Pag-uunawa sa mga Psycho-Educational Evaluation

Publications
#8082.08

Pag-uunawa sa mga Psycho-Educational Evaluation

Ang mga psycho-educational evaluation ay mahahalagang uri ng pagtatasa ng special education. Paminsan-minsan, ang mga pagsusuri na ito ay maaaring mahirap maunawaan. Sa ibaba ay impormasyon para matulungan kang basahin ang mga pagtatasa na ito, kabilang ang: (1) Mga bahagi ng isang Psycho-Educational Evaluation, (2) Mga rui ng Pagsusulit na Karaniwang Ginagamit, at (3) Tinukoy na mga Karaniwang Katawagan.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang mga psycho-educational evaluation ay mahahalagang uri ng pagtatasa ng special education. Paminsan-minsan, ang mga pagsusuri na ito ay maaaring mahirap maunawaan. Sa ibaba ay impormasyon para matulungan kang basahin ang mga pagtatasa na ito, kabilang ang: (1) Mga bahagi ng isang Psycho-Educational Evaluation, (2) Mga rui ng Pagsusulit na Karaniwang Ginagamit, at (3) Tinukoy na mga Karaniwang Katawagan.

Mga bahagi ng isang Psycho-Educational Evaluation

Ang psycho-educational evaluation ay isang komprehensibong pagtatasa ng isang katalusan, akademiko, at emosyonal na panlipunan ng estudyante. Ginagamit ang pagsusuri na ito para pagpasyahan kung ang estudyante ay karapat-dapat para sa special education. Bilang karagdagan, ang pagsusuring psycho-educational ay ipinapaalam ang paghahatid at uri ng mga kaugnay na serbisyo na matatanggap ng iyong estudyante. Ang mga pagsusuring psycho-educational ay kadalasang isinapamantayan. Nangangahulugan ito na ang mga iskor ng mga estudyante ay ikunukumpara sa mga tipikal na estudyante na pareho ang edad at kasarian. Gayunman, isaisip na ang distrito ng paaralan ay maaaring gumamit ng karagdagan o magkakaibang mga pagsusulit para mainam na mapagpasyahan ang mga pangangailangan ng estudyante.

Samantalang ang mga indibidwal na pagsusuri ay maaaring maging magkakaiba, karamihan sa mga pagsusuring psycho-educational ay magkakaroon ng pitong seksyon.

Impormasyon ng karanasan at kasaysayan hinggil sa paglilinang

Upang mas mabuting masuri ang iyong estudyante, kakailanganin ng tagapagsuri ng kumpletong larawan ng kanilang paglilinang na hahantong hanggang sa pagsurui. Maaaring kasama sa impormasyon na itatanong ang kasaysayan ng kapanganakan ng estudyante, kasaysayan hinggil sa paglilinang, kasaysayang medikal, kasaysayang akademiko, kasaysayang panlipunan/emosyonal, kasaysayan ng pamilya, at mga larangan ng alalahanin. Nakatutulong ang impormasyon sa paglilinang ng diyagnostikong istratehiya at pagpaplanong naaangkop na mga pamamagitan para sa iyong estudyante.

Pagtatasa ng katalusan ng paggawa.

Pangangasiwaan ng mga tagapagsuri ang grupo ng mga pagsusuri para pagpasyahan kung paanong natututo ang estudyante. Kadalasang kasama sa mga pagtatasa na ito ang mga pagsusuring pasalita o biswal para masuri ang mga dahilang pasalita at hindi pasalita, ilang uri ng memorya, at bilis kung saan nagpoproseso ang iyong estudyante at tumutugon sa impormasyon.

Bilang karagdagan sa pagkolekta ng mga iskor, ang bahagi ng pagsusulit na ito ay mabibigyan din ang tagapagsuri na makita kung paanong lumutas ng problema ang estudyante.

Pagtatasa ng pagpoproseso

Titingin din ang tagapagsuri sa ibang larangan ng pagpoproseso na makatutulong sa kanila na mapagpasyahan ang kalakasan at kahinaan ng iyong estudyante. Maaaring kasama rito ang pagpoproseso ng pananalita at wika, pagpoproseso hinggil sa pandinig at iba pang anyo ng memorya, atensyon, organisasyon at pagpoproseso ng biswal na pagpapagalaw. Tala na ang kahulugan ng isang Specific Learning Disability ay kasama ang diperensya ng pagpoproseso. Dapat tasahin ng distrito ng paaralan ang pagpoproseso ng estudyante upang angkop na makakilala ng Specific Learning Disability.

Pagtatasa ng akademikong paggawa.

Mga pagtatasang akademiko, paminsan-minsang tinatawag na mga pagtatasang natanggap, tinutulungan ang mga tagapagsuri na maunawaan ang mga kalakasan at kahinaang akademiko ng iyong estudyante. Magtatalaga ang mga tagapagsuri ng mga gawaing kaugnay sa pagbabasa, pagsusulat, pagbabaybay at mga matematika upang suriin ang pangkalahatang kasanayang akademiko. Ang katatasang akademiko at pagkaepisyente ay kadalasan ding sinusukat.

Maaari ring magdagdag ng ibang pagtatasang akademiko ang mga tagapagsuri kung makikita nila na nagkakaproblema ang iyong estudyante sa isang partikular na larangan. Bilang halimbawa, kung makita nilang may problema ang iyong estudyante sa pagbabasa nang iisang mga salita, maaaring sulitin ng tagapagsuri ang pagpoprosesong phonological para malaman kung bakit nagkakaproblem ang iyong estudyante.

Panlipunan/emosyonal na pagganap.

Mahalaga rin ang pagsusuri ng panlipunan at emosyonal na pagganap ng iyong estudyante upang mapagpasyahan ang kanilang mga kalakasan at pangangailangan. Maaring maisagawa ito sa iba’t ibang paraan depende sa edad ng iyong estudyante at paraan ng tagapagsuri.

Para sa mga mas mabatang bata, ang mga tagapagsuri ay madalas na gagamitin ang mga katanungan ng magulng para tasahan ang pagganap na panlipunan/emosyonal at pag-uugali ng estudyante. Maari rin nilang hilingan ang mga guro na kumpletuhin ang talatanungan tungkol sa pag-aaral at pag-uugali ng iyong estudyante. Maaari ring ipakumpleto ng tagapagsuri ang talatanungan sa kanilang mga nararamdaman habang mas tumatanda sila. Maaari ring mabigyan ang iyong estudyante ng pagsusulit upang sukatin kung paano nilang makayanan, at tanawin, ang mga panlipunang ugnayan.

Rekomendasyon sa Pagkanararapat

Dapat kasama sa pagsusuri ang rekumendasyon sa pagkanararapat ng iyong anak para sa special education. Para sa inisyal na pagsusuri, dapat gumawa ng rekumendasyon ang tagapagsuri tungkol sa kung magiging karapat-dapat ang iyong anak para sa special education batay sa mga pagtatatasa na kanilang pinapangasiwaan. Para sa isang triennial na pagsusuri, dapat gumawa ng rekumendasyon ang tagapagsuri tungkol sa kung magpapatuloy na magiging karapat-dapat ang iyong anak para sa special education.

Mayroong 13 iba’t-ibang kategorya ng pagkanararapat para sa special education. Dahil isang uri lang ang pagsusuri na psychoeducation ng pagtatasa ng special education, maaari nitong hindi masakop ang lahat nang 13 larangan ng pagkanararapat. Habang hindi pormal na nasusuri ng pagtatasa ng special education ng batang mayroong medikal na kundisyon, makatutulong itong mapagpasyahan kung ang bata ay may kapansanan na nagiging karapat-dapat sila para sa special education.

Tandaan, ang rekumendasyon ay hindi panghuling pagpapasya. Dapat magpulong ang koponan ng IEP at magpasya bilang isang koponan kung magiging karapat-dapat ang estudyante para sa special education sa ilalim ng anuman sa mga kategorya.

Mga rekumendasyon para sa IEP.

Kung irinerekumenda ng pagsusuri na karapat-dapat ang estudyante para sa special education, dapat din silang gumawa ng mga rekumendasyon tungkol sa IEP ng estudyante. Bilang halimbawa, maaari silang gumawa ng mga rekumendasyon sa mga naaangkop na layunin, serbisyo, suporta, kaluwagan, at mga pagbabago. Maaari mo ring ituring na hilingin sa tagapagsuri ang kanilang opinyon sa mga layunin ng iyong anak, serbisyo, suport, kaluwagan, at mga pagbaabago sa panahon ng pulong ng IEP.

Mga Uri ng Ginagamit na mga Pagsusulit

Achievement Test: (Pagsusulit ng Natanggap:) Pagsusulit ng mga paksang pang-akademiko tulad ng Pagbabasa, Matematika, at Pagsusulat. Kasama sa mga halimbawa ang Woodcock-Johnson II Test of Achievement, ang Kaufman Test of Educational Achievement, Second Edition (KTEA II), at ang Wide Range Achievement Test 4 (WRAT-4).

Adaptive Behavior Rating Scale: (Sukatan ng Pagraranggo ng Pagbabagay ng Pag-uugali:) Sinusuri ang kakayahan ng bata na magsagawa nang ilang gawain, tulad ng pagkain, pananamit, pagtatapos ng takdang aralin, atbp., at kinukumpleto ng pareho ng magulang at ng guro ng bata. Ang mga hlimbawa nito ay Adaptive Behavior Assessment System (ABAS) o Vineland-II.

Behavior Rating Scale: (Pagraranggo ng Pagbabagay ng Pag-uugali:) Instrumento na kinukumpleto ng mga magulang at guro kung saan ay gingamit para tukuyin ang pag-uugali, akademiko, at mga problemang panglipunan. Ginagamit din ang mga ito ng mga propesyonal sa kalusugan hinggil sa pag-iisip para magsuri ng partikular na mga kundisyong sikiyatriko. Kasama sa mga halimbawa ang Behavior Assessment System for Children (BASC), Connors Comprehensive Behavior Rating Scales (CRBS), at ang Child Behavior Checklist (CBCL).

Mga pagsusuring intelektuwal o Katalusan: Isang pagsusulit na idinisenyo para sukatin ang kakayahang intelektuwal at/o potensyal. Mga halimbawa ng karaniwang ginagamit na mga pagsusulit ay ang Weschler Individual Achievement Test (WISC IV), ang Stanford Binet 5, at ang Universal Nonverbal Intelligence Test (UNIT).

Karaniwang mga Katawagan

Baseline: Inilalarawan ang kasalukuyang pagganap ng isang kasanayan o istratehiya sa mga nasusukat na takda bago ang pamamagitan o paggagamot. Ang baseline ay nagsisilbi bilang isang starting point para sa isang IEP. Maaaring kasama sa mga halimbawa ang mga salita kada minuto o antas ng kinakailangang paghuhudyat para magpanatili ng pag-uugali.

Diagnostic Test: (Diyagnostikong Pagsusuri:) Pagsusuring ginagamit para kilalanin o suriin ang mga bahagi ng problema ng bata.

Intelligence Quotient (IQ): Isang iskor mula sa isang pagsusulit na idinisenyo para masukat ang karunungan. Ginagamit ang mga talaan para ikumpara ang pagganap ng mga bata sa pagganap ng mga kauri na pareho ang edad.

Lexile: Pagsukat ng pagbabasa na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kakayahang magbasa ng indibidwal o ang kahirapan ng isang teksto. Maaari itong tumulong sa pagtutugma ng nagbabasa na may angkop na antas ng kahirapan o teksto para sa pag-decode at pagkakaunawa. Ang panukat na pagbabasa ng Lexile ay maaari ring gamitin para masubaybayan ang pagsulong sa kakayahan sa pagbabasa sa paglipas ng panahon.

Mean: (Kalagitnaan) Ang mean ay ang karaniwang iskor ng pagsusulit, karaniwan ang mean ay 100.

Norm-referenced Tests: (Mga Pagsusulit na Norm-referenced:) Mga pagsusulit na ibinibigay sa isang malaking halimbawa ng mga bata para imposible itong malaman kung paano ikumpara ang mga bata sa iba sa parehong edad o parehong grado.

Percentile Rank: Paraan para ikumpara ang mga iskor ng pagsusulit sa pagkuha muna sa karaniwan, o sa mean, at pagkatapos pagtingin sa kung paanong nag-iiba-iba ang mga iskor sa paligid ng karaniwan na iyon.

Valid: (Wasto:) Wasto ang Isang pagsusuri o pamamagitan kung ginagamit ito o sinasalin sa paraang inireseta at sinusukat kung ano ang inaangking nasusukat nito. Ang pinkamalawak na ginagamit na mga pagsusuri ay may pananaliksik para suportahan ang kanilang pagkakabisa.

Quantile: Pamamaraan para suriin ang mga iskor ng pagsusuri. Malawakang mga iskor ng pagsusuri para sa pag-oorganisa ng pagtatasa kasama ng ikinurbang kuliling na inilagay ang iskor ng mean ng ituktok ng kurbada. Pinaghihiwalay ang mga iskor na pambansa sa apat na grupo, tipikal na denumerong Q1-Q4. Ang Q4 ay tipikal na ang grupo sa dulong kaliwa at naglalaman sa pinakamababang mga iskor, samantalang ng Q1 ay ilalagay sa kabilang dulo ng spectrum at maglalaman sa pinakamataas na mga iskor.

Standard Deviation (SD): (Pamantayan ng Pamamagitan:) Isang sukat kung gaanong kalayo mula sa karaniwang iskor ang iskor ng estudyante. Sa karamihan ng mga pagsusulit na sikilohikal at pang-edukasyon, ng pamantayang pamamagitan ay 15. Ang karaniwang mga iskor ay dapat sobrang malapit sa mean nang 100. Bilang halimbawa, ang iskor na 85 ay isang pamantayan ng pamamagitan na mababa sa mean o karaniwan habang ang 70 ay dalawang mababa sa mean sa mga pamantayan ng pamamagitan.

T-Score: Ginagamit ng mga sukatan sa pag-uugali, ang T-score ay may mean o karaniwang 50 at pamantayan ng pamamagitan na 10.

Stanine: Ang ilang iskor ng ulat ng pagsusulit sa mga stanine, o sa isang ayos na siyam-na-yunit. Sa isang pagsusulit na stanine, ang 5 ay karaniwang iskor, ang 9 ay pinakamataas at ang 1 ay ang pinakamababa.