Pagpopondo ng Assistive Technology Sa Pamamagitan ng Blind Work Expenses (BWEs)

Publications
#5569.08

Pagpopondo ng Assistive Technology Sa Pamamagitan ng Blind Work Expenses (BWEs)

Kung ikaw ay bulag, karapat-dapat para sa Supplemental Security Income (SSI) at nagtatrabaho, maaari kang gumamit ng BWE upang bawasan ang iyong kabuuang kita na kung saan ay binabawasan ang iyong mabibilang na kita. Ang mabibilang na kita ay ang tinitingnan ng Social Security Administration (SSA) upang matukoy ang iyong buwanang halaga ng pagbabayad sa SSI.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ano ang BWE?

Kung ikaw ay bulag, na karapat-dapat para sa Supplemental Security Income (SSI) at nagtatrabaho, maaari kang gumamit ng BWE para mabawasan ang iyong gross income kung saan ay ibinababa ang iyong nabibilang na kita (countable income). Ang nabibilang na kita ang tinitignan ng Social Security Administration (SSA) para pagpasyahan ang iyong buwanang halaga ng kabayaran sa SSI. Mas mababa ang iyong nabibilang na kita, mas maraming SSI ang makukuha mo, hanggang sa pinakamataas na pinapayagan.

Ipinapakita sa halimbawa sa ibaba na kung ikaw ay may kabuuang buwanang kita na $800.00 at $100.00 kada buwan sa BWEs, babawasan ng BWE ang iyong buwanang kita, pagkatapos ng iba pang naaangkop na mga babawasin, mula $357.50 hanggang sa $257.50. Ang $257.50 ang magiging iyong nabibilang na kita sa isang BWE. Pababain ng SSI ang iyong bayad nang $257.50. Kung walang BWE, pababain ng SSA ang halaga ng iyong benepisyo ng SSI sa halip na $357.50:

Halimbawa ng BWE

$800.00 Kabuuang Buwanang Kita
-  $20.00 General Income Exclusion (Pangkalahatang Eksklusyon sa Kita)
-  $65.00 Earned Income Exclusion (Eksklusyon sa Kita sa Trabaho)
$715.00
÷ 2     
$357.50
-$100.00 Blind Work Expense
$257.50 Nabibilang na Kita

Ano ang kaugnayan sa pagitan ng BWE at isang Impairment-Related Work Expense (IRWE)?

Ang parehong BWEs at IRWEs ay tumutulong mabawasan ang iyong nabibilang na kita. Gayunman, ang BWEs ay lumalapat lamang sa mga taong bulag at nasa SSI, hindi sa SSDI. Lumalapat ang IRWEs sa mga taong may anumang kapansanan nasa SSI man at/o SSDI.

Ang mga gastusin na maaari mong ibawas sa ilalim ng BWE at IRWE ay magkatulad, ngunit hindi magkamukha. Hindi kinakailangan ng BWE na direktang nakaugnay sa iyong kahinaan; maaari itong maging anumang gastos sa trabaho. Ang IRWE ay dapat direktang nauugnay sa iyong kahinaan. Bilang halimbawa, ang tao na bulag ay maaaring mag-claim ng mga buwis sa pederal, estado at lokal na kita bilang BWEs. Ang taong hindi itinuturing na bulag ay hindi maaaring gamitin ang mga ito bilang isang IRWE. Tingnan ang Redbook ng SSA para sa higit na mga halibawa ng BWE: http://www.ssa.gov/redbook/ Nagbibigay din ang Red Book ng impormasyon sa ibang insentibo ng trabaho ng SSA para sa mga taong nasa SSI at/o SSDI.

Kung maaari kang magbawas ng bagay bilang alinman sa BWE o IRWE, mas mabuting gamitin ang babawasin ng BWE. Sa halibawa ng IRWE sa ibaba, ang iyong nabibilang na nakita ay magiging $307.50 at ang halaga na ito ay mababawas sa halaga ng iyong benepisyo ng SSI imbes na $257.50, gaya nang ipinakita sa naunang tsart ng BWE sa itaas.

Halimbawa ng IRWE

$800.00 Kabuuang Buwanang Kita
- 20.00 General Income Exclusion
- 65.00 Earned Income Exclusion
$715.00
- $100 IRWE
$615.00
÷ 2       
$307.50 Nabibilang na Kita

Para sa higit na impormasyon sa IRWEs tingnan ang aming Publikasyon na “Funding Assistive Technology through Impairment Related Work Expenses (IRWEs)” (Publikasyon ng DRC http://www.disabilityrightsca.org/pubs/5570.01.pdf).

Ano ang ilang halibawa ng mga gastos ng Assistive Technology sa ilalim ng BWEs?

Ang ilang halimbawa ng mga gastos ng assistive technology na maaaring maibawas bilang BWEs at mga Braille printer, biswal o mga tulong pandamdam, mga scanner, “nagsasalita” materyales ng mga computer at Braille. Para sa listahan ng ibang BWEs tingnan ang Red Book ng SSA.

Ano ang kaugnayan sa pagitan ng BWE at isang Plan to Achieve Self Support (PASS)?

Ang mga gastos na iyong naibawas bilang mga gastos ng PASS ay hindi pinapayagan bilang mga babawasin ng BWE. Kung hindi masasaklawan ng PASS ang buong gastos ng aytem o serbisyo, gayunman, maaari mong ibawas ang natitira bilang BWE. Dapat matugunan nito ang pamantayan para sa isang BWE sa katanungan na 1 sa itaas.

Para sa higit na impormasyon sa mga plan ng PASS tingnan ang aming Publikasyon na “Funding Assistive Technology sa pamamagitan ng Plan for Archieving Self-Support (PASS)” http://www.disabilityrightsca.org/pubs/557101.pdf

Maaari ba akong mag-apela ng pagtatanggi ng SSA sa isang aytem na sa palagay ko ay isang BWE?

Oo, maaari kang maghain ng apela sa paggamit sa form ng SSA na Request for Reconsideration (SSA561-U2). Available ang form sa website ng SSA: http://ssa.gov/forms/ssa-561.html.