Pagkakompidensiyal ng mga Rekord/Impormasyon sa Kalusugan ng Isip

Publications
#5029.08

Pagkakompidensiyal ng mga Rekord/Impormasyon sa Kalusugan ng Isip

Ang publikasyong ito ay sumasaklaw sa iyong mga legal na karapatan sa pagkapribado “pagkokompidensiyal”) ng iyong mga rekord at impormasyon sa kalusugan ng isip sa ilalim ng batas ng estado. Ito ay tumatalakay sa mga kalagayan kung saan ang iyong mga rekord at impormasyon sa kalusugan ng isip ay maaaring ibahahagi (o “ilabas”) nang mayroon o walang permiso mo.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang publikasyong ito ay sumasaklaw sa iyong mga legal na karapatan sa pagkapribado “pagkokompidensiyal”) ng iyong mga rekord at impormasyon sa kalusugan ng isip sa ilalim ng batas ng estado. Ito ay tumatalakay sa mga kalagayan kung saan ang iyong mga rekord at impormasyon sa kalusugan ng isip ay maaaring ibahahagi (o “ilabas”) nang mayroon o walang permiso mo.

Ang pagkapribado ng iyong mga rekord at impormasyon sa kalusugan ay isang masalimuot na lugar ng batas na napapailalim sa pareho ng pang-estado at pederal na mga batas at regulasyon. Ang publikasyong ito ay nagkakaloob lamang ng basikong impormasyong pambatas na nakapokus sa batas ng estado at hindi sumasaklaw sa lahat ng isyu sa pagkakompidensiyal. Mangyaring kontakin ang DRC o isang abogado para sa impormasyon tungkol sa iyong mga ispesipikong mga tanong o kalagayan.

A. Ano ang kahulugan ng pagpapanatiling kompidensyal sa mga rekord/impormasyon?

Kung tumatanggap ka ng mga serbisyong pangkalusugan (halimbawa, ikaw ay hindi boluntaryo o boluntaryong ginagamot sa isang ospital ng estado, sentro sa pagpapaunlad ng estado, ospital sa sakit sa isip ng county, pribadong institusyon, o programa sa kalusugan ng isip ng komunidad). Lahat ng impormasyon tungkol sa mga serbisyong natatanggap mo ay pribado at hindi mailalabas nang walang permiso mo. Ito ay nangangahulugan na, sa pangkalahatan, walang maaaring magbahagi ng anumang impormasyon tungkol sa iyong mga serbisyo o paggamot sa kalusugan ng isip kung wala ang iyong permiso.1 Gayunman, may ilang kalagayan kung kailan ang iyong impormasyon ay maaaring ibahagi nang wala ang iyong permiso. Ang mga kalagayang ito ay saklaw sa Seksyon C, sa ibaba.

B. Anu-ano ang mga rekord/impormasyon sa kalusugan ng isip na maaaring ilabas nang may permiso ko?

  1. Paglabas sa itinalagang tao: May karapatan kang pumili (o “magtalaga”) ng isang tao na maaari kang magbahagi ng impormasyon.2 Ang propesyonal na namamahala ng iyong pangangalaga ay dapat mag-apruba ng pagtatalagang ito.3 Gayunman, kahit na may permiso mo, ang impormasyon na pribadong ibinahagi ng iyong pamilya sa mga partikular na propesyonal, kabilang ang mga tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan at mga abogado, ay hindi maaring isiwalat.
  2. Paglabas sa iyong pamilya: Dapat kang magbigay ng permiso bago atasan ang isang pasilidad na isiwalat sa iyong pamilya ang iyong diyagnosis, prognosis, mga gamot na inireseta, at progreso.4 Ilalapat ang ibang mga tuntunin kung hindi mo kayang magbigay ng permiso o humiling na huwag ibahagi ang impormasyong ito.5
  3. Paglabas sa ibang mga kwalipikadong propesyonal: Ikaw (o ang iyong conservator) ay dapat magbigay ng permiso bago makapagbigay ang mga propesyonal na gumagamot sa iyo sa isang pasilidad ng iyong impormasyon sa ibang propesyonal na hindi nagtatrabaho sa pasilidad at hindi responsable sa iyong pangangalaga.6
  4. Paglabas sa Tagapagtaguyod ng mga Karapatan ng mga Pasyente ng County: Ikaw o ang iyong guardian ad litem ay dapat magbigay ng permiso bago iatas ang iyong impormasyon na ibahagi sa isang tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga pasyente ng county na tumutulong sa iyo.7 Maaari mong kanselahin ang iyong permiso kahit kailan.
  5. Paglabas sa abogado: Dapat kang magbigay ng permiso bago iatas na ibahagi ang iyong impormasyon sa iyong abogado. Gayunman, kahit na may permiso mo, ang impormasyon na ibinahagi ng iyong pamilya sa mga partikular na propesyonal, kabilang ang mga tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan at abogado, ay hindi maaaring isiwalat.8
  6. Paglabas sa posibleng mga employer: Kung ikaw ay nag-aaplay para sa trabaho, kapag hiniling mo, ang iyong impormasyon ay dapat ipadala sa isang kwalipikadong doktor o psychiatrist na kumakatawan sa employer. Gayunman, ang propesyonal na responsable sa iyong pangangalaga ay maaaring magpasya na ang paglalabas ng iyong impormasyon ay hindi makakabuti sa iyo. Sa ganoong kaso, dapat kang gumawa ng mga karagdagang hakbang upang salungatin ang desisyon ng propesyonal.9
  7. Paglabas sa tagapagpatupad ng batas: Kung ikaw ay nakakulong (o ikinulong) sa ilalim ng partikular na mga kategoryang penal commitment, at ang ospital ng estado ay nagtataglay ng iyong mga rekord, ang iyong impormasyon ay dapat ibahagi sa tagapagpatupad ng batas na nag-iimbistiga ng isang krimen, pero tangi kung nagbigay ka ng permiso.10 Tandaan na ang impormasyong ito ay dapat ibahagi sa tagapagpatupad ng batas, kahit na wala kang permiso, kung ito ay ipinag-utos ng korte.
  8. Paglabas sa opisyal ng probasyon: Kung ikaw ay ginagamot ng isang pasilidad, ang pasilidad ay maaaring magbahagi ng iyong impormasyon sa isang opisyal ng probasyon na responsable sa pagtaya sa iyo pagkatapos mahatulan sa isang krimen, pero tangi kung ikaw ay nagbigay ng permiso.11 Ito ay inilalapat lamang kung ipinasya ng pasilidad na kinalalagyan mo na ang impormasyon ay kaugnay ng pagtaya ng probasyon. Ang pasilidad ay hindi maaang magbahagi ng impormasyon na pribadong ibinahagi ng iyong pamilya. Ang impormasyong ito ay maaari lamang ilabas kapag ikaw ay sinentensiyahan para sa krimen. Ang impormasyong inilabas ay dapat panatilihing nakahiwalay mula saiyong ulat ng probasyon. Ang iyong impormasyon ay dapat manatiling kompidensiyal maliban kung para sa mga layunin ng pagsentensiya. Pagkatapos nito, ang impormasyon ay dapat sarhan.
  9. Paglabas sa tagaseguro: Dapat kang magbigay ng permiso bago maaaring ibahagi ang iyong impormasyon sa isang tagaseguro kapag nag-aplay ka para sa seguro o insurance para sa buhay o kapansanan.12
  10. Paglabas sa isang genetic counselor: Dapat kang magbigay ng permiso bago maaaring ibahagi ang iyong impormasyon sa isang propesyonal na, sa kahilingan ng iyong kadugong kamag-anak, ay nagkakaloob sa iyong kadugong kamag-anak ng pagpapayong henetiko.13 Ibang mga tuntunin ang inilalapat kung hindi ka tumugon sa isang paghiling ng permiso na ilabas ang iyong impormasyon.

C. Ano ang mga impormasyon sa kalusugan ng isip na maaaring ilabas nang walang permiso ko?

  1. Paglabas sa pamilya: Kung ikaw ay tinanggap sa isang pasilidad para sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip maaaring sabihin ng pasilidad sa iyong pamilya na ikaw ay nasa pasilidad (maliban kung ipinagbabawal ng pederal na batas) kung hindi mo magawang ipahayag na ang impormasyong ito ay hindi maaaring ibahagi sa pamilya.14 Katulad nito, kung ang iyong pamilya ay humiling nito, at hindi mo ipinahayag na ang impormasyon ay hindi maaaring ibahagi, ang pasilidad ay dapat magbigay ng paunawa sa iyong pamilya tungkol sa iyong paglabas, paglipat, seryosong sakit, pinsala, o pagkamatay.15
  2. Paglabas sa itinalagang mga tao – impormasyon tungkol sa plano pagkatapos ng pangangalaga: May mga partikular na pasilidad ng panloob na pasyente na dapar magkaloob sa iyo at sa iyong legal na kinatawan (o ibang tao na pipiliin mo) ng impormasyon tungkol sa plano pagkatapos ng pangangalaga kapag ikaw ay pinalabas mula sa pasilidad, kahit na walang permiso mo.16
  3. Paglabas sa mga rekord ng menor/conservatee sa ibang mga tao: Ang iyong impormasyon ay dapat ibahagi kahit na walang permiso mo, kung ikaw ay isang menor o conservatee, at ang magulang, legal guardian ad litem, o conservator ay nagtalaga sa sulat ng mga tao na maaaring ibahagi ang iyong impormasyon.17 Gayunman, ang impormasyon na pribadong ibinahagi ng iyong pamilya sa mga partikular na propesyonal at abogado, ay hindi maaaring isiwalat.
  4. Paglabas sa panahon ng mga pamamaraan sa conservatorship: Ang iyong impormasyon ay maaaring ibahagi nang walang permiso mo sa mga komunikasyon sa pagitan ng mga kwalipikadong propesyonal sa panahon ng mga pamamaraan sa onservatorship.18 Gayunman, ang mga propesyonal na nagbabahagi at tumatanggap ng impormasyon ay dapat na nagtatrabaho sa kaparehong pasilidad o dapat na responsable sa iyong pangangalaga.
  5. Paglabas sa tagapagpatupad ng batas – seryosong panganib sa maaaring maging biktima: Ang iyong impormasyon ay maaaring ibahagi nang walang permiso kung ang iyong therapist ay naniniwala na ikaw ay nagpapakita ng seryosong panganib ng karahasan sa isang malamang na (“makatwirang maaasahang maging”) biktima. Ang iyong impormasyon ay maaaring ilabas sa posibleng (mga) biktima, tagapagpatupad ng batas, at mga ahensiya ng kapakanan ng bata ng county gaya ng kailangan upang protektahan ang posibleng (mga) biktima.19
  6. Paglabas sa tagapagpatupad ng batas – post-5150 o -5250 holds: Ang limitadong impormasyon ay dapat ilabas, kahit walang permiso mo, sa tagapagpatupad ng batas na naglagay sa iyo sa isang 72-hour hold (5150) o isang 14-day treatment hold (5250) sa sandaling ikaw ay ilabas mula sa hold, pero tangi kung ang tagapagpatupad ng batas ay humiling ng paunawa.20
  7. Paglabas sa tagapagpatupad ng batas – kodigo penal na commitment: Sa ilang kalagayan, ang limitadong impormasyon ay dapat ilabas sa tagapagpatupad ng batas, kahit na walang permiso mo, kung ikaw ay nasa isang pasilidad sa ilalim ng partikular na kodigo penal na commitment at inililipat, sa ilalim ng imbestigasyong pangkrimen, o tumakas mula sa isang pasilidad.21
  8. Paglabas sa tagapagpatupad ng batas – mga arrest warrant: Dapat ipagbigay-alam ng pasilidad sa tagapagpatupad ng batas kung ikaw ay kasalukuyang nasa pasilidad, kahit na walang permiso mo, kapag ang tagapagpatupad ng batas ay nagbigay sa pamilya ng isang arrest warrant na nagpapakita na ikaw ay hinahanap para sa isang seryoso o marahas na felony.22
  9. Paglabas sa tagapagpatupad ng batas – biktima ng isang krimen: Ang iyong impormasyon ay maaaring ilabas nang walang permiso mo sa tagapagpatupad ng batas kung ikaw ay isang taong may “sakit sa isip” o kapansanan sa pag-unlad at may naniniwala na ikaw ay isang biktima ng krimen.23
  10. Paglabas sa tagapagpatupad ng batas – mga krimen laban sa tao: Ang iyong impormasyon ay dapat ibigay sa tagapagpatupad ng batas kahit walang permiso mo, kung ang pasilidad o tagapagkaloob ng kalusugan ay naniniwala na ikaw ay nakagawa, o naging isang biktima, ng mga partikular na krimen habang nasa ospital. Ang mga inilabas na impormasyon ay dapat na limitado sa mga bagay na kaugnay ng sinasabing krimen.24
  11. Paglabas sa tagapagpatupad ng batas – pagprotekta sa inihalal na mga opisyal na ayon sa konstitusyon: Ang iyong impormasyon ay dapat ibigay sa tagapagpatupad ng batas, kahit walang permiso, kapag kailangan upang protektahan ang pederal o pang-estadong inihalal na opisyal ayon sa konstitusyon at ang kanilang mga pamilya.25
  12. Paglabas sa awtoridad sa kabataan at ahensiya ng pagwawasto sa nasa hustong gulang: Ang iyong impormasyon ay dapat ibigay sa Awtoridad sa Kabataan at Ahensiya ng Pagwawasto sa Nasa Hustong Gulang, kahit na walang permiso mo, gaya ng kailangan sa pangangasiwa ng hustisya..26
  13. Paglabas na may kaugnayan sa pag-abuso: Ang iyong impormasyon ay maaaring ibahagi nang walang permiso mo upang pigilan, imbestigahan, o tugunan ang pag-abuso sa bata, nakatatanda, at nakadepende.27 Ang mga sakit na may kaugnayan sa pagkawala ng malay ay maaari ring ilabas.28 Ang mga kaugnay na impormasyon lamang ang maaaring ilabas.29
  14. Paglabas sa pangkat ng pagsusuri ng karahasan sa tahanan, pagkamatay ng bata o nakatatanda: Ang iyong impormasyon ay maaaring ibahagi nang walang permiso mo sa isang pangkat ng pagsusuri sa pagkamatay na kaugnay ng karahasan sa tahanan30, pangkat sa pagsusuri ng pagkamatay ng bata31, o pangkat ng pagsusuri ng pagkamatay ng nakatatanda.32
  15. Paglabas sa mga korte: Ang iyong impormasyon ay dapat ibahagi sa mga korte gaya ng kailangan sa pangangasiwa ng hustisya, kahit na walang permiso mo.33
  16. Paglabas sa mga entidad na nauukol sa pagkakait ng mga karapatan: Ang impormasyon tungkol sa pagkakait ng iyong mga karapatan {pero hindi ang iyong pagkakakilanlan) ay dapat ilabas, kahit na walang permiso mo, sa iyong conservator o guardian, sa direktor ng lokal na kalusugan ng isip, sa lehislatura ng estado, sa Opisina sa mga Karapatan ng Pasyente ng California, o mga tagapagtaguyod ng mga karapatan ng pasyente ng county kung hiniling.34
  17. Paglabas sa Disability Rights California: Sa mga partikular na kalagayan, ang iyong impormasyon ay dapat ilabas kahit walang permiso mo, sa Disability Rights California para sa proteksyon at pagtataguyod ng mga karapatan ng mga indibidwal na may kapansanan.35
  18. Paglabas sa mga tauhan ng paglilisensiya – inspeksyon at paglilisensiya ng mga pasilidad: Ang iyong impormasyon ay maaaring ilabas, kahit na walang permiso mo, sa Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan o sa Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan upang matiyak na ang mga pasilidad ay sumusunod sa mga iniaatas na tuntunin. Ang impormasyon ay magagamit sa mga partikular na pagdinig at pamamaraang panghukuman pero maaari lamang ilabas sa hukom at sa mga partido at dapat panatilihing pribado kapag natapos na ang bagay.36
  19. Paglabas sa mga tauhan ng paglilisensiya – posibleng mga paglabag sa pagliliseniya: Ang iyong impormasyon ay maaaring ibahagi nang walang permiso mo sa isang lupon ng paglilisensiya para sa mga propesyonal sa kalusugan ng isip kapag ang Direktor ng mga Ospital ng Estado ay naniniwala na ang isang paglabag ay nangyari. Hindi maaaring isama sa impormasyon ang iyong pangalan at dapat sarhan pagkatapos gumawa ang lupon ng desisyon sa paglabag.37
  20. Paglabas upang gumawa ng claim: Ang iyong impormasyon ay dapat ibahagi, kahit na walang permiso mo, upang iproseso ang isang claim para sa tulong, seguro o tulong na medikal para sa benepisyo, pero kung kailangan lamang upang gawin ang claim na iyon.38
  21. Paglabas pagkatapos ng pagkawala: Kung ikaw ay isang boluntaryong pasyente (pero nakakatugon pa rin sa mga pamantayan para sa hindi boluntaryong hold sa kalusugan ng isip) at umalis sa isang pasilidad nang walang paunawa, ang iyong pamilya at tagapagpatupad ng batas ay maaaring bigyan ng paunawa ng iyong pagkawala, kahit na walang permiso mo. Kung ikaw ay isang hindi boluntaryong pasyente sa ilalim ng isang conservatorship sa kalusugan ng isip at umalis sa isang pasilidad nang walang paunawa, ang korte at tagapagpatupad ng batas ay dapat bigyan ng paunawa ng iyong pagkawala, kahit walang permiso mo.39
  22. Paglabas sa medical examiner o coroner: Kung ikaw ay namatay sa isang ospital ng estado o ibang pasilidad ng kalusugan ng asal, ang iyong impormasyon ay dapat ibahagi sa medical examiner o coroner kapag hiniling.40 Ang impormasyong ito ay hindi dapat isiwalat kung walang utos ng korte o ibang awtorisasyon.41
  23. Paglabas sa Lehislatra: Ang iyong impormasyon ay dapat ibahagi, kahit na walang permiso mo, sa mga Komite sa mga Tuntunin ng Senado o Asembleya para sa pambatasang imbetigasyon.42
  24. Paglabas para sa pagtiyak ng kalidad: Ang iyong impormasyon ay dapat ibahagi, kahit na walang permiso mo, sa isang komite ng pagtiyak ng kalidad na itinatag ng Kagawaran ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan ng California.43
  25. Paglabas sa Direktor ng mga Ospital ng Estado: Ang iyong impormasyon ay maaaring ibahagi nang walang permiso mo sa Direktor ng mga Ospital ng Estado para sa mga datos na pang-estadistika.44
  26. Paglabas sa Kalhim ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao: Ang iyong impormasyon ay dapat ibahagi, kahit walang permiso mo, sa Kalihim ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao kapag kailangan upang pagpasyahan ang pagsunod saHealth Insurance Portability and Accountability Act (HIPAA).45
  27. Paglabas para sa pananaliksik: Ang iyong impormasyon ay dapat ibahagi para sa pananaliksik, kahit na walang permiso mo, pero tangi kung ang Direktor ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan, Direktor ng mga Ospital ng Estado, at Direktor ng mga Serbisyong Panlipunan, o Direktor ng mga Serbisyong Pagpapaunlad ay nagtatatag ng mga tuntunin para sa pananaliksik at ang angkop na lupon ay nagsuri muna ng pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay dapat magsikap na kunin muna ang iyong may-kaalamang pahintulot. Dapat din silang pumirma sa isang panunumpa na sumasang-ayon na huwag ilabas ang iyong impormasyon sa hindi awtorisadong mga tao at dapat panatilihing pribado ang iyong pagkakakilanlan.46

D. Ano ang kahulugan ng nakasulat na pahintulot ng awtorisasyon?

Sa pangkalahatan, ikaw (o ang iyong magulang, guardian, o conservator) ay dapat pumirma sa isang form upang ipahintulot (“iawtorisa”) ang pagbahagi ng iyong impormasyon tuwing ang impormasyon ay inilalabas.47 Anumang paggamit ng form ay dapat itala sa iyong rekord na medikal. Dapat kabilang dito:

  • Ang layunin ng paggamit ng impormasyon;
  • Ang ispesipikong impormasyon na ilalabas;
  • Ang pangalan ng ahensiya o indibidwal na paglalabasan ng impormasyon; at
  • Ang pangalan ng ahensiya o taong pinahihintulutanig maglabas ng iyong impormasyon.48

Ang form ay dapat ding magsabi sa iyo ng tungkol sa iyong karapatang kanselahin ang awtorisasyon.49 Dapat ka ring tumanggap ng kopya ng pinirmahang form ng pahintulot.50

E. Mayroon bang mga nakahiwalay na iniaatas para sa pagpapalabas ng tala tungkol sa psychotherapy?

Oo. May ilang eksepsyon, ang mga tala ng psychotherapy ay mailalabas lamang kung ispesipikong ipinahintulot mo ito sa nakahiwalay na form.51

F. Kung ang mga rekord/impormasyon ay inilabas, ano ang dapat gawin ng tagapagkaloob?

Ang tagapagkaloob ay dapat magdokumento ng paglabas sa iyong rekord na medikal. Dapat kasama sa dokumentasyon:

  • Ang petsa at kalagayan na ipinagkakaloob ang impormasyon;
  • Ang mga pangalan ng tao o ahensiya na tumanggap ng impormasyon; at
  • Ang impormasyon na isiniwalat.52

G. Ano ang maaari kong gawin kung may isang ta ong labag sa batas na nagbahagi ng aking kompidensiyal na impormasyon tungkol sa kalusugan?

Maaari kang magsampa ng aksyong sibil laban sa isang tao na sadya at may kaalaman na naglabas ng iyong kompidensiyal na impormasyon o mga rekord.53 Ang multa ay $10,000 o tatlong beses ng iyong aktuwal na mga pinsala, alinman ang mas malaki. Maaari ka ring magdala ng aksyon laban sa isang taong sa kapabayaan ay naglabas ng iyong kompidensiyal na impormasyon o mga rekord. Ang multa para doon ay $1,000 at ang halaga ng iyong mga aktuwal na pinsala. Panghuli, maaari kang magdala ng aksyon upang patigilin ang isang tao sa paglabas ng iyong impormasyon o mga rekord. Ikaw ay maaaring karapat-dapat sa mga gastos sa korte at makatwirang mga bayad sa abogado.

Maari ka ring magharap ng reklamong pampangasiwaan sa ilalim ng HIPAA.54 Ang mga entidad ay maaaring multahan para sa mga paglabag sa HIPAA 55 Gayon din, ang isang tao ay maaaring maparusahan dahil sa krimen na pagkakaalam sa mga paglabag.56

  • 1. Tingnan ang Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.
  • 2. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(2).
  • 3. Ang batas ay naglilinaw sa propesyonal na dapat mag-apruba ng iyong designasyon bilang isang doktor at siruhano, lisensiyadong psychologist, manggagawang panlipunan na may digring master sa gawaing panlipunan, lisensiyadong therapist sa pag-aasawa at pamilya, o lisensiyadong propesyonal na tagapayong pangklinika na namamahala ng iyong pangangalaga. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(2).
  • 4. Cal. Welf & Inst. Code § 5328.1(a)-(b).
  • 5. Cal. Welf & Inst. Code § 5328.1(a)-(b).
  • 6. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(1)(A).
  • 7. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(13).
  • 8. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(10).
  • 9. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.9.
  • 10. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.01(a).
  • 11. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(11).
  • 12. Cal. Welf & Inst. Code § 5328(a)(9).
  • 13. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(17).
  • 14. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.1(a).
  • 15. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.1(b)
  • 16. Cal. Health & Safety Code § 1262; Cal. Welf. & Inst. Code §§ 5622, 5768.5.
  • 17. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(4)(A).
  • 18. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(1)(A).
  • 19. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(18).
  • 20. Cal. Welf. & Inst. Code §§ 5152.1, 5250.1, 5328(a)(16).
  • 21. Cal. Welf. & Inst. Code §§ 5328.2, 5328.3, 5328.01, 7325.5. Tingnan din ang Cal. Penal Code § 4536(b), 1370.5(b).
  • 22. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(20)(A).
  • 23. Cal. Welf. & Inst. Code § 5004.5(a).
  • 24. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.4.
  • 25. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(7).
  • 26. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.02.
  • 27. Cal. Welf. & Inst. Code §§ 5328(a)(12)(A), 5328(a)(21), 5328.5,15633, 18951; Cal. Penal Code §§ 11165-11174; tingnan din ang 65 Ops. Cal. Atty. Gen. 345 (1982); People v. Stritzinger, 34 Cal. 3d 505 (1983).
  • 28. Cal. Health & Safety Code § 103900; 17 Cal. Code of Regs. § 2810.
  • 29. Cal. Welf. & Inst. Code §§ 5328.5,15633; Cal. Penal Code §§ 11165-11174; Cal. Health & Safety Code § 103900; 17 Cal. Code of Regs. § 2810.
  • 30. Cal. Penal Code § 11163.3(g)(1)(B).
  • 31. Cal. Penal Code § 11174.32(e)(2)(B).
  • 32. Cal. Penal Code § 11174.8(b)(3)(B).
  • 33. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(6).
  • 34. Cal. Welf. & Inst. Code § 5326.1.
  • 35. Cal. Welf. & Inst. Code §§ 5328.06, 4903. Tingnan ang DRC Publication #5031 (Jan. 1, 2020): Buod ng Awtoridad ng Disability Rights California sa Ilalim ng Pang-estado at Pederal na Batas.
  • 36. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.15(a).
  • 37. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.15(b).
  • 38. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(3).
  • 39. Cal. Welf. & Inst. Code §§ 5328.3(a)-(b), 7325, 7325.5.
  • 40. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.8.
  • 41. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.8; Cal. Civil Code § 56.11.
  • 42. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(8).
  • 43. Cal. Welf. & Inst. Code §§ 5328(a)(14), 14725
  • 44. Cal. Welf. & Inst. Code § 5329.
  • 45. 45 C.F.R. §164.502(a)(2)(ii).
  • 46. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328(a)(5).
  • 47. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.7.
  • 48. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.7; 45 C.F.R. § 164.508(c)(1).
  • 49. 45 C.F.R. §§ 164.508(c)(2)(i), 164.508(c)(4).
  • 50. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.7; 45 C.F.R. 164.508(c)(4).
  • 51. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.04(h); 45 C.F.R. §§ 164.501, 164.508(a)(2).
  • 52. Cal. Welf. & Inst. Code § 5328.6.
  • 53. Cal. Welf. & Inst. Code § 5330.
  • 54. 45 C.F.R. § 160.306.
  • 55. 45 C.F.R. § 160.404(b).
  • 56. 42 U.S.C. § 1320d-6.