Mga oras ng Paghihintay at Biyahe ng Provider ng IHSS
Mga oras ng Paghihintay at Biyahe ng Provider ng IHSS
Ang IHSS ay nagbibigay ng mga serbisyo upang matulungan kang manatili sa bahay kung hindi mo mapangalagaan ang iyong sarili dahil sa iyong kapansanan. Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa pagkuha ng mga oras ng IHSS para sa tulong sa pagpunta sa doktor. Sinasabi rin nito sa iyo kung maaari kang makakuha ng mga oras ng IHSS para sa mga biyahe ng doktor para sa isang bata.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
1. Makatatanggap ba ako ng mga oras ng IHSS para dalhin ako ng aking provider sa mga appointment sa doktor?
Oo, tinatawag itong “pagsama sa mga medikal na apppointment.” Ang medikal na pagsama sa “mga appointment ng pangangalagang pangkalusugan” (hal. medikal na appointment sa isang tanggapan ng doktor, dentista at sa iba pang nagpa-practice ng kalusugan) ay isang serbisyo ng IHSS na maaaring matanggap ng ilang tumatanggap ng IHSS. Ang medikal na pagsama ay maaaring mapahintulutan kapag kinakailangan ng tumatanggap ng isa pang serbisyo ng IHSS upang makapunta at mula sa isang medikal na appointment o alternatibong mapagkukunan, at/o sa kanilang destinasyon.1 Bilang halimbawa, kung napahintulutan na ang isang tumatanggap para sa pagsama sa mga medikal na appointment, maaari ring mabayaran ang provider para tulungan ang tumatanggap ng IHSS na bumiyahe papunta at mula sa mga medikal na appointment.
Kasama sa mga halimbawa ng tulong sa biyahe ang mga bagay tulad ng pagtulong sa tumatanggap na makapasok at makalabas sa isang sasakyan, makaupo nang maayos, at paggamit ng mga seat belt. Para mapahintulutan para sa medikal na pagsama, dapat mong sabihin sa social worker ng iyong IHSS na mayroon kang medikal na appointment at kailangan mo ang tulong ng iyong provider ng IHSS para makapunta sa medikal na appointment. Pagkatapos ay tatasahin ng social worker ng IHSS ang iyong pangangailangan para sa tulong sa pagpunta at mula sa mga appointment.2 Ang mga care provider ng IHSS ay hindi kailangang gamitin ang kanilang sariling sasakyan para maghatid ng mga tumatanggap papunta at mula sa isang medikal na apppointment. Gayunman, ang tumatanggap ng IHSS ay maaaring bayaran ang kanilang care provider para sa paggamit ng kanilang sasakyan para ihatid ang tumatanggap papunta at mula sa medikal na appointment ng tumatanggap.
2. Maaari bang mabayaran ang provider ng IHSS para sa oras na ginugol sa paghihintay sa appointment sa doktor ng tumatanggap ng IHSS?
Oo. Simula sa Pebrero 1, 2016, maaaring makatanggap ang mga provider ng bayad para sa oras na ginugol sa paghihintay sa mga medikal na appointment. Upang mabayaran sa paghihintay sa isang medikal na appointment, kailangang ipakita ng provider na habang sila ay nasa medikal na appointment ng tumatanggap, hindi sila maaaring umalis dahil hindi nila mahuhulaan kung gaanong katagal ang appointment ng tumatanggap. Ang isang halimbawa ay kapag dadalhin ng provider ang tumatanggap sa isang medikal na appoinment at kailangang maghintay ng provider sa medikal na tanggapan dahil, sa anumang pagkakataon, maaari nilang dalhin sa bahay ang tumatanggap. Ang ibig sabihin nito ay ang provider ay “nakapangakong maghihintay” o “Wait Time —On Duty.”
Kapag pinahintulutan ang tumatanggap para sa medikal na pagsama, kung matutugunan ang lahat ng kundisyon, kung gayon ay ituturing ang provider na “Wait Time —Off Duty” (na ang ibig sabihin ay hindi sila mababayaran para sa anumang oras na ginugol sa paghihintay sa tumatanggap):
- Ang haba ng oras na gugulin sa appointment ay malalaman nang maaga na mapahihintulutan ang provider nang maraming abiso na hindi sila kakailanganing magkaloob ng mga serbisyo sa panahon na iyon at kung saan ay maaaring magamit para sa kanilang sariling mga layunin;
- Ang appointment ay naka-schedule na tatagal nang sapat na oras para makapagsagawa ang provider ng personal na trabaho; at
- Hindi kailangang magsagawa ang provider ng anumang ibang pinahintulutang serbisyo, hal. pamimili ng pagkain, ibang pamimili/utos, sa panahon ng oras ng appointment.
Kung matutugunan ang lahat ng kundisyon, kung gayon dapat sabihin ng tumatanggap sa provider na hindi nila kailangang magtrabaho hanggang sa tinukoy na oras kung kailan sila dapat bumalik para samahan sa pag-uwi ang tumatanggap. Hindi mababayaran ang provider para sa oras na ito. Kung HINDI matutugunan ang lahat ng kundisyon sa itaas, ituturing na mayroong “Wait Time —On Duty,” ang provider at kailangan silang mabayaran sa oras na kanilang ginugol sa paghihintay para sa tumatanggap.
Makahahanap ka nang higit pang impormasyon sa mga oras ng paghihintay sa All County Letter No. 16-01.3
3. Paano kung kailangan akong dalhin ng aking provider sa isang alternatibong mapagkukunan? Maaari pa ba silang mabayaran para maghintay sa akin?
Maaaring makakuha ang mga indibidwal ng transportasyon papunta sa isang pook kung saan nagkakaloob ang ibang mapagkukunan ng in-home supportive services sa tumatanggap imbes na IHSS.4 Sa karaniwan, para sa mga indibidwal na tumatanggap ng oras para sa medikal na pagsama papunta sa isang alternatibong mapagkukunan, ang oras ng paghihintay ng provider ng IHSS ay hindi maaaring mabayaran dahil kadalasang ibinababa at sinusundo ang mga tumatanggap sa isang tiyak na oras. Sa karaniwan, hindi maaaring mabayaran ang provider para sa oras ng paghihintay na kasama sa pagsama sa mga pook ng alternatibong mapagkukunan dahil mahusay na magagamit ng provider ang oras na iyon para sa sarili nilang mga layunin at itinuturing ito na Wait Time Off-Duty.5 Gayunman, upang malaman kung binabayaran ang oras ng paghihintay, dapat tiyakin ng social worker kung gumagamit man o hindi ang provider ng “Wait Time-On Duty” o kung gumagamit ang provider ng “Wait Time-Off Duty.”6
4. Maaari bang tumanggap ang menor-de-edad ng mga oras ng IHSS para sa pagsama sa mga appointment sa doktor?
May mga espesyal na kinakailangan para mapahintulutan ang medikal na pagsama para sa mga menor-de-edad na tumatanggap. Ang medikal na pagsama para sa mga menor-de-edad ay maaari lamang mapahintulutan kung ang menor-de-edad na tumatanggap ay may “tinasahang pambihirang pangangailangan,” ang appointment ay para sa isang espesyalista, at ang menor-de-edad na tumatanggap ay may pangangailangan para sa isang pinahintulutang gawain ng IHSS na isasagawa sa panahon ng biyahe papunta o mula sa appointment.
Para mapahintulutan ang medikal na appointment na may kasamang mga oras ng paghihintay para sa isang menor-de-edad na tumatanggap, ang bawat isa sa tatlong sumusunod na kundisyon ay dapat matugunan:
- Ang menor-de-edad na tumantanggap ay dapat may tinasahang pambihirang pangangailangan. Ang pambihirang pangangailangan ay isang pangangailangan na ibinabatay sa kapinsalaan hinggil sa paggana sanhi sa hindi lubhang mahalagang kapansanan at ang pangangailangan ay lampas sa kung ano dapat ang karaniwang maaashan para sa isang menor-de-edad sa parehong edad nang wala ang kapinsalaan hinggil sa paggana.
- Ang (mga) appointment ay dapat sa isang manggagamot o iba pang lisensyadong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan sa isang kasanayan sa espesyalidad na pangangalaga at ang appointment ay dapat nauugnay sa kapansanan ng menor-de-edad o kapinsalaan hinggil sa paggana. Ang Medikal na Pagsama ay maaaring hindi mapahintulutan para sa mga palagiang ginagawang appointment sa pediatrician ng menor-de-edad na tumatanggap o primary care na manggagamot, tulad ng mga pagpapatingin sa well-baby/bata, taunang mga check-up, pagbabakuna, mga pagpapatingin na nauugnay sa karaniwang mga karamdaman/pinsala sa pagkabata, atbp.
- Dapat mayroong pangangailangan ang menor-de-edad na tumatanggap para sa isang pinahintulutang (mga) gawain ng IHSS sa panahon ng biyahe papunta at/o mula sa appointment, o sa appointment.
Ang mga tuntunin sa pagpapahintulot sa oras ng paghihintay para sa mga may sapat na gulang na tumatanggap ay hindi lumalapat sa mga kaso ng menor-de-edad na tumatanggap. Ito’y dahil ang magulang ay tipikal na inaasahang naroroon sa panahon ng medikal na appointment ng bata para makalahok sila sa talakayan sa medikal na propesyonal tungkol sa kalusugan ng bata at makagawa ng mga desisyon tungkol sa paggagamot at pangangalaga. Dapat isama ng social worker ang oras ng paghihintay sa pagpapahintulot ng mga oras. Makahahanap ka ng higit pang impormasyon at halimbawa sa All County Letter No. 17-42.
5. Mababayaran ba ang isang provider ng IHSS para sa oras ng biyahe sa pagitan ng mga tumatanggap?
Oo. Ang mga provider ng IHSS ay maaaring mabayaran para sa oras ng biyahe. Ang oras ng biyahe ay ang oras na kailangan para makabiyahe ang provider nang direkta mula sa lokasyon kung saan sila nag-aalaga para sa isang tumatanggap papunta sa isa pang lokasyon para magkaloob ng mga serbisyo para sa ibang tumatanggap sa parehong araw. Gayunman, ang isang provider ay hindi maaaring mabayaran para sa oras ng biyahe papunta at mula sa kanyang bahay papunta sa anumang lokasyon ng tumatanggap ng IHSS. Bilang karagdagan, maaari lamang makapag-reimburse ang mga provider nang 7 oras ng oras ng biyahe kada linggo.7
Ang mga provider na mayroong maraming tumatanggap ay dapat kontakin ang county upang kumpletuhin ang form SOC 2255 at isumite ito sa tanggapan ng IHSS. Dapat makumpleto ang form na ito upang mabayaran ang provider para sa kanilang oras ng biyahe.
- 1. Tingnan ang Welfare and Institutions Code § 12300(b), at Manual of Policies and Procedures (MPP) Seksyon 30-780.1(b)(5)(A)-(B)).
- 2. See MPP Section 30-757.15.
- 3. All County Letter No. 16-01, may petsang Enero 7, 2016, ay nakalaan sa online sa link na ito para sa PDF.
- 4. MPP Section 30-757.154.
- 5. See All County Letter No. 17-42, may petsang Hunyo 23, 2017, nakalaan sa online sa link na ito; tingnan din ang All County Letter No. 14-82, may petsang Nobyembre 25, 2017, nakalaan sa online sa link na ito para sa PDF.
- 6. Para sa higit na impormasyon, tingnan ang ACL No. 17-42, nakalaan sa online sa link na ito, at ACL No. 14-82, nakalaan sa online sa link na ito para sa PDF.
- 7. Ang impormasyon sa oras ng biyahe ay narito: link sa PDF sa Oras ng Biyahe para sa mga provider ng In-Home Supportive Services mula sa website ng CA Department of Social Services.