Assisted Outpatient Treatment (AOT): Malawakang pananaw

Publications
#7173.08

Assisted Outpatient Treatment (AOT): Malawakang pananaw

May karapatan ka sa isang abogado kung hihilingan ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa kung ano ang Assisted Outpatient Treatment (AOT). Pinag-uusapan din sa lathala tungkol sa kung paano ka inuutusan sa AOT, kung ano ang iyong mga karapatan sa mga pagdinig ng AOT, at kung anong mga karapatan sa paggagagamot na mayroon ka habang nasa AOT. Sa panghuli, pinag-uusapan sa lathala sa kung ano ang mangyayari kung hindi ka susunod sa AOT at kung paano mo tatapusin ang AOT.

May karapatan ka sa isang abogado kung hihilingan ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

Kahulugan ng Assisted Outpatient Treatment (AOT)

Ang AOT ay utos ng korte na outpatient na panggagamot para sa mga tao na may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip.1

Ang Ilang County ay Mayroong AOT at ang Iba ay Wala

Batay sa bagong batas na nagsimula noong Hulyo 1, 2021, ang mga county sa California ay dapat mayroong AOT maliban lang kung hindi sila sumali.2 Mula noong Disyembre 2021, 31 county ang mayroong AOT: Alameda; Contra Costa; El Dorado; Fresno; Humboldt; Kern; Kings; Los Angeles; Marin; Mariposa; Mendocino; Napa; Nevada; Orange; Placer; Riverside; Sacramento; San Diego; San Francisco; San Luis Obispo; San Mateo; Santa Barbara; Santa Clara; Shasta; Siskiyou; Stanislaus; Tehama; Tulare; Ventura; and Yolo.  

27 county ang walang AOT: Alpine; Amador; Butte; Calaveras; Colusa; Del Norte; Glenn; Imperial; Inyo; Lake; Lassen; Madera; Merced; Modoc; Mono; Monterey; Plumas; San Benito; San Bernardino; San Joaquin; Santa Cruz; Sierra; Sonoma; Sutter/Yuba; Trinity; and Tuolumne.

Paanong Nauutusan ang Isang Tao sa AOT

  • Hinihilingan ng kagawaran ng kalusugan hinggil sa pag-iisip ng county ang korte na mag-utos ng AOT. Tinatawag itong isang petisyon.3
  • Dapat kasama sa petistyon ang opisyal na pahayag (tinatawag na apidabit) ng isang lisensyadong provider ng kalusugan hinggil sa pag-iisip. Dapat sabihin sa apidabit na karapat-dapat ka para sa AOT, ang mga dahilan kung bakit ka karapat-dapat para sa AOT at kung bakit inirekumenda ang AOT para sa iyo.4
  • Pagkatapos ay magtatakda ng petsa at oras ang korte para sa isang pagdinig para malaman kung magiging karapat-dapat ka para sa AOT. Magaganap ang pagdinig na ito sa loob nang 5 araw ng trabaho ng petisyon.5
  • May karapatan ka sa isang abogado para sa pagdinig.6 Maaari mong hilingan ang korte na talagahan ka ng abogado. Magbabayad ka lamang para sa abogado kung kaya mo.7
  • Kung magpapasya ang hukom pagkatapos ng pagdinig na ikaw ay karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, maaari kang utusan sa AOT.8 Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung sino ang karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”
  • Maaari kang utusan ng hukom sa AOT nang hanggang 6 na buwan.9
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paano kang mauutusan sa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “How You are Ordered to AOT.”

Sino ang mga Karapat-dapat na Mautusan sa AOT

Para maging karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, dapat malaman ng hukom sa pagdinig na ang lahat ng kinakailangan ay napatunayan nang malinaw at kapani-paniwalang ebidensya.10 Ang ibig sabihin ng “malinaw at kapani-paniwala” ay nalaman ng hukom na ito ay mas malamang na tunay kaysa hindi na natutugunan mo ang lahat ng kinakailangan para maging karapat-dapat para sa AOT. Ang mga kinakailangan ay:11

  1. Hindi ka bababa sa 18 taong gulang.
  2. Mayroon kang malalang diperensya hinggil sa pag-iisip.
  3. Nagkaroon ng desisyon, batay sa isang pangklinikang opinyon, na alin mang isa sa sumusunod na dalawang bagay ay totoo:
    • Ikaw ay malamang na hindi ligtas na mabubuhay sa komunidad nang walang pangangasiwa (tulad ng AOT) at lumalala ang iyong kundisyon hinggil sa pag-iisip; O
    • Kailangan mo ng AOT para maiwasan ang pagkabinat o paglala ng iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip na grabe kang mapaparalisa (hindi makapag-aalaga para sa iyong mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, pananamit, at silungan), o maging mapanganib ka sa iyong sarili o iba.
  4. Hindi mo sinunod dati ang iyong plano para sa paggagamot para sa iyong kapansanan sa kalusugan hinggil sa pag-iisip. Totoo ito kung alin man sa mga sumusunod na bagay ay nangyari:
    • Dalawang beses sa loob nang huling 3 taon (36 na buwan) ang kapansan ng iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip ang naging pangunahing dahilan kung bakit ka naospital, o nakakuha ng tulong sa isang yunit ng kalusugan hinggil sa pag-iisip ng isang kulungan ng estado o lokal na piitan.12 Hindi ito nabibilang kung ito ay bago humiling ang county para (mapetisyon) mautusan ka sa AOT.
    • Dahil sa kapansanan ng iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip, naging lubhang marahas ka sa iyong sarili o sa iba. Ang lubha at marahas na pagkilos ay dapat nangyari sa loob nang huling 48 buwan (4 na taon). Ang mga banta o tangka ay nabibilang din. Hindi ito nabibilang kung bago humiling ang county para (mapetisyon) mautusan ka sa AOT.13
  5. Nabigyan ka ng pagkakataon na magkaroon ng boluntaryong paggagamot, ngunit hindi ka, lumahok sa paggagamot.
  6. Ang AOT ay ang pinakalilimitahang paggagamot (pinapayagan ka nang pinakamalaya) habang sinisiguro pa rin na bumubuti at panatag ang iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip.
  7. Malamang na mabebenipisyuhan ka sa AOT.

Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung sino ang mauutusan sa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”

Ang Iyong mga Karapatan sa Pagdinig ng AOT

Kung hihilingan ng iyong county ang korte na utusan ka sa AOT, mayroon ka ng sumusunod na mga karapatan:14

  • Sapat na abiso ng pagdinig.
    • Dapat ang pagdinig ay hindi hihigit sa limang araw ng trabaho (hindi kasama ang mga Sabado, Linggo, at mga pista opisyal) pagkatapos ihain ng county ang petisyon para sa AOT. Dapat kang bigyan ng county ng kopya ng petisyon sa lalong madaling panahon pagkatapos nilang maihain ito.15
  • Kopya ng pagpapasya, o desisyon, na sinasabi na karapat-dapat ka at inirerekumenda ka para sa AOT.
  • Libreng abogado kung hindi ka makapagbabayad.
  • Mapaalamanan ka ng iyong karapatan para makapaghain ng writ of habeas corpus pagkatapos kung inutusan ka sa AOT at hindi sumang-ayon.
  • Dumalo sa pagdinig maliban lang kung pipiliin mong hindi dumalo o hindi magpakita pagkatapos subukan nang higit sa isang beses ng korte na dumalo ka.
  • Magprisinta ng ebidensya para ipakita kung bakit ka hindi karapat-dapat para sa AOT.
  • Pagsalitain ang mga tao (mga saksi) sa pagdinig na sumusuporta kung bakit hindi mo kailangan o karapat-dapat para sa AOT.
  • Tanungin ang mga taong nagsasalita sa pagdinig (mga saksi) pagkatapos nilang sabihing kailangan mo ng AOT.
  • Malaman at maunawaan ang iyong karapatang patunayan na nagkamali ng desisyon ang hukom at iapela ang desisyon.
  • Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paanong maghanda para sa isang pagdinig ng AOT, maaari mong basahin ang “Rights if the County is Asking for AOT and AOT Hearings.”

Ang Iyong mga Karapatan sa Paggagamot Habang nasa AOT

Ang iyong mga karapatan sa paggagamot habang nasa AOT ay kasama ang sumusunod, ngunit hindi limitado sa:16

  • Paggagamot na direkta sa kliyente at nakatuon sa pagpapabuti, kung saan ay ibig sabihin na mayroon kang boses hinggil sa iyong paggagamot.
  • Koordinasyon at access sa gamot, mga serbisyo ng diperensya sa sustansya ng therapy, matulunging pabahay/tulong sa pabahay, rehabilitasyong bokasyonal, mga serbisyo ng beterano.
  • Mga plano ng isinapersonal na plano sa iyong kulutura, sariling wika, kasarian, edad, o iba pang espesyal na mga pangangailangan sa iyong pagkakakilanlan.
  • Hindi pinipilit na pagpapainom ng gamot na hindi mo gustong inumin (hindi kusang paggagamot).
  • Mga serbisyong saykayatriko at pangkaisipan.
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung ano dapat ang magiging hitsura ng paggagamot ng AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Treatment Rights While in AOT”.

Ano ang Mangyayari Kung Hindi Ka Susunod sa Utos ng Iyong AOT

  • Maaari kang mailagay sa hindi kusang pagpapaospital sa 72 oras kung hindi ka susunod sa utos ng iyong AOT, ngunit kung ang sumusunod na mga bagay ay totoo lamang:
    1. Unang sinubukang makipag-abot sa iyo ang mga provider ng pagggamot para subaybayan ang AOT, AT
    2. Sa palagay ng lisensyadong provider na karapat-dapat ka para sa hindi kusang pagpapaospital.17
  • Maaari ka lamang piliting manatili sa ospital makalipas ang 72 oras kung magiging karapat-dapat ka para sa hindi kusang pagpapaospital dahil ginagawa kang walang kakayahan ng iyong kapansanan sa kalusugan hinggil sa pag-iisip na pangalagaan ang iyong sarili o isang panganib sa iyong sarili o iba. Hindi ka maaaring pilitin na manatili makalipas ang 72 oras dahil lamang hindi ka sumunod sa AOT.
  • Kung ilalagay sa ospital laban sa iyong kagustuhan nang 72 oras, mayroong parehong mga karapatan bilang isang pasyente na wala sa AOT.
  • Makahahanap ka ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan bilang isang pasyente sa lathala ng Estado ng California na, Rights for Individuals in Mental Health Facilities Admitted Under the Lanterman-Petris-Short Act.

Paanong Matatapos ang AOT

Maaari mong kontakin ang iyong abogado para sa tulong sa pagtatapos ng AOT. Gaya nang nasabi sa itaas, mayroon kang karapatan sa isang abogado nang libre kung wala kang sapat na pera para sa abogado.

  • Karapatan sa Pagdinig kung Naniniwala Pa Rin ang Direktor ng County na Kailangan Mo ang AOT.
    • Sa tuwing 60 araw, dapat magbigay ang direktor ng programa ng opisyal na pahayag (tinatawag na apidabit) na sinasabing karapat-dapat ka pa rin para sa AOT batay sa batas.18
    • Kung sa palagay mong hindi tama ang direktor, may karapatan ka sa isang pagdinig sa kung ikaw ay karapat-dapat pa rin o hindi para sa AOT batay sa batas. Kailangang magpakita ang direktor ng (patunay) na karapat-dapat ka pa rin para sa AOT batay sa batas. Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung magiging karapat-dapat ka man o hindi para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”
  • Paghahain ng Writ of Habeas Corpus
    • Kung naniniwala ka na ikaw ay maling napapasailalim sa AOT, maykarapatan kang maghain ng petisyon para sa isang writ of habeas corpus.19 Pagkatapos ay kailangan patunayan ng direktor ng AOT sa isang hukom na nananatili ka pa ring karapat-dapat at kailangan ng AOT batay sa batas. Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga kinakailangan ng batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”
  • Pagtatapos ng Kautusan ng AOT
    • Isa pang paraan na matatapos ang AOT ay kapag lumipas na ang bilang ng mga araw na inutos ng hukom sa iyo sa AOT.

Karagdagang Impormasyon

Kung kailangan mo pa ng impormasyon o may mga katanungan maaari mong:

  • Tanungin ang iyong abogado. May karapatan ka sa isang abogado kung hinilingan (nakapetisyon) ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol. Kailangan mo lang bayaran ang pampublikong tagapagtanggol kung mayroon kang pera.
  • Kontakin ang Patient’s Rigths Advocate ng iyong county. Para mahanap ang Patient’s Rights Advocate kung saan ka nakatira, (916) 504-5810 at humingi para sa iyong lokal na Patient’s Rights Advocate o mag-click sa link na ito: https://www.disabilityrightsca.org/post/patients-rights-advocacy-directory.
  • Tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

  • 1. WELF. & INST. CODE § 5345(b). Ang lahat ng seksyon ng code na binanggit sa ibaba ay mula sa Welfare and Institutions Code.
  • 2. § 5349.
  • 3. § 5346(b)(1)-(2).
  • 4. § 5346(b)(5).
  • 5. § 5346(d)(1).
  • 6. § 5346(c).
  • 7. § 5346(c).
  • 8. § 5346(a), (d).
  • 9. § 5346(d)(5)(B).
  • 10. § 5346(a).
  • 11. § 5346(a)(1)-(7).
  • 12. § 5346(a)(4)(A).
  • 13. § 5346(a)(4)(B).
  • 14. § 5346(d)(4)(A)-(I).
  • 15. § 5346(d)(1).
  • 16. § 5348(a)(2)(A)-(F).
  • 17. § 5346(f).
  • 18. § 5346(h).
  • 19. § 5346(i).