Assisted Outpatient Treatment (AOT): Sino ang Maaaring Mautusan sa AOT

Publications
#7175.08

Assisted Outpatient Treatment (AOT): Sino ang Maaaring Mautusan sa AOT

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa kung sino ang maaaring mautusan sa AOT batay sa batas.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang Assisted Outpatient Treatment, tinatawag din bilang AOT, ay utos ng korte na outpatient na panggagamot para sa mga tao na may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip.  

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa kung sino ang maaaring mautusan sa AOT batay sa batas.

May karapatan ka sa isang abogado kung hihilingan ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, maaari mong hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

Para maging karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, dapat malaman ng hukom sa pagdinig na ang lahat ng kinakailangan ay napatunayan nang malinaw at kapani-paniwalang ebidensya.1 Ang ibig sabihin ng “malinaw at kapani-paniwala” ay nalaman ng hukom na ito ay mas malamang na tunay kaysa hindi na natutugunan mo ang lahat ng kinakailangan para maging karapat-dapat para sa AOT.

Para sa impormasyon tungkol sa petisyon at mga hakbang para gawin ng county para hilingan ang korte na utusan ka sa AOT, basahin ang lathalang tinatawag na “How You are Ordered to AOT.”

Mga Legal na Kinakailangan para sa AOT

Kung matutugunan mo ang lahat ng sumusunod na pamantayan, maaari kang utusan ng hukom sa AOT:2

1.  Hindi ka bababa sa 18 taong gulang.

2.  Mayroon kang malalang diperensya hinggil sa pag-iisip.

Maaari kang makipag-usap sa iyong Patients’ Rights Advocate o iyong abogado, kung mayroon ka, para maunawaan kung natutugunan mo o hindi ang mga legal na kinakailangan sa pagkakaroon ng malalang diperensya hinggil sa pag-iisip. Malalaman mo kung paanong kontakin ang iyong Patients’ Rights Advocate sa ilalim ng “Additional Information” sa hulihan ng lathalang ito.

  • Sinasabi ng batas na mayroon kang “malalang diperensya hinggil sa pag-iisip” kung ang lahat ng bagay ay totoo:
    • Mayroon kang diperensya hinggil sa pag-iisip na pinakabagong bersyon ng Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM).3 Ito’y higit na malamang nangangahulugan ng diyagnosis ng isang diperensya hinggil sa pag-iisip mula sa isang provider ng paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip. And DSM ay isang manwal na ginagamit para ilarawan at tukuyin ang mga diperensya hinggil sa pag-iisip;
    • Dahil sa diperensya hinggil sa pag-iisip, mayroon kang halatang-halatang mga kahinaan sa paggana o mga sintomas, o isang history na nagpapakita na mayroon kang napipintong panganib ng paglala para magkaroon ng halatang-halatang mga kahinaan o sintomas;4 AT
      • Ang ibig sabihin ng “kahinaan sa paggana” ay halatang-halatang may kahinaan dahil sa diperensya hinggil sa pag-iisip sa mga larangan ng malayang pamumuhay, mga kaugnayang panglipunan, pagkakaroon ng trabaho, o pag-aalaga sa iyong pisikal na kundisyon.5
      • Ang ibig sabihin ng “napipinto” na halatang-halatang mga kahinaan ay malamang na mangyayari sa napakadaling panahon.
    • Malamang ay magiging sobra kang may kapansanan na kailangan ng pampublikong tulong, mga serbisyo, o mga pagpapatala gaya ng mga benepisyo ng kalusugan at kapakanan.6

3.  Nagkaroon na ng desisyon, batay sa isang pangklinikang opinyon, na alin mang isa sa sumusunod na mga bagay ay totoo:

  • Ikaw ay malamang na hindi ligtas na mabubuhay sa komunidad nang walang pangangasiwa (tulad ng AOT) at lumalala ang iyong kundisyon hinggil sa pag-iisip; O
  • Kailangan mo ng AOT para maiwasan ang pagkabinat o paglala ng iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip na grabe kang mapaparalisa (hindi makapag-aalaga para sa iyong mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, pananamit, at silungan), o maging mapanganib ka sa iyong sarili o iba.

4.  Hindi mo sinunod dati ang iyong plano para sa paggagamot para sa iyong kapansanan sa kalusugan hinggil sa pag-iisip. Totoo ito ng alin man sa sumusunod na mga bagay ay nangyari:

  • Dalawang beses sa loob nang huling 3 taon (36 na buwan) ang kapansan ng iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip ang naging pangunahing dahilan kung bakit ka naospital, o nakakuha ng tulong sa isang yunit ng kalusugan hinggil sa pag-iisip ng isang kulungan ng estado o lokal na piitan.7
    • Hindi ito nabibilang kung ito ay bago humiling ang county para (mapetisyon) mautusan ka sa AOT.
    • Ang mahalaga ay kailangang mayroong dalawang pagkakakulong sa loob nang huling tatlong taon.
    • Maaari itong mangahulugan na sa loob nang huling tatlong taon, naospital ka para sa paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip nang dalawang beses.
    • Maaari din itong mangahulugan na pumasok ka sa piitan o kulungan nang dalawang beses sa huling tatlong taon at ibinahay sa isang espesyal na yunit ng kalusugan hinggil sa pag-iisip.
    • O, maaari itong mangahulugan na naospital ka para sa paggagamot sa kalusugan hinggil sa pag-iisip nang minsan saka naibahay sa isang yunit ng kalusugan hinggil sa pag-iisip sa piiitan o kulungan nang minsan sa huling tatlong taon.
  • Dahil sa kapansanan ng iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip, naging lubhang marahas ka sa iyong sarili o sa iba.8
    • Hindi ito nabibilang kung bago humingi ang county para (mapetisyon) mautusan ka sa AOT.
    • Ang gawain ay kailangang maging malala at marahas. Kaya, kung ang gawain ay malala, ngunit hindi marahas, kung gayon ay hindi ito mabibilang.
    • Kailangan itong nangyari sa loob nang huling 4 na taon.
    • Ang pagbabanta o pagtatangka ng malala at marahas na gawain ay nabibilang.
    • Kung ito ay malala at marahas na gawain laban sa ari-arian lamang, hindi ito nabibilang.

5.  Binigyan ka ng county ng pagkakataon na magkaroon ng boluntaryong paggagamot, ngunit hindi ka lumahok sa paggagamot.  

  • Mabibilang lang ang pagkakataong ibinigay na paggagamot upang lumahok kung ang plano ng paggagamot ay mayroon lahat ng parehong paggagamot tulad ng AOT. Kung hindi, hindi ka bingyan ng county ng pagkakataon na kusang lumahok sa paggagamot.
  • Para sa impormasyon sa kung anong kailangan para sa paggagamot ng AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Treatment Rights in AOT”.

6.  Ang AOT ay ang pinakalilimitahang paggagamot habang sinisiguro pa rin na bumubuti at panatag ang iyong kalusugan hinggil sa pag-iisip.

  • Ang ibig sabihin ng “hindi pinakalilimitahan” na ang antas ng pangangalaga na ito na pinapayagan ka nang mas malaya sa iyong kasalukuyang kundisyon.

7.  Ito’y malamang na mabebenipisyuhan ka sa AOT.

Pagsusuri ng isang Lisensyadong Provider ng Paggagamot ng Kalusugan Hinggil sa Pag-iisip

  • Para matulungan ang hukom na gumawa ng desisyon tungkol sa kung ang lahat ng kinakailangan para sa AOT ay lalapat sa iyo, kailangang masuri ka ng isang lisensyadong provider ng paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip.9 Kailangan din nilang sabihin sa petisyon kung bakit ang lahat ng kinakailangan para sa AOT ay totoo para sa iyo.10 Kailangan din nilang magsalita (tumestigo) sa pagdinig ng AOT.11 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pagdinig ng AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Your Rights if the County is Asking for AOT and AOT Hearings.”
  • Kung hindi mo pahihintulutan ang lisensyadong provider ng paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip na suriin ka, maaari ka pa rin ipetisyon ng county sa AOT.12
  • Pagkatapos maibigay ang petisyon sa korte, maaaring ilagay ka ng korte nang laban sa iyong kagustuhan sa isang ospital para sa pagsusuri kung hindi mo pahihintulutan ang provider para suriin ka. Hindi ka maaaring manatili sa ospital nang laban sa kagustuhan mo nang higit sa 72 oras.13

Ang Desisyon ng Hukom

Kung malaman ng hukom na ang lahat ng kinakailangan ay totoo sa pamamagitan ng malinaw at kapani-paniwalang ebidensya, maaari ka nilang utusan sa AOT nang hanggang 6 na buwan.14 Ang ibig sabihin ng “malinaw at kapani-paniwala” ay dapat malaman ng hukom na ito ay mas malamang na tunay kaysa hindi na natutugunan mo ang lahat ng kinakailangan para maging karapat-dapat para sa AOT.

  • May karapatan kang iapela ang desisyon ng hukom. Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paanong mag-apela dapat mong kontakin ang iyong abogado.
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung ano ang iyong mga karapatan sa paggagamot habang ikaw ay nasa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Your Treatment Rights While in AOT”.
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paanong matatapos ang AOT pagkatapos kang mautusan sa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “How AOT Ends.”

Karagdagang Impormasyon

Kung kailangan mo pa ng impormasyon o may mga katanungan maaari mong:

  • Tanungin ang iyong abogado. May karapatan ka sa isang abogado kung hinilingan (nakapetisyon) ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol. Kailangan mo lang bayaran ang pampublikong tagapagtanggol kung mayroon kang pera.
  • Kontakin ang Patient’s Rigths Advocate ng iyong county. Para mahanap ang Patient’s Rights Advocate kung saan ka nakatira, (916) 504-5810 at humingi para sa iyong lokal na Patient’s Rights Advocate o mag-click sa link na ito: https://www.disabilityrightsca.org/post/patients-rights-advocacy-directory.
  • Tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.

  • 1. WELF. & INST. CODE § 5346(a). Ang lahat ng seksyon ng code na binanggit sa ibaba ay mula sa Welfare and Institutions Code.
  • 2. § 5346(a)(1)-(7).
  • 3. § 5600.3(b)(3)(A).
  • 4. § 5600.3(b)(3)(B)(i).
  • 5. § 5600.3(b)(3)(B)(ii).
  • 6. § 5600.3(b)(3)(C).
  • 7. § 5346(a)(4)(A).
  • 8. § 5346(a)(4)(B).
  • 9. § 5346 (b)(5)(A).
  • 10. § 5346 (b)(5)(A).
  • 11. § 5346 (d)(2).
  • 12. § 5346(b)(5)(B).
  • 13. § 5346 (d)(3).
  • 14. § 5346(d)(5)(B).