Assisted Outpatient Treatment (AOT): Ang Iyong mga Karapatan sa Paggagamot Habang Nasa AOT

Publications
#7178.08

Assisted Outpatient Treatment (AOT): Ang Iyong mga Karapatan sa Paggagamot Habang Nasa AOT

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang mga karapatan sa paggagamot na mayroon ka kung uutusan ka ng hukom sa AOT.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang Assisted Outpatient Treatment, tinatawag din bilang AOT, ay utos ng korte na outpatient na panggagamot para sa mga tao na may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip.  

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang mga karapatan sa paggagamot na mayroon ka kung uutusan ka ng hukom sa AOT.

May karapatan ka sa isang abogado kung hihilingan ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, maaari mong hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

Kung magpapasya ang hukom na karapat-dapat ka para sa AOT batay sa batas at inutusan ka sa AOT, may karapatan ka sa partikular na mga uri ng paggagamot na natatanging inilalapat para matugunan ang iyong mga pangangailangan.1

  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung sino ang karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”
  • Para sa impormasyon tungkol sa pagdinig ng AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Your Rights if the County is Asking for AOT and AOT Hearings.” Ang pagdinig ng AOT ay kung saan magpapasya ang isang hukom kung karapat-dapat ka man o hindi para sa AOT batay sa batas.

Paggagamot ng AOT

Ang paggagamot ng iyong AOT ay dapat:

  • Maituon sa iyo at gumamit ng mga prinsipyo ng sikolohikal na rehabilitasyon at pagpapabuti .2
    • Sinusuportahan ng sikolohikal na rehabilatasyon ang personal na pagpapabuti, matagumpay na pagsasama sa komunidad, at mapapabuti ang kalidad ng buhay para sa mga taong may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip. Maaaring kasama dito ang:
      • Pangangasiwa ng gamot
      • Pangangasiwa ng mga sintomas
      • Pangangasiwa ng paggamit ng sustansya.
      • Mga kasanayan ng malayang pamumuhay
      • Mga kasanayan sa edukasyon ng trabaho
      • Mga kasanayan sa komunikasyon
      • Mga kasanayan sa paglutas ng problema at pag-agapay
      • Pagbuo ng suportang panglipunan.
    • Ang mga prinsipyo ng pagpapabuti ay:3
      • Sariling pangangasiwa, kung saan ang mga “[i]ndibidwal ay pinagpapasyahan ang sarli nilang landas ng pagpapabuti.”
      • Isinaindibidwal at nakasentro sa tao, kung saan ang pagpapabuti ay ibinabatay ang iyong naiibang katangian imbes na parehong mga serbisyo para sa lahat.
      • Pagbibigay kapangyarihan (Empowerment), kung saan may masasabi ka sa mga desisyon na maaapektuhan ka.
      • Holistic, kung saan ang lahat ng aspeto ng iyong buhay ay isinasaalang-alang.
      • Non-linear, kung saan ang pagpapabuti ay maaaring may kasamang “setbacks” at maaaring kailanganin ng “matuto mula sa karanasan.”
      • Batay sa mga kalakasan, kung saan ang pagpapabuti ay nakatuon sa pagbuo ng iba’t ibang kasanayan at talento.
      • Suporta ng Kauri, kung saan nagbibigay ka ng tulong sa iba at tutulungan ka nila.
      • Paggalang, kung saan ang pagpapabuti ay hindi kasama ang mga negatibong pag-iisip tungkol sa iyong sarili o mga taong may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip.
      • Responsibilidad, kung saan ay ikaw ang namamahala sa pagtulong sa iyong pagpapabuti at kagalingan.
      • Pag-asa, kung saan naroon ang pag-iisip na magkakaroon ka ng magandang kinabukasan.
  • Maging konektado sa iyong ibang tulong ng AOT, suporta, at paggagamot.4
  • Magkaloob ng pabahay na madalian, paiba-iba, permanente o lahat ng ito.5
  • Maging konektado sa isang tagapagkoordina ng personal na mga serbisyo na nagbibigay sa iyo at sinisiguro na makukuha mo ang tulong na kailangan mo.6
    • Ang tagapagkoordina ng personal na mga serbisyo ay dapat:
      • Gumawa ng pagtatasa kung ano ang kailangan mo.
      • Gumawa ng plano ng iyong personal na mga serbisyo.
      • Iugnay ka sa tulong sa komunidad na tama para sa iyo, at
      • Subaybayan kung gaano kabuti ang tulong na nakukuha mo.

Plano ng Personal na mga Serbisyo ng Indibidwal

Ang mga plano ng iyong personal na mga serbisyo ay dapat maging:7

  • Tama para sa iyong edad.
  • Tama para sa iyong kasarian.
  • Tama para sa iyong kultura.

Dapat siguruhin ng plano ng iyong personal na mga serbisyo ng indibidwal na natutulungan ka nito hangga’t maaari.8

  • Mamuhay sa pabahay na pinkamalaya at hindi pinakalilimitahan sa lokal na komunidad.
  • Naninirahan sa mapangsuprtang pabahay na tinutulungan kang magpanatili ng kustodiya ng iyong mga anak o sinusubukan na muling ipagsama ka sa iyong mga anak.
  • Magtrabaho o gumawa ng produktibong aktibidad sa pinakamataas na antas batay sa iyong mga kakayahan at kaalaman.
  • Pagawin ang mga kaibigan at pamilya ng mga aktibidad sa komunidad sa labas ng iyong bahay.
  • Kumuha ng edukasyon o bokasyonal na pag-aaral na tama para sa iyo.
  • Kumita nang sapat para mabuhay.
  • Pangasiwaan ang iyong karamdaman at magdesisyon tungkol sa iyong buhay (pareho sa pang-araw-araw at pangmatagalan).
  • Kumuha ng pisikal na pangangalagang pangkalusugan at maging kasing pisikal na malusog hangga’t maaari.
  • Bawasan o alisin ang malalang pagkalaban sa lipunan o mga aksyong kriminal mo at bawasan o alisin ang iyong ugnayan sa sistema ng kriminal na hustisya.
  • Bawasan o alisin ang pag-aalalang sanhi ng mga sintomas ng iyong karamdaman hinggil sa pag-iisip.
  • Gawin ito para hindi ka gagamit ng mga mapanganib na sustansyang nakakagumon.

Koponan ng Kalusugan Hinggil sa Pag-iisip

  • May karapatan ka sa isang sinanay nang hustong koponan ng kalusugan hinggil sa pag-iisip.9
    • Ang bawat tao sa koponang ito ay hindi dapat mayroong 10 kliyente sa isang pagkakataon.
    • Ang koponang ito ay maramihang pangdisiplina. Ang ibig sabihin nito ang iyong koponan ay dapat kasama ang iba’t ibang uri ng mga provider tulad ng sikayatrista, nurse, case worker, at kauring tagapagtaguyod at inaaksyunan ang mga isyu na kabilang ang pareho sa pagagamot ng iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip at iba pang pangangailangan o mga layunin -- tulad ng pabahay, kita o mga benepisyo, isang trabaho, edukasyon o mga alalahaning panglipunan o pampamilya. 
    • Dapat na batay sa komunidad ang koponang ito at maaaring pagalawin. Nangangahulugan ito na gumagawa ang koponan sa komunidad at maaaring maghatid ng mga serbisyo at suporta sa iyo, kapag kailangan. 

Paggagamot Laban sa Iyong mga Kagustuhan

  • May karapatan kang hindi piliting uminom ng gamot na hind mo gustong inumin (hindi kusang pagpapainom).10
  • Kung hindi mo susundin ang AOT at malalagay sa isang saykayatrikong ospital laban sa iyong mga kagustuhan (hindi kusa), maaaring pilitin kang inumin ang gamot na hindi mo gustong inumin. Maaari itong mangyari kung mayroong emergency o kung mayroong kautusan para sa paggagamot pagkatapos ng pagdinig para pagpasyahan kung wala kang kakayahang tanggihan ang pagtrato sa paggagamot (tinatawag din itong isang pagdinig sa kapasidad).11
    • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung papaano ito pinagpapasyahan na hindi mo sinusunod ang AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Not Following AOT.”

Mga Kaugnayan – Pamilya, Mga anak at mga Kauri

Habang ikaw ay nasa AOT, dapat ibigay sa iyo ng county ang sumudunod na tulong kung tama ito para sa iyo:12

  • Tulong ng pamilya at gabay.
  • Tulong ng pagiging magulang at gabay.
  • Suporta ng kauri o tulong sa sarili.

Mas Matatandang May Sapat na Gulang na may mga Kapansanan/Beterano

  • Kung ikaw ay isang mas nakatatandang may sapat na gulang at/o isang taong may kapansanan, dapat kang tulungan ng county sa mga bagay na kailangan ng mas matatandang may sapat na gulang at/o mga taong may kapansanan.13
  • Kung ikaw ay isang beterano, pakikipagkoordina sa mga serbisyo ng beterano.14

Batang mga May Sapat na Gulang na 25 Taong Gulang o Mas Bata

  • Kung ikaw ay isang batang may sapat na gulang sa AOT na may malalang karamdaman hinggil sa pag-iisip at nakararanas ng pagkawalang bahay o nasa mataas na panganib na magiging walang bahay, dapat kang bigyan ng county nang mas maraming tulong na ipinasadya para sa mga batang may mga sapat na gulang.15

Mga Kababaihan mula sa Magkakaibang Pangkulturang Pinagmulan

  • Kung ikaw ay isang babae o isang tao mula sa isang magkaibang pangkulturang pinagmulan, dapat kang bigyan ng county ng tulong na partikular sa mga pangangailangan ng iyong komunidad.16
  • Dapat kasama dito ang:
    • Mapangsuportang pabahay kung saan maaari ring manirahan ang mga anak.
    • Paggagamot sa sustansya na nagtutuon sa trauma at pang-aabuso para sa iyong kasarian.
    • Pagsasanay sa trabaho na hindi batay sa kasarian ngunit isinasaalang-alang din ang mga pangangailangan ng mga kababaihan.

Mga Taong May Hindi Nagamot na Malalang Karamdaman Hinggil sa Pag-iisip at Nasa Panganib ng Pagkawala ng Bahay

  • Kung nakaranas ka ng hindi nagamot na malalang karamdaman hinggil sa pag-iisip na kulang sa isang taon, na maaaring hindi kailangan ng buong sakop ng mga serbisyo ng AOT, at nasa peanganib ng pagkawala ng bahay, ang county ay dapat:17
    • Tulungan kang gumawa ng plano ng mga serbisyo ng indibidwal na pamilya at suporta.
    • Bigyan ka ng mga serbisyo partikular na idinisenyo para matugunan ang iyong mga pangangailangan.

Karagdagang Impormasyon

Kung kailangan mo pa ng impormasyon o may mga katanungan maaari mong:

  • Tanungin ang iyong abogado. May karapatan ka sa isang abogado kung hinilingan (nakapetisyon) ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol. Kailangan mo lang bayaran ang pampublikong tagapagtanggol kung mayroon kang pera.
  • Kontakin ang Patient’s Rigths Advocate ng iyong county. Para mahanap ang Patient’s Rights Advocate kung saan ka nakatira, (916) 504-5810 at humingi para sa iyong lokal na Patient’s Rights Advocate o mag-click sa link na ito: https://www.disabilityrightsca.org/post/patients-rights-advocacy-directory.
  • Tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.
  • 1. WELF. & INST. CODE § 5348(a). Ang lahat ng seksyon ng code na binanggit sa ibaba ay mula sa Welfare and Institutions Code.
  • 2. § 5348(a)(2)(F).
  • 3. 10 Fundamental Components of Recovery, NAMI California, https://namica.org/resources/recovery/.
  • 4. § 5348(a)(2)(G).
  • 5. § 5348(a)(2)(J).
  • 6. § 5348(a)(3).
  • 7. § 5348(a)(4).
  • 8. § 5348(a)(4)(A)-(J).
  • 9. § 5348(a)(1).
  • 10. § 5348(c).
  • 11. § 5332.
  • 12. § 5348(a)(2)(E).
  • 13. § 5348(a)(2)(C), (D).
  • 14. § 5348(B).
  • 15. § 5348(H).
  • 16. § 5348(I).
  • 17. § 5348(K).