Mga programa ng Medi-Cal para Matulungan Kang Manatili sa Iyong Sariling Bahay o Umalis sa isang Nursing Home
Mga programa ng Medi-Cal para Matulungan Kang Manatili sa Iyong Sariling Bahay o Umalis sa isang Nursing Home
Nagbibigay ang publikasyon na ito ng impormasyon tungkol sa mga programa ng California na tumutulong sa mga taong may mga kapansanan, kabilang ang mga bata at senior, na tumatanggap ng pananatili sa bahay ng Medi-Cal o bumalik sa bahay mula sa pangmatagalang mga pasilidad ng pangangalaga tulad ng mga ospital, nursing home, at iba pang medikal na pasilidad.
Nagbibigay ang publikasyon na ito ng impormasyon tungkol sa mga programa ng California na tumutulong sa mga taong may mga kapansanan, kabilang ang mga bata at senior, na tumatanggap ng pananatili sa bahay ng Medi-Cal o bumalik sa bahay mula sa pangmatagalang mga pasilidad ng pangangalaga tulad ng mga ospital, nursing home, at iba pang medikal na pasilidad. Kung kailangan mo ng tulong na makakuha ng mga serbisyo para manatili sa bahay o umalis sa isang pasilidad, maaari mong kontakin ang Disability Rights California nang toll free sa (800) 776-5746 o TTY: (800) 719-5798. Maaari mo ring bisitahin ang aming website sa www.disabilityrightsca.org.
A. In-Home Supportive Services (IHSS)
Ang programang In-Home Supportive Services (IHSS) ay nagbibigay ng mga serbisyo sa mga taong may mga kapansanan, kabilang ang mga bata, na pinapayagan silang manatiling ligtas sa bahay imbes na manirahan sa pangmatagalang pasilidad ng pangangalaga tulad ng nursing home, board and care, o iba pang uri ng pasilidad. Pangbuong-estado ang IHSS at ang pinakamalaking programa ng pangangalaga sa bahay sa California. Ibinibigay ang mga serbisyo ng IHSS sa isang bahay ng tao ng isang caregiver ng IHSS. Ang caregiver ng IHSS ay maaaring maging isang miyembro ng pamilya o isa pang tao na pinili ng taong tumatanggap ng mga serbisyo ng IHSS.
Kasama sa mga Serbisyo ng IHSS ngunit hindi limitado sa:
- Pantahanan at mga kaugnay na serbisyo: paglilinis ng bahay, paghahanda ng mga pagkain, paglalaba, pamimili ng grocery, at pagtatapon ng basura.
- Mga Serbisyo ng Personal na Pangangalaga: pagpapaligo, pagpapakain, pagdadamit, pag-aayos at paggamit ng kubeta.
- Mga Serbisyong Paramedikal: tulong sa mga pag-iniksyon o pagbibigay ng ibang gamot, pangangalaga sa bituka at pantog, pagpapakain sa G-Tube, pangangalaga sa colostomy, tracheal suctioning, pangangalaga sa balat, at sugat.
- Mapagtanggol na Pangangasiwa: pagsubaybay at pasalitang pagbabago ng direksyon ng pag-uugali ng tao para maiwasan sakit o pinsala, at,
- Pagsama sa mga medikal na appointment.
Karapat-dapat ang mga residente ng California para sa IHSS kung sila ay:
- Mga bulag, may kapansanan, o higit sa 65 taong gulang, o
- Karapat-dapat para sa SSI o Medi-Cal, at
- Naninirahan sa kanilang sariling bahay, at
- Kinakailangan ng serbisyo ng IHSS para manatiling ligtas sa bahay.
Maaring kontakin ng mga indibidwal ang kanilang lokal na tanggapan ng IHSS para mag-apply para sa mga serbisyo ng IHSS. https://www.cdss.ca.gov/inforesources/county-ihss-offices. Para sa higit na impormasyon tungkol sa IHSS, maaari mong bisitahin ang IHSS Self Advocacy Resource page ng DRC sa: https://www.disabilityrightsca.org/resources/in-home-supportive-services-ihss o sa website ng California Department of Social Services (CDSS) sa: https://www.cdss.ca.gov/in-home-supportive-services.
B. Program for All Inclusive Care for the Elderly (PACE)
Nagbibigay ang programa ng PACE ng mga serbisyong medikal at panlipunan sa mga taong 55 taon ang edad at mas matanda na karapat-dapat para sa nursing home care ngunit maaaring manirahan sa bahay nang may tulong. Ang primary care na doktor na nakikipagtulungan sa isang koponan ng pangangalaga para makipagkoordina sa PACE at ibang serbisyo ng komunidad na kinakailangan para sa isang indibidwal para manatili sa bahay. Isang plano ng kalusugan ang PACE na humahalili sa Medi-Cal, Medicare, o pareho depende sa kalagayan ng pagkanararapat. Ibinibigay lamang ang PACE sa ilang zip code ng California.. Hindi posibleng matanggap ang parehong mga serbisyo ng IHSS at PACE nang magkasabay. Gayunman, nagbibigay ang PACE ng mga serbisyo ng pangangalaga sa bahay na katulad sa IHSS.
Upang maging karapat-dapat ang tao ay dapat:
- Maging 55 taong gulang o mas matanda.
- Karapat-dapat para sa nursing home care,
- Maaaring ligtas na manirahan sa komunidad na may suporta, at
- Naninirahan sa isang zip code na pinagsisilbihan ng isang lokal na plano ng PACE. Available ang listahan ng mga plano ng PACE ng California at mga zip code sa http://www.dhcs.ca.gov/individuals/Pages/PACEPlans.aspx.
Binabayaran ang PACE ng Medi-Cal at Medicare. Ang mga taong may Medi-Cal ay awtomatikong karapat-dapat para sa PACE. Ang mga taong mayroon lamang Medicare ay maaaring magbayad para sa bahagi ng buwanang premium na karaniwang binabayaran ng Medi-Cal upang makakuha ng mga serbisyo ng PACE ang isang tao. Para sa mga kasal na mag-asawa, kung saan kinakailangan ng isang asawa ang mga serbisyo ng PACE at hindi ang isa, maaaring gamitin ang mga tuntunin ng paghihirap hinggil sa pag-aasawa ng Medi-Cal para matulungang maitaguyod ng isang asawa ang pagkanararapat sa Medi-Cal para ang asawang nangangailangan ng mga serbisyo ng PACE ay makuha ang mga serbisyo ng PACE. Natutulungan ng mga tuntunin ng paghihirap hinggil sa pag-aasawa ng Medi-Cal ang hindi-PACE/hindi-Medi-Cal na karapat-dapat na asawa na mapanatili ang kita at mga ari-arian, habang pinapayagan ang isa pang asawa na maging karapat-dapat para sa Medi-Cal.
Kasama sa mga halimbawa ng mga serbisyo ng PACE ang:
- Pangontra, Pangunahin at Espesyalidad na Medikal na Pangangalaga
- Emergency na mga Medikal na Serbisyo
- Mga Iniresetang Gamot
- Pangangalaga Hinggil sa Ngipin at Paningin
- Physical at Recreational na Therapy
- Pangangalaga sa Umaga ng May Sapat na Gulang
- Mga Serbisyo ng Panlipunang Trabaho
- Personal na Pangangalaga sa Bahay
- Medikal na Kagamitan at mga Supply
- Pagpapayo Hinggil sa Nutrisyon
- Mga Pagkain
- Suporta ng Caregiver
- Transportasyon papunta sa mga aktibidad ng PACE at mga medikal na appointment.
Para sa higit na impormasyon tungkol s Programa ng PACE maaari mong repasuhin ang publikasyon ng PACE ng DRC sa: https://www.disabilityrightsca.org/publications/programs-of-all-inclusive-care-for-the-elderly-pace-services-for-regional-center o bisitahin ang California Department of Health Care Services (DHCS), PACE website sa: https://www.dhcs.ca.gov/services/ltc/Pages/programofall-inclusivecarefortheelderly.aspx o website ng CalPACE ng California sa: https://calpace.org/.
C. Home and Community Based Services (HCBS) Waivers
Nagpapatakbo ang California ng anim na programa ng Home and Community-Based Services (HCBS) Waiver. Ang mga programa ng HCBS waiver ay mga programa ng Medi-Cal na wine-waive ang ilang tuntunin ng Medi-Cal, para makuha ng mga tao ang mga serbisyo na kailangan nila para manirahan sa bahay o sa komunidad imbes na manirahan sa isang ospital o pangmatagalang pasilidad. Ang bawat waiver na tinatalakay sa ibaba ay maglalaman ng link kung saan maaaring matagpuan ang higit pang impormasyon tungkol sa waiver nang online. Maaari lamang makapagpatala ang isang indibidwal sa isang waiver sa isang pagkakataon.
Ang anim na programa ng waiver ng California ay:
- Medi-Cal Waiver Program (MCWP), dating kilala bilang ang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) Waiver
- Assisted Living Waiver (ALW)
- Home and Community-Based Alternatives (HCBA) Waiver
- Multipurpose Senior Services Program (MSSP)
- HCBS Waiver for the Developmentally Disabled (HCBS-DD) Waiver
- Self-Determination Program (SDP)
Higit pang inilalarawan ang mga Waiver na ito sa ibaba:
Maaari ka pang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga waiver ng Medicaid California State nang online sa: https://www.dhcs.ca.gov/services/Pages/Medi-CalWaivers.aspx; and https://www.medicaid.gov/medicaid/section-1115-demo/demonstration-and-waiver-list/index.html?f%5B0%5D=waiver_state_facet%3A726#content#content#content#content.
i. Medi-Cal Waiver Program (MCWP), formerly known as the AIDS Waiver
Pinagsisilbihan ng programa ng MCWP waiver ang mga karapat-dapat na may sapat na gulang ng Medi-Cal at mga batang naninirahan sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) o AIDS na may karapatan para sa pagpapalagay sa isang nursing facility o ospital ngunit maaaring manatili sa bahay sa mga serbisyo ng waiver. Ang mga indibidwal na nakatala sa AIDS waiver ay hindi maaaring magpatala sa isa pang programa ng HCBS waiver o sa Programa ng Medi-Cal Hospice. Gayunman, maaaring sabay-sabay na makapagpatala ang mga indibidwal sa programa ng Medicare Hospice.
Kasama sa mga serbisyo ng MCWP Waiver ang:
- Pangangasiwa sa Kaso
- Homemaker Services (Pangkalahatang Aktibidad ng Sambahayan)
- Skilled Nursing (RN/LVN)
- Attendant Care
- Psychotherapy
- Mga Pagkaing Inihahatid sa Bahay
- Pagpapayo Hinggil sa Nutrisyon
- Isina-espesyal na Medikal na Kagamitan at mga Supply
- Menor na mga Pisikal na Pagbabago sa Bahay
- Hindi-Medikal na Transportasyon
Maaaring kontakin ng mga indibidwal ang ahensya ng MCWP waiver sa kanilang lugar para mag-apply: https://files.medi-cal.ca.gov/pubsdoco/publications/masters-mtp/part2/aid.pdf.
Maaari mong bisitahin ang website ng DHCS para sa higit na impormasyon tungkol sa MCWP waiver nang online sa: https://www.dhcs.ca.gov/services/ltc/Pages/AIDS.aspx. Para sa higit na pangkalahtang impormasyon maaari mong repasuhin ang fact sheet ng DRC sa: https://www.disabilityrightsca.org/publications/how-the-aids-medi-cal-waiver-can-help-you-get-the-care-you-need-at-home-instead-of-in. Para sa higit na impormasyon tungkol sa MCWP waiver maaari mo ring bisitahin ang website ng California Department of Public Health (CDPH) sa: https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DOA/Pages/OA_care_mcwp.aspx.
ii. Assisted Living Waiver (ALW)
Ang Assisted Living Waiver ay isang programa ng Medi-Cal na nagbabayad para sa tinutulungang pamumuhay, koordinasyon ng pangangalaga at iba pang benepisyong ipinagkakaloob sa mga karapat-dapat na senior at mga taong may mga kapansanan na magiging karapat-dapat para sa pagpapalagay sa isang nursing facility ngunit gustong manirahan sa isang kaligiran ng tinutulungang pamumuhay. Ibinibigay ang mga serbisyo sa mga indibidwal na naninirahan sa isang Residential Care Facility for the Elderly (RCFE) o sa isang lisensyadong Home Health Agency sa pampublikong tinutulungan ng salapi na pabahay. Ang mga indibidwal na naninirahan sa kaligiran ng pasilidad ng ALW ay kinakailangang magbayad sa kanilang sariling room and board.
Available ang mga pasilidad ng ALW sa mga sumusunod na county:
- Alameda
- Contra Costa
- Fresno
- Kern
- Los Angeles
- Orange
- Riverside
- Sacramento
- San Bernardino
- San Diego
- San Francisco
- San Joaquin
- San Mateo
- Santa Clara
- Sonoma
Para maging karapat-dapat para sa ALW, ang indibidwal ay dapat:
- Maging 21 taong gulang o mas matanda.
- Maging karapat-dapat sa Medi-Cal na walang share of cost,
- Kailagan ng nursing na antas ng pag-aalaga, at
- Gustong manirahan sa isang pasilidad ng tinutulungang pamumuhay o pampublikong tinutulungan ng salapi na pabahay sa isa sa mga county na nagbibigay ng mga serbisyo ng ALW.
Kasama sa mga serbisyong ALW ang:
- Koordinasyon ng Pangangalaga
- Koordinasyon sa Pangangalaga ng Pagbabago ng Nursing Facility
- Pagpapaunlad/Pag-upgrade ng isang Isinaindibidwal na Plano ng Pangangalaga
- Personal na Pangangalaga at tulong sa mga aktibidad ng pang-araw-araw na pamumuhay
- Paglalaba
- Pangangalaga ng Bahay
- Pagpapanatili ng Pasilidad
- Patigil-tigil na Pangangalaga ng Skilled Nursing
- Mga Pagkain at Meryenda
- Tulong sa Sariling-Pagpapainom ng mga Gamot
- Pagbibigay/Pagkokoordina ng Transportasyon
- Mga Aktibidad na Panglibangan
- Mga Social Service
Para mag-apply para sa Programa ng ALW, maaaring kontakin ng mga indibidwal ang Care Coordination Agency sa kanilang lugar sa: https://www.dhcs.ca.gov/services/ltc/Documents/Care-Coordination-Agencies.pdf. Kung puno na ang ALW, maaaring hilingin ng mga indibidwal na maidagdag sa waitlist. Para sa higit na impormasyon tungkol sa ALW waiver maaari mong bisitahin ang: http://www.dhcs.ca.gov/services/ltc/Pages/AssistedLivingWaiver.aspx.
iii. Home and Community-Based Alternatives (HCBA) Waiver
Nagbibigay ang HCBA Waiver ng Home and Community-Based Services (HCBS) para ang mga karapat-dapat na may mga kapansanan na maaaring manirahan sa bahay na mayroong mga serbisyo na kanilang kinakailangan. ibinibigay ang mga serbisyo ng HCBA waiver sa bahay ng isang tao na nasa komunidad imbes na sa isang ospital o ibang uri ng nursing facility. Pangbuong estado ang programa ng HCBA waiver. Sa ilalim ng direksyon ng Department of Health Care Services (DHCS) ng California, pinapangasiwaan ang programa ng HCBA ng HCBA Waiver Agencies batay sa county o zip code. Sa mga county na walang mga ahensya ng waiver, pinapangasiwaan ng DHCS ang mga serbisyo ng waiver para sa mga tumatanggap ng waiver. Lumilikha ang koponan ng pangangasiwa ng pangangalaga kung saan kasama ang isang nurse at isang social worker ng “Plan of Care” na inililista ang mga serbisyo na matatanggap ng tao para manirahan sa komunidad. Dapat ding sumang-ayon ang kalahok na doktor ng waiver sa ibinibigay na mga serbisyo at lagdaan ang “Plan of Care.”
Para maging karapat-dapat para sa HCBA waiver, ang indibidwal ay dapat:
- Tumatanggap ng Medi-Cal o magiging karapat-dapat para sa Medi-Cal kung hindi mabibilang ang kita ng asawa o magulang, at
- Kailangan ng ospital o antas ng pangangalaga ng nursing facility (tulad ng subacute facility, Intermediate Care Facilities for Indibidual with Intellectual Disabilities/Continuous Nursing (ICF/DD-CN), o acute care facility).
Kasama sa mga serbisyo ng HCBA Waiver ang:
- Pangangasiwa sa Kaso
- Mga Serbisyo ng Homemaker
- Mga serbisyo ng Tulong sa Kalusugan sa Bahay
- Pangangalagang Pamamahinga
- Mga Serbisyo ng Pagsasanay
- Mga Serbisyo ng Pamamagitan Hinggil sa Pag-uugali, Kabilang ang Suporta sa Krisis
- Mga Serbisyo ng Pagsasa-ayos ng Paninirahan sa Komunidad
- Mga Serbisyo sa Araw
- Mga Serbisyong Pre-Vocational
- Serbisyo ng Sinusuportahang Trabaho
- Mga Serbisyo Hinggil sa Ngipin
- Occupational therapy
- Physical Therapy
- Mga Serbisyo ng Optometry/Optician
- Iniresetang mga salamin at frame
- Mga Serbisyo ng Psychology
- Mga Serbisyo ng Pananalita, Pandinig, at Wika
- Financial Management Services (FMS)
- Mga serbisyo ng gawaing-bahay
- Mga Tulong sa Komunikasyon
- Mga Serbisyo ng Pagsasanay na Batay-sa-Komunidad
- Mga pagbagay sa Pagka-naa-access na Pangkapaligiran
- Mga Serbisyo ng Suporta sa Pamilya
- Pagsasanay ng pamilya
- Mga Serbisyo sa Pag-access sa Pabahay
- Mga Serbisyo sa Pagbabago sa Indibidwal na Pabahay
- Mga Serbisyo ng Indibidwal na Pabahay at Napapanatiling Pangungupahan
- Hindi-Medikal na Transportasyon
- Konsultasyon Hinggil sa Nutrisyon
- Personal Emergency Response Systems (PERS)
- Dalubhasang Pangangalaga
- Isina-espesyal na Medikal na Kagamitan at mga Supply
- Mga Gastos sa Pagbabago/Set-up
- Mga Pagbabago at Pagbabagay ng Sasakyan
- Pinapatakbo ng Estado na mga Bahay sa Krisis ng Komunidad, Pinabuting mga Suporta sa Bahay Hinggil sa Pag-uugali, at mga Koponan ng Mobile na Krisis
- Intensive Transition Services (ITS
Para mag-apply para sa HCBA waiver, maaaring kontakin ng mga indibidwal ang ahensya ng HCBA sa pamamagitan ng zip code sa: https://www.dhcs.ca.gov/services/ltc/Pages/Home-and-Community-Based-(HCB)-Alternatives-Waiver.aspx.
Ahensya ng Waiver | Lugar ng Serbisyo |
---|---|
Access TLC | Santa Barbara County, at mga seksyon ng Los Angeles at Orange Counties (i-click dito para sa lugar ng serbisyo na tinukoy ayon sa mga zip code) |
Center for Elders' Independence | Alameda and Contra Costa Counties |
Pangangalaga sa kalusugan sa tahanan | Butte, Glenn, Sacramento, San Joaquín, Shasta, Solano, Sutter, Tehama, Yolo, Yuba, Colusa, Del Norte, El Dorado, Humboldt, Lake, Lassen, Modoc, Nevada, Placer, Plumas, Sierra, Siskiyou, and Trinity Counties |
Institusyon ng Pagpapatanda | San Francisco, San Mateo, San Bernardino, and Riverside Counties |
Libertana Home Health | Kern, Fresno, Kings, Tulare, Madera, Mariposa, Merced, Stanislaus, Tuolumne, San Luis Obispo, Amador, Calaveras, Santa Clara, Santa Cruz, San Benito, Monterey, and sections of Los Angeles and Orange Counties (i-click dito para sa mga lugar ng serbisyo na tinukoy ayon sa zip code) |
Partners in Care | Mga seksyon ng Los Angeles County (i-click dito para sa lugar ng serbisyo na tinukoy ayon sa listahan ng mga zip code) |
San Ysidro Health | San Diego County |
Sonoma County Human Services Department | Sonoma County |
Ahensya ng Ventura County sa Pagpapatanda | Ventura County |
Ang mga taong naninirahan sa iang county na walang nakatalagang Ahensya ng Waiver ay maaaring kontakin nang direkta ang DHCS para mag-apply sa pamamagitan ng pagkumpleto sa form na matatagpuan sa online sa: https://www.dhcs.ca.gov/services/ltc/Documents/2019HCBAApp.pdf. Para sa mga aplikasyon ng HCBA waiver para sa mga nagsasalita ng Espanyo, mangyaring tawagan ang (916) 552-9105. Ang mga nakumpletong aplikasyon ay dapat ipadala sa: Integrated Systems of Care Division, HCBS Programs Eligibility/Intake Unit, 311 South Spring Street, Ste 800, Los Angeles, CA 90013.
Kung puno na ang HCBA waiver, maaaring hilingin ng mga indibidwal na maidagdag sa waitlist. Availabale rin sa online ang impormasyon sa pagpapatala at waitlist sa: https://www.dhcs.ca.gov/services/ltc/Pages/HCBA-Waiver-Current-Enrollment-Dashboard.aspx. Para sa higit na impormasyon tungkol sa HCBA waiver maaari mong bisitahin ang: https://www.disabilityrightsca.org/publications/the-home-and-community-based-alternatives-hcb-alternatives-waiver
iv. Multipurpose Senior Services Program (MSSP)
Nagbibigay ang Multipurpose Senior Services Program (MSSP) ng parehong pangangasiwa ng panlipunan at kalusugang pangangalaga para tulungan ang mga indibidwal sa pananatili sa kanilang sariling mga bahay at komunidad.
Habang ang karamihan sa mga kalahok ng programa ay nakatatanggap din ng In-Home Supportive Services, nagbibigay ang MSSP ng patuloy na koordinasyon ng pangangalaga, inuugnay ang mga kahalok sa ibang kinakailangang mga serbisyo ng komunidad at mga mapagkukunan, nakikipagkoordina sa mga provider ng pangangalaga sa kalusugan, at binibili ang kinakailangang mga serbisyo at aytem na may layunin na maiwasan o maantala ang pagpapasainstitusyon. Ang taunang kabuuan ng pinagsamang gastos ng pangangasiwa ng pangangalaga at iba pang serbisyo ay dapat maging mas mababa kaysa sa gastos ng natatanggap na pangangalaga sa isang skilled nursing facility.
Ang koponan ng mga propesyonal sa serbisyo ng kalusugan at panlipunan ay binibigyan ang bawat kalahok ng MSSP ng kumpletong pagtatasa ng kalusugan at psychosocial para malaman ang kinakailangang mga serbisyo. Pagkatapos ay nakikipagtulungan ang kalahok ng MSSP, ang kanilang manggagamot, pamilya at iba pa para bumuo ng isinaindibidwal na plano ng pangangalaga. Kasama sa mga serbisyo ang:
- Pangangasiwa sa pangangalaga
- Pangangalaga sa umaga ng may sapat na gulang
- Menor na pagkukumpuni/pagpapanatili sa bahay
- Suplementong gawain sa bahay, personal na pangangalaga, at mga serbisyo ng mapagtanggol na pangangasiwa
- Mga serbisyo ng pahinga
- Mga serbisyo ng transportasyon
- Mga serbisyo ng pagpapayo at therapeutic
- Mga serbisyo ng pagkain
- Mga serbisyo ng komunikasyon
MSSP is available for:
- Mga indibidwal ng Medi-Cal na, ngunit para sa probisyoin ng naturang mga serbisyo, na kakailanganin ang antas ng pangangalaga ng Nursing Facility (NF), at
- Edad ay 65 taong at mas matanda, at
- Mga indibidwal na naninirahan sa isang county kung saan available ang MSSP.
Available pa dito ang impormasyon: https://aging.ca.gov/Programs_and_Services/Multipurpose_Senior_Services_Program/
v. Home and Community-Based Services Waiver for the Developmentally Disabled (HCBS-DD)
Nagbabayad ang HCBS-DD Waiver para sa Home and Community-Based Services para sa mga taong may mga kapansanan hinggil sa paglilinang na nakatatanggap ng mga serbisyo ng Sentrong Pangrehiyon ng California. Walang waitlist para sa programa ng HCBS-DD waiver. Available lamang ang ilang serbisyo ng HCBS-DD Waiver sa mga tumantanggap na 21 taong gulang at mas matanda. Ito’y dahil ang Medi-Cal Early and Periodic Screening, Diagnosis, and Treatment (EPSDT) ay maaaring kailanganin ang Medi-Cal para masaklawan ang mga serbisyong ito para sa mga taong mababa sa 21 taong gulang. Dapat matukoy at maisulat ang mga serbisyo ng HCBS-DD waiver sa isang Individual Program Plan (IPP) ng consumer ng sentrong pangrehiyon.
Para maging karapat-dapat para sa HCBS-DD waiver, ang indibidwal ay dapat:
- Matugunan ang kahulugan ng kapansanan hinggil sa paglilinang ng California at maging isang consumer ng sentrong pangrehiyon, at
- Tumatanggap ng Medi-Cal o magiging karapat-dapat para sa Medi-Cal kung hindi mabibilang ang kita ng asawa o magulang, at
- Kailangan ng pangangalaga na magiging karapat-dapat ang consumer para sa mga serbisyo sa isang pinopondohan na Intermediate Care Facility (ICF) ng Medi-Cal.
Kasama sa HCBS-DD waiver ang:
- Pangangasiwa sa Kaso
- Mga Serbisyo ng Homemaker
- Mga serbisyo ng Tulong sa Kalusugan sa Bahay
- Pangangalagang Pamamahinga
- Mga Serbisyo ng Pagsasanay
- Mga Serbisyo ng Pamamagitan Hinggil sa Pag-uugali, Kabilang ang Suporta sa Krisis
- Mga Serbisyo ng Pagsasa-ayos ng Paninirahan sa Komunidad
- Mga Serbisyo sa Araw
- Mga Serbisyong Pre-Vocational
- Serbisyo ng Sinusuportahang Trabaho
- Mga Serbisyo Hinggil sa Ngipin
- Occupational therapy
- Physical Therapy
- Mga Serbisyo ng Optometry/Optician
- Iniresetang mga salamin at frame
- Mga Serbisyo ng Psychology
- Mga Serbisyo ng Pananalita, Pandinig, at Wika
- Financial Management Services (FMS)
- Mga serbisyo ng gawaing-bahay
- Mga Tulong sa Komunikasyon
- Mga Serbisyo ng Pagsasanay na Batay-sa-Komunidad
- Mga pagbagay sa Pagka-naa-access na Pangkapaligiran
- Mga Serbisyo ng Suporta sa Pamilya
- Pagsasanay ng pamilya
- Mga Serbisyo sa Pag-access sa Pabahay
- Mga Serbisyo sa Pagbabago sa Indibidwal na Pabahay
- Mga Serbisyo ng Indibidwal na Pabahay at Napapanatiling Pangungupahan
- Hindi-Medikal na Transportasyon
- Konsultasyon Hinggil sa Nutrisyon
- Personal Emergency Response Systems (PERS)
- Dalubhasang Pangangalaga
- Isina-espesyal na Medikal na Kagamitan at mga Supply
- Mga Gastos sa Pagbabago/Set-up
- Mga Pagbabago at Pagbabagay ng Sasakyan
- Pinapatakbo ng Estado na mga Bahay sa Krisis ng Komunidad, Pinabuting mga Suporta sa Bahay Hinggil sa Pag-uugali, at mga Koponan ng Mobile na Krisis
- Intensive Transition Services (ITS)
Karaniwang hindi kinakailangan ng mga consumer ng Regional Center para mag-apply para sa mga serbisyo ng HCBS-DD dahil kikilalanin ng sentrong pangrehiyon ang mga taong karapat-dapat para sa mga serbisyo ng HCBS-DD waiver. Dapat lumagda ang mga tumatanggap ng karapat-dapat na waiver ng napaalamanang form ng pagpili para tumanggap ng mga serbisyo ng HCBS-DD. Gayunman, maaari ring mag-apply ang mga indibidwal para a mga serbisyo ng HCBS-DD waiver sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat sa sentrong pangrehiyon.
Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng HCBS-DD at Sentrong Pangrehiyon maaari mong bisitahin ang website ng Department of Developmental Services ng California sa: https://www.dds.ca.gov/rc/. Maaari mo ring bisitahin ang webpage ng Regional Center Self-Advocacy Resource ng DRC sa: https://www.disabilityrightsca.org/publications or review DRC’s Rights Under the Lanterman Act manual, Chapter 11: Ang Medi-Cal DD Waiver sa: http://www.disabilityrightsca.org/pubs/PublicationsRULAEnglish.htm
vi. Self-Determination Program (SDP)
Binibigyan ng Self Determination Program ang mga consumer ng sentrong pangrehiyon ng kakayahan na sariling madirektahan ang kanilang mga mapangsuportang serbisyo. binibigyan ng programa ng SDP ang mga tao ng budyet para bumili ng mga serbisyo at suportang kinakailangan para ipatupad ang kanilang Person-Centered Plan o Individual Program Plan (IPP).
Ang sumusunod na 5 prinsipyo ay ginagamit para gabayan ang programa ng SDP:
Kalayaan – May karapatan ang mga kalahok na planuhin ang sarili nilang buhay at gawin ang sarili nilang mga desisyon.
Awtoridad – Ginagamit ng mga kalahok ang kanilang budyet para bumili ng mga serbisyo at mga suporta ng kanilang pinili.
Suporta – Pumipili ang mga kalahok ng mga suporta at mga tao para tulungan silang mabuhay, magtrabaho, at maglaro.
Responsibilidad – Gumagawa ang mga kalahok ng mga desisyon sa kanilang buhay at magkaroon ng mahalagang gagampanan sa komunidad
Kunpirmasyon – Ang mga kalahok ang gumagawa ng mga desisyon tungkol sa kanilang buhay.
Para maging karapat-dapat para sa SDP, ang indibidwal ay dapat:
- Mayroong kapansanan hinggil sa paglilinang, kabilang ang autism (yan ay maging isang kliyente ng sentrong pangrehiyon), at
- Sumang-ayon na susundin ang mga tuntunin ng SDP, at
- Hindi naninirahan sa isang pangmatagalang pasilidad ng pangangalaga sa kalusugan (hal. skilled nursing facility, intemediate care facility o state developmental facility) o ay nagbabago tungo sa komunidad sa loob nang 90 araw.
Kasama sa mga serbisyong SDP ang:
- Kasama sa mga serbisyong SDP ang:
- Mga Suporta ng Employer
- Maybahay
- Caregiver ng Live-In
- Mga Suportang Prevocational
- Mga Serbisyo ng Pahinga
- Mga Serbisyo ng Acupuncture
- Mga Serbisyo ng Chiropractic
- Mga Serbisyo Hinggil sa Ngipin
- Tulong sa Kalusugan sa Bahay
- Mga Salamin at Frame
- Occupational therapy
- Optometric Therapy
- Physical Therapy
- Mga Serbisyo ng Psychology
- Mga Serbisyo ng Pananalita, Pandinig at Wika
- Financial Management Services
- Malayang Tagapagpadali
- Mga Serbisyong Tagapamagitan sa Pag-uugali
- Suporta ng Komunikasyon
- Mga Suporta sa Pagsasama sa Komunidad
- Pamamagitan at Suporta sa Krisis
- Mga pagbagay sa Pagka-naa-access na Pangkapaligiran
- Mga Serbisyo ng Suporta sa Pamilya
- Pagsasanay ng pamilya
- Mga Suporta sa Pag-access sa Pabahay
- Pagsasanay at Edukasyon sa Indibidwal
- Massage Therapy
- Hindi-Medikal na Transportasyon
- Konsultasyon Hinggil sa Nutrisyon
- Direkta-sa-Kalahok na mga Kalakal at Serbisyo
- Personal Emergency Response Systems (PERS)
- Teknolohiya
- Mga Serbisyo ng Pagsasanay at Pagpapayo para sa Hindi Bayad na mga Caregiver
- Mga Gastos sa Pagbabago/Set-up: Iba pang Serbisyo
- Mga Pagbabago at Pagbabagay ng Sasakyan
Para mag-apply para sa mga serbisyo ng SDP, dapat kontakin ng mga consumer ng sentrong pangrehiyon ang kanilang tagapagkoordina ng serbisyo ng sentrong pangrehiyon at ipaalam sa kanila na gusto nilang lumahok sa programa. Kakailanganing dumalo ng interesadong kalahok ng oryentasyon para malaman ang higit pa tungkol sa programa. Para sa higit na impormasyon tungkol sa programa ng SDP maaaring bisitahin ng mga indibidwal ang webpag ng Department of Developmental Services, Self Determination Program sa: https://www.dds.ca.gov/initiatives/sdp/ and view its SDP - Frequently Asked Questions publication at: https://www.dds.ca.gov/initiatives/sdp/frequently-asked-questions/. Maaari mo ring tingnan ang waiver nang online sa: https://www.dds.ca.gov/wp-content/uploads/2021/01/HCBS_Combined_Approval_and_Application.pdf
D. California Community Transitions (CCT) Program
Tinutulungan ng programa ng CCT ang mga tao na umalis sa mga medikal na pasilidad at papunta sa komunidad. Pinahaba ang pagpopondo ng pederal para sa programa ng CCT hanggang sa Enero 1, 2027.
Kung ikaw ay nasa isang medikal na pasilidad nang kahit isang araw at kailangan ng tulong na makalabas sa pasilidad, dapat kang tulungan ng nagpaplano ng discharge sa iyong pag-discharge at maaaring ikoordina ang iyong discharge sa programa ng CCT.
Para maging karapat-dapat para sa mga serbisyo ng programa ng CCT, ang indibidwal ay dapat:
- Maging karapat-dapat sa Medi-Cal o magiging karapat-dapat sa Medi-Cal kung hindi nabilang ang kita at mga mapagkukunan ng asawa, at
- Maging nasa isang medikal na pasilidad nang hindi bababa sa isang araw.
Nasasaklawan ng mga serbisyo ng CCT ang mga bagay tulad ng:
- Paghahanap ng lugar para matirahan
- Pera para sa deposito at/o unang buwan na upa
- Mga gastos ng sambahayan (hal., mga utility at muwebles)
- Mga pagbabago sa bahay
- Mga pagbagay ng Sasakyan
- Mga aparatong pangtulong
- Tulong sa pag-upa ng mga caregiver
- Pangangalaga sa kalusugan sa tahanan
- Pagsasanay sa caregiver
Para mag-apply para sa mga serbisyo ng programa ng CCT, maaaring kontakin ng mga indibidwal ang CCT Lead Organization sa kanilang lugar sa: https://www.dhcs.ca.gov/services/ltc/Documents/List-of-CCT-LOs-April2022.pdf.You can also email DHCS to get more information at:
California.CommunityTransitions@dhcs.ca.gov or call DHCS at 1-916-552-9105 or
(833)388-4551. Para sa higit na impormasyon tungkol sa programa ng CCT maaari mong bisitahin ang website ng DHCS ng California sa: http://www.dhcs.ca.gov/services/ltc/Pages/CCT.aspx. Maaari mo ring tingnan ang publikasyon ng DRC nang online sa: https://www.disabilityrightsca.org/publications/the-california-community-transitions-cct-program-a-way-for-a-nursing-home-resident-to.
E. Community Based Adult Services (CBAS)
Maaaring matulungan ang mga tao ng programa ng CBAS na makakuha ng tulong na makalabas ng bahay sa araw. Naghahandog ang CBAS ng mga serbisyo sa araw na kalusugan at panlipunan sa mga center sa buong California. Available ang CBAS para sa mga mas matandang may sapat na gulang at mga may sapat na gulang na may mga kapansanan na kung hindi ay magiging karapat-dapat para sa pangangalaga sa nursing facility o may mga kundisyong hindi gumagaling na natutugunan ang pamantayan sa pagpasok (hal., dementia, diyagnosis sa kalusugan hinggil sa pag-iisip).
Kasama sa mga serbisyo ng programa ng CBAS ang:
- Propesyonal na mga serbisyo ng nursing
- Mga therapy na physical, occupational at pananalita
- Mga serbisyo ng kalusugan hinggil sa pag-iisip
- Mga therapeutic na aktibidad
- Mga Social Service
- Personal na pangangalaga
- Mga Pagkain
- Pagpapayo hinggil sa nutrisyon
- Transportasyon papunta at mula sa tinitirhan ng kalahok papunta sa isang center ng CBAS
Para mag-apply para sa mga serbisyo ng CBAS, kontakin ang Area Agencies on Aging (AAA) sa iyong county. Maaari mong matagpuan ang AAA sa iyong county sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-510-2020. Maaari mo ring makuha ang impormasyong ito nang online sa: https://www.aging.ca.gov/Find_Services_in_My_County/#tblServicesInMyCounty.For more information about CBAS you can visit the California Department of Aging website at: http://www.aging.ca.gov/ProgramsProviders/ADHC-CBAS/.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.