Pagtanggap ng mga Suportang Pangkomunikasyon sa pamamagitan ng Department of Rehabilitation (DOR) (Kagawaran ng Rehabilitasyon) ng California
Pagtanggap ng mga Suportang Pangkomunikasyon sa pamamagitan ng Department of Rehabilitation (DOR) (Kagawaran ng Rehabilitasyon) ng California
Ang “communication supports” (mga suportang pangkomunikasyon) ay mga aparato o serbisyo na makatutulong sa isang taong may kapansanan para makipag-ugnayan. Bilang halimbawa, Augmentative and Alternative Communication (AAC) (Komunikasyong Pangkaragdagan at Mapagpipilian), Assistive Technology (AT) (Teknolohiyang Pantulong) o “Special Adaptive Equipment (Espesyal na Kagamitang Pagbabagay),” ay mga aparato na makatutulong sa tao para makipag-ugnayan.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
1. Mga halimbawa ng mga suportang pangkomunikasyon
Ang “communication supports” (mga suportang pangkomunikasyon) ay mga aparato o serbisyo na makatutulong sa isang taong may kapansanan para makipag-ugnayan. Bilang halimbawa, Augmentative and Alternative Communication (AAC) (Komunikasyong Pangkaragdagan at Mapagpipilian), Assistive Technology (AT) (Teknolohiyang Pantulong) o “Special Adaptive Equipment (Espesyal na Kagamitang Pagbabagay),” ay mga aparato na makatutulong sa tao para makipag-ugnayan. Sa sistema ng Department of Rehabilitation (DOR), ang mga aparatong sumusuporta sa komunikasyon ay tinatawag na “rehabilitation technology (teknolohiyang pangrehabilitasyon),” at kasama ang “assistive technology devices (mga aparatong pantulong na teknolohiya).”
Narito ang ilang halimbawa ng suportang pangkomunikasyon:
- JAWs (Job Access with Speech) (Pagkuha ng Trabaho sa pamamagitan ng Pagsasalita) at iba pang uri ng pagmbasa sa screen;
- Dynavox at iba pang Speech Generating Devices (SGDs) (mga Aparatong Nakapaglilikha ng Salita);
- PECs (Picture Exchange Communication System) (Sistema ng Komunikasyon ng Palitan ng Larawan) at iba pang anyo ng sistemang pangkomunikasyong batay sa larawan;
- Mga pisara ng titik o pisara ng alpabeto;
- Mga dokumento sa braille o malaking letra;
- Mga serbisyo tulad ng mga interpreter ng sign language o mga kasosyo ng komunikasyon;
- Binabasa ang mga dokumento nang malakas;
- Ibinibigay ang mga dokumento nang maaga/karagdagang panahon para marepaso:
- Mga dokumento sa likas na wika;
- Ang paggamit ng interpreter o iba pang serbisyo ng suporta.
2. Pagtanggap ng mga suportang pangkomunikasyon mula sa DOR
Maaaring magbayad ang DOR para sa “rehabilitation technology” na kinakailangan para magamit mo ang mga serbisyo ng DOR at para matamo ang iyong layuning trabaho. Maaari kang bigyan ng DOR ng pagsusuri para malaman kung mapahihintulutan ka man o hindi ng aparatong teknolohiyang pantulong na gumawa nang ilang gawain o makatulong gawin nitong mas madali o mas mabilis para gawin mo ang ilang gawain. Ang mga serbisyong pantulong na teknolohiya na maibibigay ng DOR ay maaaring kabilangan ng pagbili, pagpili, pagsukat, at pagsasanay sa iyo (at iba pang naaangkop) sa kung paanong gamitin ang aparato. Kung ikaw ay isang kliyente ng DOR at may kapansanan na kinakailangan ng mga suporta ng komunikasyon para matamo ang iyong mga layuning trabaho, ang mga suportang iyon at serbisyo ay dapat maisama sa iyong Individualized Plan for Employment (IPE) (Isinaindibidwal na Plan para sa Trabaho) bilang rehabilitation technology.
Para sa higit na impormasyon sa karapatan sa mabisang komunikasyon mula sa mga programa ng gobyerno tulad ng DOR, tingnan ang U.S. Department of Justice (Kagawaran ng Katarungan ng U.S.), Mga kinakailangan ng ADA: Mabisang Komunikasyon, https://www.ada.gov/effective-comm.htm.
3. Paanong mag-apela ng pagtanggi ng suportang pangkomunikasyon?
Maaari kang humiling ng administratibong repaso o para sa pamamagitan at/o patas na pagdinig. Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga Apela ng DOR, tingnan ang California Department of Rehabilitation Appeals Options and Process Fact Sheet, Pub #5530.01 sa
Hinanda ng Disability Rights California (Mga karapatan ng Kapansanan ng California) ang fact sheet na ito bilang bahagi ng proyekto ng Communication Disabilities Access Network (Network sa Paggamit ng mga Komunikasyong Pangkapansanan) . Ang proyekto ay inilaan para maglinang, magsanay at magpatakbo ng network ng mga namumuno para magtaguyod sa mga suportang pangkomunikasyon. Ito’y pinopondohan ng isang kaloob mula sa Ability Central (Sentral ng Abilidad), dating kilala bilang Disability Communications Fund (Pondong Pangkomunikasyong Pangkapansanan). Sinusuportahan ng Ability Central ang mga programa at teknolohiya na nabebenepisyuhan ang komunikasyon at mga pangangailangan sa paggamit ng mga taga-California na may mga kapansanan. Para sa higit na impormasyon, bisitahin ang http://dcfund.us/