Paano Makakakuha ng Pagpapatuloy ng pangangalaga sa Pangangalagang Pinamamahalaan ng Medi-Cal

Publications
#5545.08

Paano Makakakuha ng Pagpapatuloy ng pangangalaga sa Pangangalagang Pinamamahalaan ng Medi-Cal

Sinasabi sa iyo ng publikasyong ito ang tungkol sa Medi-Cal "pagpapatuloy ng pangangalaga." Kung kailangan mong magpatala sa isang plano sa pinamamahalaang pangangalaga ng Medi-Cal, maaari mong makita ang iyong regular na tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ng Medi-Cal. Ito ang ibig sabihin ng "pagpapatuloy ng pangangalaga". Sinasabi sa iyo ng publikasyon kung ano ang gagawin kung hindi mo ito makuha.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Kung ikaw ay:

  1. May Fee-for-Service (FFS) Medi-Cal at dapat magpaenrol sa isang planong pinamamahalaan ng Medi-Cal, O
  2. May planong pangangalaga na pinamamahalaan ng Medi-Cal at dapat magpaenrol sa ibang planong pangangalaga na pinamamahalaan ng Medi-Cal,

Maaariing magawa mo na patuloy na magpatingin sa iyong kasalukuyang mga provider ng pangangalagang pangkalusugan ng Medi-Cal kahit na ang iyong kasalukuyang mga provider ay hindi nakaenrol sa iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga, Ito ay tinatawag na “pagpapatuloy ng pangangalaga.” May karapatan kang patuloy na makatanggap ng kaparehong pangangalaga, ibig sabihin ang alinman sa kaparehong provider ng pangangalaga, kahit na ang iyong pagsaklaw ng Medi-Cal ay nagbago.

1. Paano kung ako ay nasa Fee-for-Service Medi-Cal at dapat magpaenrol sa planong pangangalaga na pinamamahalaan ng Medi-Cal?

Ikaw ay may mga karapatan para sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga, gaya ng nakabalangkas sa Liham sa Lahat ng Plano 22-032. Maaari kang himiling ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga 12 buwan kung ikaw ay may dati nang relasyon sa iyong provider. Ito ay nangangahulugan na nagpatingin ka na sa provider kahit isang beses para sa di-emerhensiya na pagbisita sa taon bago nagpaenrol sa planong pinamamahalaang pangangalaga.

Halimbawa, kung ikaw ay nakaenrol sa iyong planong pinamamahalaang pangangalaga noong Enero 1, 2024, at nagpatingin ka sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga para sa isang pangkaraniwang pagbisita noong Enero 2, 2023 (o kahit kailan pagkaraan ng 2023), ang iyong relasyon sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga ay ituturing na “dati na.”

Ang mga proteksyon sa Liham sa Lahat ng Plano 22-032 ay bilang karagdagan sa mga proteksyon ng batas ng estado sa ilalim ng Knox Keene Act.

2. Paano kung nakapagpaenrol na ako sa planong pangangalaga na pinamamahalaan ng Medi-Cal at dapat lumipat sa isang bagong planong pinamamahalaang pangangalaga sa Enero 1, 2024?

Ikaw ay may katulad na mga karapatan sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga, gaya ng nakabalangkas sa 2024 na Patakaran sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga ng Plano sa Pinamamahalaang Pangangalaga ng Kagawaran ng mga Serbisyong Pangangalagang Pangkalusugan (DHCS).

TANDAAN: Kung hindi mo kailangang palitan ang iyong plano, pero ipinasya mong palitan ito dahil gusto pagkaraan ng Enero 1, 2024, ang bagong patakaran sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay hindi mailalapat sa iyo.

3. Gaano katagal ang Pagpapatuloy ng Pangangalaga?

Ang iyong provider at plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay magpapasya kung gaano katagal ka makakakuha ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga, pero ito ay pangkaraniwang hindi tumatagal ng 12 buwan.

May 3 sitwasyon kung saan ang Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay maaaring maging mas matagal kaysa 12 buwan:

  1. Kung ikaw ay tumatanggap ng pangangalaga ng hospice, ang iyong Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay dapat sumaklaw sa iyong teminal na sakit.
  2. Kung ikaw by buntis o nanganak kamakailan, ang iyong Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay dapat sumaklaw sa 12 buwan pagkaraan ng pagkumpleto ng iyong pagbubuntis o 12 buwan pagkaraan ng post partum na diyagnosis ng kalusugan ng Isip,
  3. Kung ikaw ay tumatanggap ng pangangalaga bilang panloob na pasyente ng ospital, ang Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay dapat sumaklaw sa panahon ng matinding kondisyon.

4. Paano ko makukuha ang Pagpapatuloy ng Pangangalaga?

Ikaw, ang iyong awtorisadong kinatawan, o ang iyong provider ay dapat humiling ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga mula sa iyong bagong planong pangangalaga na pinamamahalaan ng Medi-Cal. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagtawag sa bago mong plano o paghiling na tawagan ng iyong awtorisadong kinatawan o doktor ang iyong plano. Ang numero ng telepono ng iyong plano ay nasa iyong pakete ng pagpapaenrol at nasa iyong card ng planong pangkalusugan.

Kapag tatawag ka, ibigay sa iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ang impormasyon tungkol sa pagtawag sa provider na nais mong patuloy na pagpatingnan upang makontak ng plano ang provider. Mahalagang ipagbigay-alam sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan at sa tanggapan ng provider na hiningi mong patuloy na magpatingin sa provider sa ilalim ng mga proteksyon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga..

Pinahusay na Pagpapatuloy ng Pangangalaga para sa mga Espesyal na Populasyon

Ang DHCS ay nag-aatas sa mga planong pangkalusugan na magkaloob ng mas maraming proteksyon sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga sa mga benepisyaryo ng Medi-Cal sa partikular ng Espesyal na mga Populasyon. Kung ikaw ay bahagi ng isang Espesyal na Populasyon, ang iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat magsimula ng proseso ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga para sa iyo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iyong mga provider mula 2023 at pagtatag ng mga kasunduan sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga sa iyong mga provider nang hindi ka gumagawa ng paghiling upang matiyak na walang mga pagkaputol sa iyong pangangalaga. Inirerekomenda pa rin namin na kontakin ang iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga, gaya ng inilarawan sa itaas, upang matiyak na ang iyong kahilingan ay natatanggap. Upang malaman kung ikaw ay nasa isang Espesyal na Populasyon, tingnan ang Tanong 22.

5. Ano ang kailangan ko upang maaprubahan ang aking kahilingan?

Upang maaprubahan ang iyong kahilingan para sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga, ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay mag-aatas na:

  1. Ikaw ay may dati nang relasyon sa provider, nangangahulugan na nagpatingin ka na sa provider kahit isang beses para sa isang di-emerhensiyang pagbisita sa taon bago nagpaenrol sa plano sa pinamamahalaang pangangalaga (tingnan ang Tanong 1). Ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay maaaring makatukoy sa iyong dating relasyon sa pamamagitan ng mga datos ng Kagawaran ng mga Serbisyong Pangangalagang Pangkalusugan (DHCS), pero maaari ka ring magbigay ng sarili mong dokumentasyon ng naunang mga di-emerhensiyang pagbisita,
  2. Ang provider ay handang tumanggap sa mga rate ng kontrata ng iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga.
  3. Ang provider ay nakakatugon sa mga propesyonal na pamantayan ng iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga at walang mga isyu sa kalidad ng pangangalaga, at
  4. Ang provider ay isang provider na inaprubahan ng Plano sa Medicaid ng Estado ng California.

Inirerekomenda namin ang paggawa ng mga kahilingan na Pagpapatuloy ng Pangangalaga bago tumanggap ng mga serbisyo mula sa iyong provider.

Kung ikaw ay gagawa ng kahilingan PAGKATAPOS mong matanggap ang mga serbisyo mula sa provider, ang iyong kahilingan para sa pagpapatuloy ng pangangalaga ay dapat gawin sa loob ng 30 araw ng kalendaryo pagkaraan ng petsa ng serbisyo.

6. Kailan ako makakarinig ng sagot sa aking kahilingan?

Ang takdang panahon para aprubahan o tanggihan ng iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ang kahilingan ay depende sa mga posibleng panganib sa iyong kalusugan. Depende sa panganib, isasaalang-alang ng DHCS ang iyong kahilingan bilang apurahan, madalian, o di-apurahan.

Lahat ng kahilingan mula sa mga Espesyal na Populasyon na inaatasang lumipat sa mga bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay ituturing na apurahan.

Kung ang iyong pangangailangan na magpatingin sa iyong provider ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay apurahan o ikaw ay may nakabinbing appointment, sabihin ito sa iyong bagong plano.

Apurahan

Kung may isang “natukoy na panganib ng pinsala sa iyong kalusugan, ang iyong plano sa pimamahalaang pangangalaga ay dapat magkumpleto ng kahilingan sa lalong madaling panahon, pero hindi mas matagal kaysa 3 araw ng kalendaryo. “Panganib ng pinsala” ay nangangahulugang isang napipinto at seryosong banta sa iyong kalusugan.

Agaran

Kung ang iyong kondisyong medikal ay nangangailangan ng mas agarang atensiyon, tulad ng isang appointment sa doktor o ibang lubhang kailangang serbisyo, ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat magkumpleto ng iyong kahilingan sa loob ng 15 araw ng kalendaryo.

Di-Apurahan

Kung ang iyong kondisyong medikal ay hindi apurahan o agaran, ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat magprosso ng iyong kahilingan sa loob ng 30 araw ng kalendaryo.

7. Paano ako makakarinig ng sagot?

Ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat magbigay ng paunawa sa iyo ng petsa na natanggap nito ang iyong kahilingan at bigyan ka ng kanilang desisyon gamit ang iyong gustong anyo ng komunikasyon (tawag, tekstong mensahe, o email). Ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat ding magpadala sa iyo ng isang nakasulat na desisyon sa pamamagitan ng koreo sa loob ng 7 araw ng kalendaryo pagkatapos maproseso ang kahilingan. Para sa mga apurahang kahilingan, ang plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat magbigay sa iyo ng paunawa sa loob ng pinakamaikling takdang panahon na angkop sa iyong kondisyon, pero hindi mas matagal sa 3 araw ng kalendaryo.

8. Ano ang mangyayari kung aprubahan ang aking kahilingan?

Kung ang iyong kahilingan ay inaprubahan, ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga at ang iyong provider ay papasok sa isang kasunduan sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga para sa mga Provider. Maipagpapatuloy mo ang pagtanggap ng mga serbisyo mula sa provider na iyon para sa takdang panahon na ipinahintulot sa iyong pahayag ng desisyon (hanggang sa 12 buwan). Dapat ding kasama sa iyong paunawa ang impormasyon tungkol sa proseso na mangyayari upang ilipat ang iyong pangangalaga sa katapusan ng takdang panahon at impormasyon tungkol sa iyong karapatang pumili ng iba, loob-ng-network na provider (kung pipiliin mo).

Sa ilalim ng kasunduan sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga, ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay magbabayad sa iyong provider para sa iyong mga serbisyong medikal.

9. Ano ang mangyayari kung tinanggihan ang aking kahilingan?

Maaaring tanggihan ng iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ang iyong kahilingan kung ang 4 na iniaatas sa Tanong 6 ay hindi natutugunan. Ang paunawa sa iyo ay dapat magpaliwanag ng dahilan para sa pagtanggi at magbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa kung paano magharap ng karaingan o apela sa desisyon. Tingnan ang Liham sa Lahat ng Plano 21-011 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng karaingan at apela. Tingnan din ang publikasyon ng DRC sa Mga Karaingan at Apela sa sa Pinamamahalaang Pangangalaga.

Kung ang iyong plano at ang iyong provider ay hindi sumang-ayon sa isang kasunduan o rate, o ang iyong plano ay nagdokumento ng mga isyu sa kalidad ng pangangalaga sa iyong provider, ang iyong plano ay dapat mag-alok sa iyo ng isang alternatibo sa loob-ng-network na provider. Kung wala kang pinili, dapat kang irekomenda ng iyong plano sa isa.

10. Ano ang mangyayari pagkatapos ng panahon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga (hindi mas matagal kaysa 12 buwan)?

Pagkatapos ng iyong panahon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga, dapat kang lumipat sa isang bagong provider na nasa loob-ng-network ng iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga. Ang iyong plano sa pangangalagang pangkalusugan ay dapat makipag-ugnayan sa iyo at sa iyong provider tungkol sa proseso ng paglipat sa isang loob-ng-network na provider 30 araw ng kalendaryo bago ang petsa ng pagtatapos.

11. Paano kung magpalit ako ng plano sa pinamamahalaang pangangalaga pagkatapos ng aking unang pagpapaenrol?

Kung pinili mong magpalit ng plano pagkatapos ng iyong unang pagpapaenrol, o nawala o saka nabawi mo ang pagiging karapat-dapat para sa isang plano sa panahon ng 12-buwan ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga, ang iyong 12-buwan ng panahon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga para sa isang dating provider ay maaaring muling magsimula nang isang beses. Halimbawa, kung ikaw ay nagpaenriol sa isang plano sa pinamamahalaang pangangalaga noong Enero 1, 2023. Saka, lumipat ka sa isang bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga, sa kagustuhan mo, noong Abril 1, 2023. Ang 12-buwan na Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay maaaring magsimula sa isang panahon sa Abril 1, 2023 at maaari kang magpatingin sa iyong dating provider hanggang Abril 1, 2024.

Kung lilipat kang muli, hindi ka magkakaroon ng isang bagong 12-buwan na panahon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga.

Mga Paglipat mula sa FFS Medi-Cal patungo sa isang Plano sa Pinamamahalaang Pangangalaga

12. Sa aling mga provider ka maaaring patuloy na magpatingin?

Kung ikaw ay lilipat mula sa FFS Medi-Cal patungo sa isang planong pinamamahalaan ng Medi-Cal, ang mga proteksyon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay maaaring magpahintulot sa iyo na magpatingin sa:

  • Mga Provider ng Pangunahing Pangangalaga
  • Mga Espesyalista, at
  • Piling mga ancillary Provider, kabilang ang speech, physical, occupational, respiratory therapist, at mga provider ng paggamot ng kalusugan ng asal (BHT).

HINDI ka makakakuha ng mga proteksyon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga upang magpatingin sa ibang mga ancillary Provider, tulad ng:

  • Radiology
  • Laboratoryo
  • Mga sentro ng Dialysis
  • Di-Emerhensiyang Transportasyong Medikal (NEMT)
  • Di-Medikal na Transportasyon (NMT)
  • Ibang mga ancillary service, at
  • Mga Provider na hindi nakaenrol sa Medi-Cal.

13. Paano kung mayroon na akong appointment sa isang espesyalista sa pamamagitan ng aking Fee-for-Service Medi-Cal? Makakadalo pa rin ba ako sa appointment pagkatapos akong magpaenrol sa plano sa pinamamahalaang pangangalaga?

Kung ang appointment ay sa isang labas-ng-network na espesyalista na pinagpapatingnan mo sa nakaraang taon para sa isang di-emerhensiyang pagbisita at ang Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay naitatag (sumusunod sa proseso sa Tanong 5 at mga iniaatas sa Tanong 6), maaari mong ipagpatuloy ang nakatakdang appointment kung ito ay mangyayari sa panahon ng iyong Pagpapatuloy ng Pangangalaga.

Kung ang appointment ay sa isang labas-ng-network na espesyalista na hindi ka nakapagpatingin sa nakaraang taon para sa isang di-emerhensiyang pagbisita at ang Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay HINDI naitatag, ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay may 2 opsyon: 1) Ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay magpahintulot sa iyo na panatilihin ang iyong kasalukuyang appointment, o 2) Ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay magtatakda ng appointment sa isang loob-ng-network na provider na may kaparehong espesyalidad sa o bago ang nakatakdang petsa ng kasalukuyang appointment. Kung ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay hindi nakapagtakda ng bagong appointment sa tamang panahon, ito ay dapat gumawa ng “matapat na pagsisikap” upang pahintulutan kang panatilihin ang iyong orihinal na appointment. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang APL 23-022 at ang 2024 na Patnubay sa Patakaran sa Paglipat sa Plano sa Pangangalagang Pinamamahalaan ng Medi-Cal.

14. Ako ba ay maaaring patuloy na tumanggap ng mga serbisyong awtorisado na kapag ako ay lumipat mula sa FFS Medi-Cal patungo sa Pinamamahalaang Pangangalaga?

Oo. May karapatan kang patuloy na tumanggap ng kaparehong mga serbisyong saklaw ng Medi-Cal pagkatapos magpaenrol sa isang plano sa pinamamahalaang pangangalaga mula sa FFS Medi-Cal.

Ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat tumanggap ng lahat ng aktibong nauunang mga awtorisasyon sa paggamot para sa mga serbisyo para sa iyong unang 90 araw sa plano. Hindi mo kailangang hilingin ito dahil ito ay dapat mangyari nang awtomatiko, pero inirerekomenda namin na gawin ang kahilingan. Ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat mag-ayos ng awtorisadong mga serbisyo na ihahatid ng isang loob-ng-network na provider, Kung walang loob-ng-network na provider, ang iyong plano ay dapat humanap ng isang labas-ng-network na provider upang ipagkaloob ang serbisyo.

Pagkaraan ng 90 araw, ang iyong aktibong awtorisasyon sa paggamot ay mananatiling may bisa hanggang sa oirhinal na tagal nito o hanggang makumpleto ng iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ang isang bagong pagtasa, alinman ang mas maaga. Kung ang 90-araw na bintana ay matapos at ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay hindi nagkumpleto ng isang bagong pagtasa, ang iyong plano ay maaaring muling magtasa ng iyong awtorisasyon sa paggamot anumang oras.

Ang pagtasa ay ginagawa kapag ikaw ay bumibisita sa isang loob-ng-network na provider na nagsusuri ng iyong kondisyon at nagkukumpleto ng isang bagong plano sa paggamot. Ang bagong plano sa paggamot ay dapat magsama ng isang pagtasa para sa mga serbisyo sa iyong kasalukuyang awtorisasyon sa paggamot.

15. Mayroon bang Pagpapatuloy ng Pangangalaga para sa aking Matibay na Kagamitang Medikal (DME) at mga suplay na medikal kapag ako ay lumipat mula sa FFS Medi-Cal patungo sa Pangangalagang Pinamamahalaan ng Medi-Cal?

Oo. Ikaw ay pinahihintulutang panatilihin ang iyong kasalukuyang mga DME rental at mga suplay mula sa iyong kasalukuyang provider ng DME na inaprubahan sa ilalim ng FFS Medi-Cal para sa:

  1. 90 araw pagkatapos ng iyong pagpapaenrol sa plano sa pinamamahalaang pangangalaga, AT
  2. Hanggang ikaw ay sumailalim sa pagtasa ng plano sa pinamamahalaang pangangalaga, AT
  3. Hanggang makuha mo ang iyong bagong DME o mga suplay at ang mga ito ay handa nang gamitin.

Ang muling pagtasa ay ginagawa kapag ikaw ay bumibisita sa isang loob-ng-network na provider (nang personal o sa pamamagitan ng telehealth) na nagsusuri ng iyong kondisyon at nagkukumpleto ng isang bagong plano sa paggamot. Ang bagong plano sa paggamot ay dapat magsama ng isang pagtasa ng mga serbisyo sa iyong kasalukuyang awtorisasyon para sa DME.

Pagkaraan ng 90 araw, ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay maaaring muling magtasa ng iyong awtorisasyon para sa DME anumang oras at maaaring mag-atas sa iyo na lumipat sa isang loob-ng-network na provider. Kung ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay hindi nagkumpleto ng isang bagong pagtasa, ang kasalukuyang awtorisasyon ay namamalaging aktibo para sa orihinal na tagal.

16. Paano kung ang aking DME ay inorder sa panahon ng aking paglipat sa pinamamahalaang pangangalaga mula sa FFS Medi-Cal, pero hindi pa naihahatid?

Ang kaparehong patakaran mula sa Tanong 15 ay inilalapat kung ang iyong DME ay inorder, pero hindi pa naihatid sa panahon ng iyong paglipat. Ang iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat magpahintulot na ihatid ang iyong DME at panatilihin mo ito nang hindi bababa sa 90 araw at hanggang sa muling pagtasa.

17. Ang akin bang mga serbisyong transportasyon na saklaw ng FFS Medi-Cal (Di-Emerhensiyang Transportasyong Medikal at Di-Medikal na Transportasyon) ay Magpapatuloy?

Ang iyong plano sa pangangalagang pangkalusugan ay dapat magpahintulot sa iyo na panatilihin ang uri ng transportasyon na may awtorisasyon ka pero ang plano ay maaaring mag-atas sa iyo na lumipat sa isang loob-ng-network na provider.

Mga Paglipat mula sa isang Plano sa Pinamamahalaang Pangangalaga patungo sa Ibang Plano sa Pinamamahalaang Pangangalaga

18. Sa aling mga provider ka maaaring patuloy na magpatingin?

Kung ikaw ay lilipat mula sa isang Plano sa Pinamamahalaang Pangangalaga patungo sa isang bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga, ang mga proteksyon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga ay maaaring magpahintulot sa iyo na magpatingin sa:

  • Mga Provider ng Pangunahing Pangangalaga
  • Mga Espesyalista, at
  • Piling mga ancillary Provider, kabilang ang speech, physical, occupational, respiratory therapist, at mga provider ng paggamot ng kalusugan ng asal (BHT).
  • Doulas
  • Mga Sentro ng Dialysis
  • Mga Provider ng Pinahusay na Pamamahala ng Pangangalaga (ECM)
  • Mga Provider ng mga Suporta sa Komunidad
  • Mga Pasilidad ng Sanay na Pangangalaga (SNFs)

HINDI ka makakakuha ng mga proteksyon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga upang magpatingin sa ibang mga ancillary Provider, tulad ng:

  • Radiology
  • Laboratoryo
  • Di-Emerhensiyang Transportasyong Medikal (NEMT)
  • Di-Medikal na Transportasyon (NMT)
  • Mga Provider na hindi nakaenrol sa Medi-Cal.

19. Anu-anong mga serbisyo ang patuloy na makukuha ko kung dapat akong lumipat sa isang bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga?

Ang Pagpapatuloy ng Pangangalaga para sa mga serbisyo ay nagpapahintulot sa iyo na patuloy na tumanggap ng saklaw na mga serbisyo ng Medi-Cal para sa 6 na buwan (mula Enero 1, 2024 hanggang Hulyo 1, 2024) nang hindi kumukuha ng isang bagong awtorisasyon mula sa isang bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga kung:

  1. Ikaw ay may isang aktibong Nauunang Awtorisasyon para sa serbisyo, O
  2. Ikaw ay may isang Aktibong Kurso ng Paggamot nang walang Nauunang Awtorisasyon. Ang “Aktibong Kurso ng Paggamot” ay dapat idokumento sa iyong mga rekord na medikal bago ang Enero 1, 2024. Ito ay nangangahulugang ikaw ay aktibong nakikipagtulungan sa isang provider at sumusunod sa mga itinatagubiling kurso ng paggamot gaya ng ibinalangkas ng iyong provider para sa isang partikular na kondisyong medikal.

20. Ano ang mangyayari pagkatapos ng 6-na-buwan ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga para sa mga serbisyong awtorisado sa ilalim ng aking dating plano sa pinamamahalaang pangangalaga?

Kung kailangan mo pa rin ang serbisyo pagkatapos ng 6-na-buwan ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga, ang iyong bagong loob-ng-network na provider ay dapat humiling ng awtorisasyon mula sa iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga.

21. Mayroon ba akong mga karapatan sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga para aking DME at mga suplay na medikal kung ako ay lilipat sa isang bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga sa Enero 1, 2024?

Oo. Kung ikaw ay lilipat sa isang bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga sa Enero 1, 2024, maaari mong panatilihin ang iyong kasalukuyang suplay na medikal para sa hindi bababa sa 6 na buwan pagkaraan ng iyong paglipat at hanggang sa iyong susunod na muling pagtasa. Kung ang iyong DME o mga suplay na medikal ay naaprubahan na dati pero hindi ipagkakaloob hanggang pagkaraan ng paglipat, ang iyong plano ay dapat magpahintulot sa iyo na panatilihin ang DME rental o mga suplay para sa hindi kukulangin sa 6 na buwan, hanggang magkaroon ka ng bagong pagtasa. Kung ang iyong bagong plano ay hindi nagkumpleto ng isang bagong pagtasa, ang iyong kasalukuyang awtorisasyon ay mananatiling may bisa para sa tagal ng awtorisasyon sa paggamot.

22. Paano kung ako ay bahagi ng isang Espesyal na Populasyon?

Kung ikaw ay bahagi ng isang Espesyal na Populasyon, ikaw ay may mga karagdagang proteksyon ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga para sa mga serbisyo. Ikaw ay nasa isang “Espesyal na Populasyon” kung ikaw ay:

  • Awtorisadong tumanggap ng mga serbisyo ng Pinahusay na Pamamahala ng Pangangalaga (ECM)
  • Awtorisadong tumanggap ng mga Suporta sa Komunidad
  • Nakaenrol sa Pamamahala ng Masalimuot na Pangangalaga
  • Nakaenrol sa 1915(c) waiver na mga programa (Kabilang ang HCBA waiver at HCBS-DD Waiver)
  • Tumatanggap ng Sumusuportang mga Serbisyo sa Loob ng Tahanan (IHSS)
  • Nakaenrol sa Buong Batang Modelo ng CCS/ ng Mga Serbisyo sa mga Bata ng California (CCS)
  • Tumatanggap ng foster care, at dating foster youth hanggang sa edad na 25
  • Nasa aktibong paggamot para sa mga sumusunod na hindi gumagaling na nakakahawang sakit: HIV/AIDS, tuberculosis, hepatitis B at C
  • Gumagamit ng immunosuppressive medications, immunomodulators, at biologics
  • Tumatanggap ng paggamot para sa huling-yugto na sakit sa bato (ESRD)
  • Namumuhay na may diyagnosis ng kapansanan sa pag-iisip o pag-unlad (I/DD)
  • Namumuhay na may diyagnosis ng dementia
  • Nasa proseso ng pagtaya para sa transplant, sa anumang listahan ng naghihintay upang tumanggap ng isang transplant, sumasailalim sa isang transplant, o tumanggap ng isang transplant sa naunang 12 buwan
  • Buntis o postpartum (nasa 12 buwan ng pagkumpleto ng pagbubuntis o diyagnosis ng maternal na kalusugan ng isip)
  • Tumatanggap ng espesyalidad na mga serbisyo sa kalusugan ng isip (nasa hustong gulang, kabataan, at mga bata)
  • Tumatanggap ng paggamot sa mga pharmaceutical na ang pagtanggal ay may panganib ng seryosong mga sintomas ng pagtigil o mortalidad
  • Tumatanggap ng pangangalaga ng hospice
  • Tumatanggap ng home health
  • Naninirahan sa mga Pasilidad ng Sanay na Pangangalaga (SNF)
  • Tumatanggap ng pangangalaga sa panloob ng pasyente ng ospital
  • Lumabas mula sa panloob na pasyente ng ospital, SNF, ICF/DD, o sub-acute facility (sa loob ng 30 araw ng pamamalagi)
  • Bagong iniresetang DME (sa loob ng 30 araw ng Enero 1, 2024)
  • Mga miyembrong tumatanggap ng Nakabase sa Komunidad na mga Serbisyo sa Komunidad

Bilang karagdagan sa 6-na-buwang bintana ng proteksyon, ang iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat magtasa kung kailangan mong ipagpatuloy ang mga serbisyong ito. Ang pagtasa ay ginagawa kapag bumibisita ka sa loob-ng-network na provider (nang personal o sa pamamagitan ng telehealth) na nagsusuri at nagkukumpleto ng isang bagong plano sa paggamot. Dapat kasama sa bagong plano sa paggamot ang isang pagtasa ng mga serbisyo sa iyong kasalukuyang awtorisasyon mula sa iyong dating plano sa pinamamahalaang pangangalaga.

Ang iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat ding magtrabaho nang proaktibo upang tukuyin ang mga miyembrong may Aktibong mga Kurso ng Paggamot na kailangang maging awtorisado nang higit sa 6 na buwan. Dapat kontakin ng iyong plano ang mga provider ng paggamot upang itatag ang anumang kailangang Nauunang Awtorisasyon.

23. Paano kung ako ay bahagi ng isang Espesyal na Populasyon at ako ay tumatanggap ng mga serbisyong pamamahala ng pangangalaga?

Kung ikaw ay bahagi ng isang Espesyal na Populasyon na nakalista sa ilalim ng Tanong 23 at tumatanggap ka ng mga serbisyong pamamahala ng pangangalaga mula sa iyong dating planong pangkalusugan (halimbawa mula sa iyong Tagapamahala ng Pangangalaga ng Pamamahala ng Masalimuot ng Pangangalaga [CCM] o Tagapamahala ng Pangangalaga ng iyong Pinahusay na Pamamahala ng Pangangalaga [ECM], makakatanggap ka rin ng Pagpapatuloy ng Pangangalga para sa mga serbisyong ito.

Ang iyong naunang plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay inaatasang magbahagi ng impormasyon mula sa iyong Tagapamahala ng Pangangalaga sa iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga upang gawing mas madali ang paglipat na ito. Kabilang dito ang iyong impormasyon tungkol sa matatawagan, gustong anyo ng komunikasyon, mga resulta ng iyong makukuhang pagsusuri at mga napag-alaman sa pagtasa, at iyong Plano sa Pamamahala ng Pangangalaga. Ang iyong dating plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat magtapos ng paglipat ng impormasyong ito sa iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga sa loob ng 15 araw ng kalendaryo ng iyong paglipat sa isang bagong Tagapamahala ng Pangangalaga.

Kung ikaw ay tumatanggap ng mga serbisyo ng CCM, dapat kang patuloy na tumanggap ng mga ito mula sa iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga.

Kung ikaw ay tumatanggap ng mga serbisyo ng ECM, dapat ka ring patuloy na tumanggap ng mga ito mula sa iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga, dahil ang lahat ng plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay inaasahang makipagkontrata sa lahat ng provider ng ECM bago lumampas ang 2024. Pero, kung ang iyong provider ng ECM ay hindi mula sa loob-ng-network sa iyong bagong pinamamahalaang plano sa pangangalaga, dapat mong sundin ang proseso sa Mga Tanong 5-11.

24. Paano kung ako ay tumatanggap ng pangangalaga sa panloob na pasyente ng ospital noong Enero 1, 2024?

Ang iyong naunang plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat magsabi sa iyo na ikaw ay tumatanggap ng pangangalaga ng panloob na pasyente bago lumampas ang Disyembre 22, 2023. Dapat nitong patuloy na isapanahon ang iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga araw-araw hanggang Enero 9, 2024, kabilang ang mga holiday at weekend. Dapat kontakin ng iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ang ospital upang iugnay ang iyong pangangalaga.

25. Magpapatuloy ba ang mga serbisyong transportasyon (Di-Emerhensiyang Trasportasyong Medikal at Di-Medikal na Transportasyon)?

Kung ikaw ay may nauunang awtorisasyon para sa mga serbisyong transportasyon, ang iyong bagong plano ay dapat gumawa ng mga hakbang upang matiyak na magagawa mong panatilihin ang iyong kasalukuyang uri ng transportasyon para sa hindi bababa sa 6 na buwan pagkatapos ng paglipat. Ang plano ay maaaring mag-atas sa iyo na lumipat sa isang loob-ng-network na provider. Pagkaraan ng 6 na buwan, ang plano ay maaaring muling magtasa ng iyong pangangailangan ng transportasyon.

26. Paano kung ako ay kasalukuyang nasa isang listahan ng naghihintay upang magpatingin sa isang espesyalista sa pamamagitan ng aking plano sa pinamamahalaang pangangalaga? Kailangan ko bang magsimula sa likuran ng linya sa isang bagong listahan ng naghihintay pagkaraan ng Enero 1, 2024?

Kung ikaw ay kasalukuyang nasa isang listahan ng naghihintay para sa isang appointment sa isang espesyalista, dapat mong kontakin ang iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga at humiling ng appointment sa isang loob-ng-network na espesyalista sa loob ng takdang panahon na kapareho ng iyong kasalukuyang appointment. Ang iyong bagong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ay dapat na 1) hayaan kang panatilihin ang iyong kasalukuyang appointment sa isang loob-ng- network na provider na may kaparehong espesyalidad. Ang appointment sa loob-ng-network na provider ay dapat na sa o bago ang nakatakdang petsa ng kasalukuyang appointment.

27. Saan ako makakahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga?

Ang karagdagang impormasyon mula sa DHCS ay makukuha sa https://www.dhcs.ca.gov/services/Pages/ContinuityOfCare.aspx at ang impormasyon mula sa National Health Law Program ay makukuha sa https://healthlaw.org/resource/continuity-of-care-in-medi-cal-managed-care-updated-2023/