Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Publications
#5581.01

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa suportadong trabaho. Ipinapaliwanag ng pub na ito kung ano ito. Kasama sa mga serbisyong ito ang mga job coach. Sinasabi nito sa iyo kung paano makukuha ang mga serbisyo mula sa Department of Rehabilitation (DOR). Sinasabi nito sa iyo kung paano makakuha ng tulong kung mayroon kang problema sa pagkuha ng mga serbisyo.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

1. Ano ang sinusuportahang pagtatrabaho?

Sa ilalim ng batas hinggil sa pangangasiwa ng estado ng California na namumuno ng mga serbisyo ng bokasyonal na rehabilitasyon na pinopondohan sa pamamagitan ng Department of Rehabilitation (DOR), ang sinusuportahang pagtatrabahao ay nangangahulugang:

“kompetitibong pagtatrabaho sa isang pinagsamang kaligiran, o pagtatrabaho sa mga pinagsamang kaligiran ng trabaho kung saan ang mga indibidwal ay nagtatrabaho tungo sa kompetitibong pagtatrabaho, na hindi nagbabago sa mga katatagan, pinagkukunan, prayoridad, alalahanin, abilidad, kakayahan, interest, at napaalaman na pagpili ng mga indibidwal, na may kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo para sa mga indibidwal na may mga kapansin-pansin na kapansanan…kung kanino ang kompetitibong pagtatrabaho ay hindi tradisyunal na nagaganap o kung kanino itinigil o paulit-ulit na ang kompetitibong pagtatrabahao bilang isang resulta ng isang kapansin-pansin na kapansanan; at siya, dahil sa gawi at kalalaan ng kanilang mga kapansanan, ay kailangan nang intensibong mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho mula sa [DOR] at mga pinahabang serbisyo pagkatapos ng pagbabago…para isagawa ang trabahong ito.” 

Tingnan ang Title 9 ng California Code of Regulations (C.C.R.) § 7028(a). 

Dapat matugunan ng mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho ang mga isinaespesyal na pangangailangan ng bawat consumer at isama ang mga serbisyo ng “on-site na suporta sa pagpapayo sa trabaho sa isang panggrupo o sa isang pang-indibidwal na paghahanap ng mapapasukan sa lugar ng trabaho, at mga off-ste na serbisyo sa isang pang-indibidwal na paghahanap ng mapapasukan kung kinakailangan ang mga ito para mapanatili ang pagtatrabaho ng consumer kabilang ang pagsasanay, destinasyon pagsasanay,1 pagtataguyod, at pamamagitan sa pagkawala ng trabaho.” Tingn ang pahina 98, 2015 State Plan Supported Employment Supplement sa: http://www.rehab.cahwnet.gov/Public/DOR-State-Plan.html: at saka, tingnan ang, Rehabilitation Administrative Manual (R.A.M.) § 31500. 

2. Ang sinusportahang pagtatrabaho ba ay isang panggrupo o pang-indibidwal na paghahanap ng mapapasukan?

Pareho. Ang sinusuportahang pagtatrabaho ay ang pangkalahatang katawagan na sumasaklaw sa parehong panggrupo2 at pang-indibidwal3 na mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho.  

Ang panggrupong sinusuportahang pagtatrabaho ay isang serbisyo ng pagtatrabaho na nakalaan sa mga indibidwal na may mga kapansanan sa pamamagitan ng DOR.  Sa panggrupong sinusuportahang pagtatrabaho, sa pagitan ng tatlo at walong consumer ay tumatanggap ng suporta mula sa isang trabaho ng pagpapayo at maaaring mabayaran nang sub-minimum na mga sahod. Tingnan ang Welfare and Institutions Code (WIC) § 4851(r).  Ang panggrupong sinusuportahang pagtatrabaho ay paminsan-minsang tinutukoy bilang isang “enclave” na nangangahulugan na mayroong isang maliit na grupo, o isang “work crew” ng mga tao na may mga kapansanan na magkakasamang nagtatrabaho, kadalasan sa mga kaligiran na pinagbuklod-buklod na malayo sa mga taong walang mga kapansanan.

Ang mga serbisyong sinusuportahang pagtatrabahong pang-indibidwal ay pinahihintulutan ang mga tao na may mga kapansanan na magtrabaho sa mga paligid ng pinagsamang pagtatrabaho at mga kompetitibong sahod. 9 C.C.R. § 7006.3(b).  Kabilang sa mga naturang serbisyo ang pagtuklas at paglilinang ng trabaho, bokasyonal na pagtatasa, pagpapayo sa trabaho, at pagsasanay sa trabaho na binibigyan kakayahan ang mga indibidwal na ma-access ang mga trabaho sa tipikal na mga kaligiran ng trabaho na nasa komunidad kung saan nakikisalamuha sila sa mga walang kapansanang katrabaho, customer, at mga kapantay.  An mga indibidwal na ito ay kadalasang kumikita nang kompetitibong mga sahod, at paminsan-minsang nakatatanggap ng mga benepisyo. Tingnan ang 9 C.C.R. § 7006.3(b) (ipinapahiwatig na ang mga trabaho ng sinusuportahang pagtatrabho ay dapat mabayaran nang o mataas sa pinakamababang sahod, ngunit hindi bababa sa nakaugaliang sahod at lebel ng mga benepisyo na binabayaran ng employer para sa pareho o katulad na trabahong ginagawa ng mga indibidwal na walang kapansanan); 20 United States Code (U.S.C.) § 795k(b)(6)(G) (ipinapahiwatig na ang mga serbisyong ito ay dapat isama ang paghahanap ng mapapasukan sa isang pinagsamang kaligiran para sa pinakamaraming bilang ng mga oras na posible batay sa kakaibang mga kalakasan, pinagkukunan, prayoridad, alalahanin, abilidad, kakayahan, interest, at napaalamang pagpipilian ng mga indibidwal nang may mga pinaka-kapansin-pansing kapansanan).

3. Sino ang karapat-dapat para sa sinusuportahang pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR?

Ayon sa State Plan ng DOR, ang DOR ang nagkakaloob ng ganap na saklaw ng mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho sa mga indibidwal na natuklasang kapat-dapat sa mga pinaka-kapansin-pansing kapansanan, na kinakailangan ng mga pinahabang serbisyo para panatilihin ang pagtatrabaho, at nagkaroon nang kahit isang makatwirang inaasahan na magiging availabale ang isang pinagkukunan ng mga pinahabang serbisyo sa panahon ng pagbabago sa mga pinahabang serbisyo. 9 C.C.R § 7131.1(a)(3) (idinagdag ang pagpapahalaga).  Kung ikaw ay isang indibidwal na may isang pinaka-kapansin-pansing kapansanan, isasaalang-alang ng DOR ang kasaysayan ng iyong trabaho at mga pangangailangan kapag pinagpapasyahan ang iyong pagkanararapat para sa sinusuportahang pagtatrabaho.  9 C.C.R. § 7028.  Ang mga taong maaaring maging karapat-dapat para sa mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho ay maaaring isama ngunit hindi limitado sa: sa mga taong may traumatikong pinsala sa utak/natamong pinsala sa utak, kapansanan sa kalusugan hinggil sa pag-iisip, mga diperensyang autism spectrum, mga kapansanang pangkaisipan at mga kapansanan hinggil sa paglilinang.  9 C.C.R. §7017.2.  Tingnan ang “Eligibility for Vocational Rehabilitation Services Fact Sheet” para sa higit na impormasyon sa proseso ng pagkanararapat sa DOR: http://www.disabilityrightsca.org/pubs/F06601.pdf.

Upang makatanggap ka ng mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho, dapat mong magawang maipakita na mayroon kang pangangailangan para sa intensibong mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho mula as DOR, pati na rin ang pangangailangan para sa mga pinahabang serbisyo pagkatapos mong magbago sa isa pang provider ng mga pinahabang serbisyo, para magpanatili ng trabaho sa kumpetitibong pagtatrabaho.  9 C.C.R. § 7028(a).  Dapat magpursigi ang DOR para kilalanin ang mga pinagkukunan ng mga pinahabang serbisyo para sa mga consumer na kailangan ng sinusuportahang pagtatrabaho, kabilang ang mga likas na suporta.  Dapat kilalanin ang mga pinagkukunan na iyon sa IPE. 9 C.C.R. § 7131.1(a)(3). 

Ang halaga ng mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho na maaaring ipagkaloob ng DOR ay limitado (hanggang 24 na buwan maliban lang kung mapagpapasyahan ng DOR at ng consumer ang pangangailangan na pahabain ang takdang panahon) at kung kaya ang isa pang mapagkukunan, o iba pang “provider ng mga pinahabang serbisyo,” ay kailangang makilala at makuha bago maumpisahan ng DOR na tulungan ang isang consumer na may mga serbsiyong sinusuportahang pagtatrabaho.  Para sa higit na impormasyon sa mga Provider ng Pinahabang Serbisyo, Tingnan ang Sinusuportahang Pagtatrabaho: Fact Sheet ng mga serbisyong Pinahaba at  Pagsasara ng Kaso, Pub #5582.01.

4. Ano ang ibig sabihin ng indibidwal na may isang pinaka-kapansin-pansing kapansanan?

Ang indibidwal na may isang pinaka-kapansin-pansing kapansanan ay isang tao na mayroong “malalang limitasyon hinggil sa isang resulta ng pagtatrabaho” sa hindi bababa sa apat ng sumusunod na larangan ng kapasidad sa pagganap: pakikipag-usap, mga kasanayan hinggil sa ugnayan, kadaliang kumilos, pangangalaga sa sarili, mga kasanayan sa trabaho, at/o kakayahang magtiis sa trabaho.

AT AY ALINMAN SA isang tao na inaasahan na kakailanganin ng maraming serbisyo ng bokasyonal na rehabilitasyon na lampas sa isang pinahabang tagal ng panahon at may isa o higit pang kapansanang pisikal o hinggil sa pag-iisip na nagresulta mula sa natamong pinsala sa utak, pagputol, arthritis, autism, pagkabulag, pinsala sa sunog, kanser, cerebral palsy, cystic fibrosis, pagkabingi, pinsala sa ulo, sakit sa puso, hemiplegia, hemophilia, HIV, kapansanang pangkaisipan, abnormal na paggana hinggil sa paghinga o pulmon, karamdaman hinggil sa pag-iisip, multiple sclerosis, muscular dystrophy, mga karamdamang musculo-skeletal, mga karamadamang hinggil sa nervous system at mga sakit nito (kabilang ang stroke at epilepsy), mga kundisyon ng gulugod (kabilang ang paraplegia at quadriplegia), sickle cell anemia, karamdaman (specific learning disability), sakit na end-stage renal, o iba pang kapansanan o kumbinasyon ng mga kapansanan na tinutukoy sa batayan sa pagtatasa para sa pagpapasya ng pagkanararapat at mga pangangailangan ng bokasyonal na rehabilitasyon para magdulot ng naipaghahambing na malaki-laking limitasyon hinggil sa pagganap; O isang tao na natukoy na karapat-dapat para sa mga benepisyo ng Social Security sa ilalim ng Title II (Social Security Disability Insurance-SSDI) o Title VI (Social Security Supplemental Insurance-SSI).

See 9 C.C.R. §§ 7017.2 and 7017.5. 

5. Ano ang kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo?

Ang kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo ay ang mga serbisyo na kailangan mo para suportahan ka sa lugar ng iyong pagtatrabaho. Dapat maisama ang mga serbisyong ito sa iyong Individualized Plan for Employment (IPE). Sa sandaling pumasok sa iyong IPE, dapat ipagkaloob ng DOR ang mga serbisyo na ito mula sa panahon na nagsimula kang magtrabaho hanggang sa mabago ang iyong mga serbisyo sa isa o higit pang mga provider ng pinahabang serbisyo.  9 C.C.R. § 7019.5(a).

Maaaring isama sa kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo ang:

  • Mga pagtatasa;
  • Dalubhasang mga tagapagsanay sa trabaho na sinasamahan ka para sa intesibong pagsasanay sa kasanayan sa trabaho sa lugar ng trabaho;
  • Paglilinang at pagsasanay sa trabaho;
  • Pagsasanay sa mga kasanayan hinggil sa pakikisalamuha;
  • Regular na obserbasyon o superbisyon;
  • Mga follow-up na serbisyo kabilang ang regular na kontak sa iyo, iyong employer, iyong mga magulang, mga miyembro ng pamilya, tagapag-alaga, tagapagtaguyod, o mga awtorisadong kinatawan at iba pang angkop na propesyonal at mga napaalamang tagapagpayo, upang patibayin at patatagin ang paghahanap ng mapapasukang trabaho;
  • Mga likas na suporta sa lugar ng trabaho;
  • Anumang iba pang serbisyo ng DOR [kabilang ang pagpapayo sa trabaho];
  • Anumang serbisyong katulad sa mga nakalista dito.

9 C.C.R. § 7019.5(c).

6. Ano ang mga serbisyo ng pagpapayo sa trabaho?

Ang pagpapayo sa trabaho ay isang serbisyo ng DOR na ipinagkakaloob sa mga consumer sa mga trabahong nakabatay sa komunidad at kung saan ang kliyente ay may regular na kontak sa mga kapwa trabahador o miyembro ng publiko na walang mga kapansanan.  9 C.C.R. §§ 7159.5(a) at (b)(3).

Ang tagapagpayo ng trabaho ay nagkakaloob ng:

  • On-the-job na pagsasanay sa kasanayan,
  • Obserbasyon o superbisyon sa lugar ng trabaho,
  • Pagkonsulta/pagsasanay para sa iyong mga katrabaho at superbisor,
  • Tulong sa pagsasama sa kapaligiran ng trabaho,
  • Pagsasanay sa patutunguhan,
  • Tulong sa mga ahensya ng pampublikong suporta,
  • Konsultasyon ng provider ng pamilya at residensyal, at
  • Anumang iba pang serbisyo ng suporta ng on- o off-the-job na kinakailangan para patibayin at patatagin ang paghahanap ng mapapasukang trabaho.

Tingnan ang Welf. & Inst. Code § 19150(a)(5).

7. Paano ko malalaman kung naaangkop ang aking kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo?

Ang naangkop na kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo ay:

  • Naangkop: Ang (mga) serbisyo at ang entidad na nagkakaloob ng (mga) serbisyo na natutugunan ang iyong mga pangangailangan at naaangkop para sa kaligiran ng iyong trabaho (tingnan ang 9 C.C.R. § 7019.5(a) at (b));
  • Proactive: Regular na nagpa-follow-up sa iyo at iyong employer ang (mga) provider ng serbisyo para makasigurado na matatag ang iyong pagtatrabaho (tingnan ang 9 C.C.R. § 7131.1(a)(4)). Ang DOR at iba pang provider ng serbisyo ay hindi dapat maging umaasa lamang sa iyo para humingi ng tulong (RAM § 31500);
  • Sinusubaybayan: Sinusubaybayan ang iyong kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo at sinusuri't pinagpapasyahan para makasigurado na panatag ang iyong pagtatrabaho.  Kabilang dito ang pagsubaybay sa lugar ng iyong trabaho nang hindi bababa sa dalawang beses isang buwan, o kapag hiniling mo ito. Maaari rin nitong isama ang pagsusubaybay nang malayo sa iyong kahilingan at o mga pagpupulong sa iyo nang dalawang beses kada buwan (tingnan ang 9 C.C.R. § 7019.5(b)(1); 34 Code of Federal Regulations (C.F.R.) § 361.5(b)(38)(ii)(A));
  • Patuloy: Dapat ay mayroong isang patuloy na pagtatasa ng katatagan ng iyong pagtatrabaho at pangangailangan para kasalukuyang ginagawang suporta (tingnan ang 9 C.C.R. § 7019.5(b)).

8. Ano ang pagbabagong pagtatrabaho?

Ang pagbabagong pagtatrabaho ay kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo para sa mga indibidwal na may pinaka-kapansin-pansing mga kapansanan sanhi sa karamdaman hinggil sa pag-iisip. Ang “pagbabagong pagtatrabaho” ay nangangahulugan ng serye ng mga pansamantalang paghahanap ng mapapasukang trabaho sa kumpetitibong trabaho, sa mga pinagsamang kaligiran, at sa kasaslukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo. Dapat kasama sa iyong kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo ang patuloy na mga paghahanap ng mapapasukang trabaho hanggang sa magkaroon ka ng permanenteng trabaho.  9 C.C.R. § 7028.8.

9. Ano ang dapat isama sa aking IPE kung ang aking layunin ay sinusuportahang pagtatrabaho?

Dapat kasama sa iyong IPE ang trabaho sa isang pinagsamang kaligiran para sa pinakamaraming bilang ng mga oras na posible batay sa iyong naiibang mga kalakasan, pinagkukunan, prayoridad, alalahanin, abilidad, kakayahan, interes, at napaalamang pagpipilian.  Tinatawag din itong kumpetitibo, pingsamang pagtatrabaho. 9 C.C.R. §§ 7006.3 at 7018.4.  Bilang karagdagan sa karaniwang mga kinakailangan, dapat ilista ng iyong IPE ang anumang pagsasanay sa kasanayan pati na rin ang lahat ng serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho na sinang-ayunan ng DOR na ipagkakaloob, at ang pinahabang mga serbisyo na kakailanganin mo.  Ito'y dapat alinma'y kumilala ng pinagkukunan ng pinahabang mga serbisyo (paano mapopondohan ang iyong kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo pagkatapos maisara ang iyong kaso sa DOR) o isang paglalarawan ng batayan para sa pagpapasya na mayroong makatwirang inaasahan na ang mga pinagkukunan na iyon ay magiging nakalaan.  Dapat ilarawan ng iyong IPE kung paanong makipagtutulungan ang DOR sa iyong ibang provider ng serbisyo para subaybayan ang iyong kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo, pati na rin para matiyak na gumagawa ka ng kasiya-siyang progreso tungo sa pagpapanatag ng iyong pagtatrabaho sa pagbabago papunta sa pinahabang mga serbisyo.  9 C.C.R. § 7131.1.  

10. Paano kung kailangan ko ng tulong sa paghingi ng sinusuportahang pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR?

Kung tatanggihan ng DOR na magkaloob ng mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho, o kung hindi ka sumasang-ayon sa halaga o uri ng mga serbisyo ng sinusuportahang pagtatrabaho sa iyong IPE, o kung may mga katanungan ka tungkol sa sinusuportahang pagtatrabaho at/o ang iyong kasalukuyang isinasagawang mga suporta ng serbisyo, maaari mong kontakin ang Client Assistance Program (CAP) sa pamamagitan ng pagtawag sa DRC sa (800) 776-5746 o TTY 1-800-719-5798; o pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/547401accessible.pdf.

Pinopondohan ang Disability Rights California ng iba't ibang pinagkukunan, para sa isang kumpletong listahan ng mga nagpopondo, pumunta sa HYPERLINK "http://www.disabilityrightsca.org/Documents/ListofGrantsAndContracts.html" http://www.disabilityrightsca.org/Documents/ListofGrantsAndContracts.html

  • 1. Ang pagsasanay sa patutunguhan ay pagsasanay para matutunan ang kasanayan ng pagpasok at pag-uwi mula sa trabaho gamit ang pampbulikong sasakyan (ang bus, tren, atbp.).
  • 2. Ang Panggrupong Sinusuportahang Pagtatrabaho ay tinatawag ding “group services” sa Lanterman Act at tinukoy sa Welf. & Inst. Code § 4851(r).
  • 3. Ang Pang-indibidwal na Sinusuportahang Pagtatrabaho ay tinatawag ding “individualized services” sa Lanterman Act at tinukoy sa Welf. & Inst. Code § 4851(s).