Impormasyon ng Consumer para sa mga Reklamo tungkol sa mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan, Pasilidad, at mga Programa
Impormasyon ng Consumer para sa mga Reklamo tungkol sa mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan, Pasilidad, at mga Programa
Minsan, maaaring kailanganin mong magreklamo tungkol sa mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, mga programa, pasilidad, o mga serbisyo. Ang pub na ito ay may mga listahan ng mga ahensyang namamahala sa pagharap sa iyong reklamo. Mayroon itong listahan ng mga grupo ng adbokasiya na makakatulong sa iyo. Sinasabi nito sa iyo kung saan malalaman ang higit pa tungkol sa iyong karapatang magreklamo.
Maaaring makatulong sa iyo ang publikasyon na ito kung kailangan mo ng impormasyon o may reklamo hinggil sa mga provider ng pangangalagang pangkalusugan, mga programa, pasilidad, o mga serbisyo na iyong natanggap. Aming inilista ang mga ahensya ng gobyerno na may partikular na responsibilidad sa unang pag-aksyon sa mga reklamo. Nagsama rin kami ng listahan nang ilan sa mga organisasyon ng pagtataguyod at mga pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan na maaari ding makatulong.
PANIMULA
Ang pangangalagang pangkalusugan at pantahanan sa California ay kinokontrol ng maraming iba’t ibang ahensya. Sa ibaba ay isang maikling buod ng mga ahensya na kumukontrol sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan. Kadalasang gumagamit ng mga nakalilitong salitang galing sa mga unang titik ng pangalan (acronyms) ang mga tao o mga bansag para makilala ang mga organisasyon na ito kaya isinama rin namin ang mga ito nang naka-bold.
Karamihan sa serbisyong propesyonal na nauugnay sa kalusugan na hinahatid ng mga doktor sa klinika ay kinokontrol ng California Department of Consumer Affairs (DCA), at ng mga dibisyon sa paglilisensya o “Boards” na tumutukoy sa uri ng serbisyo. Kasama sa mga ito ang Board of Medical Examiners, ang Board of Dentistry, ang Board of Psychology, ang Board of Behavioral Services, ang Board of registered Nurses at iba pa. Ang ilan sa mga ito ay nakalista sa ibaba. Ang lahat ng uri ng propesyonal na nilisensyahan ng Department of Consumer Affairs ay nakalista sa website nito. i-click dito para sa website ng DCA
Ang mga ospital, klinika, at mga nursing home kabilang ang mga pasilidad na subacute ay nilisensyahan at kinokontrol ng California Department of Public Health (CDPH). Ang pangkalahatang impormasyon ng reklamo at mga link para sa paritkular na mga reklamo ay matatagpuan sa i-click dito para sa website ng CDPH
Ang Community Care Licensing (CCL) Division ng California Department of Social Services (CDSS) ay nililisensyahan at kinokontrol ang karamihan sa serbisyong pantahanan, pangangalaga sa araw at bata. Kasama sa mga pasilidad ng pangangalagang pantahanan ang mga board and care home, mga community care facility (CCFs), residential care facilities for the elderly (RCFE) [mga pasilidad ng pangangalgang pantahanan para sa nakatatanda] at tinutulungang mga pasilidad sa pamumuhay. i-click dito para sa website ng CCLD
Ang pribado o komersyal na mga plan ng pinapangasiwaang pangangalaga ay kinokontrol ng California Department of Managed Health Care (DMHC). i-click dito para sa website ng DMHC
Ang pangangalagang Medi-Cal, Denti-Cal, at Mental Health, alinman sa pinapangasiwaang pangangalaga o may bayad na serbisyo, ay kinokontrol ng California Department of Health Care Services (DHCS). i-click dito para sa website ng DHCS
Marami sa plan na pinapangasiwaang pangangalaga ng Medi-Cal ay nilisensyahan ng DMHC at kung kaya ang nakalaang mga proteksyon sa consumer sa mga pribado o komersyal na plan ay nakalaan rin sa mga benepisyaryo ng Medi-Cal.
Walang mga lisensyadong plan ng DMHC sa ilalim ng Denti-Cal, Mental Health Medi-Cal Managed Care ng county, at, maliban sa health plan ng county ng San Mateo, County Operated Health Systems (COHS) na sinasaklawan ang mga tumatanggap ng Medi-Cal sa mga sumusunod na county: Del Norte, Humboldt, Lake, Lassen, Marin, Mendocino, Merced, Modoc, Monterey, Napa, Orange, San Luis Obispo, Santa Barbra, Sa
Ang mangilan-ngilang ahente tulad ng Department of Health Care Services (DHCS) at ng California Department of Public Health (DPH) ay may tanggapan ng “Ombudsman” na isang tanggapang itinalaga para sagutin ang mga katanungan ng consumer at para magresolba ng mga reklamo. Bilang karagdagan, may isang nagsasariling programa na long-term care Ombudsman (Ombudsman ng pangmatagalang pangangalaga) para tulungan ang mga tao sa nursing at iba pang pasilidad ng pangkalusugan at mga pasilidad ng pangangalagang pantahanan.
Mga pribadong health insurance plan na hindi kasama ang pinapangasiwaang pangangalaga, kabilang ang maraming Preferred Provider Organizations o mga PPO at ilang ibang insurance plan, ay kinokontrol ng California Department of Insurance (CDI). i-click dito para sa website ng CDI
Ang pagtalima sa mga proteksyon ng consumer na kailangan sa ilalim ng Affordable Care Act (ACA) ay ipinapatupad ng Covered California, ng Department of Managed Health Care at ng Department of Insurance. Ang mga halimbawa ng mga proteksyon ng consumer ng ACA ay kasama ang pagsaklaw sa mga bata sa ilalim ng patakaran ng magulang sa edad 26, pag-aalis ng habang-buhay na mga paglilimita sa halaga, at pagsasaklaw sa pangontrang pangangalaga nang walang copay o babawasin.
Pangunahing kinokontrol ang Medicare ng Center for Medicare and Medicaid Services (CMS) i-click dito para sa website ng CMS
Ang nasasaklawan ng Medicare Supplemental Insurance o MEDIGAP ay pinapangasiwaan sa California sa pamamagitan ng Department of Insurance (CDI). i-click dito para sa pahina ng nasasaklawan ng MEDIGAP sa website ng CDI
Mayroon ding ibang ahensya ng gobyerno, mga organisasyon ng pagtataguyod at iba pang pinagkukunan ng impormasyon ng consumer para sa mga taga-California tungkol sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan, mga karapatan at reklamo at iba pang opsyon.
Sa ibaba ay partikular na mga kontak para sa mga ito at iba pang ahensya at ilan sa organisasyon ng pagtataguyod at mga mapagkukunan ng impormasyon na maaari mong matuklasang nakatutulong kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa iyong pangangalagang pangkalusugan. Aming isinama ang karamihan sa pangaunahing mga webiste pati na rin ang isang link sa mga departamento ng reklamo. Ang mga form ng reklamo ay matatagpuan sa mga webiste na ito at pananatilihing up-to-date ng mga ahensya o organisasyon.
Kung kailangan mo ng tulong sa paghanap sa naaangkop na reperensya sa online, walang computer o printer at kailangan ng papel na kopya ng mga form ng reklamo, o may ibang katanungan, mangyaring tawagan ang numero na toll free ng ahensya para sa impormasyon at tulong sa paghain ng reklamo kung iyon ang iyong napagpasyahang gagawin.
Maaari mo ring tawagan ang Disability Rights California sa 800-776-5746 tungkol sa iyong mga problema sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan. Kadalasan ay maraming paraan na maaari mong ipatungkol ang problema sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan gaya nang inilarawan sa mga halimbawa ng problema na kasama sa hulihan ng mga kalakip na chart. Para sa lahat ng tawag sa TTY sa DRC, i-dial ang 800-719-5798
MGA HEALTH PLAN AT MGA SISTEMA NG PANGANGALAGANG PANGKALUSUGAN
Mga Plan ng Pinapangasiwaang Pangangalaga
Department of Managed Health Care (DMHC)
DMHC Help Center
888–466–2219
homepage ng DMHC
Ang pahina na ‘Maghain ng Reklamo’ sa webiste ng DMHC
Mga plan ng Pinapangasiwaang Pangangalaga ng Medi-Cal
Department of Health Care Services (DHCS)
Medi-Cal Ombudsman
888–452–8609
Email MMCDOmbudsmanOffice@dhcs.ca.gov
Ang pahina na ‘Tanggapan ng MMCD ng Ombudsman’ ng website ng DHCS
Pangkalahatang impormasyon:
Ang pangkalahatang pahina ng MMCD ng website ng DHCS
Mga benepisyo ng Kalusugan ng Beterano at Pangangalaga ng Tagapaglingkod (Veterans Health and Attendant Care Benefits)
Veteran’s Administration (VA)
877–327-0022
800-877-8339 (TTY)
website ng VA
Tulong ng CalVet sa pag-access sa parehong mga benepisyo ng VA at mga benepisyo ng beterano ng California:
Lokal na mga Opisyal ng Serbisyo ng Cal Vet: 844-737-8368
Ang webpage ng Lokal na mga Opisyal ng Serbisyo ng Cal Vet
Hanapin ang iyong lokal na Disabled American Veterans (DAV):
Ang pahina na ‘Hanapin ang Iyong Lokal na Tanggapan’ ng website ng DAV
Helpline ng Paralyzed Veterans of America
Benefits (Mga benepisyo ng mga Paralisadong Beterano ng America): 866-734-0857; TTYY 800-795-4327
Helpline ng Medical Services Healthcare: 800-232-1782
Ang pahina na ‘Mga benepisyo ng Beterano’ ng website ng Paralyzed Veterans of America
Organisasyon ng Tulong sa Beterano (Veteran Aid Organization): 1-866-584-7191
Tulong sa pag-apply para sa Tulong at Pagdalo at iba pang benepisyo:
Ang pahina na 'Mag-apply' ng website ng Veteran Aid Organization
Pagkanararapat sa Medi–Cal at mga reklamo sa Lebel ng County
Department of Social Services (CDSS)
916–636–1980
Medi-Cal Eligibility
Ang pahina sa Pagkontak sa Pagkanararapat ng Medi-Cal sa website ng DHCS
Kontakin ang County Dept. of Social or Human Services - tingnan ang link para sa mga lokal na numero
Ang pahina na 'Mga tanggapan ng County para Mag-apply para sa Nasasaklawang Kalusugan, Medi-Cal, at Iba pang Benepisyo' ng website ng DHCS
Medicare
Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS)
877-267-2323
Ang website ng Centers for Medicare and Medicaid Services
Paghain ng mga reklamo tungkol sa iyong health o gamot na plan ng Medicare:
Ang pahina na 'Paghain ng mga Reklamo tungkol sa iyong Health o Gamot na Plan' sa website ng Medicare
Mga mapagkukunan sa California na kinilala ng Medicare:
Ang pahina na 'Maghanap ng Isang Taong Makakausap' sa website ng Medicare
Ang pahina na 'Mga apela at Hinaing' ng website ng CMS
Medicare, Medi-gap, Long Term Care (Pangmatagalang Pangangalaga)
California Dept. of Aging
800-510-2020
Ang pahina na 'Saan Tatawag para sa mga Serbisyo' ng website ng CA Department of Aging
California Dept. of Insurance hinggil sa mga suplementong plan ng Medicare. Consumer Hotline 800-927-4357.
Ang pahina ng website na 'Gabay sa Suplemento ng Medicare’ ng California Department of Insurance
Long-term Care Ombudsman Crisis Line (Linya ng Krisis sa Pangmatagalang Pangangalaga ng Ombudsman)
800–231–4024
Health Insurance Counseling and Advocacy Project (HICAP)
800–434–0222
Ang webpage ng 'HICAP' sa site ng California Health Advocates
Mental Health Care (Pangangalaga sa Kalusugan Hinggil sa Pag-iisip)
California Department of Health Care Services
(DHCS)
Mental Health Ombudsman
800–896–4042
800–896–2512-TTY
Email: MHOmbudsman@dhcs.ca.gov
Ang pahina na 'Mental Health Ombudsman's Services' sa website ng DHCS
Health Insurance
State Dept. of Insurance
California Insurance–Getting Help
800–927-4357
Ang pahina na 'Paghingi ng Tulong' ng website ng CA Department of Insurance
Ang pahina sa pag-log-in na 'Sentro ng Reklamo ng Consumer' ng CA Department of Insurance
MGA OSPITAL, NURSING HOME, PANTAHANAN AT IBA PANG INSTITUSYON O PASILIDAD
Mga ospital, Medikal na Klinika, Ahensya sa Kalusugan sa Tahanan, Mga tulong sa Kalusugan sa Tahanan, mga Nursing Assistant, Nursing Home
California Dept. Of Public Health (DPH)
Licensing and Certification Program
Health Facilities/Consumer Information Systems
916–552–8700
800–236–9747
- Pangkalahatang Impormasyon sa Paglilisensya: Ang pahina na 'Paglilisensya at Programa ng Sertipikasyon' sa website ng CA Department of Public Health
- Impormasyon sa paghain ng reklamo: Ang pahina na 'Reklamo Laban sa Pasilidad/Provider na Pangkalusugan' sa website ng CA Department of Public Health
- Bilang karagdagan sa Paglilisensya ng Estado, marami sa pasilidad at provider na pangkalusugan ay mga pinahintulutan at pinatunayan din ng Joint Commission on Accreditation of Healthcare Organizations - JCAHO. Ang webpage na 'Tungkol' ng Joint Commision
- Mag-ulat tungkol sa pangyayari ng kaligtasan ng pasyente o alalahanin tungkol sa organisasyon ng pangangalagang pangkalusugan: Pahina ng Reklamo na 'Mag-ulat ng Pangyayari ng Kaligtasan ng Pasyente' sa site ng The Joint Commission
Pumunta dito para suriin ang kalagayan ng akreditasyon at sertipikasyon ng isang organisasyon sa pangangalagang pangkalusugan: Ang website ng Quality Check (Pagsuri ng Kalidad)
630-792-5800
Mga sementeryo at mga Establisamiyento ng Punerarya
Dept. of Consumer Affairs (DCA)
Cemetery and Funeral Bureau
800 – 952 – 5210
(916) 574-7870
Pahina na 'Mga reklamo' sa site ng Department of Consumer Affairs Cemetary and Funeral Bureau
Pangmatagalang Pangangalaga/ mga Nursing Home
Tingnan ang itaas tungkol sa paghain ng reklamo sa paglilisensya o isang reklamo sa The Joint Commission.
Long-term Care Ombudsman
800 – 231 – 4024
Ang pahina na 'Long-Term Care Ombudsman Program (Programa ng Obudsman na Pangmatagalang Pangangalaga)' sa website ng CA Department of Aging
Parmasya
Dept. of Consumer Affairs (DCA)
CA State Board of Pharmacy
Mga pagtatanong ng consumer o tungkol sa paghain ng reklamo: 916-574-7900
Paghahain ng reklamo laban sa parmasya: 'Paghain ng Reklamo' sa website ng CA State Board of Pharmacy
Kung magkakaproblema ka sa isang lokal na parmasya na bahagi ng isang chain, tawagan ang mga punong tanggapan ng chain.
Sa mga kaso ng Medi-Cal, halos anumang gamot na medikal na kinakailangan ay maaaring masaklawan ng plan o pahintulot ng Medi-Cal kung wala sa pormularyo ng mga gamot na nasasaklawan nang walang naunang pahintulot. Kung sasabihan ka na “hindi sinasaklawan ng Medi-Cal” ang iniresetang gamot, yan ay kadalasang hindi tama. Humingi ng tulong sa iyong doktor at sa parmasya para makakuha ng pahintulot.
Commun ity Care Facilities (Mga pasilidad sa Pangangalagang Pangkomunidad), Child Care (Pangangalaga sa Bata), Residential homes Adult Day Care (Mga pantahanang Pangangalaga sa Araw sa May Sapat ng Gulang)
California Dept. of Social Services (CDSS)
Website ng CA Department of Social Services
Community Care Licensing Division (CCL)
844–LET US NO
844–538–8766
ccld.ca.gov/
Ang pahina na 'Community Care Licensing Division (Dibisyon sa
Paglilisensya ng Pangangalagang Pangkomunidad)' sa site ng CDSS
MGA DOKTOR NG KLINIKA AT LISENSYADONG MGA PROVIDER NG PANGANGALAGANG PANGKALUSUGAN
Mga tagapagpayo –Marriage/Family/Child Counselors /Therapists (LMFT/), Clinical Social Workers (LCSW), atbp.
California Dept. of Consumer Affairs (DCA)
Board of Behavioral Sciences
916–574–7830
916–445–4933
Ang website ng CA Board of Behavioral Sciences
Ang pahina na 'Mga reklamo ng Consumer' sa website ng BBS
Mga doktor, Physician Assistants (PAs) at Iba pang Medikal na Katulong at mga Tauhang Pangkalusugan
Medical Board of California
800– 633–2322
916–263–2424
Ang website ng Medical Board of California
Ang pahina na 'Impormasyon ng Consumer' sa website ng CA Medical Board
Optometry
Dept. of Consumer Affairs (DCA)
CA State Board of Optometry
optometry@dca.ca.gov
916–575-7170
866–585–2666
Ang website ng CA State Board of Optometry
Ang pahina ng mga Reklamo sa CA Department of Consumer Affairs BreEZe Online Services
Mga Psychologist (PhD, PsyD) at Psychological Assistant
Dept. of Consumer Affairs (DCA)
California Board of Psychology
866 – 503 -3221
Ang website ng DCA Board of Psychology
webpage na 'Paghain ng Reklamo' sa site ng DCA Board of Psychology
Regional Centers and Regional Center Vendors (Mga sentrong Pangrehiyon at Nagbebenta ng Sentrong Pangrehiyon)
Pangkalahatang Impormasyon ng Department of Developmental Services (DDS): 916-654-1690
Kapansanansa Pagdinig: 916-654-2054
Ang website ng DDS
Hanapin ang iyong sentrong pangrehiyon sa
'Direktoryo ng mga Sentrong Pangrehiyon' sa website ng DDS
Mga Registered Nurse, Nurse Practitioner, Nurse Midwive , atbp.
Board of Registered Nurses (BRN)
(916) 322-3350
TTY: (800) 326-2297
Website ng California Board of Registered Nursing
ang pahina na 'Ang Proseso ng Reklamo' sa website ng CA BRN
Speech Pathologists (SPL)
California Dept. of Consumer Affairs (DCA)
Speech Language Pathology & Audiology & Hearing Aid Dispensers Board
916–263–2666
Ang website ng DCA Speech Language Pathology & Audiology & Hearing Aid Dispensers Board
pahina na 'Proseso ng Reklamo' sa website ng DCA Speech and Hearing Board
Mga Vocational Nurse at Psychiatric Technician
California Dept. of Consumer Affairs (DCA)
Board of Vocational Nurses and Psychiatric Technicians
916–263–7827
Ang website ng DCA Board of Vocational Nurses and Psychiatric Technicians
Paghain ng reklamo laban sa isang LVN o PT:
Pahina na 'Paanong Maghain ng Reklamo' sa website ng BVNPT
Dentists (DDS)
California Dept. of Consumer Affairs (DCA)
Board of Dental Examiners
916–263–2300
Ang website ng DCA Dental Board of California
Mga reklamo ng consumer:
Ang PDF na dokumento na 'Consumer Complaint Form' ng Dental Board of CA
PAGTATAGUYOD, PAYO AT IMPORMASYON
Pagtataguyod, Legal na Pagpayo, at/o Legal na mga Pagsangguni
Disability Rights California (DRC)
800-776-5746
website ng Disability Rights California.
Sa banner sa kabilang panig sa itaas, mag-click sa “Mga publikasyon” para sa impormasyon sa mga karapatan sa Medi-Cal at pangangalagang pangkalusugan kasama ng ibang paksa.
Office of Clients’ Rights Advocacy (OCRA) ng DRC
Nagkakaloob ng libreng legal na impormasyon, payo at representasyon sa mga kliyente ng sentrong pangrehiyon: Ang pahina na Tanggapan ng Clients' Rights Advocacy sa website ng DRC
LawHelp.org
Ang website ng LawHelpCA
Isang interactive na website ng The California State Bar and Legal Aid Association of California na kumikilala ng legal na tulong o mga opsyon ng payo sa ayon sa larangang heyograpiko at paksang bagay.
Legal Aid Association of California
Ang website ng Legal Aid Association of California;
Sa kanang gilid ng website sa ilalim ng “pumili ng rehiyon,” mag-click sa isang rehiyon para sa isang listahan ng mga programa ng legal na serbisyo sa larangang iyon.
Health Consumer Alliance – tulong sa mga consumer sa Medi-Cal, Covered California na mga health plan, at marami pa
Ang website ng Health Consumer Alliance – Mag-click sa “lokal na mga sentro ng tulong” para sa iyong lokal na impormasyon sa pagkontak sa HCA.
Mag-click sa “mga publikasyon” para sa napakagaling na mga nakasulat na materyales ng HCA
HCA Consumer Hotline
888–804–3536
Pagtataguyod ng Medicare
California Health Advocates
Tawagan ang HICAP para sa indibidwal na appointment:
800–434-0222
Mga tanggapan ng HiCAP ayon sa county: http://cahealthadvocates.org/hicap/
Impormasyon ng consumer:
Webpage na 'Medicare Basics’ ng California Health Advocates
Mga Nursing Home
California Advocates for Nursing Home Reform (CANHR)
916 – 322 – 3350
Ang website ng CANHR
Impormasyon ng website sa Medicare, Medicaid, mga beterano, batas sa nakatatanda at pang-aabuso sa nakatatanda at mga pagsangguni sa mga pribadong abogado para sa binawasang bayad sa mga inisyal na konsultasyon
Western Center on Law & Poverty -
Website ng Western Center on Law & Poverty
Ang pahina na '2016 Health Care Eligibility Guide' sa website ng WCLP
Sentro ng back-up na hindi nagkakaloob ng direktang representasyon o payo ng consumer; website na magandang mapagkukunan ng impormasyon kabilang ang 2016 na manwal ng mga tagapagtaguyod na “Pagkuha at Pagpapanatili ng Nasasaklawan ng Pangangalagang Pangkalusugan para sa Mababang-Kita na mga Taga-California.”
National Health Law Program - NHeLP
Ang website ng NHeLP – sa ilalim ng mga isyu, mag-click sa California at pagkatapos ay hanapin ang “Medi-Cal.”
Ang sentro ng back-up ay hindi nagkakaloob ng direktang representasyon o payong pang-consumer; website na magandang mapagkukunan ng impormasyon
Justice in Aging
Ang website ng Justice in Aging
Ang sentro ng backup ay hindi nagkakaloob ng direktang representasyon o payong pang-consumer ngunit magandang mapagkukunan ng mga materyales tungkol sa pag-aksyon sa mga karaniwang problema sa mga nursing home:
Pahina na '20 Karaniwang Problema sa Nursing Home at Kung Paanong Mareresolba ang mga Ito' ng Justice in Aging
Medicare Rights Center -
About National Helpline 800-333-4114
Ang pahina na 'Kontakin Kami' sa site ng Medicare Rights Center
Ang website ng Medicare Rights Center
Subukan ang online na “Medicare Interactive” ng website na online na kasangkapang sanggunian.
Website na mapagkukunan ng impormasyon at saka isang multi-lingual na helpline para sa mga consumer.
Mga Care Giver na Pangpamilya para sa mga May Sapat na Gulang na May Kapansanan sa Utak
Hinggil sa: Care Giver Resource Center:
800 – 445 – 8106
Ang pahina na 'California's Caregiver Resource Centers' sa website ng Family Caregiver Alliance
Ang pahina na 'Kontak' ng website ng Family Caregiver Alliance - National Center on Caregiving
Mga chapter ng Assosasyon ng Alzheimer’s Disease at Mga Nauugnay na Diperensyang
Alzheimer
Ang website ng Alzheimer's Association
800-272-3900 – national
Ang pahina na 'Programa ng Alzheimer's Disease' sa website ng CA Department of Public Health
800-660–1993–para maghanap ng lokal na chapter
na mga Link sa mga Chapter ng California:
Ang pahina ng paghahanap na 'Sa Aking Komunidad' sa website ng Alzheimer's Association
Ang webpage ng 'Alzheimer's Association Chapters'
Mga karapatang Sibil
U.S. Department of Health and Human Services (HHS)
Office of Civil Rights
800 – 368 – 1019
Ang website ng HHS Office of Civil Rights
Pahina na 'Paghain ng Reklamo sa mga Karapatang Sibil' sa website ng HHS Office of Civil Rights
Bilang karagdagan, ang bawat county ay may tanggapan ng mga karapatang sibil, kapag tinawagan mo ang county, hingin ang yunit na iyon.
Kung hindi ka nasiyahan sa mga resulta ng isang reklamo sa mga karapatang sibil sa county, at ang reklamo ay tungkol sa programa ng estado at/o pederal na pinapangasiwaan ng alinman sa Department of Health Care Services o ng Department of Social Services maaari mong iapela ang reklamong inihain sa county sa DSS o DHCS.
Department of Health Care Services’
Office of Civil Rights – 916-440-7370
Ang PDF na dokumento na "Proseso ng Reklamo sa Diskriminasyon sa Paggamit ng Wika ng DHCS" ng CA Department of Health Care Services
Department of Social Services’
Offfice of Civil Rights – 916-654-2098
Ang PDF na Pulyeto na "Ang Iyong mga Karapatan: sa Ilalim ng California Welfare Programs"
O sa simula pa ay maaari kang maghain ng reklamo sa alinman sa departamento ng estado.
Mga batas sa Kaligtasan sa Sunog (Fire Safety Laws)
Office of State Fire Marshall
916–445–8200
Ang website ng Tanggapan ng State Fire Marshal
Pandaraya sa Medi-Cal
Department of Health Care Services (DHCS)
800–822-6222
Pahina na 'Itigil ang Pandaraya sa Medi-Cal' ng website ng DHCS
California Attorney General (CAG)
800–722–0432
Pahina na 'Pandaraya sa Medi-Cal' sa website ng CA Department of Justice Office of the Attorney General
Pandaraya sa Medicare/Medicaid
US Dept. of Health and Human Services (HHS)
Office of Inspector General
800–700–5952
Ang website ng Office of Inspector General HHS
HIV
AIDS Hotline
800 – 367 – 2437
Pahina ng impormasyon na 'State HIV/AIDS Hotlines' sa website ng Health Resources & Services Administration
Social Security
Social Security Administration (SSA)
800–772–1213
Ang pahina na 'Kontakin ang Social Security' sa website ng SSA
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.