Access to and Amendment of Health Records
Access to and Amendment of Health Records
Pinag-uusapan ng pub na ito kung paano mo maisasaayos ang iyong mga rekord ng pasyente. Maaari kang magsama ng isang tao kapag pumasok ka upang baguhin ang anuman sa mga talaan. Pinag-uusapan din ng pub na ito ang ilang mga bagay na hindi mababago sa iyong mga rekord ng pasyente.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Buod
Ang pasyente o dating pasyente ay may karapatan na:
- Repasuhin o kopyahin ang kanilang mga talaan ng pasyente, maliban sa itinalakay sa ibaba.
- Humiling ng pagsususog ng kanilang mga talaan ng pasyente.
- Maghain ng reklamo kung sila ay tinanggihan ng access sa kanilang mga talaan ng pasyente.
Maaari ko bang repasuhin ang mga kopya ng aking mga talaan ng pasyente?
Oo. Ang pasyente ay may karapatan na repasuhin o kumuha ng kopya ng kanilang mga talaan.1 Sa California, ang pasyenteng nasa gulang, menor de edad na awtorisadong magpahintulot sa kanilang sariling medikal na paggamot,2 o ang personal na kinatawan ng pasyente ay may karapatan na repasuhin at kumuha ng mga kopya ng kanilang mga talaan ng pasyente.3
- Ang “pasyente” ay nangangahulugan na kasalukuyan o dating pasyente.4
- Ang “personal na kinatawan” ay nangangahulugan na conservator, ahente ng pangangalagang pangkalusugan, o magulang o tagapag-alaga ng isang menor de edad na pasyente.5
- Ang “mga talaan ng pasyente” ay nangangahulugan na mga talaang ginawa ng isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa kasaysayan ng kalusugan, dyagnosis, kondisyon, o paggamot ng isang pasyente. Hindi kasama sa mga ito ang impormasyong ibinigay nang kumpidensyal sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ng isang taong maliban sa pasyente o ibang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.6
Dagdag pa, kung pumirma ang isang pasyente ng pagpapalabas ng impormasyon, ang mga talaan ng pasyente ay dapat ibunyag sa abogado ng pasyente.7
Paano ako makakukuha ng access sa aking mga talaan ng pasyente?
Ang pasyente o kanilang personal na kinatawan ay dapat magsumite ng kahilingan upang suriin o tumanggap ng mga kopya ng mga talaan ng pasyente.8 Kung ang isang indibiduwal ay humihiling ng papel o elektronikong mga kopya ng mga talaan ng pasyente, dapat nilang tukuyin ang mga talaan na gusto nilang kopyahin.9 Ang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay maaaring atasan ang pasyente na magsumite ng kanilang kahilingan sa pamamagitan ng sulat.10
Gaano katagal bago ko matanggap ang mga kopya ng aking mga talaan ng pasyente?
Dapat pahintulutan ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang isang indibiduwal na repasuhin ang mga talaan sa loob ng 5 araw ng trabaho ng pagtanggap ng kahilingan.11 Kung ang indibiduwal ay humihiling ng mga kopya ng lahat o bahagi ng isang file, dapat magpadala sa kanila ang tagapagbigay ng mga kopya sa loob ng 15 araw ng pagtanggap ng kahilingan.12
Maaari bang magbigay ang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ng buod ng aking mga talaan ng pasyente sa halip na o bilang karagdagan sa pagbibigay ng mga kopya ng aking aktuwal na mga talaan?
Oo, ngunit kung sumasang-ayon lamang ang pasyente nang maaga sa buod ng kanilang mga talaan at magbayad ng anumang mga singil para sa paghahanda ng buod.13 Ang buod ay dapat na maglalaman ng impormasyon tungkol sa bawat pinsala, sakit, o bahagi na nasa talaan, kabilang ang sumusunod:
- Ang pangunahing (mga) reklamo ng pasyente, kabilang ang kaugnay na kasaysayan;
- Mga natuklasan mula sa mga pagkonsulta at pagsangguni sa ibang mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan;
- Dyagnosis, kung may nabuo;
- Plano ng paggamot at regimen kabilang ang iniresetang mga gamot;
- Pag-unlad ng paggamot;
- Prognosis, kabilang ang makabuluhang patuloy na mga problema o kondisyon;
- Kaugnay na mga ulat ng mga pamamaraan at pagsusuri sa dyagnosis at lahat ng mga buod ng pagpapalabas; at
- Mga natuklasan mula sa pinakahuling pisikal na eksaminasyon ng pasyente, tulad ng presyon ng dugo, bigat, at mga resulta ng karaniwang mga pagsusuri sa laboratory.
Kung maghahanda ang tagapagbigay ng buod, dapat makukuha ito ng pasyente sa loob ng 10 araw ng trabaho.14 Ang mga tagapagbigay ay maaaring bigyan ng abiso ang pasyente na kailangan nila ng karagdagang panahon upang ihanda ang buod, ngunit dapat ibigay ang buod sa loob ng 30 araw.15
Maaari ring hilingin ng tagapagbigay na makipagpulong sa isang pasyente upang linawin ang layunin ng kahilingan.16 Kung interesado lamang ang pasyente sa mga talaan tungkol sa isang partikular na pinsala, sakit, o bahagi, maaari silang bigyan ng tagapagbigay ng buod ng mga talaan ng mga ito lamang.17
Magkano ang babayaran upang makatanggap ng mga kopya ng aking mga talaan?
Ang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay hindi maaaring maningil ng higit sa 25 sentimos ($0.25) kada pahina para sa papel na mga kopya, o 50 sentimos ($0.50) kada pahina para sa mga kopyang mula sa microfilm.18 Ang tagapagbigay ay maaaring maningil ng “makatuwirang singil ayon sa gastos” para sa pagbibigay ng mga kopya sa pasyente ng kanilang mga talaan.19 Ang singil ay dapat lamang isama ang mga gastos ng (A) paggawa para sa pagkopya ng mga talaan, (B) mga panustos para sa paggawa ng mga kopya, (C) selyo, at (D) paghahanda ng buod ng mga talaan ng kalusugan.20
Dagdag pa, ang tagapagbigay ay hindi maaaring singilin ang pasyente, kanilang personal na kinatawan, o isang empleyado mula sa isang walang kitang organisasyon ng mga serbisyong legal na kumakatawan ng pasyente, kung magsusumite sila ng nakasulat na kahilingan para sa mga talaan upang suportahan ang paghahabol o apela ukol sa:
- Pagiging karapat-dapat para sa pampublikong mga benepisyo, kabilang ang Medi-Cal; Mga Serbisyong Pansuporta Sa-Bahay (IHSS, In-Home Supportive Services); CalWORKs; Seguro sa Kapansanan ng Social Security (SSDI, Social Security Disability Insurance); Karagdagang Kita sa Seguro/Pandagdag na Programa ng Estado (SSI, Supplemental Security Income/SSP, State Supplementary Program) para sa Matatanda, Bulag at May Kapansanan; CalFresh; Tulong sa Pera para sa mga Matatanda, Bulag at Legal na mga Imigranteng May Kapansanan; pederal na kabayarang konektado sa serbisyo ng mga beteranong at pension sa may kapansanan na hindi konektado sa serbisyo; o subsidiyang pinopondohan ng pamahalaan o programa sa tulong sa pabahay na batay sa umuupa;
- Isang petisyon para sa hindi imigranteng U na katayuan sa ilalim ng Batas sa mga Biktima ng Pagsusubaybay at Proteksyon sa Karahasan; o
- Sariling-petisyon para sa legal na permanenteng paninirahan sa ilalim ng Batas sa Karahasan Laban sa Kababaihan.21
Kung humihiling ang isang pasyente ng mga talaan na may kaugnayan sa isang paghahabol na nakalista sa itaas, ang tagapagbigay ay dapat ibigay ang mga kopya ng mga talaan sa loob ng 30 araw ng nakasulat na kahilingan.22
Gayunapaman, ang tagapagbigay ay hindi kailangang ibigay ang mga talaan nang libre kung ang pasyente ay ikinatawan ng isang pribadong abogado (isang abogado na hindi nagtatrabaho sa isang walang kitang entidad ng mga legal na serbisyo).23
Maaari ko bang i-access ang aking mga talaan sa kalusugang pangkaisipan?
Oo, ngunit mayroong mga eksepsyon.
Una, walang karapatan ang pasyente na ma-access ang mga talaan ng psychotherapy,24 na nangangahulugan na mga talaan na ginawa ng isang propesyunal sa kalusugang pangkaisipan sa panahon ng sesyon ng pagpapayo sa isang indibiduwal, grupo, magkasama, o pamilya, at hiwala sa iba pang medikal na mga talaan ng pasyente.25
Ikalawa, kung ang tagapgbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay naniniwala na ang pagbibigay sa pasyente ng access sa kanilang mga talaan ng kalusugang pangkaisipan ay magpapakita ng isang malaking panganib ng makabuluhang nakapipinsalang kahihinatnan sa pasyente, ang tagapagbigay ay maaaring tumangging magbigay ng access sa mga talaan.26 Kung tatanggihan ng tagapagbigay ang access sa pasyente sa kanilang mga talaan ng kalusugang pangkaisipan, dapat din nilang:
- Isama ang isang paliwanag sa mga talaan ng kalusugang pangkaisipan ng pasyente tungkol sa kung bakit sila tumanggi na magbigay ng access sa mga talaan, kabilang ang paglalarawan ng partikular na mapanganib na kinahihinatnan na sa tingin nila ay mangyayari kung bibigyan nila ng access ang pasyente;
- Pahintulutan ang pasyente na pumili ng isang lisensyadong manggagamot, siruhano, sikolohista, terapruta ng kasal at pamilya, klinikal na manggagawa ng Lipunan, o klinikal na tagapayo upang suriin o kumuha ng kopya ng kanilang mga talaan ng kalusugang pangkaisipan;
- Ipaalam sa pasyente na tinatanggihan nila ang access sa kanilang mga talaan sa kalusugang pangkaisipan;
- Ipaalam sa pasyente na mayroon silang karapatan na atasan ang tagapagbigay na pahintulutan silang pumili ng isang propesyunal sa kalusugan na nakalista sa b) upang i-access ang kanilang mga talaan; at
- Idokumento sa mga talaan ng kalusugang pangkaisipan ng pasyente kung hiniling ng pasyente ang isang propsyunal sa kalusugan na nakalista sa b) upang suriin o kumuha ng kopy ng kanilang mga talaan.27
Maaari ko bang i-access ang mga talaan ng pasyente ng aking anak?
Oo, ngunit mayroon mga eksepsyon.
Una, ang magulang o tagapag-alaga ay walang karapatan na suriin o kumuha ng mga kopya ng mga talaan ng pasyenteng isang menor de edad kung ang menor de edad ay legal na awtorisadong magpahintulot sa kanilang sariling medikal na pangangalaga.28 Halimbawa, kung ang isang menor de edad ay hindi bababa sa 12 taong gulang at tumutugon sa lahat ng mga kondisyong kinakailangan ng batas, maaari silang magpahintulot sa sumusunod na mga serbisyo:
- Outpatient na paggamot sa kalusugang pangkaisipan o pagpapayo;29
- Medikal na paggamot na may kaugnayan sa isang nakahahawang sakit;30
- Medikal na pangangalaga na may kaugnayan sa pagpigil ng isang seksuwal na nakahahawang sakit;31
- Medikal na pangangalaga na may kaugnayan sa paggamot o koleksyon ng ebidensya ukol sa hinihinalang panggagahasa32 o seksuwal na pag-atake;33
- Medikal na pangangalaga at pagpapayo na may kaugnayan sa droga o alak;34
- Pagsusuri sa HIV.35
Ikalawa, ang magulang ay walang karapatan na suriin o kumuha ng mga kopya ng mga talaan ng pasyente ng isang menor de edad kung natukoy ng tagapagbigay na ang naturang access ay magkakaroon ng mapanganib na epekto sa (1) propesyunal na ugnayan ng tagapagbigay sa menor de edad o (2) pisikal na kaligtasan o sikolohikal na kagalingan ng menor de edad.36
Ikatlo, ang magulang ay walang karapatan na suriin o kumuha ng mga kopya ng mga talaan ng pasyente ng isang menor de edad kung alam ng psychotherapist na ang menor de edad ay inalis mula sa pisikal na kustodiya ng kanilang magulang o tagapag-alaga, maliban kung iba ang inutos ng hukumang pangkabataan.37
Mayroon bang iba pang kalagayan kung saan maaari akong tanggihan ng isang tagapagbigay ng access sa aking mga talaan?
Oo. Alinsunod sa pederal na batas (HIPAA, Health Insurance Portability and Accountability Act o Batas sa Maililipat at Pananagutan ng Seguro sa Kalusugan), ang isang lisensyadong propesyunal sa pangangalagang pangkalusugan ay maaaring tanggihan ang isang indibiduwal ng access sa kanilang mga talaan sa kalusugan sa ilalim ng ilang mga kalagayan. Ang ilang sa mga pagtangging ito ay marerepaso, ngunit ang iba ay hindi.38
- Hindi Marerepaso.39 Maaaring tanggihan ng isang tagapagbigay ng access ang isang tao sa kanilang mga talaan, nang walang pagkakataon para sa pagrepaso, kung ang mga talaan ay:
- Mga tala ng psychotherapy;
- Pinagsama-sama sa pag-asam ng isang sibil, kriminal, o administratibong paglilitis;
- Pinapanatili ng isang institusyon ng pagwawasto, o isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa ilalim ng direksyon ng isang institusyon ng pagwawasto, at ang access sa mga talaan ay malalagay sa panganib ang kalusugan, kaligtasan, seguridad, kustodiya, o rehabilitasyon ng indibidwal, ibang mga taong nakakulong, o isang empleyado ng institusyon ng pagwawasto;
- Bahagi ng pananaliksik na isinagawa ng isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, hangga't ang indibidwal ay sumang-ayon sa pagtanggi ng access noong nagpahintulot silang lumahok sa pananaliksik;
- Protektado ng Batas sa Pagkapribado (5 Kodigo ng Estados Unidos § 552a) (ang Batas na ito ay naaangkop sa impormasyong kinolekta ng pederal na pamahalaan); o
- Nakuha mula sa isang taong maliban sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa ilalim ng pangako ng pagka-kumpidensyal.
- Narerepaso.40 Maaaring tumanggi ang tagapagbigay ng access sa pasyente sa kanilang mga talaan, ngunit ang pasyente ay mayroong karapatan na iparepaso ang pagtanggi, kung:
- Tinukoy ng propesyunal sa pangangalagang pangkalusugan na ang access ay malamang na ilagay sa panganib ang buhay o pisikal na kaligtasan ng pasyente o iba pang tao;
- Ang talaan ay tumutukoy sa iba pang tao (maliban kung isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan) at natukoy ng isang lisensyadong tagapagbigay ng panganglagang pangkalusugan ang access ay malamang na magsanhi ng malaking panganib sa ibang taong iyon; o
- Ang kahilingan para sa access ay ginawa ng personal na kinatawan ng pasyente at natukoy ng isang lisensyadong propesyunal ng pangangalagang pangkalusugan na ang pagbibigay ng access sa personal na kinatawan ay malamang na magsanhi ng malaking panganib sa pasyente o iba pang tao.
Mga Pagrepaso. Kung hinihiling ng isang indibiduwal ang pagrepaso ng pagtanggi ng access sa mga talaan, ang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay dapat magtalaga ng isang propesyunal sa pangangalagang pangkalusugan na hindi kasama sa pagtanggi upang repasuhin ang pasya ng pagtanggi. Ang itinalagang propesyunal sa pangangalagang pangkalusugan ay dapat magpasya sa loob ng makatuwirang panahon kung ang pagtanggi ay legal na naaangkop at dapat magbigay ng nakasulat na abiso sa humihiling ng kanilang pasya.
Sa ilalim ng batas sa California, ang propesyunal sa pangangalagang pangkalusugan ay maaaring ring tumanggi ng access sa:
- Mga kopya ng mga talaan ng mga x-ray o tracing, electrocardiography, electroencephalography, o electromyography kung ang mga talaang ito ay ililipat sa iba pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa loob ng 15 araw ng kahilingan para sa mga talaan at pinaalam sa humihiling ang pangalan at address ng iba pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan;41
- Mga talaan ng pag-abuso ng alak at droga, kung ang pagbubunyag ay ipinagbabawal ng pederal na Batas sa Tanggapan ng Pag-abuso ng Droga at Paggamot ng 1972 o ng pederal na Batas sa Pagpigil, Paggamot, at Rehabilitasyon ng Pag-abuso sa Alak at Alkoholismo ng 1970. Lahat ng iba pang mga talaan ng pag-abuso ng alak at droga ay napapailalim sa pagbubunyag sa isang pasyente;42
- Mga talaan tungkol sa mga tagapagdala ng nakahahawag sakit kung ang pagbubunyag ay ipinagbabawal ng batas.43
TANDAAN: Sa ilalim ng batas sa California, ang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay hindi maaaring ipagkait ang mga talaan ng pasyente dahil sa hindi nababayarang mga singil para sa mga serbisyo.44 Kung ang isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay sadyang ipinagkait ang mga talaan dahil sa hindi nababayarang mga singil, sila ay maaaring napapailalim sa mga parusa.
Ano ang aking mga karapatan kung tatanggi ang isang tagapagbigay na bigyan ako ng access sa aking mga talaan?
Nakasulat na Pagtanggi. Kung tatanggihan ng isang tagapagbigay ang access sa mga talaan ng pasyente, dapat magbigay ang tagapagbigay ng napapanahong nakasulat na pagtanggi sa indibiduwal. Ang pagtanggi ay dapat nakasulat sa simpleng wika at naglalaman ng:
- Batayan para sa pagtanggi;
- Isang pahayag tungkol sa karapatan ng indibiduwal na humiling ng pagrepaso ng ibang propesyunal sa pangangalagang pangkalusugan at isang paglalarawan kung paano humiling ng pagrepaso; at
- Isang paglalarawan kung paano maaaring maghain ng reklamo ang indibiduwal sa tagapagbigay o sa Kalihim ng Kagawaran ng mga Kalusugan at mga Serbisyong Pantao ng Estados Unidos. Ang paglalarawan ay dapat kasama ang pangalan o titulo at numero ng telepono ng pakikipag-ugnayan na tatanggap ng reklamo.45
Reklamo sa HIPAA. Maaaring maghain ang pasyente ng reklamo para sa mga paglabag sa pederal na mga regulasyon sa pagkapribado sa HIPAA sa pamamagitan ng Portal ng Katulong sa Reklamo ng Kagawaran ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao ng Estados Unidos, na matatagpuan rito:
https://ocrportal.hhs.gov/ocr/smartscreen/main.jsf.
Kung mayroon kang tanong tungkol sa kung paano maghain ng reklamo, maaari kang mag-email sa Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil (OCR, Office of Civil Rights) sa OCRMail@hhs.gov o tumawag nang walang bayad sa 1-800-368-1019, TDD 1-800-537-7697. Ang OCR ay nagbibigay ng alternatibong mga anyo (tulad ng Braille at malalaking limbag), pandagdag na pantulong at serbisyo (tulad ng serbisyong paghatid), at tulong sa wika.46
Ang mga reklamo ay dapat ihain sa pamamagitan ng sulat sa loob ng 180 araw ng petsa kung kailan nalaman ng pasyente o dapat nalaman ang paglabag, maliban kung maipakita ng pasyente ang mabuting dahilan sa hindi paghain sa loob ng 180 araw.47 Dapat pangalanan sa reklamo ang tagapagbigay na paksa ng reklamo at ilarawan ang mga aksyon o pagkukulang na lumabag sa HIPAA.48 Hindi maaaring gumanti ang tagapagbigay HIPAA.49
Ang karagdagang impormasyon tungkol sa HIPAA ay maaaring matagpuan sa
http://www.hhs.gov/ocr/hipaa/.
Mga Reklamo sa Estado. Maaaring idemanda ng pasyente o kinatawan ng pasyente ang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan upang ipatupad ang mga batas sa mga talaan ng kalusugan sa Kodigo ng Kalusugan at Kaligtasan sa California.50 Maaaring ipagkaloob ng huwis ang mga gastos at singil sa abogado sa nananaig na partido.
Maaari ring magdemanda ang pasyente para sa mga pinsala (pera) kung ang isang tagapagbigay ay nagsara ng negosyo at inabandona ang mga talaan ng pasyente.51 Ang mga tagapagbigay na magsara ng negosyo ay dapat magpanatili ng mga talaan nang hindi bababa sa 7 taon at hindi bababa sa pagdiwang ng 19 taong gulang ng isang indibiduwal.52
Mayroon kang limitadong panahon upang maghain ng reklamo sa estado dahil sa mga batas ng limitasyon ng California. Kaagad na kumonsulta sa isang abogado kung isinaalang-alang mo ang paghahain ng reklamo sa estado
Paano ko susugin ang aking mga talaan ng kalusugan?
Mayroong karapatan ang pasyente na hilingin na susugin ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang kanilang talaan ng kalusugan hangga’t mayroon talaan.53 Maaaring atasan ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang pasyente na gumawa ng kahilingan sa pagsususog sa pamamagitan ng sulat at magbigay ng dahilan para sa pagsususog.54
Sa loob ng 60 araw ng kahilingan para sa isang pagsususog, ang tagapagbigay ay dapat:
- Ipagkaloob ang kahilingan;
- Tanggihan ang kahilingan at bigyan ang indibiduwal ng nakasulat na pagtanggi; o
- Magbigay ng nakasulat na pahayag sa indibiduwal na nagpapalawig sa panahon upang tumugon sa kahilingan na hindi lalampas sa 30 araw, kasama ng mga dahilan para sa pagkaantala at ang petsa kung kailan makukumpleto ng tagapagbigay ng aksyon nito sa kahilingan.55
Maaaring tanggihan ng tagapagbigay ang kahilingan para sa pagsususog kung natukoy ng tagapagbigay na:
- Ang talaan ay wasto at kumpleto;
- Ang talaan ay hindi ginawa ng tagapagbigay, maliban kung pinapakita ng pasyente na ang gumawa ng talaan ay hindi na maaaring kumilos sa kahilingan sa pagsususog;
- Wala sa tagapagbigay ang talaan; o
- Ang pasyente ay walang karapatan na ma-access ang talaan.56
Kung sumasang-ayon ang tagapagbigay na susugin ang talaan ng pasyente, ang tagapagbigay ay dapat:
- Idagdag ang pagsususog o ibigay ang link sa lokasyon ng pagsususog;
- Ipaalam sa indibiduwal na ang pagsususog ay tinatanggap;
- Kunin ang pagsang-ayon ng indibiduwal upang abisuhan ng tagapagbigay ang mga taong kailangan malaman ang tungkol sa pagsususog; at
- Ipaalam sa mga taong kailangan malaman ang tungkol sa pagsususog.57 Iba pang tagapagbigay na ipinaalam ang tungkol sa pagsususog ay dapat ding susugin ang mga talaan ng pasyente sa hawak nila.58
Kung tatanggihan ng tagapagbigay ang kahilingan ng isang indibiduwal para sa pagsususog, dapat magbigay ang tagapagbigay sa indibiduwal ng napapanahong nakasulat na pagtanggi sa simpleng wika na naglalaman ng:
- Batayan para sa pagtanggi;
- Karapatan ng indibiduwal na magsumite ng nakasulat na pahayag na hindi sumasang-ayon sa pagtanggi, at kung paano maaaring maghain ng pahayag ang indibiduwal;
- Abiso na kahit pa hindi magsumite ang indibiduwal ng pahayag na hindi sumasang-ayon sa pagtanggi, maaari silang humiling na isama ng tagapagbigay ang kahilingan sa pagsususog at pagtanggi sa anumang pagbubunyag sa hinaharap ng mga talaan; at
- Isang paglalarawan kung paano maaaring maghain ng reklamo ang indibiduwal sa tagapagbigay o sa Kalihim ng Kagawaran ng mga Kalusugan at mga Serbisyong Pantao ng Estados Unidos.59
Kung nais ng pasyente na magsumite ng nakasulat na pahayag ng hindi pagsang-ayon, maaaring “makatuwirang limitahan” ng tagagbigay ang haba ng pahayag.60 Ang pahayag ay dapat isasama sa mga pagbubunyag sa hinaharap ng mga talaan ng pasyente.61 Maaari ring maghanda ang tagapagbigay ng pagpapabulaan sa pahayag ng pasyente, ngunit dapat bigyan ng tagapagbigay ang pasyente ng kopya ng pagpapabulaan.62
Ang pasyente ay mayroon ding karapatan na magbigay ng nakasulat na addendum tungkol sa anumang bagay o pahayag sa kanilang mga talaan na sa kanilang paniniwala ay hindi kumpleto o hindi wasto. Ang addendum ay limitado sa 250 salita kada pinaghihinalaang hindi kumpleto o hindi wastong bagay sa talaan ng pasyenta. Dapat malinaw na ipahiwatig ng addendum sa pamamagitan ng sulat na nais ng pasyente na maging bahagi ang addendum sa kanilang talaan. Kung ibubunyag ng tagapagbigay ang mga medikal na taal ng pasyente, dapat isama nila ang nakasulat na addendum sa pagbubunyag.63
- 1. Ang Batas sa Access ng Pasyente sa mga Talaan ng Kalusugan sa California, Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(a); tingnan din ang Batas sa Maililipat at Pananagutan ng Seguro sa Kalusugan (HIPAA, Health Insurance Portability at Accountability Act), 45 Kodigo ng mga Pederal na Regulasyon (C.F.R., Code of Federal Regulations) § 164.524(a)(1).
- 2. 45 C.F.R. § 164.502(g)(3)(i).
- 3. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(a); 45 C.F.R. § 164.502(g).
- 4. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123105(c).
- 5. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123105(d).
- 6. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123105(d); 45 C.F.R § 164.524(a)(2)(v).
- 7. Kodigo ng Kapakanan & mga Institusyon § 5328(a)(10).
- 8. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(a), (b)(1).
- 9. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(b)(1).
- 10. 45 C.F.R. § 164.524(a).
- 11. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(a).
- 12. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(b).
- 13. 45 C.F.R. § 164.524(c)(2)(iii); tingnan din ang Cal. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan § 123130(a). [Ang batas ng California at pederal na batas ay bahagyang magkakaiba. Binibigyan ng batas ng California ang tagapagbigay ng pangkalusugan ng pagpipilian upang magbigay ng buod ng mga talaan ng pasyente sa halip na isang kopya ng mga talaan ng pasyente, ngunit binibigyan ng pederal na batas ang pasyente ng pagpipilian at nag-aatas ng maagang pag-apruba mula sa pasyente.]
- 14. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123130(a).
- 15. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123130(a).
- 16. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123130(b).
- 17. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123130(b).
- 18. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(j)(2).
- 19. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(j)(1).
- 20. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(j)(1).
- 21. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110 (d)(1).
- 22. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(e).
- 23. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(d)(3).
- 24. 45 C.F.R. § 164.524(a)(i).
- 25. 45 C.F.R. § 164.501.
- 26. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123115(b).
- 27. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123115(b)(1)-(b)(4).
- 28. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123115(a)(1), (a)(3); 45 C.F.R § 164.502(g)(3)(i)(B).
- 29. Kodigo ng Pamilya ng California § 6924(b); Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 124260(b)(1).
- 30. Kodigo ng Pamilya ng California § 6926(a).
- 31. Kodigo ng Pamilya ng California § 6926(b).
- 32. Kodigo ng Pamilya ng California § 6927.
- 33. Kodigo ng Pamilya ng California § 6928.
- 34. Kodigo ng Pamilya ng California § 6929(b).
- 35. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 121020(a)(1).
- 36. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California §123115(a)(2).
- 37. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123116(a).
- 38. 45 C.F.R. § 164.524(a).
- 39. 45 C.F.R. § 164.524(a)(2).
- 40. 45 C.F.R. § 164.524(a)(3).
- 41. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(c).
- 42. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123125(a).
- 43. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123125(b).
- 44. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123110(i).
- 45. 45 C.F.R. § 164.524(d)(2).
- 46. Kagawaran ng Kalusugan & mga Serbisyong Pantao ng Estados Unidos Portal ng Katulong sa Reklamo, https://ocrportal.hhs.gov/ocr/smartscreen/main.jsf (huling pinuntahan noong Disyembre 19, 2023).
- 47. 45 C.F.R. § 160.306(b)(1), (3);
- 48. 45 C.F.R. § 160.306(b)(2).
- 49. 45 C.F.R. 164.530(g).
- 50. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123120.
- 51. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123145(b).
- 52. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123145(a)
- 53. 45 C.F.R. §§ 164.526(a)(1).
- 54. 45 C.F.R. § 164.526(b)(1);
- 55. 45 C.F.R. § 164.526(b)(2).
- 56. 45 C.F.R. § 164.526(a).
- 57. 45 C.F.R. §§164.526(c)(1)-(3).
- 58. 45 C.F.R. § 164.526(e).
- 59. 45 C.F.R. § 164.526(d)(1);
- 60. 45 C.F.R. § 164.526(d)(2).
- 61. 45 C.F.R. § 164.526(d)(5).
- 62. 45 C.F.R. § 164.526(d)(3).
- 63. Kodigo ng Kalusugan & Kaligtasan ng California § 123111(b).