Mga Hinaing, Apela, at Makatarungang Pagdinig sa Plano sa Kalusugan ng Isip sa County

Publications
#7134.08

Mga Hinaing, Apela, at Makatarungang Pagdinig sa Plano sa Kalusugan ng Isip sa County

Ang mapagkukunang ito ay nag-aalok ng impormasyon tungkol sa kung ano ang gagawin kung hindi ka nasisiyahan sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip ng iyong county at kung paano maghain ng reklamo.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang bawat county ay may “Plano sa Kalusugan ng Isip” (MHP, Mental Health Plan). Ang MHP ng iyong county ay nagbibigay ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip sa Medi-Cal, minsan ay tinatawag na “Espesyalistang mga Serbisiyo sa Kalusugan ng Isip” (SMHS, Specialty Mental Health Services). Maaaring ibigay ng iyong county ang mga serbisyong ito nang direkta (halimbawa, sa isang klinika sa county) o sa pamamagitan ng ibang mga tagapagbigay.

Kung hindi ka masaya sa iyong mga serbisyo sa MHP ng county, maaari kang magsampa ng reklamo. Ang reklamo ay tinatawag na hinaing. Magpapasya ang iyong MHP tungkol sa iyong hinaing at ipapaalam sa iyo ang resulta.

Kung itatanggi ng MHP ng county ang isang serbisyo na kailangan mo, o gagawa ng ibang pasya tungkol sa iyong mga serbisyo na hindi ka sumasang-ayon, maaari kang magsampa ng isang apela. Magpapasya ang MHP tungkol sa iyong apela at ipapaalam sa iyo ang resulta. Kung hindi ka sang-ayon sa pasya tungkol sa iyong apela, maaaring may karapatan ka sa isang makatarungang pagdinig ng estado.

Sinasaklaw ng paglalathalang ito ang mga hinaing, apela, at makatarungang pagdinig ng estado.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SMHS sa Medi-Cal para sa mga nasa gulang — Espasyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip na Saklaw ng mga Plano sa Kalusugan ng Isip ng County – Mga Nasa Gulang na May Edad 21 at Mas Matanda.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SMHS sa Medi-Cal para sa mga bata at kabataan — Espesyalistang mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip sa pamamagitan ng Plano sa Kalusugan ng Isip ng County – Mga Bata at Kabataang Wala Pang 21 Taon.

A. PAGSAMPA NG HINAING LABAN SA PLANO SA KALUSUGAN NG ISIP (MHP, Mental Health Plan) NG COUNTY

Maaari kang magsampa ng isang hinaing kung hindi ka masaya sa karanasan mo sa iyong MHP (halimbawa, kung ikaw ay hindi masaya sa kalidad ng pangangalaga o mga serbisyong ibinigay o kung paano ka itinuring).1

Paano ako magsasampa ng isang hinaing laban sa aking MHP?

Maaari kang magsampa ng isang hinaing laban sa iyong MHP nang pasalita o nang nakasulat anumang oras.2 Ang mga county ay dapat magpaskil at magbigay ng mga librito na nagpapaliwanag sa proseso ng hinaing.3 Dapat ding ibigay ng mga MHP ang impormasyong ito sa iyo sa pamamagitan ng pagpapadala ng kopya sa iyo sa koreo, sa email, o sa pagpapaskil ng impormasyon online at pagpapaalam sa iyo ng internet address kung saan makikita ang impormasyon.4 Ang mga tagapagbigay ay dapat ding mayroong mga form sa hinaing at sobreng naka-address sa sarili na maaari mong gamitin.5

Dapat ipaalam sa iyo ng MHP na natanggap nito ang iyong hinaing sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyo ng nakasulat na mga pagkilala sa loob ng limang (5) araw ng pagtanggap ng hinaing.6

Upang malaman ang higit pa tungkol sa proseso ng hinaing sa MHP ng iyong county, mangyaring sumangguni sa addendum sa dulo ng paglalathalang ito. Makikita mo ang isang listahan ng Mga Polyeto ng Hinaing, mga Apela, at Benepisyaryo para sa bawat county.

Maaaring kang magkaroon ng legal na kinatawan na kakatawan sa iyo sa hinaing.7 Maaari mo ring pahintulutan ang iba pang tao (tulad ng isang kaibigan o miyembro ng pamilya) upang kumatawan sa iyo.8

Sino ang gumagawa ng mga pasya tungkol sa aking hinaing?

Lahat ng mga hinaing kaugnay sa mga isyu sa medikal na kalidad ng pangangalaga ay ipinapadala sa medikal na patnugot ng iyong MHP para sa aksyon.9 Dapat tiyakin ng iyong MHP na ang taong gumagawa ng panghuling pasya tungkol sa iyong hinaing ay hindi lumahok sa anumang naunang pasya kaugnay sa hinaing.10 Dagdag pa, ang taong nagpapasya ay karaniwang isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na may klinikal na kadalubhasaan sa paggamot ng iyong kondisyon.11

Kailan ako makakakuha ng pasya tungkol sa aking pagdaing?

Dapat iproseso ng iyong MHP ang hinaing sa pamamagitan ng pagtala ng hinaing sa isang talaan sa loob ng isang (1) araw ng trabaho ng pagtanggap ng hinaing.12 Maaari kang bigyan ng kawani ng MHP ng impormasyon tungkol sa katayuan ng iyong hinaing.13

Magpapasya ang iyong MHP tungkol sa iyong hinaing at ipapaalam sa iyo ang resulta. Ayon sa batas ng estado, dapat magpasya ang mga MHP tungkol sa iyong hinaing at ipapaalam sa iyo sa loob ng siyamnapung (90) araw sa kalendaryo ng pagtanggap ng hinaing.14

B. PAG-APELA SA MGA PASYA NG PLANO SA KALUSUGAN NG ISIP (MHP, MENTAL HEALTH PLAN) NG COUNTY TUNGKOL SA IYONG MGA SERBISYO

Ang apela ay isang pagrepaso ng pasya ng MHP ng county tungkol sa iyong mga serbisyo. Maaari kang umapela kapag ang isang pasya ng MHP ay negatibong nakaaapekto sa iyong mga serbisyo, halimbawa kung itatanggi o wawakasan ng MHP ang isang serbisyo na kailangan mo.

Kapag itatanggi o babaguhin ng isang MHP ang iyong mga serbisyo, dapat kang bigyan ng MHP ng nakasulat na abiso. Maaaring tinatawag ito na “Abiso ng Aksyon” o “Abiso ng Salungat na Pagpasya sa Benepisyo.”15 Ito ay isang nakasulat na abiso mula sa MHP na pinapaalam sa iyo na gumawa ang MHP ng partikular na mga aksyon.16

Dapat kang magsampa ng apela sa loob ng animnapung (60) araw sa kalendaryo mula sa petsa ng abiso na natanggap mo mula sa MHP.17 Kung hindi ka magsampa ng iyong apela sa loob ng animnapung (60) araw, maaaring tatanggihan ang iyong apela.

Kung hindi ka nakatanggap ng isang abiso, ngunit itinanggi, binawasan, sinuspinde, o winakasan ang iyong mga serbisyo, dapat ka pa ring magsampa ng isang apela sa lalong madaling panahon.

Bilang karagdagan sa pagsampa ng apela, mayroon ka ring karapatan para humiling ng pangalawang opinyon mula sa isang lisensyadong propesyonal sa kalusugan ng isip kung itatanggi sa iyo ng county ang isang Espesyalistang Serbisyo sa Kalusugan ng Isip (SMHS, Specialty Mental Health Service).18

Anong mga uri ng mga pasya ng MHP ang maaari kong iapela? Ano ang Salungat na Pagpapasya ng Benepisyo?

Ayon sa binanggit sa itaas, maaari kang umapela kung ang pasya ng MHP ay negatibong makaaapekto sa iyong mga serbisyo, halimbawa kung itatanggi o wawakasan ng MHP ang isang serbisyo na kailangan mo. Karaniwang tinatawag itong “Salungat na Pasya sa Benepisyo.”19 Ang Salungat na Pasya sa Benepisyo ay isang pasya ng MHP na nakaaapekto sa iyong mga serbisyo. Kabilang sa Salungan na Pasya sa Benepisyo ang pitong mga aksyon sa ibaba:

  1. Kung ikaw ay tinanggihan o binigyan ng limitadong akses sa isang serbisyo;
  2. Kung ang iyong serbisyo ay binawasan, sinuspinde, o hininto;
  3. Ung tinanggihan ng iyong MHP ang iyong bayad para sa isang serbisyo;
  4. Kung hindi ka binigyan ng mga serbisyo sa napapanahon paraan;
  5. Kung ang MHP ay hindi kumikilos sa loob ng takdang panahon tungkol sa karaniwang mga pagdaing at apela;
  6. Kung ikaw ay nakatira sa rural na lugar na may limitadong akses sa mga tagapagbigay at ikaw ay tinanggihan ng karapatan na makuha ang mga serbisyo sa labas ng iyong network; o
  7. Kung ikaw ay tinanggihan ng kahilingan na tutulan ang pagbabahagi ng gastos, kapwa pagbabayad; mga premium; binabawas, kapwa seguro, at ibang mga pinansyal na pananagutan ng nagpapatala.20

Paano ako magsasampa ng apela?

Dapat magpaskil ang mga county ng mga abiso at magbigay ng mga librito na nagpapaliwanag sa proseso ng apela.21 Dapat ibigay ng mga MHP ang impormasyong ito sa iyo sa pamamagitan ng pagpapadala ng kopya sa koreo, sa email, o sa pagpaskil ng impormasyon online at pagpapaalam sa iyo ng internet address kung saan makikita ang impormasyon.22

Maaari kang magsampa ng karaniwang apela nang pasalita o nang nakasulat.23 Kung magsampa ka ng apela nang pasalita, dapat may kasunod na nakasulat na apela.24 Dapat kang magtabi ng kopya ng iyong nakasulat na apela sa iyong mga talaan.

Dapat ipaalam sa iyo ng iyong MHP na natanggap nito ang iyong apela sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyo ng nakasulat na pagkilala sa loob ng limang (5) araw ng pagtanggap ng apela.25

Upang malaman ang higit pa tungkol sa proseso ng apela para sa iyong county, mangyaring tingnan ang addendum sad ulo ng paglalathalang ito. Makikita mo ang isang listahan ng Mga Polyeto ng Hinaing, mga Apela, at Benepisyaryo para sa bawat county.

Maaari ba akong humingi ng tulong sa pagsampa ng apela?

Pinahihintulutan kang kumuha ng abogado upang kumatawan sa iyo sa iyong apela.26 Maaari mo ring pahintulutan ang ibang tao (tulad ng isang kaibigan o miyembro ng pamilya) upang kumatawan sa iyo.27 Kung ang iyong apela ay tungkol sa mga serbisyong ibinigay sa pamamagitan ng kinontratang tagapagbigay, maaari mong i-awtorisa ang tagapagbigay upang kumatawan sa iyo sa proseso ng apela/pinabilis na apela laban sa iyong MHP.28

Inaatas ng batas sa California ang bawat county na magbigay ng Tagataguyod ng mga Karapatan ng mga Pasyente (PRA, Patients’ Rights Advocate). Ang trabaho ng Tagataguyod ng mga Karapatan ng mga Pasyente ay upang palakasin at tulungan ang mga tao sa paggamit ng kanilang sibil at pantaong mga karapatan.29 Maaari mong hilingin ang iyong MHP para sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng iyong Tagataguyod ng mga Karapatan ng mga Pasyente. Maaari mo ring makita ang listahan ng mga Tagataguyod ng mga Karapatan ng mga Pasyente sa county sa https://www.evictiondefensecenteroakland.org/system/files/file-attachments/2020PRADirectoryAccessible.pdf.

Makatatanggap pa rin ba ako ng mga benepisyo kung magsasampa ako ng apela?

Maaari mong hilingin na ipatuloy ang iyong mga benepisyo habang sumasailalim ka ng proseso ng apela. Tinatawag itong “Bayad na Tulong Habang Naghihintay ng Pasya”. Dapat mong hilingin ang Bayad na Tulong Habang Naghihintay ng Pasya nang nakasulat bago bawasan, suspendihin, o wakasan ang iyong mga serbisyo.30

Kung ang iyong mga benepisyo ay ipinatuloy o binalik habang nakabinbin ang apela, dapat magpatuloy ang mga benepisyo hanggang isa sa sumusunod ang mangyayari:

  • Iaatras mo ang apela.
  • Hindi ka hihiling ng makatarungang pagdinig ng estado at pagpapatuloy ng mga benepisyo sa loob ng sampung (10) araw sa kalendaryo matapos magpadala ng abiso ng salungat na resolusyon ang MHP sa iyong apela.31

Mangyaring tandaan na maaaring subukan ng MHP na bawiin ang anumang pinatuloy na mga benepisyo kung ang panghuling pasya ay laban sa iyo.32

Sino ang magpapasya sa aking apela?

Ang taong magpapasya sa iyong apela ay karaniwang isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na may klinikal na kadalubhasaan sa paggamot ng iyong kondiyson.33 Dapat tiyakin ng iyong MHP na ang taong gumagawa ng panghuling pasya sa iyong apela ay hindi lumahok sa anumang naunang pasya kaugnay sa apela.34

Kailan ko makukuha ang pasya sa aking apela?

Ayon sa patnubay ng California, dapat maglabas ang iyong MHP ng pasya at abisuhan ka sa loob ng tatlumpung (30) araw ng pagtanggap ng apela.35 Maaari kang bigyan ng kawani ng MHP ng impormasyon tungkol sa katayuan ng iyong apela.36 Ang MHP ay maaaring magtagal ng karagdagang labing-apat (14) na araw kung hihiling ka ng pagpapalawig o magpasya ang MHP na mayroong pangangailangan para sa karagdagang impormasyon at ang pagkaantala ay nasa iyong interes.37

Kapag magpasya ang MHP sa iyong apela, magpapadala ito ng Abiso ng Resolusyon ng Apela na nagpapaliwanag ng pasya. Dapat kasama sa Abiso ng Resolusyon ng Apela ang mga resulta ng proseso ng resoluyson, petsa nang ito ay nakumpleto, ang karapatan na humiling ng Makatarungang Pagdinig ng Estado at kung paano gumawa ng kahilingang iyon, at ang karapatan na humiling at tumanggap ng mga benepisyo habang nakabinbin ang pagdinig at kung paano gumawa ng kahilingang iyon.38

Maaari ba akong magsampa para sa pinabilis na apela?

Maaari kang magsampa ng pinabilis na apela sa iyong MHP kung ikaw o iyong tagapagbigay ay naniniwalang ang proseso ng regular na apela (ayon sa inilarawan sa itaas) ay maaaring lubhang ilagay sa panganib ang iyong kalusugan, buhay, o kakayahan na panatilihin ang pinakamainam na paggana.39

Maaari kang gumawa ng pasalitang kahilingan sa MHP para sa pinabilis na apela. Hindi katulad ng regular na mga apela, hindi mo kailangang sundan ang iyong pasalitang kahilingan para sa pinabilis na apela ng nakasulat na kahilingan.40 Gayunpaman, iminumungkahi namin na laging sundan nang nakasulat at magtabi ng kopya para sa iyong mga talaan.

Dapat ipaalam sa iyo ng MHP na natanggap nito ang iyong pinabilis na apela.41

Kailan ko makukuha ang pasya tungkol sa aking pinabilis na apela?

Ayon sa batas ng California, dapat abisuhan ka ng MHP ng pasya nito sa loob ng pitumpu’t dalawang (72) oras ng pagtanggap ng iyong apela.42 Maaaring magtagal ng karagdagang labing-apat (14) araw ang MHP kung hihilingin mo ang pagpapalawig o kung ipapakita ng MHP na kailangan nito ng karagdagang impormasyon.43

C. PAGHILING NG MAKATARUNGANG PAGDINIG NG ESTADO KUNG HINDI KA SANG-AYON SA PASYA SA APELA

Kung hindi ka sang-ayon sa pasya ng MHP sa iyong apela, maaari kang humiling ng makatarungang pagdinig ng estado.44 Ang makatarungang pagdinig ng estado ay isang pagrepaso ng pasya o aksyon ng MHP.

Dapat kang magsampa ng apela at kumpletuhin ang proseso ng apela bago ka maaaring humiling ng makatarungang pagdinig ng estado.45 Ang proseso ng apela ay inilarawan sa Seksyon B, sa itaas.

Paano ako hihiling ng makatarungang pagdinig ng estado?

Kung nakumpleto mo ang proseso ng apela at hindi sang-ayon sa pasya, maaari kang humiling ng makatarungang pagdinig ng estado sa Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California.46 Ang Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California ang magsasagawa ng makatarungang pagdinig ng estado upang malayang repasuhin ang iyong apela at pasyahan ang iyong mga karapatan. Ang Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California ay isang ahensiya ng estado na hiwalay mula sa MHP ng county.

Dapat bigyan ka ng MHP ng iyong county ng impormasyon tungkol sa karapatan na humiling ng makatarungang pagdinig at kung paano gumawa ng kahilingan.47

Mayroon kang isang daan at dalawampung (120) araw upang humiling ng makatarungnang pagdinig ng estado mula sa petsa ng pasya ng MHP ukol sa apela.48 Kung hindi ka nakatanggap ng nakasulat na pasya mula sa MHP, dapat kang magsampa ng iyong kahilingan para sa makatarungang pagdinig ng estado sa lalong madaling panahon.

Maaari ba akong humingi ng tulong sa pagsampa ng makatarungang pagdinig ng estado?

Pinahihintulutan kang magkaroon ng isang abogado upang kumatawan sa iyo sa iyong makatarungang pagdinig.49 Maaari mo ring i-awtorisa ang ibang tao (tulad ng isang kaibigan, miyembro ng pamilya) upang kumatawan sa iyo.50

Inaatas ng batas ng California ang bawat county na magbigay ng Tagataguyod ng mga Karapatan ng mga Pasyente (PRA, Patients’ Rights Advocate) upang palakasin at tulungan ang mga tumatanggap ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip na magamit ang kanilang sibil at pantaong mga karapatan.51 Maaari mong hilingin sa iyong MHP ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng iyong Tagataguyod ng mga Karapatan ng mga Pasyente. Maaari mo ring makita ang listahan ng mga Tagataguyod ng mga Karapatan ng mga Pasyente sa county sa
https://www.evictiondefensecenteroakland.org/system/files/file-attachments/2020PRADirectoryAccessible.pdf.

Maaari ko bang mapanatili ang aking mga benepisyo sa panahon ng makatarungang pagdinig ng estado?

Maaari kang patuloy na tumanggap ng iyong mga benepisyo habang nakabinbin ang makatarungang pagdinig ng estado, ngunit kung humiling ka lamang ng “Bayad na Tulong Habang Hinihintay ang Pasya” bago bawasan, suspindihin, o wakasan ang iyong mga serbisyo.52 Dapat humiling ka ng Bayad na Tulong Habang Hinihintay ang Pasya nang nakasulat.

Kung ang iyong mga benepisyo ay pinatuloy o binalik habang nakabinbin ang makatarungang pagdinig ng estado, dapat magpatuloy ang mga benepisyo hanggang ang isa sa sumusunod ay magaganap:

  • Iaatras mo ang iyong kahilingan para sa makatarungang pagdinig ng estado.
  • Maglalabas ang tanggapan sa makatarungang pagdinig ng estado ng pasya sa pagdinig laban sa iyo.53

Mangyaring tandan na maaari kang managot para sa mga gastos ng anumang mga ipinatuloy na mga benepisyo kung ang panghuling pasya ay salungat sa iyo.54

Addendum: Mga Form sa Hinaing at Apela sa Plano sa Kalusugan ng County ayon sa County

Sa ibaba ang listahan ng karaniwang mga form sa Mga Hinaing at Apela para sa bawat county. Ang ilang mga county ay walang karaniwang mga form.

Upang malaman ang higit pa tungkol sa particular na mga form at pamamaraan ng Hinaing at Apela sa MHP ng iyong county, mangyaring kumonsulta sa iyong Polyeto ng Benepisyaryo ng MHP ng iyong county. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong MHP sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila ng libreng tawag na numero, na makikita sa website na ito:
https://www.dhcs.ca.gov/individuals/Pages/MHPContactList.aspx.

Alameda County

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Alpine County

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Amador County

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Butte County

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Calaveras County

Polyeto ng Benepisyaryo

Colusa County

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Contra Costa County

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Del Norte

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

El Dorado

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Fresno

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Glenn

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Humboldt

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Imperial

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Inyo

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Kern

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Kings

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Lake

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Lassen

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Los Angeles

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Madera

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Marin

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Mariposa

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Mendocino

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Merced

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Modoc

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Mono

Form sa Hinaing at Apela – Hindi Nakalista. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa linya ng access ng iyong county sa (800) 687-1101.

Polyeto ng Benepisyaryo

Monterey

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Napa

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Nevada

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Orange

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Placer

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Plumas

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Riverside

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Sacramento

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

San Benito

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

San Bernardino

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

San Diego

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

San Francisco

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

San Joaquin

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

San Luis Obispo

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

San Mateo

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Santa Barbara

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Santa Clara

Form sa Hinaing at Apela – Hindi Nakalista. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa linya ng access ng iyong county sa (800) 704-0900.

Polyeto ng Benepisyaryo – Hindi Nakalista. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa linya ng access ng iyong county sa (800) 704-0900.

Santa Cruz

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Shasta

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Siskiyou

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Solano

Form sa Hinaing at Apela – Hindi Nakalista. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa linya ng access ng iyong county sa (800) 547-0495.

Polyeto ng Benepisyaryo

Sonoma

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Stanislau

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Sutter/Yuba

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Tehama

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Trinity

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Tulare

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Tuolumne

Form sa Hinaing at Apela – Hindi Nakalista. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa linya ng access ng iyong county sa (800) 630-1130.

Polyeto ng Benepisyaryo

Ventura

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo

Yolo

Form sa Hinaing at Apela

Polyeto ng Benepisyaryo