May Kaalamang Pagpipilian: Papel ng Katotohanan sa Kritikal na Bahagi ng Proseso sa Bokasyunal na Rehabilitasyon

Publications
#5540.08

May Kaalamang Pagpipilian: Papel ng Katotohanan sa Kritikal na Bahagi ng Proseso sa Bokasyunal na Rehabilitasyon

Department of Rehabilitation (DOR) must give you information and support services so you can make meaningful decisions about your job goals and services. This is called informed choice. This pub tells you about informed choice. It tells you when to use it. It tells you how to get help if you have a problem getting informed choice.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

 

1.  Ano ang “may kaalamang pagpipilian” at bakit ito mahalaga?

Inaatas ng pederal na batas na lahat ng mga programa, proyekto at aktibidad na pinondohan sa ilalim ng Batas sa Rehabilitasyon, kabilang ang mga programa sa bokasyunal na rehabilitasyon ng estado, na “isagawa sa paraang alinsunod sa prinsipyo ng paggalang para sa dignidad ng indibidwal, personal na responsibilidad, pagpapasya sa sarili, at paghangad ng makabuluhang mga karera, batay sa may kaalamang pagpipilian, ng mga indibidwal na may mga kapansanan.” Titulo 29 ng Kodigo ng Estados Unidos (29 [USC, United States Code]) §701(c)(1). Isinasaad ng Kongreso na dapat kabilang sa layunin ng mga serbisyong ito ang “pagbigay sa mga indibidwal na may kapansanan ng mga kagamitang kinakailangan upang… gumawa ng may kaalamang mga pagpipilian at pasya; at makamit ang pagkakapantay-pantay ng pagkakataon, ganap na pagsali at pagsama sa lipunan, trabaho, independyenteng pamumuhay, at ekonomiya at panlipunan na kasarinlan, para sa naturang mga indibidwal.” 29 USC § 701(a)(6).

Ang mga aplikante at kliyente ng Kagawarang ng Rehabilitasyon (DOR, Department of Rehabilitation) ay dapat bigyan ng impormasyon at mga serbisyong pansuporta upang tulungan silang gawin ang may kaalamang pagpipilian – gumawa ng makabuluhang pasya – sa buong proseso ng rehabilitasyon. Titulo 9 ng Kodigo ng mga Regulasyon ng California (CCR, California Code of Regulations) §7029.6(a). Ang may kaalamang pagpipilian ay dapat ibigay ng DOR sa pagbuo ng iyong Isinariling Plano sa Trabaho (IPE, Individualized Plan for Employment) at layunin ng trabaho; upang matukoy ang partikular na mga serbisyo sa DOR na kailangan upang makamit ang iyong layunin sa trabaho; ang entidad na magbibigay ng mga serbisyo; ang kapaligiran kung saan ibibigay ang mga serbisyo; at ang mga pamamaraang magagamit para sa pagkuha ng mga serbisyo. 9 CCR § 7029.6(b)(4). Maaaring kasama ng may kaalamang pagpipilian ang pagbigay ng impormasyon sa kliyente o aplikante sa isang wika o paraan ng komunikasyon na nauunawaan ng tao o pagbigay ng mga serbisyong pansuporta sa mga indibidwal na may mga kapanansan sa isip. 9 CCR § 7029.6(b)(1).

2.  Paano ko magagamit ang aking may kaalamang pagpipilian sa pagpili ng resulta sa trabaho?

Bilang kliyente ng DOR, may karapatan ka na  maging aktibo at ganap na kasosyo sa, at isagawa ang may kinalamang pagpipilian sa buong proseso ng bokasyunal na rehabilitasyon, kabilang ang pagpili ng iyong layunin sa trabaho at sa pagbuo ng iyong IPE. 9 CCR § 7029.7(b)(1) at Batas sa Rehabilitasyon § 120(b)(2)(B). Ang IPE ay dapat idinisenyo upang makamit ang partikular na resulta ng trabaho sa isang pinagsamang kapaligiran na pinili ng indibidwal at alinsunod sa natatanging mga kalakasan, pinagkukunan, prayoridad, alalahanin, abilidad, kakayanan, interes, at may kaalamang pagpipilian ng indibidwal. 9 CCR § 7128(d); Titulo 34 ng Kodigo ng Pederal na Regulasyon (CFR, Code of Federal Regulation) § 361.45. Upang tasahin ang iyong layunin, maaaring kailanganin ng DOR ang batay sa pagganap na impormasyon na nakuha sa pamamagitan ng kumprehensibong pagtatasa, o maaaring magtatag ang DOR ng hiwalay na panandaliang mga layunin sa IPE. Tingnan ang Pangangasiwa ng mga Serbisyo sa Rehabilitasyon (RSA, Rehabilitation Services Administration) Kautusan ng Patakaran Bilang 97-04.

3.  Makakakuha ba ako ng impormasyon upang tulungan akong pumili ng entidad na magbibigay ng mga serbisyo?

Oo. Dapat tumulong ang DOR sa iyo sa pagkuha ng impormasyon na magbibigay-daan sa iyo na pumili ng entidad na magbibigay ng mga serbisyo. 9 CCR § 7029.6(b)(4). Ang DOR ay dapat magbigay o tumulong sa mga kliyente sa pagkuha ng impormasyon kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: gastos, pagkuha, at tagal ng potensyal na mga serbisyo; kasiyahan ng mamimili sa mga serbisyong ito (hanggang sa abot na magagamit ang impormasyong ito); mga kwalipikasyon ng potensyal na tagapagbigay ng serbisyo; mga uri ng serbisyo na inialok ng mga potensyal na mga tagapagabigay ng serbisyo; antas kung saan ang mga serbisyo ay ibinibigay sa pinagsamang mga kapaligiran; at mga resultang nakamit ng mga indibidwal na nakikipagtulungan sa mga tagapagbigay ng serbisyo, hanggang sa abot na magagamit ang impormasyong ito. 9 CCR §7029.6(d).

Dapat mong hilingin ang impormasyon sa itaas tungkol sa vendor o tagapagbigay ng serbisyo na inirerekomenda ng DOR. Dapat mo ring hilingin ang DOR na magbigay sa iyo ng ilang mga opsyon ng mga tagapagbigay ng serbisyo na pagpipilian.

4.  Maaari ba akong pumili ng kapaligiran ng trabaho at kapaligiran kung saan ang mga serbisyo ay ibibigay?

Oo. Ang DOR ay makatutulong sa mga kliyente sa pagkuha ng trabaho sa iba’t ibang kapaligiran. Ang iyong IPE ay dapat idinisensyo upang makamit ang partikular na resulta sa trabaho sa isang pinagsamang kapaligiran. 9 CCR § 7128(d). Ang mga pinagsamang kapaligiran ay karaniwang matatagpuan sa komunidad, at kung saan ang mga taong may kapansanan ay nakikihalubilo sa mga indibidwal na walang kapansanan maliban sa mga indibidwal na walang kapansanan na nagbibigay ng mga serbisyo sa kanila. 9 CCR § 7018.4(a).

Sa ilang mga pagkakataon, ang DOR ay maaaring tumulong sa isang indibidwal sa pagkuha ng pinahabang trabaho kung saan ang kliyente ay nagtatrabaho sa hindi pinagsama o protektadong kapaligiran bilang isang pansamantala at transisyunal na hakbang sa proseso ng rehabilitasyon upang ihanda ang indibidwal para sa trabaho sa pinagsamang kapaligiran. Ang pinalawak na trabaho ay hindi isang pagtatapos sa proseso ng rehabilitasyon at hindi itinuturing na resulta ng trabaho. 9 CCR § 7013.6. Kung mabigo ang DOR na magbigay ng ibang mga pagkakataon sa trabaho, serbisyo, at resulta sa isang pinagsamang kapaligiran, dapat kang tumawag sa Programa ng Tulong sa Kliyente (CAP, Client Assistance Program).

Dagdag pa sa pinagsamang pampubliko o pribadong mga lugar ng trabaho ng employer, ang mga kapaligiran ng trabaho ay maaaring kasama ang suportadong trabaho, sariling pagtrabaho, o pagmamay-ari ng negosyo. Maaari ka ring pumili ng trabaho na full-time or part-time. Ang mga resulta sa trabaho ng maybahay at hindi bayad na manggagawa ng pamilya ay makikita sa komunidad, itinuturing na nagaganap sa pinagsamang kapaligiran, at tumugon sa depinisyon ng resulta ng trabaho sa ilang mga sitwasyon. 9 CCR § 7011. Kung pumili ka ng kapaligiran ng trabaho ng maybahay, dapat asahan ang parehong sosyal at pang-ekonomiyang mga benepisyo, bukod sa ibang mga pamantayan. 9 CCR § 7136. Kung hindi ka sang-ayon sa o hindi pinili ang maybahay/walang bayad na manggagawa sa pamilya bilang iyong bokasyunal na layunin, dapat mong sabihin sa iyong tagapayo sa rehabilitasyon na gusto mong baguhin ang iyong layunin, at tumawag sa CAP kung hindi sumang-ayon ang DOR na baguhin ang iyong layunin.

5.  Paano kung sa tingin ko ay hindi ako binigyan ng may kaalamang pagpipilian sa proseso ng bokasyunal na rehabilitasyon?

Kung sa tingin mo hindi ka nabigyan ng may kaalamang pagpipilian sa anumang punto ng proseso ng bokasyunal na rehabilitasyon, dapat mong kausapin ang iyong tagapayo sa DOR at/o superbisor upang subukang lutasin ang salungatan o kumuha ng impormasyon na tutulong sa iyo na gumawa ng makabuluhang mga pasya tungkol sa iyong mga serbisyo at programa sa rehabilitasyon. Mayroon ka ring karapatan na humiling ng Administratibong Pagrepaso sa Tagapangasiwa ng Distrito, at humiling ng Pamamagitan at/o Makatarungang Pagdinig.

Kung kailangan mo ng tulong sa paglutas ng mga salungatan sa DOR, maaari kang makipag-ugnayan sa Programa ng Tulong sa Kliyente sa (800) 776-5746.