Mga Katawagang Kailangang Malaman sa Special Education
Mga Katawagang Kailangang Malaman sa Special Education
Ang pagbabasa ng mga tala o dokumentong nauugnay sa Espesyal na Edukasyon ay maaaring maging mahirap! Minsan parang sinusubukan mong unawain ang isang bagong wika. Nasa ibaba ang isang listahan ng ilan sa mga acronym at termino. Umaasa kami na makakatulong ito sa iyo na mas maunawaan ang mga talaan ng iyong anak.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ang pagbabasa sa mga kaugnay na tala ng Special Education o dokumento ay maaaring maging mahirap! Paminsan- minsan para itong sinusubukang maunawaan ang bagong wika. Sa ilalim ay isang listahan nang ilan sa mga daglat at katawagan. Umaasa kami na matutulungan kang mas mabuting maunawaan ang mga tala ng iyong anak.
Kung mayroon kang ano pang mga katanungan o kailangan pa ng impormasyon, maaari mong bisitahin ang aming website sa anumang oras sa www.disabilityrightsca.org, o tawagan kami sa 1-800-776-5746 (TTY: 1-800-7195798), Lunes hanggang Biyernes Friday, 9:00AM hanggang 4:00PM.
Nangungunang 6 na Katawagan na Tatandaan
504 Plan: Ang Seksyon 504 ay isang batas na inuutusan ang mga paaralan na bigyan ang mga estudyanteng may mga kapansanan nang patas na pag-access sa edukasong ibinibigay sa lahat ng estudyante. Ang 504 Plan ay isang plano na inilalarawan ang mga serbisyo, kaluwagan at mga pagbabago na ibibigay ng mga paaralan sa isang estudyante para matiyak ang patas na pag-access na iyon.
FAPE: Free and Appropriate Public Education. Ang estudyanteng may mga kapansanan ay dapat makatanggap ng pampublikong edukasyon na pinapayagan silang gumawa ng progreso at libre sa estudyante at kanilang mga pamilya.
IDEA: Individuals with Disabilities Education Act. Ang batas ng pederal na edukasyon para sa mga estudyante na babagsak sa isa sa 13 kategorya sa pagiging karapat-dapat ng mga kapansanan at kung sino ang may kailangan ng isinaespesyal na suporta para magbenipisyo mula sa edukasyon. Ang mga isinaespesyal na suporta at serbisyo ay nakabalangkas sa isang IEP ng estudyante.
IEP: Individualized Education Program. Isang plano para sa mga estudyante na karapat-dapat para sa special education. Inilalarawan ng plano ang kasalukuyang pang-edukasyong pagganap ng estudyante para sa pagpapaunlad, at mga serbisyo na ibibigay para matulungang suportahan ang estudyante.
Sa pinakamababa, ang plano ay dapat na-a-update minsan sa kada taon.
LRE: Least Restrictive Environment. Ang estudyanteng may mga kapansanan ay tuturuan kaagapay ng mga walang kapansanang kauri hanggang sa sukdulang posible para sa indibidwal na estudyante na iyon.
SWD: Student with Disabilities (Estudyanteng may mga Kapansanan).
Mga Ahensyang Kailangang Malaman
CSS: California Children’s Services. Nagbibigay nang ilang kaugnay-sa-medikal na therapy, kadalasang sa labas ng mga oras ng paaralan, sa mga estudyante. Ang CSS ay kadalasang may mga pasilidad sa mga kampus ng paaralan.
CDE: California Department of Education. Isang ahensya ng estado na namamahala sa pampublikong edukasyon. Pinamamahalaan nito ang mga bagay tulad ng pagpopondo, pagsusulit, at nagpapanatili ng mga ahensya ng lokal na edukasyon (tulad ng mga distrito ng paaralan) na mananagot sa mga nagawa ng estudyante. Tumatanggap din ang CDE ng mga Reklamo sa Pagtalima.
CTC: Commission on Teacher Credentialing. Pinapayagan ang sinuman na tingnan ang mga kredensyal ng mga guro sa online o maghain ng reklamo. Nagbibigay din ng gabay ang CTC sa mga naaangkop na kredensyal para sa mga sertipikadong posisyon.
DDS: Department of Developmental Services. Pinamamahalaan ang koordiansyon at paghahatid ng mga serbisyo sa mga taga-California na may mga kapansanan hinggil sa paglilinang.
DOR: Department of Rehabilitation. Ay maaaring masangkot kapag umabot ang estudyante sa edad ng pagbabago (16 na taon o mas matanda). Tinutulungan ng DOR ang mga taga-California na may mga kapansanan na makahanap at magpanatili ng trabaho at isulit nang husto ang kanilang pagkakapantay-pantay at kakayahang mamuhay nang nag-iisa.
DSS: Department of Social Services ng California. Ahensya ng estado na pinamuunuan ang mga programang pampublikong tulong tulad ng tulong na cash, mga serbisyo ng may sapat na gulang, at CalFresh.
OAH: Office of Administrative Hearings. Ahensya ng Estado na tumatanggap ng mga reklamo ng Due Process.
OCR: Office for Civil Rights. Pederal na entidad na tumatanggap ng mga reklamo tungkol sa mga paglabag ng mga sibil na karapatan, kabilang ang mga Reklamo ng OCR na diumanong diskriminasyon sa kapansanan.
OCRA : Office of Client Rights’ Advocacy. Programa ng DRC na nakikipagtulungan sa DDS para magbigyan ng libreng legal na impormasyon, payo, at representasyon sa mga consumer ng sentrong pangrehiyon.
PTI: Parent Training and Information Centers. Nagbibigay ng direktang suporta ng mga serbisyo sa mga bata o kabataang may mga kapansanan at kanilang mga pamilya. Maaaring kasama sa mga serbisyo ang pagtulong sa mga magulang o tagapag-alaga na mabisang makilahok sa edukasyon ng kanilang anak o makipagtulungan sa mga pamilya ng mga indibiduwal na may mga kapansanan, mula sa kapanganakan hanggang sa edad na 26.
Regional Centers: (Mga Sentrong Panrehiyon:) Pinamumunuan ng DDS. Isang network ng 21 ahensyang nakabatay-sa-komunidad na nagbibigay ng mga pagtatasa, nagpapasaya ng pagkanararapat para sa mga serbisyo, at nag-aalok ng mga serbisyo ng pangangasiwa ng kaso sa mga taong may mga kapansanan hinggil sa paglilinang.
SCDD: State Council on Developmental Disabilities. Isang malayang ahensya ng estado na sinisiguro na ang mga taong may mga kapansanan hinggil sa paglilinang at kanilang mga pamilya ay natatanggap ang mga serbisyo at suporta na kailangan nila.
Mga Pagsusuri at Pagpapasya
BASC: Behavior Assessment System for Children. Isang pagsusulit na tinatanong ang guro at mga magulang ng serye ng mga katanungan tungkol sa pag-uugali ng estudyante.
CAA: California Alternate Assessment
CAS: Cognitive Assessment System. Isang pagsusulit na tinatasahan ang mga proseso ng katalusan ng estudyante.
CCSS: Common Core State Standards
CELDT: California English Language Development Test. Pagsusulit sa kasanayan sa Ingles na pinalitan na ngayon ng ELPAC.
Developmental Vision Assessment: Ang pangalan ng pagsusulit na isasagawa una sa isang pulong ng koponan ng IEP(?) na pagpapasyahan kung kinakaliangan ang Vision Therapy, o maaaring makatulong, ang nasabing estudyante.
DRA: Diagnostic Reading Assessment
ELPAC: English Learner Proficient Assessments for California, Pinalitan ang CELDT. Pagsusulit ng California na pinagpapasyahan ang mga antas ng Kasanayan sa Ingles para sa mga estudyante.
FBA: Functional Behavior Assessment. Paminsan-minsan ay maaaring tawaging Functional Analysis Assessment (FAA). Ginagamit na pagsusulit para pagpasyahan ang gawain ng isang pag-uugali ng isang estudyante.
NAR: Nurse Assessment Report
SBAC: Smarter-Balanced Assessment Consortium. Isinasapamantayan ang mga pagtatasang ginagamit sa California.
WIAT: Wechsler Individual Achievement Test, ikatlong edisyon. Isang pagsusuri para masukat ang akademikong pagganap ng estudyante.
WJ-IV: Woodcock Johnson Tests of Achievement, ikaapat na edisyon. Isa pang pagsusuri para masukat ang akademikong pagganap ng estudyante.
WISC-V: Isang pagsusuring IQ para masukat ang kakayahan sa katalusan ng estudyante. Wechsler Intelligence Scale for Children, Ikalimang Edisyon.
Mga Batas at Legal na Katawagan
ADA: Americans with Disabilities Act. Batas na nagbibigay ng proteksyon para sa mga estudyanteng may mga kapansanan sa mga pambpulikong paaralan, center sa pangangalaga ng mga bata, programa ng libangan, at pagsasanay sa trabaho na batay sa komunidad o pagpapalagay. Binabalakas din nito ang kinakailangan ng mga makatwirang kaluwagan para magsagawa ng mga kinakailangang gawain para sa mga karapat-dapat na estudyanteng may kapansanan.
ADR: Alternative Dispute Resolution. Isang proseso para maayos ang mga hindi pagkakaunawaan sa distrito ng paaralan nang hindi pupunta sa paglilitis at maaaring kasama diyan ang pamamagitan.
ALJ: Administrative Law Judge. Pinamumunuan ang ginagawang pagdinig sa pamamagitan ng mga pagdinig ng Office of Administrative.
Compliance Complaint: (Reklamo sa Pagtalima:) Mas hindi pormal na pamamaraan ng reklamo sa pamamagitan ng California Department of Education. Pinapayagan ang magulang na igiit na ang paaralan ay hindi sinusunod ang batas ng special education o nagpapatupad ng IEP. Maaaring mag-imbestiga ang CDE at mag-utos ng mga aksyong pangtama kung natagpuang hindi tumalima ang Distrito sa alinman sa batas ng IEP o special education.
CPRA: California Public Records Act. Pinapayagan ang mga miyembro ng publiko na humiling ng impormasyon mula sa mga pampublikong ahensya, kabilang ang mga distrito ng paaralan. Kasama dito ang impormasyon tulad ng mga patakaran ng distrito ng paaralan, dokumento ng pagsasanay, at datos.
Due Process: Pangangalaga hinggil sa pamamaraan na binibigyan ng kakayahan ang mga tagapag-alaga at mga ahensya ng lokal na edukasyon na pormal na hindi sumang-ayon sa alok ng Free at Appropriate Public Education at resolbahin ang hindi pagkakasundo na iyon ng isang Administrative Law Judge.
ESSA: Every Student Succeeds Act. Isang batas pederal na pinapalitan ang NCLB (No Child Left Behind) Act.
FERPA: Federal Educational Rights & Privacy Act. Binibigyan ang mga magulang at estudyate ng ilang kontrol sa pagbubunyag ng mga tala at pinapayagan para sa pag-access at repasong pangmagulang. Nagbigigay din ng proseso para sa pagbabago sa nilalaman ng mga tala.
Pamamagitan: Pormal na pulong sa pagitan ng dalawang partido sa isang hindi pagkakaunawaan para subukang magresolba ng mga isyu bago sa isang pagdinig ng Due Process. Kadalasang may kasamang malayang tagapamagitan, karaniwang isang Administrative Law Judge, para tulungan pamagitan ang mga partido.
Kasunduan sa Pamamagitan: Kasunduan na naabot ng sa pagitan ng mga partido bilang resulta ng sesyon o mga sesyon ng pamamagitan.
NDA: Non-Disclosure Agreement. Ang mga kasunduan sa distrito ng paaralan ay maaaring kailanganin ang tagapag-alaga o estudyante na lumagda ng kumpidensyal na kasunduan na sinasabi na ang ilang impormasyon ay hindi maaaring ibahagi sa ibang tao o ahensya.
Mga Pangangalaga Hinggil sa Pamamaraan: Ang mga tuntunin o pamamaraang idinisenyo para protektahan ang mga karapatan ng mga estudyanteng may mga kapansanan at kanilang mga pamilya habang nagbabalangkas din ng paraan para maresolba ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan.
Seksyon 504: Sumangguni sa Seksyon 504 ng Rehabilitation Act ng 1973 Ang batas laban sa diskriminasyon ng pederal na pinoprotektahan ang lahat ng taong may mga kapansanan na pinapahina ang isa o mas malaking aktibidad ng buhay at nagbibigay ng mga akomodasyon para maalis ang mga hadlang na mapangdiskrimina.
Mga Katawagan ng Special Education
ABA: Applied Behavior Analysis. Ang ABA ay isang pamamagitang ayon sa datos na ginagamit para tulungang ihugis ang pag-uugali.
Mga kaluwagan: Nakasulat sa mga pahina ng “Special Factors” ng isang IEP. Ang mga kaluwagan ay hindi binabago o ibinababa ang mga inaasahan o mga pamantayan, ngunit sa halip ay nagbibigay ng mga karagdagang suporta, tulad ng Preferential Seating, Extended Time, at iba pa, na tinutulungan ang mga estudyanteng may mga kapansanan na magkaroon ng pantay na pag-access sa tagubilin at mga materyales.
ADL: Activities of Daily Living. Kadalasang isinasangguni sa mga pagtatasa. Kasama sa ADL ang aktibidad tulad ng pagdadamit, pagbabanyo, at pagpapakain.
Taunang IEP: Hindi kukulanging taun-taon, ang estudyanteng may IEP ay dapat mayroong pulong ng koponan ng IEP para masuri ang progrerso ng estudyante tungo sa kanilang mga layunin, kilalanin ang kinakailangang pagpapalagay, repasuhin ang ibinigay na mga kaluwagan, at magmungkahi ng bagong mga kaugnay na serbisyo.
APE: Adaptive Physical Education. Kadalasang mga serbisyong kaugnay sa grupo na nag-aalok ng binagong curriculum ng P.E. para sa mga estudyanteng may mga kapansanan.
Articulation: (Artikulasyon:) Ang pagbuo ng mga tunog sa pananalita; ay malamang na maaaring makita bilang pagtukoy sa kung gaanong kalinaw at nauunawaan ang pananalita ng estudyante.
ASL: American Sign Language
AT: Assistive Technology. Gumagamit ng high-tect o low-tech na mga aparato para mabigyan ng access ang SWD sa kanilang mga leksyon.
Auditory: May kinalaman sa pandinig at magpakahulugan sa mga tunog
AUT: Daglat para sa “Autism” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
Benchmark: Panandaliang layunin sa pag-aaral na naglalatag ng landas para matugunan ang taunang layunin.
BIP: Behavior Intervention Plan. Maaari ring mailista bilang Behavior Support Plan o Behavior Plan. Isang pormal, nakasulat na plano na inililista ang problema sa pag-uugali ng estudyante, anong mga dahilan nito, at mga istratehiya o suportang naroon para matulungan ang estudyante.
Blended Classroom Early Childhood: Opsyon ng pagpapalagay ng Special Education na naghahandog ng parehong pangkalahatang guro ng edukasyon ng preschool at guro ng special education preschool na naghahati ng klase ng mga estudyante.
BSR: Behavior Support Resources. Responsable sa pagbibigay ng pagsasanay at suporta kung kinakailangan sa mga miyembro ng kawani ng silid aralan.
CAPD: Central Auditory Processing Disorder. Isang partikular na uri ng pagsusuring audiological na karaniwang isinasagawa pagkatapos ng edad 10.
CBI: Community-Based Instruction. Kadalasang isang mahalagang pagsasaalang-alang bilang isang estudyanteng nagpapatuloy sa pagbabago. Nagbibigay ang CBI ng mga hand-on na pagkakataong pag-aaral para sa mga estudyante na kinakailangan ng tagubilin sa mga kasanayang gumagana at mga kasanayan ng pamumuhay.
CCTE: College Career Technical Education. Binibigyang diin ang “hands-on”, pagtamo ng mga kasanayan para tulungang maghanda ang mga estudyante para pumasok sa post-secondary na trabaho.
Co-Teaching: Maaaring tumukoy sa mga sitwasyon kung saan ang Espesyalistang Pang-edukasyon at isang pangkalahatang guro ng edukasyon ay magkasamang magtuturo ng klase ng mga estudyante.
Comprehension: (Pagkakaunawa:) Gaanong karaming kahulugan ng mga salita, pangungusap, at talata mayroon ang estudyante. Naiintindihan ba ng estudyante kung ano ang binabasa nila?
Compensatory Education/ Services: Inilalarawan ang mga serbisyo na hindi ibinibigay nang naaayon sa IEP at ngayon ay kailangan nang ibigay pagkatapos ng katotohanan na; paminsan-minsan bilang isang bahagi ng aksyong pangwasto o kung ang estudyante ay manalo sa pamamagitan ng reklamo ng due process.
Container: Ang naipong tala ng mag-aaral ng SWD, kabilang ang inisyal na pagpapasya ng pagkanararapat para sa isang IEP, lahat ng pagtatasa, lahat ng kasunod na IEP, atbp.
Corrective Action: (Aksyong Pangwasto:) Katawagan para ilarawan ang mga utos mula sa isang entidad sa lokal na ahensya ng edukasyon na dapat maisagawa. Halimbawa, para mabigyang kasiyahan ang isang reklamo kung saan ang distrito ay natagpuang hindi tumalima, ang distrito ay kailangang magbigay ng pagsasanay at dokumentasyon para patunayang sinanay nito ang isang miyembro ng kawani.
COTA: Certified Occupational Therapy Assistant
Cumulative Records: Tingnan ang Container (Sisidlan). Kasama rin sa mga inipong tala ang lahat ng pangkalahatang edukasyon at impormasyon ng pagtatala para sa isang estudyante.
D/HH: Daglat para sa “Deaf/Hard-of-Hearing” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
DB: Daglat para sa “Deaf [and] Blind” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
DD: Daglat para sa “Development Delay” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
Decoding: Kagalingan sa kagalingan sa tunog/simbolo ng estudyante; Gaano kabuti bumigkas ng mga salita ang estudyante.
Diploma Bound: Kinikilala ang estudyante na papunta nang magtapos nang nasa panahon sa kanilang diploma sa high school. Ang lahat ng estudyante ay itinuturing na diploma-bound MALIBAN LANG KUNG hindi pagpapasyahan ng IEP Ang desisyon na tatakan ang isang estudyante na non-diploma bound ay hindi magaganap hanggang ika-pitong grado sa pinakamaaga.
Discrepancy Model: Posibleng paraan para makaabot ng pagpapasya na ang estudyante ay may kapansanan sa pag-aaral. Nangyayari kapag ang mga iskor ng intelektuwal na paggana ay 1.5 ng pamantayan ng mga pamamagitan na mataas sa kanilang mga iskor sa isang pagsusulit ng nagawa.
Dysfluency: Tumutukoy sa isang stutter (nauutal).
Dysgraphia: Diperensya na nagsasanhi ng kahirapan sa pagsusulat.
Dyslexia: Diperensya na nagsasanhi ng kahirapan sa pagbabasa.
Dysphagia: Diperensya na nagsasanhi ng kahirapan sa paglunok.
Dyspraxia: Diperensya sa koordinasyon ng paglilinang ng nakapagpapagalaw
ECSE: Early Childhood Special Education. Programang pinaglilikuran ang mga musmos, sanggol at mga preschooler na may mga kapansanan.
ED: Daglat para sa “Emotional Disturbance” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
Education Specialist: Isang guro na nakredensyalan para maghatid ng mga serbisyo ng special education.
EL: English Learner.
ELA: English Language Arts.
ELST: English Learner Support Teacher.
ERMHS: Educationally Related Mental Health Services. Partikular na mga serbisyo sa kalusugan hinggil sa pag-iisip na ibibigay sa mga estudyante ng special education na mayroong mga pangangailangang social-emotional na nakaaapekto sa kanilang kakayahang matuto.
ESY: Extended School Year. isinaespesyal na tagubilin o mga kaugnay na serbisyo na mga bahagi ng IEP ng bata at tipikal na ibinibigay kapag wala sa sesyon ang mga paaralan. Ang mga estudyanteng nagigingkarapat-dapat para sa ESY ay yaong may mga IEP at may kapansanan na malamang ay magpapatuloy sa mahabang panahon. Kailangan din ipakita ng mga estudyante na ang hindi pagtanggap ng mga serbisyo sa panahon ng mga bakasyon sa paaralan ay maaaring mawala nila ang mga kasanayan, na mayroon silang limitadong kakayahan para aralin ang mga nawalang kasanayan, at, dahil dito, imposible o malamang na hindi makakaabot ang SWD sa sariling natutugunan nang walang mga serbisyo ng ESY.
Executive Function (Tagapagpaganap na Tungkulin): Kakayahan ng estudyante na pumili at kontrolin ang sarili nilang pag-ugali para matugunan ang layunin. Kinakailangan ng magkakasabay at masalimuot na pag-iisip kasama ng gumaganang memorya.
Expressive Language (Mapagpahiwatig na Wika): Produkto ng mga ideya. Maaaring kabilang dito ang mga pagpapahayag, senyales, ekspresyon, at pananalita.
Fine Motor (Mainam na Pagpapagalaw): May kinalaman ito sa tamang mga paggalaw ng mga kamay at daliri. Bilang halimbawa, ginagamit ng mga estudyante ang mga kasanayan sa pagpapagalaw sa pagsulat sa kamay at pagbutones ng mga damit.
Function of Behavior (Tungkulin ng Pag-uugali): Inilalarawan kung bakit maaaring nagpapakita ang estudyante ng ilang nakakaantalang pag-uugali. Sa karaniwan, bumabagsak sa isa (o higit pa) sa 4 na kategorya: Access sa mas gustong aytem/aktibidad;Hiling na makawala; Makakuha ng atensyaon mula sa isa pang tao; at Pandamdam ng impormasyong ipinapasok.
Layunin: Isang isinaindibidwal, nasusukat na kinalabasan para aksyonan ang isang larangan ng pangangailangan para sa isang SWD; kadalasang nakasulat sa isang IEP at nilalayong matutugunan sa loob nang isang taon. Ang mga layunin ay dapat maging SMART: specific, measurable, attainable, relevant, and time-bound.
Gross Motor : (Kabuuang Pagpapagalaw:) May kinalaman sa malalaking kalamnan (yan ay, paggalaw at koordinasyon).
HSDP: High School Diploma Program
IAES: Interim Alternate Educational Setting. Sa panahon nang matagal na suspensyon, maaaring makatanggap ang estudyante ng tagubilin at mga serbisyo sa isang Interim Altenate Educational Setting, isang pagpapalagay na magkaiba kaysa kanilang natatanggap na tagubilin at mga serbisyo.
ID: Daglat para sa “Intelectual Disability” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
IEE: Independent Educational Evaluation. Ang IEE ay isang pagtatasang kinukumpleto ng isang tao na hindi nagtatrabaho para sa distrito ng paaralan. Maaaring makakuha ang mga magulang at tagapag-alaga ng IEE na binayaran ng distrito kung hindi sila sasang-ayaon sa mga natuklasan o rekumendasyon ng isang pagtatasa ng special education ng distrito.
IEP Amendment: (Pagbabago ng IEP:) Kapag nagbago ang taunang IEP para i-update ang bahagi ng IEP. Ang pagpupulong ng IEP para magbago ng IEP ay hindi inaalis ang responsibilidad ng ahensya ng lokal na edukasyon para magsagawa ng taunang repaso.
IFSP: Individual Family Service Plan. Inilalarawan ang maagang mga serbisyo ng pamamagitan na matatanggap ng bata sa pamamagitan ng Sentrong Pangrehiyon haggang sa kanilang ikatlong kaarawan.
IPP: Individual Program Plan. Inilalarawan ang mga layunin at serbisyo sa labas ng edukasyon sa pamamagitan ng Sentrong Pangrehiyon para sa mga taong may mga kapansanan.
ITP: Individualized Transition Plan. Isang nakasulat ng planong idinisenyo para tulungang ihanda ang estudyante na makapasa mula sa paaralan hanggang sa buhay pagkatapos ng paaralan. Dapat kasama ang mga layunin, takdang panahon, at mga taong responsable para sa pagtugon sa mga layunin.
LEA: Local Education Agency. Pampublikong lupon ng edukasyon o iba pang pampublikong awtoridad na nangangasiwa o nag-aatas ng mga paaralang elementarya o paaralang sekondarya sa isang lungsod o county.
Low Incidence: Mga kapansanan na bihira. Kasama sa mga halibawa, ngunit hindi limitado sa, pagkabingi at kabulagan.
Mainstreaming: Ginagamit pa rin ng ilang kawani ang salitang ito para ipakahulugan ang “inclusion” o para ipakita ang oras na ginugugol ng SWD sa pangkalahatang kapaligiran ng edukasyon.
Manifestation Determination: (Pagpapasya ng Pagpapahayag:) Mahalagang pulong na nagaganap kung ang nasuspinde ang isang SWD sa higit sa 10 araw sa panahon ng isang taon ng paaralan O kung inirerekumenda ang estudyante para mapatalsik. Sa panahon ng pulong na ito dapat repasuhin ng paaralan kung ang pag-uugali ay naging dahilan ng kapansanan ng estudyante.
MD: Daglat para sa “Multiple Disabilities” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
Modifications: (Mga Pagbabago:) Kapag ang sustansya ng tagubilin o mga materyales na ibinigay sa isang SWD ay magkaiba sa kurikulum na ibinibigay sa mga kauri na parehong edad.
MPC: Dating tinatawag na “medically-fragile” na mga silid aralan. Hiwalay itong kaligiran ng silid aralan para sa mga estudyante na may medikal o pisikal na hamon.
MT: Music Therapist. Nagbibigay ng Music Therapy bilang isang kaugnay na serbisyo.
NPA: Non-Public Agency (Hindi Pampulikong Ahensya). Isang entidad ng hindi pampaaralang distrito na nagbibigay ng edukasyonal na serbisyo sa isang SWD. Dapat maging sertipikado ng CDE.
NPS: Non-Public School (Hindi Pampublikong Paaralan). Isang paaralan na kinokontrata ng distrito ng paaralan para magbigay ng mga serbisyo at suportang pang-edukasyon para sa isang SWD. Dapat maging sertipikado ng CDE.
OHI: Daglat para sa “Other Health Impaired” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
OI: Daglat para sa “Orthopedic Impairment” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
Olfactory: May kinalaman sa pandamdam sa pang-amoy.
OT: Occupational Therapist o Occupational Therapy.
Pacing: Gaanong kabilis magsalita ang isang tao.
PBIS: Positive Behavior Intervention and Supports. Programa ng pamamagitan na may diin sa paggantimpala ng ninanais na pag-uugali ng estudyante.
PK o Pre-K: Preschool
Pragmatics: Ang paggamit sa wika para paggawa, tulad ng paghiling ng impormasyon o pagbati sa isang tao.
Pre-Vocational Skills: Mga kasanayan na kakailanganin ng isang tao para maging handang magkatrabaho. Maaaring maging “soft skills” tulad ng komunikasyon at mga naaangkop na pag-uugali. Maaari ring maging “work ethic” paglilinang tulad ng pagtitiyaga, humihingi ng kalinawan, at tumatanggap ng mga kritisismong nakakatulong.
Pro-ACT: Professional Assault Crisis Training. Isang programa ng pagsasanay para tiyakin na ang mga guro, paraprofessional, at kaugnay na mga provider ng serbisyo (at iba pang miyembro ng kawani ng lugar) ay maaaring mamagitan kapag nagpakita ng mga pag-uugali ang mga estudyante na maaaring masapanganib ang kanilang mga sarili o iba. Ang tuon ay nasa pagpapababa; na may pisikal na pamamagitan bilang huling paraan. Programa ng karaniwang pagsasanay para pagpipigil at/o paghihiwalay.
Progress Report: (Ulat ng Progreso:) Kahit kasing dalas gaya nang sa kauri ng parehong edad ay makatatanggap ng card ng ulat, may karapatan ang isang SWD na makatanggap ng ulat sa kanilang progreso sa mga layunin ng IEP. Paminsan-minsang tumutukoy bilang “annotated goals”.
Prompt: Ginagamit para tukuyin ang antas ng direksyong ibinibigay sa isang estudyante; kadalasang isinusulat sa mga layunin sa isang IEP. Kasama ang pisikal, pasalita, hinggil sa kumpas, at biswal na mga prompt.
Proprioception: Kung paano pinoproseso ng ating mga utak ang paggalaw at posisyon ng ating katawan.
Prosody: Ang tulin at tono ng wika at mga tunog.
PT: Physical Therapist o Physical Therapy
PWN: Prior Written Notice. Ang distrito ng paaralan ay kailangang magbigay ng PWN sa ilang sitwasyon; kasama sa ilang halimbawa ay kapag tinanggihan nitong gumawa ng aksyon na hiniling ng magulang, kapag gusto nitong baguhin ang pagpapalagay o pagkakakilanlan ng estudyanteng may mga kapansanan, o kapag pinaplano nitong magtasa ng estudyanteng may mga kapansanan.
Receptive Language: (Madalaing Makaunawang Wika:) Ang kakayahang makarinig ng mga tunog at isalin ang mga ito sa makahulugang mga ideya. Kasama rin ang kakayahang isalin ang mga kumpas at ekspresyon ng iba.
Recoupment: Ang haba at panahong kinakailangan para mabawing muli ang nawalang kasanayan. Tingnan ang pagbabalik.
Recreation Therapy: (Therapy ng Libangan:) Isang nauugnay na serbisyo na maaaring maging bahagi ng handog ng FAPE.
Regression: (Pagbabalik:) Pagkawala ng kritikal na mga kasanayan ng isang SWD sa panahon ng likas na bakasyon sa taon ng paaralan.
Tingnan ang recoupment.
Related Services: (Mga kaugnay na Serbisyo:) Mga serbisyo na maaaring maging kailangan para tulungan ang estudyanteng may mga kapansanan na matugunan ang kanilang mga layunin ng IEP. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang Speech/Language Therapy o Occupational Therapy.
RSP: Resource Specialist
RTI: Response-to-Intervention. Isang programa ng pangkalahatang edukasyon na naglalayong magbigay ng mataas na kalidad na tagubilin at para matiyak na ang bawat bata ay na-i-iskrin para sa naaangkop na pag-access sa kurikulum.
SAI: Specialized Academic Instruction
SCERTS: Social Communication/ Emotional Regulation/ Transactional Support. Ang panlahatang pamamaraang pang-edukasyon para maaksyunan ang buod na mga pagsubok na kinakaharap ng mga batang nasa Autism Spectrum; nakatuon sa pagbubuo ng panlipunang komunikasyon, emosyonal na regulasyon, at suportang pangtransaksyon.
SCIA: Special Circumstances Instructional Assistant. Katawagang ginagamit ng ilang distrito ng paaralan para ilarawan ang one-on-one na tulong.
SEA: Special Education Assistant
Self-determination: (Sariling Determinasyon:) Inilalagay ang pagtuon sa SWD na nagkakaroon ng malaki-laking impormasyong ipinapasok at pagpipilian sa mga desisyong ginawa tungkol sa mga ito. Ang paraang ito ay itinuturing na mga bagay tulad ng indibidwal na mga mas kagustuhan, kaugnay na mga kalakasan, mga layunin, at sirkulo ng suporta.
SELPA: Special Education Local Plan Area
SESA: Special Education Site Administrator
SET: Special Education Technician
SLD: Daglat para sa “Specific Learning Disability” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.; paminsan-minsang tumutukoy bilang “LD” para sa “learning disability”.
SLI: Daglat para sa “Speech/Language Impairment” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
SLP: Speech/Language Pathologist
SST: Student Study Team. Isang proseso kung saan ang mga tagapagturo at magulang ay nagtatagpo para pag-usapan ang tungkol sa kung bakit hindi nagpoprogreso ang estudyante sa karaniwang kurikulum at mga mapagkukunan o istratehiya na maaaring mailagay. Ito ay maaaring paminsan-minsan ay nangyayari bago gawin ang pagsangguni sa special education, ngunit hindi ito kinakailangan. Kung nagsususpetsa ka na ang iyong estudyante ay may kapansanan, dapat kang humiling ng mga pagtatasa ng special education,
TBI: Daglat para sa “Traumatic Brain Injury” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
TK: Transitional Kindergarten
Transition: (Pagbabago:) Tumtukoy sa proseso ng paglipat mula sa sekondaryang edukasyon papunta sa karampatang gulang. Dapat bumuo ang distrito ng paaralan ng ITP para tulungan ang mga estudyanteng may mga IEP sa pamamagitan ng proseso na ito.
Dapat itong magsimula kapag ang estudyante ay nasa pagitan ng 14 at 16 na taong gulang.
Triennial IEP: Maaari ring tawagin na triennial na pagtatasa o triennial na repaso. Ginagawa ang muling pagtatasa bawat tatlong taon upang mapagpasyahan kung ang estudyante ay karapat-dapat pa rin para sa mga serbisyo ng special education sa lahat ng larangan ng pinagsususpetsahang kapansanan.
Vestibular: Kung paano nagpoproseso ang ating utak ng balanse at isasaayos tayo sa loob ng espasyo.
VI: Daglat para sa “Visual Impairment” na ginagamit para ipakita ang pederal na pagkanararapat para sa special education.
Visual: (Biswal:) May kinalaman sa paningin pati narin pagpoproseso/pagsasalin ng mga nakikita.
Vocational Skills: Mga aktibidad at konsepto na tumutukoy sa isang trabaho. Kadalasang magiging nauugnay sa pagbabago.
VT: Vision Therapy