Pagkuha ng Teknolohiyang Pantulong sa Pamamagitan ng Iyong Employer

Publications
#5580.08

Pagkuha ng Teknolohiyang Pantulong sa Pamamagitan ng Iyong Employer

Ang terminong “teknolohiyang pantulong” (“assistive technology”) ay nangangahulugan na teknolohiyang ginagamit sa teknolohiyang pantulong na kagamitan o teknolohiyang pantulong na serbisyo para pataasin, panatilihin, o pagbutihin ang kakayahan sa pagganap ng mga indibidwal na may kapansanan. 29 Kodigo ng Estados Unidos (U.S.C., United States Code) Sek. 3002(3)(4)(5).

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ano ang teknolohiyang pantulong?

Ang terminong “teknolohiyang pantulong” (“assistive technology”) ay nangangahulugan na teknolohiyang ginagamit sa teknolohiyang pantulong na kagamitan o teknolohiyang pantulong na serbisyo para pataasin, panatilihin, o pagbutihin ang kakayahan sa pagganap ng mga indibidwal na may kapansanan. 29 Kodigo ng Estados Unidos (U.S.C., United States Code) Sek. 3002(3)(4)(5).

Anong mga batas ang nagpapahintulot sa akin na humiling sa aking employer ng teknolohiyang pantulong?

May ilang mga batas na nag-aatas sa mga employer na magpahintulot at magbigay ng teknolohiyang pantulong bilang isang makatwirang kaluwagan, kabilang ang Batas sa Mga Amerikanong May Kapansanan (ADA, Americans with Disability Act), Seksyon 504 ng Batas sa Rehabilitasyon (Rehabilitation Act), at Mga Batas ng California (California Laws).

Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa Batas sa Mga Amerikanong May Kapansanan at iba pang mga batas na nagpoprotekta sa mga taong may kapansanan sa kanilang lugar ng trabaho, tingnan ang paglalathala ng Disability Rights California Mga Karapatan sa Trabaho sa ilalim ng Batas sa Mga Amerikanong May Kapansanan (Employment Rights under the Americans with Disabilities Act), makukuha sa: http://www.disabilityrightsca.org/pubs/PublicationsEmployment.htm.

Ako ay isang karapat-dapat na taong may kapansanan sa ilalim ng ADA. Kailangan ko ng teknolohiyang pantulong upang magawa ang aking trabaho. Maaari ko bang hilingin sa aking employer na ibigay ito?

Oo. Isinasaad ng ADA na isa sa mga paraan upang maibigay ng iyong employer ang makatwirang kaluwagan sa iyo ay sa pamamagitan ng pagbigay ng bagong kagamitan o pagbabago ng kasalukuyang kagamitan sa opisina o teknolohiyang pantulong upang maisagawa ang mahahalagang gawain sa iyong trabaho (pangunahing mga tungkulin). 29 Kodigo ng mga Pederal na Regulasyon (C.F.R., Code of Federal Regulations) § 1630.2(o)(2)(ii).   Sa kabilang dako, hindi kinakailangang bigyan ka ng iyong employer ng makatwirang kaluwagan para sa mga maliliit na gawain (hindi mahahalagang gawain) sa iyong trabaho. 29 C.F.R. 1630(n)(1).   Hindi dapat magsanhi ng hindi nararapat na paghihirap sa iyong employer ang iyong kahilingan. 29 C.F.R. §§ 1630.2(p), 1630.15(d).

Kailan ako maaaring humiling ng kagamitang pantulong?

Magagamit sa lahat ng yugto ng trabaho ang iyong karapatan sa teknolohiyang pantulong kabilang ang aplikasyon at trabaho. 29 C.F.R. § 1630.2(o)(1).

Anong mga uri ng teknolohiyang pantulong ang maaari kong hilingin?

Hindi nililimita ng ADA ang uri ng mga kagamitan na maaari mong hilingin. Anumang bagay na nakatutulong sa iyo na gawin ang iyong trabaho ay maaaring maging makatwirang kaluwagan. Maaaring ito ay simpleng gamit katulad ng makinilyang pang-isang kamay para sa taong maaari lang gamitin ang isang kamay o high-tech na kagamitan katulad ng espesyal na yari ng kagamitan para sa pakikipag-usap na nagpapahintulot sa taong may kahinaan sa pagsasalita na makipag.

Upang magbigay ng ideya sa saklaw ng kagamitang maaaring asahang ibigay ng iyong employer sa ilalim ng ADA, narito ang listahan ng mga halimbawa na sinaad ng Komisyon ng Pantay na Pagkakataon sa Trabaho (EEOC, Equal Employment Opportunities Commission) na mga makatwirang kaluwagan sa Libro ng mga Tagubilin ng Teknikal na Pantulong, Ang Obligasyon sa Makatwirang Kaluwagan (Technical Assistance Manual, The Reasonable Accommodation Obligation), Seksyon III, 3.10, 6. (https://askjan.org/links/ADAtam1.html):

  • Nagiging posible para sa mga taong may mga kahinaan sa pandinig at/o pananalita na makipag-usap sa telepono gamit ang mga Kagamitang Pang-telekomunikasyon para sa mga Bingi (TDDs, Telecommunication Devices for the Deaf).
  • Kapaki-pakinabang para sa mga taong may kahinaan sa pandinig ang mga amplifier ng telepono.
  • Maaaring mapalaki ang mga letra o palitan ang nakalimbag na mga dokumento sa mga binibigkas na salita gamit ang espesyal na software para sa karaniwang mga kompyuter para sa mga taong may kapansanan sa paningin at/o pagbasa.
  • Ang mga pandamdam na tatak sa mga kagamitan sa Braille o nakaangat na paglimbag ay kapaki-pakinabang sa mga taong may mga kahinaan sa paningin.
  • Maaaring gamitin ng mga taong may cerebral palsy o iba pang mga manwal na kapansanan ang mga headset ng telepono at mga ibinagay na pindutan ng ilaw.
  • Maaaring gamitin ng mga taong may mga kapansanan sa paningin o pagbasa ang mga nagsasalitang calculator. Maaaring epektibo ang mga teleponong may speaker para sa mga taong naputulan ng kamay/paa o may iba pang mga kahinaan sa paggalaw. Ipinapakita ng sumusunod na listahan ang dagdag pang mga halimbawa ng mga kagamitang pantulong at kanilang presyo:
  • Nagagawa ng isang medikal na teknikong bingi ang mga sa laboratoryo gamit ang timer na may nagpapahiwatig na ilaw - presyo $27.00.
  • Ang kawani na may limitadong gamit ng kanyang mga kamay ay binigyan ng (“lazy susan”) na panghawak ng file upang maabot niya ang mga materyales na kailangan sa kanyang trabaho – presyo $85.00.
  • Ang katiwala na may limitadong gamit ng kanyang braso ay binigyan ng natatanggal na karugtong na braso para sa kalaykay. Nahawakan niya ang hawakan sa karugtong gamit ang mahinang kamay at nakontrol ang kalaykay gamit ang gumaganang braso – presyo $20.00.
  • Napanatili at naiwasang mailipat sa trabahong may mas mababang bayad ang isang trabahador sa planta dahil sa amplifier para sa telepono na idinisenyo para gumana kasama ng pantulong sa pagdinig - presyo $24.00.
  • Binigyan ang isang resepsyonist bulag ng pangsiyasat ng ilaw, upang matukoy niya kung aling mga linya sa switchboard ang tumutunog, naghihintay, o ginagamit. Ang pangsiyasat ng ilaw ay nagbibigay ng naririnig na hudyat kapag inilagay sa ibabaw ng nakailaw na pinanggalingan – presyo $50.00 hanggang $100.00.
  • Ang taong gumagamit lang ng isang kamay, na nagtatrabaho sa isang posisyon sa serbisyong pagkain ay maisasagawa ang lahat ng mga gawain maliban sa pagbubukas ng mga lata. Binigyan sya ng pambukas ng latang pang-isang kamay – presyo $35.00.
  • Naisagawa ng isang empleyadong may Down syndrome at mga  problema sa puso na likas nang pagkapanganak ang kanyang trabaho gamit ang kaunting puwersa sa pagbili ng magaan na panlampaso at maliit na walis – presyong mas mababa sa $40.
  • Ang isang drayber ng truck ay nagkaroon ng carpal tunnel syndrome na naglimita sa paggalaw ng kanyang galanggalangan at nagsanhi sa labis na kahirapan kapag malamig ang panahon. Naging posible para sa kanya na magmaneho kahit sa matinding kondisyon ng panahon ang paggamit ng espesyal na palapa na ginagamit kasama ng guwantes na dinisensyo para sa drayber ng – presyo $55.00.
  • Ang isang tagapagbenta ng segurong may cerebral palsy ay nakakapagsulat habang nakikipag-usap sa mga kliyente gamit ang headset ng telepono –gastos sa pag-upa $6.00 kada buwan.
  • Pagtupi ng mga pantalon nang maayos ang isang taong may pagpaparahan sa kaisipan (mental retardation) bilang isang kawani ng paninda sa isang tindahan gamit ang simpleng karton na pormang tinatawag na (“jig”) – gastos $0.

Ano ang kailangan ko upang makuha ang tamang kagamitang pantulong para sa trabaho?

Nagsisimula ang proseso sa pagpapaalam sa iyong employer na ikaw ay may kapansanan at nangangailangan ng teknolohiyang pantulong upang magawa ang iyong trabaho. Kasunod, dapat humiling ka ng pagpupulong upang talakayin ang iyong mga tiyak na pangangailangan. Kung sapat ang alam mo o ng iyong employer tungkol sa teknolohiyang pantulong, maaari kayong magkasundo kung ano ang tutugon sa iyong mga pangangailangan. Dapat idokumento mo ang mga nilalaman ng inyong talakayan at mga tuntunin ng inyong kasunduan.

Hindi inaatasan ang iyong employer na bumili ng pinakamahal o pinakabagong binuong kagamitan. Sa katunayan, hindi kailangang bumili ang iyong employer ng kahit ano kung ang iyong mga pangangailangan ay matutugunan sa ibang paraan.  Hindi maaaring umasa ang iyong employer sa presyo ng isang bagay para maging dahilan na walang gagawin maliban kung wala nang ibang mga alternatibo at maipapakita ng employer na ang presyo ay labis na pagpapahirap. Sa halip, kapag ang isang opsyon ay hindi puwede, dapat isaalang-alang ng employer ang ibang makatwirang mga alternatibo. Kung walang makatwirang pagpipilian dahil lahat ng mga kagamitan ay masyadong mahal bilang halimbawa, dapat bigyan ka ng pagkakataon na ikaw ang magbigay nito.

Maaari bang iatas sa akin ng aking employer na kumuha ng sulat sa aking doktor na nagsasaad kung anong uri ng teknolohiyang pantulong ang kailangan ko?

Hindi. Sa halos lahat ng pagkakakataon, ang manggagamot ay walang sapat na kaalaman upang magrekomenda ng teknolohiyang pantulong. Kung wala kayong sapat na kaalaman o hindi magkasundo sa parehong kagamitan, dapat humingi ang iyong employer ng pagtatasa sa isang tagapagtasa na makaka rekomenda ng epektibong opsyon. Tingnan ang Apendise sa 29 C.F.R. § 1630.9 sa ilalim ng Proseso ng Pagtukoy sa Angkop na Makatwirang Kaluwagan (Process of Determining the Appropriate Reasonable Accommodation).

Mayroong mga propesyunal na nagtatasa ng mga pangangailangan sa teknolohiyang pantulong. Ang ilang sa mga propesyunal na ito ay nagtatrabaho sa mga yunit ng rehabilitasyon sa mga ospital. Ang iba ay matatagpuan sa mga organisasyon ng kapansanan. Mayroon ding mga tagapagbenta ng mga matibay na kagamitan na nagsasagawa ng mga pagtatasa ng teknolohiyang pantulong. Ang tagapayo sa Kagawaran ng Rehabilitasyon (DOR, Department of Rehabilitation), isang espesyalista sa isang malayang sentro ng pamumuhay, o tagapamahala ng kaso sa sentrong pangrehiyon ay dapat na maisangguni ka sa isa. Dapat masabi ng pagtatasa sa iyo kung anong teknolohiyang pantulong ang iyong kailangan.

Ano ang maaaring makuha ng aking employer mula sa aking doktor?

Ang iyong employer ay may karapatan lamang na malaman ang pisikal at pangkaisipan na limitasyon na iyong nararanasan sanhi ng iyong kapansanan. Dapat ilarawan sa tala ng doktor ang kapansanan at bakit nito naaapektuhan ang iyong kakayahan isagawa ang mga pangunahing tungkulin sa iyong trabaho. Hindi dapat magbigay ang iyong doktor ng ibang medikal o sikolohikal na impormasyon na walang kaugnayan. Kung mabibigay mo ang impormasyong ito sa pamamagitan ng ibang mapagkakatiwalaang dokumentasyon, hindi kailangang isali ang iyong doktor.

Ano ang pwede kong gawin kung tinatanggihan ng aking employer ang aking kahilingan para sa teknolohiyang pantulong?

Maaari kang magsampa ng reklamo sa ahensya at kaso sa korte. Sa karamihan ng mga sitwasyon, dapat magsampa ka muna ng reklamo bago ka makakapunta sa korte. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang aming paglalathala, Mga Karapatan sa Trabaho sa ilalim ng Batas sa Mga Amerikanong May Kapansanan, (Employment Rights under the Americans with Disabilities Act) makikita sa: http://www.disabilityrightsca.org/pubs/PublicationsEmployment.htm.

Mayroon bang anumang mga mapagkukunan ng pagpopondo na magpapahintulot sa akin na makakuha ng aking sariling teknolohiyang pantulong?

Oo. Magagamit ang mga benepisyo sa Segurong Panlipunan sa Plano (Social Security) upang Matamo ang Sariling-suporta (PASS, Plan to Achieve Self-Support) upang maka-ipon para sa kagamitan na teknolohiyang pantulong. Ang Kagawarang ng Rehabilitasyon ay maaari ring magpondo ng teknolohiyang pantulong. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang aming mga paglalathala sa mga paksang ito: https://www.disabilityrightsca.org/publications/assistive-technology-medical-equipment at http://www.disabilityrightsca.org/pubs/PublicationsClientAssistanceProgram.htm