section 451 at 399.2 (a) ay nagbibigay ng awtoridad sa mga elektronikong kagamitan upang patayin ang kuryente upang maprotektahan ang kaligtasan ng publiko.
Pagtanggap ng Communication Supports (Mga suportang Pangkomunikasyon) sa pamamagitan ng Medi-Cal
Alam mo ba na kung makatatanggap ka ng Medi-Cal at ginagawang mahirap sa iyo ng iyong kapansanan para makipag-ugnayan ka, maaaring magbayad ang Medi-Cal para sa communication supports na kailangan mo?
Pagtanggap ng mga Suportang Pangkomunikasyon sa pamamagitan ng Department of Rehabilitation (DOR) (Kagawaran ng Rehabilitasyon) ng California
Ang “communication supports” (mga suportang pangkomunikasyon) ay mga aparato o serbisyo na makatutulong sa isang taong may kapansanan para makipag-ugnayan. Bilang halimbawa, Augmentative and Alternative Communication (AAC) (Komunikasyong Pangkaragdagan at Mapagpipilian), Assistive Technology (AT) (Teknolohiyang Pantulong) o “Special Adaptive Equipment (Espesyal na Kagamitang Pagbabagay),” ay mga aparato na makatutulong sa tao para makipag-ugnayan.
Pagtanggap ng Communication Supports (mga Suportang Pangkomunikasyon) sa pamamagitan ng Paaralan ng Iyong Anak
Ang “communication supports” ay mga aparato o serbisyo na makatutulong sa isang taong may kapansanan para makipag-ugnayan. Ang communication supports ay paminsan-minsang tinatawag na Augmentative and Alternative Communication (AAC) (Komunikasyong Pangkaragdagan at Mapagpipilian), o Special Adaptive Equipment (Espesyal na Kagamitang Pagbabagay).
Pagkuha ng Teknolohiyang Pantulong sa Pamamagitan ng Iyong Employer
Ang terminong “teknolohiyang pantulong” (“assistive technology”) ay nangangahulugan na teknolohiyang ginagamit sa teknolohiyang pantulong na kagamitan o teknolohiyang pantulong na serbisyo para pataasin, panatilihin, o pagbutihin ang kakayahan sa pagganap ng mga indibidwal na may kapansanan. 29 Kodigo ng Estados Unidos (U.S.C., United States Code) Sek. 3002(3)(4)(5).
Pagkuha ng Assistive Technology sa pamamagitan ng Medi-Cal
Ang Medi-Cal ay isang programa ng estado at pederal na tumitiyak sa nasasaklawan ng pangangalagang pangkalusugan sa maraming taong mababa ang kita. Ang namumunong ahensya ng estado para sa Medi-Cal sa California ay ang Department of Health Care Services.
Pagkuha ng Teknolohiyang Pantulong sa Pamamagitan ng Paaralan ng Inyong Anak
Ang teknolohiyang pantulong ay dalawang beses inilarawan ng mga Pederal na batas sa espesyal na edukasyon. Ito ay ispesipikong inilarawan ng IDEYA bilang “anumang bagay, piraso ng kagamitan, o sistema ng produkto, kahit pa ito ay komersyal na nakuha, binago, o iniayon ang paggamit, na ginagamit upang pataasin, panatilihin, o pagbutihin ang kakayahang paggana ng mga batang may kapansanan.”
Pagkuha ng Teknolohiyang Pantulong sa pamamagitan ng Kagawaran ng Rehabilitasyon
Ang publikasyong ito ay naghahanap upang sagutin ang mga tanong na maaaring mayroon ka tungkol sa pantulong na teknolohiya at kung paano makakatulong ang Kagawaran ng Rehabilitasyon sa pagbibigay ng mga disenyo at/o serbisyong iyon.
Pagpopondo ng Assistive Technology (Mapantulong na Teknolohiya) sa pamamagitan ng Sentrong Pangrehiyon
Ang mga sentrong pangrehiyon ay responsable sa pagbibigay o pag-aayos ng mga serbisyo at suporta para sa mga indibidwal na may mga kapansanan hinggil sa paglilinang. Para humingi ng assistive technology sa pamamagitan ng mga sentrong pangrehiyon, dapat ka munang mag-aplay para sa kanilang mga serbisyo at matuklasang karapat-dapat. Ang mga taong may mga kapansanan na natuklasang karapat-dapat para sa mga serbisyo mula sa sentrong pangrehiyon ay tinatawag na mga "consumer".