Protektahan ang Iyong Sarili! Nangungunang mga Payo mula sa mga Abogado sa Pabahay

Protektahan ang Iyong Sarili! Nangungunang mga Payo mula sa mga Abogado sa Pabahay
Inilalarawan ng publikasyong ito ang mga hakbang na maaari mong gawin upang subukang lutasin ang mga isyu sa pabahay, impormasyon sa mga tungkulin ng abogado, at mga tip at pinakamahusay na kagawian kapag nagtataguyod para sa iyong sarili sa loob at labas ng hukuman.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Talaan ng mga Nilalaman
- Mga Hakbang na Magagawa Mo Upang Sikaping Resolbahin ang mga Problema sa Pabahay
- Pakikipagtulungan sa mga Abogado - Mga Pinakamahusay na Gawain
- Mga Payo at mga Pinakamahusay na Gawain Kapag Nagtataguyod para sa Iyong Sarili sa Tagapagkaloob ng Pabahay
- Pagtataguyod para sa Iyong Sarili sa Korte
Mga Hakbang na Magagawa Mo Upang Sikaping Resolbahin ang mga Problema sa Pabahay
Hakbang 1: Hanapin ang Impormasyon Tungkol sa Iyong mga Karapatan
Kapag alam mo ang iyong mga karapatan, magiging mas komportable ka sa pagtataguyod para sa iyong sarili at pagtuturo sa iyong tagapagkaloob ng pabahay ng tungkol sa iyong mga karapatan. Malalaman mo rin kung ikaw ay may matatag na proteksyong pambatas sa iyong sitwasyon. Ang ilang magagandang lugar upang makahanap ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan ay kinabibilangan ng mga unyon ng mga tenant, lokal na mga ahensiya ng tulong na pambatas, mga website ng pamahalaan o korte, at mga grupo ng pag-oorganisa sa komunidad.
Ang website ng DRC ay maaari ring nagtataglay ng impormasyon tungkol sa ispesipikong isyu na kinakaharap mo. Matatagpuan mo ang aming mga publikasyon tungkol sa batas sa pabahay sa aming website sa mga tagatulong sa Pabahay/Kawalan ng Bahay.
Halimbawa
Ang iyong landlord ay nagtataas ng $300 sa iyong renta. I-google mo ang “How much can my landlord increase my rent in California?” at malalaman ang tungkol sa Tenant Protection Act. Suriin mo ang mga resulta ng paghahanap upang matuto pa tungkol sa pagkontrol ng renta. Saka, tawagan mo ang DRC upang itanong kung ang Tenant Protection Act o ibang mga batas sa pagkontrol ng renta ay mailalapat sa iyong apartment at para sa mga rekomendasyon sa kung paano tutugon sa iyong landlord.
Hakbang 2: Alamin ang Iyong mga Hangarin
Kung ikaw ay may problema sa iyong pabahay, isipin muna ang tungkol sa kung paano mo gustong ayusin ang problema (iyong hangarin). Sa sandaling malaman mo ang iyong hangarin, makakaisip ka ng isang planong aksyon upang matupad ang iyong hangarin.
Kung minsan ang mga kliyente ay nagsasabi na ang kanilang hangarin ay magsampa ng habla, pero ang pagsasampa lamang ng habla ay hindi isang hangarin. Ang habla ay isang legal na kasangkapan upang tangkaing maabot ang iyong hangarin, pero posibleng matalo ka sa habla at ang pagsasampa ng habla ay maaaring hindi aktuwal na mag-ayos ng iyong problema sa pabahay. Sa halip, itanong kung anong kinahinatnan ang maaaring mag-ayos ng iyong problema sa pabahay (iyon ay, ano ang makakatugon sa iyong hangarin) at saka alamin kung ang isang habla ay ang pinakamahusay na kasangkapan upang maabot ang hangaring iyon.
Nasa ibaba ang 3 magkakaibang plano sa legal na aksyon na batay sa magkakaibang hangarin ng tenant:
Halimbawa
Ang iyong landlord ay nagsasabi sa iyo na hindi mo madadala ang iyong hayop na suportang pandamdamin (ESA) sa bahay na nirerentahan mo.
- Kung ang iyong hangarin ay patuloy na rentahan ang kaparehong bahay, tmakakahingi ka sa iyong landlord ng isang makatwirang kaluwagan dahil ang iyong ESA ay hindi isang pet. Tingnan ang Mga Tumutulong na Hayop sa Pabahay: Mga Hayop na Nagseserbisyo at mga Hayop ng Suportang Pandamdamin para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga karapatan sa mga ESA sa pabahay.
- Kung ang iyong hangarin ay lumipat palabas dahil hindi mo naman nagugustuhan ang paninirahan doon, makakahingi ka sa iyong landlord ng isang makatwirang kaluwagan upang tapusin nang maaga ang iyong pag-upa. Tingnan ang Iyong Karapatan sa Makatwirang mga Kaluwagan sa Pabahay Iyong Karapatan sa Makatwirang mga Kaluwagan sa Pabahay para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iyong karapatan sa makatwirang mga kaluwagan.
- Kung ang iyong hangarin ay mabawi ang pera mula sa iyong landlorad dahil sa pagdiskrimina laban sa iyo, dapat kang matrabaho upang makalikom ng sapat na ebidensiya upang patunayan na ang iyong landlord ay nagdiskrimina at gamitin ang ebidensiyang iyon upang magsampa ng reklamo o isang habla. Tingnan ang Isang Gabay sa Korte ng Maliliit na Claim: Paano maghabla kung ang isang negosyo o landlord ay nagdidiskrimina laban sa iyo dahil sa iyong kapansanan para sa impormasyon tungkol sa kung paano ihabla ang isang negosyo o landlord sa maliliit na claim para sa diskriminasyon. Kung manalo ka, ang isang hukom ay maaari lamang mag-utos ng relief na sinasabi ng batas na maaari nilang ipag-utos. Halimbawa, sa mga kasong sibil na batas, ang isang hukom ay maaaring mag-utos sa kabilang panig na magbayad ng pera. Ang mga hukom ay hindi nag-uutos sa kabilang panig na humingi ng paumanhin sa iyo o upang ipaliwanag ang kanilang pagkilos.
Ang mga halimbawang ito ay nagpapakita na sa sandaling malaman mo ang iyong hangarin, makakagawa ka ng mga aksyon upang subukang makamit ang iyong hangarin.
Hakbang 3: Itanong ang Kailangan Mo at Sundan Ito ng ibang mga Aksyon
Huwag mahiya tungkol sa pagtatanong ng kailangan mo o pagsasabi sa iyong tagapagkaloob ng pabahay ng tungkol sa iyong mga problema sa pabahay Hanggang malaman ng iyong tagapagkaloob ng pabahay ang tungkol sa isang problema, sila ay hindi maaaring legal na atasan na ayusin ito. Kapag sinabi mo sa iyong tagapagkaloob ng pabahay ang tungkol sa problema, maaari nilang simulan ang legal na tungkulin ng tagapagkaloob ng pabahay na subukang ayusin ang problema. Mabuting isaalang-alang kung paano tutugon sa iyo ang iyong tagapagkaloob ng pabahay. Bagaman ang pagganti ay ilegal, ito ay nangyayari pa rin. Upang matuto pa tungkol sa pagganti, mangyaring tingnan ang publikasyong ito: Pagganti ng iyong Landlord: Alamin ang Iyong mga Karapatan sa Pabahay.
Tuwing nag-iisip ka tungkol sa iyong kontrata sa pabahay (pag-upa) sa iyong tagapagkaloob ng pabahay, magandang ideya na sundan ito ng sulat at panatilihin ang iyong sariling mga rekord ng iyong mga komunikasyon.. Maaari kang magpadala sa iyong tagapagkaloob ng pabahay ng isang liham na nagkukumpirma na kayo ay nagkaroon ng pag-uusap, nagpapaliwanag ng inyong tinalakay sa pag-uusap, at nagpapaliwanag na nauunawaan mo na ang pagbabatayan ng mga susunod na hakbang. Maaari mo ring isulat ang detalyadong mga tala upang magpanatili ng iyong rekord ng inyong tinalakay.
Halimbawa
Ang iyong landlord ay hindi sumagot nang sabihin mo sa kanya sa isang pag-uusap na kinailangan mo ng makatwirang kaluwagan. Tatawag ka at mag-iiwan ng voicemail para sa iyong landlord na humiihingi ng tugon, at saka susundan ng isang email sa landlord upang:
- ipagunita sa kanila ang hiningi mo at kailan mo hiningi ito,
- Sabihin sa kanila kung gaano katagal na mula nang humingi ka,
- Sabihin na ikaw ay susubaybay at hihingi ng tugon sa loob ng isang linggo.
Pakikipagtulungan sa mga Abogado - Mga Pinakamahusay na Gawain
Papel ng isang abogado/legal na tagapataguyod
Kung ang mga abogado man ay makakatalakay sa iyo ng mga karaniwang hangarin, ang trabaho ng abogado ay hindi upang ipasya kung ano ang gusto mo o ano ang pinakamabuti sa iyo. Ang trabaho ng abogado ay malaman muna mula sa iyo ang iyong mga hangarin kasama ang mga may kaugnayang impormasyon tungkol sa nangyari, at saka batay sa impormasyong ito, ang mga abogado ay maaaring magmungkahi ng posibleng mga istratehiya at mga hakbang na dapat mong gawin upang makamit ang iyong mga hangarin. Maaaring talakayin sa iyo ng mga abogado ang mga benepisyo at panganib ng ibang mga planong aksyon. Trabaho na ng kliyente na magpasya kung paano niya gustong sumulong batay sa payo at gabay ng abogado.
Ang mga abagadp ay hindi makakapangako ng mga resulta. Ang mga abogado ay makakapagpayo lamang sa iyo sa mga hakbang na sa palagay nila ay magiging kapaki-pakinaang sa pagsubok na maabot ang iyong mga hangarin. Kung gagawa ka ng aksyon, ang sitwasyon ay maaaring maging mas mahusay, mas masama, o manatiling hindi nagbabago. Walang makakagarantiya na ang isang partikular na kurso ng aksyon ay magreresulta sa isang partikular na resuta. Pero ang mga abogado ay maaaring makapagpayo sa iyo tungkol sa kung ang isang partikular na kurso ng aksyon ay malamang na makatulong sa iyo na makamit ang iyong mga hangarin.
Mga serbisyong iniaalok ng mga abogado, legal na tagapagtaguyod
Ang mga abogado ay maaaring mag-alok ng iba’t ibang antas o uri ng mga serbisyo. Halimbawa, ang ilang abogado ay kakatawan sa iyo upang ihabla ang mga landlord sa korte, ang ilan ay tutulong lamang na maghanda ng mga liham ng paghingi, at ang ilan ay magbibigay lamang ng payong pambatas. Kung ikaw ay naghahanap ng isang abogado upang katawanin ka sa korte, kakangang humanap ka ng isang abogado na sumasang-ayon na magkaloob ng antas na iyon ng serbisyo para sa iyo.
Karamihan ng mga habla ay nangangailangan ng maraming oras, tagatulong, at maingat na paghahanda. Dahil dito, ang mga abogado ay hindi makakatanggap ng maraming kaso sa ganitong antas ng serbisyo. Pero hindi lahat ng sitwasyon ay nangangailangan ng habla upang maayos ang problema. Maraming ibang legal na mga kasangkapan na magagamit upang ayusin ang mga problema, kabilang ang sarilling-pagtataguyod. Ang DRC ay nagkakaloob ng libreng payong pambatas sa maraming uri ng mga problema upang mga kliyente ay makakuha ng payo tungkol sa mga hakbang na magagawa nila upang makamit ang kanilang mga indibidwal na hangarin.
Ang aktibong paglahok mula sa kiyente ay kailangan
Kahit na kapag ang mga abogado ay nagsasampa ng mga habla sa ngalan ng mga kliyente, ang mga abogado ay nangangailangan pa rin ng maraming paglahok mula sa mga kliyente sa buong representasyon. Hindi iniaabot na lamang ng mga kliyente ang mga problemang pambatas sa mga abogado. Kailangan ng mga abogado ang awtorisasyon mula sa mga kliyente at impormasyon mula sa mga kliyente sa buong pagkatawan nila.
Bilang karagdagan, hindi maaaring malaman ng mga abogado kung ano ang iniisip o ginagawa ng kanilang tagapagkaloob ng pabahay. Maaaring makagawa sila ng edukadong hula pero kung walang ispesipikong impormasyon ang hulang ito ay maaaring mali. Magagawa ng mga abogado ng magbigay mas mahusay na payo kung sila ay may ispesipikong impormasyon tungkol sa sitwasyon at iyong mga hangarin mula sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng mga abogado na magtanong sa iyo tungkol sa iyong problemang pambatas.
Kapag ang mga abogado ay nagtatanong ng mga ispespikong tanong, dapat kang laging sumagot sa mga ispesipikong tanong na ito nang tuwiran at matapat. Tandaan ang tungkol sa pagbibigay ng mahahabang paliwanag tungkol sa impormasyon na maaaring walang kaugnayan sa itinanong. Ginagawa nito ang pag-uusap na mas hindi episyente para sa pareho ng kliyente at sa abogado at maaaring mas mahirap para sa abogado na magbigay ng pinakamahusay na payong pambatas na posible. Madalas na ang pagsusuring pambatas ay maaaring magbago batay sa maliliit na piraso ng impormasyon, kaya kung minsan kailangan ng mga abogado na ang mga partikular na tanong ay sagutin bago ang iba. Nakakatulong kapag ang mga kliyente ay simpleng sumasagot ng kanilang mga tanong upang ang kanilang pagsusuri ay makapagpatuloy.
Maaaring madama ng mga kliyente at posibleng mga kliyente na sila ay komportable sa pagiging matapat sa mga abogado at sa kanilang mga tauhan dahil ang mga pag-uusap na ito ay kompidensiyal. May mga masyadong limitadong sitwasyon kung saan ang mga abogado ay maaaring legal na atasan na magbahagi ng kompidensiyal na impormasyon, pero bilang pangkalahatang tuntunin, ang mga abogado at lahat ng tauhan na nagtatrabaho para sa kanila ay may tungkulin na panatiling lihim ang iyong impormasyon.
Mga Payo at mga Pinakamahusay na Gawain Kapag Nagtataguyod para sa Iyong Sarili sa Tagapagkaloob ng Pabahay
Iwasan ang Pagalit o Komokompronta na mga Interaksyon
Ang pagkakaroon ng hindi pinagkakasunduan ay hindi nangangahulugan na ang sitwasyon ay pagalit. Ang wikang agresibo o sinisisi ang kabilang partido ay maaaring hindi makatulong dahil sa:
- Ito ay maaaring ang unang pagkakataon na ang tagapagkaloob ng pabahay ay natututo ng tungkol sa isyu, at hindi sila gaanong handang makipag-ugnayann sa iyo kung nakakadama sila ng pagbabanta.
- Ikaw ay nasa isang pangmatagalang relasyong pangnegosyo sa iyong tagapagkaloob ng pabahay at kailangang makipag-ugnayang muli sa kanila sa hinaharap;
- Kung ikaw ay ay pupunta sa korte sa hinaharap, ang korte ay malamang na makita o marinig ang tungkol sa iyong mga komunikasyon sa landlord, Ang mga hukom at jury ay mas gusto ng magalang at niyutral na pananalita at maaaring mas malamang na sumang-ayon sa iyo kung iiwasan mo ang mga galit na pananalita; at
- Maaaring aksidenteng magsiwalat ka ng masyadong marami o impormasyon na nakakasama sa iyo sa init ng isang argumento
Makipag-ugnayan sa Pagsulat
Kung susulat ka sa iyong tagapagkaloob ng pabahay, maaaring mas madali para sa kanila na tandaan kung ano ang sinabi mo kaysa isang pabigkas na pag-uusap. Ang pagsusulat ng mga bagay ay nagpapahintulot sa iyo na ipaliwanag ito at nakakatulong na iwasan ang hindi pagkakaunawaan. Ang pagsulat ng liham sa iyong tagapagkaloob ng pabahay ay maaaring makatulong sa kanila na maintindihan na ikaw ay seryoso sa iyong kahilingan. Hindi mo kailangang dumaan sa lahat ng paghihirap ng isang habla; maaring kailangan mo lamang makuha ang atensiyon ng iyong landlord. Ang mahalaga, kung hindi ka humantong sa pagpunta sa korte, magagamit mo ang mga liham bilang katunayan na sinabi mo sa iyong tagapagkaloob ng pabahay ang tungkol sa isang problema. Dahil ang isang korte ay maaaring makakita ng mga liham na ito, mahalagang iwasan mo ang agresibo o nagbabantang pananalita para sa lahat ng dahilang nakalista sa naunang seksyon, Ang mga liham na ito ay dapat manatili sa mga katotohanan at maging malinaw hanggang magagawa sa kung ano ang problema at paaano mo gustong malutas ito.
Kung mauwi ka sa pagkakaroon ng pabigkas na pakikipag-usap sa iyong tagapagkaloob ng pabahay tungkol sa isang isyu, makakasulat ka sa tagapagkaloob ng pabahay ng isang liham pagkaraan na nagkukumpirma na ikaw ay nakipag-usap, nagpapaliwanag ng tinalakay ninyo sa pag-uusap, at nagpapaliwanag kung saan responsable ang bawat panig sa susunod na gagawin batay sa pag-uusap. Ito ay tinatawag na nagkukumpirmang liham. Ang pagpapadala ng nagkukumpirmang liham sa pamamagitan ng email, regular mail o iniaabot na paghahatid ay makakatulong sa bawat tao na tandaan at maintindihan ang kanilang mga responsiblidad at magagamit bilang katunayan sa hinaharap kung kailangan mong ipakita kung ano ang inyong kasunduan. Magpanatili ng mga kopya ng iyong mga nagkukumpirmang liham.. Kung iniabot mo ang isang liham, makakahiling ka sa tagapagkaloob ng pabahay na pirmahan at petsahan ang iyong duplikadong kopya upang makapagpakita ka ng katunayan na natanggap ito ng iyong tagapagkaloob ng pabahay.
Halimbawa
Pupunta ka sa opisina ng pamamahala ng ari-arian dahil may amag sa iyong apartment. Pagkatapos ng pulong, magpapadala ka ng email na nagpapasalamat sa tagapamahala ng ari-arian dahil sa pakikipagtagpo sa iyo at isusulat mo ang lahat ng mahahagang bagay na sinabi sa pulong, kabilang ang mga susunod na hakbang na sinabi ng iyong tagapamahala ng ari-arian na gagawin nila at gaano katagal ang maaaring kailangan upang makumpleto ang mga hakbang na iyon. Sa dulo ng iyong email, hihingin mo sa iyong tagapamahala ng ari-arian na sumagot kung mayroong kailangang itama.
Magpanatili ng mga Nakasulat na Rekord at Tala
Magtala tungkol sa iyong problemang pambatas. Tuntunin ang mga petsa, oras, sino ang kasangkot o isang testigo, ano ang nangyari, paano nakaapekto sa iyo ang sitwasyon. Hingin agad sa mga testigo ang anumang impormasypn sa pakikipag-ugnayan para kung sakaling lumipat sila sa malayo, at kailangan mong kontakin sila bandang huli. Tukuyin ang impormasyon sa ibaba upang matunton ang mga detalyeng ito kung nakakatulong iyon sa iyo. Ang mga tala mo ay upang tulungan kang matunton ang mga ispesipikong katotohanan. Ang iyong mga tala ay maaaring nasa anumang format na gagana para sa iyo upang panatilihin ang impormasyon Nasa ibaba ang mga sampol na kategorya ng impormasyon na dapat tuntunin:
Sampol ng mga Kapanahong Tala
Petsa ng Insidente
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Sino ang kasangkot?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Saan ito nangyari?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Ano ang sinabi/Ano ang nangyari?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Mga testigo at impormasyon sa pagkontak
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Anong ebidensiya (mga paunawa, liham, komunikasyon, resibo, dokumento) ang taglay ko?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Paano ito nakakaapekto sa akin?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Ang pagkuha ng mga tala tungkol sa mga detalye sa sandaling mangyari ang mga ito ay nakakatulong sa iyo na panatilihing malinaw ang mga rekord kung sakaling kailangan mo ng higit pang legal na aksyon sa huli at makakapigil sa iyo na makalimutan ang mahahalagang detalye sa paglipas ng panahon. Maaari mo ring repasuhin ang iyong mga tala upang makita kung may takbong nababuo o ang mga problema ay nagiging mas mabuti o mas masama sa paglipas ng panahon.
Ang isa pang dahilan upang magtala agad ay upang protektahan ang iyong sarili sa hinaharap. Ang mga problemang pambatas ay madalas na matagal resolbahin at dapat patunayan ng mga tenant ang kanilang kaso sa pamamagitan ng ebidensiya kung sila ay nasa korte; Walang “pulis sa mga karapatan sa kapansanan” na makakapunta at makakaayos ng mga problema sa mismong lugar. Maaaring maraming paraan upang harapin ag iyong mga problemang pambatas, pero kung hahantong sa pangangailangan na ipatupad ang iyong mga karapatan sa korte, maaaring umabot ng mga taon upang makuha ang isang resulta. Halimbawa, ngayon ay maaari mong matandaan ang lahat ng detalye tungkol sa ginawa ng manggagawa sa pagpapanatili noong isang linggo, pero maaaring hindi mo matandaan isang taon mula ngayon kung sino ang gumawa o nagsabi ng isang bagay, o kailan ito nangyari. Gayon din, kung ang iyong tagapagkaloob ng pabahay ay mag-aakusa sa iyo ng isang bagay sa hinaharap, maaaring magamit mo ang mga talang ginawa mo ngayon upang depensahan ang iyong sarili.
Panatilihin ang mahahalagang rekord tungkol sa iyong pangungupahan tulad ng:
- Papel o elektronikong mga paunawa mula sa iyong
- Mga resibo ng renta at ibang katunayan ng iyong mga pagbabayad
- Iyong unang paglibot na inspeksyon
- Iyong kontrata ng pag-upa - kung pinirmahan mo ang isang pag-upa pero walang kopya ng iyong pag-upa, hilingin ito. May karapatan sa isang kopya ng iyong pag-upa.
- Mga litrato ng mga kondisyon ng apartment noong magsimula ka ng iyong pangungupahan, mga litrato ng anumang mga problema sa iyong yunit sa panahon ng iyong pangungupahan, at mga litrato ng yunit pagkaraang ilabas ang iyong mga gamit.
Repasuhin ang Paano Dapat Magrenta ng isang Aparment Bahagi 1: Paghahanap ng isang Angkop na Yunitt para sa mga karagdagang payo kung paano dapat protektahan ang iyong sarili bago lumipat papasok sa paupahang ari-arian.
Magtanong
Kung hindi mo naiintindhan kung bakit ang iyong tagapakaloob ng pabahay ay gumagawa ng isang bagay o kung ano ang kahulugan ng mga ito, magtanong. Hindi mo kailangang malaman ang lahat, kailangan mo lamang maintindihan kung ano ang sinasabi sa iyo ng iyong tagapagkaloob ng pabahay upang makapagpasya ka kung paano tutugon. Gayon din, kung kailangan mo ng karagdagang oras upang tumugon sa mga tanong ng iyong tagapagkaloob ng pabahay, maaari kang humingi ng karagdagang oras. Narito ang ilang halimbawa na nagpapakita ng mga benepisyo ng pagtatanong sa iyong tagapagkaloob ng pabahay:
Halimbawa
- Ang iyong landlord ay nagsasabi na magsasampa ng habla ng pagpapaalis laban sa iyo dahil ikaw ay masyadong maingay. Hihingi ka ng mga karagdagang detalye, tulad ng oras sa araw na nangyayari ang ingay. Nalaman mo na ang iyong kapitbahay ang aktuwal na gumagawa ng malalakas na ingay na akala ng iyong landlord ay ikaw ang nagdudulot dahil nangyayari ang mga ito habang ikaw ay malayo at nasa trabaho. Tingnan ang Sariling-Tulong na Gabay sa mga Tenant na Humaharap sa Pagpapaalis ng Disability Rights California para sa karagdagang impormasyon tungkol sa poseso ng pagpapaalis.
- Sinasabi ng iyong landlord na sasagutin ka niya tungkol sa kung magkano ang magiging pagtaas ng iyong renta sa unang linggo ng susunod na quarter ng pananalapi. Itatanong mo kung ano kahulugan ng “quarter ng pananalapi,”at sinabi niya na sasabihin niya sa iyo bago lumampas ang Hulyo 7.
- Gusto mong magrenta ng apartment, pero hindi malinaw kung sino ang namamahala ng ari-arian o kung paano at kailan babayaran ang renta. Bago pirmahan ang renta, hihingin mo sa landlord na linawin ang mga tanong na ito upang malaman mo kung ano ang sasang-ayunan mo kung pipirmahan mo ang kontrata.
- Ang iyong landlord ay nagbibigay sa iyong ng isang kasunduan sa pakikipag-ayos upang suriin, pero gusto mong humingi ng payong pambatas tungkol sa kasunduan. Makakahingi ka ng karagdagang oras upang suriin ang kasunduan sa pakikipag-ayos bago mo pirmahan ito at gaano karaming oras mayroon ka upang tanggapin ang alok.
Pagtataguyod para sa Iyong Sarili sa Korte
Kapag hindi ka makagawa ng pakikipagkasundo sa kabilang panig, magagamit mo ang sistema ng korte upang subukang ipatupad ng iyong mga karapatan ayon sa batas. Repasuhin ang impormasyon sa ibaba para sa mga payo tungkol sa kung paano maaaring magtaguyod para sa iyong sarili sa korte.
Hingin ang Kailangan Mo Upang Lumahok sa o Magamit ang Korte
Halimbawa, kung kailangan mo ng makatwirang mga kaluwagan na hindi malinaw o kailangan ng isang interpreter upang maintindihan kung ano ang nangyayari sa silid ng korte, dapat mong hingin ang mga ito. Hindi trabaho ng hukom o jury na tiyakin na ang iyong pangangailangan na may kaugnayan sa kapansanan ay natutugunan sa korte kung hindi pa nakagawa ng paghiling. Kakailanganin mong humingi kung kailangan mo ng isang bagay, pero mahalagang tandaan kung paano makipag-ugnayan sa mga tauhan ng korte. Mangyaring tingnan ang mga payo para sa pakikipag-ugnayan sa kotre mula sa aming ibang mga publikasyon:
Pagpapatala ng Pagpasok at Pagsasalita sa Kultura ng Korte-Silid ng Korte
Ang hukom ay nagsasabi na ipagpapaliban niya ang iyong kaso sa ika-30 ng Hulyo, pero ikaw ay may operasyon sa petsang iyon at masyadong mahirap na magpaiskedyul sa iyong tagapagkaloob na medikal.
Halimbawa
- Ipapahayag mo: “Your Honor, hindi mo ako makakarating sa petsang iyon dahil mayroon akong pamamaraang medikal at magpapagaling nang 3 araw. Maaari po ba nating gawing Agosto 3 ang susunod na petsa ng korte?”
Gumamit ng Ebidensiya upang Patunayan ang Iyong Kaso
Sa korte ang mga hukom o jury ay nagsusuri ng ebidensiya ng parehong panig upang ipasya kung ang isang tao ay responsable ayon sa batas para sa isang problema. Hindi trabaho ng hukom o jury na imbestigahan ang iyong kaso o sabihin sa iyo ang dapat mong gawin sa korte. Ang hukom at jury ay nag-ooberba sa iyo at sa kabilang panig habang nagsisikap kayong ipaliwanag ang nangyari. Saka magpapasya sila kung sino ang kanilang paniniwalaan
Tipunin at organisahin ang ebidensiya na makakaya mo upang tulungan ang hukom o jury na maniwala sa iyo sa halip ng kabilang panig. Ang ebidensiya ay maaaring kabilang ang pakikipag-usap sa korte pagkatapos manumpa na magsasabi ng katotohanan (tinatawag na “testimonya”). Maaari ka ring tumestigo sa iyong sariling kaso upang magbigay ng ebidensiya. Gayunman, tandaan na ang kabilang panig ay magtatanong din sa iyo. Maaaring kabilang sa ebidensiya ang mga dokumento, pisikal na aytem, litrato, at ibang mga pantulong.
Kailangan mo ring magkaroon ng sapat na ebidensiya upang matugunan ang (mga) pasanin ng pagpapatunay. Ang “mga pasanin ng pagpapatunay” ay mga pamantayan ng batas na ginagamit ng mga hukom at jury upang timbangin kung sino ang dapat manalo sa isang kasong pambatas. Halimbawa, ang isang pasanin ng pagpapatunay sa mga kasong krimen na madalas na naririnig sa telebisyon ay “guilty nang higit sa makatwirang pagdududua” Ang mga kaso sa pabahay ay hindi mga kasong pangkrimen; ang mga ito ay mga kasong sibil. Sa karamihan ng mga kasong sibil, ang pamantayan ng pagpapatunay ay ang “pamamayani ng ebidensiya.” Ito ay nangangahulugan na upang patunayan ang isang claim, ang jury o hukom ay dapat magpasya na ang iyong bersiyon ng istorya ay mas malamang na totoo kaysa hindi totoo, o sa ibang mga salita, may 51% o higit na chance na ang isang claim ay totoo.
Bago ang korte, repasuhin ang iyong mga tala, memorya, dokumento o ibang impormasyon tungkol sa kung ano ang nangyari upang makapagpokus ang hukom o jury sa mga fact na nagpapatunay ng iyong mga claim o depensa.
Makipag-ugnayan nang Malinaw at Magpokus sa mga Detalyeng May Kaugnayan
Kapag ikaw ay nasa korte, kung makakaya mo, magsalita nang malakas at malinaw. Gayon din, isama ang may-kaugnayan, makatotohanan na mga detalye kapag ikaw ay nagsasalita dahil gagawin nitong mas kapani-paniwala ka sa hukom o jury.
Halimbawa
Kung sinabi mo:
- “Binayaran ko ang aking renta noong Hunyo 30, 2023, at saka noong Hulyo 1, 2023, pumunta sa harapan ng pinto ko ang landlord at pinunit ang aking tseke sa harap at aking anak na lalaki,”
ang pahayag na iyon ay mas malakas na piraso ng ebidensiya kaysa pagsasabing:
- “Nitong huling tag-araw nagbayad ako ng aking renta, pero pinunit ng landlord ang aking tseke.”
Ang mga bold na salita (mga petsa, lokasyon, testigo ay nagpapakita ng mga detalye na ginagawa ang unang pangungusap na anyong mas kapani-paniwala at maaaring makatulong sa isang hukom o jury na maniwala sa iyo dahil ang impormasyon ay hindi malabo.
Ang mahalaga ay ang may- kaugnayan at makatotohanang mga detalye. Sa halimbawa sa itaas, malamang na hindi makabuluhan ang kulay ng nail polish ng iyong landlord, kung maalapaap sa labas, o kung ano ang iyong ginagawa nang kumatok ang landlord sa pinto. Ang masyadong maraming detalye ay maaaring maging dahilan upang mailayo ang jury o hukom sa pinagsisikapan mong patunayan.