Pagsasapanahon ng Magulang na Provider ng IHSS

Publications
#8106.08

Pagsasapanahon ng Magulang na Provider ng IHSS

Noong Disyembre 21, 2023, ang California Department of Social Services (CDSS) ay naglabas ng patnubay na nagpapatupad ng mga pagbabago sa batas ng estado na nag-aalis ng mga restriksyon sa kung kailan ang mga magulang ay maaaring maging mga binabayarang provider ng IHSS para sa kanilang mga menor na anak na may kapansanan, nagkabisa noong Pebrero 19, 2024.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Noong Disyembre 21, 2023, ang California Department of Social Services (CDSS) ay naglabas ng patnubay na nagpapatupad ng mga pagbabago sa batas ng estado na nag-aalis ng mga restriksyon sa kung kailan ang mga magulang ay maaaring maging mga binabayarang provider ng IHSS para sa kanilang mga menor na anak na may kapansanan, nagkabisa noong Pebrero 19, 2024.1

Mga Tuntunin sa Pagiging Karapat-dapat na Menor na Tumatanggap

Ang programang In-Home Supportive Services (IHSS) ay isang programa ng Medi-Cal sa California na nagbabayad para sa loob ng bahay na pangangalaga para sa mga taong may kapansanan, kabilang ang mga bata.2 Sa ilalim ng bagong patnubay na ito, sinuman na nakaenrol na provider ng IHSS ay maaaring bayaran upang magkaloob ng pangangalaga sa isang menor na tumatanggap, kabilang ang mga magulang, mga miyembro ng pamilya, o ibang mga provider.

Ang isang taong gustong maging provider ng IHSS para sa isang menor na anak ay dapat magkumpleto ng mga iniaatas sa pagpaparenrol ng provider, kabilang ang pagpasa sa isang pagsusuri tungkol sa kasaysayang pangkrimen. Ang impormasyon tungkol sa kung paano kumpletuhin ang proseso ng pagpapaenrol bilang provider ng IHSS ay makukuha sa CDSS website.

Ang isang provider para sa isang menor na anak ay maaari lamang bayaran para sa mga serbisyong may kaugnayan sa mga domestikong serbisyo, mga serbisyong personal na pangangalaga, pagsama sa mga appointment na may kaugnayan sa kalusugan o ibang mga lugar kung saan tumatanggap sila ng mga sumusuportang serbisyo, nagpoprotektang pangangasiwa, at mga serbisyong paramedikal.3 Ang mga domestikong serbisyo, matinding paglilinis, pagpapagaan ng panganib sa yard, at pagtuturo at demonstrasyon ay hindi saklaw na mga serbisyo para sa mga anak.

Paano kung ang gustong provider ng bata ay isang magulang na hindi awtorisadong magtrabaho sa Estados Unidos?

Sa ilalim ng kasakuyang batas, lahat ng provider aay dapat magkumpleto ng proseso ng pagpapaenrol sa IHSS at maging awtorisadong magtrabaho sa Estados Unidos upang maging binabayarang provider, kabilang ang mga magulang na provider. Ito ay nangangahulugang ang mga magulang na hindi awtorisadong magtrabaho sa Estados Unidos, kabilang ang mga indibidwal na walang dokumento ay hindi maaaring maging provider ng IHSS ng menor na anak.4

Gayunman, ang isang di-magulang na provider ay maaari na ngayong sumaklaw sa mga awtorisadong oras ng IHSS sa menor na bata. Ang mga menor na tumatanggap, kabilang ang mga may magulang na hindi awtorisadong magtrabaho sa Estados Unidos (kabilang ang mga indibidwal na walang dokumento), ay maaaring kumuha ng provider upang magkaloob ng awtorisadong pangangalaga ng IHSS. Bilang karagdagan, ang mga magulang na walang dokumento ay may awtoridad na kumuha ng di-magulang na (mga) provider para sa kanilang mga anak.

Maaari ba akong bayaran nang retroaktibo kung ako ay nagkakaloob ng mga serbisyo para sa isang menor na anak pero hindi kuwalipikado bilang isang provider sa ilalim ng mga lumang tuntunin?

Para sa magulang at di-magulang na mga provider na dahil sa pagbabago sa mga tuntunin, ang kahandaan ng retroaktibong pagbabayad batay sa pagbabago sa patakaran ay mag-iiba batay sa iyong indibidwal na kalagayan at county ng tirahan pero hindi babalik nang higit sa petsa ng pagbabago ng patakaran.

Anu-ano ang mga tuntunin na mamamahala sa pagiging karapat-dapat ng provider ng menor na tumatanggap bago ang pagbabagong ito?

Dati, ang mga manggagawang panlipunan ng county ay inaatasan na tasahin kung ang mga magulang ay may kakayahan at nakahandang magkaloob ng pangangalaga ng IHSS sa kanilang menor na anak.

Ang mga magulang ay maaari lamang maging isang binabayarang provider para sa kanilang menor na anak kung:

  • Ang magulang ay umalis sa full-time na trabaho o hindi makapagtrabaho nang full time dahil sa mga pangangailangan ng pangangalaga ng anak, at
  • Walang ibang angkop na provider na makukuha na maaaring mangalaga para sa anak, at
  • Ang bata ay nanganganib madala sa labas-ng-bahay na paglalagay o hindi sapat na pangangalaga.

Ang isang tumatanggap ay maaari lamang kumuha ng isang di-magulang na provider kung ang mga magulang ay walang kakayahan o hindi nakahandang mangalaga para sa menor na anak.

Ang mga may kakayahang magulang ay itinuturing lamang na hindi nakahandang mangalaga para sa kanilang anak kung sila ay nagtrabaho nang full-time (may average na 40 oras sa isang linggo o higit), dumalo sa paaralan/bokasyonal na pagsasanay, o tumanggap ng patuloy na paggamot sa pangangalagang pangkausugan kapag ang bata ay nangangailangan ng serbisyo ng IHSS.

Ang mga menor na may mga magulang na may    kakayahan at nakahanda ay makakakuha lamang ng hanggang 8 oras lkada linggo ng IHSS sa panahon na hindi nakahanda ang mga magulang (halimbawa, kapag namimili at may mga errand para sa pamilya, naghahanap ng trabaho, o nangangalaga sa ibang mga menor na anak sa bahay).

Paano kung ang aking menor na anak ay nakaenrol sa Personal Care Services Program?

Ang IHSS ay pinopondohan sa pamamagitan ng 4 na subprogram:

  • Personal Care Services Program (PCSP)
  • Community First Choice Option (CFCO)
  • IHSS Plus Option (IPO) at
  • Mga programa ng IHSS Residual (IHSS-R)

Maaari kang magtanong sa iyong manggagawang panlipunan ng IHSS upang makumpirma ang programa na nakaenrol ang iyong anak. Ang mga menor na tumatanggap sa Personal Care Services Program (PCSP) ay maaaring kumuha ng isang di-magulang na  provider. Gayunman, patuloy silang pinipigilang kumuha ng magulang na provider dahil ang PCSP iay inaatasang sumunlod sa mga pederal na tuntunin.5

Dahil dito, ang mga county ay dapat maglipat ng mga kuwalipikadong menor na tumatanggap mula sa PCSP patungo sa CFCO sa kanilang susunod na nakatakdang muling pagtasa. Kung ang iyong anak ay nasa PCSP at gusto mong magkaroon sila ng isang magulang na provider, maaari ka ring humiling ng isang paglipat ng programa bago ang susunod na nakatakdang muling pagtasa ng iyong anak.

Ang mga menor na inilipat sa programang CFCO ay hindi dapat magkaroon ng pagbabago sa mga oras dahil sa pagbabago ng programa. Halimbawa, kung ang isang menor na karapat-dapat sa nagpoprotektang pangangasiwa ng di-malubha ang kapansanan ay nakakakuha ng 283 oras kada buwan sa ilalim ng PCSP, ang kanilang mga oras ng IHSS ay hindi dapat bawasan dahil sa paglipat so programang CFCO.6 Gayunman, dapat kang makipag-usap sa county tungkol sa mga pagbabago sa programa upang tiyakin na ang iyong mga oras ay hindi maaapektuhan kung magbago ng mga programa.

Ano ang anyo ngayon ng proseso ng pagpapaenrol?

Ang pag-alis ng mga iniaatas sa pagiging karapat-dapat ng provider ng menor na tumatanggap ay hindi nagbabago sa proseso ng pagpapaenrol ng provider. Ang isang taong gustong maging provider ng IHSS ay dapat magkumpleto ng lahat ng iniaatas sa pagpapaenrol ng provider, kabilang ang pagpasa sa isang pagsusuring pangkrimen ng pinagdaanan na isinasagawa ng Department of Justice.7 Ang impormasyon tungkol sa kung paano magkumpleto ng proseso ng pagpapaenrol ng provider ng IHSS ay makukuha sa website ng CDSS.

Ano ang nagbago?

Pagiging Karapat-dapat sa Programa

Ang pagiging karapat-dapat sa programang IHSS ay namamalaging hindi nabago ng pag-alis ng mga iniaatas sa pagiging karapat-dapat ng provider para sa mga menor. Patuloy na pagpapasyahan ang pagiging karapat-dapat ng mga menor na tumatanggap sa programang IHSS alinsunod sa itinatag na mga iniaatas sa programang IHSS.

Mga Iniaatas sa Overtime at Exemption

Ang mga iniaatas sa overtime at exemption ng IHSS ay namamalaging hindi nagbago sa pag-alis ng mga iniaatas sa pagiging karapat-dapat ng provider para sa mga menor na tumatanggap.

Dapat kontakin ng mga apektadong pamilya ang opisina ng IHSS ng kanilang county upang talakayin kung makakaapekto sa kanila ang mga pagbabagong ito. Sa mga partikular na kalagayan, ang county ay maaaring mangailangang maglipat ng tumatanggap sa ibang programang IHSS upang mabayaran ang isang magulang na provider. Bago sumang-ayon sa anumang mga pagbabago, dapat kumpirmahin ng mga pamilya sa county na ang paglipat sa ibang programa ay hindi magreresulta sa anumang mga pagbabago sa mga oras ng IHSS ng bata.

Kung ikaw o ang isang kailala ay may mga tanong tungkol sa mga pagbabagong ito sa mga tuntunin sa pagigigng karapat-dapat ng provider ng IHSS para sa mga menor na tumatanggap, mangyaring kontakin ang DRC sa 1-800-776-5746 o TTY 1-800-719-5798.