Fact Sheet ng Pagkanararapat para sa mga Serbisyo ng Department of Rehabilitation (Departamento ng Rehabilitasyon)

Publications
#F066.08

Fact Sheet ng Pagkanararapat para sa mga Serbisyo ng Department of Rehabilitation (Departamento ng Rehabilitasyon)

Sinasabi sa iyo ng pub na ito kung paano makakuha ng mga serbisyo mula sa Department of Rehabilitation (DOR). May mga serbisyo ang DOR para tulungan kang magtrabaho. Sinasabi sa iyo ng pub na ito kung paano nagpapasya ang DOR kung karapat-dapat ka para sa mga serbisyo. Sinasabi nito sa iyo kung paano makakuha ng tulong kung mayroon kang problema sa pagkuha ng mga serbisyo mula sa DOR.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Sino ang magpapasya ng pagkanararapat para sa mga Serbisyo ng Vocational Rehabilitation (Bokasyonal na Rehabilitasyon) mula sa Department of Rehabilitation?

Ang ahensya ng estado na itinalaga ng Rehabilitation Service Administration (RSA) para tukuyin kung karapat-dapat ang isang indibidwal na makatanggap ng mga serbisyo ng vocational rehabilitation (VR) sa California ay ang Department of Rehabilitation (DOR). 

Paano akong mag-a-apply?

  1. Mag-apply nang online sa pamamagitan ng website ng California Department of Rehabilitation www.dor.ca.gov;
  2. I-mail ang kalakip na form ng aplikasyon sa iyong lokal na DOR
  3. Tawagan ang iyong lokal na DOR at hilingin na mai-mail sa iyo ang isang aplikasyon.
  4. Bisitahin ang iyong lokal na DOR nang personal at kumumpleto ng aplikasyon nang personal;
  5. O ibigay ang impormasyong kinakailangan para simulan ang proseso ng pagtatasa sa ibang makatwirang format.

Dapat kasama sa ibang impormasyon ang kahilingan para sa mga serbisyo mula sa DOR kung saan ka nagbigay ng impormasyong kailangan para magpasimula ng pagtatasa para malaman ang iyong pagkanararapat at ang kahalagahan ng iyong kapansanan at dapat maging nakalaan ka para kumpletuhin ang proseso ng pagtatasa. 34 C.F.R. 361.41(b)(2); 9 C.C.R. § 7141(b)(1)(C).

Inirerekumenda namin na magsumite ka ng nilagdaan at may petsang Aplikasyon para sa form ng mga Serbisyo ng Vocational Rehabilitation at magtabi ng kopya para sa iyong mga rekord.  Kung ipadadala mo ang iyong aplikasyon sa pamamagitan ng mail, maaari mong ipadala ito sa certified mail para makumpirma mo na natanggap ito.  Kung ihahatid mo ang iyong aplikasyon sa isang lokal na opisina ng DOR, maaari kang humingi ng resibo o selyo na pinapatunayan ang petsa nang natanggap ito.  Kung mag-a-apply ka nang online, hindi mo malalagdaan ang aplikasyon sa petsa nang maisumite ito.

Sino ang karapat-dapat para sa mga serbisyo ng VR?

Upang maging karapat-dapat na tumanggap ng mga serbisyo ng VR, dapat mong matugunan ang pamantayan ng pagkanararapat na tinukoy sa §102(a)(1) ng Rehabilitation Act of 1973 (tingnan din ang, 29 U.S.C. §722(a)(1); 34 C.F.R. § 361.42(a) at 9 C.C.R. § 7062(a)).

Ang pagpapasya ng Department of Rehabilitation (DOR) sa pagkanararapat ng isang aplikante para sa mga serbisyo ng VR ay dapat maibatay lamang sa mga sumusunod na kinakailangan:

  1. Isang pagpapasya ng kuwalipikadong tauhan, na hindi kailangang maging mga empleyado ng Departmento, na may kahinaang pisikal o hinggil sa pag-iisip ang aplikante;
  2. Isang pagpapasya ng kuwalipikadong tauhan, na hindi kailangang maging mga empleyado ng Departmento, na ang kahinaang pisikal o hinggil sa pag-iisip ng aplikante ay nagbubunsod o nagreresulta sa isang malaki-laking sagabal sa pagtatrabaho para sa aplikante;
  3. Isang pagpapasya ng isang Tagapayo ng Rehabilitasyon na kinakailangan ng aplikante ang mga serbisyo ng VR para maghanda, kumuha, magpanatili, o mabawi ang pagtatrabaho alinsunod sa mga kakaibang kalakasan, pinagkukunan, prayoridad, alalahanin, abilidad, kakayahan, interes, at napaalamang pagpipilian ng aplikante; at
  4. Isang pagpapasya na ang aplikante ay maaaring makinabang mula sa probisyon ng mga serbisyo ng VR hinggil sa resulta ng pagtatrabaho sa isang pinagsamang kaligiran.

9 C.C.R. § 7062(a).

Ano ang isang kahinaang pisikal o hinggil sa pag-iisip?

Ang “Kahinaang Pisikal o Hinggil sa Pag-iisip” ay nangangahulugan ng anumang diperensya o kondisyong physiological, kosmetikong kasiraan ng anyo, o pangkatawan na pagkawala na nakaaapekto sa isa o higit pa sa mga sumusunod na sistema ng katawan:  neurological, musculoskeletal, espesyal na mga organo ng pandamdam, panghinga (kabilang ang mga organo ng pananalita), cardiovascular, reproductive, digestive, genitourinary, hemic and lymphatic, balat, at endocrine; o anumang diperensya hinggil sa pag-iisip o psychological tulad ng kakulangan sa pag-iisip, organic brain syndrome, sakit na emosyonal o hinggil sa pag-iisip, at karamdaman. 9 C.C.R. § 7021.

Maaari ba akong hilingan ng DOR na lumahok sa mga pagtatasa para malaman ang aking pagkanararapat para sa mga serbisyo?

Upang malaman ang pagkanararapat para sa mga serbisyo ng VR, dapat magsagawa ang DOR ng pagtatasa sa pinaka-PINAGSAMANG kaligiran hangga't maaari, alinsunod sa mga pangangailangan ng indibidwal at NAPAALAMANG PAGPIPILIAN. 9 C.C.R. § 7062.  Dapat magsama ang pagtatasa ng repaso at pagtatasa ng umiiral na datos, kabilang ang mga obserbasyon ng iyong tagapayo kabilang, ngunit hindi limitado sa, obserbasyon ng isang kitang-kitang kahinaan, mga medikal na rekord, mga rekord ng edukasyon, impormasyon na ibinigay mo o ng iyong pamilya at mga pagpapasyang ginawa ng mga opisyal ng ibang ahensya. 9 CCR § 7062(g)(1)(A).  Tanging sa hangganan na hindi nailalarawan ng umiiral na datos ang antas ng iyong kasalukuyang pagganap o hindi nakalaan, hindi sapat, o hindi angkop para magsagawa ng pagpapasya ng pagkanararapat, na maaaring hilingan ka ng DOR na lumahok sa isang pormal na pagtatasa para malaman ang iyong pagkanararapat para sa mga serbisyo at bokasyonal na pangangailangan. 9 C.C.R. §7062(g)(1)(B).

Maaaring kasama sa mga pagtatasa na ito, ngunit hindi limitado sa sumusunod:

  • personalidad, mga interes, kasanayang hinggil sa ugnayan, katalinuhan at kaugnay na mga kakayahan sa paggana, pang-edukasyong nakantam, karanasan sa trabaho, bokasyonal na kakayahan, mga pagwawastong personal at panglipunan, at mga pagkakataon ng pagtatrabaho. . . , at ang medikal, psychiatric, psychological, at iba pang may kinalaman sa bokasyonal, edukasyonal, pangkultura, panlipunan, paglilibang, at mga dahilan hinggil sa kapaligiran, na nakaaapekto sa mga pangangailangan sa pagtatrabaho at rehabilitasyon. . . 

29 U.S.C. § 705(2)(B)(iii).

Paano kung kailangan ko ng mga akomodasyon o serbisyo upang lumahok sa isang pagtatasa?

Ang DOR ay dapat magsagawa ng pagtatasa sa pinakanapagsamang kaligiran hangga't maaari, kaalinsunod sa iyong mga pangangailangan at napaalamang pagpili. 9 C.C.R. § 7062.  Dapat kasama sa pagtatasa ang naaangkop na mga suportang ibinibigay ng Departmento, kabilang ang mga aparato at serbisyong assistive technology at mga serbisyo ng personal na tulong para mapaglaanan ang iyong mga pangangailangan sa rehabilitasyon. 9 C.C.R. §§ 7014(c) at 7029.1(b)(4).

Bilang karagdagan, may karapatan ka sa mga makatwirang akomodasyon sa buong proseso ng VR.  Sa ilalim ng Title II of the Americans with Disabilities Act (ADA) at Section 504 ng Rehabilitation Act of 1973, ang mga pampublikong entidad o isang tumatanggap ng tulong hinggil sa pananalapi ng pederal, tulad ng DOR, ay kailangang gumawa ng makatwirang mga pagbabago sa mga patakaran, kasanayan at pamamaraan na kinakailangan para pahintulutan ang mga aplikante at kliyente na may mga kapansanan sa pag-access sa mga serbisyo ng DOR. 

Kung humihiling ka ng mga serbisyo para sa mga pagtatasa at/o akomodasyon mula sa DOR, iminumungkahi namin na gawin mo ang iyong kahilingan nang nakasulat at magtabi ng kopya para sa iyong mga rekord.

Ano ang ebidensyang “malinaw at nakakahikayat”?

Ang ebidensyang malinaw at nakakahikayat ay ang legal na pamantayan ng dapat patunayan ng DOR para mapagpasyahan na ang indibidwal ay walang kakayahan na mabenipusyahan sa mga serbisyo ng VR. 29 U.S.C. §722(a)(3)(ii).

Upang mapagpasyahan ng DOR na ang indibidwal ay walang kakayahan na mabenepisyuhan sa mga serbisyo ng VR hinggil sa resulta ng pagtatrabaho sa isang pinagsamang kaligiran, dapat nakapagsagawa ang DOR o nakakuha ng mga pagtatasa, kabilang ang mga pagtatasa hinggil sa sitwasyon at sinusuportahang mga pagtatasa sa pagtatrabaho, mula sa mga provider ng serbisyo na nagpasya na wala silang kakayahan na matugunan ang mga pangangailangan ng indibidwal sanhi sa kasidhian ng kapansanan ng indibidwal at kung naaangkop, pagtatasa hinggil sa paggana ng mga aktibidad sa paglilinang ng kasanayan, sa anumang kinakailangang mga suporta (kabilang ang assistive technology), sa totoong mga kaligiran ng buhay. 9 C.C.R. § 7004.6.

Ano ang isang Trial Work Experience (TWE) (Karanasan sa Pagsubok sa Trabaho)?

Ang trial work experience ay isang pagtatasa kung saan kasama ang sinusuportahang pagtatrabaho, on-the-job training, at iba pang karanasan gamit ang makatotohanang mga kaligiran ng trabaho para “siyasatin ang mga abilidad, kakayahan, at kapasidad na gumawa sa isang sitwasyon ng trabaho.” 34 C.F.R. 361.42(e)(1) at (2)(ii); 9 C.C.R. § 7029.1(a) at (b)).  Dapat magsagawa ang DOR ng TWE nang may sapat na tagal ng panahon sa pamamagitan ng pagbibigay sa aplikante ng sari-saring pagtatasa sa paghahanap ng mapapasukang trabaho nang naaayon sa isang nakasulat na plano na kasama ang naaangkop na suporta sa panahon ng TWE, kabilang ang mga suportang on-the-job, assistive technology at mga kinakailangang akomodasyon bago mapagpasiyahan ng DOR na hindi mabebenepisyuhan ang isang indibidwal sa mga serbisyo ng VR dahil sa kasidhian ng kanyang kapansanan. 34 C.F.R. 361.42(e)(2); 9 C.C.R. § 7029.1(b).

Hindi maaaring ibatay ng DOR ang desisyon nito na walang kakayahan na mabenipisyuhan ang indibidwal sa mga serbisyo ng VR tanging sa isang TWE o anumang isang pagtatasa. 9 C.C.R. § 7004.6(b).

Kailangan ko bang lumahok sa isang TWE?

Kung tatanggihan mong lumahok o hindi nakalaan para kumpletuhin ang isang TWE o iba pang pagtatasa na kinakailangan upang mapagpasyahan ang iyong pagkanararapat, maaaring isara ng DOR ang iyong kaso nang walang pagpapasya ng pagkanararapat. 9 C.C.R. § 7179.  Kung pipiliin mong iapela ang pagsasara ng DOR sa iyong kaso, kailangan lamang magpakita ang DOR ng kahigtan ng ebidensya na tumanggi kang lumahok, kung saan ay isang mas kaunting pamantayan ng patunay kaysa sa ebidensyang malinaw at nakakahikayat. 

Sino ang ipinagpapalagay na karapat-dapat?

  • SSDI/SSI - Mga benepisyaryo ng Social Security Disability Insurance (SSDI) at Supplemental Security Income (SSI) ay ipinagpapalagay na karapat-dapat na tumanggap ng mga serbisyo ng VR. 29 U.S.C. § 722(a)(3)(A)(i)-(ii); 34 C.F.R. § 361.42(a)(3)(i)(A)-(B); 9 C.C.R. § 7062(d).
  • Special Education Students – Maaaring gamitin ng DOR ang mga pagpapasya ng mga opisyal ng edukasyon hinggil kung natutugunan ng indibidwal ang kahulugan ng isang “indibidwal na may kapansanan” at makikipagtulungan sa mga ahensyang pang-edukasyon para pabilisin ang pagbabago ng mga mag-aaral na may mga kapansanan mula sa espesyal na edukasyon sa mga serbisyo ng VR. 9 C.C.R. §§ 7028.6 at 7062(g)(a)(1)(A)(3-5).

PAALALA:  Ang mga indibidwal na ito ay maaaring matuklasang hindi karapat-dapat kung pagpapasyahan ng DOR na ang indibidwal ay hindi maaaring mabenepisyuhan sa mga serbisyo ng VR sanhi sa kasidhian ng kanyang kapansanan.  Muli, kailangang magbigay ang DOR ng ebidensyang malinaw at nakakahikayat para makagawa ng naturang pagpapasya, kung saan ay isang napakataas na pamantayan para matugunan.

May mga dahilan ba na maaaring hindi isaalang-alang ng DOR sa pagpapasya kung nararapat ako?

Oo.  Pinagbabawalan ang DOR sa pagsasaalang-alang sa sumusunod kapag nagpapasya ng pagkanararapat para sa mga serbisyo ng VR:

  • Panahong itinatagal ng paninirahan sa Estado ng California;
  • Uri ng kapansanan;
  • Edad;
  • Kasarian;
  • Lahi;
  • Kulay;
  • Bansang pinanggalingan;
  • Uri ng inaasahang resulta ng pagtatrabaho;
  • Pinagkukunan ng referral para sa mga serbisyo ng VR;
  • Partikular na mga kinakailangang serbisyo o inaasahang halaga ng mga serbisyo;
  • Lebel ng kita ng isang aplikante o pamilya ng aplikante.

34 C.F.R. § 361.42(c); 9 C.C.R. § 7060(c).

Kailan ko malalaman kung nararapat ako para sa mga serbisyo ng VR?

Magsasagawa ang DOR ng pagpapasya hinggil sa pagkanararapat sa loob nang makatwirang tagal ng panahon, na hindi lalampas sa 60 araw, pagkatapos matanggap ang aplikasyon para sa mga serbisyo.  Maaaring pahabain ang takdang panahon na ito upang magsagawa ng TWE o sanhi sa “pambihira at hindi inaasahang mga pangyayari na lampas sa kontrol” ng DOR.  Sa naiibang sitwasyon na ito, magkakasundo ang DOR at ang indibidwal sa isang partikular na ekstensyon ng panahon. 29 U.S.C. § 722(a)(6); 34 C.F.R. § 361.41(b)(1); 9 C.C.R. § 7060(a).

Paano kung matuklasan akong hindi karapat-dapat?

Kung matuklasan kang hindi magigingkarapat-dapat sa mga serbisyo ng VR dapat gawin ng DOR:

  1. Ang pagpapasya nito lamang pagkatapos ng pakikipagpulong sa iyo at/o iyong kinatawan;
  2. Abisuhan ka nang nakasulat, o ng iba pang mas gusto at naaangkop na mga paraan ng komunikasyon, sa dahilan ng kanilang pagpapasya, ang iyong karapatan na humanap ng remedyo kabilang ang mga pamamaraan para sa administratibong repaso at pagdinig, at bigyan ka ng impormasyon hinggil sa mga nakalaang serbisyo sa buong Client Assistance Program (CAP).
  3. Repasuhin ang iyong aplikasyon sa loob nang 12 buwan at magmula doon sa oras ng iyong kahilingan.

Rehab Act §102(a)(5) at 9 C.C.R. § 7098.

Kung may mga katanungan ka o problema hinggil sa pagkanararapat, maaari mong kontakin ang Client Assistance Program (CAP) sa Disability Rights California sa 1-800-776-5746.