Pagtaas sa CalFresh

Pagtaas sa CalFresh
Mga kasalukuyang update para sa CalFresh program dahil sa Coronavirus.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ano ang mangyayari?
Kung kumuha ka ng CalFresh, makakakuha ka ng dagdag na pera. Ito ay isang Emergency na Paglalaan (EA, Emergency Allotment), sa Card ng Elektronikong Paglilipat ng Benepisyo (EBT, Electronic Benefit Transfer).
Kailan?
Makakatanggap ang mga tao ng 2 EA. Kung nakatanggap ang sambahayan mo ng CalFresh noong Marso, makakatanggap ka sa Abril 11. Kung nakatanggap ang sambahayan mo noong Abril, makakatanggap ka sa Mayo 10.
Bakit may ganito?
Noong Marso 18, 2020, naging batas ang Batas na Pamilya Muna dahil sa COVID-19 na virus.
Magkano?
Iba-iba ang halaga kada sambahayan. Maaari itong magbago kada buwan. Dapat makapagbigay ang EA ng pinakamataas na pinapayagang halaga kada sambahayan.
Ibawas sa iyong sambahayan ang halaga ng benepisyo sa CalFresh mula sa karaniwang benepisyong natatanggap ng isang tao. Ito ang halagang makukuha mo.
Halimbawa: Kung noong Marso at Abril, makakatanggap ka, at ang sambahayan na may 1 katao ng $100 na CalFresh. Makakakuha ang karaniwang sambahayan na may 1 katao ng $194. Makakatanggap ka ngayong Abril 11 ng $94 EA at $94 EA sa Mayo 10. Magbibigay ito sa iyo ng benepisyo na aabot ng $194.
Paano ito gagawin?
Kung kumuha ka ng CalFresh, wala kang dapat gawin. Ilalagay ang benepisyo sa EBT na account mo.
Kung kailangan mong mag-apply sa CalFresh, gawin mo ito kaagad! Sa paraang ito, makukuha mo ang dagdag na pera sa susunod na buwan.
Alam ba ng mga county ang kailangang gawin?
Magpapaskil ang Kagawaran para sa mga Tulong sa Mamamayan sa California (CDSS, California Department of Social Services) ng Sulat sa Lahat ng Direktor sa Kapakanan sa County sa: https://www.cdss.ca.gov/inforesources/letters-regulations/lettersand-notices/county-letters/2020
Mga Tanong at Sagot
T. Para lang ang tulong na ito sa mga sambahayan na hindi pa nakakakuha ng pinakamaraming benepisyo ng CalFresh. May makukuha ba ang mga sambahayang nakakakuha na ng pinakamaraming benepisyo?
S. Hindi. Sinubukan ng California na gawin ito, ngunit hindi pa ito nangyayari.
T. Makakakuha ba ng EA ang mga aplikante ng Calfresh kung hindi pa sila naaprubahan sa mga benepisyo?
S. Hindi. Ang naaprubahang sambahayan lang para sa benepisyo ng Calfresh ang makakatanggap ng mga EA sa Marso o Abril.
T. Ibabatay ba ang benepisyo ng EA sa kung gaano karaming tao ang nasa sambahayan ng aplikante ng CalFresh, kahit na hindi kwalipikado ang ilan para sa CalFresh?
S. Hindi. Mapapabilang lang ang mga miyembro ng sambahayang kwalipikado para sa mga benepisyo ng CalFresh kapag tinutukoy ang EA.
T. Makakatanggap ba ng EA ang mga taong tumatanggap ng Programa ng Tulong sa Pagkain sa California (CFAP, California Food Assistance Program)?
A. Oo, makakakuha sila ng bayad sa EA gamit ang mga pondo ng estado.
T. Makakatanggap ba ng EA ang mga tumatanggap ng Karagdagang Panseguridad na Income (SSI, Supplemental Security Income) na nakakakuha rin ng Mga Benepisyo para sa Karagdagang Benepisyo sa Nutrisyon (SNB, Supplemental Nutrition Benefits) o Mga Benepisyo para sa Pansamantalang Benepisyo sa Nutrisyon (TNB, Temporary Nutrition Benefits)?
A. Tanging ang mga tumatanggap ng SSI lang na nakakakuha ng CalFresh at SNB ang makakakuha ng EA. Ito ay dahil hindi makakakuha ng CalFresh ang mga tatanggap ng SSI na nakakakuha ng mga benepisyo ng TNB.
Higit pang impormasyon tungkol sa aming Adbokasiya para sa Pandemyang COVID-19:
Asosasyon ng mga Lagakan ng Pagkain sa California: www.cafoodbanks.org o makipag-ugnayan kay: Andrew Cheyne sa andrew@cafoodbanks.org o kay Becky Gershon sa becky@cafoodbanks.org
Mga Tagapagtaguyod ng mga Polisiya sa Pagkain sa California: www.cfpa.net o makipag-ugnayan kay: Jared Call sa jared@cfpa.net
Asosasyon ng mga Direktor sa Kapakanan sa County sa California:
www.cwda.org o makipag-ugnayan kay: Cathy Senderling-McDonald sa csend@cwda.org
Sentro sa Kanluran para sa Batas at Adbokasiya sa Kahirapan sa Pandemya:
www.wclp.org, o makipag-ugnayan kay Jessica Bartholow sa jbartholow@wclp.org.