Papel ng Katotohanan sa mga Opsyon & Proseso sa Pag-apela ng Kagawaran ng Rehabilitasyon ng California
Papel ng Katotohanan sa mga Opsyon & Proseso sa Pag-apela ng Kagawaran ng Rehabilitasyon ng California
Sinasabi sa iyo ng pub na ito kung ano ang gagawin kung hindi ka nasisiyahan sa isang desisyon ng DOR. Sinasabi nito sa iyo kung paano mag-apela ng desisyon ng DOR at kung ano ang mangyayari kapag nag-apela ka. Ipinapaliwanag nito ang pamamagitan at kung paano ito gumagana.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ano ang maaari kong gawin kung may mga problema ako sa aking tagapayo sa DOR?
Ang iyong unang hakbang ay dapat subukang lutasin ang isyu kasama ng iyong tagapayo sa DOR. Kung hindi mo malutas ang isyu kasama ng iyong tagapayo, humiling ng pagpupulong kasama ng superbisor ng tagapayo. Ang Superbisor ng Rehabilitasyon (a.k.a. Tagapamahala ng Pangkat) ay maaaring makatulong sa iyo na lutasin ang anumang mga problema. Kung hindi ka pa rin masaya sa mga aksyon ng DOR, may karapatan kang umapela.
Ano ang aking mga opsyon para sa pag-apela?
Mayroong ilang opsyon para sa pag-apela. Maaari kang humiling ng Administratibong Pagrepaso sa loob ng isang taon ng aksyon ng DOR na hindi ka sumasang-ayon. O maaari kang humiling ng pamamagitan, o makatuwirang pagdinig, sa loob ng isang taon ng aksyon na hindi ka sumasang-ayon. Mangyaring malaman na kung humiling ka muna ng Administratibong Pagrepaso at makakuha ka ng hindi kanais-nais na pasya, mayroon kalamang 30 araw mula sa petsa ng pasya upang humiling ng makatuwirang pagdinig. Ang magkakaibang mga opsyon na ito ay ipapaliwanang nang mas detalyado sa ibaba.
Paano ako hihiling ng Administratibong Pagrepaso?
Kung ang iyong mga alalahanin ay hindi nalutas sa pamamagitan ng iyong tagapayo sa DOR o Superbisor sa Rehabilitasyon sa lokal na antas, maaari kang humiling ng Administratibong Pagrepaso ng Tagapangasiwa ng Distrito. Kailangan mong humiling ng Administratibong Pagrepaso sa loob ng isang taon ng pagpasya na hindi ka sumasang-ayon. Dapat kasama sa iyong kahilingan ang:
- Dahilan para sa apela at kung bakit sa tingin mo dapat baguhin ang pasya; at
- Anong aksyon ang iyong ipinanukala na gawin ng DOR.
Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7353(a)(3)(A)-(B).
Ano ang mangyayari sa Administratibong Pagrepaso?
Kapang nakatanggap ang Tagapamahala ng Distrito ng kahilingan para sa isang Administratibong Pagrepaso, maaaring magpasya sila na isagawa ang pagpupulong sa Administratibong Pagrepaso, kung saan makikilala mo ang Tagapamahala ng Distrito na syang titingin sa iyong isyu. Sa pagpupulong na ito, magkakaroon ka ng pagkakataon na ipaliwanag kung bakit sa tingin mo ang pasya ng DOR ay mali. Maaari kang magdala ng mga dokumento at ibang katibayan na sumusuporta sa iyong posisyon. Ang iyong tagapayo sa DOR o Superbisor ng Rehabilitasyon ay maaaring magpakita sa Administratibong Pagrepaso upang ipaliwanag ang pasya ng DOR.
Sa ilang mga kaso, maaaring magpasya ang Tagapamahala ng Distrito na isagawa ang pagrepaso at pasya “nang nakatala” (on the record). Titingnan ng Tagapamahala ng Distrito ang iyong kahilingan, iyong file ng kaso, at anumang mga dokumento na iyong isinumite. Ang Tagapangasiwa ng Distrito ay gagawa ng kanilang pasya batay sa mga talaang ito.
Magpapasya ang Tagapamahala ng Distrito kung ang aksyon ng DOR ay naaangkop at magpapadala sa iyo ng nakasulat na pasya sa loob ng 15 araw ng iyong kahilingan para sa Administratibong Pagrepaso.
Paano kung hindi ako masaya sa Pasya ng Administratibong Pagrepaso?
Kung hindi ka nasisiyahan sa pasya ng Administratibong Pagrepaso, maaari kang humiling ng Pamamagitan at/o Makatarungang Pagdinig. Dapat mong gawin ang kahilingang ito sa loob ng 30 araw ng pasya ng Administratibong Pagrepaso. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7353(f).
Iniaatas ba ang Administratibong Pagrepaso?
Hindi. Opsyonal ang proseso ng Administratibong Pagrepaso. Maaari mong laktawan ang Administratibong Pagrepaso at humiling kaagad ng Makatarungang Pagdinig at/o Pamamagitan. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7351(c). Gayunpaman, maaaring makatulong na gawin ang proseso ng Administratibong Pagrepaso ng DOR bago humiling ng Pamamagitan o Makatarungang Pagdinig. Maraming mga problema ang maaaring malutas nang lokal, impormal, at mas mabilis sa pamamagitan ng proseso ng Administratibong Pagrepaso.
Paano ako hihiling ng Pamamagitan?
Dapat kang humiling ng Pamamagitan sa loob ng isang taon ng aksyon na hindi ka sumasang-ayon. Kung nakatanggap ka ng pasya sa Administratibong Pagrepaso, dapat kang humiling ng Pamamagitan sa loob ng 30 araw ng pasya ng Administratibong Pagrepaso. Ang mga kahilingan para sa Pamamagitan ay dapat isumite sa form na DR 107. Makikita mo rin ang form na ito online sa:
https://www.dor.ca.gov/Home/Forms#fairhearing.
Kung ang parehong partido ay sang-ayon sa Pamamagitan, ang Pamamagitan ay isasagawa sa oras at lokasyong madali para sa lahat ng mga partido sa loob ng 25 araw ng kalendaryo mula sa pagkatanggap ng kahilingan ng tagapag-ugnay ng Pamamagitan. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7353.6(b)-(c); 34 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon (CFR, Code of Federal Regulations) §361.57(d).
Inaatas ba ang pamamagitan?
Hindi. Opsyonal rin ang pamamagitan. 34 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon (CFR, Code of Federal Regulations) §361.57(d)(2)(i). Maaari kang magpasya na laktawan ang Pamamagitan at direktang pumunta sa Makatarungang Pagdinig. Gayundin, ang DOR ay hindi rin inaatasang lumahok sa Pamamagitan; Ang DOR ay maaaring magpasya na hindi lumahok sa proseso ng Pamamagitan. Tulad ng proseso ng Administratibong Pagrepaso, ang mga pamamagitan ay hindi nag-aantala sa karapatan sa Makatarungang Pagdinig. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7353.6(b).
Ano ang mangyayari sa Pamamagitan?
Sa Pamamagitan, makikipagpulong ka sa isang walang kinikilingang tagapamagitan at isang kinatawan mula sa DOR. Susubukan ng tagapamagitan na tulungan ka at ang DOR na lutasin ang inyong salungatan at humantong sa isang kasunduan. Kung naghain ka para sa Pamamagitan at Makatarungang Pagdinig sa parehong panahon at naayos mo ang lahat ng mga isyu na iniharap sa inyong salungatan sa Pamamagitan, ang Makatarungang Pagdinig ay hindi itutuloy.
Ang Pamamagitan ay isang kumpidensyal na proseso. Nangangahulugan ito na anumang impormasyon na ibinahagi sa Pamamagitan ay hindi maaaring talakayin sa kalaunan sa Makatarungang Pagdinig o sa isang kaso sa korte.
Paano ako hihiling ng Makatarungang Pagdinig?
Maaari kang humiling ng Makatarungang Pagdinig tungkol sa iyong isyu sa DOR sa halip na, o dagdag sa, Pamamagitan. Dapat mong gawin ang iyong kahilingan para sa Makatarungang Pagdinig sa loob ng isang taon sa petsa na natanggap mo ang nakasulat na abiso ng aksyon o pasya na hindi ka sumasang-ayon. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulatyons) §7354(a)(1). Ayon sa binanggit sa itaas, kung pumunta ka sa isang Administratibong Pagrepaso, dapat kang humiling ng Makatarungang Pagdinig sa loob ng 30 araw ng pasya ng Administratibong Pagrepaso.
Ang Makatarungang Pagdinig ay dapat isagawa sa loob ng 60 araw ng iyong nakasulat ng kahilingan maliban kung sumang-ayon ka sa pagkaantala. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7354(b).
Ang mga kahilingan para sa Makatarungang Pagdinig ay dapat isumite sa form na DR 107. Makikita mo ang form na ito online sa:
https://www.dor.ca.gov/Home/Forms#fairhearing.
Ano ang mangyayari sa Makatarungang Pagdinig?
Sa isang Makatarungang Pagdinig, mayroon kang pagkakataon na iharap at patunayan ang iyong mga paghahabol sa harap ng isang Huwes sa Administratibong Batas (ALJ, Administrative Law Judge). Maaari kang magdala ng mga dokumento, testigo o ibang ebidensya na ihaharap sa ALJ. Ang mga apela para sa Makatarungang Pagdinig na hinihiling ng mga aplikante o kliyente ng DOR ay ididinig ng isang walang kinikilingang opisyal na nasa listahan ng mga ALJ sa Kagawaran ng mga Serbisyong panlipunan, Sangay sa mga Pagdinig sa Estado (SHD, State Hearings Division). Maglalabas ang ALJ ng pasya sa loob ng 30 araw pagkatapos ng Makatarungang Pagdinig. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7358.
Maaari bang ihinto ng DOR ang mga serbisyo na aking tinatanggap hanggang magkaroon ng pasya?
Hindi. Hanggang makumpleto ang proseso ng Administratibong Pagrepaso o hanggang ang Sangay sa mga Pagdinig sa Estado ay nagbigay ng pasya, hindi dapat suspindihin, bawasa, o ihinto ng DOR ang anumang mga serbisyo na ibinibigay na sa ilalim ng IPE. Ang dalawang eksepsyon ay kung hinihiling ng indibiduwal na ihinto ang serbisyo o natukoy ng DOR na may ginawang panloloko o ibang kriminal na asal ang indibiduwal. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7351(e).
Paano kung hindi ako masaya sa pasya ng Makatarungang Pagdinig?
Kung hindi ka masaya sa pasyang inilabas pagkatapos ng Makatarungang Pagdinig, may karapatan ka na maghain ng petisyon para sa kasulatan sa mandato (writ of mandate) sa loob ng anim na buwan sa Kataas-taasang Hukuman ng California.
Maaari ko bang hilingin ang isang miyembro ng pamilya na kumatawan sa akin sa Pamamagitan o Makatarungang Pagdinig?
Maaari kang magtalaga ng isang tao na maging iyong Awtorisadong Kinatawan at kumatawan sa iyo sa Pamamagitan o Makatarungang Pagdinig. Maaari mong hilingin ang isang miyembro ng pamilya, kaibigan, o ibang tagapagtaguyod na maging iyong Awtorisadong Kinatawan. Ang mga Awtorisadong Kinatawan ay dapat kumpletuhin ang form na DR 108 bago sila maaaring kumatawan sa iyo. Ang form na ito ay makukuha sa sumusunod na link:
https://www.dor.ca.gov/Home/Forms#fairhearing.
Paano kung hindi ako nakakapagbasa ng Ingles o mayroong kahinaan sa pagdinig o paningin?
Maaari kang humiling na ipadala sa iyo ang mga abiso at pasya sa iyong pangunahing wika o iyong gustong paraan ng komunikasyon. Kapag gumawa ng partikular na kahilingan, dapat bigyan ka ng DOR ng mga abiso at pasya sa iyong pangunahing wika o paraan ng komunikasyon. Kodigo ng Kapakanan & Institusyon sa California §19013.5(a)-(b); Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7352(a). Kung gusto mo ring tumanggap ng mga abiso at pasya sa wikang maliban sa Ingles, malalaking limbag, o Braille, tiyaking humiling para sa partikular na wika o format na iyong kailangan sa lalong madaling panahon. Maaari kang humiling na makatanggap ng mga abiso sa ibang mga wika at/o format kapag gumagawa ng iyong kahilingan para sa Administratibong Pagrepaso, Pamamagitan o Makatarungang Pagdinig.
Makakakuha ba ako ng tagapagsalin ng wika o tagapagbasa o ibang mga kaluwagan sa Administratibong Pagrepaso, Pamamagitan, o Makatarungang Pagdinig?
Oo. Kung hindi ka nagsasalita ng Ingles, bingi, may kahinaan sa pandinig, may kahinaan sa pagsasalita, bulag o may kahinaan sa paningin, ang mga serbisyo ng tagapagsalin ng wika at tagapagbasa o mga kagamitang pantulong sa pakikinig ay dapat ibigay sa iyo. Nasa sa iyo na kung humiling ng mga serbisyong ito. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §§ 7353(c), 7353.6(c), 7354(d)(3). Kung maaari, humiling ng anumang mga kaluwagan na iyong kailangan nang maaga.
Maaari kang humiling ng mga kaluwagan kapag gumagawa ng iyong kahilingan para sa Administratibong Pagrepaso, Pamamagitan, o Makatarungang Pagdinig.
Makahihiling ba ako ng transportasyon tungo at mula sa isang Administratibong Pagrepaso, Pamamagitan, o Makatarungang Pagdinig?
Maaari kang humiling sa DOR na magbigay ng transportasyon sa isang Administratibong Pagrepaso o Pamamagitan. Titulo 9 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) §7353(d), 7353.6(d). Bagaman ang mga regulasyon ay hindi partikular na tumutugon dito, maaari mong itanong sa DOR kung magbibigay sila sa iyo ng transportasyon upang dumalo sa Makatarungang Pagdinig kung kailangan mo ito.
Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong tagapagtaguyod sa CAP para sa tulong sa 800-776-5746. Ang tagapagtaguyod sa CAP ay maaaring makatulong sa iyo na lutasin ang iyong mga isyu sa DOR.