Pagpopondo ng Assistive Technology Sa Pamamagitan ng Plan for Achieving SelfSupport (PASS)

Publications
#5571.08

Pagpopondo ng Assistive Technology Sa Pamamagitan ng Plan for Achieving SelfSupport (PASS)

Ang PASS ay isang Supplemental Security Income (SSI) na insentibo sa trabaho. Ang PASS ay nagpapahintulot sa iyo na magtabi ng kita at/o mga ari-arian para sa isang layunin sa trabaho.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ano ang isang PASS?

Ang PASS ay isang insentibo ng trabaho ng Supplemental Security Income (SSI). Papayagan ka ng PASS na isantabi ang kita at/o mga ari-arian para sa layunin ng trabaho. 20 C.F.R. §§ 416.11801182.

Ang kita at/o mga ari-arian na naitatabi mo sa isang PASS ay maaaring maging mula sa trabaho, isang regalo, isang pamana, isang kasunduan o kahit na Social Security Disability Insurance (SSDI). Gumagana ito tulad ng pag-iipon ng plan kung saan ay maaari kang makapagtipid ng maliit na halaga bawat buwan sa iyong PASS haggang mayroon ka nang sapat para bumili ng isang bagay na naaprobahan na sa iyong PASS. O, maaari kang mag-isantabi ng malaking halaga sa isang PASS at bumili nang kung ano ang naaprobahan sa iyong PASS.

Maaari kang tulungan ng PASS na makakuha, patuloy na makakuha, o madagdagan ang halaga ng iyong kabayaran sa SSI habang iniipon mo ang iyong kita tungo sa layuning trabaho. Sa panahon na mayroon kang PASS, hindi ibinibilang ng Social Security Administration (SSA) ang kita at/o mga ari-arian na isinantabi sa isang PASS kapag pinagpapasyahan ang iyong pagkanararapat para sa SSI o sa halaga ng SSI na nakukuha mo.

Bilang halimbawa: Gustong pumasok ni Betty sa mga klase para makatanggap ng sertipiko ng office administration. Ang layunin niya ay maging isang trabahador sa opisina. Gusto niyang bumili ng computer na lap top at software. Nasa SSI siya at mayroong $500.00 sa kanyang savings account. Magmamana siya nang $2,000 mula sa kanyang lola. Kapag natanggap niya ang $2,000 lalampas siya sa $2,000 limit ng mapagkukunan para sa SSI dahil magkakaroon siya nang $2,500 sa mga mapagkukunan. Gayunman, kung ilalagay niya ang $2,000 sa isang PASS plan, maaari siyang magpatuloy na maging karapat-dapat para sa SSI.

Dapat niyang kumpletuhin ang aplikasyon ng PASS bago niya mamana ang pera at sa listahan ng aplikasyon ng PASS ang lahat ng aytem na inaasahan niyang kakailanganin para sa kanyang sertipiko ng programa, kabilang ang computer at software.

Para sa higit na impormasyon tungkol sa PASS, at impormasyon sa mga insentibo ng trabaho ng SSA para sa mga taong nasa SSI at/o SSDI, tingnan ang Red Book ng SSA: http://www.ssa.gov/redbook/

Ano ang mabibili ko gamit ang PASS?

Ang pera na naipon mo sa isang PASS ay maaaring maging para sa edukasyon, pagsasanay na bokasyonal, pagsisimula ng negosyo, o pagbili ng mga serbisyo ng suporta na bibigyan kang kakayahang magtrabaho. Kabilang dito ang assistive technology para tulungan ka sa iyong layuning trabaho. Sa pamamagitan ng PASS plan makatitipid ka para makabili ng assistive technology tulad ng:

Kagamitan at mga supply na kailangan mong itaguyod at dalhin sa isang kalakalan o negosyo;

Kagamitan o mga kasangkapan na kailangan mo dahil sa iyong kundisyon para sa iyong trabaho; Mga pagbabago sa mga gusali at sasakyan para mapagbigyan ang iyong kapansanan; at Ang pagbili at pagpapanatili ng isang pribadong sasakyan.

Paano ako makakukuha ng PASS?

Kailangan mong kumpletuhin ang SSA form 545 - aplikasyon ng PASS. Maaari kang makakuha ng aplikasyon ng PASS sa online sa seksyon ng mga form sa website ng SSA:

http://www.socialsecurity.gov/forms/ssa-545.html. Maaari ka ring makakuha nang personal sa tanggapan ng SSA o sa pamamagitan ng mail. Dapat maisumite at maaprobahan ang iyong PASS ng espesyalista ng PASS, na tinatawag na PASS Cadre. Para sa listahan ng mga SSA PASS Cadre at kanilang impormasyon sa pagkontak pumunta sa website ng SSA: http://www.socialsecurity.gov/disabilityresearch/wi/passcadre.htm

Makakukuha ba ako ng tulong para makumpleto ang aplikasyon ng PASS?

Dapat mong isulat ang iyong PASS na may tulong ng isang espesyalista ng rehabilitasyon, tulad ng tagapagpayo ng Department of Rehabilitation. Nakipagkontrata ang SSA sa lokal na mga organisasyon para magbigay ng pagpaplano ng mga benepisyo. Ang ilan sa mga organisasyon na ito ay maaari kang matulungan sa pagkumpleto sa aplikasyon ng PASS. Para sa higit na impormasyon tungkol sa Work Incentives Planning Assistance, pumunta sa: http://www.ssa.gov/work/WIPA.html 

At saka, kinakailangang magpanatili ang PASS Cadre ng listahan ng mga ahensya na maaaring makatulong sa pagkumpleto ng aplikasyon ng PASS.

Paano kung hindi maaaprobahan ng SSA ang aking PASS?

Maaari mong muling isumite ang iyong aplikasyon na may mga pagbabago. Mayroon ka ring karapatan na mag-apela ng Pagtatanggi ng PASS. Dapat kang makatanggap ng abiso na ipinapaliwanag kung bakit ito tinanggihan. Mga tagubilin sa pag-a-apela ay dapat nasa abiso. Maaari kang maghain ng apela sa pamamagitan ng paggamit sa SSA form Request for Reconsideration (SSA-561-U2). Tingnan ang: http://ssa.gov/forms/ssa561.html