Pagtanggap ng Communication Supports (Mga suportang Pangkomunikasyon) sa pamamagitan ng Medi-Cal

Publications
#7151.08

Pagtanggap ng Communication Supports (Mga suportang Pangkomunikasyon) sa pamamagitan ng Medi-Cal

Alam mo ba na kung makatatanggap ka ng Medi-Cal at ginagawang mahirap sa iyo ng iyong kapansanan para makipag-ugnayan ka, maaaring magbayad ang Medi-Cal para sa communication supports na kailangan mo?

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Alam mo ba na kung makatatanggap ka ng Medi-Cal at ginagawang mahirap sa iyo ng iyong kapansanan para makipag-ugnayan ka, maaaring magbayad ang Medi-Cal para sa communication supports na kailangan mo?

1.  Ano ang Medi-Cal?

Ang Medi-Cal ay programa ng Medicaid ng California.  Nagbibigay ang Medi-Cal ng nasasaklawan ng pangangalagang pangkalusugan sa maraming mabababang kita ng mga tao.   Kung makatatanggap ka ng Supplemental Security Income (SSI) (Karagdagang Kita ng Seguridad), awtomatiko kang makatatangap ng Medi-Cal. Ang Medi-Cal ay hindi lamang sa pagtanggap ng gamot o pagpunta sa doktor.  Maaari ring isama sa Medi-Cal ang mga serbisyo at aparato na kailangan mo para makipag-ugnayan.

2.  Anu-ano ang communication supports?

Ang “communication supports” ay mga aparato o serbisyo na tumutulong sa isang taong may kapansanan para makipag-ugnayan.  Ang communication supports ay paminsan-minsang tinatawag na Augmentative Communication Devices (ACD) (Mga pangkaragdagang Aparatong Pangkomunikasyon), Augmentative and Alternative Communication (AAC) (Komunikasyong Pangkaragdagan at Mapagpipilian), Assistive Technology (AT) (Teknolohiyang Pantulong), o Durable Medical Equipment (DME) (Matibay na Medikal na Kagamitan).

3.  May karapatan ba akong makatanggap ng communication supports mula sa Medi-Cal?

Oo.  Magbabayad ang Medi-Cal para sa isang communication support kung magpapasya ang iyong doktor na “medically necessary” (medikal na kinakailangan) para sa iyo.  Sa karaniwan, ang mga serbisyo, supply at aparato ay itinuturing na “medically necessary” kapag ang mga ito ay “makatwiran at kinakailangan para maprotektahan ang buhay, para maiwasan ang kapansin-pansing karamdaman o kapansing-pansing kapansanan, o para paginhawahin ang matinding sakit.”  Para sa mga batang mababa sa edad 21, ang ibig sabihin ng “medically necessary” ay “kinakailangan para itama o mapabuti ang mga depekto at pisikal at mga karamdamang hinggil sa pag-iisip at mga kundisyon.” 

Sa kadalasan, kailangan munang sumang-ayon ang Medi-Cal na magbayad para sa aytem bago mo matanggap ito.  Tinatawag itong “prior authorization (paunang pahintulot).”  Bukod sa ibang bagay, ang prior authorization ay maaaring isama ang isang sulat mula sa isang doktor o isang therapist na sinasabi na mayroon kang medikal na pangangailangan para sa aytem.  Gayun din, magbabayad lamang ang Medi-Cal para sa pinakamababang halaga ng aytem na matutugunan ang iyong mga pangangailangan. 

Narito ang ilang halimbawa ng communication supports na maaari mong mataggap mula sa Medi-Cal:  

  • Dynavox at iba pang Speech Generating Devices (SGDs) (mga Aparatong Nakapaglilikha ng Salita);
  • Ang PECs (Picture Exchange Communication System) (Sistema ng Komunikasyon ng Palitan ng Larawan) at iba pang anyo ng sistemang pangkomunikasyong batay sa larawan;
  • Mga pisara ng titik o pisara ng alpabeto;
  • Mga computer tablet, tulad ng iPad, kung gagamitin ito bilang isang aparatong pangkomunikasyon;
  • Mga serbisyo na nauugnay sa pagsusuri o therapy para matutunan kung paanong gumamit ng aparato.

Kung hindi direktang nakalaan ang uri ng communication support na kailangan mo sa Medi-Cal, maaari mo pa ring hilingin ito sa iyong doktor o iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan bilang isang “reasonable accommodation (makatwirang kaluwagan).” Maaaring kabilang dito ang mga interpreter ng sign language, mga kasosyo sa komunikasyon, o mga dokumento sa braille o malaking titik.

Para sa higit na impormasyon sa karapatan sa mabisang komunikasyon mula sa mga programa ng gobyerno tulad ng Medi-Cal, tingnan ang U.S. Department of Justice (Kagawaran ng Katarungan ng U.S.), Mga kinakailangan ng ADA: Mabisang Komunikasyon, https://www.ada.gov/effective-comm.htm.

4. Paano kong matatanggap ang communication supports na kailangan ko?

Makipag-usap sa iyong doktor, occupational therapist o iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa iyong mga pangangailangan at hilingan ang mga ito na magsumite ng kahilingan ng pahintulot sa Medi-Cal para sa iyo.

5. Ano ang maaari kong gawin kung magpapasya ang Medi-Cal na hindi ko matatanggap ang communication supports na kinakailangan ko?

Maaari kang mag-apela.  Kung hindi ka masaya sa desisyon ng Medi-Cal, maaari kang humiling ng patas na pagdinig ng Medi-Cal.  Kung ikaw ay nasa isang plan na pinangangasiwaang pangangalaga, maaari kang maghain ng hinaing sa plan at humiling ng patas na pagdinig kung hindi ka masaya sa desisyon ng plan.  Kung ikaw ay nasa isang plan na pinangangasiwaang pangangalaga, maaari ka rin humiling ng independent medical review (IMR) (malayang medikal na repaso) sa Department of Managed Health Care (DMHC) (Kagawaran ng Pinapangasiwaang Pangangalagang Panagkalusugan) ng California.  Kung gusto mong humiling ng IMR, karaniwang kailangan mo munang maghain ng apela sa plan ng pinangangasiwaang pangangalaga.  Maaari kang pumunta sa link na ito para sa higit na impormasyon. http://www.dhcs.ca.gov/services/medi-cal/Pages/Medi-CalFairHearing.aspx.  Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa iyong mga karapatan sa pag-apela, maaari mo ring tawagan ang Disability Rights California.

Hinanda ng Disability Rights California ang fact sheet na ito bilang bahagi ng proyekto ng Communication Disabilities Access Network (Network sa Paggamit ng mga Komunikasyong Pangkapansanan) .  Ang proyekto ay inilaan para maglinang, magsanay at magpatakbo ng network ng mga namumuno para magtaguyod sa communication supports. Ito’y pinopondohan ng isang kaloob mula sa Ability Central (Sentral ng Abilidad), dating kilala bilang Disability Communications Fund (Pondong Pangkomunikasyong Pangkapansanan).  Sinusuportahan ng Ability Central ang mga programa at teknolohiya na nabebenepisyuhan ang komunikasyon at mga pangangailangan sa paggamit ng mga taga-California na may mga kapansanan. Para sa higit na impormasyon, bisitahin ang http://dcfund.us