Nagpoprotektang Pangangasiwa sa Loob-ng-Bahay na Sumusuportang mga Serbisyo

Publications
#5493.08

Nagpoprotektang Pangangasiwa sa Loob-ng-Bahay na Sumusuportang mga Serbisyo

Ang proteksiyon na pangangasiwa ay isang serbisyo ng IHSS para sa mga tao na, dahil sa kapansanan sa pag-iisip o sakit sa pag-iisip, ay kailangang obserbahan 24 na oras bawat araw upang maprotektahan sila mula sa mga pinsala, panganib, o aksidente. Ang isang tagapagbigay ng IHSS ay maaaring bayaran upang obserbahan at subaybayan ang isang may kapansanan na bata o nasa hustong gulang kapag ang tao ay maaaring manatiling ligtas sa bahay kung ang 24 na oras na pangangasiwa ay ibinigay.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ano ang Nagpoprotektang Pangangasiwa?

Ang nagpoprotektang Pangangasiwa ay isang serbisyo sa ilalim ng programang-Loob-ng-Bahay na Sumusuportang mga Serbisyo (IHSS). Ito ay nagkakaloob ng pagsubaybay para sa mga tumatanggap ng “hindi pinangangasiwaan ng sarili” na IHSS na may mga kapansanan sa pag-unawa upang matiyak na hindi nila aksidenteng sinasaktan ang mga sarili.1 Ang isang tagapagkaloob ng IHSS ay maaaring bayaran upang pangasiwaan ang tumatanggap, tumulong na pigilan ang mga pinsala o aksidente at mag-alay ng pabigkas na pangangasiwa o ibang mga interbensyon gaya ng kailangan.2

Ang mga serbisyong nagpoprotektang pangangasiwa ay mahirap makuha at nag-aatas sa iyo na malinaw na idokumento ang pangangailangan ng serbisyo. Ang publikasyong ito ay tutulong sa iyo na maintindihan ang mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat sa nagpoprotektang pangangasiwa, ang pinakamataas na bilang ng mga oras na makukuha, at paano dapat idokumento ang isang pangangailangan ng nagpoprotektang pangangasiwa.

Bakit mahalaga ang Nagpoprotektang Pangangasiwa?

Ang nagpoprotektang pangangasiwa ay nagkakaloob ng patuloy na pagsubaybay para sa mga indibidwal na may kapansanan na hindi kayang ligtas na mamuhay nang mag-isa, tinutulungan sila na manatili sa kanilang mga bahay at komunidad sa halip na ilagay sa isang pasilidad. Ang mga tumatanggap na karapat-dapat sa nagpoprotektang pangangasiwa ay maaaring iawtorisa para sa hanggang 283 oras kada buwan ng kabuuang mga serbisyo ng IHSS.

Ano ang Pinakamataas na Bilang ng mga Oras na Maaaring Matanggap ng isang Taong Karapat-dapat sa Nagpopoprotektang Pangangasiwa?

Ang dami ng mga oras ng nagpoprotektang pangangasiwa ng IHHS na maaaring matanggap ng isang tumatanggap ay batay sa mga sumusunod:

  1. Pagpopondo sa napapailalim ng programa, at
  2. Kung ang tumatanggap ay “may malubhang kapansanan” o “hindi malubha ang kapansanan.”

Tatalakayin natin sa bandang huli kung paano malalaman kung ang isang tumatanggap ng IHSS ay itinuturing na “may malubhang kapansanan.”

Mga Napapailaim na Programa sa Pagpopondoi ng IHSS

May apat na napapailalim na programa sa pagpopondo ng IHSS:

  • Personal Care Services Program (PCSP)
  • Community First Choice Option (CFCO)
  • IHSS Plus Option (IPO)
  • IHSS Residual (IHSS-R)

Matatagpuan mo ang napapailalim na programa sa pagtingin sa Paunawa ng Aksyon na Pag-apruba ng IHSS o sa pagtatanong sa manggagawang panlipunan ng IHSS.

Ang sumusunod na chart ay naglilista ng apat na napapailalim na programa sa pagpopondo ng IHSS at pinakamataas na buwanang oras ng IHSS na makukuha ng mga taong tumatanggap ng nagpoprotektang pangangasiwa sa ilalim ng bawat programa.

Mga Napapailalim na Programa Kung ikaw ay itinuturing na May Malubhang Kapansanan (SI) – hanggang: Kung ikaw ay itinuturing na Walang Malubhang Kapansanan (NSI) – hanggang:

Citation/pinagkukunan ng impormasyon

PCSP – Walang Pinahihintulutang Magulang/Asawa 283 oras/buwan 283 oras/buwan

(195 oras ng PS, at ibang mga oras ng pangangailangan)
Liham sa Lahat ng County (ACL) Blg. 93-21 ACL 99-86
CFCO 283 oras/buwan

283 oras/buwan

(195 oras ng PS, at ibang mga oras ng pangangailangan)

ACL 14-60
IPO 283 oras/buwan 195 oras/buwan ACL 11-19
IHSS-R 283 oras/buwan 195 oras/buwan Welf. & Inst. Code § 12303.4

Paano Maging Kwalipikado bilang May Malubhang Kapansanan?

Upang maging kwalipikado bilang “may malubhang kapansanan” ang isang indibidwal ay dapat mangailangan ng dalawampu o higit na oras kada linggo sa mga lugar ng di-medikal na personal na mga serbisyo, paghahanda ng pagkain, paglilinis ng pagkain kapag ang paghahanda ng pagkain at pagpapakain ay kinakailangan, at mga serbisyong paramedikal.3

Upang maging kwalipikado bilang “may malubhang kapansanan”, ang isang tumatanggap ng IHSS ay dapat magkaroon ng isang “kabuuang tinasang pangangailangan” ng 20 o higit na mga oras kada linggo sa:

  • Paghahanda ng Pagkain at Paglilinis ng Pagkain (kung ang pagpapakain ay kinakailangan)
  • Tulong sa Paghinga
  • Pangangalaga ng Pagdumi at Pantog
  • Pagpapakain
  • Pangkaraniwang Pagpaligo sa Higaan
  • Pagsusuot ng Damit
  • Pangangalaga ng Regla
  • Paggalaw
  • Paglipat
  • Pagpaligo
  • Kalinisan ng Bibig
  • Pag-aayos
  • Pagkuskos ng Balat
  • Pagpapalit ng Posisyon
  • Tulong sa Prosthesis (artipisyal na kamay at paa, Tulong sa sa Paningin at Pandinig, Paghahanda ng mga Gamot
  • Mga Serbisyong Paramedikal

Paano Kalkulahin ang “Kabuuang Tinasang Pangangailangan”

Upang kalkulahin ang “Kabuuang Tinasang Pangangailangan”, idagdag ang panahon sa Paunawa ng Aksyon ng IHSS sa hanay na minarkahang “Kabuuang Dami ng Serbisyong Kailangan” para sa bawat nakalistang serbisyo sa itaas. Kung ang pag-angkop sa proporsiyon ay inilapat para sa paghahanda ng pagkain at paglilinis ng pagkain, isama ang iniangkop sa proporsiyon na halaga. Ang iniangkop sa proporsiyon na panahon para sa paghahanda ng pagkain at paglilinis ng pagkain ay kabilang lamang ang panahon para sa mga pangangailangan ng tumatanggap para sa mga serbisyong iyon. Ang resulta ng lahat ng panahon na idinagdag sa hanay ay ang “Kabuuang Tinasang Pangangailangan.”

  • Kung ang “Kabuuang Tinasang Pangangailangan” ay 20 oras o higit kada linggo, ang tumatanggap ay itinuturing na “may malubhang kapansanan.”
  • Kung ang “Kabuuang Tinasang Pangangailangan” ay 20 oras o higit kada linggo, ang tumatanggap ay itinuturing na “may malubhang kapansanan.”

Sino ang Maaaring Kumuha ng Nagpoprotektang Pangangasiwa?

Ang mga indibidwal na namumuhay na may Autism, Alzheimer’s at ibang mga dementia, mga kapansanan sa kaisipan o ibang mga kapansanan sa kalusugan ng isip ay maaaring mas malamang na magkaroon ng mga kapansanan na nangangailangan ng nagpoprotektang pangangasiwa. Gayunman, ang pagkakaroon ng mga kapansanang ito ay hindi mag-isang nagkukwalipika sa tumatanggap ng IHSS para sa nagpoprotektang pangangasiwa.

Upang maging karapat-dapat para sa nagpoprotektang pangangasiwa, ang mga indibidwal ay dapat magkaroon ng:

  1. Isang “kapansanan sa pag-unawa,” “kondisyon ng kalusugan ng isip” o “ibang kondisyon” tulad ng kapansanan o sakit sa isip, na nagdudulot ng mga limitasyon sa pagganap sa:
    • Memorya (halimbawa, pagkalimot sa mga bagay, tao, lugar, upang magsimula o magtapos ng gawain, atbp.)
    • Oryentasyon (halimbawa, kawalan ng kakayahan na makilala ang at mag-akma sa oras, mga tao, lugar, kapaligiran, nakapalibot atbp., na kailangan upang mamuhay at kumpletuhin ang mga gawain.)
    • Pagpapasya (halimbawa, paggawa ng mga desisyon na inilalagay sa panganib ng kalusugan at/o kaligtasan ng indibidwal),4
  • At
  1. Maging “hindi nangangasiwa sa sarili.”
    Ang hindi nangangasiwa sa sarili ay nangangahulugang ang indibidwal ay: (1) hindi kayang tasahin ang panganib at panganib ng pinsala at (2) nanganganib para sa pinsala, peligro, o aksidente dahil sa isang kapansanan sa pag-unawa o kondisyon ng kalusugan ng isip.5 Halimbawa, maaaring hindi maunawaan ng isang tumatanggap ng IHSS kung ano ang ligtas na pagkilos at maaaring masaktan sa pagtatangkang gumawa ng isang bagay na hindi niya dapat gawin nang walang tulong.

  2. Nangangailangan ng 24-oras sa isang araw na pangangasiwa upang manatiling ligtas sa bahay.6 Halimbawa, ang isang tumatangap na may hindi mahuhulaan, mapanganib o peligrosong mga kilos na nangyayari anumang oras sa araw o gabi ay nangangailangan ng 24 na oras na pangangasiwa.

Karagdagang Pamantayan sa Pagiging Karapat-dapat sa Nagpoprotektang Pangangasiwa para sa mga Bata

Ang isang bata (na wala pang 18) ay maaaring makakuha ng nagpoprotektang pangangasiwa kung nakakatugon siya sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat na nakalista sa itaas, pero may karagdagang iniaatas na dapat niyang tugunan: ang bata ay dapat mangailangan ng mas maraming pangangasiwa kaysa isang batang may kaparehong edad na walang kapansanan. Ang isang bata ay hindi makakakuha ng nagpoprotektang pangangasiwa para sa pangkaraniwang pangangalaga ng bata na kinakailangan ng lahat ng bata na may magkakaparehong edad.7

Dapat tasahin ng mga tauhan ng county ang pagganap ng isip ng lahat ng bata at magkaloob ng nagpoprotektang pangangasiwa batay sa indibidwal na pangangailangan.

Ang mga bata ay hindi dapat pagkaitan ng nagpoprotektang pangangasiwa batay sa:

  • Edad lamang,
  • Dahil ang bata ay hindi nagkaroon kamakailan ng pinsala.
  • Dahil iniiwan ng magulang na nag-iisa ang bata sa isang panandalian, pirmihang panahon.

Ang county ay dapat magkaloob ng impormasyon sa magulang o guardian ng bata tungkol sa kahandaan at pagiging karapat-dapat para sa nagpoprotektang pangangasiwa bilang bahagi ng proseso ng pagtasa.

Kapag ang manggagawa ng IHSS ay nagtasa ng isang bata para sa nagpoprotektang pangangasiwa, ang manggagawa ng IHSS ay maaaring humingi ng impormasyon tulad ng mga rekord na medikal, mga ulat ng paaralan (Ibinabagay na mga Plano sa Edukasyon o mga IEP) o mga rekord ng panrehiyong sentro (Ibinabagay na mga Plano sa Programa o mga IPP) upang tulungan ang manggagawa na magpasya kung ang isang bata ay nangangailangan ng nagpoprotektang pangangasiwa.

Kailan Mahihiling ang Nagpoprotektang Pangangasiwa?

Ang mga manggagawa ng IHSS ay inaatasang magtasa ng mga indibidwal para sa lahat ng serbisyo ng IHSS na maaaring kailanganin nila bilang bahagi ng aplikasyon para sa IHSS at taunang mga proseso ng muling pagtasa. Kabilang dito ang pagtasa ng pangangailangan para sa nagpoprotektang pangangasiwa.

Ang isang tumatanggap ng IHSS o miyembro ng pamilya ay makakahingi ng mga serbisyong nagpoprotektang pangangasiwa sa sandaling matuklasan ang pangangailangan ng nagpoprotektang pangangasiwa. Kabilang dito ang paggawa ng kahilingan sa panahon ng aplikasyon o proseso ng muling pagtasa o sa pagitan ng mga muling pagtasa. Ang isang kahilingan para sa nagpoprotektang pangangasiwa ay maaari ring gawin sa telepono, email, o koreo.

Pagdokumento ng Pagiging Karapat-dapat sa Nagpoprotektang Pangangasiwa

Upang tumanggap ng nagpoprotektang pangangasiwa, kakailanganin mong magkaloob sa county ng dokumentasyon na nagpapakita na ang tumatanggap ng IHSS ay may kapansanan sa pag-unawa o kondisyon ng isip o ibang kondisyon na pumipigil sa tumatanggap ng IHSS na makayang tasahin ang panganib at panganib ng pinsala. Kailangan mo ring ipakita na ang tumatanggap ay nasa panganib ng pinsala, peligro o aksidente kung maiiwang mag-isa anumang oras sa 24-na-oras na araw.

Ang dokumentasyon ay dapat magkaloob ng mga halimbawa ng mga bagay na gagawin ng isang tumatanggap na maaaring maging dahilan upang aksidenteng masaktan ang sarili o ilagay ang sarili sa panganib kung iiwang mag-isa.

Kung hindi mo ipapakita na ang tumatanggap ay may mga mapanganib na kilos na naglalagay sa kanya sa panganib kapag walang pangangasiwa, ang nagpoprotektang pangangasiwa ay maaaring ipagkait.

Tiyakin na magpanatili ng isang kopya ng lahat ng dokumentasyon na isinusumite sa county para sa iyong mga rekord.

1. Lumikha ng isang Talaan ng Panganib/Pinsala na Nagpapakita ng mga Mapanganib na Kilos ng Tumatanggap

Ang pinakamahusay na paraan upang ipakita ang pagiging karapat-dapat para sa nagpoprotektang pangangasiwa ay paggawa ng isang listahan o talaan na nagdodokumento ng aksidente/pinsala ng tumatanggap, sa loob ng anim (6) na buwan.

Sa dulo ng publikasyong ito, may isang sampol na Panganib/Pinsala sa Araw-araw at form na magagamit mo upang matunton ang mga mapanganib na kilos.

Ang talaan o listahan na gagawin mo ay dapat maglarawan ng bawat aksyon na ginawa ng tumatanggap na maaaring magdulot ng pinsala o naglagay sa tumatanggap sa panganib ng pinsala, at gaano kadalas na nangyayari ito.

Ang ilang halimbawa ng mga mapanganib na kilos ay kabilang ang: pag-iiwan sa mga may sinding sigarilyo sa buong bahay, paggamit ng hindi ligtas na mga produkto tulad ng bleach upang maligo at linisin ang sarili, paggala sa labas ng bahay at pagkaligaw, pagpapasok ng mga estranghero sa bahay, pagbukas sa kalan at pagkalimot na patayin ito, pagsisindi ng apoy sa bahay, pag-iwang tumutulo ang tubig, pagpapainit ng tubig sa nakakapasong temperatura, pagkain ng mga mapanganib na produkto, pagkain ng hindi ligtas na mga pagkain o pagkain mula sa trash can, pag-untog ng ulo, pagkagat at pagkamot sa saili, paggalaw sa balat at mga bukas na sugat, paglalaro sa tubig o dumi sa toilet bowl, pag-akyat sa matataas na lugar at paglundag, pagtatago sa reprihidora, pagpasok ng mga daliri sa socket ng bombilya upang makita kung gumagana ang kuryene, paggagala sa kalye na hindi isinasaalang-alang ang palapit na trapiko, paglundag sa swimming pool kahit hindi marunong lumangoy, paglalagay ng mga bagay sa loob ng electrical outlet, pagpapasok sa bibig ng phone charger o kawad na nakasaksak sa dingding, pagtatangkang maglipat ng muwebles kapag ang indibidwal ay walang kailangang balanse at lakas, pagtatangkang umalis sa higaan kapag ang indibidwal ay walang kailangang abilidad na gamitin o kontrolin ang mga kalamnan, pagtatangkang maglakad nang walang tulong kapag ang indibidwal ay may mga limitasyon sa lakas at balanse, pagganap ng anumang gawain na higit sa kakayahan ng isip at katawan ng indibidwal na magdudulot ng pirnsala sa tumatatanggap.

Kung ang tumatanggap ay hindi nagkaroon ng aksidente o inilagay ang sarili sa mapanganib na kalagayan kamakailan, ipaliwanag kung bakit. Halimbawa, maaaring walang mga insidente dahil ang indibidwal ay binabantayan 24 na oras sa isang araw ng tagabigay ng pag-aalaga ng IHSS at mga miyembro ng pamilya upang pigilan ang mga aksidente.

Ipaliwanag ang mga aksyon na tulad ng pabigkas na paglihis o ibang mga interbensiyon na dapat gawin ng mga tagabigay ng pag-aalaga at mga miyembro ng pamilya upang pigilan ang pinsala o mga aksidente.

Sa talaan ng panganib/pinsala, dapat mong ilagay ang mga dahilan na ang bagay ay hindi maaaring baguhin o gawing lubos na ligtas at/o ang alternatibong paraan kung saan ang indibidiwal ay binabantayan kapag ang tumatanggap ng IHSS ay dapat iwang mag-isa para sa isang maikli, pirmihang panahon (kung angkop). Halimbawa, ang tumatanggap ay kayang magbukas ng mga aparador sa kabila ng paggamit ng mga kandadong pangkaligtasan ng bata o ang tumatanggap ay dapat iwang mag-isa upang magawa ng miyembro ng pamilya na makapamili nang mas matagal sa 1 oras at ang tumatanggap ay binabantayan sa pamamagitan ng pagtanggap ng tawag sa telepono sa bahay bawat 20 minuto.

2. Magsumite ng isang “Pagtasa ng Pangangailangan para sa Nagpoprotektang Pangangasiwa para sa Programa ng IHSS” (SOC 821) na Form sa County

Ang form ng Pagtasa ng Pangangailangan ng Nagpoprotektang Pangangasiwa para sa Loob-ng-Bahay na mga Sumusuportang Serbisyo (SOC 821) ay dapat kumpletuhin ng doktor ng tumatanggap ng IHSS o isang medikal na propesyonal na may espesyalidad o praktis sa mga lugar ng memorya, oryentasyon, at/o pagpapasya.8 Ang SOC 821 form ay ginagamit upang pagpasyahan kung ang nagpoprotektang panganagasiwa ay kailangang kasama ng ibang impomasyon na natipon ng county tungkol sa pangangailangan ng nagpoprotektang pangangasiwa.9 Nakakatulong na magkaloob sa doktor o medikal na propesyoal na nagkukumpleto ng SOC 821 form ng isang kopya ng Talaan ng Panganib o Pinsala ng tumatanggap ng IHSS. Dapat mo ring hingin sa doktor na isama ang mga halimbawa ng mapanganib na hindi pinangangasiwaan ng sarili na kilos ng tumatanggap ng IHSS at ipaliwanag kung bakit ang kilos ay dahil sa isang kapansanan sa pag-unawa, kalusugan ng isip o ibang kondisyon. Halimbawa, ang doktor ay maaaring magpaliwanag na ang mga pagtatanggka ng tumatanggap na maglakad na walang tulong at pagkatumba ay dahil sa isang kapansanan sa pag-unawa, kalusugan ng isip o ibang kondisyon, na ang indibidwal ay hindi naglalayong saktan ang sarili, at hindi niya naiintindihan na siya ay mayroong mga pisikal na limitasyon na nagiging dahilan upang hindi alam na ilagay ang sarili sa panganib na masaktan o mapinsala.

Ang mga tuntunin ng IHSS ay hindi nag-aatas na ang isang manggagawa ng IHSS ay magkumpleto at/o magkaloob ng SOC 821 form nang tuwiran sa doktor o medikal na propesyonal. Ang mga tumatanggap ng IHSS o mga miyembro ng pamilya ay may karapatang magpakumpleto sa doktor ng SOC 821 form at ipagkaloob ito sa county. Kung ang form ay hindi ibinalik sa county o hindi kumpleto, ang county ay magpapasya g pangangailangan para sa nagpoprotektang pangangasiwa na batay sa impormasyon na hawak nito.10 Ang county ay maaaring magkait ng nagpoprotektang pangangasiwa kung wala ito ng lahat ng impormasyon na kailangan nito upang pagpasyahan ang pagiging karapat-dapat.

Tiyakin na magpanatili ng isang kopya ng lahat ng dokumento na isinusumite sa county para sa iyong mga rekord.

3. Kumuha ng isang Liham mula sa isang Doktor o Medikal na Propesyonal na Nagdodokumento ng Pangangailangan ng Nagpoprotektang Pangangasiwa

Bilang karagdagan sa SOC 821, dapat kang kumuha ng isang liham mula sa doktor ng tumatanggap o isang medikal na propesyonal na nagdodokumento ng kapansanan sa pag-unawa ng tumatanggap o kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon, antas ng pagganap; edad, at naglalarawan kung paano ang kapansanan o mga kondisyon ay nagdudulot ng mahinang memorya, disoryentasyon, o pagpapasya. Ang liham ay dapat magpaliwanag na ang indibidwal ay hindi kayang magtasa ng panganib at panganib ng pinsala, at kung bakit ang indibidwal ay nasa panganib ng pinsala, peligro o aksidente, kung iiwang mag-isa.

Ang liham ay dapat magbigay ng mga halimbawa ng mga mapanganib na kilos at ipaliwanag kung paano ang kilos ay may kaugnayan sa kapansanan sa pag-unawa o kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon. Ang doktor o medikal na propesyonal ay dapat ding magpaliwanag kung bakit ang indibidwal ay dapat bantayan 24 na oras sa isang araw upang manatiling ligtas sa bahay.

Ang doktor o medikal na propesyonal ay dapat magkaroon ng ilang kaalaman ng mga kilos ng indibidwal at kung sila ay may kakayahan ng katawan at isipan upang ilagay ang sarili sa mga mapanganib na kalagayan. Dapat kang magbigay sa doktor o medikal na propesyonal ng tumatanggap ng isang kopya ng iyong talaan ng panganib/pinsala upang tulungan ang doktor o medikal na propesyonal na mas maintindihan kung anu-anong uri ng mapanganib na mga kilos mayroon ang tumatanggap na pumipigil sa kanya na maiwang mag-isa anumang oras sa isang 24-na-oras na araw.

Sa dulo ng pubikasyong ito, may isang Sampol na Liham ng Doktor ng Nagpoprotektang Pangangasiwa na maaaring kumpletuhin ng doktor ng tumatanggap o isang medikal na propesyonal upang magkaloob sa IHSS ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa pangangailangan para sa mga serbisyong nagpoprotektang pangangasiwa.

4. Kumuha ng Ibang mga Liham ng Suporta na Nagpapakita ng Pangangailangan ng Nagpoprotektang Pangangasiwa

Dapat ka ring kumuha ng ibang mga liham tungkol sa pangangailangan ng tumatanggap ng nagpoprotektang pangangasiwa mula sa mga tagapagkaloob na nagtatrabaho nang regular sa tumatanggap tulad ng mula sa programa sa araw ng panrehiyong sentro, tagapagkaloob ng pangangalaga ng bata, tagapagkaloob ng Applied Behavior Analysis (ABA) therapy o tagapagkaloob ng physical therapy. Ang mga liham ay dapat magtaglay ng sumusunod na impormasyon.

  • Ang edad ng tumatanggap at gaano katagal nang alam ng tagapagkaloob ang mga ito.
  • Ang mga kapansanan ng tumatanggap at diyagnosis upang ipakita na siya a may (mga) kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon.
  • Impormasyon tungkol sa mga limitasyon sa pagganap ng indibidnwal, oryentasyon, at pagpapasya na dulot ng (mga) kapansanan sa pag-unawa at/o kalusugan ng isip o ibang kondisyon at ang kalubhaan.
  • Impormasyon tungkol sa kung ang indibidwal ay hindi nangangasiwa sa sarili. Ang hindi nangangasiwa sa sarili ay nangangahulugang ang indibidwal ay (1) walang kakayahang tasahin ang panganib at ang panganib ng pinsala at (2) nanganganib sa pinsala, peligro o aksidente dahil sa isang kapansanan sa pag-unawa/o kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon.
  • Impormasyon tungkol sa kung ang indibidwal ay kailangang obserbahan at subaybayan upang panatilihin siyang ligtas at bakit (halimbawa, ang tumatanggap ay dapat na masusing bantayan dahil ang indibidwal ay gumagawa ng mga bagay na hindi ligtas dahil sa isang kapansanan sa pag-unawa at maaaring aksidenteng saktan ang sarili o ilagay ang sarili sa mga mapanganib na kalagayan),
  • Magkaloob ng mga halimbawa ng hindi ligtas na mga kilos na ginagawa ng indibidwal at gaano kadalas na nangyayari ito.

5. Kumuha ng Ibang Dokumentasyon ng Pangangailangan ng Nagpoprotektang Pangangasiwa

Maaari ka ring magtipon ng ibang dokumentasyon, kabilang ang mga huling pagtasang sikolohikal, mga pagtasa ng kalusugan ng asal; mga plano at ulat ng paggamot; mga IEP at anumang mga pagbabago, Indibidwal na mga IPP ng Panrehiyong Sentro, at ibang mga dokumento na nagpapakita ng mga limitasyon sa pagganap ng tumatanggap, mga kapansanan sa pag-unawa at ibang mga kondisyon ng kalusugan, at hindi nangangasiwa ng sarili (iyon ay mapanganib) na mga kilos. Maaari ka ring magtipon ng mga ulat ng pulisya na nagdodokumento ng mga insidente kapag ang tumatanggap ng IHSS ay umalis ng bahay at nawala o natagpuang gumagala sa mga kalye.

6. Kumpletuhin ang Isang Form ng Planong Pagsaklaw 24 na Oras sa Isang Araw ng Nagpoprotektang Pangangasiwa (SOC 825)

Ang county ay maaaring humiling ng pagkumpleto ng isang 24-na-Oras sa Isang Araw na Planong Pagsaklaw ng Nagpoprotektang Pangangasiwa (SOC 825). Ang county ay inaatasang magtipon ng impormasyon tungkol sa kung paano ipagkakaloob ang 24-na-oras na pangangasiwa. Ito ay dahil ang IHSS ay hindi nagbabayad para sa 24 na oras na mga serbisyo kada araw dahil sa 283 oras kada buwan na limitasyon, kahit na ang isang indibidwal ay karapat-dapat para sa nagpoprotektang pangangasiwa ay kailangan pa ring obserbahan 24 na oras sa isang araw. Ang form na ito ay humihingi sa tagapagkaloob na magbahagi ng impormasyon tungkol sa kung paano ang tumatanggap ng IHSS ay babantayan kapag ang mga oras ng IHSS ay hindi makukuha sa isang 24 na oras na araw.

Kailan Hindi Inaaprubahan ang Nagpoprotektang Pangangasiwa?

Ang nagpoprotektang pangangasiwa ay hindi ipagkakaloob para sa:

  • Pagbisita sa mga kaibigan o mga aktibidad na panlipunan (halimbawa, Pagbabantay sa tumatanggap upang makapunta sila sa simbahan o lumahok sa mga larong Bingo).
  • Isang pangangailangan na sanhi ng isang kondisyong medikal at isang taong nangangailangan ng medikal na pangangasiwa (halimbawa, Pagbabantay sa isang tumatanggap na may kapansanan sa paglunok para sa choking at pagkakaloob ng suctioning upang pigilan ang asphyxiation).
  • Isang pangangailangan dahil sa inaasahang medikal na emerhensiya (halimbawa, Pagbabantay sa isag tumatanggap dahil sila ay may atake sa puso, istrok, sumpong o atake ng hika at kailangan ng tulong na medikal).
  • Isang pangangailangan upang pigilan o kontrolin ang mga kilos na laban sa lipunan o agresibo ng tumatanggap (halimbawa, Pagbabantay sa tumatanggap dahil maaaring manakit sila ng tao o manira ng ari-arian).
  • Isang pangangailangan na magbantay laban sa alam (sinadya) na kilos na nakakapinsala sa sarili, tulad ng pagpapakamatay o kapag ang isang indibidwal ay sadyang nagtangkang pinsalain ang sarili.11

Ibang mga Dahilan na Maaaring Ipagkait ang Nagpoprotektang Pangangasiwa

  • Ang indibidwal ay walang pisikal na kakayahan na saktan ang sarili.
  • Ang indibidwal ay walang “kapansanan sa pag-unawa” o “kondisyon ng kalusugan ng isip” o “ibang kondisyon.”
  • Ang indibidwal ay nangangasiwa sa sarili dahil alam niya kapag ang mga bagay ay mapanganib at napipigilan ang sarili sa paggawa ng mapaminsalang mga bagay. (halimbawa, ang isang matandang tao na nauunawaan na siya ay may mga pisikal na limitasyon na pumipigil sa kanya na malapaglakad nang ligtas nang walang tulong. Ang indibidwal na ito ay makakapili kung kailan maghihintay ng tulong sa paglalakad at sa ibang mga panahon pagkatapos timbangin ang panganib ng pagkatumba ay makakapiling tangkain na maglakad nang walang tulong tulad ng kapag nagsisikap tumakas sa sunog).
  • Kung ang isang bata ay hindi nangangailangan ng mas maraming pangangasiwa kaysa isang bata na may kaparehong edad na walang kapansanan. Ang pangangailangan na bantayan ay dapat na may kaugnayan sa mga limitasyon sa pagganap (halimbawa, memorya, oryentasyon at pagpapasya) ng bata at hindi ang edad ng bata.
  • Ang mga pagbabago sa kapaligiran ay nag-aalis ng pangangailangan ng nagpoprotektang pangangasiwa. Halimbawa, pagtanggal ng mga stove knob o pagdagdag ng mga latch na pangkaligtasan.
  • Ang mga kilos ay mahuhulaan at ang pangangailangan ng pangangasiwa ay sa mga partikular na oras lamang ng araw.12

Paghiling ng Pagdinig upang Salungatin ang mga Desisyon ng IHSS.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon ng county tungkol sa iyong mga benepisyo ng IHSS, kabilang ang desisyon ng county upag tapusin o ipagkait ang nagpoprotektang pangangasiwa, may karapatan kang humingi ng pagdinig upag salungatin ang desisyon. May dalawang mahalagang deadline na dapat mong malaman upang humingi ng pagdinig.

1. 90-Araw na Deadline upang Humiling ng Pagdinig

Ang isang tumatanggap ay may 90 araw lamang upang humingi ng isang pagdinig mula sa petsa ng Paunawa ng Aksyon (NOA) ng IHSS o kawalan ng aksyon na hindi sinasang-ayunan ng indibidwal (halimbawa, pabigkas ng pagtanggi sa nagpoprotektang pangangasiwa). Narito kung saan maaari kan makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa paghingi ng pagdinig: https://www.cdss.ca.gov/hearing-requests.

2. Binabayarang Tulong Habang Nakabinbin

Ang Binabayarang Tulong Habang Nakabinbin ay isang tuntunin na pumipigil sa isang IHSS NOA mula sa pagkakabisa habang ang isang pagdinig ay nakabinbin. Ito ay nangangahulugan na ang iyong mga benepisyo ay magpapatuloy sa kasalukuyang antas hanggang ang isang desisyon sa pagdinig ay ilabas. Kung ang isang pagdinig ay hiniling bago magkabisa ang pagbabago sa IHSS NOA, ang mga serbisyo ng IHSS ay magpapatuloy sa kaparehong antas hanggang ang desisyon sa pagdinig ay ilabas.13 Ang mga serbisyo ng Binabayarang Tulong Habang Nakabinbin ng IHSS ay hindi itinuturing na sobrang pagbabayad, kahit na kung ang tumatanggap ay matalo sa kanyang pagdinig sa IHSSS, ang mga benepisyo ay hindi kailangang muling bayaran.14

Makakabisita ka pa rin sa website ng Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California upang humiling ng isang pagdinig online at para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Mga Paghiling ng mga Pagdinig.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paghahanda para sa isang pagdinig, tingnan ang publikasyon ng DRC na Gabay sa mga Makatarungang Pagdinig ng IHSS: Paano Maghanda para sa mga Pagtatapos o Pagbawas ng mga Oras ng IHSS.

Para sa impormasyon tungkol sa kung paano magtaguyod para sa karagdagang mga serbisyo ng IHSS tulad ng mga nakalista sa itaas, mangyaring repasuhin ang publikasyon ng DRC: Gabay sa Loob-ng-Bahay na IHSS at Sariling Pagtasa

Upang makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa kung paano kinakalkula ang mga oras ng IHSS, mangyaring tingnan ang publikasyon ng DRC: Pag-unawa sa Pinakamaraming Oras at Pangkalkula ng mga Oras

Mga Tugon sa mga Karaniwang Dahilan na Tumatanggi ang County sa Nagpoprotektang Pangangasiwa

Ang mga county ay maraming karaniwang dahilan para sa pagsasabi sa isang tao na siya ay hindi karapat-dapat sa nagpoprotektang pangangasiwa. Nasa ibaba ang isang listahan ng mga karaniwang katwiran at ilang posibleng tugon.

Mayroon bang malubhang kapansanan sa isip?

Katwiran ng County para sa Pagtanggi:

Ang matitinding kapansanan sa isip na hindi napansin sa pagbisita sa bahay.

Tugon:

  • Ang maling pamantayan ay ginagamit upang pagpasyahan ang pangangailangan ng nagpoprotektang pangangasiwa. Ang isang matinding kapansanan ay hindi kinakailangan. Ang tumatanggap ay dapat magkaroon ng kawalan ng kakayahan na tasahin ang panganib at panganib ng pinsala batay sa kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon (tulad ng isang kapansanan sa isip o ibang kondisyon at malagay sa panganib ng pinsala, peligro o aksidente dahil sa kapansanan at mga kawalan ng kakayahan.
  • Ang pagbisita sa bahay ng HSS ay masyadong maikli upang obserbahan ang pangkaraniwang mapanganib na kilos.
  • Ang ebidensiya na kumokontra sa pagtasa ng county: i.e. Talaan sa araw-araw ng tumatanggap, pahayag ng doktor, pagtasang sikolohikal na nagdodokumento ang isang kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon (tulad ng isang kapansanan ng isip o sakit) at panganib ng aksidenteng pinsala dahil sa mga mapanganib na kilos.
  • Ang mga pasyente ng dementia ay nagpapakita lamang “magagandang araw” sa mga bisita.

Katwiran ng County para sa Pagtanggi:​​​​​​​

Nangangailangan ng nagpoprotektang pangangasiwa dahil sa pisikal na kapansanan, hindi kapansanan ng isip

Tugon:​​​​​​​

  • Ang isang tumatanggap ay hindi humihiling ng nagpoprotektang pangangasiwa bilang tugon sa medikal o ibang mga emerhensiya na dulot ng mga pisikal na kapansanan. Halimbawa, hindi siya humihiling na magbigay ng insulin kapag may atake ng diyabetis o hika o atake sa puso..
  • Sa halip, ang isang kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon (tulad ng kapansanan o sakit sa isip) ay nagiging dahilan ng panganib ng pinsala. Ang pangangailangan na bantayan ay may kaugnayan sa isang kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon (tulad ng isang kapansanan o sakit ng isip).
  • Ang kapansanan sa pag-unawa ng tumatangap, kondisyon ng isip o ibang kondisyon (tulad ng isang kapansanan o sakit sa kalusugan ng isip) ay pumipigil sa indibidwal na maintindihan ang mga pisikal na kapansanan o mga limitasyon. Hindi naiintindihan o nasusukat ng tumatanggap ang mga bunga ng mga aksyon (halimbawa, nagtatangkang bumangon o maglakad nang walang tulong kapag hindi kayang gawin ito nang walang panganib ng pinsala, kakain ng matatamis kahit may panganib ng pinsala dahil sa diyabetis, magtatangkang tanggalin ang ventilator tubing o brace dahil ito ay nakakasakit o nakakainis, atbp.)

Mayroon bang mapanganib na kilos sa bahay?

Katwiran ng County para sa Pagtanggi:​​​​​​​​​​​​​​

Pormal na diyagnosis ng kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon (tulad ng kapansanan o sakit sa isip) na hindi nagpapatunay ng pangangailangan.

Tugon:​​​​​​​

  • Ang SOC 821 at ang pahayag ng isang doktor o medikal na propesyonal ay nagpapakita na ang tumatanggap ay hindi nagtataglay ng kawalan ng kawalan ng kakayahan na tasahin ang panganib at panganib ng pinsala batay sa kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon (tulad ng isang kapansanan o sakit sa isip) at nasa panganib ng pinsala, peligro o aksidente dahil sa kapansanan at mga pagkawala ng kakayahan.

Katwiran ng County para sa Pagtanggi:​​​​​​​​​​​​​​

Walang mga pinsala kamakailan.

Tugon:​​​​​​​

  • Ang tumatanggap ay patuloy na pinangangasiwaan at ang tagapagkaloob ay namamagitan o naglilihis gaya ng kailangan upang pigilan ang pinsala.

Katwiran ng County para sa Pagtanggi:​​​​​​​​​​​​​​

Walang ebidensiya ng mapanganib na kilos sa pagbisita ng manggagawa ng county sa bahay.

Tugon:​​​​​​​

  • Ang mga kilos ay hindi mahuhulaan at pabagu-bago bawat araw.
  • Magbahagi ng isang talaan ng panganib/pinsala na nagpapakita ng mga mapanganib na kilos kapag ang manggagawa ng IHSS ay wala.

Katwiran ng County para sa Pagtanggi:​​​​​​​​​​​​​​

Ang tumatanggap ay walang pisikal na kakayahan na ilagay ang mga sarili sa mga mapanganib na kalagayan o saktan ang sarili.

Tugon:​​​​​​​

  • Ang tumatanggap ay may kakayahang tanggalin ang kanyang catheter, G-tube, atbp.at hindi naiintindihan na ang kilos ay mapanganib.

Katwiran ng County para sa Pagtanggi:​​​​​​​​​​​​​​

Ang mga kilos ng tumatanggap ay mahuhuluan at batay sa mga tagabunsod.

Tugon:​​​​​​​

  • Kahit na kung ang mapanganib na kilos ay patuloy na nagdadala ng isang partikular na tagabunsod (iyon ay kapag ang tumatanggap ay dismayado o galit), mahirap, kung hindi man imposible kung minsan, na makatawirang hulaan kung kailan, saan, at paano ang tumatanggap ay maibubunsod at sasaktan ang sarili.
  • Kung walang patuloy na pangangasiwa at pagbabantay, ang pinsala ay hindi maaasahang mapipigilan.

Katwiran ng County para sa Pagtanggi:​​​​​​​​​​​​​​

Ang nakakasakit sa sarili na mga kilos ng tumatanggap ay hindi sapat ang tindi upang mangailangan ng nagpoprotektang pangangasiwa.

Tugon:​​​​​​​

  • Ang digri ng pinsala sa sarili ay hindi ang pamantayan.
  • Ang tumatanggap ay hindi kailangang “dumanas ng aktuwal na pinsala” upang maging karapat-dapat para sa Nagpoprotektang Pangangasiwa. Siya ay dapat magpakita ng isang “kasaysayan ng pragkahilig sa paglalagay ng sarili sa panganib”.

Sampol na Talaan ng Panganib/Pinsala sa Araw-araw

Miyerkoles 1-1-2025:​​​​​​​

8:30am: Tumigil si XXX mula sa pagkain ng sabon habang naliligo.

9:00am: Nagluluto ng almusal. Si XXX ay nagtatangkang hawakan ang pagkain sa kawali.

9:20am: Si XXX ay lumulundag sa salaming mesa. Nasalo si XXX habang si XXX ay pabagsak mula sa mesa.

9:25am: Tinanggal ang mga daliri ni XXX mula sa bibig upang pigilan ang pagkagat sa mga kuko.

9:40am: Si XXX ay tumakbo sa banyo at nagsimulang hampasin ang mga salaming pinto ng shower. Pinatigil si XXX mula sa paghampas sa pinto ng shower.

10:50am: Si XXX ay muling tumakbo patungo sa banyo. Pinatigil si XXX mula sa paglalaro sa tubig sa toilet.

11:15am: Si XXX ay naglalaro sa labas at naglalagay ng mga bato sa bibig. Tinanggal ang mga bato mula sa bibig upang pigilan na mabilaukan.

11:18am: Tinanggal ang mga bato mula sa kamay habang ilalagay ang mga ito sa bibig.

11:20am: Tinanggal ang mga bato mula sa kamay habang inilalagay na ang mga ito sa bibig.

11:30am: Pinigilan si XXX mula sa pagbukas sa kalan.

11:53am: Natagpuan si XXX na nagtatangkang buksan ang lata ng soda gamit ang gunting. Kinailangang tanggalin ang gunting.

11:55am: Pinigilan si XXX mula sa paglagay ng remote control sa microwave.

12:00pm: Pinigilan si XXX mula sa pagtatangkang buksan ang mga bote ng Mylanta (gamot) at inumin ang gamot.

1:05pm: Pinigilan si XXX mula sa pag-untog ng ulo sa dingding.

2:17pm: Nagpunta sa parke. Pumasok sa palaruan. Kinailangang manatili sa loob ng 5 talampakan ni XXX upang matiyak ang kaligtasan at pigilan si XXX mula sa pagtakbo palayo.

2:20pm: Pinabalik si XXX, upang pigilan si XXX na umalis sa palaruan at tumakbo palayo.

2:23pm: Hinarang si XXX at isang bata sa bisikleta mula sa pagbabanggaan.

2:30pm: Pinabalik si XXX upang pigilan si XXX mula sa paglalakad patungo sa isang tao sa swing.

3:00pm: Naglakad pabalik sa sasakyan, hinahawakan ang kamay ni XXX’s nang mahigpit upang pigilan si XXX mula sa pagpasok sa daan at pagtakbo palayo.

4:23pm: Pinatigil si XXX mula sa paglalagay ng pagkain sa dryer at pagbukas sa dryer.

4:25pm: Pinatigil si XXX mula sa paglalaro ng kutsilyo.

4:30pm: Pinatigil si XXX mula sa pagkain ng mga bagay mula sa trash can.

6:01pm: Pinatigil si XX mula sa paglalaro sa mga dumi sa lampin at paglalagay ng mga kamay sa bibig.

6:11pm-6:25pm: Si XXX ay umalis ng bahay. Tumawag ng pulis at si XXX at ibinalik sa bahay.

8:45pm-9:30pm: Humigang kasama ni XXX habang si XXX ay nakatulog. Gumamit ng isang baby monitor upang subaybayan si XXX sa gabi. Pinatigil si XXX mula sa pagbangon at pag-alis ng higaan 3 beses sa buong gabi at paglabas ng bintana ng silid-tulugan.

Sampol na Form ng Talaan ng Panganib/Pinsala

Narito ang isang PDF ng Sampol na Form ng Panganib/Pinsala

Benepisyaryo: _________________________________________________

Numero ng Kaso: _________________________________________________

Kung pinili mong magpanatili ng isang talaan sa bawat araw gaya ng ipinakikita sa itaas, maaari mong gamitin ang form na ito upang tulungan kang idokumento ang mga kilos ng benepisyaryo na naglalagay sa tumatanggap sa panganib o lumilikha ng panganib ng pinsala. Ang chart na ito ay maaaring magtaglay ng lahat ng halimbawa ng mga mapanganib na kilos ng isang tumatanggap. Dapat mong baguhin ang chart na ito upang sumalamin sa mga kilos ng tumatanggap.

Mapanganib na Kilos

  • Gumagala sa labas ng bahay at naliligaw.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Nagpapahintulot sa mga estranghero na pumasok sa bahay.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Walang malay sa panganib ng mga estranghero.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Binubuksan ang kalan at nakakalimutang patayin.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Inilalagay ang mga kamay o ibang mga bahagi ng katawan o ibang hindi angkop na mga aytem na malapit sa o nasa kalan.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Nagsisimula ng mga apoy sa microwave o sa paligid ng bahay.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Kumakain ng mga mapanganib na produkto, o hindi malusog na mga pagkain (halimbawa ay sabon).
    Mangyayari ba ang kilos kung ag tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7 (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Kumakain ng mga pagkain na hindi angkop para sa mga kondisyong medikal (halimbawa, walang limitasyon na maasukal na mga soda kung diyabetiko).
    Mangyayari ba ang kilos kung ag tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7 (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Nagpapasok ng mga mapanganib na bagay sa lalamuhan/tainga/ilong.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Hindi wastong ngumunguya ng pagkain o umiinom o nabibilaukan kapag kumakain o umiinom.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Hinahampas ang ulo, bibig o baba, o kinakagat o kinakamot ang sarili
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Gumagamit ng mga kutsilyo o ibang aytem na pambahay sa isang hindi ligtas na paraan.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Umaakyat o lumulundag mula sa matataas na lugar o nasa panganib na matumba at/o tamaan ang ulo.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Nagtatago sa mga mapanganib na lugar (halimbawa, reprihidora, oven).
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Naglalagay ng mga bagay sa mga saksakan o fixture ng kuryente.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Naglalagay ng mga kamay sa hindi malinis na mga lugar (halimbawa, toilet bowl, basura, maruruming lampin).
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Gumagala sa mga kalye o loteng paradahan nang hindi isinasaalang-alang ang trapiko/mga sasakyan.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Lumulundag sa pool kahit hindi marunong lumangoy.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Naglalakad kapag hindi ligtas na gawin ito nang walang tulong.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Naglilipat ng mabibigat, mapanganib o delikadong mga bagay nang walang lakas/balanse.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan::
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Nagtatago kung kailangang umihi o dumumi.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Pinaglalaruan ang mga dumi.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Binabangga ang salamin, mga mirror, telebisyon, atbp.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Tumatayo o umuupo sa mga mesang salamin.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
  • Gumigising sa gitna ng gabi, kailangang pangasiwaan sa gabi upang pigilang umalis o saktan ang sarili sa bahay.
    Mangyayari ba ang kilos kung ang tumatanggap ay hindi binabantayan 24/7? (Oo/Hindi)
    Petsa ng bawat pangyayari:
    Paglalarawan:
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________

Sampol ng Liham ng Doktor

Upang kumpletuhin ng isang medikal na propesyonal lamang.

Ang isang PDF ng Sampol ng Liham ng Doktor ay maaaring matagpuan sa ibaba

Dapat kang magkaloob sa doktor o propesyonal sa gamot na nagkukumpleto ng form ng isang kopya ng Talaan ng Panganib/Pinsala ng tumatanggap ng IHSS upang ang doktor ay magkaroon ng mas mahusay na pagkaunawa sa mga kilos ng tumatanggap sa bahay.

Upang ipakita na ang tumatanggap ng IHSS ay karapat-dapat para sa nagpoprotektang pangangasiwa ang isang tumatanggap ng IHSS ay dapat kumuha ng katunayan (sa anyo ng isang liham ng doktor o medikal na propesyonal) tungkol sa kanilang pangangailangan ng serbisyo.

Ang liham ay dapat maglarawan ng mga kapansanan ng indibidwal (mga diyagnosis) at mga kapansanan sa pagganap (memorya oryentasyon at pagpapasya). Ang liham ay dapat ding maglarawan kung paano ang mga kapansanan ay nagiging dahilan ng mahinang pagpapasya, pagkalito, mahinang memorya, o disoryentasyon at magbigay ng mga halimbawa ng mga mapanganib na kilos na ginagawa ng indibidwal nang hindi namamalayan ang posibleng pinsala.

Ang liham ay dapat ding magpaliwanag na ang indibidwal ay may pisikal na kakayahan na ilagay ang sarili sa pinsala o sa mga mapanganib na kalagayan. Ang liham ay dapat magpaliwanag na ang indibidwal ay kailangang bantayan 24 na oras sa isang araw upang manatiling ligtas sa bahay dahil ang mga mapanganib na kilos ay nagdudulot ng kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon (kapansanan o sakit sa isip).

Benepisyaryo: _________________________________________________

Numero ng Kaso: _________________________________________________

  1. Ang indibidwal ba ay may kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang mga kondisyon?

    Mangyaring markahan ang angkop na sagot: (Oo/Hindi)
  2. Ang kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon ay nagdudulot ba ng mga limitasyon sa pagganap sa memorya, oryentasyon o pagpapasya?

    Mangyaring markahan ang angkop na sagot: (Oo/Hindi)
  3. Ang indibidwal ba ay kayang magtasa ng panganib at ng panganib ng pinsala?

    Mangyaring markahan ang angkop na sagot: (Oo/Hindi)
  4. Ang kawalan ng kakayahan ng indibidwal na tasahin ang panganib at panganib ng pinsala ay may kaugnayan ba sa isang kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon?

    Mangyaring markahan ang angkop na sagot: (Oo/Hindi)
  5. Ang indibidwal ba ay nasa panganib ng pinsala, peligro o aksidente dahil sa isang kapansanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon?

    Mangyaring markahan ang angkop na sagot: (Oo/Hindi)
  6. Ang kapasanan sa pag-unawa, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon ay pumipigil ba sa indibdiwal na maiwang mag-isa sa 24-na-oras na araw?

    Mangyaring markahan ang angkop na sagot: (Oo/Hindi)
  7. Ang mga kilos ba na inilarawan sa Talaan ng Panganib at Pinsala ng Indibidwal ay kaayon ng kapansanan sa pag-unawa ng indibidwal, kondisyon ng kalusugan ng isip o ibang kondisyon?

    Mangyaring markahan ang angkop na sagot: (Oo/Hindi)
  8. Ang kapansanan sa pag-unawa ng indibidwal, kondisyon ng isip o ibang kondisyon ng indibidwal ay maaari bang asahan na maging dahilan ng uri ng mga kilos na nasa Talaaan ng Panganib at Pinsala?

    Mangyaring markahan ang angkop na sagot: (Oo/Hindi)
  9. Mangyaring magkaloob ng maikling paglalarawan ng mga mapanganib na kilos ng indibidwal at ang mga dahilan ng mga ito, kabilang ang anumang kapansanan sa pag-unawa, kondisyon sa kalusugan ng isip o ibang kondisyon, at mga limitasyon sa memorya, oryentasyon o pagpapasya. Ipaliwanag kung paano ang mga kilos na ito ay pumipigil sa indibidwal mula sa pagkilala sa panganib at pananatiling ligtas sa bahay kung walang 24-na-oras ba pangangasiwa.
    ___________________________________________________________
    ___________________________________________________________

Ako ay nagbigay ng impormasyon sa itaas sa abot ng aking kaalaman.

Pinirmahan ni: _________________________________________________

Petsa: _________________________________________________

  • 1. Manual of Policy and Procedures (MPP) 30-701(n)(3) at MPP 30-757.17
  • 2. MPP 30-757.17 and MPP 30-757.171
  • 3. MPP 30-701(s)(1)
  • 4. MPP 30-756.372
  • 5. MPP 30-701(n)(3)
  • 6. 30-757.17 and 30-757.173(a)
  • 7. ACL 15-25
  • 8. MPP 30-757.173(a)(1) and MPP 30-757.173(a)(1)(A)
  • 9. MPP 30-757.173(a)(1)-(3)
  • 10. MPP 30-757(a)(4)-(3)
  • 11. MPP 30-757.172
  • 12. ACL 15-25 and All County Information Notice (ACIN) I-76-21
  • 13. MPP 22-072.5
  • 14. MPP 30-768.111