Iyong mga Karapatan! Mga Taong may Kapansanan at ang Tagapagpatupad ng Batas
Iyong mga Karapatan! Mga Taong may Kapansanan at ang Tagapagpatupad ng Batas
Maraming taong may kapansanan ay napinsala o napatay ng pulis. Lumalaban ang Disability Rights California upang wakasan ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga taong may kapansanan at ipalawig ang mga serbisyo sa komunidad na magpapanatiling ligtas ang mga tao.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Maraming taong may kapansanan ay napinsala o napatay ng pulis. Lumalaban ang Disability Rights California upang wakasan ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga taong may kapansanan at ipalawig ang mga serbisyo sa komunidad na magpapanatiling ligtas ang mga tao.
Isinasaad sa dokumentong ito kung ano ang mga karapatan ng mga taong may kapansanan kapag nasa paligid ng pulisya. Bagama’tmaaaring makatulong ang malaman ang iyong mga karapatan, alam mo kung ano ang pinakamainam upang panatilihing ligtas ang iyong sarili.
1. Ano ang aking mga karapatan kapag nakikipag-usap sa pulisya?
Ang iyong kapansanan ay maaaring magpapahirap upang sundin ang mga utos ng isang opisyal ng pulisya. Halimbawa, ang mga taong bingi o hirap sa pandinig ay maaaring hindi marinig kung ano ang sinasabi ng opisyal. Ang mga taong may pisikal na kapansanan ay maaaring hindi makasunod sa utos ng opisyal na dumapa. Maaaring maling isipin ng mga opisyal na ang pagpapasigla, mahinang pananalita, o pag-iling ay mga nagbabantang pag-uugali.
Ang pulisya ay kinakailangang sumunod sa Batas sa mga Amerikanong May Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act). Nangangahulugan ito na hindi maaaring magdiskrimina ang mga opisyal laban sa mga taong may kapansanan.1 Bilang isang taong may kapansanan, mayroon kang karapatan na humiling ng “makatuwirang kaluwagan” kapag nakikipag-ugnayan sa pulisya. Nangangahulugan ito na hinihiling mo sa pulisya na baguhin kung paano nila karaniwang ginawaga ang mga bagay upang maging mas makatarungan sa iyo. Ito ay mga halimbawa ng mga bagay na maaari mong hilingin na gawin ng pulis:
- Magsalita sa kalmado, tahimik na paraan;
- Magbigay ng mga kagamitan at serbisyong pagsasalin upang tumulong na makipag-usap;
- Pahintulutan ang isang tao na magpasigla dahil sa pagkabalisa sa halip na isipin na nangangahulugan ito na may ginawa silang masama;
- Gumamitng madadaling mga salita sa halip na mahihirap na mga salita;
- Magpahintulot ng karagdagang panahon upang unawain ang mga utos ng mga opisyal;
- Hilingin ang taong may mga pangangailangan sa paggalaw kung ano ang pinakamainam na paraan upang ilipat sila, at maging maingat na hindi masira ang kanilang kagamitan sa paggalaw.
Ang pagpapaalam sa mga opisyal na mayroon kang kapansanan at nangangailangan ng makatuwirang kaluwagan ay makadaragdag ng iyong pagkakataon na manatiling ligtas.
2. Ano ang aking mga karapatan kung may makaharap akong pulis sa paaralan?
Madalas rumeresponde ang mga opisyal ng pulisya sa maliliit na mga isyu sa paaralan, sa halip na mga magulang o guro. Sa kasamaang palad, ang mga estudyanteng Itim na may kapansanan ay mas malamang na makaharap ang pulis sa paaralan kaysa sa puting mga estudyanteng may kapansanan. Ang mga paghaharap na ito ay maaaring makapinsala.
Ang mga estudyanteng may kapansanan ay may karapatan sa mga makatuwirang kaluwagan sa paaralan, kabilang ang pulisya. Halimbawa, ang kawani ng paaralan at pulisya ay maaaring kinakailangan na gumawa ng mga pagbabago upang tulungan ang estudyante kung ito ay nasa Indibiduwal na Plano sa Edukasyon (IEP, Individualized Edukasyon Plan) o Planong 504 ng estudyante, o kung alam nila na ang estudyante ay may kapansanan. Maaaring kasama rito ang:
- Pagtawag sa tagapag-alaga ng estudyante bago kausapin ang estudyante;
- Pagtiyak na ang tagapag-alaga ng estudyante ay naroon bago kapkapin ang estudyante o kanilang mga gamit;
- Pagkalma ng sitwasyon bago tumawag ng pulis; at
- Pagbigay sa estudyante ng tamang pangangalagang pangkalusugan na medikal o mental bago tumawag ng pulis
3. Ano ang aking mga karapatan kung may tumawag ng pulis sa ngalan ko?
Ang pulisya ay hindi lagi ang pinakamainam na tao na rumesponde sa mga emerhensiyang pangkalusugan na medikal o mental. Kausapin ang iyong mga kaibigan, pamilya, o ibang tao na iyong pinagkakatiwalaan tungkol sa mga paraan na maaari mong tulungan ang iyong sarili o mga paraan na maaaring tulungan ka ng iba sa panahon ng krisis. Kabilang sa ibang mga opsyon ang pagtawag sa 988 o isang pangkat ng pagresponde sa krisis sa iyong lugar.
Kung may tumawag ng pulis para sa iyo dahil sa isang emerhensiya, tiyaking alam ng taong iyon ang tungkol sa iyong mga kapansanan, gamot, o mga kaluwagan na kailangan mo. Sabihin sa mga opisyal na hindi ka banta sa kanila at hindi ka lumalaban. Kung hindi mo ito maipaliwanag sa mga opisyal, hilingin ang iba na gawin ito para sa iyo. Maaari ka ring magsuot ng isang pulseras na pang-medikal na alerto o magdala ng kard na magpapaalam sa mga opisyal na mayroon kang kapansanan at kailangan ng mga kaluwagan.
Naaangkop ang mga batas sa makatuwirang kaluwagan kahit pa ikaw ay inaaresto. Halimbawa, kung nasasaktan ka sa mga posas, ipaalam sa mga opisyal. Hindi kinakailangang posasan ka ng pulis, at dapat nilang isaalang-alang ang ibang mga opsyon kung magpapahirap sa iyong kapansanan ang posas.
Pagkatapos ng iyong paghaharap sa pulisya, maaari kang humiling ng kopya ng ulat ng pulis. Kung possible, kunin ang mga pangalan at numero ng badge ng mga opisyal.
Tandaan, mayroon kang karapatan na manatiling tahimik at humiling na kumausap ng isang abogado. Kung mayroon kang tanong tungkol sa paghaharap sa pulisya, tumawag sa aming linya ng pagtawag sa (800) 776-5746 o TTY (800) 719-5798. Narito ang impormasyon tungkol sa kaso sa labis na puwersa ng DRC.
Karagdagang mga mapagkukunan:
- Ano ang Karahasan ng Pulisya? Isang libreto sa simpleng wika tungkol sa kapootang panlahi laban sa mga Itim, karahasan ng pulisya, at kung ano ang maaari mong gawin para pigilan ito
- Alamin ang Iyong mga Karapatan: Mga Paghaharap sa Pulisya
- Alamin ang Iyong mga Karapatan: Mga Pakikipag-ugnayan sa Pulisya para sa mga Taong Itim at Kayumanggi na
- Alamin ang Iyong mga Karapatan: Hinarang ng Pulisya
- Alamin ang Iyong mga Karapatan: Isang Gabay para sa mga Napoprotesta
- Alamin ang Iyong mga Karapatan: Mga Karapatan ng Bingi – Ano ang Gagawin Kapag Nakikipag-ugnayan sa Pulisya
- Kalupitan ng Pulisya & mga Taong Bingi
- Hindi Angkop na Tugon ng Tagapagpatupad ng Batas sa mga Indibiduwal na May Dyabetis: Isang Panimula at Gabay para sa mga Abogado
- Kung Kumatok ang Isang Ahente
- 1. Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos Sangay ng mga Karapatang Sibil Seksyon ng mga Karapatan sa Kapansanan, Karaniwang mga Tanong Tungkol sa Batas sa mga Amerikanong May Kapansanan at Tagapagpatupad ng Batas https://www.ada.gov/qanda_law.pdf