Suportadong Pagtatrabaho: Papel ng Impormasyon sa Pinahabang mga Serbisyo at Pagsasara ng Kaso
Suportadong Pagtatrabaho: Papel ng Impormasyon sa Pinahabang mga Serbisyo at Pagsasara ng Kaso
Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga pinalawig na serbisyo. Ito ang mga suportadong serbisyo sa pagtatrabaho na makukuha mo pagkatapos isara ng Department of Rehabilitation (DOR) ang iyong kaso. Nagbibigay ang pub na ito ng mga halimbawa ng mga serbisyo. Sinasabi nito sa iyo kung paano kunin at bayaran ang mga ito. Sinasabi nito sa iyo kung paano makakuha ng tulong kung mayroon kang problema sa pagkuha ng mga serbisyo.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
1. Ano ang suportadong pagtatrabaho?
Sa ilalim ng batas ng regulasyon ng California na namamahala sa mga serbisyo ng bokasyunal na rehabilitasyon na pinondohan sa pamamagitan ng Kagawaran ng Rehabilitasyon (DOR, Department of Rehabilitation), ang suportadong pagtatrabaho ay nangangahulugang:
“makatwirang pagtatrabaho sa isang pinagsamang kapaligiran, o pagtatrabaho sa isang pinagsamang kapaligiran ng pagtatrabaho kung saan ang mga indibidwal ay nagtatrabaho para sa makatwirang pagtatrabaho, na alinsunod sa mga kalakasan, mapagkukunan, prayoridad, alalahanin, kasanayan, kakayahan, interes, at naipaliwanag na pagpipilian ng mga indibidwal, na may patuloy na suporta para sa mga indibidwal na may pinakamakabuluhang mga kapansanan…kung kaninong ang makatwirang pagtatrabaho ay hindi karaniwang nangyayari o kung kaninong ang makatwirang pagtatrabaho ay natigil o patigil-tigil bilang resulta ng makabuluhang kapansanan; at kung sinong, dahil sa katangian at kalalaan ng kanilang mga kapansanan ay nangangailangan ng masinsinang mga serbisyo ng suportadong pagtatrabaho mula sa [DOR] at pinahabang mga serbisyo matapos ang transisyon…upang magampanan ang trabahong ito.”
Tingnan ang Titulo 9 ng Kodigo ng Regulasyon ng California (C.C.R., California Code of Regulations) § 7028(a). Ang mga serbisyo ng suportadong pagtatrabaho ay dapat na matugunan ang espesyal na mga pangangailangan ng bawat mamimili.
Kung ikaw ay isang kliyente ng DOR na may Isinariling Plano para sa Pagtatrabaho (IPE, Individualized Plan for Employment) para sa “suportadong pagtatrabaho” (“supported employment”), matutukoy din kinalaunan ng DOR na matatag ang iyong pagtatrabaho at isasara ang iyong kaso ng DOR. Ang patuloy na serbisyo ng suporta ay mangangailangan ng pagpopondo mula sa ibang mapagkukunan na tinatawag na “pinahabang serbisyo” (“extended service”). Bago ka makarating sa puntong ito, dapat na nagtatrabaho ka sa isang trabaho sa komunidad na kumikita ng may makatwirang sahod at nagtatrabaho ng pinakamataas na bilang ng oras na maaari batay sa iyong kakaibang kalagayan at “naipaliwanag na pagpipilian” (“informed choice”).
2. Ano ang naipaliwanag na pagpipilian?
Ang naipaliwanang na pagpipilian ay ibinibigay sa pamamagitan ng buong proseso ng bokasyunal na rehabilitasyon. Ang naipaliwanag na pagpipilian ay ang proseso ng pagpapasiya kung saan ikaw, ang mamimili, ay may pagkakataon na malaman ang tungkol sa mga kaugnay na impormasyon tungkol sa trabaho. Ibig sabihin nito, ikaw ay makakapili ng (sa tulong ng tagapayo ng bokasyunal na rehabilitasyon at depende sa mga mapagkukunan na magagamit) resulta ng iyong pagtatrabaho, iyong mga intermedyang layunin, mga serbisyong kakailanganin mo upang makamit ang iyong resulta ng pagtatrabaho, at mga tagapagbigay ng serbisyo.
9 C.C.R. § 7029.6.
3. Ano ang pinahabang mga serbisyo?
Ang mga pinahabang serbisyo ay mga patuloy na serbisyo ng suporta at iba pang angkop na mga serbisyo na kailangan mo upang suportahan at mapanatili ang iyong suportadong pagtatrabaho matapos na ang iyong kaso ng DOR ay isara. 9 C.C.R. § 7014.1.
4. Sino ang makakapagbigay ng pinahabang mga serbisyo?
Ang pinahabang mga serbisyo ay maibibigay ng isang ahensiya ng estado, pribadong hindi-pinagkakakitaang organisasyon, o anumang mga angkop na mapagkukunan. 9 C.C.R. § 7014.1. Maaaring kasama rito ang koordinasyon ng ibang mga serbisyo na karapat-dapat mong tanggapin mula sa mga programang pederal o estado. 9 C.C.R. § 7131.1(a)(5). Halimbawa, kung ikaw ay isang kliyente ng sentrong panrehiyon, ang pinahabang mga serbisyo ay malamang na manggaling mula sa sentrong panrehiyon. Maaari mong pag-isipan na imbitahin ang iyong tagapag-ugnay ng serbisyo ng sentrong panrehiyon sa iyong (mga) pulong ng IPE kasama ng DOR upang masiguro na ang parehong ahensiya ay mayroon ng impormasyon na kailangan nila tungkol sa iyong trabaho upang maiugnay ka nila sa mga serbisyo.
5. Paano ako makakahanap ng pagpopondo para sa aking pinahabang mga serbisyo kung hindi ako kliyente ng sentrong panrehiyon?
Sa panahon ng pagbuo ng iyong IPE, tutukuyin mo at ng DOR ang mapagkukunan ng pinahabang mga serbisyo upang magbigay o magpondo ng iyong patuloy na serbisyo ng suporta. Maaari ring isama ng DOR sa iyong IPE ang paglalarawan na batayan ng pagpapasiya na mayroong makatwirang pagpapalagay na ang mga mapagkukunan na ito ay magagamit. 9 C.C.R. § 7131.1(a)(3). Ibig sabihin, kung ikaw at ang DOR ay hindi makahanap ng ng pinahabang mga serbisyo habang binubuo ang iyong IPE, maaari ka pa ring tulungan ng DOR sa iyong mga serbisyo sa suportadong pagtatrabaho kung mayroong makatwirang pagpapalagay na magkakaroon ng mga ng pinahabang mga serbisyo sa hinaharap.
6. Ano ang ilang halimbawa ng pinahabang mga serbisyo at pagpopondo?
Ang ilang pinahabang mga serbisyo ay binabayaran ng mga ahensiya, programa ng insentibo sa trabaho o miyembro ng pamilya, at ang ilan ay maaaring walang bayad. Ang iyong employer, miyembro ng pamilya o katrabaho ay maaaring makapagbigay sa iyo ng suporta upang matulungan ka na mapanatili ang iyong trabaho. Kapag mayroong pinahabang mga serbisyo para sa iyo na walang bayad, tinatawag itong “suportang natural” (“natural support”).
Ang mga serbisyong nangangailangan ng pagpopondo ay maaaring bayaran ng ibang entidad/mapagkukunan na tutulong sa iyo at pumapayag na gawin ito sa iyong plano ng serbisyo. Maaaring kasama rito ang Plan ng Isinariling Edukasyon (IEP, Individualized Education Plan) ng distrito ng paaralan, isang Plan ng Malayang Pamumuhay ng Sentro ng Malayang Pamumuhay (Independent Living Center’s Independent Living Plan), Mga Gastos na Kaugnay sa Kapansanan (IRWE, Impairment-Related Work Expenses) ng Pangangasiwa ng Segurong Panlipunan (SSA, Social Security Administration), Plan ng Pangangasiwa ng Segurong Panlipunan para sa Pagkakamit ng Sariling Pagsuporta (PASS, Plan for Achieving Self Support), o isang Tiket para Makapagtrabaho (TTW, Ticket to Work). 9 C.C.R. §7131.1(a)(5). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa IRWE, PASS and TTW, tingnan ang Mga Pampublikong Benepisyo para sa mga Taong may Kapansanan (Public Benefits for People with Disabilities), Lat #5014.01.
Halimbawa, kung tumatanggap ka ng Dagdag na Segurong Kita (SSI, Supplemental Security Income) at Segurong Panlipunang Kita ng May Kapansan (SSDI, Social Security Disability Income), maaari kang maging karapat-dapat para sa patuloy na mga serbisyo sa pamamagitan ng planong PASS. Pinahihintulutan ng planong PASS ang isang indibidwal na may kapansanan na makapagtabi ng kita at mapagkukunan nang walang multa, upang bayaran ang mga item na may kaugnayan sa isang layunin sa trabaho. Kung nakakatanggap ka lamang ng SSI, maaaring may makatwirang pagpapalagay na maaari kang maging karapat-dapat para sa PASS kapag nagsimula ka ng magtrabaho at kumita. Titulo 20 Kodigo ng Pederal na Regulasyon (C.F.R., Code of Federal Regulations) § 413.1226.
Ang IRWE ay isang programa ng insentibo sa trabaho sa pamamagitan ng SSA kung saan ang pera na iyong ginastos sa anumang gastos sa trabaho na may kaugnay sa kapansanan, kasama na ang patuloy na mga serbisyong pansuporta, ay hindi isasama bilang kinitang sahod. 20 C.F.R. § 416.1112(c)(6). Dahil dito, makakapagtrabaho ka habang napapanatili ang buwanang benepisyo sa pamamagitan ng SSA.
7. Maaari bang isara ng DOR ang aking kaso kung hindi makahanap ng pinahabang mga serbisyo?
Oo. Kung kinakailangan mo ng pinahabang mga serbisyo para sa suportadong pagtatrabaho, at walang mapagkukunan ng pinahabang mga serbisyo ang makukuha, maaaring isara ng DOR ang iyong kaso. 9 C.C.R. § 7179.3(a)(8). Subalit, hindi maaaring isara ng DOR ang iyong kaso kung hindi ka kliyente ng sentrong panrehiyon. Ang pinahabang mga serbisyo ay maaaring manggaling sa maraming iba pang mapagkukunan maliban sa sentrong panrehiyon. Dapat na tulungan ka ng DOR sa paghahanap ng ibang mapagkukunan ng pinahabang mga serbisyo. Maaaring kasama rito ang ibang mga ahensiya o mga organisasyon sa komunidad kung saan ikaw ay karapat-dapat para sa mga serbisyo. Ang pinahabang mga serbisyo ay maaari ring ibigay ng isang kaibigan o miyembro ng pamilya; tinawag itong natural na suporta. Sa ilang mga sitwasyon, maaaring magbigay ang DOR ng patuloy na mga serbisyo ng suporta at iba pang angkop na mga serbisyo na kailangan mo upang mapanatili ang iyong trabaho bilang “mga serbisyo matapos ang trabaho” (tingnan ang tanong 9 sa ibaba) kung hindi ito makukuha sa pamamagitan ng mga tagapagbigay ng pinahabang mga serbisyo. 9 C.C.R. § 7028.1(b).
8. Kailan maikukunsidera ng DOR na ang aking trabaho ay matatag at isara ang aking kaso?
Kapag nagsimula ka nang magtrabaho, bibigyan ka ng DOR ng mga serbisyo ng patuloy na suporta at iba pang angkop na mga serbisyo na kailangan mo para mapanatili ang iyong trabaho. Kadalasan, ang DOR ay magbibigay lamang ng mga serbisyong ito hanggang 24 na buwan, subalit, ikaw at iyong Tagapayo sa Rehabilitasyon ay parehong maaaring pumayag na palawigin ang palugit upang makamit mo ang iyong mga layunin sa IPE. (Pinalawig ng bagong Batas para sa Pamumuhunan at Pagkakataon sa Trabaho (WIOA, Work Investment and Opportunity Act), ang panahon upang makatanggap ng mga serbisyong pansuporta mula 18 hanggang 24 na buwan, na may opsyon na dagdagan ang palugit, tingnan ang Pampublikong Batas (Public Law) Blg. 113-128, Seksyon 404; tingnan din ang 9 C.C.R. § 7028.1(a).
Ang kaso ng iyong DOR ay maaaring matagumpay na isara kapag:
- Nakamit mo na ang layunin sa pagtatrabaho sa iyong IPE at ang trabaho ay nakahanay sa iyong mga kalakasan, mapagkukunan, prayoridad, alalahanin, abilidad, kakayahan, interes at naipaliwanag na pagpipilian; at
- Ikaw at ang DOR ay parehong sumasang-ayon na ang iyong trabaho ay kasiya-siya at ikaw ay gumaganap nang maayos; at
- Ang pagpopondo ay natransisyon sa isang mapagkukunan ng pinahabang mga serbisyo; at
- Napanatili mo ang pagtatrabaho nang hindi bababa sa 60 araw bago ang pagtransisyon sa pinahabang mga serbisyo, upang masiguro ang katatagan ng iyong resulta sa pagtatrabaho at hindi bababa sa 60 araw kasunod ng pagtransisyon sa pagpapatuloy ng mga serbisyo at
- Ang porsiyento ng pamamagitan [halimbawa, gaano karaming pagtuturo sa trabaho ang kailangan mo] ay:
- Hindi lalampas sa 20 porsiyento nang hindi bababa sa 60 araw; o
- Hindi lalampas sa 25 porsiyento nang hindi bababa sa 90 araw; o
- Hindi lalampas sa 30 porsiyento nang hindi bababa sa 120 araw Tingnan ang 9 C.C.R. § 7179.7.
9. Ano ang mga serbisyo matapos ang trabaho?
Kung patuloy kang mangailangan ng mga serbisyo upang gampanan ang iyong trabaho, maaari kang humingi sa DOR ng mga serbisyo sa loob ng isang taon matapos na maisara ang iyong kaso. Tinatawag ang mga ito na “mga serbisyo matapos ang trabaho” (“post-employment services”) at idinesenyo upang tulungan ka na mapanatili ang mga pagsulong na nagawa sa pamamagitan ng bokasyunal na rehabilitasyon. Para sa mga taong ang kaso ay isinara na may “suportadong pagtatrabaho” bilang layunin ng pagtatrabaho, ang nakalaan para sa mga serbisyo matapos ang trabaho ay limitado ng oras at saklaw. Ang mga serbisyo matapos ang trabaho sa mga kasong ito ay limitado lamang sa mga serbisyo na hindi makukuha sa pamamagitan ng mga mapagkukunan ng pagpapatuloy ng mga serbisyo (tingnan ang talakayan sa “pagpapatuloy ng mga serbisyo” sa itaas) at dapat din na kinakailangan upang suportahan at panatilihin ang isang indibidwal sa pagtatrabaho. 9 C.C.R. § 7176.
10. Paano kung kailangan ko ng tulong sa suportadong pagtatrabaho o pinahabang mga serbisyo?
Kung hindi ka sumasang-ayon sa pagsara ng iyong kaso o may mga katanungan tungkol sa suportadong pagtatrabaho o pinahabang mga serbisyo, maaari kang makipag-ugnayan sa Programa ng Tulong para sa Kliyente (CAP, Client Assistance Program) sa pamamagitan ng pagtawag sa DRC sa (800)776-5746 o TTY (800)719-5798; o pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/547401accessible.pdf