Gabay sa mga Makatarungang Pagdinig ng IHSS: Paano Maghanda para sa mga Pagtatapos o Pagbawas ng mga Oras ng IHSS

Gabay sa mga Makatarungang Pagdinig ng IHSS: Paano Maghanda para sa mga Pagtatapos o Pagbawas ng mga Oras ng IHSS
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ang publikasyong ito ay nilalayong tumulong sa iyo na salungatin ang mga pagkakait, hindi sapat na dami ng mga oras, mga pagbawas sa mga oras, at/o terminasyon ng iyong mga oras sa Mga Sumusuportang Serbisyo sa Loob ng Bahay (IHSS) at inihahanda ka para sa makatarungang pagdinig ng estado. Ang publikasyong ito ay nagtataglay ng tatlong mapipiling kasangkapan upang tulungan ka na makuha ang impormasyong kailangan mo upang maghanda para sa makatarungang pagdinig ng estado. Kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa iyong indibidwal na kaso sa IHSS, mangyaring kontakin ang Disability Rights California.
-
Paghiling ng Impormasyon na Nagdodokumento ng mga Limitasyon sa Pagganap ng Pasyente
Kumpletuhin ang form na ito nang may tulong ng iyong doktor.
Publication #5482.01 – Paghiling ng Impormasyon na Nagdodokumento ng mga Limitasyon sa Pagganap ng Pasyente (pdf) -
Worksheet sa Sariling Pagtasa ng IHSS
Kumpletuhin ang form na ito kasama ng iyong tagapagkaloob ng IHSS. Ang form na ito ay tumutulong sa iyo na makita kung gaano karaming oras ang kailangan upang makumpleto ang bawat gawain sa IHSS.
Publication #5482.01 – Worksheet sa Sariling Pagtasa ng iHSS (pdf) -
Worksheet ng mga Pamantayan sa Pagtasa ng IHSS
Kumpletuhin ang form na ito pagkatapos mong makipagkita sa iyong doktor at kumuha ng impormasyon mula sa file ng IHSS ng county. Ang worksheet na ito ay tumutulong sa iyo na pagpasyahan ang iyong indise ng mga ranggo ng pagganap at kung kailangan mo ng mas maraming panahon sa isang gawain sa IHSS kaysa inirerekomenda ng Mga Gabay sa Orasang Gawain ng IHSS.
Publication #5482.01 – Mga Pamantayan sa Pagtasa ng IHSS (pdf)
Paano ako dapat humingi ng pagdinig?
Kapag ikaw ay hindi sumasang-ayon sa isang aksyon ng county, tulad ng pagbawas ng mga oras, pagkakait ng isang serbisyo ng IHSS, terminasyon ng programa o serbisyo, o kung ang County ay nabigong gumawa ng aksyon na tulad ng pagrepaso at pagproseso ng isang aplikasyon na isinumite mo, maaari mong iapela ang iyong Paunawa ng Aksyon sa pamamagitan ng paghiling ng isang makatarungang pagdinig.
Ikaw o ang isang miyembro ng pamilya sa ngalan mo ay makakahiling ng isang pagdinig online, sa pamamagitan ng telepono, o sa koreo.
- Makakatawag ka ng walang-bayad sa 1-800-743-8525.
Ang mga taong may kapansanan sa pandinig o pagsasalita na gumagamit ng Aparatp sa Telekomunikasyon para Bingi (TDD) ay makakadayal sa 1-800-952-8349. - Maaari kang magsumite ng isang paghiling ng pandinig online sa pamamagitan ng paglikha ng isang ACMS account o nang walang account.
Ibinigay namin ang link dito: Humiling ng Pandinig Online. - Upang humiling ng pagdinig sa sulat sa pamamagitan ng koreo:
- Punuan ang likod ng form ng Paunawa ng Aksyon (NOA), gumawa ng kopya ng NOA, harap at likod para sa iyong mga rekord, at
- Ipakoreo ang kahilingan sa:
California Department of Social Services
State Hearings Division
PO Box 944243, Mail Station 9-17-442
Sacramento, CA 94244-2430
Kung ikaw o isang tao na tetestigo para sa iyo (iyon ay, iyong tagapagkaloob ng IHSS) ay nangangailangan ng interpreter, isama ito sa iyong kahilingan.
Paano ako dapat humingi ng pagdinig?
Maaari mong agad na iapela ang Paunawa ng Aksyon ng IHSS na natanggap mo tungkol sa mga pagbabago sa iyong mga serbisyo at humingi ng “ibinibigay nantulong habang naghihintay” ng pagdinig. Dapat mong iapela ang iyong paunawa ng IHSS bago ang petsa na ang pagbabago ay inaasahang magkakabisa upang kumuha ng ibinibigay na tulong habang naghihintay. Tingnan ang MPP sec. 22-072.5. Ang ibinibigay na tulong habang naghihintay ay nangangahulugang ang iyong mga serbisyo ay magpapatuloy hanggang sa iyong pagdinig. Kung ikaw ay humiling nang napapanahon ng ibinibigay na tulong habang naghihintay, ang iyong mga serbisyo ay mapapatuloy na hindi nagbabago hanggang makakuha ka ng desisyon ng pagdinig.
Kung matanggap mo ang iyong Paunawa ng Aksyon nang huli o hindi ka nakatanggap ng paunawa at hindi sumasang-ayon sa mga oras na inawtorisa, dapat kang umapela agad at humingi ng ibinibigay na tulong habang naghihintay.
Kung hindi ka umabot sa deadline upang umapela na may ibinibigay na tulong habang naghihintay, mayroon ka pa ring 90 araw upang humingi ng pagdinig mula sa petsa na natanggap mo ang paunawa ng aksyon. Tingnan ang MPP sec. 22-009.1. Kung ikaw ay nag-aaplay para sa IHSS sa unang pagkakataon at tumanggap ng isang pagkakait na hindi mo sinasang-ayunan, may karapatan kang umapela sa loob ng 90 araw;
Paano kung hindi ako umabot sa 90-araw na deadline upang humingi ng pagdinig?
Makakahiling ka pa rin ng pagdinig kung ikaw ay may “magandang dahilan” para sa paghiling ng isang pagdinig (iyon ay, pag-apela) pagkaraan ng 90-araw na deadline Tingnan ang Cal. Welf. & Inst. Code § 10951(a)(2). Ang magandang dahilan ay nangangahulugan na ikaw ay may malaki at mapuwersang dahilan na wala kang kontrol para humingi ng isang pagdinig na lampas sa 90 araw mula sa petsa ng Paunawa ng Aksyon. Cal. Welf. & Inst. Code § 10951(c). Ang Hukom ng Batas na Pampangasiwaan ay magpapasya kung may magandang dahilan para sa nahuling paghiling ng pagdinig.
Ang isang paghiling ng pagdinig batay sa magandang dahilan ay hindi igagawad kung ang paghiling ay iniharap nang higit sa 180 araw mula sa petsa ng Paunawa ng Aksyon. Cal. Welf. & Inst. Code § 10951(a)(2). Dapat kang sumangguni sa Disability Rights California o isang abogado upang malaman kung ikaw ay nasa loob ng 90-araw na deadline o kung ikaw ay may magandang dahilan para humiling ng isang pandinig pagkaraan ng 90-araw o kung ang paunawa ay hindi isang sapat na nakasulat ng paunawa ng aksyon.
Ano ang ACMS at bakit dapat akong lumikha ng isang account?
Ang Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California (CDSS), Dibisyon sa mga Pagdinig ng Estado ay gumagamit ng Sistema ng Pamamahala ng Kaso ng mga Apela (ACMS) upang mamahala at magsagawa ng napapanahong mga makatarungang pandinig ng estado sa buong California. Ang ACMS ay isang online database na maaaring magamit ng mga indibidwal na nais iapela ang isang desisyong pampangasiwaan sa mga benepisyong nauukol sa 22 nakabase-sa-estadp na mga programang serbisyong panlipunan, kabilang ang Medi-Cal at IHSS.
Ang ACMS ay nagkakaloob ng isang portal ng gumagamit na nagpapahintulot sa mga indibidwal na gawin ang mga sumusunod:
- Humiling ng isang makatarungang pagdinig ng estado.
- Tumanggap ng mga paunawa ng Dibisyon sa Pagdinig ng Estado sa paraang elektronikal kabilang ang impormasyon tungkol sa petsa, oras, at lugar ng mga pagdinig.
- Repasuhin ang katayuan ng mga kasalukuyang kaso.
- Magsumite ng mga dokumentong sumusuporta sa kaso.
- Tumanggap ng pahayag ng posisyon ng ahensiyang pampangasiwaan at sumusuportang ebidensiya.
- Humiling ng mga pagpapaliban, muling pagbubukas, muling pagdinig, at mga pag-urong.
Ano ang mangyayari pagkatapos kong humiling ng pagdinig?
Tatanggap ka ng mga paunawa mula sa Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California (CDSS), Dibisyon sa mga Pagdinig ng Estado. Ang unang paunawa ay upang kumpirmahim na humiling ka ng isang pagdinig at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan sa pagdinig. Ang ikalawang paunawa ay dapat na maagang magsabi sa iyo nang hindi bababa sa sampung araw ng petsa, oras, at ang paraan o lugar ng iyong makatarurgang pagdinig. Ang Dibisyon sa mga Pagdinig ng Estado. ay awtomatikong nagtatakda ng isang makatarungang pagdinig sa pamamagitan ng telepono, pero ikaw ay mayroon ding karapatang humingi ng iyong makatarungang pagdinig sa pamamagitan ng video conference o nang personal sa iyong lokal na opisina ng welfare ng county.
Agad pagkatapos matanggap ang iyong unang paunawa, ang county ay magtatalaga ng isang manggagawa sa mga apela, kilala rin bilang Espesyalista sa Pagdinig o Kinatawan sa mga Apela, na kumakatawan sa county sa iyong pagdinig. Pangkaraniwan, ang manggagawa sa mga apela ay magpapadala sa iyo ng isang liham na nagbibigay-alam sa iyo ng kung sino sila at magkakaloob ng kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Maaari mong kontakin ang manggagawa sa mga apela tungkol sa kung bakit humingi ka ng pagdinig. Maaari mo ring maresolba ang iyong isyu sa IHSS nang hindi pupunta sa isang pagdinig. Dapat kang maghanda para sa iyong pagdinig sa lalong madaling panahon kung sakaling ang iyong isyu ay hindi maresolba bago ang iyong petsa ng makatarungang pandinig.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang May-kondisyon na Pag-urong at Pag-urong ng Iyong Paghiling ng Pagdinig?
May-kondisyon na Pag-urong
Ang manggagawa sa apela ay maaaring tumawag sa iyo bago ang nakatakdang pagdinig upang talakayin ang isang “may-kondisyon na pag-urong” ng iyong paghiling ng pagdinig. Ang may-kondisyon na pag-urong ay isang nakasulat na kasunduan kung saan ang county ay sumasang-ayong gumawa ng isang bagay, tulad ng pagkumpleto ng isang bagong pagtasa ng IHSS, o pagtaas ng iyong mga oras ng IHSS, bilang isang kondisyon para sa iyong pag-urong (iyon ay, pagkansela) ng iypng pagdinig.
Ang county ay magbibigay ng isang form ng may-kondisyon na pag-urong upang repasuhin, pirmahan, at ibalik mo. Kung pumirma ka ng isang may-kondisyon na pag-urong ng iyong makatarungang pagdinig, hindi ka magkakaroon ng iyong pagdinig. Dapat mong suriin, unawain, at sang-ayunan ang mga tadhana ng iyong form ng may-kondisyon na pag-urong bago mo pirmahan ang pagsang-ayon na iurong ang iyong paghiling ng pagdinig. Karamihan ng mga county ay sasang-ayon na ibigay ang iyong form ng may-kondisyon na pag-urong sa pamamagitan ng email kung hihingin mo. Kung hindi ka sumasang-ayon o hindi mo naiintindihan ang sinasabi ng may-kondisyon na pag-urong, huwag itong pirmahan at humingi ng payo mula sa isang abogado. Ang county ay magkakaroon ng 30 araw upang ipatupad ang mga tadhana ng may-kondisyon na pag-urong. Maaari mo ring muling ipatakda ang pagdinig kung hindi ka sumasang-ayon sa bagong pagtasa at bagong NOA.
Pag-urong
Ang manggagawa sa apela ay maaaring magtanong kung gusto mong iurong (iyon ay, kanselahin) ang iyong paghiiing ng isang pagdinig. Ang isang pag-urong ay iba sa isang may-kondisyon na pag-urong ng iyong paghiling ng pagdinig dahil sumang-ayon kang iurong ang iyong paghiling ng pagdinig dahil hindi mo na sinasalungat ang paunawa ng aksyon ng IHSS. Ito ay nangangahulugan na ang county ay walang obligasyon na gumawa ng anumang mga pagbabago sa iyong mga serbisyo ng IHSS bilang kapalit ng iyong pag-urong ng iyong paghiling ng pagdinig. Kung sumasang-ayon ka na umurong, ang iyong pagdinig ay kakanselahin, at tatanggap ka ng isang paunawa mula sa Dibisyon ng mga Pagdinig ng Estado na nagkukumpirma ng iyong kahilingan na iurong ang iyong pagdinig. Dapat mong kontakin agad ang Dibisyon sa mga Pagdinig ng Estado.kung hindi ka naglalayong bawiin ang iyong paghiling ng pagdinig at hindi pa rin sumasang-ayon sa pagpapasya ng county para sa isang pagbawas, terminasyon, o pagkakait ng iyong mga serbisyo ng IHSS.
Paano ako dapat maghanda para sa pagdinig?
Hakbang 1 – Repasuhin ang file ng kaso sa IHSS
Dapat kang kumuha ng impormasyon tungkol sa kung paano nagpapasya sng manggagawa ng IHSS ng county sa mga serbisyo ng IHSS at ilang oras ang maaaring ipahintulot sa iyo. May karapatan kong suriin ang anumang impormasyon sa file ng kaso sa IHSS na may kaugnayan sa iyong kahilingan para sa isang pagdinig. Tingnan ang MPP sek. 22-051.1. Maaari mong kontakin ang manggawa sa IHHS ng iyong county o ang manggagawa sa mga apela ng county na itinalaga sa iyong kaso bago ang iyong petsa ng pagdinig upang itakda ang isang appointment upang suriin ang iyong file ng kaso sa IHSS kabilang ang anumang mga tala ng manggagawa sa kaso na maaaring nasa iyong file.
Hanapin ang iyong mga form ng Pagtasa ng mga Pangangailangan sa iyong file ng kaso sa IHSS. Sa mga form na ito ay kasama ang mga tala tungkol sa kung bakit ang mga oras ay ibinigay o hindi ibinigay Suriin ang form ng Pagtasa ng SOC 293 IHSS para sa impormasyon tungkol sa iyong mga ranggo ng indise ng pagganap. Ito ay dahil ang iyong mga oras ay batay sa iyong ranggo ng indise ng pagganap at sa Mga Gabay sa Orasang Gawain ng IHSS. Kung ang SOC 293 form ay wala sa iyong file ng kaso, ang manggagawa ng IHSS ay maaaring maglimbag nito mula computer ng county para sa iyo. Gayon din, hanapin ang mga tala ng manggagawa ng IHSS tungkol sa mga obserbasyon sa pagbisita sa bahay at mga panayam. Kung sinasalungat mo ang isang pagbawas o pagtatapos ng serbisyo ng IHSS, humingi ng mga kopya ng pareho ng iyong bago at lumang mga form ng pagtasa ng county at ang iyong bago at lumang mga form ng SOC 293. Maaari kang humiling na mga kopya ng anumang mga dokumento sa iyong file ng kaso sa IHSS.
Maaari ka ring humingi ng mga kopya ng anumang mga ulat ng doktor o ulat na medikal at anumang bago at dating mga form na paramedikal sa iyong file. Kung ang iyong mga oras ng IHSS ay binawasan, humingi sa iyong manggagawa sa IHSS ng mga kopya ng mga regulasyon na nakalista sa iyong paunawa ng aksyon.
Kung ang manggagawa ay hindi magbibigay sa iyo ng mga kopya ng iyong file ng kaso sa IHSS, sabihin sa kanila na may karapatan kang siyasatin ang iyong file at kumuha ng mga kopya. Maaari mong bigyan ang manggagawa ng isang kopya ng Buong-County na Liham (ACL) 18-52 “Paglabas ng mga Rekord ng Kaso ng Mga Sumusuportang Serbisyo sa Loob ng Bahay (IHSS) sa Aplikante/Tumatanggap o Awtorisadong Kinatawan” (Mayo 9, 2018). Ang liham na ito ay magpapagunita sa mga county ng mga batas at regulasyon na sumusuporta sa iyong karapatan na magamit ang iyong file ng kaso sa IHSS na may mga tagubilin kung paano magbibigay ng access.
Hakbang 2– Lumikom ng Impormasyon
- Hilingin sa iyong doktor na magbigay ng kasalukuyang impormasyon tungkol sa iyong mga limitasyon sa pagganap. Ikaw at ang iyong doktor ay dapat magsuri ng anumang impormasyon na ibinigay sa county, magsuri para sa katumpakan, at magtama ng mga pagkakamali. Dapat ding magpaliwanag ang iyong doktor kung bakit may mga pagbabago sa iyong kondisyon. Kung ang iyong kondisyon ay nagbabago bawat araw, dapat ipasya ng iyong doktor ang iyong mga ranggo batay sa iyong masasamang araw. Ang iyong doktor ay maaaring gumamit ng Worksheet #1 (Paghiling ng Impormasyon na Nagdodokumento ng mga Limitasyon sa Pagganap ng Pasyente) upang ibigay ang impormasyong ito.
- Alamin kung gaano karaming oras ang kailangan mo para sa pagkumpleto ng bawat serbisyo ng IHSS sa pagkumpleto ng Worksheet #2, Worksheet ng Sariling Pagtasa ng IHSS.
- Idetalye ng iyong mga pangangailangan ng pangangalaga upang iharap sa iyong makatatungang pagdinig sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Worksheet #3, Worksheed ng mga Pamantayan sa Pagtasa ng IHSS.
Hakbang 3 – Suriin ang pahayag ng posisyon ng county
Ang county ay inaatasang maghanda at magbigay sa iyo ng isang nakasulat na Pahayag ng Posisyon ng County hindi bababa sa dalawang araw ng trabaho bago ang iyong nakatakdang pagdinig. Tingnan ang MPP section 22-073.25. Ang pahayag ng posisyon ng county ay isang mahalagang dokumento na nagsasabuod ng mga fact ng kaso at nagkakaloob ng mga regulasyon at ebidensiya na pinagbatayan ng county upang bigyang-katwiran ang kanilang desisyon. Ang county ay magsasama rin ng isang listahan ng mga testigo na nilalayon ng county na gamitin sa pagdinig. Sa pangkalahatan, ang manggagawa sa IHSS ng county ay ang testigo ng county na tetestigo sa pagdinig. Upang ihanda ang iyong kaso dapat mong suriin ang pahayag ng posisyon ng county bago ang iyong pagdinig. Kung ang pahayag ng posisyon ng county ay nagtataglay ng anumang pagkakamali sa fact, maaari mong kontakin ang manggagawa sa mga apela ng county na itinalaga sa iyong kaso o gumawa ng isang listahan na kung ano ang hindi tama at/o sabihin ito sa hukom sa panahon ng pagdinig.
Hakbang 4 – Isumite ang iyong ebidensiya bago ang iyong pagdinig
Dapat mong isumite ang anumang mga dokumento na sumusuporta sa iyong posisyon para sa mas maraming oras ng IHSS at/o serbisyo bago ang iyong pagdinig. Maaari kang magsumite ng mga kopya ng mga form na pinunuan ng iyong mga tagapagkaloob na medikal at impormasyong medikal, log, o journal na nagdodokumento ng panahon upang kumpletuhin ang mga partikular na gawain o ang mga panganib.
Kung hindi ka nagsumite ng iyong ebidensiya bago ang pagdinig, dapat mong sabihin sa Hukom ng Batas na Pampangasiwaan (“ALJ”) na ikaw ay may ebidensiya na gusto mong isumite. Kung ito ay isang personal na pagdinig, maaari kang magbigay ng mga kopya ng iyong ebidensiya sa hukom at magbigay ng isang kopya sa manggagawa sa mga apela ng county. Kung ikaw ay may isang ACMS account, maaari mong i-upload ang iyong mga dokumento sa ACMS. Ang hukom at ang manggagawa sa mga apela ng county ay magkakaroon ng access sa mga dokumento na na-upload mo sa ACMS.
Kung hindi mo maisumite ang ebidensiya bago ang katapusan ng pagdinig, dapat mong hingin sa hukom na panatilihing bukas ang rekord ng pagdinig. Kung ang hukom ay sumang-ayon na panatilhing bukas ang rekord ng pagdinig pagkaraang matapos ang pagdinig, ikaw at ang county ay sasabihan ng deadline upang isumite ng iyong ebidensiya. Dapat mong isumite ang iyong ebidensiya bago ang deadline na itinakda ng hukom upang maisaalang-alang ang iyong ebidensiya.
Paano ko makukuha ang ebidensiya ng county bago ang pagdinig?
Dapat gawin ng county na makukuha mo ang kanilang pahayag ng posisyon dalawang (2) araw ng trabaho bago ang iyong nakatakdang pagdinig sa isa ng 3 paraan:
1. Awtorisadong Ligtas ng Elektronikng Pagpapadala
- Kung ang county ay may kapasidad, ang county ay maaaring magpadala sa iyo ng pahayag ng posisyon ng county sa paraang elektronikal kung:
- Nagbigay ka sa county ng permiso na kunin ang pahayag ng posisyon sa paraang elektronikal, at
- Magagawa ng county na sumunod sa lahat ng pang-estado at pederal na mga batas sa pagkapribado sa pagpapadala sa iyo ng kanilang pahayag ng posisyon sa paraang elektronikal.
Ang county ay hindi makakapagpasya na magpadala sa iyo ng kanilang pahayag ng posisyon ng county sa paraang elektronikal nang hindi muna sasanggunii sa iyo at kukuha ng iyong permiso. Kung wala kang access sa isang ligtas na computer o ng kakayahan na ilimbag ang pahayag ng posisyon, makakapili kang kumuha ng papel na kopya (tingnan sa ibaba).
- Primera-Klaseng Koreo
Ang county ay maaaring magpadala sa iyo ng isang papel na kopya ng kanilang pahayag ng posisyon sa pamamagitan ng primera-klaseng koreo sa pamamagitan ng U.S. Postal Service. Dapat tiyakin ng county na ipakoreo ang pahayag ng posisyon nang sapat ang aga para matanggap mo ang lahat ng ito nang hindi bababa sa dalawang araw ng trabaho bago ang pagdinig. Ipapakoreo ng county ang dokumento kapag hindi nila natanggap ang iyong permiso na tanggapin ito sa paraang elektronikal o hindi makakasunod ang county sa pang-estado at pederal na mga batas sa pagkapribado sa pagpapadala nito sa iyo sa paraang elektronikal. - Papel na Kopya ng Kagawaran ng Welfare ng County Maaaring ihanda ng county ang kopya ng kanilang pahayag ng posisyon sa angkop na opisina ng welfare ng county para makuha mo.. Maaari mong kunin ang dokumento kahit kailan sa mga oras ng opisina ng county nang hindi bababa sa dalawang araw ng trabaho bago ang petsa ng pagdinig.
Kung hindi mo natanggap ang pahayag ng posisyon ng county dalawang araw ng trabaho bago ang iyong pagdinig, dapat mong kontakin ang Dibisyon sa mga Pagdinig ng Estado upang hingin na ipagpaliban (muling itakda) ang iyong nakatakdang pagdinig. Kung hindi, sa pagdinig ay itatanong sa iyo ng hukom kung natanggap mo ang pahayag ng posisyon ng county dalawang araw ng trabaho bago ang pagdinig.
Kung hindi mo ito natanggap dalawang araw ng trabaho bago ang pagdinig, ang hukom ay magtatanong sa iyo kung gusto mong ipagpaliban ang iyong pagdinig para sa ibang petsa upang makapagrepaso at sapat na maghanda para sa pagdinig. Ito ay itinuturing na isang pagpapaliban para sa magandang dahilan.
Paano ako makakahingi ng tulong sa wika?
Ang county ay dapat magkaloob sa iyo ng tulong sa wika nang wala kang babayaran kapag ikaw ay humiling nito. Kapag natanggap mo ang pahayag ng posisyon ng county, tatanggap ka rin ng isang form ng “Paunawa ng mga Serbisyo sa Wika-Mga Makatarungang Pagdinig”(GEN 1365A) na nagpapaliwanag sa iyong karapatan na basahin sa iyo ang dokumento sa iyong gustong wika. Ang paunawa ay magtataglay rin ng pangalan ng manggagawa sa mga apela na itinalaga sa iyong kaso at ang numero ng telepono nito.
Kung ikaw ay may limitadong kasanayan sa Ingles dahil ang Ingles ay hindi ang iyong pangunahing wika, dapat mong kontakin ang manggagawa sa mga apela sa kaso upang humiling ng pabigkas na pagsasalin ng pahayag ng posisyon ng county hindi bababa sa dalawang araw bago ang iyong nakatakdang pagdinig.
Saan ko matatagpuan ang mga batas tungkol sa IHSS?
Ang mga regulasyon ng IHSS ay nasa Manwal ng Patakaran at mga Pamamaraan (MPP) ng Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan, (MPP), Dibisyon 30. I-click dito para sa mga regulasyon ng IHSS. May 4 na entry para sa mga regulasyon ng Dibisyon 30. Laktawan ang unang entry. Ang mga regulasyon ng IHSS ay nagsisimula mga 5 pahina sa ikalawang entry, nagpapatuloy hanggang sa ikatlong entry, at natatapos sa ikaapat na entry.,
Lahat ng liham ng county ay mga direktiba na ipinadadala ng Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California sa mga county. Ang mga liham ay sumasaklaw sa maraming programa ng estado. Iilan lamang ang tungkol sa IHSS. I-click para sa Buong-County na mga Liham.
Ang buong-cunty na mga paunawa ng impormasyon ay mga pahayag ng ipinadadala sa mga county ng Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan. Ang mga paunawa ay sumasaklaw sa maraming programa.. Iilan lamang ang tungkol sa IHSS. I-click dito para sa Buong-County na mga Paunawa ng Impormasyon.
Ano ang nangyayari sa pagdinig?
Ang county ay unang naghaharap at tumetestigo tungkol sa kung bakit ang iyong mga oras ay binawasan o bakit hindi ka dapat magkaroon ng mga karagdagang oras na pinaniniwalaan mo na kailangan mo. Kung binawasan ng county ang iyong mga oras o inalis ang isang serbisyo, tulad ng nagpoprotektang pangangasiwa, ang county ay may pasanin ng pagpapakita kung paano ka bumuti o kung paano ang iyong nagbagong kondisyon o mga pangyayari ay nangangahulungang kailangan mo ng mas kaunting mga oras.
Ikaw at ang county ay maaaring magharap ng ebidensiya sa pamamagitan ng testimonya ng mga testigo, mga liham, talaarawan, log, at ulat na medikal tungkol sa iyong mga pangangailangan sa bawat kategorya ng serbisyo ng IHSS kung saan ikaw at ang county ay hindi nagkakasundo. Ang iyong ebidensiya ay dapat magpaliwanag:
- Ng mga serbisyong kailangan mo.
- Gaano katagal ang pagkakaloob ng mga serbisyo.
- Ang dahilan kung bakit kailangan mo ng mas maraming oras kaysa iminungkahi sa pagtasa o sa mga gabay, at
- Sa anu-anong mga panganib maaari kang mahantad kung hindi makakakuha ng antas ng mga serbisyong kailangan mo.
Ang mga makatarungang pagdinig ng IHSS ay hindi pormal. May karapatan kang piliin kung paano mo gustong dumalo sa iyong pagdinig – sa pamamagitan ng telepono, video conference, o personal sa opisina ng Welfare ng County. Dapat mong kontakin ang Dibisyon sa mga Pagdinig ng Estado kung gusto mong maging personal ang pagdinig o sa pamamagitan ng video conference. Kung pinili mong magkaroon ng personal na pagdinig, ikaw ay ipupuwesto sa isang mesa – hindi sa isang silid ng hukuman.
Kung ang pagdinig man ay personal, sa pamamagitan ng telepono, o video conference, mahalagang ipaliwanag kung bakit kailangan ng oras, o mas maraming oras, para sa isang partikular na kategorya ng serbisyo ng IHSS. Ang pinakamahusay na ebidensiya ay mula sa mga taong nagkakaloob sa iyo ng pangangalaga at may pang-araw-araw na rekord ng oras na kinakailangan upang makumpleto ang gawain ng IHSS. Ang mga testigo ay maaaring kinabibilangan mo, ang nakaraan at kasalukuyang mga tagapagkaloob ng IHSS, mga tagapag-ugnay ng serbisyo ng panrehiyong sentro, mga kaibigan, at sinumang may impormasyon na kailangan ng hukom. Para sa bawat testigo, ilista ang mga punto na gustong gawin ng testigo at ekisan ng pagtanggal ang ang bawat punto habang ginagawa ito.
Ano ang mangyayari pagkatapos ng isang makatarungang pagdinig ng estado?
Pagkatapos ng iyong pagdinig, ang Dibisyon ng mga Pagdinig ng Estado ay magpapakoreo sa iyo ng nakasulat na desisyon sa pagdinig na isinulat ng Hukom ng Batas na Pampangasiwaan. Ang desisyon ay ina-upload din sa iyong file ng kaso sa ACMS.
Paano kung matalo ako sa aking makatarungang pagdinig ng estado?
Kung hindi ka tumanggap ng pabor na nakasulat na desisyon, mayroon kang dalawang opsyon. Maaari kang humiling ng muling pagdinig. Maaari mo ring iapela ang desisyon sa pamamagitan ng paghaharap ng isang Writ of Administrative Mandamus.
1. Paghiling ng Muling Pagdinig
Kapag nagsumite ka ng isang paghiling ng muling pagdinig, humihingi ka sa Dibisyon ng mga Pagdinig ng Estado ng isang bagong pagdinig dahil ang pagdinig ay hindi patas o hindi sapat, ang nakasulat na desisyon ay hindi tama ayon sa batas at/o katotohanan, o pareho. Ang pareho ng claimant at ng county ay makakahiling ng isang muling pagdinig pagkaraang matanggap ang isang nakasulat na desisyon.
Ikaw ay may 30 araw mula sa petsa na natanggap mo ang inilabas na desisyon sa pagdinig na pampangasiwaan upang magsumite ng iyong kahilingan para sa muling pagdinig sa Dibisyon sa mga Pagdinig ng Estado. Welf. & Inst. Code § 10960(a)(2). Ang isang kopya ng paghiling ng muling pagdinig ay inihahain sa kabilang partido sa pagdinig ng county, at sila ay may limang (5) araw upang magharap ng tugon na sumusuporta o sumasalungat sa paghiling. MPP § 22-065.21-.211. Ang Dibisyon sa mga Pagdinig ng Estado ay may 35 araw ng trabaho upang magbigay sa iyo ng tugon sa iyong paghiling ng muling pagdinig. Gayunman, hindi pambihira sa Mga Pagdinig ng Estado na mangailangan ng higit sa 35 araw ng trabaho upang magbigay ng desisyon sa iyong paghiling ng muling pagdinig.. Kung ito ay mangyari, kontakin ang Dibisyon sa mga Pagdinig ng Estado upang magtanong tungkol sa iyong paghiling ng muling pagdinig.
Alinsunod sa Welfare and Institutions Code § 10960(b), (b) ang mga dahilan ng paghiling ng muling pagdinig ay ang mga sumusunod:
- Kung ang pinagtibay na desisyon ay hindi kaayon ng batas.
- Kung ang pinagtibay na desisyon ay hindi sinusuportahan ng ebidensiyang nasa rekord.
- Kung ang pinagtibay na desisyon ay hindi sinusuportahan ng mga napag-alaman.
- Kung ang pinagtibay na desisyon ay hindi tumutugon sa lahat ng claim at isyung inilabas ng mga partido.
- Kung ang pinagtibay na desisyon ay hindi tumutugon sa lahat ng claim o mga isyung sinusuportahan ng rekord ng ebidensiya.
- Kung ang pinagtibay na desisyon ay hindi nagtatatag ng sapat na impormasyon upang pagpasyahan ang batayan para sa legal na kongklusyon.
- Ang bagong natuklasang ebidensiya, na wala sa custody o makukuha ng partidong humihiling ng muling pagdinig sa panahon ng pagdinig, ay makukuha na ngayon at ang bagong ebidensiya, kung ito ay nailabas, ay nakapagbago sana sa desisyon sa pagdinig.
- Para sa anumang ibang dahilan na mahalaga upang pigilan ang pag-abuso ng discretion o isang pagkakamali ng batas, o para sa anumang ibang dahilan na kaayon ng § 1094.5 ng Koddigo ng Pamamaraang Sibil.
Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga paghiling ng muling pagdinig sa pamamagitan ng pagrepaso sa mula sa Dibisyon ng mga Pagdinig ng Estadp na Mga Protokol sa Pagsusuri ng Muling Pagdinig sa kanilang website.
2. Paghaharap ng isang Writ of Administrative Mandamus
Ikaw ay may isang (1) taon mula sa petsa ng inilabas na desisyon ng pagdinig na pampangasiwaan upang magharap ng apela sa Hukumang Superyor. Upang umapela, kakailanganin mong magharap ng isang Code of Civil Procedure § 1094.5 Writ of Administrative Mandate. Ang isang mandatong pampangasiwaan ay isag remedyo ng batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa isang nagpetisyon upang salungatin ang isang desisyong pampangasiwaan pagkatapos ng pagdinig kung saan ang ahensiya ay nagsasagawa ng ng paghahanap ng katotohanan. May mga bayad sa paghaharap na kaugnay ng pagsumite ng apela sa Hukumang Superyor, gayunman, maaari mong hilingin na talikdan ng hukuman ang mga bayad sa paghaharap kung ikaw ay tumatanggap ng mga pampublikong benepisyo na tulad ng Medi-Cal, Mga Sumusuportang Serbisyo sa Loob ng Bahay (IHSS), CalFresh, Pangkalahatang Tulong, Suplementong Seguridad na Panlipunan (SSI), at/o Programang Tulong na Pera para sa mga Imigrante (CAPI).
Inirerekomenda namin na sumangguni ka sa isang abogado para sa payong pambatas sa mga legal na merito ng iyong indibidwal na kaso. Maaari mong kontakin ang Disability Rights California at/o iyong lokal na organisasyon ng tulong na pambatas upang kumuha ng payong pambatas.
Paano ang paggamit ng Worksheet #2 – Worksheet ng Sariling Pagtasa ng IHSS
Upang idokumento ang oras na kailangan mo upang kumpletuhin ang bawat gawain, isulat ang oras ng pagsisimula, oras ng pagtatapos, at kabuuang mga oras at minuto para sa bawat serbisyo. Tandaan na isulat kung kailangan mo ng mas maraming oras kaysa ipinahihintulot sa ilalim na mga orasang gabay sa gawain at ipaliwanag kung bakit. Dapat mong kumpletuhin ang chart na ito upang sapat na maghanda para sa iyong pagdinig. Sa sandaling makumpleto, ang iyong sariling pagtasa ay ang iyong ebidensiya tungkol sa kung gaano karaming oras ang kailangan mo upang makumpleto ang bawat gawain ng IHSS kung saan kailangan mo ng tulong.
Kung kailangan mong pumunta sa isang pagdinig at nasa harap ng isang hukom sa batas na pampangasiwaan o nagsisikap kang makipag-ayos sa kinatawan ng pagdinig ng county, gusto mong magharap ng kapani-paniwalang ebidensiya (tulad ng Worksheet ng Sariling Pagtasa ng IHSS) tungkol sa kung gaano karaming oras ang kailangan para sa bawat serbisyo ng IHSS kung saan kailangan mo ng tulong. Ang paghula at pagtantiya ng tungkol sa kung gaano karaming oras ang kailangan mo para sa bawat serbisyo ay hindi makakatulong sa iyo sa iyong pagdinig. Ito ay dahil ikaw ay karapat-dapat sa oras na kailangan para sa pagkumpleto ng bawat serbisyo ng IHSS na kailangan mo ng tulong. Hindi ka karapst-dapat sa tinantiyang oras o sa oras sa iniisip o hinulaan mo na kailangan mo para sa pagkumpleto ng bawat serbisyo ng IHSS.
Paano ang paggamit ng Worksheet #3 – Worksheet ng Sariling Pagtasa ng IHSS
Hakbang 1 – Markahan ang angkop na ranggo, gaya ng ipinasya ng iyong doktor, para sa bawat pagganap sa Worksheet #3. Upang gawin ito ilipat ang impormasyon tungkol sa iyong mga limitasyon sa pagganap mula sa Worksheet #1, Paghiling ng Impormasyon na Nagdodokumento ng mga Limitasyon sa Pagganap ng Pasyente, patungo sa Worksheet #3, Worksheet ng mga Pamantayan sa Pagtasa ng IHSS.
Hakbang 2 – Irekord kung gaano karaming oras ang kailangan mo para sa pagkumpleto ng bawat serbisyo ng IHSS na kailangan mo ng tulong. Upang gawin ito, ilipat ang impormasyon tungkol sa kung gaano karaming oras ang kailangan mo upang makumppeto ang bawat serbisyo ng IHSS na kailangan mo ng tulong mula sa Worksheet #2, Worksheet ng Sariling Pagtasa ng IHSS, patungo sa Worksheet #3, Worksheet ng mga Pamantayan sa Pagtasa ng IHSS. Kung kailangan mo ng mas maraming oras kaysa ipinahihintulot batay sa iyong ranggo, markahan ang kahon na “oo” at ipaliwanag kung bakit kailangan mo ng karagdagang oras.