Mga serbisyo ng Pagbabago para sa mga Estudyante

Publications
#5567.08

Mga serbisyo ng Pagbabago para sa mga Estudyante

Ang paglalathala na ito ay tungkol sa kung paano dapat tulungan ng iba't ibang ahensya ang mga kabataan na may mga kapansanan habang sila ay patungo sa buhay ng may sapat na gulang. Ang prosesong ito ay tinatawag na PAGBABAGO. Ang mga ahensyang ito at mga distrito ng paaralan at ng Department of Rehabilitation. Ang ilang kabataan ay mga kliyente rin ng isang sentrong pangrehiyon. Kailangan din tumulong ang mga sentrong pangrehiyon sa pagbabago.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Seksyon 1: Mga distrito ng Paaralan

1. Ang Pagpaplano ng Pagbabago Ay Dapat Magsimula sa Edad 16.

Dapat simulan ng distrito ng paaralan ang pagpaplano ng pagbabago nang hindi lalampas kapag ikaw ay 16 na taong gulang. Maaari mo rin hilingan ang paaralan na simulan ang pagpaplano ng pagbabago bago ka mag-16. Magandang magsimula nang maaga para sa mga estudyante na may mga kapansin-pansing kapansanan. Ang mga estudyante na nasa panganib ng pagkaka-drop out sa paaralan ay dapat din magsimula nang maaga.

Ikaw at ang iyong koponan ng Individualized Education Program (IEP) ay dapat magdaos ng pulong para magplano para sa iyong mga serbisyo ng pagbabago. Maaari mong gawin ito bilang bahagi ng iyong regular na pulong ng IEP. O, maaari kang magplano para sa iyong mga serbisyo ng pagbabago sa isang espesyal na pulong ng koponan ng IEP. Mas mabibigyan ka ng oras ng magkahiwalay na pulong para pag-usapan ang tungkol sa iyong mga ideya at kung ano ang gusto mong gawin. Bilang bahagi ng proseso ng IEP, ikaw ang iyong koponan ng IEP ay magsusulat ng plano sa pagbabago. Ang plano na ito ay maaaring maging bahagi ng iyong IEP o maaaring maging isang hiwalay na dokumento na tinatawag na Individual Transition Plan (ITP).

Paano Nabubuo ang Iyong Plano ng Pagbabago?

Ang pinakamahalagang tao na nasa IEP ay IKAW. Kapag makikipagpulong ka sa koponan ng IEP para talakayin ang iyong plano ng pagbabago, kailangan mong sabihin sa kanila kung ano ang gusto mong gawin at kung ano ang kailangan mo. Tinatawag itong sariling pagsusulong. Mahalaga na mayroon kang pagkakataon na ipahiwatig ang iyong mga kagustuhan. Ang ilang estudyante ay gumagamit ng mga larawan. Ang iba ay gumagamit ng mga video o iba't ibang uri ng teknolohiya. Kailangan mong ipahiwatig ang iyong mga kagustuhan at ang iyong mga plano pagkatapos mo ng high school at para sa iyong kinabukasan gamit ang komunikasyon na natutugunan ang iyong mga pangangailangan.

Paminsan-minsan hindi sigurado ang mga estudyante na sapat ang kanilang nalalaman tungkol sa kanilang mga opsyon para pumili. Maaari kang humingi ng tulong para i-explore ang iyong mga opsyon para maitakda mo ang iyong mga layunin. Maaari mong hilingan ang paaralan para mag-imbita ng iba pang tao para maging bahagi ng iyong koponan ng IEP, hal. mga magulang, tagapagkoordina ng serbisyo ng sentrong pangrehiyon, Department of Rehabilitation. Hindi lahat ng ahensya na naimbitahan para lumahok ay maaaring dumalo (hal. tagapagkoordina ng serbisyo ng sentrong pangrehiyon). Mahalagang tandaan na tinaasan ng Workforce Innovation and Opportunity Act (WIOA)1 ang gagampanan ng Department of Rehabilitation (DOR) sa proseso ng pagbabago at ngayon inuutusan ang DOR na dumalo sa isang pulong ng IEP kung inimbitahan ito.2 Bilang bahagi ng proseso ng isinaindibidwal na pagpaplano ng pagbabago, inuutos ng batas3 na isinasama ng iyong IEP ang mga naangkop na pagtatasa, mga layunin ng iyong pagbabago pagkatapos mong umalis sa high school o magpaskil ng pangalawang mga layunin ng pagbabago, taunang layunin, kurso ng iyong pag-aaral, at mga serbisyo ng pagbabago na makatutulong sa iyo na makamit ang iyong mga layunin.

2. Impormasyon ng Pagtatasa

Nag-uumpisa ang pagpaplano ng pagbabago sa pamamagitan ng isang pagtatasa ng pagbabago. Kabilang sa pagtatasa ng pagbabago ang impormasyong ibinabahagi mo at ng iyong pamilya tungkol sa iyong mga interes, kasanayan, at anumang pagbabago na maaari mong kaharapin. Kinabibilangan din ito ng pagtatasa ng mga kasanayang malayang pamumuhay at ang iyong kahandaan sa pagbabago papunta sa may sapat na pamumuhay. Maaaring kabilang sa pagtatasa na ito ang pakikipag-usap sa isang tao tungkol sa iyong mga plano pagkatapos ng high school sa isang panayam. Kinakailangan ng ilang estudyante na iprisinta ang impormasyong ito gamit ang mga panghaliling anyo ng komunikasyon tulad ng mga larawan, video at/o teknolohiyang pantulong.

Maaari kang kumuha ng on-line na survey ng iyong mga interest at ng iyong mga kasanayan. Kapag lumahok ka sa pagtatasa ng iyong mga pangangailangan sa pagbabago, simula mong matututunan ang higit pa tungkol sa iyong sarili at trabaho omga opsyon sa kolehiyo. Tutulungan ka ng mga survey ng interes na kilalanin ang iyong mga pag-asa at pangarap para sa hinaharap. Tumutuon ang mga ito sa iyong mga interes at iyong mga naiibang talento.Kinikilala rin ng mga ito ang mga hamon na maaari mong harapin habang naghahanda ka sa pagbabago papunta sa may sapat na gulang na pamumuhay. Habang inililista mo ang iyong mga layuning karera, kailangan mong sabihin sa kanila ang tungkol sa iyong mga layunin sa edukasyon at pagsasanay. Marami sa trabaho ay kinakailangan ng edukasyon at pagsasanay pagkatapos mong umalis sa paaralan. Paminsan-minsan maaari mong tapusin ang pagsasanay sa trabaho. Ang ilang trabaho ay kinakailanganng "sertipikasyon," kung saan ay isang dokumento na sinasabi sa mga employer na mayroon ka ng mga kasanayan na gawin ang trabaho na gusto mo. Ang ilang trabaho ay kinakailangan ng Bachelor’s degree o isang advanced degree. Ang lahat ng impormasyon sa pagtatasa ay dapat mapanatili sa isang Summary of Performance (SOP) /Transition Portfolio.

Sinasabi ng pagtatasa sa iyong koponan ang tungkol sa iyong mga layunin pagkatapos ng high school. Ang nalalabi sa IEP ay tumutuon sa kung ano ang magagawa ng mgapaaralan para matulungan kang matamo ang iyong mga layunin na hindi kaugnay sa buhay pagkatapos ng high school.

3. Ano ang Pumapasok sa Plano ng Iyong Pagbabago?

Ang plano ng iyong pagbabago ay magkakaroon nang dalawang bahagi:

  • Ang Part One ay tungkol sa kung ano ang gusto mong gawin kapag ikaw ay isang may sapat na gulang. Ito ang iyong MGA LAYUNIN.4 Dapat kang tumingin at ang Koponan ng iyong IEP sa iyong mga layunin taun-taon.5
  • Ang Part Two ay tungkol sa kung ano ang dapat mong gawin para maabot ang iyong MGA LAYUNIN. Tinatawag angmga ito na "MGA AKTIBIDAD." Dapat mayroong nakaordinang takda ng mga aktibidad ang plano ng iyong pagbabago para matulungan kang maabot ang iyong mga layunin sa hinaharap.6

Part One: Mga layunin

Dapat mayroong pangmatagalang MGA LAYUNIN sa hinaharap ang plano ng iyong pagbabago, mga layunin na matatamo mo pagkatapos kang umalis sa high school.(Tinatawag rin ang mga ito na mga layuning post- secondary.) Ang iyong mga pangmatagalang layunin sa hinaharap ay magiging mga bagay tulad ng kung pinaplano mo man magkokolehiyo o hindi, anong mga uri ng kolehiyo at/o programang bokasyonal(trabaho) na pinaplano mong daluhan, at kung anong mga uri ng trabaho ang pinaplano mong gawin.

Kabilang sa mga layunin na dapat mailista ay: mga layunin sa pagtatrabaho, mga layuning pang-edukasyon at pagsasanay, at kung sasang-ayon ang koponan ng IEP,ang iyong malayang mga layunin sa pamumuhay.

Ang mga halimbawa ng mga layuning post-secondary ay:

  • Pagtatrabaho: Pagkatapos ng high school, magtatrabaho ako sa pagtuturo sa mga kabataan.
  • Edukasyon/Pagsasanay: Pagkatapos ng high school, magpapatala ako sa kolehiyo ng aking komunidad at magkakaroon ng sertipikasyon ng maagang kabataan.
  • Malayang Pamumuhay: Pagkatapos ng high school, gagawin ko ang gusto kong gawin.

Dapat ka rin magkaroon ng mga layuning pangmaikling panahon (taunan). Ito ang mga bagay na maaari mong tapusin sa isang taon o mas maaga. Ito ang mga bagay na makatutulong sa iyo na matugunan ang iyong mga layuning pangmatagalan sa hinaharap.

Mga halimbawa ng mga taunang layunin:

  • Tatapusin ko ang isang aplikasyon sa trabaho nang on line. Gagawa ako ng template ng aplikasyon ng trabaho.
  • Gagawa ako ng resume.
  • Magpupuno ako ng aplikasyon para sa kolehiyo.
  • Mag-a-apply ako para sa tulong hinggil sa pananalapi nang on-line.
  • Magsusulat ako ng sanaysay tungkol sa aking piniling karera bilang isang guro ng preschool.
  • Bubuo ako ng budget.

Dapat ibatay ang iyong mga layunin sa iyong mga espesyal na pangangailangan. Ang iyong mga layunin ay dapat mga bagay na maaaring masukat. Ang iyong mga layunin ay dapat nakabatay sa mga pagtatasa. Dapat matulungan ka ng mga pagtatasa na itona lutasin kung anong mga bagay ang gusto mong gawin, saan ka magaling, kunganong trabaho ang maaaring mong gustong gawin.

Part Two: Mga aktibidad

Dapat may isang nakakoordinang takda ng MGA AKTIBIDAD ang iyong pagbabago paramatulungan kang matugunan ang iyong layunin para sa iyong buhay pagkatapos ng high school. Dapat maituon ang iyong mga aktibidad sa pagpapataas ng iyong mga kasanayang pang-akademya at malayang pamumuhay para makapagbago ka nang mapayapa mula sa high school tungo sa kolehiyo, isang programa ng bokasyonal na pagsasanay, trabaho, o iba pang aktibidad pagkatapos ng high school.

Dapat din ibilang sa iyong mga aktibidad ang isang gumaganang bokasyonal na pagtatasa.7

Maaaring kabilang sa iyong nakakoordinang takda ng mga aktibidad ang: 

Mga serbisyong Hinggil sa Kautusan
Ang serbisyong hinggil sa kautusan ay isang klase na tumutulong sa iyo na makuha ang mga kasanayan na kailangan mo para matugunan mo ang iyong mga layuning pangmatagalan. Bilang halimbawa, kung gusto mong magtrabaho sa mga computer, ang iyong serbisyo hinggil sa kautusan ay magiging isang klase sa mga computer. O, kung gusto mong maging isang kusinero, ang iyong serbisyo hinggil sa kautusan ay magigingmga takdang aralin para tulungan kang matutong magbasa ng mga recipe.8

Mga karanasan sa Komunidad
Ang mga karanasan sa komunidad ay maaaring matulungan ka sa iyong pakikilahok saiyong komunidad. Ang halimbawa ng isang karanasan sa komunidad ay ang pagtulong sa iyo na makakilala ng mga tao sa iyong komunidad na susuporta sa iyo sa pagtamo ng iyong mga layunin at malayang pamumuhay.9

Mga pinagtutuunan Kaugnay sa Pagtatrabaho
Ang Mga pinagtutuunan Kaugnay sa Pagtatrabaho ay makatutulong na paalaman ka kung anong mga trabaho ang maaaring nakalaan sa iyong lugar. Ang Mgapinagtutuunan Kaugnay sa Pagtatrabaho ay maaari ka rin paalamanan kung ano ang dapat mong gawin para maging karapat-dapat at maghanda para sa pagsasanay, kolehiyo, o sinusuportahang pagtatrabaho pagkatapos ng high school.10

Mga kaugnay na Serbisyo
Ang mga kaugnay na serbisyo ay mga serbisyo bukod sa tagubilin para matulungan kangmatamo ang iyong mga layuning pang-edukasyon. Mga halimbawa ng mga kaugnay na serbisyo ay:

  • Speech therapy,
  • Occupational therapy,
  • Gabay sa karera,
  • Transportasyon papunta sa bokasyonal na pagsasanay o mga pook ng malayang pamumuhay,
  • Mga serbisyo ng pagpapayo para tulungan kang matutunan ang mga kasanayan na makaabot sa pamantayan sa kolehiyo o pagtatrabaho, at
  • Mga serbisyo ng social work para tulungan kang makipag-ugnayan sa mga ahensya na makatutulong sa iyo na matugunan ang iyong mga layuning pangmatagalan.11

Mga kasanayan sa Malayang Pamumuhay
Matutulungan ka ng Mga kasanayan sa Malayang Pamumuhay kung kailangan mo ngpagsasanay sa mga aktibidad tulad ng paghahanda ng mga pagkain, pamimili, pagba-budget, pagpapanatili ng bahay, pagbabayad ng mga bill, pag-aayos, o pagbiyahe sa pampublikong sasakyan.12

Pagsusuri at pagpapasya Hinggil sa Paggana
Kung kailangan mo ng tulong sa pagbuo ng iyong layunin sa pagtatrabaho, maaari kang bigyan ng patnubay ng pagsusuri at pagpapasya hinggil sa paggana. Tatasahin ka ngpagsusuri at pagpapasya sa isang sitwasyon na katulad sa uri ng trabaho kung saan ka interesado at bibigyan ka ng praktikal na impormasyon tungkol sa iyong mga kalakasanat kasanayan.13

4. Paanong Maghanda Para sa Iyong Pulong sa IEP

Parehong mahalagang mga bahagi ng Koponan ng IEP ang mga estudyante atmagulang. Narito ang ilang paraan para mag-ambag sa proseso ng pagpaplano ng pagbabago:

a. Gumawa ng Listahan at/o isang Agenda

Gawin ang iyong pananaliksik at maging handa bago pumunta sa pulong ng IEP. Bagosa iyong pulong sa IEP, maaaring maging kapakipakinabang para sa iyo na ilista ang iyong mga kalakasan, pangangailangan, takot, at mga kagustuhan para sa iyong hinaharap. Makatutulong itong ihanda ka para sa kung ano ang gusto mong talakayin sa iyong pulong sa IEP.

Maaari ka rin lumikha ng agenda at dalhin ang mga katanungang kaugnay sa pagbabago na mayroon ka sa pulong sa IEP para matalakay ang mga ito. (Kung maaari, makipagtalakayan sa tagapagdala/guro ng iyong kaso, at iba pang miyembro ng iyong Koponan ng IEP hinggil sa mga katanungang ito bago sa opisyal na pulong sa IEP.) Kadalasan, ang mga 

kasagutan sa iyong mga katanungan ay madaling nakukuha at tutulong para magpabilis ng produktibong pulong. Ganap mong magagawang maunawaan at makilahok sa pulong sa IEP.14 Pinahihintulutan kang magtanong, at magsama ng kaibigan o taongpangsuporta. Kung hindi mo dadaluhan ang pulong sa IEP, dapat gumawa ng ibang hakbang ang distrito ng paaralan para masiguro na maisasaalang-alang ang iyong mga kagustuhan at interes.15

b. Lumahok sa Pagbuo ng IEP

Gaya nang natalakay sa itaas, maaaring maging nakatutulong ang mga pagtatasa para kumalap ng impormasyon para buuin ang IEP. Upang lumabas ang mga pagtatasa, dapat sumang-ayon ang iyong magulang/tagapag-alaga (o ikaw, kung ikaw ay lampas sa 18 taong gulang) sa mga pagtatasa na ito sa pamamagitan ng paglagda ng form. Inililista ng form na ito ang ilan sa mga kasangkapan sa pagtatasa na gagamitin para kumalap ng impormasyon sa pagtatasa na gagamitin para buuin ang IEP sa mga bahagi ng pagbabago ng: Edukasyon/Pagsasanay, Pagtatrabaho at Malayang Pamumuhay.Dapat magtanong ka at ang iyong pamilay ng mga katungan tungkol sa mga kasangkapan ng pagtatasa na ito.

Paghiling sa pagbubuo ng isang Person Centered /Person Driven Plan para tumulong sapagtukoy sa mga layuning post-secondary, mga taunang layunin ng IEP, mga serbisyong pagbabago at mga aktibidad ay maari ring nakatutulong. Ang ibig sabihin ng centered planning na ang pagbuo ng plano ng iyong pagbabago ay magtutuon sa kung ano ang gusto mong gawin pagkatapos ng high school. Sumang-ayon sa mga serbisyo at suporta para tulungan ka sa pag-abot ng iyong mga layuning panghinaharap ay dapat maisulat sa iyong IEP.

Seksyon 2: Department of Rehabilitation (DOR)

1. Maaaring Ibilang ng Pagpaplano ng Pagbabago ng Kinatawan mula sa DOR

Maaari mong hilingan na imbitahan ng distrito ng paaralan ang isang kinatawan ng DOR sa pulong sa IEP. Dapat mong hilingin ito nang nakasulat, at dapat isama sa iyongkahilingan ang iyong pahintulot at ang pahintulot ng iyong magulang.16

Mahalagang magkaroon ng kinatawan ng DOR sa pulong ng iyong pagbabago dahil maaaring magkaloob ang DOR ng mga serbisyo ng pagbabago para tulungan kang maabot ang iyong layunin sa pagtatrabaho.17 Kailangang dumalo ang DOR sa pulong ngIEP, kung iimbitahan.

Ang DOR ay responsable sa pagtitiyak kung maaari mong tanggapin o hindi ang mga serbisyo ng pagbago na kanilang ipinagkakaloob. Para maging karapat-dapat, kakailanganing tiyakin ng DOR na: (1) ang iyong kahinaang pisikal o hinggil sa pag-iisip ay nagdudulot ng malaki-laking balakid sa pagtatrabaho, (2) maaari kang mabenipisyuhan hinggil sa kinalabasan ng pagtatrabaho mula sa kanilang mga serbisyo ng bokasyonal na rehabilitasyon, at (3) kakailanganin mo ng mga serbisyo ng bokasyonal na rehabilitasyon para maghanda, makakuha, o mabawi ang pagtatrabaho.18

Kung hindi available na dumalo ang DOR sa iyong pulong ng pagbabago, mayroon ka paring karapatan na mag-apply para sa mga serbisyo ng DOR para tukuyin kung ikaw ay magiging karapat-dapat.

Para sa higit na impormasyon sa pagkanararapat ng DOR, mangyaring tingnan ang:https://www.disabilityrightsca.org/publications/department-of- rehabilitation-services

Kung matuklasan ng DOR na ikaw ay karapat-dapat para sa kanilang mga serbisyo, dapat buuin ng DOR ang iyong Individualized Plan for Employment (IPE) nang maaga hangga't maaari sa panahon ng pagpaplano ng iyong pagbabago, ngunit, sa pinakahuli, sa oras na umalis ka sa paaralan at dapat isaalang-alang ang iyong IEP at maging nakakoordina sa iyong mga layunin, pinagtutuuan at mga serbisyo na kinilala sa iyong IEP19

2. Ano ang Pumapasok sa Iyong Individualized Plan for Employment (IPE)?

Magkakaroon ang iyong Individualized Plan for Employment nang dalawang bahagi:

  • Part One: Kilalanin ang iyong BOKASYONAL NA LAYUNIN;
  • Part Two: Kilalanin at ilista ang MGA SERBISYO NG BOKASYONAL NA REHABILITASYON na ipagkakaloob ng DOR upang tulungan kang maabot ang iyong layuning bokasyonal.20

Part One: Kilalanin ang Iyong Layuning Bokasyonal;

Ang iyong layuning bokasyonal ay ang iyong layunin sa pagtatrabaho. Ang halimbawang isang layuning bokasyonal ay maaaring maging: “estudyante na magiging nagtatrabaho bilang isang paralegal.”

Part Two: Listahan ng Mga serbisyo ng Bokasyonal na Rehabilitasyon para Tulungan Kang Maabot ang Iyong Layuning Bokasyonal

Sa sandaling matukoy mo ang iyong layuning bokasyonal sa part one, dapat ilista ngpart two ng iyong Individualized Plan for Employment ang mga serbisyo para tulungan kang maabot ang layuning iyon.

Bilang halimbawa, kung ang iyong layuning bokasyonal ay para maging isang paralegal, ang listahan ng mga serbisyo ay maaaring maging: pagpopondo para sa tuition para saparalegal na paaralan, sertipikasyon, mga libro at supply, at transportasyon papunta at mula sa paaralan.

Mahalaga na masisigurong tutukuyin ng iyong IPE ang lahat ng serbisyo na kailangan mo upang matugunan ang iyong layunin sa pagtatrabaho. Sa sandaling magkaroon ka ng IPE, responsable ang DOR sa pagkakaloob at pagbabayad para sa mga serbisyo ng pagbabago na napagkasunduan sa IPE para sa panahon na lumahok ang indibidwal sa programa ng VR.21

3. Anu-anong Programa Na Maaaring Nakalaan sa Pakikipatulungan sa DOR?

Transition Partnership Program (TPP) kinokonekta ang mga estudyante ng high school na may mga kapansanan sa California Department of Rehabilitation (DOR) at tumutulong sa kanilang pagbabago para gumana. Tinutulungan ng TPP ang mga estudyante na mapagtagumpayan ang mga hadlang sa pagtatrabaho; maaaring kabilang sa tulong ang direktang paglilinang sa trabaho, bokasyonal na pagsasanay, o edukasyong post- secondary. Hindi nakalaan ang TPP sa lahat ng lugar; kontakin nang direkta ang iyong distrito para malaman kung mayroon itong isang TPP. At saka, hindi kinakailangang lumahok ang mga estudyante sa TPP upang ma-access ang mga serbisyo ng DOR.

College 2 Career (C2C) ang mga programa ay bahagi ng isang Department ofRehabilitation (DOR) sa pakikipagtulungan sa Chancellor's Office ng California Community Colleges, para bumuo ng pilot na mga programa ng bokasyonal na pagsasanay para sa mga indibidwal na may mga kapansanan sa pangkaisipan (intellectual disabilities -ID). Makatatanggap ang mga estudyante ng tagubilin at suporta na may layunin namakatamo ng kompetitibong pinagsama-samang pagtatrabaho sa isang larangan ng karera ng kanilang gusto. Hindi nakalaan ang mga programa ng C2C sa lahat ng distrito ng kolehiyong pangkomunidd. Maaari mong kontakin ang mga kolehiyong pangkumunidad sa iyong lugar para malaman kung mayroon sila ng programang ganito.

Workability Programs ay nagkakaloob ng mga serbisyong kaugnay sa pagtatrabaho sa isang pang-edukasyong kaligiran. Mayroong apat na magkakaibang uri ng Workability Program:

  • Ang Workability I ay pinagkakalooban ang mga estudyante sa high school ng bokasyonal na pagsasanay at mga serbisyo;
  • Ang Workability II ay pinagkakalooban ang mga estudyante sa Adult Education and Regional Occupational Programs ng direktang bokasyonal na pagsasanay;
  • Ang Workability III ay pinagkakalooban ang mga estudyante sa mga kolehiyong pangkomunidad ng mga bokasyonal na serbisyo, tulad ng paglilinang ng karera at mga klase ng tagumpay sa kolehiyo, upang mapabilis ang pagkumpleto sa isang dalawang taong certificate, degree, o isang programa ng paglilipat; at
  • Ang Workability IV ay pinagkakalooban ang mga estudyante sa mga unibersitdad ng estado ng mga bokasyonal na serbisyo, tulad ng pagpapayo sa karera at mga programa ng pagsasanay, upang paglapitin ang puwang sa pagitan ng edukasyon at karanasan sa trabaho.

Ang mga programang ito ay hindi matatagpuan sa lahat ng lugar. Depende sa uri ng Workability Program na interesado ka, dapat mong kontakin ang distrito ng paaralan, kolehiyong pangkomunidad, o unibersidad ng estado sa iyong lugar para malaman kung mayroon silang programa.

Kung mayroon kang hindi pagkakasundo o mga katanungan tungkol sa Workability Program, tawagan ang Disability Rights California para sa ibayong impormasyon.

Pre-Employment Transition Services (PETS)

Hinihilingan ang DOR na ibigay ang sumusunod na 5 aktibidad sa mga estudyante na may mga kapansanan (16 hanggang 21 taong gulang) na mga karapat-dapat o potensyal na karapat-dapat para sa mga serbisyo ng VR: (1) pagpapayo sa pagsaliksik ng trabaho, (2) mga oportunidad ng kaugnay sa trabaho na pag-aaral, (3) pagpapayo sa mga oportunidad ng pang-edukasyong post-secondary (4) pagsasanay sa kahandaaanng lugar ng trabaho, at (5) tagubilin sa sariling pagsulong.22

Seksyon 3: Mga sentrong Pangrehiyon

1. Dapat din tulungan ng mga Sentrong Pangrehiyon ang kanilang mga Kliyente sa Pagbabago

Ang ilang kabataan ay mga kliyente ng sentrong pangrehiyon, at dapat tulungan sila ng sentrong pangrehiyon sa kanilang Pagbabago.

Maaaring ibigay ng sentrong pangrehiyon ang sumusunod na malayang pamumuhay at mga bokasyonal na serbisyo:

  • kumpetitibong pagtatrabaho,
  • paghahanda sa pagtatrabaho,
  • sariling pagtatrabaho,
  • suportadong pagtatrabaho,
  • mga sentro ng paglilinang sa may sapat na gulang o mga programa sa araw,
  • sinusuportahang pamumuhay, at
  • programa ng pangangasiwa hinggil sa pag-uugali.23

Kung hindi matutugunan ng mga programang ito ang iyong mga pangangailangan, ang sentrong pangrehiyon ay maaaring bumuo ng programa na lapat para matugunan angiyong mga pangangailangan.24

Gayunman, hindi ipinagkakaloob ng sentrong pangrehiyon ang ilan sa serbisyongnakalista sa itaas sa mga estudyante sa pagitan nang 18 at 22 taong gulang na mga karapat-dapat para sa espesyal na edukasyon at hindi nakatanggap ng diploma o certificate ng pagtatapos mula sa high school.25 Ngunit may mga eksepsyon sa batas.26

Para sa higit na impormasyon, tingnan ang fact sheet na pinamagatang Espesyal naEdukasyon Imbes na mga Serbisyo ng May Sapat na Gulang para sa mga Consumer sa Pagitan ng mga Edad na 18-22 na available nang online sa: https://www.disabilityrightsca.org/publications/special- education-instead-of-adult-services-for-consumers-between-the-ages-of- 18-22

2. Ano ang Pumapasok sa Iyong Individual Program Plan (IPP)?

Kung isa kang consumer ng sentrong pangrehiyon, dapat ay mayroon kang Individual Program Plan (IPP), kung saan ay isang dokumento na sinasabi kung anong mga serbisyo at suporta na kailangan at mas gusto mo. Ito'y mahalaga na bumuo ang sentrong pangrehiyon ng IPP na natutugunan ang iyong mga pangangailangan at mapamalas ang iyong mga pagpipilian at kagustuhan. Pagpapasyahan ng iyong pulong sa IPP ang malayang pamumuhay at bokasyonal na mga serbisyo na isasama sa iyong IPP.

Dapat magtuon sa iyo ang pulong ng IPP. Tinatawag itong “person- centered” napagpaplano. Kapag nakasentro sa iyo ang pagpaplano, dapat makipagtulungan ang iyong IPP tungo sa hinaharap na gusto mo para sa iyong sarili.27

Para sa higit na impormasyon hinggil sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon, tingnan ang paglalathala na pinamagatang Rights Under the Lanterman Act: Mga serbisyo ng Sentrong Pangrehiyon para sa Mga tao na May mga Kapansanan Hinggil sa Paglilinang(Regional Center Services for People with Developmental Disabilities), na available nang online sa

https://www.disabilityrightsca.org/publications/intellectual-developmental-disabilities/rights-under-the-lanterman-act-manual-rula

Seksyon 4: Iba pang Katanungan

1. Paano kung hihiling ako ng serbisyo at parehong sinasabi ng Distrito ng Paaralan at ng DOR na dapat ibigay ng ibang ahensya ang serbisyo?

Ang provider ng serbisyo ay dumidepende sa layunin ng serbisyo. Kung ang serbisyo aypara sa isang layuning pang-edukasyon, dapat ilista ito ng distrito ng paaralan sa IEP at pondohan ang serbisyo. Kung ang serbisyo ay para sa isang layuning bokasyonal, dapat ilista ito ng DOR sa IEP at pondohan ang serbisyo. Ang kasunduan na ito ay nasa Interagency Agreement sa pagitan ng California Department of Education at ng California Department of Rehabilitation.

Ipinagkakaloob ng Interagency Agreement ang sumusunod na halimbawa:

Kung kinakailangan ng isang estudyante ng kagamitan na pangtulong na teknolohiya para tulungan ang estudyante sa paaralan, dapat ilista ng distrito ng paaralan angkagamitan na nasa IEP ng estudyante at ibigay ito.

Kung kinakailangan ng estudyante ng kagamitan na pangtulong na teknolohiya para tulungang maabot ang layunin niya sa pagtatrabaho habang nagbabago siya sa mundong trabaho, dapat ilista ng DOR ang kagamitan na nasa IPE ng estudyante at ibigay ito.

Unang-unang mananagot ang distrito ng paaralan sa pagbibigay ng iyong mgaserbisyong pang-edukasyon hanggang sa magtapos ka sa o lumabas sa high school.28 Dapat siguruhin ng distrito ng paaralan na ang bawat estudyante na may kapansanan ay may libreng naaangkop na pampublikong edukasyon ayon sa kaniyang IEP.29 Ayon sa batas, dapat isaalang-alang ng koponan ng IEP ang mga serbisyo ng pagbabago nang hindi lalampas sa edad 16. Dapat maibigay ang mga serbisyo na ito hanggang sa magtapos ka o lumabas mula sa high school sa edad 22.30

Gayunman, ang ibang ahente, tulad ng DOR, ay dapat manatiling responsable para magkaloob at magbayad para sa ilan o lahat ng gastos ng isang libreng naangkop napampublikong edukasyon na ibibigay sa mga estudyante na may mga kapansanan.31

Ang layunin ng mga interagency na kasundaun ay para siguraduhin na ang lahat ng pampublikong ahensya na responsable sa pagbibigay ng mga serbisyo na itinuturing din na mga serbisyo ng espesyal na edukasyon, tuparin ang kanilang mga responsabilidad.32Kung hindi tutuparin ng isang ahensya, tula ng DOR, ang tungkulin nito, dapat ipagkaloob ng paaralan ang mga kinakailangangserbisyo, ngunit may karapatan na maghangad ng reimbursement mula sa pampublikong ahensya.33

Dapat magbayad ang DOR para sa mga serbisyo ng pagbabago na nakalista sa iyong IPE hangga't lumalahok ka sa programa ng DOR.34 Sa karaniwan, ang DOR angahensya na responsable sa pagkakaloob ng mga serbisyo ng bokasyonal na rehabilitasyon sa mga indibidwal na may mga kapansanan na nangangailangan ng mga serbisyo na ito para maghanda, mag-secure, magpanatili, o bumawi ng kinalabasan ng pagtatrabaho.35 Maaaring ibilang sa mga serbisyo ng bokasyonal na rehabilitasyon tuladng tulong sa pagkuha ng trabaho sa sinusuportahang trabaho, pagbabago at tulong/suporta para sa edukasyong post-secondary, o karagdagang pagsasanay na kinakailangan para matugunan ang isang layunin ng pagtatrabaho.

Bilang kongklusyon, kung inililista ang serbisyo sa isang IEP o isang IPE, ang responsableng ahente na tinukoy sa dokumento ay dapat magbayad para sa mga serbisyo. Gayunman, kung natukoy na ang mga serbisyo bilangkinakailangan, maaaring pondohan ng distrito ng paaralan ang mga serbisyo at maghangad ng reimbursement mula sa DOR kung kinakailangan ang mga serbisyo upang pag-ibayuhin ang isang layuning bokasyonal.

2. Paano Kung Hindi Ako Sasang-ayon sa Plano ng Pagbabago na Ibinibigay ng Distrito ng Paaralan?

Kung ikaw at ang distrito ng paaralan ay hindi sumasang-ayon tungkol sa kung ano dapat ang papasok sa iyong plano ng pagbabago, maaari kang maghain ng reklamo na due process at humiling ng pagdinig. Kung magpapasya kang maghahain ng reklamo na due process, dapat mong ihain ang iyong reklamo na due process sa Office of Administrative Hearings sa loob nang dalawang taon mula sa petsa na nalaman mo (o nagkaroon ng mga dahilan para malaman) ang mga katotohanan parasa iyong reklamo. Para sa impormasyon o tulong hinggil sa mga reklamo na due process, maaari mong kontakin ang Disability Rights California sa 1- 800-776-5746.

3. Paano kung Hindi Ibinibigay ng Distrito ng Paaralan ang mga Serbisyo na Aming Napagkasunduan sa Aking Plano ng Pagbabago?

May karapatan ka na maghain ng reklamo sa pagtalima sa California Department of Education (CDE) kung hindi ibinibigay ng distrito ng paaralan ang mga serbisyo na iyong sinang-ayunan sa iyong plano ng pagbabago. Kung magpapasya kang maghain ng reklamo sa pagtalima dapat mong gawin sa loob nang isang taon mula sa petsa nangitinigil ng distrito ng paaralan ang mga serbisyo.

Makakikita ka nang higit pang impormasyon hinggil sa mga pamamaraan ng due process at reklamo sa lathala ng Special Education Rights and Responsibilities , nakalaan sa online sa:

https://www.disabilityrightsca.org/publications/serr-special-education-rights- and-responsibilities

4. Paano kung Tatanggihan ng DOR ang Serbisyo?

Kung tatanggihan ng DOR ang isang serbisyo, maaari mong tangkaing resolbahin ang isyu sa pamamagitan ng iyong tagapagpayo ng DOR at kanyang superbisor. Kung hindimo magagawang resolbahin ang problema sa pamamagitan ng iyong tagapagpayo osuperbisor, maaari mong hilingin na magsagawa ang Administrador ng Distrito ng Administratibong Repaso. Gayunman, hindi mo kailangang subukan at resolbahin ang iyong isyu sa pamamagitan ng tagapagpayo o superbisor ng iyong DOR bago ka humiling ng Administratibong Repaso. Ang Administratibong Repaso ay dapat hilingin sa loob nang isang taon ng desisyon kung saan ay hindi ka sumang-ayon.

Kung hindi ka nasiyahan sa Administratibong Repaso, maaari kang humiling ng pamamagitan at/o Patas na Pagdinig. Dapag mong gawin ang kahilingang ito nang nakasulat at sa loob nang 30-araw ng Desisyon ng Administratibong Repaso.36 Hindi mo kailangang humiling ng Administratibong Repaso bago maghain para sa isang pamamagitan at/o patas na pagdinig. Maaari kang humiling ng pamamagitan at/o Patas na Pagdinig sa loob nang isang taon ng desisyon kung saan ay hindi ka sumang-ayon.Gayunman, maaaring ito'y sa iyong kapakinabangan na talayin muna ang iyong mgaalalahanin sa tagapagpayo at o superbisor ng iyong DOR, pati na rin sa pamamagitan ng proseso ng Administratibong Repaso ng DOR na tinalakay sa itaas bago sa paghiling ng patas na pagdinig. Karamihan sa problema ay maaaring maresolbo nang lokal, hindi pormal, at mas mabilis.

Para sa impormasyon o tulong hinggil sa mga serbisyo ng DOR, maaari mong tawaganang Client Assistance Program (CAP). Nakalaan ang CAP para tulungan ka na maunawaan ang iyong mga karapatan at responsibilidad kabilang ang iyong mga karapatan sa mga serbisyo mula sa DOR. Maaaring matulungan ka ng mga pagtataguyod ng CAP na magresolba ng mga problema sa tagapagpayo ng iyong DOR o tumulong at itaguyod ka sa ngalan mo hinggil sa mga bokasyonal na serbisyo habang nagpapatuloy ng legal, administratibo, o iba pang naaangkop na mga remedyo para matiyak ang proteksyon ng iyong mga karapatan.37

Para makipag-ugnayan sa isang tagapagtaguyod ng CAP mangyaring tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.

5. Paano kung Hindi Ako Sasang-ayon sa isang Desisyon ng Sentrong Pangrehiyon Hinggil sa isang Serbisyo?

Kung tumatanggap ka ng serbisyo at hindi ka sumasang-ayon sa desisyon ng sentrong pangrehiyon para baguhin o tapusin ang serbisyo na iyon, dapat kang humiling ng patas na pagdinig sa loob nang 10 araw sa pagkakatanggap ng abiso ng aksyon. Kung hindi,ang anumang kahilingan ng apela o pagdinig ay dapat maisagawa sa loob nang 30 araw ng petsa ng abiso. Para sa impormasyon sa kung paanong mag-apela ng mga desisyon ng sentrong pangrehiyon, tingnan ang kabanata 12 ng aming lathala na pinamagatang Rights Under the Lanterman Act, kung saan ay maaaring matagpuan sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/506301Ch12.pdf

6. Ano ang Reklamo na Section 4731?

Maaari kang maghain ng Reklamo na Section 4731 kung nilalabag ng sentrong pangrehiyon ang batas o nilalabag ang isang regulasyon.

Nangangahulugan ito na kung nalabag na ang iyong mga karapatan o tinanggihan, angpaghahain ng Reklamo na Section 4731 ay ang maaaring maging naaangkop na legal na pamamaraan. Maaari kang maghain ng Reklamo na Section 4731 kung hindi sinusunod ng sentrong pangrehiyon ang isang desisyon ng isang Administrative LawJudge (“ALJ”) o kung hindi nila sinisiguro na makukuha mo ang mga serbisyo na nakalista sa iyong IPP.

Ang Reklamo na Section 4731 ay hindi pareho gaya nang apela ng patas na pagdinig. Hindi ka maaaring maghain ng reklamo para magresolba ng hindi pagkakasundo tungkolsa halaga ng mga serbisyo na nakukuha mo o ang mga uri ng suporta sa iyong IPP. Ginagamit lamang ang Reklamo na Section 4731 kung nilalabag ng sentrong pangrehiyon, sentro ng paglilinang, o service provider ang batas o nilalabag ang isangregulasyon.

Bilang halimbawa, nilalabag ng sentrong pangrehiyon ang batas kung: hindi silanagkakaloob ng mga serbisyo sa iyong IPP, o hindi nila ginagawa kung ano ang napagpasyahan ng ALJ. Maaari kang maghain ng Reklamo na Section 4731 laban sa isang sentrong pangrehiyon, sentro ng paglilinang, o isang service provider (tulad ng mga pasilidad ng pangangalagang pangkomunidad, mga programa sa araw, o anumang serbisyo ng transportasyon na inuupahan ng sentrong pangrehiyon).38 Para ihain ang iyong reklamo, sumulat sa direktor ng iyong sentrong pangrehiyon. Para sa higit na impormasyon sa kung paanong maghain ng Reklamo na Section 4731, tingnan ang kabanata 12 ng Rights Under the Lanterman Act Manual.

7. Ano ang Office of Clients’ Rights Advocacy (OCRA)?

Kung may mga katanungan ka o tulong sa mga serbisyo ng iyong sentrong pangrehiyon, maaari mong tawagan ang Office of Clients’ Rights Advocacy (OCRA). Matutulungan ka ng OCRA na maunawaan ang iyong mga karapatan at responsibilidad kabilang angiyong karapatan sa mga serbisyo mula sa sentrong pangrehiyon at iba pang programa. Ang mga pagtataguyod ng OCRA ay maaaring matulungan kang magresolba ng mga problema habang ipinagpapatuloy ang legal, administratibo, o iba pang naaangkop na remedyo para matiyak ang proteksyon ng iyong mga karapatan. Para kontakin ang OCRA, tumawag sa 1-800-390-7032.

8. Mga nakatutulong na Mapagkukunan

Ang sumusunod na link ay sa mga mapagkukunan ng California Services for Technical Assistance and Training (CalSTAT) sa “Pagbabago: Eskuwela sa Buhay ng May Sapat Na Gulang”.

http://www.calstat.org/transitionmessages.html

Ang sumusunod na link ay sa mga mapagkukunan ng California Transition Alliance na kaugnay sa Pagbabago.

http://www.catransitionalliance.org/resources/

Kung may mga katanungan ka, maaari mong kontakin ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.

Gusto naming makarinig mula sa iyo! Mangyaring kumpletuhin ang sumusunod nasurvey tungkol sa aming mga lathala at ipaalam sa amin kung kumusta ang ginagawa naming! [Gawin ang Survey]

Para sa legal na tulong tumawag sa 800-776-5746 o kumpletuhin ang hiling para saform ng tulong Para sa iba pang mga layunin tawagan ang call 916-504-5800 (Northern CA); 213-213-8000 (Southern CA).

Pinopondohan ang Disability Rights California ng iba't ibang pinagkukunan, para sa isang kumpletong listahan ng mga nagpopondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/Documents/ListofGrantsAndContracts.html

  • 1. Public Law 113-128 (29 U.S.C. Sec. 3101, et. seq.)
  • 2. 29 U.S.C. Sec. 733(d)(4)
  • 3. 34 Code of Federal Regulations (CFR) Sec. 300.43 (a); 20 USC Sec. 1401(34)
  • 4. 34 C.F.R Sec. 300.320(b)(1).
  • 5. 20 U.S.C. Sec. 1414(d)(1)(A)(i)(VIII); 34 C.F.R. Sec. 300.320(b).
  • 6. 34 C.F.R Sec. 300.320(b)(2)
  • 7. 20 U.S.C. Sec. 1401(34); 34 C.F.R. Sec. 300.43(a).
  • 8. 20 U.S.C. Sec. 1401(34)(c); 34 C.F.R. Sec. 300.43(a)(2)(i).
  • 9. 20 U.S.C. Sec. 1401(34)(c); 34 C.F.R. Sec. 300.43(a)(2)(iii).
  • 10. 20 U.S.C. Sec. 1401(34)(c); 34 C.F.R. Sec. 300.43(a)(2)(iv).
  • 11. 20 U.S.C. Sec. 1401(34)(c); 34 C.F.R. Sec. 300.43(a)(2)(ii).
  • 12. 20 U.S.C. Sec. 1401(34)(c); 34 C.F.R. Sec. 300.43(a)(2)(v).
  • 13. 20 U.S.C. Sec. 1401(34)(c); 34 C.F.R. Sec. 300.43(a)(2)(v).
  • 14. 34 C.F.R. Sec. 300.321(b)(1).
  • 15. 34 C.F.R. Sec. 300.321(b)(2).
  • 16. 34 C.F.R. Sec. 300.321(b)(3).
  • 17. Cal. Code Regs, tit. 9, Secs. 7028.6 and 7149(r).
  • 18. Cal. Code Regs, tit. 9, Sec. 7062
  • 19. Cal. Code Regs, tit. 9, Sec. 7131.2(a); 34 CFR Sec. 361.22(a)(2).
  • 20. Cal. Code Regs, tit. 9, Sec. 7131(a)(1) and (2).
  • 21. DOR State Plan 2012, Attachment 4.8(b)(2) (”DOR State Plan”), Pahina 3 (Matatagpuan sa: http://www.rehab.cahwnet.gov/Public/DOR-State-Plan.html); Cal. Code Regs, tit. 9, Secs.7028.6,7131.2 at 7149.
  • 22. 29 U.S.C. Sec. 733(b)
  • 23. Tingnan ang pangkaraniwan Cal. Wel. & Instit. Code Sec. 4512(b).
  • 24. Cal. Wel. & Instit. Code Sec. 4512(b).
  • 25. Cal. Wel. & Instit. Code Sec. 4648.55.
  • 26. Cal. Wel. & Instit. Code Sec. 4648.55(d).
  • 27. Cal. Wel. & Instit. Code Sec. 4646(a).
  • 28. 34 C.F.R. Sec. 300.102; Cal. Ed. Code Sec. 56026(c)(4) & 56026.1.
  • 29. 20 U.S.C. Sec. 1401(9); 34 C.F.R. Sec. 300.17
  • 30. 20 U.S.C. Sec. 1414(d)(1)(A)(i)(VIII); 34 C.F.R. Sec. 300.320(b); Cal. Ed. Code Sec. 56026(c)(4).
  • 31. 20 U.S.C. Sec. 1414(d)(1)(A)(i)(VIII); 34 C.F.R. Sec. 300.320(b); Cal. Ed. Code Sec. 56026(c)(4).
  • 32. 20 U.S.C. Sec. 1412(a)(12)(B)(i).
  • 33. 20 U.S.C. Sec. 1412(a)(12)(B)(ii).
  • 34. Cal. Code Regs, tit. 9, Secs. 7028.6 and 7149(r).
  • 35. Cal. Code Regs, tit. 9, Sec. 7149.
  • 36. Cal. Code Regs, tit. 9, Sec. 7353(f).
  • 37. Tingnan ang pangkaraniwan 29 U.S.C. Sec. 732.
  • 38. Cal. Wel. & Instit. Code Sec. 4731(b).