Paano Kumuha ng Tagapagbigay ng Serbisyong Pansuporta sa Tahanan (IHSS, In- Home Supportive Service) na Hindi-Magulang para sa isang Menor de Edad na Tumatanggap: Pagpapalit ng mga Programa sa IHSS
Paano Kumuha ng Tagapagbigay ng Serbisyong Pansuporta sa Tahanan (IHSS, In- Home Supportive Service) na Hindi-Magulang para sa isang Menor de Edad na Tumatanggap: Pagpapalit ng mga Programa sa IHSS
This fact sheet is for families who want to hire a non-parent provider for their In-Home Supportive Services (IHSS) eligible minor child (under age 18). A non-parent provider can include a non-parent relative, friend, or other provider who is registered with the IHSS program.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ang papel ng katotohan na ito ay para sa mga pamilya ng gustong kumuha ng tagapagbigay na hindi-magulang para sa kanilang menor de edad na anak (wala pang 18) na karapat-dapat sa Serbisyong Pansuporta sa Tahanan (IHSS, In- Home Supportive Service). Ang hindi-magulang na tagapagbigay ay maaaring kasama ang hindi-magulang na kamag-anak, kaibigan, o ibang tagapagbigay na nakatala sa programang IHSS. Walang mga paghihigpit sa kung kailan ka maaaring kumuha ng tagapagbigay na hindi-magulang para sa isang menor de edad. Gayunpaman, kung ang isang menor de edad ay nakatala sa programang IHSS na tinatawag na Programa ng nga Serbisyo sa Personal na Pangangalaga (PCSP, Personal Care Services Program), ang isang hindi-magulang ay maaaring maging tagapagbigay ng menor de edad. Kumplikado at nakalilito ang mga panuntunan sa tagapagbigay na magulang sa IHSS. Ang papel ng katotohanan na ito ay hindi nilalayon na ibuod ang mga panuntunang ito.1 Tatalakayin ng papel ng katotohanan na ito kung paano mo maaaring pasyahan kung ang iyong menor de edad na anak ay nakatala sa PCSP at kung paano lumipat sa programang ito kung naaangkop.
Ang programang IHSS ay naglalaman ng 4 na iba’t ibang programa.2 Ang karamihan sa mga tumatanggap ng IHSS ay nakatala sa programang Opsyon sa Unang Pagpipilian sa Komunidad (CFCO, Community First Choice Option).3 Maaari mong malaman kung anong programa ka sa IHSS sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iyong manggagawa ng panlipunan sa IHSS o tanggapan ng mga serbisyong panlipunan ng county.4 Mayroong mga panahon kung saan maaaring gustong lumipat ang pamilya mula sa CFCO (o iba pang programa) sa PCSP upang lutasin ang mga isyu sa tagapagbigay para sa isang menor de edad na tumatanggap ng IHSS. Halimbawa, kung sinabihan ka ng iyong county na ang iyong anak ay hindi maaaring magkaroon ng hindi-magulang na tagapagbigay dahil isa o parehong mga magulang ay “kaya at nariyan” upang magbigay ng pangangalaga. Hindi pareho ang mga paghihigpit sa programang PCSP, at ang mga pamilya ay maaaring gustong isaalang-alang ang paglipat sa PCSP upang kumuha ng hindi-magulang na tagapagbigay.
Tandaan: Ang mga panuntunan sa tagapagbigay na magulang ay nasa proseso ng pagsasapanahon upang maging mas simple at upang tanggalin ang mga paghihigpit sa kung sino ang maaaring maging tagapagbigay (na inaasahan sa katapusan ng 2023). Gayunpaman, hangga’t ang mga pagbabagong ito ay matapos, ang mga pamilyang nangangailangan ng hindi-magulang na tagapagbigay para sa kanilang anak na karapat-dapat sa IHSS at makaharap ng mga isyu ay maaaring gustuhing humiling ng paglipat sa PCSP. Ito ay dahil, sa ilalim ng programang PCSP, ang mga menor de edad na tumatanggap ng IHSS ay hindi maaaring magkaroon ng magulang bilang kanilang tagapagbigay, kaya pinahihintulutan ng mga panuntunan ang pagkuha ng hindi-magulang na tagapagbigay.5 Kabilang dito ang saklaw para sa mga oras para sa pamamanihalang pamprotekta.6 Mangyaring tandaan na dahil ang isang magulang ay hindi maaaring maging tagapagbigay para sa menor de edad na anak sa ilalim ng PCSP, ang paglipat sa programang PCSP ay maaaring hindi naaangkop kung gusto ng magulang na maging tagapagbigay ng bata sa IHSS.
Bakit gusto kong lumipat sa PCSP?
Ang isang sitwasyon kung saan maaaring may kahulugan ang paglipat sa PCSP ay kapag ang isa o parehong mga magulang ay may kakulangan sa katayuan sa imigrasyon upang magtrabaho sa Estados Unidos. Ito ay dahil sa ilalim ng mga panuntunan sa programang IHSS, ang magulang na may kakulangan sa katayuan sa imigrasyon upang magtrabaho ay hindi maaaring bayaran bilang tagapagbigay sa IHSS,7 at maaari ring hihigpitan mula sa pagkuha ng hindi-magulang na tagapagbigay sa mga panahon na sila ay itinuturing na “kaya at nariyan” upang alagaan ang anak. Kapag nangyari ito, maaaring magkamaling magpasya ang county na ang anak ay hindi karapat-dapat para sa IHSS o mag-awtorisa ng mas kaunting oras. Ang paglipat sa PCSP ay magpapahintulot sa pagkuha ng hindi-magulang na tagapagbigay upang magbigay ng kinakailangang mga serbisyo.
Isa pang sitwasyon ay kung ang parehong mga magulang ay nagtatrabaho sa full-time na mga trabaho ngunit hindi sabay ang mga iskedyul (halimbawa, ang isang magulang ay nagtatrabaho sa pang-araw habang ang isa pang magulang ay nagtatrabaho sa panggabi). Kung ang iyong pamilya ay napaloob sa alinman sa mga sitwasyong ito, ang paglipat sa PCSP ay maaaring lulutas sa isyu at magpapahintulot sa iyong anak na tumanggap ng mga serbisyong IHSS na karapat-dapat sila mula sa isang hindi-magulang na tagapagbigay.
Mangyaring tandaan na kung gusto mong maging tagapagbigay na magulang para sa iyong anak na karapat-dapat sa IHSS sa hinaharap, kakailanganin mong hilingin ang pagtanggal ng pagpapatala ng iyong anak mula sa programang PCSP at pagpapatala sa CFCO.
Paano ako magpapalit ng mga programa sa IHSS?
Maaaring boluntaryo kang magpatanggal sa pagpapatala mula sa CFCO sa programang PCSP sa anumang panahon nang walang puwang sa mga serbisyo sa pagitan ng paglilipat.8 Upang baguhin ang iyong programa sa IHSS, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong lokal na tanggapan ng mga serbisyong panlipunan ng county na matatagpuan sa: https://www.cdss.ca.gov/county-offices.9 Sa ibaba ay isang halimbawang sulat:
Minamahal na Tanggapan ng Medi-Cal:
Hinihiling ko na tanggalin ninyo sa pagpapatala si (Pangalan) mula sa Opsyon ng Unang Pagpipilian sa Komunidad ng IHSS at ipatala si (Pangalan) sa Programa sa mga Serbisyo sa Personal na Pangangalaga epektibo agad-agad. Ang Plano ng Estado para sa Tulong sa Medicaid, Apendise 3.1-K, at pahina 7 ang nag-aawtorisa ng pagbabagong ito. Salamat.
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, maaari kang makipag-ugnayan sa Disability Rights California nang walang bayad sa (800) 776-5746 o TTY: (800) 719-5798.
- 1. Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa kasalukuyang mga panuntunan sa tagapagbigay na magulang, ang buod ay makikita rito: https://reg.summaries.guide/2019/02/ihss-parent-provider-issues.
- 2. https://www.cdss.ca.gov/inforesources/ihss
- 3. https://www.cdss.ca.gov/inforesources/ihss
- 4. https://www.cdss.ca.gov/county-offices
- 5. WIC § 14132.95(f)
- 6. ACWDL 05-21 (Hunyo 13, 2005), p. 3, makikita sa
- 7. MPP Seksyon 30-777.1
- 8. Plano ng Estado para sa Tulong sa Medicaid, Apendise 3.1-K, https://www.dhcs.ca.gov/formsandpubs/laws/Documents/Attachment-3-1-K.pdf sa pahina 7; tingnan rin 22 C.C.R. § 50153(c) (“Ang tao o pamilya ay maaaring pumili na iproseso ang kanilang aplikasyon sa ilalim ng anumang programa kung saan sila ay karapat-dapat kahit pa ang naturang programa ay hindi ang pinakakapakipakinabang”).
- 9. Plano ng Estado para sa Tulong sa Medicaid, Apendise 3.1-K, https://www.dhcs.ca.gov/formsandpubs/laws/Documents/Attachment-3-1-K.pdf at pahina 7.