Mga Awtoridad sa Pabahay, mga Seksyon 8 na Voucher, at Diskriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan - Iyong mga Karapatan at Opsyon

Publications
#7141.08

Mga Awtoridad sa Pabahay, mga Seksyon 8 na Voucher, at Diskriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan - Iyong mga Karapatan at Opsyon

Tinatalakay ng fact sheet na ito ang mga karapatan ng mga taong may kapansanan na maging malaya sa diskriminasyon na nakabatay sa kapansanan ng mga ahensya ng gobyerno at ilang negosyo. Ang layunin ng fact sheet na ito ay magbigay ng impormasyon at mga halimbawa na partikular sa Housing Authority. Para sa higit pang pangkalahatang impormasyon sa Mga Makatwirang Akomodasyon at Pagbabago tingnan ang aming publikasyong “Diskriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan - Iyong mga Karapatan at Opsyon.”

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Talaan ng mga Nilalaman

Introduksyon

Ang diskriminasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan at partikular na mga negosyo laban sa mga taong may kapansanan ay labag sa batas. Kabilang dito ang diskriminasyon ng mga Awtoridad sa Pampublikong Pabahay na nangangasiwa/namamahala ng mga programang pabahay, tulad ng Pampublikong Pabahay at mga Seksyon 8 na Voucher. Ang magkakaibang aksyon o kabiguang umaksyon ay maituturing na diskriminasyon. Ang ilang halimbawa ng anyo ng diskriminasyon sa kapansanan ay maaaring:

  • Isang Awtoridad sa Pabahayy na tumatrato sa isang tao nang naiiba o tumatangging makipagtrabaho sa isang tao dahil sa kanyang kapansanan. Ang isang halimbawa ay maaaring ang isang empleyado ng Awtoridad sa Pabahay na nagtataboy sa isang tao dahil kailangan ng mga ito ng isang interpreter ng American Sign Language (ASL) upang makipag-usap, at ang empleyado ay hindi nagtatangkang kumuha nito.
  • Mga pisikal na hadlang na humaharang o pumipigil sa access
  • Panliligalig
  • Pagganti
  • Mga pahayag ng diskriminasyon
  • Kabiguang magkaloob ng kailangang mga eksepsyon o pagbabago (“mga makatwirang akomodasyon at modipikasyon").

Pagkakaiba sa Pagitan ng mga Makatwirang Akomodasyon at Makatwirang Modipikasyon

Ang mga makatwirang akomodasyon (“RA”) ay mga eksepsyon sa mga tuntunin, serbisyo, o patakaran. Ang mga makatwirang modipikasyon (“RM”) ay mga pisikal na pagbabago sa mga gusali, yunit, o lupa. Ang mga akomodasyon at modipikasyon ay itinuturing na makatwiran kung ang mga ito ay:

  1. Kailangan upang magkaloob sa isang taong may kapansanan ng pantay na pagkakataon upang makagamit ng at masiyahan sa pabahay;
  2. Hindi pundamental na nagbabago sa kalikasan ng pabahay o ibang mga serbisyong ipinagkakaloob; o
  3. Hindi nagpapataw ng hindi angkop na pasanin sa tagapagkaloob ng pabahay; o
  4. Hindi bumubuo ng direktang banta sa kalusugan o kaligtasan ng ibang mga tao o hindi magiging dahilan ng malaking pisikal na pinsala sa ari-arian ng iba.

Pagkatapos maitatag ng humiling na ang akomodasyon at/o modipikasyon ay kailangan (#1 sa itaas), ang tagapagkaloob ng pabahay na tumanggap ng paghiling ay maaari lamang legal na magkait ng paghiling dahil sa #2, 3, o 4 na nasa itaas.

Para sa iba pang impormasyon mula sa U.S. Department of Housing and Urban Development (“HUD”), isang pederal na ahensiyang awtorisadong magpatupad ng pederal na mga batas sa patas na pabahay, tingnan ang: https://www.hud.gov/program_offices/fair_housing_equal_opp/reasonable_accommodations_and_modifications

Mga Halimbawa ng mga Paghiling ng Makatwirang Akomodasyon

Ang mga Awtoridad sa Pabahay ay dapat magkaloob ng mga makatwirang akomodasyon kapag kailangan upang magkaloob sa isang taong may kapansanan ng pantay na access sa alinman sa mga programang pinangangasiwaan nila, kabilang ang mga programang Seksyon 8. Ang ispesipikong akomodasyon ay maaaring mag-iba depende sa tao at sa sitwasyon, at may lugar para sa pagiging malikhain. Ang mga halimbawang ito ay nilalayong maglarawan ng ilang posibilidad:

  • Mas Mataas na mga Pamantayan sa Pagbabayad – Ang mga pamantayan sa pagbabayad ay ang pinakamalaking mababayaran ng Awtoridad sa Pabahay upang makatulong sa sambahayan sa renta, Ang isang Awtoridad sa Pabahay ay magtatakda ng mga pamantayan sa pagbabayad para sa bawat sukat ng yunit. Ang isang Awtoridad sa Pabahay ay maaaring mag-apruba ng mas mataas na pamantayan sa pagbabayad bilang isang makatwirang akomodasyon, pero hanggang sa isang partikular na halaga lamang. Ang Planong Pampangasiwaan ng Awtoridad sa Pabahay ay dapat magkaroon ng detalyadong impormasyon tungkol dito. Ang Awtoridad sa Pabahay ay maaaring magtatag ng mga pamantayan sa pagbabayad na mas mataas para sa isang indidibdwal, pero kailangan nilang hingin sa HUD na aprubahan muna ito.
  • Mas Mataas na mga Pamantayan ng Pagtustos at mga Live-in Aide – Ang isang pamantayan sa pagtustos ay nagpapasya ng kailangang bilang ng mga silid-tulugan para sa mga sambahayan na may magkakaibang sukat. Ang Awtoridad sa Pabahay ay dapat mag-apruba ng isang mas mataas na pamantayan sa pagtustos bilang isang makatwirang akomodasyon kung ang humiling ay nagtatag na kailangan at makatwiran maliban kung ang Awtoridad sa Pabahay ay may legal na dahilan upang ipagkait (tingnan ang seksyon sa itaas tungkol sa Pagkakaiba sa pagitan ng RA at RM). Ito ay upang bigyang-daan ang isang live-in aide, upang magkaloob ng ekstrang silid para sa kailangang kagamitan, o para sa ilang ibang dahilan na may kaugnayan sa kapansanan.
  • Mas Mataas na mga Paglalaan sa Utilidad – Sa mga kaso kung saan ang mga tenant ng Seksyon 8 ay nagbabayad para sa kanilang sariling mga utilidad, ang isang Awtoridad sa Pabahay ay maaaring magkaloob ng isang paglalaan sa utilidad. Ito ay tutulong sa gastos sa makatwirang pagkonsumo ng utilidad. Ang isang Awtoridad sa Pabahay ay dapat mag-apruba ng isang mas mataas na paglalaan sa utilidad bilang isang makatwirang akomodasyon kung naitatag ng humiling na kailangan at makatwiran para sa isang tenant na gumagamit ng kagamitan na may kaugnayan sa kapansanan na nagreresulta sa mas mataas na mga singil sa utilidad.
  • Mas Matagal na mga Panahon ng Paghahanap – Ang isang tumatanggap ng nakabase se tenant na Section 8 voucher ay pangkaraniwang binibigyan ng 60 araw ng kalendaryo pagkatanggap ng kanilang voucher upang humanap ng isang yunit na paupahan. Ang isang Awtoridad sa Pabahay ay dapat magbigay ng karagdagang panahon bilang isang makatwirang akomodasyon kung naitatag ng humiling na ang kanyang pangangailangan ng karagdagang panahon ay kailangan at makatwiran. Gayunman, ang pagiging makatwiran ng maraming paghiling ng pagpapalawig o walang-takdang-panahon na pagpapalawig ay maaaring maging mas mahirap na patunayan at maaaring tanggihan ng Awtoridad sa Pabahay.
  • Muling Paglalagay sa Listahan ng Naghihintay – Ang isang Awtoridad sa Pabahay ay maaaring magtanggal ng isang aplikante para sa voucher mula sa listahan ng naghihintay sa ilalim ng mga partikular na kalagayan. Ang isang dahilan na maaaring tanggalin ang isang tao ay kung hindi sila tumugon sa mga paghiling ng Awtoridad sa Pabahay para sa impormasyon at pagsasapanahon. Gayunman, kung ang isang aplikante ay hindi tumugon sa naturang paghiling dahil sa isang kapansanan, ang Awtoridad sa Pabahay ay maaaring muling maglagay sa aplikante sa dating posisyon ng pamilya sa listahan ng naghihintay bilang isang makatwirang akomodasyon.
  • Pagrenta Mula sa isang Kamag-anak – Ang mga pederal na tuntunin ay hindi nagpapahintulot sa mga Awtoridad sa Pabahay na aprubahan ang paninirahan kung ang mga kamag-anak ng tenant ang may-ari ng yunit. Ang isang Awtoridad sa Pabahay ay maaaring mag-apruba nito bilang isang makatwirang akomodasyon para sa tenant, kung naitatag ng humiling na ito ay kailangan at makatwiran at kung ang may-ari ay hindi nakatira sa yunit.
  • Tulong sa Paghahanap ng Magagamit na Yunit - Kapag ang isang Awtoridad sa Pabahay ay nagbigay ng voucher sa isang pamilyang kinabibilangan ng isang taong may kapansanan, ito ay dapat magkaloob ng kasalukuyang listahan ng magagamit na mga yunit na alam ng Awtoridad sa Pabahay. Kung kailangan, ito ay maaari ring magkaloob ng ibang tulong sa sambahayan upang humanap ng magagamit na yunit pero ang antas at kalidad ng naturang tulong ay maaaring mag-iba.

Paggawa ng Paghiling ng Makatwirang Akomodasyon sa isang Awtoridad sa Pabahay

Upang tumanggap ng isang makatwirang akomodasyon o isang makatwirang modipikasyon, kakailanganin mong hingin ito. Hindi mo kailangang gumawa ng nakasulat na paghiling at hindi mo kailangang gumamit ng mga salitang "makatwirang akomodasyon: o "makatwirang modipikasyon.” Gayunman, magandang ideya na gawin ang pareho. Ito ay dahil tutulong ito na gawing mas malinaw ang hinihingi mo. Maaari mo ring kailanganing gamitin ang dokumento sa bandang huli upang patunayan na humingi ka ng pagbabago. Ang pagpapadala ng iyong kahilingan sa pamamagitan ng email ay isang madaling paraan upang magkaroon ng dokumentasyon sa bandang huli. Kung pinili mong ipadala ito sa pamamagitan ng koreo ng USPS, tiyakin na magtago ng isang kopya ng paghiling para sa sarili at ilagay ito sa isang ligtas na lugar. Maaari mo ring ipadala ito sa pamamagitan ng sertipikadong koreo upang magkaroon ka ng resibo, pero hindi mo kailangang gawin ito sa ganitong paraan.

Ang kaugnayan ng pagbabagong hinihiling mo sa iyong kapansanan ay dapat na nakasaad sa iyong paghiling. Halimbawa, hindi sapat na gumawa lamang ng paghiling ng makatwirang akomodasyon sa pagsasabi ng “Ako ay isang taong may kapansanan, at gusto ko ng ekstrang silid-tulugan.” Ang isang malakas na paghiling ay nangangailangan ng mas maraming impormasyon. Sa halip, mas makakatulong at malinaw na sabihin ang tulad ng "Dahil ako ay may matibay na kagamitang medikal na dapat ilagay sa isang ligtas na lugar, humihingi ako ng makatwirang akomodasyon upang magkaroon ako ng voucher na magpapahintulot sa akin na umupa ng apartment na may ekstrang silid-tulugan upang ilagay ang kagamitan.” Nasa ibaba ang isang halimbawa ng paggawa ng mga paghiling na ito sa mga tagapagkaloob ng pabahay.

Tandaan na ang ilang Awtoridad sa Pabahay ay may mga form para sa makatwirang akomodasyon na makukumpleto mo. Habang ang kanilang mga form ay maaaring maging nakakatulong na mga kasangkapan, ang form ay hindi maaaring iatas at kung minsan ang mga form ay maaaring humingi ng karagdagang impormasyon na higit sa kailangan para sa paghiling ng makatwirang akomodasyon. Huwag mag-atubiling gamitin ang aming sampol na liham bilang patnubay at ilakip ang iyong paghiling sa kanilang form at isulat ang “tingnan ang kalakip” sa mga seksyon ng tanong sa form. Maaari mong mahanap ang iyong mga form ng Awtoridad sa Pabahay sa kanilang website. Kung hindi, maaari kang humingi sa iyong punto ng kontak sa Awtoridad sa Pabahay ng isang kopya. Maaaring makatulong na suriin ang mga patakaran (Planong Pampangasiwaan) ng Awtoridad sa Pabahay para sa paghiling ng mga makatwirang akomodasyon at modipikasyon para sa pangkalahatang-tanaw ng kanilang ispesipikong proseso.

Sampol na Liham sa isang Awtoridad sa Pabahay

[Petsa]

[Buong pangalan ng Awtoridad sa Pabahay]

[Email address o pisikal na address ng Awtoridad sa Pabahay]

 

Mahal Naming [pangalan ng iyong point person sa Awtoridad sa Pabahay]

Sumusulat ako upang humiling ng mga sumusunod na makatwirang akomodasyon/modipikasyon para sa aking kapansanan:

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

 

Ang kahilingang ito ay may kaugnayan sa aking kapansanan dahil:

___________________________________________________________

___________________________________________________________

____________________________________________________________

 

Itinuturing ng aking physician/psychiatrist/psychologist/therapist/social worker/occupational therapist /ibang indibidwal] na ang mga akomodasyon/modipikasyon na ito ay kailangan dahil sa aking kapansanan. Maibibigay ko ang beripikasyong ito kung kailangan mo ito.

Ang pederal at pang-estadong batas ay nag-aatas na ang isang tagapagkaloob ng pabahay ay dapat na makatwirang magbigay ng akomodasyon sa mga tenant/umookupa at aplikante na may kapansanan.

Mangyaring magbigay ng nakasulat na tugon sa kahilingang ito, bago lumampas ang [petsa]. Mangyaring unawain na ang kabiguang tumugon sa isang makatwirang akomodasyon, hindi angkop na pag-antala sa pagtugon, o labag sa batas na pagkakait ng isang paghiling ng makatwirang akomodasyon ay bumubuo ng diskriminasyon na kaugnay ng kapansanan. Tingnan ang Cal. Code Regs. tit. 2, § 12177(e). Huwag mag-atubiling kontakin ako sa [iyong e-mail address/numero ng telepono]. Salamat sa iyong atensiyon sa kahilingang ito.

 

Matapat,

[Iyong pangalan]

 

[Iyong address]

___________________________________________________________________

 

Malamang na hingin sa iyo ng Awtoridad sa Pabahay na pumirma sa isang form ng pagpapalabas na medikal pagkatapos mong ipadala ang iyong kahilingan. Ang form na ito ay nagbibigay sa kanila ng permiso na makipag-usap sa isang ikatlong partido upang beripikahin ang pangangailangan ng akomodasyon. Karaniwang humihingi sila nito kapag ang pangangailangan ng residente ng akomodasyon o modipikasyon ay hindi malinaw. Ang isang liham ng beripikasyon ay nagkukumpirma na ang tao ay may pangangailangan na may kaugnayan sa kapansanan para sa pagbabago na hinihiling nila. Nasa ibaba ang isang sampol para sa mga liham ng beripikasyong medikal na maaari mong hilingin sa iyong tagapagkaloob na medikal na kumpletuhin upang mailakip ito sa iyong unang paghiling ng makatwirang akomodasyon/makatwirang modipikasyon upang mapabilis ang proseso at bawasan ang mga pabalik-balik na papel na maaaring mangyari. Bilang karagdagan, matitingnan mo ang aming tagatulong na “Mga Paghiling ng Makatwirang Akomodasyon at Modipikasyon sa Pabahay: Mga Liham ng Beripikasyon” para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga liham ng beripikasyon.

Sampol na Liham ng Beripikasyon mula sa isang Medikal na Propesyonal

[Petsa]

Sa [Awtoridad sa Pabahay]:

 

Ako ang [physician/psychiatrist/psychologist/therapist/social worker/occupational therapist] para sa [pangalan ng pasyente/kliyente] at ako ay pamilyar sa [kanyang/kanilang] kondisyon. Si [pangalan ng pasyente] ay may kapansanan na nagdudulot ng mga partikular na limitasyon sa pagganap. Ang mga limitasyong ito ay kinabibilangan ng [ilista ang mga limitasyon sa pagganap na nangangailangan ng hiniling na akomodasyon]:

 

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

 

[Ang hiniling na akomodasyon] ay kailangan ng [pangalan ng pasyente/kliyente] upang mamuhay sa komunidad at gamitin ang at masiyahan sa [kanya/kanilang] tirahan sa pamamagitan ng [ilarawan kung paano ang akomodasyon ay tutulong o susuporta sa indibidwal [ilista ang mga limitasyon na nangangailangan ng hiniling na akomodasyon]:

 

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

 

Salamat sa pagkakaloob mo nitong makatwirang akomodasyon para kay [pangalan ng pasyente/kliyente].

 

Matapat,

[Pangalan at Titulo]

Pagtulak sa Iyong PHA na Tumugon sa Iyong mga Paghiling

Para sa karamihan ng mga Awtoridad sa Pabahay, ang iyong pangunahing punto ng kontak ay dapat na ang iyong Manggagawa sa Pagiging Karapat-dapat/Kaso. Kung wala ka nito, hindi mo alam kung paano kontakin sila, o hindi mo sigurado kung sino ang kokontakin, magsimula sa pagtatanong kung mayroong isang tagapag-ugnay ng 504 o ADA. Maaari mong subukang kunin ang impormasyon tungkol sa matatawagan para sa tagapag-ugnay.

Kung ang Awtoridad sa Pabahay ay hindi tumutugon sa iyong kahilingan pagkatapos mong bigyan sila ng panahon upang suriin ito, maaaring makatulong na kontakin ang iyong lokal na opisina ng HUD Public Housing Field upang malaman kung makakatulong sila sa iyo na patugunin ang Awtoridad sa Pabahay. Mahahanap mo ang numero ng kontak para sa iyong lokal na opisina ng HUD dito - https://www.hud.gov/program_offices/public_indian_housing/about/field_office Kung hindi ito gumana, maaaring makatulong din na kontakin ang iyong mga lokal na opisyal ng pamahalaan o ang iyong Kongresista para sa tulong upang patugunin ang iyong Awtoridad sa Pabahay (https://www.house.gov/representatives/find-your-representative).

Pagpapatupad ng Iyong mga Karapatan: Mga Reklamo at Habla

Kung ang isang Awtoridad sa Pabahay ay nagkait sa iyong kahilingan para sa mga makatwirang akomodasyon o modipikasyon, ikaw ay may ilang opsyon. Ang iyong mga opsyon ay nakabalangkas sa ibaba. Tandaan na sa huli ay maaaring kailanganin mong magharap ng reklamong pampangasiwaan o isang habla upang ipatupad ang iyong mga karapatan. Ang mga opsyong ito ay maaaring mangailangan ng mahabang panahon.

Hindi Pormal na mga Pagdinig

Maaaring makahingi ka sa Awtoridad sa Pabahay ng isang hindi pormal na pagdinig. Ito ay maaaring mag-alay ng pinakasimple at pinakamadaling resolusyon para sa iyo. Bagaman ang mga pederal na regulasyon ay hindi gumagarantiya ng karapatan sa isang hindi pormal na pagdinig para sa mga paghiling ng makatwirang akomodasyon, maraming Awtoridad sa Pabahay na nagsasama ng karapatan sa isang hindi pormal na pagdinig sa kanilang mga Planong Pampangasiwaan. Mangyaring alamin na ang mga pamamaraan para sa paghiling ng isang hindi pormal na pagdinig ay maaaring mag-iba para sa bawat Awtoridad sa Pabahay. Gayunman, karamihan ng mga Awtoridad sa Pabahay ay may deadline para sa paghiling ng isang hindi pormal na pagdinig at karamihan ng mga nakasulat na paunawa ay dapat magsabi sa iyo ng tungkol sa mga deadline para sa pagsalungat sa aksyon o desisyon ng mga Awtoridad sa Pabahay. Tingnan ang iyong liham ng pagkakait at kung walang impormasyon tungkol sa mga deadline, tingnan ang Planong Pampangasiwaan ng Awtoridad sa Pabahay upang matiyak na humiling ka ng pagdinig bago ang deadline. Kung hindi ka umabot sa deadline, at ang dahilan na hindi ka umabot ay may kaugnayan sa kapansanan, makakahiling ka ng isang makatwirang akomodasyon na igawad ng Awtoridad sa Pabahay ang iyong kahilingan para sa pagdinig kahit na lampas na sa deadline.

Mga Reklamong Pampangasiwaan

Maaari kang magharap ng isang reklamong pampangasiwaan sa Office of Fair Housing and Equal Opportunity (HUD-FHEO) ng U.S. Department of Housing and Urban Development.1 Dapat kang magharap ng reklamo sa loob ng isang taon ng pinakahuling petsa ng diskriminasyon. Ang impormasyon tungkol sa kung paano magharap ng isang reklamong HUD-FHEO ay maaaring matagpuan sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-669-9777 o sa website ng HUD: https://www.hud.gov/program_offices/fair_housing_equal_opp/online-complaint Ang impormasyon tungkol sa magiging anyo ng proseso ng reklamo ay maaaring matagpuan dito: https://www.hud.gov/program_offices/fair_housing_equal_opp/complaint-process

Maaari mo ring isaalang-alang ang paghaharap ng reklamong pampangasiwaan sa California’s Civil Rights Department (CRD), dating Department of Fair Employment and Housing (DFEH). Dapat kang magsampa ng reklamo sa loob ng isang taon ng pinakahuling petsa ng diskriminasyon. Maaari kang magsampa online (sa pamamagitan ng paggawa ng account), sa pamamagitan ng telepono sa (800) 884-1684, o sa koreo. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa pagsasampa ng reklamo ay maaaring matagpuan dito: https://calcivilrights.ca.gov/complaintprocess/

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng CRD, tingnan ang flowchart sa reklamo ng CRD dito:https://calcivilrights.ca.gov/wp-content/uploads/sites/32/2022/09/CRD-Non-Employment-Flowchart_ENG.pdf.

Kung ang CRD ay hindi nagpasya nang pabor sa iyo, ang desisyon ng CRD ay maaaring iapela sa Direktor ng CRD sa loob ng 10 araw ng desisyon.2

Kung kailangan mo ng akomodasyon sa pagtatrabaho sa CRD, kontakin ang tagapag-ugnay sa ADA ng CRD. Matatagpuan mo ang kanilang impormasyon dito- https://calcivilrights.ca.gov/adacoordinator/

Mga Pribadong Habla

Maaari mong ipatupad ang iyong mga karapatan sa pamamagitan ng mga hablang sibil na iniharap sa pederal o pang-estadong hukuman. Bago ihabla ang isang pampublikong entidad na tulad ng isang Awtoridad sa Pabahay, gayunman, dapat ka munang magharap ng isang Government Claim Form sa ilalim ng CA Government Code 910. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang patnubay na ito mula sa Sacramento County Public Law Library: https://saclaw.org/resource_library/claims-against-the-government/

Hindi mo kailangan ng isang abugado; maaaring ikaw mismo ang magsampa ng habla. Dagdag dito, kung maghahabla ka sa isang hukuman ng maliliit na claim, hindi ka maaaring magkaroon ng abugado. May mga limitasyon sa panahon (“mga batas sa mga limitasyon”) na tinatakdaan ang haba ng panahon mo para sa paghharap ng mga claim sa hukuman. Maaaring awtomatikong matalo ka sa kaso kung nabigo kang magsampa ng habla sa loob ng takdang panahon. Ang mga deadline na ito ay maaaring kasing-ikli ng 2 taon mula sa petsa ng huling aksyon na nagdidiskrimina. Kakailanganin mong magbayad ng mga filing fee upang iharap ang iyong habla at maaaring maging responsable para sa mga karagdagang filing fee habang sumusulong ang habla. Pero, maaari kang maging kuwalipikado para sa fee waiver kung hindi mo kayang magbayad ng mga filing fee.

Kung ikaw ay interesadong magharap ng habla, dapat kang sumangguni sa isang abugado sa pinakamaagang panahon na posible. Maaari kang kumuha ng payo, tumalakay sa iyong mga opsyon at posibleng makakuha ng pagkatawan. Mangyaring tandaan na hindi ka karapat-dapat sa isang libreng abugado para sa mga ganitong uri ng mga habla, at maaaring kailanganin mong magbayad agad sa isang abugado o batay sa pangangailangan upang tulungan kang maghabla.

Maliliit na Claim

Kung ikaw ay naghahangad ng hanggang $12,500 na bayad pinsala, maaari kang magsampa ng isang kasong diskriminasyon sa Hukuman ng Maliiit na Claim. Bago ihabla ang isang pampublikong entidad, gayunman, dapat ka munang magharap ng isang Government Claim Form sa ilalim ng CA Government Code 910. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang patnubay na ito mula sa Sacramento County Public Law Library: https://saclaw.org/resource_library/claims-against-the-government/

Ang mga kaso sa Hukuman ng Maliliit na Claim ay dapat iharap bago matapos ang mga limitasyon sa panahon (“mga batas sa mga limitasyon”). Mayroong filing fee maliban kung ikaw ay karapat-dapat para sa isang fee waiver. Maaari kang sumangguni sa isang abugado tungkol sa mga kaso sa Hukuman ng Maliliit na Claim, pero ang isang abugado ay maaaring kumatawan sa iyo sa Hukuman ng Maliliit na Claim. Maaari mong bisitahin ang Sentro ng Sariling Tuong ng iyong lokal na hukuman para sa tulong sa paghaharap o upang makipag-usap sa isang Tagapayo sa Maliliit na Claim.

Para sa karagdagang impormasyon, mabibisita mo ang mga sumusunod na pahina:

  1. California Courts Self Help Guide, Small Claims Basics - https://selfhelp.courts.ca.gov/small-claims-california
  2. Disability Rights California, A Guide to Small Claims Court: How to Sue if a Business or Landlord Discriminates Against You Because of Your Disability - https://www.disabilityrightsca.org/system/files?file=file-attachments/520601_0.pdf
  • 1. Ang Fair Housing Amendments Act ay nagpapahintulot nito.
  • 2. See 2 C.C.R. Seksyon 10065