Assisted Outpatient Treatment (AOT): Mga Kasunduan ng Pag-aayos

Publications
#7177.08

Assisted Outpatient Treatment (AOT): Mga Kasunduan ng Pag-aayos

Ang lathalang ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa iyong mga karapatan para gumawa ng kasunduan ng pag-aayos sa county, imbes na mautusan ng isang korte sa AOT.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang Assisted Outpatient Treatment, tinatawag din bilang AOT, ay utos ng korte na outpatient na panggagamot para sa mga tao na may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip.  

Ang lathalang ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa iyong mga karapatan para gumawa ng kasunduan ng pag-aayos sa county, imbes na mautusan ng isang korte sa AOT.

May karapatan ka sa isang abogado kung hihilingan ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, maaari mong hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

Pagkatapos hilingan ng county ang korte na utusan ka sa AOT (tinatawag na petisyon), maaari mong subukang gumawa nang boluntaryong kasunduan sa county para sa paggagamot. Ito ay panghalili imbes na mautusan sa AOT. Tinatawag itong isang kasunduan ng pag-aayos.1

  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paano makapagpepetisyon ang county para sa AOT para sa iyo, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “How You are Ordered to AOT.”

Kasunduan ng Pag-aayos

Kung magpepetisyon ang county para sa AOT para sa iyo, maaaring gusto mo at ng county na gumawa ng kasunduan ng pag-aayos. Sa isang kasunduan ng pag-aayos, karaniwang sumasang-ayon ka sa ilang paggagamot at sumasang-ayon ang county na iurong ang petisyon para sa AOT.2

  • Kung hindi ka gagawa ng kasunduan ng pag-aayos sa county, maaaring mautusan ka ng hukom sa AOT kung magdesisyon sila na karapat-dapat ka para sa AOT batay sa batas.3 Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung magiging karapat-dapat ka para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”
  • Hindi ka makagagawa ng kasunduan ng pag-aayos sa county bago maibigay ng county sa korte ang petisyon para sa AOT para sa iyo. Hindi ka rin makagagawa ng kasunudan ng pag-aayos sa hulihan ng iyong pagdinig sa AOT.4
  • Gayunman, maaaring inalok ka na ng county ng boluntaryong paggagamot upang makapagpetisyon sila para sa AOT para sa iyo.5 Kaya makapagpapagamot ka pa rin nang boluntaryo na hindi nauugnay sa isang petisyon para sa AOT kahit na bago maibigay ng county sa korte ang petisyon. Para sa impormasyon tungkol sa mga serbisyong boluntaryo bago magbigay ang county sa korte ng petisyon, basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered Into AOT.”
  • Maaari mong iurong (i-waive) ang iyong karapatan sa isang pagdinig ng AOT upang makakuha ng kasunduan ng pag-aayos. Magagawa mo lang ito kung sasabihin ng lisensyadong provider ng paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip na sumuri sa iyo na maaari kang ligtas na mabuhay sa komunidad.6
  • Bagaman sa pagitan mo at ng county ang kasunduan ng pag-aayos, kailangan sabihin ng korte na ok ang kasunduan ng pag-aayos.7

Anu-ano ang mga Pangangailangan ng Kasunduan ng Pag-aayos

  • Dapat may kasamang plano ng paggagamot ang kasunduan ng pag-aayos.8 Dapat ginawa ng programa ang plano ng paggagamot kung saan mo makukuha ang paggagamot. Kailangan din hangga’t maaari ay hindi pinakalilimitahan ang paggagamot para sa iyo.9 Ang ibig sabihin ng “pinkalilimitahan ang paggagamot” ay mayroon kang mas maraming kalayaan.
  • Ang kasunduan ng pag-aayos ay hindi tatagal nang higit sa 180 araw. Pagkatapos nang 180 araw dapat matapos ang kasunduan ng pag-aayos at hindi ka na bahagi ng AOT.10 Maaari pa ring simulan ng county ang petisyon, sa ganoong paraan, at pagktapos maaari kang magdesisyon na pumasok sa isa pang kasunduan ng pag-aayos.11
  • Dapat sumang-ayon ka at ang county sa kasunduan ng pag-aayos.12
  • Dapat nakasulat ang kasunduan ng pag-aayos.13

Paano Babaguhin ang Kasunduan ng Pag-aayos

Sa anumang oras, ikaw o ang county ay maaaring hilingan ang korte na baguhin ang plano ng paggagamot na nasa kasunduan ng pag-aayos.14

Kung Hindi Mo Susundin ang Kasunduan ng Pag-aayos

Kung hindi mo susundin ang kasunduan ng pag-aayos, maaaring sabihan ng iyong provider ang abogado ng county. Anong mangyayari pagkatapos malaman ng county na hindi ka sumusunod sa kasunduan ng pag-aayos ay pareho din na parang inutusan ka sa AOT.15 Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung ano ang mangyayari kung hindi mo susundin ang AOT o ang kasunduan ng pag-aayos, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Not Following AOT.”

  • Magkakaroon ng pagdinig upang pagpasyahan kung hindi ka sumunod sa kasunduan ng pag-aayos. Magkakaroon ng nakasulat na pahayag (parang isang ulat) mula sa county tungkol sa kung paano mo hindi sinunod ang kasunduan ng pag-aayos. Kailangan mong ipakita sa korte ang kahigtan ng ebidensya na sinunod mo ang kasunduan ng pag-aayos.16 Ang ibig sabihin ng kahigtan ng ebidensya na mayroong mas mataas na 50% na pagkakataon na sinunod mo ang kasunduan ng pag-aayos.

Kung hindi ka gagawa ng kasunduan ng pag-aayos sa county, magkakaroon ka ng pagdinig sa AOT upang pagpasyahan kung magiging karapat-dapat ka batay sa batas na mautusan ka sa AOT. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pagdinig ng AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Your Rights if the County is Asking for AOT and AOT Hearings.”

  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung sino ang karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”

Karagdagang Impormasyon

Kung kailangan mo pa ng impormasyon o may mga katanungan maaari mong:

  • Tanungin ang iyong abogado. May karapatan ka sa isang abogado kung hinilingan (nakapetisyon) ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol. Kailangan mo lang bayaran ang pampublikong tagapagtanggol kung mayroon kang pera.
  • Kontakin ang Patient’s Rigths Advocate ng iyong county. Para mahanap ang Patient’s Rights Advocate kung saan ka nakatira, (916) 504-5810 at humingi para sa iyong lokal na Patient’s Rights Advocate o mag-click sa link na ito: https://www.disabilityrightsca.org/post/patients-rights-advocacy-directory.
  • Tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.
  • 1. Welf. & Inst. Code § 5347. Ang lahat ng seksyon ng code na binanggit sa ibaba ay mula sa Welfare and Institutions Code.
  • 2. § 5347(a).
  • 3. § 5346(d)(5)(b).
  • 4. § 5347(b)(1).
  • 5. § 5346(a)(5).
  • 6. § 5347(b)(1).
  • 7. § 5347(b)(1).
  • 8. § 5347(b)(1).
  • 9. § 5347(b)(1).
  • 10. § 5347(b)(1).
  • 11. § 5347.
  • 12. § 5347.
  • 13. § 5347(b)(2).
  • 14. § 5347(b)(3).
  • 15. § 5347(b)(4)-(5).
  • 16. § 5347(b)(6).