Pagsulong ng Karera: Hindi limitado ang mga kliyente ng Departamento ng Rehabilitasyon sa mga trabahong “entry-level”

Pagsulong ng Karera: Hindi limitado ang mga kliyente ng Departamento ng Rehabilitasyon sa mga trabahong “entry-level”
Ang Workforce Innovation and Opportunity Act (WIOA) ay isang pederal na batas na gumawa ng ilang pagbabago sa kung paano nagbibigay ang mga estado ng mga serbisyo sa bokasyonal na rehabilitasyon. Batay sa WIOA, ang mga regulasyon ng California ay na-update upang alisin ang terminong “entry-level” at kasama na ngayon ang “advanced na pagsasanay,” upang mapakinabangan ng mga indibidwal ang kanilang potensyal sa karera at makamit ang mapagkumpitensyang sahod sa tulong ng DOR.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Minsa’y sinasabihan ang mga kliyente ng Departamento ng Rehabilitasyon (DOR, Department of Rehabilitation) na makakatulong lang ang DOR sa “entry-level” na trabaho. Dati itong bahagi ng batas, pero hindi na ganoon.
Ang Batas para sa Inobasyon at Oportunidad ng Manggagawa (WIOA, Workforce Innovation and Opportunity Act) ay isang pederal na batas na gumawa ng ilang pagbabago sa kung paano inihahatid ng mga estado ang mga serbisyo sa bokasyonal na rehabilitasyon. Batay sa WIOA, na-update ang mga regulasyon ng California para alisin ang terminong “entry-level” at kasama na ngayon ang “advanced na pagsasanay,” para mapakinabangan ng mga indibidwal ang kanilang potensyal sa karera at makamit ang mapagkumpitensyang sahod sa tulong ng DOR.
Ano ang sinasabi dati ng batas tungkol sa entry-level?
Ang terminong “entry-level” ay nasa regulasyon tungkol sa mga serbisyo sa pagsasanay (9 CCR Section 7154). Sinasabi noon ng regulasyong ito na dapat lang magbigay ang DOR ng mga serbisyo sa pagsasanay sa dalawang dahilan:
- Para mapadali ang pagkamit ng layunin sa trabaho.
- Para ihanda ang kliyente para sa angkop na trabaho sa entry level.
Ano ang sinasabi ng batas ngayon?
Na-update ang regulasyon para alisin ang terminong “entry level” at pinalitan ito ng terminong “competitive integrated employment” (pagtatrabaho sa komunidad kasama ang iba pa). Nagdagdag din ito ng “advanced na pagsasanay.” Isa itong positibong pagbabago dahil nililinaw nitong dapat magbigay ang DOR ng mga serbisyo sa pagsasanay para matulungan ang indibidwal na maabot ang kanyang layunin sa IPE. Maaaring kabilang dito ang advanced na pagsasanay, tulad ng degree sa antas ng undergraduate, graduate o doctorate. Ito ang sinasabi ng bagong batas:
- Ipagkakaloob lang ang mga serbisyo sa pagsasanay sa lawak na kinakailangan para magawa ang alinman o pareho sa mga sumusunod:
- Padaliin ang pagkamit ng bokasyonal na layunin.
- Maihanda ang indibidwal na may mga kasanayan at kakayahan na kinakailangan para maging isang mahusay na kandidato para sa pagtatrabaho sa komunidad kasama ang iba pa.
- Maaaring ibigay ang advanced na pagsasanay sa, pero hindi limitado sa, larangan ng agham, teknolohiya, engineering, matematika (kabilang ang computer science), medisina, batas, o negosyo;
Dapat nakabatay ang pagpili ng mga serbisyo sa pagsasanay sa mga pangangailangan ng indibidwal at sa pagiging maagap, availability, at gastos ng pagsasanay.
Maaaring gamitin ang anumang pasilidad ng pagsasanay na may mga kakayanang matugunan ang mga espesyal na pangangailangan sa pagsasanay ng indibidwal at nakakatugon sa mga pamantayang itinakda sa bahaging kabanata 7 ng kabanata 3 ng mga regulasyong ito.
Karagdagang Patnubay
Narito ang ilang gabay sa teknikal na tulong mula sa Sentro para sa Teknikal na Tulong sa Bokasyonal na Rehabilitasyon para sa De-Kalidad na Pangangasiwa (VRTAC-QM, Vocational Rehabilitation Technical Assistance Center for Quality Management) na nilinaw ding hindi dapat limitahan ng DOR ang mga kliyente sa mga entry-level na trabaho lang:
“…Hindi lang naglalayon ang programa ng VR na ilagay ang mga indibidwal na may mga kapansanan sa mga entry-level na trabaho ngunit sa halip ay tulungan silang makakuha ng angkop na trabaho, dahil sa kanilang natatanging lakas, mapagkukunan, priyoridad, alalahanin, abilidad, kakayahan, interes, at matalinong pagpili. Nakasalalay sa kung nakamit ng indibidwal ang trabahong naaayon sa pamantayang ito ang lawak kung saan dapat tumulong ang mga ahensya ng VR sa mga kwalipikadong indibidwal para umasenso sa kanilang mga karera sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyo ng VR.”
Para sa anumang tanong o alalahanin tungkol sa DOR, maaari kang makipag-ugnayan sa aming linya ng paggamit sa 1-800-776-5746.