Mga Serbisyo sa Pagtatrabaho sa Sarili mula sa Kagawaran ng Rehabilitasyon

Mga Serbisyo sa Pagtatrabaho sa Sarili mula sa Kagawaran ng Rehabilitasyon
Ang pub na ito ay nagsasabi sa iyo kung paano makakuha ng mga serbisyo sa self-employment mula sa Department of Rehabilitation (DOR). Sinasabi nito sa iyo kung paano nagpasya ang DOR na ikaw ay karapat-dapat para sa mga serbisyong iyon. Sinasabi nito sa iyo kung paano ka matutulungan ng DOR na mag-set up ng isang maliit na negosyo at ipagpatuloy ang negosyo. Sinasabi nito sa iyo kung paano makakuha ng tulong kung mayroon kang problema sa pagkuha ng mga serbisyo.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ano ang pagtatrabaho sa sarili?
Ang pagtatrabaho sa sarili ay nangangahulugang isang “kapaligiran sa trabaho kung saan ang isang indibidwal ay nagtatrabaho sa isang piniling okupasyon, para sa tubo o bayad, sa kanyang sariling maliit na negosyo, may kontrol at responsibilidad para sa mga desisyon na nakakaapekto sa pagsasagawa ng negosyo” (9 CCR § 7024.9).
Ang pagtatrabaho sa sarili ay maaaring isang magandang opsyon para sa mga indibidwal na may kapansanan na nangangailangan ng naiaakmang kapaligiran sa trabaho. Ito ay nakakatulong na bawasan ang mga hadlang sa lugar ng trabaho na tulad ng kawalan ng madaling magamit na transportasyon; pagod; mahirap puntahang gusali at mga lugar ng trabaho; at ang pangangailangan ng personal na tulong. Ang Mga Amyenda ng1998 sa Rehabilitation Act ay humihimok ng paggamit ng pagtatrabaho sa sarili bilang isang mahusay na paraan upang makamit ang isang matagumpay na kita sa trabaho. Ang Department of Rehabilitation (Kagawaran ng Rehabilitasyon, DOR) ay maaaring makatulong sa iyo sa pagkakamit ng iyong hangarin sa pagtatrabaho sa isang kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili.
Paano ako makakakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa pagtatrabaho sa sarili?
Bilang isang kliyente ng DOR, ikaw ay may karapatang tumanggap ng impormasyon mula sa DOR na tumutulong sa iyo na gumawa ng mga makabuluhang desisyon tungkol sa iyong kapaligiran sa trabaho, mga serbisyo, at tagapagkaloob ng serbisyo. Bago ang pagbuo ng isang Individualized Plan for Employment (Ibinabagay na Plano sa Pagtatrabaho, IPE) ang iyong tagapayo sa rehabilitasyon ay dapat magsabi sa iyo ng mga pamantayan at proseso para sa pagtasa kung ang kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili ay angkop sa iyo. Ang iyong tagapayo sa rehabilitasyon ay dapat ding magkaloob sa iyo ng impormasyon tungkol sa mga saklaw ng mga serbisyo na maaaring ipagkaloob ng DOR upang tulungan ang mga karapat-dapat na kliyente upang magkatrabaho sa isang kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili at iyong responsibilidad na tumukoy at kumuha ng mga tagatulong na maaaring kailangan upang itatag at patakbuhin ang iminungkahing maliit na negosyo (9 CCR §7136.4).
Sino ang karapat-dapat para sa pagtatrabaho sa sarili?
Kung ikaw ay interesado sa resulta ng pagtatrabaho sa sarili, dapat mo munang ipakita na ang kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili ay angkop. Ang isang iminumungkahing kapaligiran sa pagtatrabaho sa sarili ay angkop kapag ang mga sumusunod na pamantayan ay natutugunan.
- Ito ay kaayon ng iyong mga personal na katangian, kabilang ang iyong mga indibidwal na lakas, kakayahan, prayoridad, inaalala, abilitad, kapasidad, interes, at may-kaalamang pagpili.
- Makatwiran ang kalamangan na lumikha ng sapat na kita sa loob ng isang makatwirang panahon pagkatapos mong simulan ang pagpapatakbo ng negosyo, hindi hihigit sa 12 buwan, upang bayaran ang patuloy na mga gastos sa pagpapatakbo. Ang kitang natanggap ay dapat na maikukumpara sa ibang mga indibidwal na may kapansanan na nagtatrabaho sa sarili sa mga katulad na okupasyon at may mga katulad na kasanayan.
- Dapat kang makakuha ng lahat ng kailangang tagatulong upang itatag at patakbuhin ang iminumungkahing maliit na negosyo kabilang ang upang pondohan ang patuloy na mga gastos sa pagpapatakbo ng negosyo.
Tingnan ang CCR § 7136.6
Ano ang isinasaalang-alang ng DOR kapag nagpapasya kung ang kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili ay angkop para sa iyo?
Dapat isaalang-alang ng DOR ang anumang makukuhang impormasyon, ang buod ng iyong iminumungkahing maliit na negosyo, at impormasyon na nakuha sa pamamagitan ng proseso ng pagtasa (9 CCR § 7136.6(c)).
Ano ang pagtasa ng mga personal na katangian?
Ang isang pagtasa ng mga personal na katangian ay isang pagsubok ng iyong mga personal na kasanayan at abilidad, teknikal na kaalaman, karanasan, edukasyon, kasaysayan ng pananalapi, at rekord ng kredito. Kung kailangan mo ng karagdagang pagsasanay o karanasan upang itatag ang iyong maliit na negosyo, dapat isaalang-alang ng DOR kung ito ay makakatulong sa iyo sa pagkuha ng higit pang pagsasanay o makabuluhang karanasan at isama ang mga serbisyong ito sa iyong IPE (9 CCR § 7136.7(a)).
Dapat kasama sa pagtasang ito ang kahit isa sa mga sumusunod: sariling pagtasa na mga pagsubok, mga tagatulong sa web tulad ng makukuha sa pamamagitan ng Small Business Administration, at paglahok sa mga workshop o seminar sa pagtatrabaho sa sarili (9 CCR § 7136.7(b)). Maaari ring isaalang-alang ng DOR ang iyong paglahok sa mga bokasyonal na serbisyo sa pagtasa sa iyong mga personal na katangian (9 CCR §7136.7(c)).
Paano tinatasa ng DOR ang aking iminumungkahing negosyo?
Sa una, hihingin sa iyo ng DOR na magbigay ng Buod ng Maliit na Negosyo na nagtataglay ng basikong impormasyon tungkol sa iminumungkahing maliit na negosyo.
Dapat kabilang sa Buod ng Maliit na Negosyo ang:
- Iminumungkahing mga produkto o serbisyo ng maliit na negosyo;
- Ang inaasahang buwanang kita at mga gastos ng maliit na negosyo para sa unang 12 buwan ng pagpapatakbo;
- Ang bilang ng mga oras na magtatrabaho ka sa maliit na negosyo bawat buwan;
- Ang unang mga gastos na kailangan upang itatag ang iminumungkahing maliit na negosyo;
- Ang iyong kakayahan, halilmbawa, mga naimpok o kakayahang pinansiyal, kagamitan, mga sasakyan, kasangkapan, suplay o ibang mga bagay na taglay mo na gagamitin mo para sa iyong maliit na negosyo;
- Ang pagsusuri ng pamilihan at istratehiya sa pagpapalaganap para sa maliit na negosyo; at
- Ang mga kinakailangang tauhan ng maliit na negosyo.
9 CCR § 7136.8(a)
Kung ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa iminumungkahing maliit na negosyo ay kailangan upang pagpasyahan ang potensiyal ng maliit na negosyo, ang saklaw ng mga serbisyong kailangan, at/o pakikinabangan mo ito sa pagkuha ng ibang mga tagatulong, bubuo ka ng isang Plano sa Maliit na Negosyo. Maaari kang makakuha ng tulong sa pagbuo ng Plano sa Maliit na Negosyo mula sa DOR o maaaring irekomenda ng DOR sa U.S. Small Business Administration, isang sentro ng pagbuo ng maliit na negosyo sa isang lokal na kolehiyo ng komunidad, Service Corps of Retired Executives (Pangkat ng Serbisyo ng mga Retiradong Tagapagpaganap, SCORE) o isang Tagapayo sa Maliit na Negosyo (9 CCR § 7136.8 (b - d)).
Ang isang Plano sa Maliit na Negosyo ay dapat na kinabibilangan ng:
- Isang paglalarawan ng iminumungkahing maliit na negosyo at ang mga produkto o serbisyo na ipagkakaloob;
- Ang anyo ng organisasyon ng negosyo;
- Isang detalyadong pagsusuri ng pamilihan, kabilang ang pagtukoy ng posibleng mga parokyano, ang heograpikong lugar kung saan magkakaloob ang negosyo ng mga produkto o serbisyo, at posibleng kompetisyon sa loob ng lugar;
- Isang plano na naglalarawan kung paano ang mga produkto o serbisyo ay ipamamahagi at iaanunsiyo;
- Isang inaasahang takdang panahon para sa pagsisimula ng mga pagpapatakbo ng negosyo at isang tantiya ng inaasahang mga oras ng trabaho bago magsimula ang pagpapatakbo;
- Isang pinansiyal na plano na kabilang ang mga inaasahang benta, buwanang kita at mga gastos sa pagpapatakbo para sa unang taon ng pagpapatakbo, isang pag-iisa-isa ng gastos na kailangan upang itatag ang negosyo, at isang tantiya ng kung kailan lilikha ng kita ang negosyo na higit sa mga gastos sa pagpapatakbo;
- Isang paglalarawan ng mga iniaatas na lisensiya, permiso, o mga pagkakaiba sa pagsosona at insurance;
- Isang paglalarawan ng mga serbisyong bokasyonal na rehabilitasyon na hinihiling ng indibidwal mula sa Kagawaran, kaayon ng mga regulasyong ito; ang mga tagatulong na kukunin mula sa ibang mga pinagkukunan upang itatag at patakbuhin ang maliit na negosyo; paano popondohan ang patuloy na mga gastos sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo, kung sa pamamagitann ng inaasahang kita, mga utang, o ibang mga pinagkukunan; at paano magkakaloob ang indibidwal para sa basikong gastos sa pamumuhay hanggang ang maliit na negosyo ay makalikha ng sapat na kita; at
- Isang paglalarawan ng mga gawain na gagampanan ng indibidwal sa pagpapatakbo ng negosyo at inaasahang mga oras na ang indibidwal ay aatasang magtrabaho upang makakuha ng inaasahang kita.
9 CCR § 7136.8(a)
Paano makakatulong sa akin ng DOR sa pagtatag ng aking maliit na negosyo
Ang DOR ay maaaring magkaloob sa mga karapat-dapat na kliyente ng pagtasa, tulong na teknikal, at pagsasanay upang makatulong sa indibidwal sa paghahanda para sa trabaho sa isang kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili. Maaari ring magpondo ang DOR sa partikular na unang isang-beses na mga gastos upang itatag ang iminumungkahing maliit na negosyo.
Ang isang-beses, unang mga gastos ay ang mga kaayon ng pangkalahatang saklaw ng DOR na mga serbisyo, mga bayad sa lisensiya sa okupasyon, pagbili o pag-upa ng mga kasangkapan o ibang kagamitan, unang stock at mga suplay para sa unang anim na buwan ng pagpapatakbo, at pagbabayad ng mga unang deposito na kinakailangan para sa kasunduan sa pagrenta o mga paggamit na angkop. Ang DOR ay magpopondo lamang ng mga serbisyo na kailangan upang tulungan ang indibidwal na magkatrabaho sa isang kapaligiran ng pagtatarabaho sa sarili, matipid, at kaayon ng pangkaraniwan at nakaugalian na mga unang gastos na pangkaraniwang kinakailangan para sa pagtatag ng mga katulad na maliit na negosyo. (9 CCR § 7137(a-c).
May mga bagay ba na ipinagbabawal ipagkaloob ng DOR?
Ipinagbabawal ang pagpopondo ng DOR sa mga sumusunod:
- Mga gastos na kaugnay ng pagpapalawak ng isang maliit na negosyo;
- Pag-upa o pagbili ng tunay na ari-arian;
- Konstruksyon o pagremodelo ng tunay na ari-arian;
- Pagbabayad ng mga buwis o tax lien;
- Pagbabayad ng mga fee sa patent o para sa pagpapaunlad ng produkto;
- Muling pagtustos o pagbabayad ng utang;
- Pagsasauli o pagbabayad ng anumang mga nawala na may kaugnayan sa maliit na negosyo;
- Pagbili ng isang kasalukuyang negosyo o isang prangkisa ng negosyo;
- Pagbili o pag-upa ng isang sasakyan para gamitin sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo;
- Mga sahod at benepisyo ng empleyado; at
- Pagpopondo para sa patuloy na mga gastos sa pagpapatakbo.
9 CCR § 7137(a)
Kung ang iyong iminumungkahing maliit na negosyo ay nangangailangan ng alinman sa mga bagay na nakalista sa itaas, kakailanganin mong kumuha ng mga tagatulong sa labas ng DOR para sa mga gastos na ito.
Anu-anong mga uri ng mga tagatulong ang dapat kong kunin sa sariling paraan?
Ang DOR ay tumutulong lamang sa mga karapat-dapat na kliyente sa pagsasanay, tulong na teknikal, at unang stock at mga suplay upang itatag ang maliit na negosyo. Dapat magawa ng kliyente na kunin ang lahat ng tagatulong na kailangan upang itatag at patakbuhin ang iminumungkahing maliit na negosyo nang higit sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng DOR. Ang DOR ay dapat tumulong sa iyo na tukuyin ang mga tagatulong na kailangan upang itatag at patakbuhin ang iyong maliit na negosyo (9 CCR §7136.9(a)(1)).
Ang mga patuloy na gastos sa pagpapatakbo ay kinabibilangan ng pero hindi limitado sa: renta, mga utilidad, insurance; mga propesyonal na serbisyo; pasahod at mga buwis sa pasahod; imbentaryo; stock o mga suplay na ipinagkakaloob para sa anim na buwan bilang unang mga gastos); anunsiyo; pagbaba ng halaga; pagkukumpuni at pagpapanatili ng ari-arian; pagpapalit ng mga kasangkapan at kagamitan; mga butaw at subscription, mga serbisyong pantulong, tulad ng mga attendant, tagabasa, at interpreter na gagamitin sa pagpapatakbo ng negosyo; at transpotasyon na gagamitin sa negosyo (9 CCR § 7136.8(g)). Kakailanganin mong tukuyin ang mga kailangang tagatulong upang pondohan ang mga gastos na ito.
Ang mga tagatulong ay maaaring mga pondo o kagamitan na kasalukuyang taglay mo o mula sa mga miyembro ng pamilya, paggamit ng maikukumparang mga serbisyo at benepisyo, pagpopondo mula sa mga gawad, utang, mga programang garantiya sa utang, mga pondo sa pagpapaunlad ng pangkabuhayan, at/o isang PASS (9 CCR § 7136.9(a)(1)).
Kung ikaw ay tinanggihan ng pagpopondo ng isang pinagkukunan na nasa labas ng DOR, maaaring isaalang-alang ng DOR ang desisyon at ang mga dahilan para sa naturang desisyon sa pagtasa kung ang kapaligiran sa pagtatrabaho sa sarili ay angkop (9 CCR § 7136.9(c)).
Kailan bubuuin ang aking Individualized Plan for Employment (IPE) para sa pagtatrabaho sa sarili?
Ang IPE ay dapat buuin sa “sandaling matukoy ang isang angkop na resulta ng pagtatrabaho at ang mga serbisyong kailangan upang tulungan ang indibidwal na makamit ito” (9 CCR § 7136.5(a)). Ito ay nangangahulugan na ikaw at ang DOR ay kailangang sumang-ayon na ang iyong plano sa negosyo ay maaaring makamit at sumang-ayon tungkol sa mga uri ng serbisyo na kakailanganin upang itatag ang iyong maliit na negosyo.
Ang resultang pagtatrabaho ay ang okupasyon kung saan naghahangad kang magtrabaho at isang paglalarawan ng kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili. Halimbawa, kung nais mong magtrabaho bilang isang accountant sa sarili mong negosyong accounting kung saan ikaw ang boss, bilang isang cosmetologist na nakikipagkontrata sa mga kliyenteng diretsong nagbabayad sa iyo, atbp. (9 CCR § 7136.5(b)).
Lahat ng makukuhang impormasyon kabilang ang isang buod ng iyong iminumungkahing maliit na negosyo ay gagamitin upang tasahin kung ang kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili ay angkop at upang matukoy ang bokasyonal na mga pangangailangan at serbisyo. Kung kailangan ng impormasyon, maaaring hingin sa iyo ng DOR na bumuo ng isang Plano sa Maliit na Negosyo (9 CCR § 7136.5(e)(1) at (2).
Ano ang dapat isama sa aking IPE?
Dapat isama sa iyong IPE ang impormasyon tungkol sa kung bakit ang kapaligiran sa pagtatrabaho sa sarili ay angkop para sa iyo at sa mga uri ng serbisyo na kakailanganin mo upang itatag ang iyong maliit na negosyo. Dapat kabilang dito ang:
- Isang paglalarawan ng anumang isang-beses, unang mga gasos sa pagtatag ng iyong maliit na negosyo na sasaklawin ng DOR.
- Iyong responsibilidad na aktibong lumahok sa pag-aaplay para sa at pagkuha ng anumang karagdagan na kailangang mga tagatulong.
- Tinantiyang petsa na itatatag at sisimulan mo ang iyong maliit na negosyo.
- Ang mga paraan at pamantayan na susubaybayan ng DOR ang tagumpay ng iyong maliit na negosyo, at
- Anumang inaasahang pangangailangan para sa mga serbisyo pagkatapos ng pagtatrabaho.
9 CCR § 7136.5(e) and (f)
Bilang bahagi ng pagbuo ng IPE maaari kang makipagtulungan sa DOR at/o tagapayo sa negosyo upang bumuo ng buod ng negosyo at plano sa negosyo (9 CCR § 7136.5(c) and 7136.8(a)). Ang mga pagtasa ay maaaring mangyari sa panahon o pagkaraan ng pagbuo ng IPE (9 CCR § 7136.5(f) at (g)). Ang iyong IPE ay maaaring baguhin kahit kailan kung ang karagdagang kailangang mga serbisyo ay natukoy (9 CCR § 7136.5(e)(3).
Ano ang mangyayari kung ako ay hindi aprubahan para sa pagtatrabaho sa sarili?
Kung hindi mo matugunan ang nasa itaas na mga pamantayan sa pagtasa sa panahon ng o pagkaraang mabuo ang IPE, ikaw at ang DOR ay dapat tumalakay ng alternatibong mga kapaligiran sa pagtatrabaho, at ang isang IPE ay dapat buuin, o baguhin na kaayon ng iyong may-kaalamang pagpili para sa isang alternatibong kapaligiran sa pagtatrabaho (9 CCR §§ 7136.5(g), 7136.7(e), 7136.8(h) at 7136.9(d)).
Kung tanggihan mo ang alternatibong mga kapaligiran sa pagtatrabaho, ang iyong kaso sa DOR ay maaaring sarhan at maaaring hingin ng DOR na ibalik mo ang anumang kagamitang ipinagkaloob sa iyo sa kapaligiran ng sariling pagtatrabaho (9 CCR 7179.5).
Kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa desisyon ng DOR, may karapatan kang umapela. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan sa apela, mangyaring i-click dito upang basahin ang aming publikasyon, Papel ng Dapat Malaman sa mga Opsyon at Proseso ng mga Apela ng Kagawaran ng Rehabilitasyon ng California.
Paano tumutulong ang DOR sa akin pagkatapos kong itatag ang aking negosyo?
Susubaybayan ng DOR ang iyong pagtatrabaho sa sarili batay sa mga pamantayan at paraan na itinatag sa iyong IPE at para sa hindi bababa sa 90 araw at hanggang 12 buwan, Ang panahon ng pagsubaybay ay nagpapahintulot sa DOR na pagpasyahan kung kaya mong magpanatili ng trabaho, kung kailangan mo ng karagdagang pagsasanay o tulong na teknikal, kung ang iyong negosyo ay lumilikha ng inaasahang kita at kung ang mga pamantayan para sa pagsasara ng rekord ng mga serbisyo ay natugunan.
Kung, sa panahon ng pagsubaybay, ikaw at ang DOR ay nagpasya na ikaw ay nahihirapang panatilihin ang iyong trabaho o ang iyong negosyo ay hindi lumilikha ng inaasahang kita, ang mga tauhan ng DOR na may kadalubhasaan sa pagtatrabaho sa sarili at/o Tagapayo sa Maliit na Negosyo ng DOR ay dapat tumulong sa iyo upang matukoy ang mga problema. Tatasahin din nila ang higit pang pagsasanay o tulong na teknikal na tutulong sa iyo na malutas ang mga problemang iyon. Ang iyong tagapayo sa rehabilitasyon ay dapat na patuloy na sumubaybay at muling magtasa kung ang mga problema ay naresolba na. Kung ang DOR ay nagpasya na ang karagdagang pagsasanay o tulong na teknikal ay tutulong sa pagpapanatili ng trabaho sa kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili, tatalakayin sa iyo ng DOR ang mga kapaligiran ng alternatibong trabaho, at ang iyong IPE ay babaguhin gaya ng angkop (9 CCR § 7138).
Kailan matagumpay na sasarhan ang aking kaso sa DOR?
Ang iyong kaso sa DOR ay maaaring matagumpay na sarhan kapag ang mga sumusunod na kondisyon ay natugunan.
- Ang pagtatrabaho ay kaayon ng IPE,
- Natutugunan mo ang inaasahang mga iniaatas sa kita,
- Napanatili mo ang trabaho sa kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili para sa isang panahon na hindi bababa sa 90 araw (ito ay maaaring palawigin kung kailangan); at
- Ikaw at iyong tagapayo sa rehabilitasyon ay sumasang-ayon na ang resulta ng pagtatrabaho sa kapaligiran ng pagtatrabaho sa sarili ay kasiya-siya, at ikaw ay mahusay na gumaganap.
Paano kung kailangan ko ng tulong sa pagkuha ng mga serbisyo sa pagtatrabaho sa sarili sa pamamagitan ng DOR?
Kung ang DOR ay tumanggi sa iyong kahilingan para sa mga serbisyo sa pagtatrabaho sa sarili, maaari mong kontakin ang Client Assistance Program (Programang Tulong sa Kliyente, CAP) sa pamamagitan ng pagtawag sa DRC sa (800) 776-5746 o TTY 1-800-719-5798; o pumunta sa www.disabilityrightsca.org.