Papel ng Impormasyon sa Pagsasara ng Kaso ng Mga Serbisyong Bokasyunal na Rehabilitasyon

Publications
#F074.08

Papel ng Impormasyon sa Pagsasara ng Kaso ng Mga Serbisyong Bokasyunal na Rehabilitasyon

Sinasabi sa iyo ng pub na ito kung kailan maaaring isara ng Department of Rehabilitation (DOR) ang iyong kaso. Sinasabi nito sa iyo kung paano mo malalaman kapag isinara ng DOR ang iyong kaso. Sinasabi nito sa iyo kung paano humingi ng tulong kung ayaw mong isara ang iyong kaso.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

 

Ano ang ibig sabihin kapag sinabi ng Kagawaran ng Rehabilitasyon (DOR, Department of Rehabilitation) na isinara ang aking kaso?

Ang pagsasara ng kaso ay kung napagpasyahan ng DOR na hindi na ito magbibigay ng mga serbisyong bokasyunal na rehabilitasyon sa iyo. Ipinahayag ng Titulo 9 ng Kodigo ng mga Regulasyon ng California (C.C.R., California Code of Regulations) mga seksyon 7179 hanggang 7181.1 ang mga responsibilidad ng DOR at ng kliyente kaugnay sa pagsasara ng kaso.

Kailan maaaring isara ng DOR ang aking kaso?

Ayon sa batas, maaaring isara ng DOR ang iyong kaso kapag:

  • Naabot mo na ang iyong layunin sa trabaho at hindi mo na kailangan ang mga serbisyo ng DOR upang mapanatili ang iyong trabaho at naibigay na ng DOR ang lahat ng napagkasunduan sa iyong Isinariling Plano para sa Trabaho (IPE, Individualized Plan for Employment);
  • Ikaw ay napag-alamang hindi karapat-dapat para sa mga serbisyo ng DOR batay sa ilang mga pamantayan, kabilang ang pagiging sobrang malubha ng iyong kapansanan na hindi mo mapapakinabangan ang mga serbisyo ng DOR;
  • Pinili mong hindi lumahok sa programa ng DOR o hindi ka makakalahok sa programa ng DOR dahil sa iba pang dahilan. Kabilang sa mga halimbawa ang kung ikaw ay may malubhang problema sa kalusugan na pumipigil sa iyo mula sa paglahok sa programa ng DOR kahit na may mga makatwirang kaluwagan; kung ikaw ay tumanggi o hindi kayang lumahok sa kinakailangang mga pagtatasa ng DOR para sa layuning pagiging karapat-dapat; kung ang DOR ay walang kasalukuyang impormasyon ng pakikipag-ugnayan at hindi ka mahanap; kung ikaw ay nasa isang institusyon, tulad ng isang ospital o kulungan, nang mahabang panahon; o kung ikaw ay naging bahagi ng kriminal na gawain habang gumagamit ng mga serbisyo ng DOR.

Paano ko malalaman kung isasara ng DOR ang aking kaso?

Dapat magpadala ang DOR sa iyo ng nakasulat na abiso na nagsasabi na ang iyong kaso ay isinara. Inaatas na ang abiso ay may impormasyon tungkol sa kung bakit isinara ang iyong kaso, impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan na umapela kasama ang pamamagitan, administratibong pagsusuri, proseso ng patas na pagdinig, at impormasyon tungkol sa Programa ng Tulong sa Kliyente (CAP, Client Assistance Program).

Ano ang maaari kong gawin kung hindi ako sang-ayon sa pasya ng DOR na isara ang aking kaso?

May iba-ibang lebel ng pag-apela ang DOR. Ang unang lebel ng pag-apela ay ang pagkausap sa iyong tagapayo ng rehabilitasyon at/o sa iyong superbisor ng tagapayo tungkol sa pagsasara ng iyong kaso. Maaari ang prosesong ito, halimbawa, kapag ang iyong kaso sa DOR ay naisara dahil hindi ka mahanap pero kinalaunan ay nakipag-ugnayan sa DOR; o, sa mga sitwasyon kung saan ikaw ay sumusulong sa katunayan tungo sa iyong layunin sa IPE ngunit hindi alam ng DOR ang iyong pagsulong. Maaaring kinakailangang pag-aralan ng DOR ang iyong isinarang kaso, kung hihilingin mo at ang kaso mo ay isinara sa nakaraang 12 buwan. Sa ilang pagkakataon, sasang-ayon ang DOR na muling buksan ang iyong kaso kung maipapakita mo na ikaw ay handang sumulong tungo sa iyong layunin sa IPE o sumunod sa mga kahilingan ng DOR.

Kung hindi ka sang-ayon sa pasya ng DOR na isara ang iyong kaso, maaari ka ring humiling ng administratibong pagsusuri sa Tagapangasiwa ng Distrito (District Administrator) ng DOR, pamamagitan at/o isang patas na pagdinig sa loob ng isang taon ng pagpasya ng DOR. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan na umapela at mga panahon na maaaring gamitin sa iyong sitwasyon, pumunta sa link ng DOR; http://www.rehab.cahwnet.gov/Appeals/FairHearForms.html#DR107.

Maaari ba akong muling mag-apply para sa mga serbisyo ng DOR matapos isara ang aking kaso?

Oo, maaari kang muling mag-apply para sa mga serbisyo kung kailangan mo muli ang mga serbisyo mula sa DOR. Kailangang gumawa ang DOR ng pagtukoy sa pagiging karapat-dapat at tulungan kang bumuo ng bagong IPE.

Maaari ring isaalang-alang ng DOR ang impormasyon sa iyong naunang file ng kaso sa DOR sa pagtukoy sa iyong pagiging karapat-dapat para sa mga serbisyo kapag muling nag-apply para sa mga serbisyo ng DOR. Para sa impormasyon tungkol sa pagiging karapat-dapat sa DOR, mangyaring sumangguni sa papel ng impormasyon ng CAP na pinamagatang Eligibility for Vocational Rehabilitation Services sa: http://www.disabilityrightsca.org/pubs/06601.pdf