Iyong mga Karapatan sa Katutubong Wika sa Programang Maagang Simula

Publications
#F100.08

Iyong mga Karapatan sa Katutubong Wika sa Programang Maagang Simula

Ang fact sheet na ito ay nagbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatang tumanggap ng impormasyon at mga serbisyo sa iyong katutubong wika mula sa sentrong pangrehiyon sa ilalim ng Early Start Program. Ang Early Start ay nagsisilbi sa mga bagong silang at mga bata hanggang 3 taong gulang na may mga pagkaantala sa pag-unlad.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang papel ng katotohanan na ito ay nagbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan na tumanggap ng impormasyon at mga serbisyo sa iyong katutubong wika mula sa rehiyunal na sentro sa ilalim ng Programang Maagang Simula. Ang Maagang Simula ay naglilingkod sa mga bagong silang at bata hanggang 3 taong gulang na may mga pagkaantala sa pag-unlad.

Nililinaw ng batas sa California na kilala bilang Panukalang Batas sa Senado (SB, Senate Bill) 555 (Correa) na ang tungkulin ng rehiyunal na sentro sa ilalim ng Programang Maagang Simula na magbigay ng impormasyon at mga serbisyo sa iyong katutubong wika. Makikita mo ang batas dito:
http://www.leginfo.ca.gov/pub/13-14/bill/sen/sb_0551-0600/sb_555_bill_20131009_chaptered.pdf

May ilang tao na nakatatanggap ng mga serbisyo mula sa mga rehiyunal na sentro na hindi nagsasalita ng Ingles o limitado sa pagsasalita o pag-intindi ng Ingles. Hindi kinakailangan na ikaw ay nagsasalita, nakababasa, o nakasusulat sa Ingles para makakuha ng mga serbisyong kailangan mo o ng anak mo mula sa rehiyunal na sentro. Sinisiguro ng mga batas na ito na ang mga mamimili na hindi nagsasalita o limitado ang pagsasalita ng Ingles at ang kanilang mga pamilya ay may pantay na impormasyon tungkol sa mga serbisyo at suporta ng rehiyunal na sentro.

  1. Ano ang itinuturing na “katutubong wika”?

    Sa ilalim ng Programang Maagang Simula, ang “katutubong wika” ay ang wikang karaniwang sinasalita ng mga magulang ng bata. 34 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon (C.F.R., Code of Federal Regulations) sek. 303.25(a); Kodigo ng Pamahalaan ng California sek. 95020(g)(1). Halimbawa, kung nagsasalita ka ng limitadong Ingles at karaniwan kang nagsasalita ng Espanyol, ang iyong katutubong wika ay Espanyol.

  2. Paano kung ako ay bingi o hirap sa pagdinig, bulag o may kapansanan sa paningin? Ano ang ibig sabihin ng katutubong wika para sa akin sa ilalim ng Maagang Simula?

    Kung ikaw ay bingi o hirap sa pagdinig, bulag o may kahinaan sa paningin, ang “katutubong wika” ay nangangahulugan na ang paraan ng komunikasyon na karaniwan mong ginagamit. Maaaring kabilang dito, halimbawa, ang wikang senyas, Braille, o pasalitang komunikasyon. 34 C.F.R. sek. 303.25.(b); Kodigo ng Pamahalaan ng California sek. 95020(g)(1).

  3. Kung ang aking anak ay sinusuri at tinatasa para sa Maagang Simula o para sa mga serbisyo sa ilalim ng Maagang Simula, mayroon ba akong karapatan sa pagsusuri at pagtatasa sa aking katutubong wika?

    Oo. Ang mga pagsusuri at pagtatasa ay dapat isinasagawa sa iyong katutubong wika, maliban kung ang maipakita ng rehiyunal na sentro na hindi ito posibleng gawin. 34 C.F.R. sek. 303.321(a)(5); Kodigo ng Pamahalaan ng California sek. 95020(g)(1). Kung ang iyong katutubong wika ay Vietnamese, ang rehiyunal na sentro ay dapat magsagawa ng pagsusuri at pagtatasa sa Vietnamese. Ang pagtatasa na ito, ang pagpupulong upang tukuyin ang pagiging karapat-dapat, at ang unang pagpupulong sa Indibiduwal na Plano sa Serbisyo ng Pamilya (IFSP, Individualized Family Service Plan) ay dapat gawin sa iyong katutubong wika sa loob ng 45 araw ng pagsangguni sa rehiyunal na sentro. 34 C.F.R. sek. 303.310; Kodigo ng Pamahalaan ng California sek. 95020(b).

  4. Paano ang mga pagtatasa ng pamilya? Kailangan bang gawin ang pagtatasa ng pamilya sa katutubong wika ng miyembro ng pamilya na tinatasa?

    Oo. Ang pagtatasa sa sinumang miyembro ng pamilya bilang bahagi ng pagtatasa ng pamilya ay dapat gawin sa katutubong wika ng miyembro ng pamilyang iyon, maliban kung maipapakita ng rehiyunal na sentro na hindi ito posibleng gawin. 34 C.F.R. mga seksyon 303.321(a)(6), 303.25; Kodigo ng Pamahalaan ng California sek. 95020(g)(1).

  5. Paano ang mga pagpupulong sa IFSP? Kailangan ba silang gawin sa aking katutubong wika?

    Oo. May karapatan kang gawin ang proseso sa pagpaplano para sa IFSP at ang pagpupulong sa IFSP sa katutubong wika ng iyong pamilya, maliban kung maipakita ng rehiyunal na sentro na hindi ito posibleng gawin. 34 C.F.R. sek. 303.342(d); Kodigo ng Pamahalaan ng California sek. 95020(g)(1). Ang IFSP ay dapat nirerepaso bawat anim na buwan o mas madalas kapag kinakailangan. 34 C.F.R. sek. 303.342(b); 17 Kodigo ng mga Regulasyon sa California (CCR, California Code of Regulations) sek. 52102(b).

  6. Maaari ba akong makakuha ng kopya ng aking IFSP sa aking katutubong wika?

    Dapat ipaliwanag sa iyo ng rehiyunal na sentro nang buo, sa iyong katutubong wika, kung ano ang nasa IFSP. 34 C.F.R. sek. 303.342(e).

    Dapat ding magbigay ang rehiyunal na sentro sa iyo ng kopya ng IFSP sa iyong katutubong wika, maliban kung magpasya ang Kagawaran ng mga Serbisyo sa Pag-unlad (DDS, Department of Developmental Services) na hindi makatuwirang kahirapan kung gawin nila ito. Kodigo ng Pamahalaan ng California sek. 95020(g)(1); 2 C.C.R. 11162(c).

  7. Gaano kabilis ko makukuha ang kopya ng aking IFSP sa aking katutubong wika?

    Sa loob ng makatuwirang haba ng panahon, maliban kung isasaad ng DDS na ito ay hindi makatuwirang kahirapan sa rehiyunal na sentro. Kodigo ng Pamahalaan ng California sek. 95020(g)(1); 2 C.C.R. 11162(c). Maaari kang makakuha ng isinaling IFSP nang mas maaga kung paalalahanan mo ang rehiyunal na sentro na kung mas maaga mo makukuha ang isinaling IFSP, mas maaga mong pahintulutan ang mga serbisyo at matanggap ng iyong anak ang mga serbisyo. Kung mas maaga matanggap ng iyong anak ang mga serbisyo upang matugunan ang kanilang (mga) kondisyon, magkakaroon ng mas maraming panahon upang magkaroon ng positibong kalalabasan.

  8. Kailangan bang idokumento ng rehiyunal na sentro kung ano ang aking katutubo wika sa IFSP?

    Oo. Kailangang ilagay ng rehiyunal na sentro kung ano ang iyong katutubong wika sa IFSP. Kodigo ng Pamahalaan ng California sek. 95020(g)(2). Kung karaniwang kang nagsasalita ng Koryano, halimbawa, ang iyong IFSP ay dapat nakasaad na ang iyong katutubong wika ay Koryano.

  9. Paano ko hihilingin ang rehiyunal na sentro na gawin ang lahat sa aking katutubong wika?

    Maaari mong gamitin ang halimbawang sulat na ito upang humiling sa pamamagitan ng pagsulat:

    Petsa: _______________
    Para Kay: ____________________________________(Pangalan ng Tagapag-ayos ng Serbisyo sa Rehiyunal na Sentro)

    Humihiling ng Impormasyon sa Aking Katutubong Wika Para Kay: __________________ (Pangalan ng Kliyente ng Rehiyunal na Sentro)

    Humihiling ako na amyendahan ang IFSP upang isama ang pahayag na ang aming katutubong wika ay __________________.

    Humihiling ako na lahat ng mga pagtatasa at ang pagpaplano at pagbuo ng IFSP ng aking anak ay gawin sa aking katutubong wika. Dagdag pa, mangyaring bigyan ako ng isinaling kopya ng aking IFSP sa aking katutubong wika ayon sa mga timeline na iniatas ng batas.

    Taos-puso,

    _________________________________________
    Pangalan

  10. Ano ang maaari kong gawin kung hindi idinokumento ng aking rehiyunal na sentro ang aking katutubong wika o hindi nagsagawa ng pagtatasa, pagsusuri, o proseso ng pagpaplano ng IFSP sa aking katutubong wika?

    Kung hindi idinokumento ng iyong rehiyunal na sentro ang iyong katutubong wika o hindi isinasagawa ang pagtatasa, pagsusuri, o proseso ng pagpaplano sa iyong katutubong wika, maaari kang maghain ng reklamo. 17 CCR 52170. Upang maghain ng reklamo sa ilalim ng Programang Maagang Simula, pumunta sa Proseso ng Reklamo sa Maagang Simula na pahina upang kumuha ng form sa Kahilingan sa Imbestigasyon sa Reklamo sa Maagang Simula na DS 1827. Makukuha ito sa Ingles at Espanyol. Ipadala ang form, o ang maikling sulat, sa:

    Department of Developmental Services (DDS)
    Office of Human Rights and Advocacy Services
    Attention: Appeals, Complaints, and Projects
    1215 O Street, (MS 8-20)
    Sacramento, CA 95814