Assisted Outpatient Treatment (AOT): Paano Kang Inuutusan Sa AOT

Publications
#7174.08

Assisted Outpatient Treatment (AOT): Paano Kang Inuutusan Sa AOT

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa kung papaanong ituutusan ang isang tao sa AOT.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang Assisted Outpatient Treatment, tinatawag din bilang AOT, ay utos ng korte na outpatient na panggagamot para sa mga tao na may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip.  

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa kung papaanong ituutusan ang isang tao sa AOT.

May karapatan ka sa isang abogado kung hihilingan ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

Ito ang mga hakbang sa kung paanong utusan ka ng hukom sa AOT:

1.   Hihilingan ng county ang hukom na utusan ka sa AOT.1

  • Tinatawag itong isang petisyon.
  • Hindi lang maaaring hilingan ng county ang sino mang korteng nasa estado para utusan ka. Kailangan nilang hilingan ang Superyor na Korte sa county kung nasaan ka o kung mayroon silang dahilan kung nasaan ka.

2.   Ang isang taong malapit sa iyo ay maaari ring hilingan ang county na ipetisyon ka sa AOT, ngunit hindi lang sino man ang maaaring hilingan ang county na gawin ito.2

  • Kapag ang isang taong malapit sa iyo ay hinilingan ang county na hilingan ang korte na utusan ka sa AOT, hindi ito pareho gaya ng petisyon. Petisyon lamang ito sa sandaling hilingan ng county ang korte na utusan ka sa AOT.
  • Tanging mga sumusunod na tao ang maaaring hilingan ang county para ipetisyon ka sa AOT:3
    • Ang tao ay 18 taong gulang o mas matanda at ang tao ay kasama mong naninirahan.
    • Ang tao ay ang iyong magulang, asawa, kapatid, o anak, at sila ay mga 18 taon o mas matanda.
    • Ang tao ay ang direktor ng isang pampubliko o pribadong ahensya, pasilidad sa paggagamot, organisasyong pangkawanggawa o lisensyadong pasilidad ng pantahanang pangangalaga kung saan ka nakatira at tumatanggap ng mga serbisyo ng kalusugan hinggil sa pag-iisip.
    • Ang tao ay ang direktor ng ospital kung saan ka kasalukuyang nakaospital.
    • Ang tao ay ang iyong provider sa paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip o ang taong tumitingin sa iyong paggagamot sa kalususgan hinggil sa pag-iisip.4 Isang taong tumitingin sa paggagamot ng iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip ay malamang na superbisor ng iyong provider ng kalusugan hinggil sa pag-iisip. Dapat mayroong lisensya ang tao para magbigay ng pagggamot sa kalusugan hinggil sa pag-iisip.
    • Ang tao ay opisyal ng pulis, opisyal ng parole, o opisyal ng probasyon. Hindi lang sinumang opisyal ng pulis, opisyal ng parole, o opisyal ng probasyon ang maaaring hilingan ang county na ipetisyon ka sa AOT. Dapat nakatalaga ang opisyal sa iyo.
    • Isang hukom ng Superyor na Korte sa isang kaso na bahagi ka.

3.   Kapag hihilingan ng isang tao ang county na ipetisyon ka sa AOT, kailangang mag-ibestiga ang county para malaman kung dapat ka nilang ipetisyon sa AOT.5

  • Hindi maaaring balewalain ng county ang kahilingan ng isang tao na ipetisyon ka nang hindi tinitingnan kung dapat ka nilang ipetisyon sa AOT.
  • Ang isang lisensyadong provider ng paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip ay maaaring suriin ka. Bagaman maaaring hindi ka masuri kung sa palagay ng county na hindi ka dapat utusan sa AOT.
  • Ang pagsusuri ng isang lisensyadong provider ng paggagamot ng kalusugan hingggil sa pag-iisip ay isang bagay na kailangang subukang gawin ng county bago ka nila ipetisyon sa AOT.6 Kung hindi mo pahihintulutan ang lisensyadong provider ng paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip na suriin ka, maaari ka pa rin ipetisyon ng county sa AOT. Maaari itong mangyari kung maaaring nasuri ka ng provider at sinubukang suriin ka, ngunit hindi mo sila pinahintulutan na masuri ka.7
  • Pagkatapos ng pagsusuri, hindi maaaring maghintay ang county nang higit sa 10 araw bago maipetisyon ka sa AOT.8 Kung hindi mo pinahintulutan ang provider na masuri ka, kung gayon ay hindi makapaghihintay ang county nang higit sa 10 araw bago ka maipetisyon sa AOT.9

4.   Maaari ka lamang maipetisyon ng county sa AOT kung may dahilan para maniwala na malamang na magiging karapat-dapat ka para sa AOT batay sa batas.10

  • Para sa higit na impormasyon sa kung sino ang karapat-dapat batay sa batas para sa AOT, maaari mong basahin ang lathala ng AOT na tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”
  • Dahil lamang sa palagay ng county na karapat-dapat ka para sa AOT at mga petisyon para sa AOT para sa iyo ay hindi ibig sabihin na sila ay tama o na sasang-ayon ang korte sa kanila.

5.   Kung ipepetisyon ka ng county sa AOT, may karapatan ka sa isang abogado.11

  • Kung gusto mo ng abogado ngunit walang perang pambayad para sa isang abogado, maaari mong hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

6.   Pagkatapos kang maipetisyon ng county sa AOT, magtatakda ang hukom ng petsa para sa isang pagdinig nang hindi hihigit nang 5 araw mula sa kung kailan nagpetisyon ang county.12

  • Hindi nabibilang ang mga Sabado, Linggo, at mga pista opisyal sa 5 araw.
  • Makatatanggap ka ng abiso ng petsa ng pagdinig.
  • Para sa impormasyon tungkol sa pagdinig at kung paanong maghanda, basahin ang lathalang tinatawag na “Your Rights if the County is Asking for AOT and AOT Hearings.”

7.   Maliban lang kung iwe-waive mo ang karapatan sa isang pagdinig, magkakaroon ka ng pagdinig kung saan magpapasya ang hukom kung karapat-dapat ka para sa AOT batay sa batas.13

  • Ang ibig sabihing ng “waive” ay kusa mong pinili na hindi dumalo sa pagdinig. Maaaring mangyayari ito sa pagsabi mo na hindi mo gustong dumalo sa pagdinig, o sa pamamagitan ng hindi pagpapakita pagkatapos subukan ng korte na ipaalam sa iyo ang tungkol sa pagdinig.
  • Maaari mo ring i-waive ang iyong karapatan sa pagdinig ng AOT at pumasok sa isang kasunduan ng pag-aayos sa county.14 Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga kasunduan ng pag-aayos, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Settlement Agreements.”
  • Kung magiging karapat-dapat ka para sa AOT batay sa batas, maaari kang utusan ng hukom sa AOT nang hanggang 6 na buwan.15

Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung ano ang iyong mga karapatan sa paggagamot habang ikaw ay nasa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Your Treatment Rights While in AOT”.

Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paanong matatapos ang AOT pagkatapos kang mautusan sa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “How AOT Ends.”

Karagdagang Impormasyon

Kung kailangan mo pa ng impormasyon o may mga katanungan maaari mong:

  • Tanungin ang iyong abogado. May karapatan ka sa isang abogado kung hinilingan (nakapetisyon) ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.
  • Kontakin ang Patient’s Rigths Advocate ng iyong county. Para mahanap ang Patient’s Rights Advocate kung saan ka nakatira, (916) 504-5810 at humingi para sa iyong lokal na Patient’s Rights Advocate o mag-click sa link na ito: https://www.disabilityrightsca.org/post/patients-rights-advocacy-directory.
  • Tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.
  • 1. WELF. & INST. CODE § 5346(b)(1). Ang lahat ng seksyon ng code na binanggit sa ibaba ay mula sa Welfare and Institutions Code.
  • 2. § 5346(b)(2).
  • 3. § 5346(b)(2)(A)-(G).
  • 4. § 5346(b)(2)(E).
  • 5. § 5346(b)(3).
  • 6. § 5346(b)(5)(A).
  • 7. § 5346(b)(5)(B).
  • 8. § 5346(b)(5)(A).
  • 9. § 5346(b)(5)(B).
  • 10. § 5346(b)(3).
  • 11. § 5346(c).
  • 12. § 5346(d)(1).
  • 13. § 5346(d)(5)(B).
  • 14. § 5347(b)(1).
  • 15. § 5347(b)(1).