Diskriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan - Iyong mga Karapatan at Opsyon

Diskriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan - Iyong mga Karapatan at Opsyon
Tinatalakay ng fact sheet na ito ang mga karapatan ng mga taong may kapansanan na maging malaya mula sa diskriminasyon na nakabatay sa kapansanan sa pabahay sa ilalim ng batas ng pederal at California.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Talaan ng mga Nilalaman
- Mga Introduksyon
- Sampol na Liham sa isang Tagapagkaloob ng Pabahay na Humihiling ng Makatwirang (mga) Akomodasyon o (mga) Modipikasyon
- Sampol na Liham ng Beripikasyon mula sa isang Medikal na Propesyonall
- Pagpapatupad ng Iyong mga Karapatan: Mga Reklamo at Habla
- Mga Sitasyong Pambatas at Karagdagang Impormasyon
Introduksyon
Ang diskriminasyon sa pabahay laban sa mga taong may kapansanan ay labag sa batas. May magkakaibang bagay na maaaring ituring na diskriminasyon sa pabahay. Ang ilang halimbawa ng anyo ng diskriminasyon sa pabahay ay maaaring:
- Naiibang pagtrato dahil sa kapansanan
- Mga pisikal na hadlang na humaharang o pumipigil sa access
- Panliligalig
- Pagganti
- Mga pahayag ng diskriminasyon
- Kabiguang magkaloob ng kailangang mga eksepsyon o pagbabago (“mga makatwirang akomodasyon at modipikasyon").
Pagkakaiba sa Pagitan ng mga Akomodasyon at Modipikasyon
Ang mga makatwirang akomodasyon ay mga eksepsyon sa mga tuntunin, serbisyo, o patakaran. Ang mga makatwirang modipikasyon ay mga pisikal na pagbabago sa mga gusali, yunit, o lupa. Ang mga akomodasyon at modipikasyon ay makatwiran kung ang mga ito ay:
- Kailangan upang magkaloob sa isang taong may kapansanan ng pantay na pagkakataon upang makagamit ng at masiyahan sa pabahay;
- Hindi pundamental na nagbabago sa kalikasan ng pabahay o ibang mga serbisyong ipinagkakaloob; o
- Hindi nagpapataw ng hindi angkop na pasanin sa tagapagkaloob ng pabahay; o
- Hindi bumubuo ng direktang banta sa kalusugan o kaligtasan ng ibang mga tao o hindi magiging dahilan ng malaking pisikal na pinsala sa ari-arian ng iba.
Pagkatapos maitatag ng humiling na ang akomodasyon at/o modipikasyon ay kailangan (#1 sa itaas), ang tagapagkaloob ng pabahay na tumanggap ng paghiling ay maaari lamang legal na magkait ng paghiling dahil sa #2, 3, o 4 na nasa itaas.
Para sa iba pang impormasyon mula sa U.S. Department of Housing and Urban Development (“HUD”), isang pederal na ahensiyang awtorisadong magpatupad ng pederal na mga batas sa patas na pabahay, tingnan ang https://www.hud.gov/program_offices/fair_housing_equal_opp/reasonable_accommodations_and_modifications
Paggawa ng Paghiling ng Makatwirang Akomodasyon
Upang tumanggap ng isang makatwirang akomodasyon o isang makatwirang modipikasyon, kakailanganin mong hingin ito. Kahit na hindi mo kailangang gumawa ng nakasulat na paghiling at hindi mo kailangang gumamit ng mga salitang "makatwirang akomodasyon: o "makatwirang modipikasyon,” magandang ideya na gawin ang pareho. Ito ay dahil tutulong ito na gawing mas malinaw ang hinihingi mo, at maaari mo ring kailanganing gamitin ang dokumento sa bandang huli upang patunayan na humingi ka ng pagbabago. Ang pagpapadala ng iyong kahilingan sa pamamagitan ng email ay isang madaling paraan upang magkaroon ng dokumentasyon sa bandang huli, pero kung pinili mong ipadala ito sa pamamagitan ng snail mail, tiyakin na magtago ng isang kopya ng paghiling para sa sarili
Upang gumawa ng paghiling ng isang makatwirang akomodasyon o modipikasyon, ang kaugnayan ng pagbabagong kailangan sa kapansanan ng tao ay dapat ipahayag. Halimbawa, hindi ka makakahingi ng makatwirang akomodasyon sa simpleng pagsasabi, “Ako ay isang taong may kapansanan, at gusto kong magbayad ng aking renta sa ika-7 sa halip ng ika-1 ng buwan.” Kailangan mong magbigay ng mas marami pang impormasyon. Sa halip nito, mas makakatulong at malinaw na sabihin, “dahil hindi ko natatanggap ang aking kita na may kaugnayan sa kapansanan hanggang sa ika-6 ng buwan, hindi ako makakabayad ng renta sa ika-1 ng buwan, kaya humihingi ako ng eksepsyon sa tuntuning ito upang magbayad sa ika-7.” Sa ibaba ay may isang sampol para sa paggawa ng mga kahilingan sa mga tagapagkaloob ng pabahay.
Sampol na Liham sa isang Tagapagkaloob ng Pabahay na Humihiling ng Makatwirang (mga) Akomodasyon o (mga) Modipikasyon
[Petsa]
[Buong pangalan ng Landlord at/o Tagapamahala ng Ari-arian]
[Email address o pisikal na address ng Landlord at/o Tagapamahala ng Ari-arian]
Mahal Naming [Buong pangalan ng Landlord at/o Tagapamahala ng Ari-arian]
Ako ay nakatira sa/nag-aaplay na rentahan ang iyong ari-arian sa [address]. Sumusulat ako upang humiling ng mga sumusunod na makatwirang akomodasyon/modipikasyon para sa aking kapansanan:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Ang kahilingang ito ay may kaugnayan sa aking kapansanan dahil:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Itinuturing ng aking [physician/psychiatrist/psychologist/therapist/social worker/occupational therapist /ibang indibidwal na ang mga akomodasyo/modipikasyong ito ay kailangan dahil sa aking kapansanan. Maibibigay ko ang beripikasyong ito kung kailangan mo ito.
Ang pederal at pang-estadong batas ay nag-aatas na ang isang tagapagkaloob ng pabahay ay dapat na makatwirang magbigay ng akomodasyon sa mga tenant/umookupa at aplikante na may kapansanan.
Mangyaring magbigay ng nakasulat na tugon sa kahilingang ito, bago lumampas ang [petsa]. Mangyaring unawain na ang kabiguang tumugon sa isang makatwirang akomodasyon, hindi angkop na pag-antala sa pagtugon, o labag sa batas na pagkakait ng isang paghiling ng makatwirang akomodasyon ay bumubuo ng diskriminasyon na kaugnay ng kapansanan. Tingnan ang Cal. Code Regs. tit. 2, § 12177(e). Huwag mag-atubiling kontakin ako sa [iyong e-mail address/numero ng telepono] Salamat sa iyong atensiyon sa kahilingang ito.
Matapat,
[Iyong pangalan]
[Iyong address]
___________________________________________________________
Ang mga tagapagkaloob ng pabahay ay makakahiling ng isang liham ng beripikasyon mula sa kanilang mga residente kapag ang residente ay humiling ng isang makatwirang akomodasyon o makatwirang modipikasyon at ang pangangailangan ng akomodasyon o modipikasyon ay hindi malinaw. Ang isang liham ng beripikasyon ay nagkukumpirma na ang tao ay may pangangailangan na may kaugnayan sa kapansanan para sa hinihiling nilang pagbabago sa kanilang mga patakaran, pamamaraan, serbisyo, o pisikal na istruktura ng pabahay. Nasa ibaba ang isang sampol para sa mga liham ng beripikasyong medikal.
Sampol na Liham ng Beripikasyon mula sa isang Medikal na Propesyonall
[Petsa]
Sa [Landlord, Awtoridad sa Pabahay, at Kapisanan ng mga May-ari ng Bahay]:
Ako ang [physician/psychiatrist/psychologist/therapist/social worker/occupational therapist] para sa [pangalan ng pasyente/kliyente] at ako ay pamilyar sa [kanyang/kanilang] kondisyon. Si [pangalan ng pasyente] ay may kapansanan na nagdudulot ng mga partikular na limitasyon sa pagganap, Ang mga limitasyong ito ay kinabibilangan ng [ilista ang mga limitasyon sa pagganap na nangangailangan ng hiniling na akomodasyon]:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
[Ang hiniling na akomodasyon] ay kailangan ng [pangalan ng pasyente/kliyente] upang mamuhay sa komunidad at gamitin ang at masiyahan sa [kanya/kanilang] tirahan sa pamamagitan ng [ilarawan kung paano ang akomodasyon ay tutulong o susuporta sa indibidwal [ilista ang mga limitasyon na nangangailangan ng hiniling na akomodasyon]:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Salamat sa pagkakaloob mo nitong makatwirang akomodasyon para kay [pangalan ng pasyente/kliyente].
Matapat,
[Pangalan at Titulo]
Pagpapatupad ng Iyong mga Karapatan: Mga Reklamo at Habla
Kung ang isang landlord, kapisanan ng mga may-ari ng bahay, o ibang tagapagkaloob ng pabahay ay nagkait sa iyong kahilingan para sa mga makatwirang akomodasyon o modipikasyon, o nagpakita ng diskriminasyon laban sa iyo, kakailanganin mong magharap ng reklamong pampangasiwaan o isang habla upang ipatupad ang iyong mga karapatan. Ang mga opsyong ito ay maaaring mangailangan ng mahabang panahon.
Mga Reklamong Pampangasiwaan
Maaari kang magharap ng isang reklamong pampangasiwaan sa Civil Rights Department (CRD), dating Department of Fair Employment and Housing (DFEG), sa loob ng isang taon ng pinakahuling petsa ng diskriminasyon. Ang isang pangkalahatang-tanaw sa proseso ng reklamo sa CRD, at impormasyon tungkol sa kung paano magsampa ng reklamo, ay matatagpuan dito: https://calcivilrights.ca.gov/complaintprocess/#:~:text=800%2D884%2D1684,-contact.center%40dfeh at matitingnan mo ang flowchart ng reklamo ng CRD dito:https://calcivilrights.ca.gov/wp-content/uploads/sites/32/2022/09/CRD-Non-Employment-Flowchart_ENG.pdf. Maaari ka ring magsimula ng proseso ng reklamo sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 884-1684 (boses) o (800) 700-2320 (TTY).
Kung ang CRD ay hindi nagpasya nang pabor sa iyo, ang desisyon ng CRD ay maaaring iapela sa Direktor ng CRD sa loob ng 10 araw ng desisyon.1
Kung kailangan mo ng akomodasyon sa pakikipagtrabaho sa CRD, kontakin ang tagapag-ugnay ng ADA ng CRD. Maaari mong matagpuan ang kanilang impormasyon dito- https://calcivilrights.ca.gov/adacoordinator/
Maaari ka ring magsampa ng reklamong pampangasiwaan sa Office of Fair Housing and Equal Opportunity (HUD-FHEO) ng U.S. Department of Housing and Urban Development2 sa loob ng isang taon ng diskriminasyon. Ang impormasyon tungkol sa kung paano magsama ng isang reklamo saHUD-FHEO ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-669-9777 o sa website ngHUD: https://www.hud.gov/program_offices/fair_housing_equal_opp/online-complaint Ang impormasyon tungkol sa magiging anyo ng proseso ng reklamo ay maaaring makuha dito: https://www.hud.gov/program_offices/fair_housing_equal_opp/complaint-process
Mga Pribadong Habla
Maaari mong ipatupad ang iyong mga karapatan sa pamamagitan ng mga hablang sibil na iniharap sa pederal o pang-estadong hukuman. Hindi mo kailangang magkaroon ng abugado at ikaw ay may karapatang magsampa para sa sarili kung hindi ka makakuha ng tulong o pagkatawan mula sa isang abugado. May mga limitasyon sa panahon (“mga batas sa mga limitasyon”) na tinatakdaan ang haba ng panahon mo para sa pagharap ng mga claim sa hukuman, at maaaring awtomatikong matalo ka sa kaso kung nabigo kang magsampa ng habla sa loob ng takdang panahon. Ang mga deadline na ito ay maaaring kasing-ikli ng dalawang taon mula sa petsa ng diskriminasyon. Kung ikaw ay interesadong magharap ng habla, dapat kang sumangguni sa isang abugado sa pinakamaagang panahon na posible upang kumuha ng payo, talakayin ang iyong mga opsyon at para sa posibilidad na makakuha ng pagkatawan. Ikaw ay magiging responsable sa pagbabayad ng mga filing fee upang magharap ng iyong habla, pero ikaw ay maaaring karapat-dapat para sa fee waiver kung hindi mo kayang magbayad ng mga filing fee.
Maliliit na Claim
Kung ikaw ay naghahangad ng hanggang $12,500 na bayad pinsala, maaari kang magsampa ng isang kasong diskriminasyon sa Hukuman ng Maliiit na Claim. Ang mga kaso sa Hukuman ng Maliliit na Claim ay dapat iharap bago matapos ang mga limitasyon sa panahon (“mga batas sa mga limitasyon”), at mayroong filing fee maliban kung ikaw ay karapat-dapat para sa isang fee waiver. Maaari kang sumangguni sa isang abugado tungkol sa mga kaso sa Hukuman ng Maliliit na Claim, pero ang isang abugado ay hindi maaaring kumatawan sa iyo sa Hukuman ng Maliliit na Claim. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Disability Rights California, Isang Patnubay sa Hukuman ng Maliliit na Claim: Paano Maghabla kung ang Isang Negosyo o Landlord ay Nagdiskrimina Laban sa Iyo Dahil sa Iyong Kaoansanan, sa https://www.disabilityrightsca.org/system/files?file=file-attachments/520601_0.pdf
Mga Sitasyong Pambatas at Karagdagang Impormasyon
Ang diskriminasyon sa pabahay laban sa mga tenant at aplikante na may kapansanan ay ipinagbabawal sa ilalim ng pederal na batas sa Fair Housing Amendments Act3 at Seksyon 504 ng pederal na Rehabilitation Act of 1973.4 Bilang karagdagan, ito ay ipinagbabawal sa ilalim ng batas ng California sa Fair Employment and Housing Act5 at sa Disabled Persons Act.6 Ang mga batas na ito ay sumasaklaw sa mga tagapagkaloob ng pabahay kabilang ang mga landlord, kapisanan ng ma-ari ng bahay, realtor, tagapagpautang para sa pabahay, at may-ari at tagapamahala ng ari-arian ng pangmatagalang pabahay kabilang ang mga bahay ng paninirahan at pangangalaga, panggrupong bahay, bahay ng independiyenteng pamumuhay, kanlungan ng walang tirahan at, sa ilang kaso, mga pasilidad ng pag-aalaga.
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa diskriminasyon sa pabahay na batay sa kapansanan, at kung paano humiling ng mga makatwirang akomodasyon at modipikasyon bilang isang tenant o aplikante para sa pabahay, tingnan ang:
- Pinagsamang Pahayag ng Department of Housing and Urban Development at ng Department of Justice, Mga Makatwirang Akomodasyon sa Ilalim ng Fair Housing Act https://www.justice.gov/crt/us-department-housing-and-urban-development
- Pinagsamang Pahayag ng Department of Housing and Urban Development at ng Department of Justice, Mga Makatwirang Akomodasyon sa Ilalim ng Fair Housing Act https://www.hud.gov/sites/documents/DOC_7502.PDF
- Pinagsamang Pahayag ng Department of Housing and Urban Development at ng Department of Justice, Accessibility (Disenyo at Konstruksyon) Mga Iniaatas para sa Saklaw na mga Tirahan ng Maraming Pamilya sa Ilalim ng Fair HousingAct https://www.hud.gov/sites/documents/JOINTSTATEMENT.PDF
- 1. Tingnan ang 2 C.C.R. Seksyon 10065
- 2. Ang Fair Housing Amendments Act ay nagpapahintulot nito.
- 3. 42 U.S.C. Mga Seksyon 3601-3631
- 4. Para sa pabahay na tumatanggap ng pagpopondo mula sa U.S. Department of Housing and Urban Development o ibang pederal na tulong na pinansiyal
- 5. Mga Seksyon 12955-12956.2 ng Government Code
- 6. Mga Seksyon 54.1 at 54.2 ng Civil Code