Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip sa Medi-Cal na Saklaw ng Mga Plano sa Kalusugan ng Isip ng County – Mga Bata at Kabataang Wala pang Edad 21 Taon

Publications
8103.08

Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip sa Medi-Cal na Saklaw ng Mga Plano sa Kalusugan ng Isip ng County – Mga Bata at Kabataang Wala pang Edad 21 Taon

Kung ikaw ay wala pang 21 taong gulang at may Medi-Cal, may karapatan ka sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip kung tumutugon ka sa partikular na mga kinakailangan. Maaaring kasama sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip ang terapewtika, suporta sa gamot, pangangasiwa ng kaso, mga programang pang-araw, suporta sa bahay, suporta sa krisis, mga pagpapanatili sa ospital, at ibang mga serbisyo.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Kung ikaw ay wala pang 21 taong gulang at may Medi-Cal, may karapatan ka sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip kung tumutugon ka sa partikular na mga kinakailangan. Maaaring kasama sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip ang terapewtika, suporta sa gamot, pangangasiwa ng kaso, mga programang pang-araw, suporta sa bahay, suporta sa krisis, mga pagpapanatili sa ospital, at ibang mga serbisyo.

Para sa impormasyon sa Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip sa Medi-Cal para sa mga nasa gulang na edad 21 at mas matanda — Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip sa Medi-Cal na Saklaw ng Mga Plano sa Kalusugan ng Isip ng County – Mga Nasa Gulang na Edad 21 at Mas Matanda.

Kung tumatanggap ka ng mga serbisyo sa Medi-Cal sa pamamagitan ng Plano sa Pinangangasiwaang Pangangalaga o isang tagapagbigay ng bayad-kada-serbisyo sa halip na sa county, mayroon ka pa ring karapatan sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip. Gayunpaman, ang mga serbisyo sa Plano sa Pinangangasiwaang Pangangalaga ay karaniwang hindi kasing masinsinan kaysa sa Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip (SMHS, Specialty Mental Health Services) ng county.

Para sa impormasyon sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip na makukuha sa pamamagitan ng Mga Plano sa Pinangangasiwaang PangangalagaMga Plano sa Pinangangasiwaang Pangangalaga at Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip ng Medi-Cal.

Ano ang Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip (SMHS, Specialty Mental Health Services) ng Medi-Cal?

Saklaw ng Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip (SMHS, Specialty Mental Health Services) ng Medi-Cal sa pamamagitan ng Plano sa Kalusugan ng Isip (MHP, Mental Health Plan) ng iyong county.1 Kabilang sa mga serbisyong ito ang malawak na hanay ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip, na maaaring ibigay sa komunidad kung saan ka nakatira o sa isang ospital o ibang institusyon. Marami sa mga serbisyong ito ay idinisenyo upang panatilihin ka sa labas ng ospital. Ilang halimbawa ng SMHS ang: indibiduwal at pang-grupong terapewtika, suporta sa gamot, pangangasiwa ng kaso, mga programang pang-araw, suporta sa bahay, suporta sa krisis, at ibang mga serbisyo. Ang buong listahan ng SMHS ay kasama sa ibaba.

Ang Plano sa Kalusugan ng Isip (MHP, Mental Health Plan) ng county ay bahagi ng kagawaran ng kalusugan ng isip o kalusugan ng pag-uugali ng iyong county. Ang mga empleyado ng county ay maaaring direktang magbigay sa iyo ng Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip (SMHS, Specialty Mental Health Services). Minsan, pinipili ng County na kontratahin ang iba pang organisasyon upang magbigay ng mga serbisyo.2

Paano ako kukuha ng espesyalistang mga serbisyo sa kalusugan ng isip?

Dapat mong hilingin ang SMHS mula sa Plano sa Kalusugan ng Isip (MHP, Mental Health Plan) ng iyong county, na kadalasang pinapatakbo ng kagawaran sa kalusugan ng pag-uugali ng iyong county. Maaari kang tumawag sa linya ng access ng MHP at humiling ng pagtatasa. Bumisita sa Kagawaran ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan sa California para sa listahan ng mga walang bayad na numero ng telepono sa linya ng access ng MHP ayon sa county: https://www.dhcs.ca.gov/individuals/Pages/MHPContactList.aspx.

Maaari ka ring isangguni ng ibang tao o organisasyon, kabilang ang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, isang miyembro ng pamilya, tagapag-alaga, o paaralan, sa MHP ng county para sa SMHS.3 Maaaring tanggihan ka ng MHP ng unang pagtatasa upang tukuyin kung natutugunan mo ang mga pamantayan upang tumanggap ng SMHS.

Kung naaprubahan ka para sa SMHS, may karapatan kang tumulong na gumawa ng plano ng kliyente na sumasang-ayon ka.4 Kabilang sa plano ng kliyente ang mga layunin, layunin ng paggamot, at iminungkahing mga pamamagitan kaugnay sa iyong mga pangangailangan sa kalusugan ng isip.

Anong Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip ang saklaw ng Medi-Cal?

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng buong listahan ng Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip (SMHS, Specialty Mental Health Services) ng Medi-Cal. Kung naaprubahan ka para sa SMHS, maaari kang humiling ng partikular na mga serbisyo na kailangan mo bilang bahagi ng iyong plano sa paggamot.5 Gayunpaman, hindi ka awtomatikong karapat-dapat na tumanggap ng lahat ng mga serbisyong ito. Depende sa iyong sitwasyon, maaaring aprubahan ka para sa isa o higit pa sa mga serbisyong ito:

  • Ang Mga Serbisyo sa Pagpapanumbalik ng Kalusugan ng Isip ay tumutulong sa mga tao na mapabuti, mapanatili, o ibalik ang kanilang pang-araw-araw na mga kasanayan sa pamumuhay o mga kasanayang panlipunan.6 Maaaring kabilang sa mga serbisyong ito ang:
    • Ang mga serbisyo sa kalusugan ng isip ay indibiduwal o pang-grupong terapewtika na nilalayon na bawasan ang mga sintomas ng kalusugan ng isip ng tao at mapabuti ang kanilang kakayanang gumana.7
    • Kabilang sa mga serbisyo sa suporta sa gamot ang mga saykayatrikong gamot na kinakailangan upang bawasan ang mga sintomas sa kalusugan ng isip ng isang tao.8
    • Ang mga serbisyo sa pang-araw na pagpapanumbalik ng kalusugan at masinsinang pang-araw na paggamot ay mga programang terapewtika na binibigay sa komunidad bilang mga alternatibo sa ospital o ibang mahigpit na pagtatalaga. Ang mga programang ito ay makukuha nang hindi bababa sa 3 oras, ngunit hindi lalagpas sa 24 oras kada araw.9
    • Ang pamamagitan sa krisis at pagpapanatag ng krisis ay mga serbisyo na nangangailangan ng mas mabilis na tugon kaysa sa kung humiling ng appointment ang isang tao. Maaaring kasama sa mga serbisyo ang mga pagtatasa at terapewta, at maaaring ibigay ang mga ito sa komunidad o sa mga pasilidad tulad ng mga ospital o klinika.10
    • Ang mga serbisyo sa paggamot sa bahay ng krisis ay mga serbisyong ibinibigay nang 24/7 sa kapaligiran ng komunidad na may 16 na kama o mas kaunti. Ang mga serbisyong ito ay para sa mga taong nasa panganib ng saykayatrikong pagpapa-ospital o bilang mga alternatibo sa saykayatrikong pagpapaospital.11 Ang mga taong may edad 18-20 taon ay maaaring karapat-dapat para sa mga serbisyo sa paggamot sa bahay para sa nasa gulang, na katulad ng mga serbisyo sa paggamot sa bahay ng krisis.12
    • Ang mga serbisyo sa pasilidad ng saykayatrikong kalusugan ay mga serbisyong terapewtiko at/o pagpapanumbalik sa isang pasilidad na inpatient (karaniwang nakakandado) na may 16 na kama o mas kaunti.13
  • Ang mga serbisyong inpatient sa saykayatrikong ospital ay saykayatrikong mga serbisyo na ibinibigay sa batayang inpatient sa isang ospital.14
  • Ang nakatuon na pangangasiwa ng kaso ay tumutulong sa mga tao na makuha ang kinakailangang mga serbisyo sa komunidad, tulad ng mga serbisyong medikal, pang-edukasyon, o pang-bokasyon (trabaho).15
  • Ang mga serbisyong saykayatrista at sikologo ay mga serbisyo sa dyagnosis at paggamot ng kalusugan ng isip na ibinibigay ng mga saykayatrista at sikologo.16
  • Ang mga serbisyo sa saykayatrikong pasilidad ng pangangalaga ay ibinibigay sa mga taong nasa partikular na pasilidad ng sanay na pangangalaga.17
  • Ang mga Serbisyong EPSDT ay karagdagang mga serbisyo sa Medi-Cal para sa mga bata at kabataan. Ang mga serbisyong ito ay hindi para sa mga taong may edad 21 at mas matanda. Ang EPSDT ay nangangahulugan na “Early and Periodic Screening, Diagnosis, and Treatment” (Maaga at Pana-panahong Pagsusuri, Dyagnosis at Paggamot) at maaaring kasama sa mga serbisyo ang:18
    • Pag-uugnay ng Masinsinang Pangangalaga (ICC, Intensive Care Coordination) ay isang anyo ng nakatuon na pangangasiwa ng kaso na nagpapadali para sa mga bata at kabataan na tumanggap ng mga pagtatasa, pagpaplano ng pangangalaga, at pag-uugnay ng mga serbisyo.
    • Ang Masinsinang mga Serbisyo sa Bahay (IHBS, Intensive Home-Based Services) ay mga serbisyong ibinibigay sa bahay ng isang tao na tumutugon sa mga sintomas ng kanilang kalusugan ng isip at tumutulong sa kanila na bumuo ng mga kasanayan upang maging matagumpay sa komunidad.
    • Ang Terapewtikang Pangangalagang Pagkandili (TFC, Therapeutic Foster Care) ay isang panandaliang serbisyo na ibinibigay ng isang TFC na magulang sa isang bata o Kabataan na may kumplikadong mga pangangailangang emosyunal at pag-uugali. Kasama sa serbisyong ito ang mga serbisyo sa pagbuo ng plano ng kliyente at pagpapanumbalik at ibinibigay sa isang kapaligiran na pampamilya sa halip na kapaligirang pang-grupo.
    • Ang Mga Serbisyo sa Terapewtikang Pag-uugali (TBS, Therapeutic Behavioral Services) ay isang panandaliang serbisyo na nakatuon sa isa o dalawang pag-uugali para sa mga bata at Kabataan na may mga pangangailangan sa kumplikadong kalusugan ng pag-uugali. Maaaring makatulong ito sa mga tao na matuto ng mga paraan upang bawasan ang mahirap na mga pag-uugali, o upang bumuo ng bagong mga kasanayan na magtataguyod sa kanilang tagumpay.

Ano ang mga pamantayan para sa pagkuha ng Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip?

May karapatan ka sa SMHS kung ang mga ito ay: (1) medikal na kinakailangan at (2) tumutugon ka sa partikular na mga kinakailangan kaugnay sa trauma o isang kapansanan sa kalusugan ng isip, na tinatawag na “pamantayan sa access.”19

Ano ang medikal na kinakailangan?

Para sa mga taong nasa Medi-Cal na wala pang 21 taong gulang, medikal na kinakailangan ang SMHS kapag kinakailangan upang “iwasto o pagbutihin” ang isang kondisyon sa kalusugan ng isip.20

Hindi kailangang gamutin ng SMHS ang kondisyon ng kalusugan ng isip. Ang mga serbisyo sa kalusugan ng isip ay medikal na kinakailangan kung ang mga ito ay sumusuporta, pinapabuti, o ginagawang mas makakaya ang isang kondisyon ng kalusugan ng isip.21

Ano ang mga pamantayan sa access?

Mga taong nasa Medi-Cal na wala pang 21 taon ay maaaring makuha ang SMHS kung tumutugon sila sa mga kinakailangan (1) o (2), sa ibaba.22 Tandaan na hindi kinakailangan ang partikular na dyagnosis sa kalusugan ng isip upang maging kwalipikado para sa SMHS.23

(1) Mayroon kang kondisyon na maglalagay sa iyo sa mas mataas na panganib para sa karamdaman sa kalusugan ng isip dahil sa trauma. Maaaring ipakita ng isang tao na nakaranas sila ng trauma sa pamamagitan ng (1) pagkuha ng mataas na marka sa kagamitan sa pagsusuri ng trauma,24 (2) pagsali sa sistema ng kagalingan ng bata, (3) pagsali sa hustisya ng kabataan, o (4) pagraranas ng kawalan ng tahanan.25

O

(2) Matutugunan mo ang parehong mga kinakailangan sa (a) at (b), sa ibaba:

a) Dapat mayroon kang kahit isa sa sumusunod:

  1. Isang makabuluhang kahinaan.
  2. Ang makatuwirang posibilidad ng paglala ng isang mahalagang larangan ng buhay.
  3. Ang makatuwirang posibilidad ng hindi pagkamit ng naaangkop na pagsulong.
  4. Ang pangangailangan para sa SMHS na hindi kinakailangang ibigay ng plano sa pinangangasiwaang pangangalaga sa Medi-Cal. Ang plano sa pinangangasiwaang pangangalaga sa Medi-Cal ay isang plano sa kalusugan para sa mga taong may mababang kita.

AT

b) Ang iyong kondisyon na inilarawan sa (2)(a), sa itaas, ay sanhi ng isa sa sumusunod:

  1. Isang nasuri na karamdaman sa kalusugan ng isip, batay sa Dyagnostiko at Istatistikang Manuwal ng mga Karamdaman sa Isip (DSM, Diagnostic and Statistical Manual) at Pandaigdig na Istatistikang Klasipikasyon ng mga Sakit at Kaugnay na mga Problema sa Kalusugan (ICD, International Statistical Classification).
  2. Isang hinihinalang karamdaman sa kalusugan ng isip na hindi pa nasuri.
  3. Makabuluhang trauma na naglalagay sa iyo sa panganib ng kondisyon sa kalusugan ng isip sa hinaharap, batay sa pagtatasa ng isang lisensyadong propesyunal sa kalusugan ng isip.

Kung natutugunan mo ang mga pamantayan sa (1), sa itaas, natutugunan mo ang mga pamantayan para sa SMHS. Hindi mo kailangang patunayan na natutugunan mo rin ang mga pamantayan sa (2), sa itaas.

Gaano ako katagal maghihintay para sa isang appointment sa Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip?

Ang mga MHP ay dapat magbigay sa iyo ng SMHS kapag kailangan mo ang mga ito.26 Nangangahulugan ito na hindi ka maaaring ilagay sa listahan ng paghihintay para sa mga serbisyo. Tinatawag itong “Napapanahong Access.” Nangangahulugan din ito na hindi ka maaaring sabihan na tumawag muli mamaya dahil lahat ng oras ng appointment ay puno na. Dapat kang masuri man lang para sa mga serbisyo.

Ang mga panuntunan para sa Napapanahong Access para sa iba’t ibang uri ng mga appointment ay nakalista rito:

Madaliang Appointment27

Sa loob ng 48 oras ng paghiling ng isang appointment kung ang naunang awtorisasyon mula sa MHP ay hindi kinakailangan. Sa loob ng 96 oras kung ang naunang awtorisasyon ay kinakailangan.

Ang appointment ay madalian kung, nang walang agarang tulong, ang iyong kondisyon ay pinakamalamang na magreresulta sa isang saykayatrikong emerhensiya.28

Hindi-Apurahang Di-Manggagamot na Appointment sa Tagabigay ng Pangangalaga sa Kalusugan ng Isip29 Sa loob ng 10 araw ng negosyo ng paghiling ng appointment.
Hindi Madaliang Saykayatrikong Appointment30 Sa loob ng 15 araw ng negosyo ng paghiling ng appointment.

Minsan, ang mga oras ng paghihintay para sa mga appointment ay maaaring mas mahaba. Halimbawa, maaaring mangyari ito kapag sa tingin ng doktor hindi negatibong makaaapekto sa iyong kalusugan ang paghihintay nang mas matagal.31 Ang iyong panahon sa paghihintay ay maaaring maging mas mahaba kung kumukuha ka ng pangangalagang pang-iwas o regular na kasunod na pangangalaga.32

Gaano kalayo ang kailangan kong lakbayin para makuha ang aking Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip?

Dapat tiyakin ng mga MHP na nakukuha mo ang mga serbisyo sa malapit kung saan ka nakatira. Tinatawag itong “Pamantayan sa Oras at Layo.” Ang mga Pamantayan sa Oras at Layo ay nag-iiba depende sa kung saang county ka nakatira. Para sa SMHS na outpatient, tulad ng Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip, Pamamagitan sa Krisis, at Mga Serbisyo ng Saykayatrista,33 ang mga Pamantayan sa Oras at Layo ay nakalista rito:34

  • Hindi hihigit sa 15 milya at 30 minuto mula sa iyong bahay kung nakatira ka sa isa sa mga county na ito: Alameda, Contra Costa, Los Angeles, Orange, Sacramento, San Diego, San Francisco, San Mateo, at Santa Clara.
  • Hindi hihigit sa 30 milya at 60 minuto mula sa iyong bahay kung nakatira ka sa isa sa mga county na ito: Marin, Placer, Riverside, San Joaquin, Santa Cruz, Solano, Sonoma, Stanislaus, at Ventura.
  • Hindi hihigit sa 45 milya at 75 minuto mula sa iyong bahay kung nakatira ka sa isa sa mga county na ito: Amador, Butte, El Dorado, Fresno, Kern, Kings, Lake, Madera, Merced, Monterey, Napa, Nevada, San Bernardino, San Luis Obispo, Sana Barbara, Sutter, Tulare, Yolo, at Yuba.
  • Hindi hihigit sa 60 milya at 90 minuto mula sa iyong bahay kung nakatira ka sa isa sa mga county na ito: Alpine, Calaveras, Colusa, Del Norte, Glenn, Humboldt, Imperial, Inyo, Lassen, Mariposa, Mendocino, Modoc, Mono, Plumas, San Benito, Shasta, Sierra, Siskiyou, Tehama, Trinity, at Tuolumne.

Maaari ring piliin ng mga MHP na magbigay ng ilang mga serbisyo sa pamamagitan ng telehealth. Kabilang sa telehealth ang mga serbisyo sa pamamagitan ng tawag sa telepono o sa pamamagitan ng video.35 Gayunpaman, may karapatan ka sa appointment na personal kung gusto mo ito, at ang telehealth ay maaari lamang gamitin kapag ito ay medikal na naaangkop.36

Paano kung hindi ako masaya sa Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip? Paano kung tatanggihan, babawasan, o ihihinto ng aking MHP ang aking mga serbisyo?

Kung hindi ka masaya sa iyong mga serbisyo o sa iyong tagapagbigay, maaari kang magsampa ng hinaing.

Kung tatanggihan, babawasan o ihihinto ng iyong MHP ang mga serbisyo na sa paniwala mo ay dapat mong makuha, maaari kang magsampa ng apela.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano magsampa ng Pagdaing o Apela sa MHP, tingnan ang Paglalathala ng DRC, Mga Hinaing, Apela, at Makatarungang Pagdinig sa Plano sa Kalusugan ng Isip (MHP, Mental Health Plan) ng County.

Maaari mo ring itanong sa iyong tagapagbigay o sa MHP ang impormasyon tungkol sa kung paano magsampa ng hinaing o apela. Dapat bigyan ka nila ng impormasyon na kailangan mo.