Mga Hindi Pagkakasundo, Reklamo at Paghiling ng Bagong Social Worker ng In-Home Supportive Services (IHSS)

Publications
#7162.08

Mga Hindi Pagkakasundo, Reklamo at Paghiling ng Bagong Social Worker ng In-Home Supportive Services (IHSS)

Ang layunin ng pagtatasa at muling pagtatasa ay upang matukoy kung anong mga serbisyo ang kailangan mo at kung gaano karaming oras ang kailangan mo para makatanggap ng mga serbisyo ng IHSS upang manatiling ligtas ka sa tahanan.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

ANO ANG IHSS?

Ang IHSS ay pang-estadong programa na nagbibigay ng mga serbisyong pangangalaga sa bahay para tulungan ang mga karapat-dapat na tong may mga kapansanan na manatili sa kanilang sariling mga tahanan.

Nagbibigay ng tulong ang IHSS sa:

  • Pantahanan at mga Kaugnay na Serbisyo: paghahanda ng pagkain, paglilinis, labahin
  • Mga Serbisyo ng Personal na Pangangalaga/Hindi-Medikal na Pangangalaga: paliligo, pagpapakain, pagdadamit, pag-aayos at paggamit ng kubeta.
  • Mga Paramedikong Gawain: tulong sa mga gamot, iniksyon, pangangalaga sa bituka at pantog.
  • Mapagtanggol na Pangangasiwa: pagsubaybay sa mga taong may mga kapinsalaan sa katalusan o pag-iisip para maiwasan ang pinsala.
  • Mga Serbisyo ng Transportasyon
  • Pagsama sa mga medikal na appointment

Ano ang Ginagawa ng mga Social Worker ng IHSS?

Responsable ang iyong social worker ng IHSS sa pag-alam sa iyong pagkanararapat at pangangailangan para sa mga serbisyo ng IHSS.  Gagawin ito ng iyong social worker ng IHSS sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng pagtatasa kapag una kang nag-apply para sa IHSS, at sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga taunang muling pagtatasa pagkatapos noon.  Ang layunin ng pagtatasa at muling pagtatasa ay para malaman kung anong mga serbisyo ang kailangan mo at gaanong katagal mo kailangang tumanggap ng mga serbisyo ng IHSS upang manatili kang ligtas sa bahay.  Kapag nakumpleto ang pagtatasa, kailangang padalhan ka ng iyong social worker ng IHSS ng Notice of Action (NOA) ng IHSS.  I-click dito para makita ang halimbawa kung ano ang hitsura ng NOA ng IHSS.

Notice of Action ng IHSS para Aprobahan, Tanggihan o Baguhin ang mga Benepisyo

Dapat kang padalhan ng iyong social worker ng IHSS ng NOA ng IHSS sa bawat ginagawang desisyong nauugnay sa iyong pagkanararapat para sa IHSS.  Bilang halimbawa, sa sandaling naiproseso na ang iyong aplikasyon sa IHSS, padadalhan ng social worker ng IHSS ng iyong county ng NOA ng IHSS.  Padadalhan ka rin ng iyong social worker ng IHSS ng NOA ng IHSS kung nadagdagan, nabawasan ang iyong mga oras o tinapos ang mga serbisyo ng iyong IHSS.  Kailangan ding padalhan ka ng NOA ng IHSS kung may ibang pagbabago na ginawa sa iyong mga serbisyo ng IHSS.

Bakit Mahalaga ang mga Notice of Action ng IHSS?

Napakahalaga ng mga NOA ng IHSS dahil mayroon silang impormasyon tungkol sa:

  • Pagbabago o aksyon na binabalak gawin ng county.
  • Ang dahilan sa pagbabago o aksyon.
  • Ang mga regulasyon na sinusuportahan ang desisyon ng county.
  • Impormasyon tungkol sa mga karapatan ng iyong pagdinig at ang karapatan na magpatuloy ang iyong mga serbisyo ng IHSS habang nakabinbin ang iyong pagdinig.
  • Impormasyon tungkol sa mga deadline sa pag-apela kung hindi ka sasang-ayon sa county.

Kinakailangan ng IHSS na ipadala ang iyong NOA ng IHSS 10 araw bago dapat mangyaring ang pagbabago sa iyong mga serbisyo ng IHSS.  (California Department of Social Services Manual of Policies and Procedures (MPP) 22-001(t)(1)).  Ito’y nilalayong bigyan ka ng panahon para humiling ng pagdinig bago dapat mangyaring ang pagbabago para magpatuloy ang iyong mga benepisyo sa parehong lebel.  Kung hindi ka bibigyan ng county ng advance notice ng mga pagbabago sa iyong mga serbisyo ng IHSS, dapat maiblik ng county ang iyong mga benepisyo ng IHSS sapol pa sa naunang nabanggit na petsa.  (MPP 22-049.523)

Paghingi ng Pagdinig para Tutulan ang mga Desisyon ng IHSS

Kung hindi ka sasang-ayon sa desisyon ng county tungkol sa iyong mga benepisyo ng IHSS, may karapatan kang humingi ng pagdinig. Mayroong dalawang deadline na dapat mong malaman tungkol sa paghingi ng pagdinig.

90 Araw na Deadline para sa Paghiling ng Pagdinig

Mayroon ka lamang 90 araw para humingi ng pagdinig mula sa petsa ng notice of action ng IHSS o inaction kung saan ay hindi ka sumasang-ayon.  Narito kung saan ka makahahanap ng higit pang impormasyon tungkol sa paghingi ng pagdinig: https://www.cdss.ca.gov/hearing-requests.  Kung naniniwala kang kailangan mo ng Home Hearing, maaaring gusto mong repasuhin ang aming publikasyong pinamagatang, Karapatang Humiling ng Home Hearing (Right to Request a Home Hearing) para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paanong makakuha ng home hearing.

I-Aid Paid Pending ang iyong Pagdinig

Ang Aid Paid Pending ay isang tuntunin kung saan pinipigilan ang iyong NOA ng IHSS na magkabisa habang nakabinbin ang iyong pagdinig.

Kung hihingi ka ng pagdinig bago dapat mangyari ang pagbabago sa iyong NOA ng IHSS, magpapatuloy ang iyong mga serbisyo ng IHSS sa parehong lebel hanggang sa kinahinatnan ng iyong pagdinig.  (MPP 22-072.5)  Ang mga serbisyo ng IHSS ng Aid Paid Pending ay hindi itinuturing na kalabisan ng bayad, kahit na matalo ang iyong pagdinig ng IHSS.  (MPP 30-768.111)

Bilang halimbawa, kung makakukuha ka ng NOA  ng IHSS na binabawasan o tinatapos ang iyong mga benepisyo ng IHSS at huminigi ka ng pagdinig bago dapat mangyari ang pagbabago sa NOA, hindi magbabago ang iyong mga benepisyo ng IHSS nang nakabinbin ang iyong pagdinig.  Gayunman, kung hindi ka hihingi ng isang pagdinig bago dapat mangyari ang pagbabago kung gayon magkakabisa ang NOA ng IHSS.

Bakit Dapat Akong Humingi ng isang Pagdinig?

Mahalagang tandaan na ang karapatan sa isang pagdinig ng IHSS ay para sa iyo.  Mahalagang karapatan ito dahil binibigyan ka nito ng pagkakataon na tutulan ang desisyon ng county para hilingan ang mga serbisyo ng IHSS na pinapaniwalaan mo na kailangan mong manatiling ligtas sa bahay.  Mahalaga rin ang paghiling ng pagdinig dahil kung hindi ka sasang-ayon sa isang NOA ng IHSS o aksyon at hindi ka humingi ng pagdinig, kung gayon at/o magkakabisa ang NOA ng IHSS.  Kung maghihintay ka nang matagal para humingi ng pagdinig, maaaring mawala ang iyong karapatan na tutulan ang iyong NOA o ang desisyon ng county.

Sa iyong pagdinig magkakaroon ka ng pagkakataon na humarap sa isang Administrative Law Judge (ALJ) na may alam tungkol sa mga tuntunin ng IHSS.  Sa panahon ng iyong pagdinig, makiking sa iyo ang nakatalagang ALJ sa iyo at kailangang magdesisyon ang county kung paano dapat ilapat ang mga tuntunin ng IHSS sa iyo sa iyong kaso.  Hindi ito isang karapatan na gusto mong isuko kaagad.  Para sa impormasyon sa kung paanong maghanda para sa iyong pagdinig ng IHSS at magtaguyod para sa mas maraming serbisyo ng IHSS, maaari mong bisitahin ang aming webpage ng Mapagkukunan ng Sariling-Pagtataguyod ng IHSS (IHSS Self Advocacy Resource).

Mga Isyu ng Customer Service at  Paghiling ng bagong Social Worker ng IHSS

Kung naniniwala ka na umasal ang iyong social worker ng IHSS nang hindi propesyonal o hindi naaangkop na paraan, maaaring gusto mong kontakin ang superbisor ng iyong social worker ng IHSS para sa tulong o para maghain ng reklamo.  Maaari ka ring humiling ng bagong social worker ng IHSS.  Kung walang iba pang available na social worker ang county na maitatalaga sa iyo, maaaring tanggihan ng county ang iyong kahilingan.  Kung may available na social worker ng IHSS ang county,maaari nitong italaga sa iyo ang bagong social worker ng IHSS.  Kung tatanggihan ka ng county na magtalaga ng bagong social worker ng IHSS, maaari mong kontakin ang California Department of Social Services, Mga programa ng May Sapat na Gulang sa: 916-651-8848.  Maaari mo ring kontakin ang iyong lokal na lupon ng mga superbisor para sa tulong sa pagkuha ng bagong social worker ng IHSS.

Mga Reklamo ng Diskriminasyon

Kung naniniwala ka na nadiskrimina ka ng iyong social worker ng IHSS o ng welfare department ng county dahil mayroon kang kapansanan, maaari kang maghain ng reklamo ng diskriminasyon sa California Department of Social Services, Dibisyon ng mga Sibil na Karapatan.  Mayroon ka lamang 180 araw mula sa petsa ng diumanong naganap na diskriminasyon  para gumawa ng reklamo o humiling ng imbestigasyon.  Kung mayroon kang hindi pagkakaunawaan sa county tungkol sa iyong mga benepisyo ng IHSS gaya ng ipinaliwanag sa itaas, dapat kang humiling ng pagdinig ng IHSS.  Maaari mo ring bisitahin ang aming webpage ng Disability-Related Discrimination Self-Advocacy Resource (Mapagkukunan ng Sariling Pagtataguyod sa Diskriminasyong Nauugnay-sa-Kapansanan) para sa higit na impormasyon tungkol sa iyong karapatan bilang isang taong may kapansanan.

Proseso ng Reklamo ng Hinaing ng Provider

Kailangang sumagot at resolbahin ng county ang mga katanungan ng bayad para sa mga tumatanggap at provider.  (MPP 30-767.6)  Mayroon ding pamamaraan ng hinaing ang county na dapat sundin kapag natanggap ang hinaing o reklamo tungkol sa pagpoproseso ng bayad para sa mga serbisyo ng IHSS para sa mga tumatanggap na nakukuha sa ilalim ng Programa ng Personal Care Services (PCSP).  (MPP 30-767.6)  Maaari ding makipag-ugnayan ang mga provider sa kanilang Unyon para sa tulong sa mga isyu ng payroll.  Maaaring kontakin ng mga care provider ng IHSS ang tanggapan ng county ng IHSS o Public Authority para sa impormasyon tungkol sa kung paanong kontakin ang kanilang unyon.  Narito ang mga link sa mga tanggapan ng county ng IHSS:. https://www.cdss.ca.gov/inforesources/county-ihss-offices

Paanong Makakuha ng Higit Pang Impormasyon Tungkol Sa Iyong Mga Karapatan

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa iyong mga legal na karapatan:

  • Tawagan ang intake line ng DRC sa: 1-800-776-5746.
  • Tawagan ang Office of Clients’ Rights Advocacy (OCRA) ng DRC sa:
    • Northern California 1-800-390-7032 (TTY 877-669-6023)
    • Southern California 1-866-833-6712 (TTY 877-669-6023)

Mga Mapagkukunan ng Sariling-Pagtataguyod ng IHSS

DRC IHSS Self-Advocacy Publications: https://www.disabilityrightsca.org/publications/in-home-supportive-services-ihss

In-Home Supportive Services (IHSS): Gabay para sa mga Tagapagtaguyod: https://www.disabilityrightsca.org/publications/in-home-supportive-services-ihss-advocates-manual