Nasasaklawan ng Programa ng IHSS ang Mga Serbisyong Paramediko

Publications
#F044.08

Nasasaklawan ng Programa ng IHSS ang Mga Serbisyong Paramediko

Ano ang paramedical service? Saan ko mahahanap ang batas sa mga serbisyong paramedikal? Paano ko malalaman kung ang kailangan ko ay isang “Paramedical Service”...maghanap ng mga sagot sa mga tanong na ito at higit pa.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Anu-ano ang Serbisyong Paramediko

Ang mga serbisyong paramediko ay isang kategorya ng mga serbisyo na available sa ilalim ng program ng In-Home

Supportive Services (IHSS).  Ang mga serbisyong paramediko ay sinanay na mga gawain kung saan ay kinakailangan para mapanatili ang kalusugan ng tumatanggap ng IHSS.1 Mga aktibidad ang mga serbisyong paramediko kung saan normal na isinasagawa ng isang tao para sa kanilang sarili ngunit para sa kanilang mga limitasyon hinggil sa paggana.2 Sa mga serbisyong paramediko ng programa ng IHSS ay ibinibigay ng mga provider ng IHSS na sinanay para magbigay ng mga serbisyong paramediko o mga gawain.

Inilalarawan ng mga tuntunin ng IHSS ang mga serbisyong paramediko bilang:

  • Pagbibigay ng mga gamot,
  • Pagbutas sa balat,
  • Pagpasok ng medikal ng aparato sa lagusan sa katawan,
  • Mga aktibidad na kinakailangan ng walang mikrobyong mga procedure, o
  • Iba pang aktibidad na kinakailangan ng pagpapasya batay sa pagsasanay na ibinibigay ng isang lisensyadong propesyonal sa pangangalaga ng pangkalusugan.3 Mangyaring tingnan ang ibaba para sa mga halimbawa ng mga aktibidad na ito.

Hindi ibibigay ang mga serbisyong paramediko maliban lang kung iuutos ang mga ito ng isang lisensyadong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan gamit ang Form na SOC 321. Dapat maibigay ang mga serbisyong paramediko sa direksyon ng lisensyadong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan.4  Dapat pagpasyahan ng lisensyadong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan ang oras na kinakailangan para isagawa ang serbisyo.5 Kasama sa lisensyadong mga propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan ang mga doktor at iba pang lisensyadong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan kung saan ay pinapahintulutan sila ng lisensya na iutos ang serbisyong paramediko, tulad ng isang registered nurse, mga physical therapist, at/o mga occupational therapist. 

Upang makatanggap ng mga serbisyong paramediko, dapat magbigay ng may kabatirang pahintulot ang tatanggap.6 Ang ibig sabihin ng pahintulot ay dapat kang magbigay ng pahintulot para tumanggap ng mga serbisyong paramediko na inutos ng lisensyadong medikal na propesyonal.  May karapatan ang tatanggap ng IHSS na piliin ang lisensyadong propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan na tatapos sa utos ng Paramediko.7

Tandaan: nililimitahan ng kasalukuyang Form na SOC 321 (ibayong tinalakay sa ibaba) ang maaaring mag-awtorisa ng mga serbisyong paramediko sa isang “Physician/Surgeon,” “Podiatrist” at “Dentist.”  Ang paglimita sa pag-awtorisa sa apat lang na kategorya na ito ng lisensyadong mga propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan ay hindi umaakma sa kautusan ng IHSS.  Nagtataguyod ang DRC kasama ng CDSS para baguhin ang form na ito para wastong maipaliwanag ang batas.

Mga halimbawa ng mga Serbisyong Paramediko

Nagbibigay ang mga tuntunin ng IHSS ng partikular na mga halimbawa ng mga serbisyong paramediko kabilang ang:

  • Pagbibigay ng mga gamot tulad ng pagdurog sa mga pildoras at paglalagay ng mga gamot sa pagkain, likido, o sa kanilang bibig ng tumatanggap8 Hindi kasama nito ang tulong sa sariling pagpapainom ng gamot - tingnan sa ibaba.
  • Mga iniksyon9
  • Nasal-gastric tube o G-Tube na pagpapakain at pangangalaga ng stoma site.  Kung tumatanggap ng tube feeding ang isang tao para sa lahat ng sustansya, iraranggo ang indibidwal bilang isang “1” sa paghahanda ng pagkain/paglilinis ng kinainan at pagkain dahil ang tube feeding ay isang serbisyong paramediko.10
  • Ang pangangalang tracheostomy at suctioning sa pamamagitan ng tracheotomy o sa pamamagitan ng ilong at bibig kabilang ang tracheal (deep) suctioning.  Kasama rito ang pagsusubaybay.  Kung kasama sa lahat ng tulong na kinakailangan ang pangangalaga at suctioning sa tracheostomy, dapat marangguhan ang tumatanggap ng "1" para sa tulong sa paghinga dahil ang pangangalaga ay isang serbisyong paramediko imbes na panghinga.11
  • Ang kinakailangan para gamutin at pangalagaan ang balat at sugat para sa mga ulcer na decubitus tulad ng isang sugat sa higaan o presyon, o isang diyabetes na nauugnay sa sugat.  Kung ang tao ay may kasaysayan ng mga sugat sa presyon o mga ulcer, suriin ang katawan para sa “hot spots” na maaaring maging mga ulcer na decubitus.12
  • Pagpasok ng catheter, pagpapalit ng catheter, pagtatanggal ng laman ng drainage bag ng ihi at pagtatala ng mga nilalaman, pagtulong sa pagtatanggal ng laman ng bladder.13
  • Colostomy/ostomy irrigation.  Kung makapag-aalis ang indibidwal nang walang tulong at gagamit ng catheter para umihi, rarangguhan ang indibidwal na 1 sa pangangalaga sa dumi, bladder at hinggil sa regla.14
  • Digital stimulation bilang bahagi ng isang programa sa dumi at digital stool disposal.15
  • Pagpasok ng mga suppository o pagbibigay ng isang enema.16
  • Kabilang sa mga ehersisyo na Range of Motion (ROM) ang pag-eehersisyo ng indibidwal na hindi nila mismo magawa dahil sa kanilang mga limitasyon sa paggawa, at iba pang programa ng therapy sa bahay na inutos ng isang propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan.  Dapat maibigay ang ROM at iba pang programa ng therapy ng isang provider ng IHSS na sinanay ng isang propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan para gumamit ng paghuhusga upang maibigay ang serbisyo ng IHSS.  Ang isyu sa pagkokontrol ay ang antas ng kinabibilangang kasanayan.17

Iba pang halimbawa ng mga gawain kung saan pinaniniwalaan ng DRC na maaaring mga Serbisyong Paramediko ay kabilang ang:

  • Pulmonary toileting (pagbayo sa mga bahagi ng baga at dibdib para mapaluwag ang mga pagpapalabas ng likido).
  • Pagsusubaybay at tulong na ibinibigay sa isa bilang kinakailangan na batayan gamit ang isang ventilator, C-PAP, o BiPAP na makina o tulong sa panghinga o mga paggagamot sa nebulizer.  Maaaring kasama sa tulong ang pagkonekta ng tubo at ventilator, pagtatama ng makina, paglilinis ng kagamitan, at paglalagay ng mask, o pagtitiyak na mananatili na nakasuot ang mask.
  • Pagsusubaybay para pagpasyahan ang pangangailangan para sa pamamagitan kabilang ang mga gamot na ipinapainom sa isang batayan na kung kinakailangan imbes na sa isang iskedyul.
  • Paglalagay ng kinakailangang mga medicated cream para gamutin ang sirang balat, pantal, mga impeksyon, o fungus.
  • Pagkuskos sa balat para gamutin ang autism.
  • Paglagay sa isang tao na mayroong paralysis sa isang nakatayong frame.

Paano ko malalaman kung ang isang gawain ay isang “Serbisyong Paramediko”?

Makatutulong sa iyo ang mga sumusunod na katanungan para malaman kung ang isang gawain ay isang serbisyong paramediko:

  1. Inutos ba ang serbisyo ng isang lisensyadong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan?
  2. Isang bagay ba na gagawin mo sa sarili mo ang gawaing paramediko kung hindi para sa mga limitasyon sa paggana?
  3. Kinakailangan ba ang gawain para mapanatili ang iyong kalusugan dahil sa isang pisikal o hinggil sa pag-iisip na kundisyon?
  4. Kasama ba sa gawain ang:
    1. Pagbibigay ng mga gamot,
    2. Pagbutas sa balat,
    3. Pagkakabit ng medikal na aparato sa isang lagusan ng katawan,
    4. Kinakailangan ng walang mikrobyong mga procedure, o
    5. Ang paggamit ng pagpapasya (nangangahulugan ito na unawain ang isang bagay at magpasya kung ano ang gagawin) batay sa pagsasanay o direksyon mula sa koponan sa paggagamot sa tumatanggap o mula sa isang medikal na propesyonal.18

Tip: Kung hindi kinakailangan ng espesyal na pagsasanay ng isang propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan ang hinihiling na serbisyo upang maibigay ng isang caregiver ng IHSS, isaalang-alang kung ang gawain ay maaaring masaklawan bilang isang serbisyo ng personal na pangangalaga.

Kung oo ang iyong sagot sa mga katanungan na ito, maaaring maging isang serbisyong paramediko ang gawain.

Anong mga gawain ng IHSS na maaaring maging alinman sa Paramediko o mga Serbisyong Personal na Pangangalaga?

May ilang gawain sa mga tuntunin ng IHSS na maaaring maging alinman sa paramediko o serbisyong personal na pangangalaga. Ang mga gawain na iyo ay:

1.  Pagbibigay ng mga gamot:

Personal na Pangangalaga

Tulong sa sariling pagpapainom ng mga gamot.19 Nangangahulugan ito na maiinom ang gamot ng tumatanggap nang may tulong.  Binubuo ito ng pagpapaalala sa tumatanggap ng IHSS na uminom ng inireseta at/o mga over-the-counter na gamot at pag-set up ng Medi-sets o pagputol sa kalahati ng mga pildoras.20

Paramediko

Ang paglalagay ng mga gamot sa bibig ng tumatanggap o pagdurog sa mga ito at paglalagay sa pagkain; para sa mga gamot na ibibigay sa batayan na kung kinakailangan, pagpapasya kapag kinakailangan; pagbibigay ng gamot sa pamamagitan ng supppository, nebulizer, paglalagay ng pamahid sa isang sugat o sa pamamagitan ng G-tube o N-G tube - ang lahat ay masasklawan sa ilalim ng mga serbisyong paramediko.

2.  Range-of-Motion:

Personal na Pangangalaga

Superbisyon at tulong sa mga ehersisyong ROM o therapy ng pagpapanatili na ituturo sa isang tatanggap na gagawin sa sarili nila ng isang propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan para maipanumbalik ang nalilimitahang paggalaw dahil sa pinsala, hindi paggamit, o sakit.  Kasama sa mga ehersisyo ng mga programa ng therapy ng pagpapanatili ang inuulit na mga ehersisyo na kailangan para panatilihin ang gawain, pabutihin ang paglakad, magpanatili ng lakas, o kakayahang tumagal; walang kibong mga ehersisyo para magpanatili ng range of motion sa mga paralisadong kadulu-duluhan; at tinutulungang paglalakad.21 Dapat maaaring makapag-ehersisyo ang tumatanggap nang ligtas sa sarili nila at hindi kinakailangan ng tumanggap ang caregiver ng espesyal na pagsasanay upang makapagbigay ng tulong. Maaaring maibigay ang mga uri ng ehersisyo na ito sa pareho sa loob at labas ng bahay sa tulong o superbisyon ng isang care provider ng IHSS.  Kung ibinibigay ang mga ehersisyo sa labas ng bahay, hindi maaawtorisahan ang oras ng biyahe.  Gayunman, ang oras para tulungan ang tumatanggap sa pagpasok at paglabas ng isang sasakyan ay maaaring maaworisahan kung kinakailangan.22 Dapat matulungan ng mga ehersisyo ang indibidwal na pantilihing nababaluktot at nababawasan ang pag-urong o pagsikip ng mga kalamnan ng mga galamay.

Paramediko

ROM o iba pang programa ng therapy sa bahay na inuutos ng isang propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan at ibinibigay ng isang sinanay na caregiver ng IHSS, ng isang propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan, na gumamit ng pagpapaysa upang maibigay ang ROM o mga ehersisyo na therapy ay maaaring masakalawan bilang mga serbisyong paramediko.

3.  Muling pagpoposisyon at Pagkuskos ng Balat:

Personal na Pangangalaga

Kasama sa tulong sa muling pagpoposisyon at pagkuskos ng balat ang pagkuskos sa balat ng tao para isulong ang sirkulasyon at/o maiwasan ang pagkasira ng balat.23  Maaaring kasama rito ang pagpahid ng medicated o hindi medicated na cream sa balat ng isang indibidwal kapag sinasanay ng isang medikal na propesyonal at hindi kinakailangan ng pagpapasya para ibigay ang serbisyo.

Paramediko

Tulong sa pangangalaga ng nasirang balat, mga impeksyon, pangangalaga ng sugat, mga sugat sa presyon o mga ulcer na decubitus at pagtatasa ng balat para matukoy ang “hot spots” na maaaring maging mga simula sa pagkasira ng balat ay magiging nasasaklawan sa ilalim ng mga serbisyong paramediko.

4.  Panghinga:

Serbisyo ng Personal na Pangangalaga

Tulong sa paggamit ng nebulizer, oxygen, paghahanda at paglilinis ng makinang intermittent positive pressure breathing (IPPB) o continuous positive airway pressure (CPAP) kapag ang espesyal na pagsasanay at/o pagsusubaybay ay hindi kinakailangan.24

Paramediko

Tulong sa paggamit ng oxygen o iba pang makina na panghinga, na inutos ng iyong doktor, na dapat matanggap ng iyong care provider ang pagsasanay mula sa isang propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan sa kung paanong gamitin ang pagpapasya upang mabigyan ka ng serbisyo ng IHSS.  Bilang halimbawa, pagsusubaybay at pagbibigay ng gamot gamit ang isang nebulizer sa batayang kapag kinakailangan.

5.  Pangangalaga sa Kuko sa Daliri/Kuko sa Paa:

Serbisyo ng Personal na Pangangalaga

Nasasakalawan ng IHSS ang tulong sa pag-aalaga sa mga kuko sa daliri at mga kuko sa paa sa ilalim ng pag-aayos kapag hindi ibinibigay ang serbisyo bilang isang serbisyong paramediko, ngunit nasasaklawan ang paggugupit ng kuko.25

Serbisyong Paramediko

Ang tulong sa paggugupit ng kuko sa daliri/kuko sa paa ay maaaring maibigay bilang isang serbisyong paramediko kung ang napagpasyahan ng lisensyadong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan na kinakailangan ito.

Makakukuha ba ako ng mga serbisyong paramediko kung mayroon akong provider na asawa o magulang?

Oo, maaari ka pa rin makakuha ng mga serbisyong paramediko kung mayroon kang provider na asawa o magulang.  Maaaring magbigay asawa ng mga serbisyong paramediko.26  Maaari ring magbigay ang magulang ng mga serbisyong paramediko.27  Maaari mong repasuhin ang aming mga publikasyon tungkol sa kung paanong maging karapat-dapat para maging isang provider na magulang dito: https://www.disabilityrightsca.org/publications/ihss-selfassessment-an… at dito: https://www.disabilityrightsca.org/publications/in-homesupportive-serv….

Paano Ko Tatapusin at Isusumite ang Form ng mga Serbisong Paramediko

Dapat tapusin at lagdaan ng isang lisensyadpong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan ang Kahilingan ng IHSS para sa Kautusan at Pahintulot – form ng mga Serbisyong Paramediko bago maaprobahan ang kailangan mong mga serbisyong paramediko.  Maaari mong makuha dito ang form na Kahilingan ng IHSS para sa Kautusan at Pahintulot – mga Serbisyong Paramediko: https://www.cdss.ca.gov/cdssweb/entres/forms/English/SOC321.pdf. Maaaring matapos ang form sa online at mai-print.  Kung walang sapat na espasyo sa form, dapat tsekan ng doktor ang kahon na sinasabing, “KUNG PINAGPATULOY SA ISA PANG PILAS, ITSEK DITO” sa ilalim ng “mga karagdagang komento” na seksyon ng form na SOC 321 at magbigay ng karagdagang mga tala sa  isa pang piraso ng papel.  Ikaw o ang iyong awtorisadong kinatawan ay dapat ding lagdaan ang form na nagbibigay ng pahintulot para sa gawaing paramediko na isasagawa ng isang sinanay na provider ng IHSS na gawin ito.

Bago matapos ang form na SOC 321, dapat kang makipag-usap sa iyong provider tungkol sa iyong mga limitasyon sa paggawa na hinahadlangan ka sa paggawa ng mga gawaing paramediko para sa sarili mo at ipaliwanag kung bakit mo kailangan ng tulong.  Dapat mong ipaliwanag sa iyong provider na hindi ka bibigyan ng county ng mga serbisyong paramediko na kailangan mo nang hindi tinatapos ng doktor ang form na SOC 321.  Dapat kang makipag-usap sa iyong proivder tungkol sa kung anong impormasyon ang kailangan mapunta sa form.  Bilang halimbawa:

  • Ang iyong kapansanan at mga limitasyon sa paggawa kung saan ay hinahadlangan ka sa pagsasagawa ng mga serbisyong paramediko sa sarili mo;
  • Pangalan ng (mga) serbisyo
  • Kinakailangang panahon para matapos ang serbisyo.  Depende sa gawaing paramediko, maaaring makasama sa panahon ang paglalabas ng kagamitan o mga materyales, paghuhugas ng mga kamay, pagsusuot ng mga guwantes, pag-iisterilisa, o paglilinis sa lugar ng katawan para sa procedure, tulad ng kung saan ibibigay ang iniksyon.  Sa katapusan ng gawain, maaaring kailanganin ng karagdagang panahon para sa paglilinis ng aparato, pagtatanggal ng mga guwantes, pagsunod sa panlahatang mga pag-iingat sa pagtatapon sa mga likido ng katawan o nadumihan ng mga likido ng katawan na mga materyales, paglilinis sa lugar, paghuhugas ng mga kamay, pagtatago ng mga bagay kabilang ang pagsasara sa mga gamot.  Paminsan-minsan kasama rin sa mga gawain ang pagtatago ng mga rekord tulad ng pagsusulat kapag ibinibigay ang mga kapag kinakailangan na mga gamot at kung bakit, mga resulta ng pagsusuri ng glucose, oras na ibinibigay ang iniksyon, atbp.
  • Mahalaga na napakapartikular na maihayag ang kinakailangan na oras ng lisensyadong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan.
  • Gaano kadalas ibibigay ang serbisyo.  Bilang halimbawa, araw-araw o dalawang beses araw-araw.
  • Gaano katagal dapat ibigay ang serbisyo, tulad nang 6 na buwan o walang katiyakan.

Tandaan: Hindi kinakailangan ng mga tuntunin ng IHSS na tapusin ng worker ng county at/o ibigay ang form sa doktor.  May karapatan ka na papunan sa isang propesyonal na nangangalaga sa kalusugan ang form at ibigay mo mismo ang natapos na form sa county.  Maaari mo ring ipatapos sa isang propesyonal na nangangalaga sa kalusugan ang form nang maaga para maibigay mo ito sa worker ng county sa iyong susunod na pagtatasa na in-home.  Maaaring ikaw o ang tanggapan ng iyong provider ang magpadala sa form nang direkta sa county.  Tandaang gumawa ng sarili mong kopya ng natapos na form na SOC 321 bago mo ito ibigay sa county.

Dahil sa panahon na inawtorisahan para sa mga serbisyong paramediko ay pinagpapasyahan ng isang lisensyadong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan hindi mapawawalang bisa ng county kung anong mga serbisyong paramediko na inutos ng lisensyadong propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan ang nasa form na SOC 321.28  Maaaring direktang tawagan ng worker ng county ang provider mo para talakayin ang mga takdang panahon para sa mga serbisyo at gawaing paramediko. Maaaring piliing hindi tumugon ang tanggapan ng provider mo sa worker ng IHSS ng county o hilingan na isulat ang mga katanungan.

Dapat mag-umpisa kaagad ang mga serbisyong paramediko pagkatapos matanggap ng county ang natapos na form na SOC 321.29  Nakabatay ang mga serbisyong paramediko sa pangangailangan ng indibidwal at hindi hinahati.30

Kinakailangan ba taun-taon ang form ng mga Serbisyong Paramediko?

Hindi kailangan taun-taon ang bagong form ng paramediko.31 Gayunman, maaaring humingi ang mga social worker ng form ng paramediko sa panahon ng pagtatasa.  Karaniwang nagaganap ito kung isinasaad sa dating form ng mga serbisyong paramediko ang petsa ng katapusan sa serbisyong paramediko.

Paano kung tatanggihan ako ng mga serbisyong paramediko o babawasan ang aking mga serbisyong paramediko o tatapusin?

Kung hindi ka sasang-ayon sa desisyon ng county tungkol sa iyong mga benepisyo ng IHSS, may karapatan kang humingi ng isang patas na pagdinig ng estado.  Mayroong dalawang deadline na dapat mong malaman tungkol sa paghingi ng pagdinig.

90 Araw na Deadline para sa Paghiling ng Pagdinig

Mayroon ka lamang 90 araw mula sa petsa ng notice of action (“NOA”) ng IHSS para humingi ng isang pagdinig para tutulan ang aksyon o hindi pag-aksyon ng county kung saan ay hindi ka sumasang-ayon. Dito maaari kang makahanap ng higit pang impormasyon tungkol sa paghingi ng pagdinig: https://www.cdss.ca.gov/hearingrequests. Kung naniniwala kang kailangan mo ng Home Hearing, maaaring gusto mong repasuhin ang aming publikasyon na pinamagatang Right to Request a Home Hearing para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paano makakuha ng home hearing sa: https://www.disabilityrightsca.org/publications/right-to-request-a-home-hearing

I-Aid Paid Pending ang iyong Pagdinig

Ang Aid Paid Pending ay isang tuntunin kung saan pinipigilan ang iyong NOA ng IHSS na magkabisa habang nakabinbin ang iyong pagdinig. Kung hihingi ka ng pagdinig bago dapat mangyari ang pagbabago sa iyong IHSS NOA, magpapatuloy ang iyong mga serbisyo ng IHSS sa parehong lebel hanggang sa kinahinatnan ng iyong pagdinig.32 Ang mga serbisyo ng IHSS na Aid Paid Pending ay hindi itinuturing na kalabisan ng bayad kahit na matalo ang iyong pagdinig ng IHSS.33  Bilang halimbawa, kung makakukuha ka ng NOA ng IHSS na binabawasan o tinatapos ang iyong mga benepisyo ng IHSS at huminigi ka ng pagdinig bago dapat mangyari ang pagbabago sa NOA, hindi magbabago ang iyong mga benepisyo ng IHSS nang nakabinbin ang iyong pagdinig. Ngunit hindi ka hihingi ng isang pagdinig bago mangyari ang dapat na pagbabago, kung gayon magkakabisa ang NOA ng IHSS.

Paanong Makakuha ng Higit Pang Impormasyon Tungkol Sa Iyong Mga Karapatan

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa iyong mga ligal na karapatan:

  • Tawagan ang intake line ng DRC sa: 1-800-776-5746.
  • Tawagan ang Office of Clients’ Rights Advocacy (OCRA) ng DRC sa:
    • Northern California 1-800-390-7032 (TTY 877-669-6023)
    • Southern California 1-866-833-6712 (TTY 877-669-6023)

Mga Mapagkukunan ng Sariling-Pagtataguyod ng IHSS

DRC IHSS Self-Advocacy Publications:
https://www.disabilityrightsca.org/publications/in-home-supportive-services-ihss

In-Home Supportive Services (IHSS): Gabay para sa mga Tagapagtaguyod:
https://www.disabilityrightsca.org/publications/in-home-supportive-services-ihss-advocates-manual

  • 1. MPP § 30-757.191(b).
  • 2. MPP § 30-757.191(a).
  • 3. MPP §§ 30-757.19, 30-780.1(a)(9), California Welfare and Institutions Code § 12300.1, at California Code of Regulations, Title 22 § 51183(a)(9)
  • 4. MPP § 30-757.193
  • 5. MPP § 30-757.194
  • 6. MPP §§ 30-757.196 7. MPP § 30-757.192
  • 7. MPP § 30-757.192
  • 8. MPP § 30-757.191(c), California Welfare and Institutions Code § 12300.1, at All County Letter (ACL) 08-18, Question 17.
  • 9. MPP §§ 30-757.19(c), 30-780.1(a)(9), California Welfare and Institutions Code § 12300.1, at California Code of Mga regulasyon, Title 22 § 51183(a)(9)
  • 10. MPP § 30-756.41. Para malaman ang higit pa tungkol sa kung paanong niraranggo ang mga serbisyo ng IHSS, mangyaring tingnan ang Disability Rights California’s IHSS Self-Assessment and Fair Hearing Guide sa https://www.disabilityrightsca.org/publications/ihss-self-assessment-and-fair-hearing-guide
  • 11. MPP § 30-756.42
  • 12. MPP § 30-780.1(a)(5)(A), California Code of Regulations, Title 22 §§ 51183(a)(5)(A) at 51350(h)(1)
  • 13. MPP § 30-757.14(a)(1), California Code of Regulations, Title 22 § 51350(g), at ACL 08-18, Katanungan 12 at Katanungan 18.
  • 14. Id.
  • 15. Id.
  • 16. Id.
  • 17. MPP §§ 30-757.19(c), 30-780.1(a)(9), ACL 08-18, Katanungan 21, California Welfare and Institutions Code § 12300.1, at California Code of Regulations, Title 22 § 51183(a)(9).
  • 18. MPP §§ 30-757.19, 30-780.1(a)(9), California Welfare and Institutions Code § 12300.1, at California Code of Regulations, Title 22 § 51183(a)(9)
  • 19. MPP § 30-757.14(i)
  • 20. MPP § 30-757.14(i)(1), at California Code of Regulations, Title 22 § 51183(a)(7)
  • 21. MPP § 30-757(g) at California Code of Regulations, Title 22 §§ 51183(a)(5)(A), (B), 51350(h)(2), at ACL 08-18, Katanungan 21
  • 22. ACL 08-18, Katanungan 20
  • 23. MPP § 30-757.14(g), at California Code of Regulations, Title 22 § 51350(h)(1)
  • 24. MPP § 30-757.14(b), at California Code of Regulations, Title 22 § 51183(a)(8)
  • 25. MPP § 30-757.14(e)(3), California Code of Regulations, Title 22 §§ 51183(a)(2) at 51350(f)
  • 26. MPP § 30-763.415(b)
  • 27. MPP § 30-763.456(e)
  • 28. MPP § 30-757.194
  • 29. MPP § 30-757.197
  • 30. MPP § 30-763.351
  • 31. ACL 08-18, Katanungan 14
  • 32. MPP § 22-072.5
  • 33. MPP § 30-768.111